T AHIMIK lang na pinagmamasdan ni Avon si Ken habang nakikipag-usap ito sa dalawang lalaking magkamukhang-magkamukha sa di-kalayuan.
“I can’t believe you really did it, Avon,” sambit ni Miles. Kasama itong dumating ng mga lalaking iyon pati na rin ang isa pang babaeng una na niyang nakilala sa bar ng kaibigan bilang si Faye. “Akala ko hindi mo papatulan ang kalokohang pustahan na iyon.”
“Hanga ako sa `yo, Avon,” sabi ni Faye. “Natagalan mo si Ken. Nang kidnap-in ko si Rex, idinispatsa ko na siya agad.”
“Kung gano’n, bakit hanggang ngayon, magkasama pa rin kayo?” Si Miles uli. “At magkasintahan pa.”
Nakita niyang namula si Faye at sumilay ang magandang ngiti sa mga labi nito. “What can I say? Rex couldn’t resist my charms.”
“Paano mo ginawa `yon?”
Nagkaroon na rin siya ng interes na makinig sa isasagot nito kay Miles. Pero natawa na lang si Faye.
“Mukhang kayo man ay nabiktima na ng matitinding karisma ng mga billionaire boys na iyon, ha?”
“Hindi, ah,” tanggi agad ni Miles. “Gusto ko lang malaman kung paano mo nahuli ang isa sa dakilang playboy ng ikalawang batch ng BBC.”
“Eh, ikaw, Avon?” baling ni Faye sa kanya. “Itatanggi mo rin bang nahumaling ka na kay Ken?”
“No.”
Napalingon na rin sa kanya si Miles bago binalingan si Faye. “Paano mo nalaman?”
“Let’s just say na naranasan ko na rin ang nararanasang kaguluhan ngayon ni Avon.”
“Talaga, Avon? You’re in love with Kenshin Arboleda?”
“Yes.” Muli niyang tinanaw ang kinaroroonan ng tanging lalaking gumising sa kanyang pusong naging bato na dahil sa propesyon at pinagdaanan sa buhay.
“Alam na ba niya?”
“Hindi na niya kailangang malaman. Magkaiba kami ng mundo.”
“Just like me and Rex. Pero masaya naman kami ngayong magkasama kami.”
“We don’t have the same fate, Faye. Maaaring nag-work out sa inyo ni Rex ang lahat. Pero hindi sa amin ni Ken.” Habang patuloy na pinagmamasdan ang lalaki ay mas nabubuo ang matibay niyang pasya. “Ngayong alam na niya ang dapat at gusto niyang gawin sa buhay, ayokong makasagabal para matupad niya iyon. And anyway, wala rin naman akong maitutulong sa kanya kung sakali. He already has everything. Hindi na niya ako kailangan.”
“Paano ka nakakasiguro na hindi ka na nga niya kailangan?”
“I just know.”
“What if you’re wrong?”
Nagkibit na lang si Avon ng mga balikat. “It still wouldn’t change the fact that we’re living in different worlds. Kontento na ako sa gano’n. He doesn’t have to love me back.” Nang magsasalita pa ang mga ito ay ngumiti na lang siya. Pero kahit siya ay nararamdaman na hindi umabot sa kanyang mga mata ang ngiting iyon. “Don’t worry about me. I’ve lived twenty-eight years of my life without a guy beside me. I can live without it for twenty-eight years more.”
“`Yon na nga, eh.” Si Miles. “You finally had a life aside from your work and then… oh, I hate this.”
“Yeah,” segunda ni Faye. “But at least she had her chance. And it would have been awful if she had gone through her life not knowing what it was all about.”
Alam niya ang ipinahihiwatig ni Faye. Pero gaya na rin ng sinabi nito, at least she had her chance. Pabalik na sa kanila ang tatlong lalaki nang tumunog ang cell phone niya. She answered it while watching Ken walk towards her. Pero sa huli ay siya na rin ang umiwas. Lumayo siya kina Miles at Faye.
“Ramirez, this is Gen. Dominguez.”
“Yes, Sir.” Ang commanding officer niya iyon. “Bakit ho kayo napatawag?”
“I’m reinstating you to your post.”
“Sir?”
“Your team wants you back. They wouldn’t work their ass off unless you get command. Your team’s the best in the field and I don’t want any more problems bombarding my office. Get your butt in here as soon as possible.”
“Yes, Sir.”
Iyon na ang pinakahihintay na pagkakataon ni Avon. Ang muling makabalik sa serbisyo. Pero bakit parang wala nang dating sa kanya ang lahat ng iyon? Nang muling balingan ang pinanggalingan ni Ken, nakita niyang nakatayo na ito sa harap niya ngayon. Ah, this is the reason why, Avon. He was the reason.
“Mag-usap muna tayo sandali bago kami umalis, Avon,” sabi nito.
She felt a lump in her throat when she saw the chopper getting ready to take off. Mawawala na rin ano mang sandali si Ken.
“Avon, please.”
Sinenyasan lang niya itong may kausap pa siya sa telepono kahit ang totoo ay pinatay na ni Gen. Dominguez ang linya pagkatapos niyang sumagot kanina. Nagpanggap na lang siyang abala pa sa pakikipag-usap para maiwasan na ang huling komprontasyon nila ni Ken. If he was leaving, then he should just leave. Napansin na rin niyang malakas na itong tinatawag ng mga kasama sa chopper. Ken started to become uneasy. Pinanindigan niya ang pagpapanggap. Hanggang sa mapilitan na rin si Ken na tumakbo na sa helicopter.
“Good-bye, Ken.”
Habang pinagmamasdan ang papalayong chopper ay nakita pa ni Avon na nakatanaw ito sa kanya mula sa bintana. And she felt her heart go out to him.
“Kung ako sa `yo, Avon,” wika ni Miles. “Binigyan mo man lang sana siya ng isa pang chance bago kayo nagkahiwalay.”
“I know. But I prefer not to.” Ibinaba na niya ang cell phone at hinarap ito. “Ikaw ba ang nagdala sa kanila dito?”
Dati silang magkapitbahay ni Miles bago nagpasya ang pamilya nitong lumipat sa Maynila at doon na manirahan.
“Nang magbiruan tayo tungkol sa pustahan, nandoon pala ang kakambal ni Rex na si Rath. Narinig niya ang lahat. Kaya nang mawala si Rex, ako ang nilapitan niya. When he told me about it, nagbaka-sakali lang kaming nandito nga kayo kung sakaling itinuloy mo ang biruan natin.”
It was unsual for her bubbly friend to have this kind of sadness in her voice. Even Miles’ eyes didn’t have that same glow she had the last time she was with her. Mukhang hindi lang simpleng paghahatid ang nangyari sa pagitan nito at ng isa sa magkakambal na lalaki.
“Is it safe to say that we have the same problem?” Hindi ito sumagot. She took that as a yes . “Who’s the guy?”
“One of the twins,” sagot nito.
“KEN, ARE you with us?”
Ken stopped fumbling with his pen and looked at the faces of four men he was having a powerhouse meeting with. Lantis waited for his answer, Silvanus looked the same, Rath looked distracted, and Vincent looked bored.
Halos dalawang linggo na rin ang nakakalipas mula nang makabalik si Ken at agad niyang inasikaso ang lahat. Nagkaroon siya ng press conference with the media para pormal na i-announce ang pagre-retire niya sa showbiz. Sa tingin niya ay iyon na yata ang pinakamalaking balitang sumabog sa mundo ng entertainment. Laging may mga photographers na nakabuntot sa kanya na mukhang hindi pa rin nakaka-get over sa naging desisyon niya. Pero nagawan naman nila ng paraan ang mga paparazzi na iyon nang bigyan siya ni Lantis ng mga bodyguard.
Pagkatapos ay inasikaso naman ni Ken ang pag-aaral ng mga negosyong inilipat na sa kanya ng pinsan. Doon niya ibinuhos ang lahat ng oras at panahon. Nakatulong din ang pag-alalay ni Lantis pati na rin ang suporta ng mga kasosyo sa negosyo ng mga magulang niya noong nabubuhay pa ang mga ito.
Kaya ngayon ay kaharap ni Ken sa conference room ng hotel na iyon ang ilan sa mga pinakamalalaking negosyante sa bansa. Lantis was introducing him to them as the new director and president of AG International. But during the course of their meeting, bigla na lang nilipad pabalik sa maliit na baryong iyon sa Tarlac ang kanyang isip. At sa seryoso pero napakagandang mukha ng babaeng nagtataglay ng pinakamatamis na halik na natikman niya.
“Yeah,” sagot niya. “I’m with you.”
“Kung gano’n, alam mong bumaba ng five percent ang stock ng AGI for the last couple of months.”
“Really? I mean… yeah, I know.”
Napabuntong-hininga na lang si Lantis, napailing naman si Silvanus. Rath still looked a bit spaced out, Vincent still looked bored when he picked up the paper he was doodling with.
“Avon Ramirez,” basa nito sa nakasulat doon. “Ngayon alam ko na kung sino ang sisisihin ko kapag bumaba pa ng isang porsiyento sa susunod na buwan ang stock ng AGI.”
Hinablot niya rito ang papel. “Huwag mong pakialaman ang mga bagay na walang kinalaman sa negosyo natin, Noblejas.”
“If you haven’t noticed it yet, Arboleda, she has become a part of this business.” He leaned back on his seat. “She already ruined this meeting.”
“She did not.”
“Ken,” singit ni Silvanus. “He’s right. Kung wala ka sa mood makipag-usap sa amin ngayon, sana sinabi mo agad. Okay lang naman kung sa ibang araw na lang natin ituloy itong meeting.”
“No…” Napabuntong-hininga na lang siya. “Look, I’m sorry. I just got a little sidetracked. Bumalik na lang uli tayo sa pinag-uusapan natin.”
“Huwag mong pilitin ang sarili mo kung talagang hindi ka na makapag-concentrate, Ken.” Nakangiti na si Lantis. “Gayahin mo itong si Rath. Hindi pumalya sa pakikipag-conference niya sa hangin.”
Tumawa lang ito at si Silvanus nang sa wakas ay tila ma-distract nga si Rath sa pagmumuni-muni nito.
Vincent loosened up his tie and picked up his cell phone that he’d been eyeing for a while. “Actually, I’m a little bored as well. Excuse me. I’m just gonna call my girlfriend.”
“Your girlfriend?” tanong ni Ken. Saka niya naalala nang minsang makita itong kumakain ng fish ball sa gilid ng highway kasama ang isang babae. “You mean, girlfriend mo na si Xeena?”
“Fianc é e,” pagtatama nito. “At kung hindi ako nagkakamali, malapit na ring ikasal itong si Silva sa pinsan niyang si Hevn.”
Tumawa lang ang tinutukoy nito. “May balak ka pa yatang palitan sa trono niya si Dunkey, ha, Vincent?”
“I wouldn’t even dream of it, if I were you,” wika ni Lantis. “Siyanga pala, Rath—”
“We need food here,” sansala nito. “Dalawa na pala ang ikakasal sa inyo, hindi pa kayo nagsasalita.”
Napalitan na ng biruan ang kaninang ultra serious na pagpupulong nila. At sa unang pagkakataon mula nang bumalik si Ken sa nakatakda niyang buhay, ngayon lang siya parang nakahinga nang maluwag. And looking at these men as they joked around, na-realize niyang hindi naman pala puro negosyo lang ang nasa utak ng mga business giants na ito. Being a billionaire boy wasn’t that bad at all.
Ilang sandali ay may sumungaw na isa pang pamilyar na mukha sa pinto ng conference room.
“Vash Illustre,” sabi ni Silva. “Naligaw ka?”
“Not really. May contract signing kami ni Rex sa kabilang conference room. Ang problema, mukhang naligaw na naman ng landas ang kapatid mong iyon, Rath.”
“Lilitaw din iyon eventually.”
“Join us, Vash,” yaya niya. “Sine-celebrate namin ang engagement nina Silva at Vincent.”
“Hey, count me in.” Pumasok na rin ito at inabutan niya ng canned beer na kao-order lang. “Dapat pala sumabay na rin ako sa celebration ninyo ngayon. I also just got engaged.”
“All right!”
Saka naman sumulpot si Rex. “Vash, what the heck are you doing here? Kung saan-saan ka pa sumusuot.”
“Ikaw diyan ang naligaw na naman.”
“Of course not.” Ito man ay naki-join na rin sa kanila. “Well, since you’re all here, I would like to announce my engagement to Faye Valentine.”
“Okay.” Tumayo na si Lantis. “Now, four of the new batch of the billionaire boys are engaged…” Nilingon siya nito pagkatapos. “Kung gano’n, ano pa ang ginagawa ng mga single na ito dito?”
“Palayasin!”
Pero tahimik lang na nanatili sa kinauupuan nito si Rath. Siya ang hindi nakatiis.
“Kanina ko pa talaga balak na umalis dito kung alam ko lang ang gagawin ko sa babaeng iyon.”
“You mean the girl who kidnapped you?”
“She didn’t kidnap me.”
“Okay. Pero mukhang hostage pa rin ng babaeng iyon ang puso mo hanggang ngayon.”
“Ang baduy mo, pare,” sabi niya kay Rex.
“At least I have my girl. Eh, ikaw?”
“Eh, ang kakambal mo?”
“Rath is dumb.” Tinapunan si Rex ng masamang tingin ng kakambal nito. “Just like you.”
“I’m not dumb,” giit ni Ken.
“Oh yeah? Then why are you still here?”
“Because she doesn’t want me.” Natahimik ang lahat. At parang lalo pang lumala ang nararamdaman niyang depression sa pananahimik ng mga ito. “Nang huli kaming magkita, ni hindi man lang niya ako binigyan ng pagkakataong makapagpaalam nang maayos sa kanya. She just… pushed me away.”
“Idiot,” sambit ni Rath na ngayon lang nagsalita. “You’re a billionaire boy. Who wouldn’t want you?”
Nagkibit lang siya ng mga balikat. “Avon Ramirez.”
“Avon Ramirez? First Lt. Avon Ramirez?”
“Kilala mo siya?” Masama na ang tingin niya kay Rath. “Paano mo siya nakilala?”
“She’s been in the newspapers lately,” sagot ni Lantis. “Pinarangalan kasi siya sa pagkakaligtas niya sa isang Chinese businessman about three weeks ago.”
“Ah, oo,” segunda ni Vash. “Nabasa ko nga rin ang tungkol sa kanya. She’s one heck of a lady. Paano mo napasuko ang kasintapang n’on?”
“I didn’t.” Muli ay nabaling sa kanya ang atensiyon ng lahat. “In fact, it’s the other way around. Ako ang napasuko niya.”
“That’s not what I observed the last time we saw her.” Si Rath uli. “She likes you, man. You just didn’t try too hard to get her.”
“What do you mean?”
“Nahalikan mo na ba siya?”
“Yeah, so?”
“Did you tell her you love her?”
“No, but—”
“Oh, you idiot!” sabay-sabay na sabi ng mga ito.
“Hey,” reklamo ni Ken. “Kung kayo kaya ang nasa posisyon ko, magagawa n’yo bang magtapat sa kanya habang may kausap siya sa telepono at umuugong ang chopper sa likuran ninyo?”
“Yes!”
Ang sarap talagang sipain ng mga ito. Dahil kahit saang anggulo tingnan ni Ken, lumalabas na may katwiran ang mga ito.
“Damn it!” sambit na lang niya. Kung hindi lang siya nag-aalalang masaktan, baka sarili na lang niya ang sinipa.
Kinuha ni Rath ang cell phone ni Vincent at inihagis iyon sa kanya. Pagkatapos ay cell phone naman nito ang hinugot sa bulsa ng pantalon nito.
“I’m calling her CO,” sabi ni Rath. “You call… anyone. To help you.”
Tinitigan lang ni Ken ang cell phone. Ilang segundo lang siyang nag-isip at nag-umpisa na ring magpipindot ng mga numero.