“B AKIT ka nandito?” tanong ni Ken kay Avon. “Gabi na at mahamog dito. Makakasama `yon sa `yo.”
“Nagpapalipas lang ng oras.” She gladly accepted his presence. Tutal naman, handa na rin siyang tanggapin ang lahat ng mga nangyayari sa kanya na may kinalaman dito. “Maghapon na kasi akong nagpapahinga. Sumasakit na ang likod ko. Ikaw, bakit gising ka pa?”
“Erratic ang schedule ng katawan ko sa pagtulog dahil sa trabaho ko. Sa ngayon, gusto ng katawan kong manatiling gising.” Naupo si Ken sa tabi niya sa baitang ng hagdan ng bahay. “How’s your wound? Sumasakit pa ba?”
“The pain comes and goes.” Look at that calm feeling. Mas mainam talaga ang makipagbati sa mga tao imbes na makipag-away. Lalo na kung ang taong iyon ay nariyan na sa iyong tabi at magkasama kayong nakatanaw sa malawak na kalangitan na punong-puno ng mga bituin.
“Alam kong nakuha mo ang pinsalang iyan sa trabaho mo,” mayamaya ay sabi nito. “Minsan ba, pumasok sa isip mo na magpalit ng propesyon?”
“No. I like being a cop.”
“Why?”
“It makes me feel tough.”
“Tough? For what?”
Avon sighed. It had been a while since she talked about her family to anyone. Kunsabagay, kahit naman may nagtatanong ay hindi rin siya gaanong nagkukuwento. Ayaw kasi niyang maghalo ang personal at propesyunal niyang buhay. But with Ken, kahit ilang araw pa lang itong nakikilala, parang normal na sa kanya ang magkuwento.
“Maagang namatay si Tatay at kinailangan ng pamilya namin ng isang matapang na magtataguyod sa kanila. Ako ang panganay kaya nasa akin ang responsibilidad na iyon.”
“Kung gano’n, ikaw ang tumayong tatay sa inyo.”
“I had to. Hindi naman kami gaanong naghirap sa pagkawala ni Tatay dahil malaki-laki rin ang naipundar nila ni Nanay noon. Pero kinailangan pa rin ng pamilya namin ng matatag na masasandalan at ako lang ang puwedeng gumabay sa kanila.”
“So, you became a cop.”
“Oo.”
“Ang suwerte ng pamilya mo sa `yo. Meron silang anak at ate na imbes na takbuhan ang responsibilidad ay buong puso pa iyong tinanggap.” He leaned backward and stared at the sky full of stars. “Hindi katulad ko.”
Habang pinagmamasdan si Ken ay napatunayan ni Avon na tama pala ang nauna niyang obserbasyon. May nagbago na nga rito. The arrogant jerk that she first met transformed into a man who didn’t seem that tough at all. Parang sa buong panahon na nakasama niya si Ken ay umaarte lang ito na mayabang. Pero ngayon, naging unassuming ang hitsura nito at para bang kapag inasar niya ay hindi ito lalaban. Nakakapagtaka. When he started talking though, naintindihan niya.
“Naiinggit ako sa `yo, Avon. You have less of the things that I have in life and yet you still know what to do. Matapang ka. Samantalang ako, hanggang ngayon ay tumatakbo pa rin sa responsibilidad ko sa pamilya ko.” He watched the sky for a moment before continuing. “Alam mo ba kung bakit sa kabila ng pagtataboy mo sa akin ay nanatili ako dito sa inyo? Kung bakit kahit wala kayong malambot na kama, aircon, at shower ay hindi pa rin ako umaalis? Dahil ayokong harapin ang mga responsibilidad ko sa buhay na naghihintay sa akin sa Maynila.”
He was stripping off his mask and giving her full access to his feelings. Lalo siyang nagkaroon ng dahilan kung bakit nahulog ang loob niya sa lalaki. Dahil sa kanya ito nagtiwala at sinabi ang mga personal na nararamdaman.
“Ililipat na sa akin ni Lantis ang lahat ng mga negosyong iniwan ng mga magulang ko. And… I don’t know what to do.” He heaved a deep sigh. “I’m used to having other people work for me. To think for me. Taking over my parents’ business empire scares the hell out of me. I’m not like my cousin Lantis. Kahit maaga rin siyang naulila sa buhay, he grew up knowing what he would become and he loved it. Samantalang ako, noong bata pa ako ay ni hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng salitang ‘trabaho.’ I was an only child kaya na-spoil ako nang husto ng mga magulang ko. Inampon si Lantis ng mga magulang ko at sa kanya man ay na-spoil din ako nang tumayo siyang older brother ko.
“Nang sabay na mamatay sa isang aksidente ang mga magulang ko, I was lost and I didn’t know what to do. I was seventeen then. Lantis was nineteen. Pero sa kabila ng halos hindi pagkakalayo ng edad namin, siya pa rin ang nag-alaga sa akin pati na rin sa iniwang negosyo ng mga magulang ko. He was forced to grow up so he could take care of everything. Gusto ko ring magtrabaho para tulungan siya kaya nga nag-aral ako ng Business Management. Ang kaso, wala talaga akong alam tungkol sa pagtatrabaho.”
“You’re an actor. That’s work.”
“Easy work,” pagtatama nito.
“You think it’s easy? Ilang oras ka bang nagme-memorize ng script mo para sa isang pelikula? Ilang oras ka ba natutulog kapag nagshu-shooting kayo? O mas tamang itanong kung natutulog ka pa ba? Kung hindi ako nagkakamali, commercial model ka rin. You know what hard work means, Ken. You have trophies to prove that. You just weren’t ready to take on the full responsibility of your parents’ legacy.”
“Siguro nga.” Napabuntong-hininga ito. “I just don’t want to disappoint Lantis, I guess. Marami na siyang nagawa para sa akin.”
“Kung gano’n, gawin mo ang lahat para hindi siya ma-disappoint.”
“What if I fail?”
“Would you want to fail?”
“No.”
“Then don’t.”
Nang hindi sumagot si Ken ay inaasahan na iyon ni Avon. Dahil kung meron mang magandang connotation ang pagiging egoistic, si Ken ang best example niyon. He hated failing. Kaya kung sakaling subukan nito ang kakayahan sa negosyo, siguradong magtatagumpay rin ito.
“Matigas pa sa sungay ng kalabaw ang ulo mo, Ken. I know you can do it.”
Ilang minuto rin silang hindi nagkaimikan at nanatili lang na parehong nakamasid sa kalangitan. Nagkaroon tuloy si Avon ng pagkakataong purihin ang sarili. Ken confided in her his deepest, most secret fears. Nakakatuwang isipin na pagkatapos ng lahat ng bangayan nila at pag-iinitan, darating ang ganoong pagkakataon sa kanila. Na magkakasundo sila. At mamahalin niya ito. Ang pinakamahalaga sa lahat, tanggap niyang maaaring hindi kayang tumbasan ni Ken ang kanyang damdamin. Kunsabagay, matagal na rin namang alam ni Avon na hindi siya maaaring mahalin ng kahit na sinong lalaki. Dahil masyado siyang independent at matapang. Walang matinong lalaki ang makakatanggap sa malakas niyang personalidad na iyon. Masaya na siya dahil kahit paano, naramdaman niya kung paano magmahal. Kontento na siya sa mga masasayang alaala na kasama si Ken.
“Halos tatlong araw ka na dito sa amin,” mayamaya ay wika niya. “Wala ka pa rin bang balak umuwi? Baka hinahanap ka na sa inyo.”
Bilang sagot ay inilabas ni Ken ang isang cell phone. “Natawagan ko na ang manager ko at sekretarya unang araw ko pa lang dito. Sinabi kong nagso-soul searching ako at ayaw ko ng istorbo. Magagaling naman ang mga iyon kaya sila na ang bahalang gumawa ng iba pang supporting alibis para hindi lumaki ang isyu ng biglaan kong pagkawala. Bahala na silang mag-reschedule ng lahat ng commitments ko sa showbiz man o sa negosyo.”
“Okay ka rin, ha? Talagang pinagplanuhan mo ito nang husto.”
Bahagya lang itong natawa. “Kapag nalaman ni Lantis itong ginawa ko, siguradong sesermunan ako n’on.”
“You didn’t tell him?”
“He was out of the country for a while. Ko-contact-in naman ako n’on pagbalik niya.”
“Your phone is off.”
“Low batt lang `yan. `Yong manager ko na lang siguro ang ko-contact-in niya kung sakali. Avon?” Nilingon niya si Ken. He was still staring at the sky. “Kapag nai-take over ko na ang mga kompanya ng mga magulang ko, sa akin ka na lang magtrabaho.”
“Bakit?”
“Nag-aalala ang pamilya mo para sa `yo. Lalo na nang malaman nila ang sugat mong iyan sa balikat.”
“They’ll get over it. And anyway, suspended naman ako ngayon kaya wala nang dahilan pa para mangamba sila sa trabaho ko.”
“Suspended ka?”
“Don’t get your hopes high. Isang buwan lang naman iyon.”
“Then the more reason you should just work for me. Pangako, kaunti lang ang ibibigay kong trabaho sa `yo. Hindi ka mahihirapan at maluwag din ang magiging oras mo para may time ka sa sarili mo.”
“Ken.”
“What?”
“Hindi iyon ang buhay na alam ko.”
“Dahil ba hindi mo maipapakita sa mga tao at sa pamilya mo na matatag ka at matapang?”
“That isn’t really your concern, Ken.”
“No.” Umayos na ito ng upo at tinitigan siya. “But I’m concerned about you. I don’t want to see another bullet wound on you. Not even a scratch.”
Halos mabingi na si Avon sa lakas ng tibok ng kanyang puso. Bakit nito sinasabi ang mga bagay na iyon? At bakit ganoon na lang ka-intense ang mga mata ni Ken habang nakatitig sa kanya? Nang unti-unting lumapit ang mukha nito sa kanya ay hindi na siya lumayo. She just closed her eyes and waited for his lips to touch hers. Hindi naman siya nabigo. And it was more than what she had expected a kiss should be.
Ken made her feel things she never thought she would ever feel in her entire life. He made her feel how it was like to be a woman again. Because in his arms, with his kisses, she felt all those wonderful things she only imagined when she was still a young girl.
Kaya pala tuwing makakasama ni Avon ang lalaki ay nagkakaroon ng kung anong kakaibang kaba sa kanyang dibdib. Dahil ang pinaghirapan niyang katapangan ay nasisira sa isang sulyap lang nito. Dahil sa isang ngiti lang ni Ken ay nakakalimutan niya ang mga pinaniniwalaang prinsipyo. Maaaring ayos nga lang sa kanya na hindi na maranasan pa ang magmahal. Pero mas okay pala ang maramdaman mo ang lahat ng nararamdaman ng isang nagmamahal. Lalo na ang matikman ang tamis ng mga halik na iyon.
Lalo na ang tamis ng mga halik ni Kenshin Arboleda.
He was gently brushing her cheek when the kiss finally ended. His face was just a few inches away from hers, their breaths mingling.
“I’m speechless,” halos pabulong nitong sabi. “I mean… wow.”
“Obviously, you’re not.”
“Hmm.”
Napangiti lang si Avon nang muling marinig ang single syllable sound na iyon na lagi niyang napapansin sa lalaki. “When you’re murmuring like that, I always find myself wanting to hear it again.”
“Talaga?”
“Yeah.”
“Don’t worry. Maririnig mo pa rin ang bedroom voice kong iyon pagbalik natin ng Maynila.”
Natigilan siya. With the mere mention of where it all started for them, unti-unti nang humupa ang matinding damdamin niya dala ng halik nito. Oo nga pala. Bakit nga ba nawala sa isip niya ang buhay nila na ano mang oras ay kakailanganin na nilang balikan?
“Avon?”
Lumayo na siya at pinagmasdan ang guwapong mukha ni Ken. “In all my life, hindi ko akalaing maririnig ko ang pangalan ko na binabanggit nang gano’n kalambing gaya ng pagkakabigkas mo.”
“It’s one of my many wondrous talents.” He gave her his sweetest, most charming smile that she knew women would die to see. “Gabi na masyado. Ang mabuti pa, bumalik ka na sa kuwarto mo.”
Tapos na rin kung ganoon ang munting sandaling iyon para sa kanila. Hindi magtatampo si Avon sa tadhana. It had been the most wonderful evening of her life. No sweet promises. Just a simple gesture that assured her he felt the same. Malungkot pero sapat na iyon sa kanya.
Tumayo na siya para bumalik sa kanyang kuwarto nang hawakan ni Ken ang kanyang kamay.
“I’m not very good with words, Avon.” He then gazed up at her. “Sana maintindihan mo ako.”
Maintindihan na wala itong maipapangako sa kanya? “Of course. Matulog ka na rin, Ken.”
“Dito na muna siguro ako sandali.”
“Okay.” Bago pumasok sa kanyang silid ay muli niyang sinulyapan ang lalaki. Nakaupo pa rin ito sa may hagdan at parang kay lalim ng iniisip.
Thanks for everything, Ken. Thanks for a wonderful night.