NAKAPANGALUMBABA sa mesa ang tatlong kasambahay at kusinera habang nangangarap na pinagmamasdan si Lantis na nakatayo sa harap ng lababo. Iyon ang eksenang nabungaran ni Rinoa pagbaba niya sa kusina pagkatapos niyang ihinto ang pag-a-update ng mga bagong breeds ng bulaklak sa Internet. Hindi siya makapag-concentrate nang husto sa ginagawa dahil iniisip niyang nasa tabi-tabi lang ang lalaking laging laman ng kanyang isip nitong mga nakaraang araw.
“Lantis, ano’ng ginagawa mo?”
Lumingon ang lalaki, puro bula ang mga kamay na may hawak na pinggan. Kung hindi siya nagkakamali, iyon ang ginamit nila kanina nang sabay silang mag-agahan.
“Naghuhugas ng pinggan,” natutuwa pa nitong sagot. “Madali lang pala `to.”
“Hindi mo trabaho `yan. Bisita ka rito at hindi ka dapat nagtatrabaho.” Pinandilatan muna ni Rinoa ang mga nagngingitiang kasambahay na halatang sinadyang huwag makialam sa ginagawa ni Lantis sa harap ng lababo.
“I’m your boyfriend. Kaya hindi na siguro ito bago sa akin sa tuwing dinadalaw kita rito.”
Kokontra sana si Rinoa pero nagpigil siya. Nangako na siyang hindi na bibigyan pa ng isipin si Lantis na makakasagabal sa normal na pagbabalik ng memorya nito.
“Just leave it there. Hindi mo trabaho `yan.” Bumaling siya sa mga kasambahay. “At kayo naman, bakit n’yo hinahayaang magtrabaho sa kusina ang bisita natin?”
“Hinawakan niya ang mga kamay ko, Ate,” sagot ni Chel, isa sa tatlong dalagang kasambahay. “At para akong lumutang sa hangin nang ngitian niya ako.”
“Sabi rin niya, hindi lang daw mga babae ang dapat na marunong sa kusina,” sang-ayon ni Marie. “Ang guwapo talaga niya sa personal, Ate. Mas guwapo pa siya kaysa mga picture niya sa Philippine Stats.”
Noon lang napansin ni Rinoa ang mga magazine sa ibabaw ng mesa. Kung gano’n, nakilala na ng mga ito kung sino si Lantis, at naging instant victims na rin ng karisma ng binata.
“Kung hindi mo lang siya boyfriend, Ate, pakakasalan ko na `yan. As in now na.” Si Ines ang nagsalita. “Wala na akong pakialam kung araw-araw, eh, hindi niya maalala kung sino ako sa buhay niya. Ipapaalala ko rin sa kanya araw-araw. Sweet ko, `di ba?”
“`Landi mo kamo,” biro ng isa. Nagtawanan ang mga kasambahay at impit na nagtititili.
Hinayaan na lang ni Rinoa ang mga ito dahil natatawa rin siya. Bahala na si Aling Thelma na magsermon sa inyo mamaya. Si Aling Thelma ang may-edad na kusinera.
“Magandang lalaki nga talaga siya, Rinoa. Bagay na bagay kayo.”
“Aling Thelma!” Ang inaasahang natitirang matino sa grupo, hayun at wala na ring ligtas sa karisma ng isang Lantis Nakago.
“Tigilan na nga natin `to,” saway na ni Rinoa. “Lantis, iwan mo na `yan at hayaan nang sina Marie ang magtapos niyan. Hindi ka pa dapat nagkikikilos at kailangan mo pa ng pahinga—” Impit din siyang napatili nang bigla na lang ipahid ni Lantis ang kumpol ng bula sa kanyang ilong. “Ano ba—”
“Easy ka lang, sweetie. Masyado kang high blood, eh.”
“Anong high blood?” Pinahid niya ang mga bula sa ilong pero nilagyan lang uli iyon ni Lantis. “Isa pa—”
“Okay.”
Napatili na naman siya, saka lumayo. “Tigilan mo na sabi `yan, eh.”
“You look so good with bubbles.”
“Ah, gano’n?” Inilublob ni Rinoa ang isang kamay sa lababo na punong-puno ng bula at iwinisik iyon kay Lantis.
Hindi yata akalain ng lalaki na gaganti siya kaya hindi agad nakailag. Daig pa tuloy nito ang nalublob sa bula. Tinanggal nito ang mga nakakumpol na bula sa mga mata at magkabilang pisngi, saka malakas na tumawa.
“Ho! Ho! Ho! Merry Christmas!”
Huli na para makaiwas siya. He had wrapped his arms around her and felt his lips brush against hers.
NANATILI si Rinoa sa terrace pagkatapos ng nangyari sa kusina. Hanggang ngayon, nararamdaman pa rin niya ang pag-iinit ng mga pisngi tuwing maaalala ang halik ni Lantis. Parang sa isang iglap, nagbalik ang mga alaala nang gabing una siyang halikan ni Lantis sa labas ng flower shop nila. Parang ang tagal na nang mag-decide siyang kalimutan na lang ang lahat ng magagandang alaala niya sa lalaki.
Tinitigan ni Rinoa ang bagong breed ng bulaklak na naka-display sa screen ng laptop. She sighed as her last attempt to concentrate on her work just faded away. Iba na kasi ang tuluyang nag-occupy sa kanyang isip.
Hindi niya matanggap na sa loob lang ng isang araw, naglahong parang bula ang pinaghirapan niyang paglimot kay Lantis. With just one look at his smiling chinky eyes, cute smile, and face like a baby, everything was forgotten.
Naputol lang sa pagmumuni-muni si Rinoa nang marinig ang ingay ng nagpupukpok sa bandang likuran ng bahay. Siguro ginagawa na ng mga tauhan niya ang nasirang bakod. Sumilip siya para tingnan ang progress ng mga ito, pero hindi niya inaasahan ang nakita.
Lantis himself was the one fixing the old fence, without a shirt on! His great body was covered with sweat and it rippled as he maneuvered the hammer with powerful strength. Kaya hindi na kataka-takang gaya rin ng reaksiyon ng mga kasambahay sa kusina ang reaksiyon ng mga babaeng tauhan sa flower farm habang pinagmamasdan si Lantis na magtrabaho. Gusto sanang sigawan ni Rinoa ang mga tauhan para tigilan ang pagnanasa sa binata, pero baka magmukha lang siyang… possessive. Eh, wala namang “sila,” `di ba?
“`Kainis.”
Hindi sinasadyang napatingin sa kanya si Lantis. And when he saw her, he smiled and waved at her.
“Lantis, naman, eh… ” reklamo ni Rinoa sa hangin. “Don’t do this, please. You’re making me fall for you again, you handsome creep.”
Tumalikod na si Rinoa, dinampot ang laptop, at umakyat na papunta sa sariling kuwarto. Maghapon siyang nagkulong doon. Hindi siya lumabas hangga’t hindi naikokondisyon ang sarili na iwasang i-entertain ang mga nararamdaman niya kay Lantis. Pero sa huli, sumuko na rin siya. Sumakit lang kasi ang ulo niya sa ginagawa.
Gabi na nang mag-decide siyang lumabas ng kuwarto. Papunta na siya sa kusina para kumain nang marinig niya ang malamyos na tunog ng gitara. Sinundan niya ang pinagmumulan niyon at nagulat nang makitang nag-iisa sa front porch si Lantis habang tumutugtog. Lalayo na sana siya nang maisip na baka kung ano na ang nangyari kay Lantis nang halos kalahating araw siyang nagkulong sa kuwarto.
She was supposed to take care of him, for Pete’s sake!
“Hi,” bati ni Rinoa. Naiilang pa nga siya pero nag-aalala naman sa naging kalagayan ni Lantis nang mga nagdaang oras. “Kumusta na ang pakiramdam mo?”
Humarap si Lantis, yakap pa rin ang gitara. “Mabuti na ngayong nakita na kita.”
“Kumikirot ba ang sugat mo?”
“Sugat ko? Saan?”
Mukhang nakalimutan na naman ni Lantis ang tungkol sa injury nito. She touched the bandage on his head. “Mukha namang maayos ang lagay mo. Kumain ka na ba?”
“Busog pa ako. Marami-rami din ang nakain ko kanina.”
“Gano’n ba… ” Mamaya na lang siya kakain kung gano’n. “Marunong ka palang maggitara.”
“I love playing musical instruments. Nare-relax kasi ako kapag nakakarinig ako ng music.” He strummed the guitar. “I just don’t remember how or when I learned it.”
“Hayaan mo na. Ang importante, marunong ka nang tumugtog.” Rinoa watched the slow and graceful movements of Lantis’ fingers. “Mukhang madali lang naman pala.”
“You want to learn how to play this?”
“Bakit? May naturuan ka na ba?”
“Well, I taught myself. And I love me.” Ngumisi pa si Lantis. “So, that’s probably a good sign that I can teach you, too.”
“Right.” He still had his sense of humor even though he had lost most of his memories. “Tell me something about yourself.”
“Something like?”
“Anything that pops in your mind.”
“Bakit?”
“Dahil… dahil marami pa akong hindi alam tungkol sa `yo.” And she needed to know if he had some improvements already.
“Para sa isang girlfriend, ikaw na yata ang pinaka-weird.”
“Hindi nga sabi… hay naku. Never mind na nga lang.” Ilang beses mang ipaalala kay Lantis ang lahat, nang paulit-ulit, makakalimutan at makakalimutan pa rin nito ang mga iyon.
Pero medyo curious din siya.
Ano nga kaya kung… patulan niya ang imaginary relationship nila?
“Let’s see... I’m thirty years old. But you probably knew that already. I love playing musical instruments, as you can see. I like having small talks with you.”
“Small talks?”
Tumango si Lantis. “Pakiramdam ko kasi, matalino ako kapag ikaw ang kausap ko.”
“Teka lang. Ang ibig mong sabihin, bobo ako kaya kapag kausap mo ako, eh, feeling mo genius ka na, gano’n?”
“Kung saan-saan na naman pumupunta ang isip mo. Hindi `yan ang ibig kong sabihin. What I mean is, gusto kitang kausap dahil habang tumatagal kitang kasama, pakiramdam ko, dumadami ang mga naaalala ko.”
“Naaalala.” Dumadami ang naaalala ni Lantis habang magkasama sila. “Gaya ng… ?”
Tumingala ito sa maliwanag na kalangitan. “Gaya ng kung gaano kaganda ang buwan sa gabi. I can’t remember when was the last time I looked up at the sky at night and marveled at its beauty. But when I look at the bright moon, I remember your bright smile. When I see those flowers, I remember how beautiful you are.”
“`Kay.” Kinikilig ba siya? What the heck! “Hindi ko alam na makata ka pala.”
“Oo. Lalo na kapag bilog ang buwan.”
“At komedyante rin.”
“Bilog ang buwan.”
“Ganern, ganern!”
Buhay na buhay ang tawa ni Lantis. And it felt so good hearing him laugh again, seeing him laugh, and laughing with him.
Nang huminto sa pagtawa ang lalaki, ikinawit ni Rinoa ang kamay sa braso ni Lantis at humilig sa balikat nito.
Kahit sandali lang… kahit ngayon lang, Lantis…
“So… what’s this all about?” pabiro nitong tanong. “May tawag dito, eh. Tantsing? Nantsing… ?”
“Tsansing.”
“Ah. Nananantsing.”
“At boyfriend kita kaya okay lang na tsansingan kita. Hindi mo ba naaalala `yon?”
“Kunsabagay.” Ibinaba ni Lantis ang gitara at niyakap nang mahigpit si Rinoa. “Mas gusto ko na yatang ikaw ang naglalambing kaysa ako ang lumalambing sa `yo.”
“Keep quiet.”
Hindi alam ni Rinoa kung gaano sila katagal sa ganoong ayos. Basta siya, kontentong nakasandal sa mga bisig ni Lantis habang pinagmamasdan ang ekta-ektaryang lupain ng mga bulaklak sa harap nila. Binibigyan ng kakaiba at misteryosong dating ng liwanag ng buwan ang kapaligiran. With her in his arms, she could stay this way forever.
Isang pangako ang napagpasyahan niya. Mula ngayong gabi, hahayaan niya ang sariling maging masaya sa piling ni Lantis, kahit sa sandaling panahon lang.
“Ahm, Rinoa, tonight is really fascinating. But can you tell me why we’re out here in the cold?”
Kahit every thirty minutes lang sa loob ng dalawa o tatlong araw, sabi niya sa isip. Hinigpitan niya ang pagkakakapit sa braso ni Lantis. “Still cold?”
“Hmm...” She heard him sigh. “Not anymore.”