noveltoon logo noveltoon
Ken Arboleda (The Billionaire Boys Club 11)

Chapter 2

Ch. 2 / 10 Nov 28, 2025

“Y OU’RE gonna pay for this.”

“Paresibuhan mo, babayaran kita.” Katatapos lang itala ng desk officer sa presintong iyon ang ini-report na aksidente ni Avon. Pero hindi ibig sabihin na tapos na rin si Ken sa mga litanya nito. Hindi siguro talaga ito sanay na nadedehado, lalo na ng isang babae.

Well, too bad for him.

“Hintayin na lang natin ang abogado ko para maayos na ang gusot na ito.”

“Ikaw lang naman ang panggulo sa katahimikan dito.” Binalingan ni Avon ang desk officer. “Bahala ka na diyan, Sanchez.”

“Areglado, Lieutenant.”

“Where do you think you’re going?” tanong ni Ken nang sundan siya pagkagaling sa front desk.

“My. Home.”

“You can’t leave me here.”

“Believe me, I can.”

Pero bago pa man siya makaisang hakbang palayo ay napigilan na siya ni Ken sa braso. Reflex took over her but he was much faster and was able to dodge her advances easily. Sa nangyari ay nabaling tuloy sa kanila ang atensiyon ng mga tao sa presintong iyon. Kasama na ang mga reporter at photographers na kasalukuyang kumukuha ng mga ibabalita para sa mga early morning news.

“Hindi ba’t si Kenshin Arboleda `yan?”

“Ang isa sa Billionaire Boys Club member!”

Nang maglapitan ang mga reporter ay pinilit ni Avon na makakawala sa lalaki. Pero mas malakas ito sa kanya.

“Didn’t I just say that you’re gonna pay for what you did to me?”

“Bitiwan mo ako.”

“No.”

“Dadagdagan ko ang kaso mo—”

“Don’t care. Don’t care,” panggagaya pa nito sa sinabi niya kanina. “Stay put and… smile.”

Napayuko at napapikit na lang si Avon nang magkislapan ang ilaw ng mga camera. Nang sunod-sunod na magtanong ang mga reporter ay hindi na niya halos masundan ang question and answer portion ng mga ito at ni Ken.

“Mr. Arboleda, ano’ng ginagawa mo dito sa presinto?”

“Nagkaroon lang ng kaunting aksidente kaya ini-report ko na agad.”

“Kumusta naman ang lagay mo, Sir?”

“Oh, I’m fine.”

“Hindi ba dapat ay sa ospital na kayo dumeretso at hinayaan na ang mga pulis na mag-asikaso sa mga nangyari?”

“As I said, I’m fine. Kailangan ng mga pulis ang statement ko sa nangyari kaya sumama na ako.”

“Kasama mo ba ang girlfriend mo nang mangyari ang naturang aksidente, Sir?”

“What?”

“Your girlfriend, Mr. Arboleda.” Itinuro pa siya ng nagtanong. “Kasama n’yo ba siya kanina?”

“I’m a police officer, not his gir—”

“My girlfriend’s a police officer kaya siya na ang nag-asikaso agad sa akin.” Inakbayan pa talaga siya ni Ken para pasimpleng pigilan na makaalpas dito. “This beautiful police officer.”

Kung hindi lang nasisilaw ngayon si Avon sa walang humpay na kislapan ng mga camera, nakawala na siguro siya sa higpit ng pagkakayakap ni Ken. Nakatikim na rin sana ito ng notorious niyang uppercut. But he held on to her and her body was crushed against his. Nang mapansin ang pagsulpot ng mga TV crew ay ipinagpasalamat niyang halos isiksik na siya ni Ken sa katawan nito. And then she saw him shield her from the coming onslaught of the media.

“Thank you, people,” sabi ni Ken na pilit siyang inilalayo sa mga media men at palabas ng presintong iyon. “And good morning to all of you.”

Sa kotse nito siya idineposito ng lalaki. At bago tuluyang pumasok sa driver’s seat ay kumaway pa talaga si Ken sa mga nagpipiyestang photographer at reporters.

“You have got to be kidding me,” sambit ni Avon matapos makalayo.

“You should be proud. Para sa isang gaya mong nasa kabilang dulo ng daigdig ang buhay, isa nang milagro ang makasulyap man lang sa mga kagaya ko. Much more ang ma-link kay Kenshin Arboleda.”

“Hindi ko natatandaang nag-request akong ma-link sa `yo.”

“At least you still have something to be proud of.”

“You mean now I have something to be ashamed of.”

“We’re even now.”

Kahit kailan ay hindi pa nakaengkuwentro si Avon ng taong nakapag-manipulate sa kanya gaya ng ginawa ng lalaking ito. At hindi iyon matanggap ng ego niya.

“Ihinto mo diyan sa tabi.”

“You know, as much as I hate to admit this, kailangan na kitang ihatid sa bahay ninyo. Kahit kailan ay hindi pa ako nagpabaya sa mga naging girlfriend ko.”

“Well, hindi mo na kailangan pang mag-alala na masira ang reputasyon mo dahil hindi mo naman ako girlfriend. At makasisiguro kang ito na ang una at huling pagkakataon na magkikita tayo. So, if you’ll excuse me, I need to get the hell out of here as soon as I can.”

“You don’t have your car.”

“Yes, thanks to you.”

“Masyadong delikado para sa `yo—”

“I’m a cop.”

“Fine.”

Inihinto ni Ken sa gilid ng highway ang kotse at mabilis naman siyang lumabas. Nagulat pa siya nang sumunod ito at tinanaw ang magkabilang bahagi ng deserted na kalsadang iyon.

“What are you doing?” tanong ni Avon.

“Naghihintay ng taxi.” Magpapasalamat na sana siya kung hindi lang ito muling nagsalita. “For me. Ayokong umuwi sakay ng kotseng sira. It’s bad for my image as a billionaire boy.”

“Parang gusto ko na ring pagsisihan kung bakit iniwan ko pa sa kotse ko ang service pistol ko.” Naupo na lang siya sa hood ng sasakyan ni Ken at sarkastiko itong sinulyapan. “Salamat sa tulong, ha?”

“Walang ano man.”

“Saka ngayon din,” asar na niyang wika.

Kabisado ni Avon ang lugar na iyon na pinakakaunti ang crime rate sa mga ganoong oras dahil aktibo na sa pagpa-patrol ang mga alagad ng pulisya. Malapit kasi iyon sa headquarters ng Western Police District. Kaya kapag nakalayas na ang lalaking ito, siguradong ilang sandali lang ang ipaghihintay niya roon at may dadaan nang mga patrol cars na puwede niyang pag-angkasan pabalik sa presintong pinag-iwanan niya ng kotse.

Nakita niyang may kausap si Ken sa cell phone nito habang naghihintay ng taxi. Ilang sandali pa ay humaharurot nang dumating ang isang napakagarang kotse. It was a red Dodge Viper. Hindi niya alam na may mga tao rin palang nagmamay-ari ng mga ganoong klaseng sasakyan sa bansang naghihikahos gaya ng Pilipinas.

Dapat maimbestigahan ang isang ito. Baka mamaya, nangurakot ito at nagnakaw kaya yumaman nang gano’n.

“O, pare, sa dami naman ng puwede mong pagdausan ng victory celebration mo, dito mo pa naisipan.” Saka lang siya nito napansin. “I see. Private celebration pala ito. Bakit mo pa ako inistorbo sa mga chickababes ko kung gano’n?”

“Shut up, Rex. Hindi kita pinapunta dito para dumaldal.”

“So, what do you want from me?”

Imbes na sumagot agad ay sinenyasan lang ni Ken ang kaibigan nito na mag-usap kung saan hindi niya maririnig.

Ibinaling naman ni Avon ang atensiyon sa direksiyon na maaaring pagmulan ng mga patrol cars. Saka niya lihim na ikiniskis ang relong pambisig sa makinis na hood ng kotse ni Ken. Have fun there. And I’ll have my fun right here. Nakakabuo na siya ng letrang ‘K’ sa pagkaskas ng relo niya sa hood nang mamataan ang isang paparating na taxi. Nilingon niya ang dalawa at nang hindi man lang kumilos ang mga ito ay hinarang na niya ang taxi.

“Finders keepers,” sambit niya paghinto ng taxi sa harap niya at mabilis na sumakay doon.

Pero nakapagtatakang ni hindi man lang kumilos si Ken para agawin sa kanya ang taxi. He even looked satisfied as he watched her speed away. Intensiyon na ba talaga nitong hayaan siyang unang makasakay sa taxi kaya wala man lang itong reaksiyon sa pag-alis niya?

“Whatever.”

Ang importante, makakauwi na siya ngayon at makakapagpahinga nang mahaba-habang oras. Wala nang Kenshin Arboleda na gugulo pa sa buhay niya.

“AVON?”

Avon just gave her childhood friend a weak smile as she sat in front of the bar counter.

“Kumusta, Miles?” bati niya. “Ang tagal din nating hindi nagkita.”

“Ako lang ang hindi mo nakikita. Ikaw, lagi kitang nakikita sa TV, ano?”

Excited itong lumapit sa kanya. Miles moonlighted as a waitress at her own café bar. Sabay silang lumaki sa probinsiya ng Tarlac, naging magkaklase mula elementarya hanggang high school. Nagkalayo lang sila nang magkolehiyo na sa Maynila dahil magkaibang kurso ang kinuha nila. Gayunman, hindi pa rin naputol ang komunikasyon nila. At tuwing nakakakuha si Avon ng libreng oras ay nagpupunta siya sa itinayo nitong establishment para pansamantalang makapag-unwind. Pero noong mga nakaraang buwan ay hindi na siya naliligaw sa lugar ni Miles dahil nga sa demand ng kanyang trabaho.

Ngayon na lang uli siya nakapunta roon.

“Kumusta na ang bayani, ha?” tanong ni Miles. “Grabe, napanood ko ang huling misyon mo. Ewan, parang gusto kitang batukan nang mapanood ko `yon. Ikaw lang pala ang kaisa-isang babae doon. At ikaw pa ang pinasuong nila sa kuta ng mga kidnappers.”

Mula sa monitor ng nakabukas na telebisyon sa isang bahagi ng bar ay mapapanood ang evening news.

“Mabuti ka pa, masaya sa mga nangyari.”

Binigyan siya ni Miles ng paborito niyang black coffee. “Bakit parang hindi yata maganda ang timpla mo ngayon? Problem?”

“Parang gano’n na nga.”

“What do you mean?”

“I’ve been suspended.”

“What?!”

Avon sipped her coffee. Napalingon siya sa kasalukuyang ibinabalita tungkol sa katatapos lang na Metro Manila Film Festival.

“After all you’ve done.” Napailing na lang ito. “I can’t believe they suspended you, Avon. I mean, ikaw ang pinakamasipag at pinakamatinong pulis na kilala ko.”

“Thanks.”

“At hindi ba’t ikaw pa nga ang susi kung bakit nagtagumpay ang pagkakaligtas ninyo kay Mr. Go no’ng Friday?”

“Oo.”

“O, eh, bakit… teka, ano nga ba ang ginawa mo at imbes na i-promote ka, suspension letter pa ang ibinigay nila sa `yo?”

“Hindi raw ako sumusunod sa mga superiors ko.” Nagkibit lang si Avon ng mga balikat. Hindi na rin kasi niya ma-feel ang significance ng ipinangakong promotion ng kanyang commanding officer dahil sa walang katuturang suspension.

“Baka naman pinapainit mo ang mga ulo nila tuwing may misyon kayo. You can be as stubborn as a bull sometimes, you know.”

“I just say and do what I think is best for the success of our mission.”

Pinagmasdan lang siya ni Miles at saka ito bumuntong-hininga. “Parang nauunawaan ko na kung bakit naburyong sa `yo ang mga superiors mo. Minsan naman talaga, masyadong matalas iyang dila mo.”

“I was born this opinionated.”

“Hay naku.” Napailing na lang ito. “Ikaw naman kasi, Avon. Bakit mo nga naman sinagot-sagot ang superior mo? Natural nga na isuspinde ka nila. Ano ba ang tawag ninyo sa ganoong attitude sa trabaho ninyo?”

“Insubordination.”

“`Yon. Gano’n na nga.”

“I need a temporary job that will keep me on the go, Miles. Ayoko ng walang ginagawa.”

Muling napalingon si Avon sa telebisyon at bahagya pa siyang nagulat sa kasalukuyang ibinabalita. Ken Arboleda. Nakangiting larawan nito na hawak ang isang tropeo ang nakasalang sa telebisyon. It was a stolen shot yet he still looked good while holding a woman’s hand. He was with his friend from the other night. No wonder ganoon na lang ang naging tono nito nang sabihin niyang hindi ito kilala. Dahil ang tropeo ni Ken ang patunay kung gaano ito kasikat sa bansa bilang pinakamagaling na aktor. But still, it didn’t give him the right to act as though he owned the world in front of her.

“Puwede bang hinaan iyang TV ninyo?” sabi niya sa kaibigan. “Wala namang kuwenta ang palabas.”

“Oh, my gosh!” impit na tili ni Miles, sabay turo sa telebisyon. “That’s him! Ang aking lovey dubby !”

Parang gustong mapailing ni Avon. Pati ba naman ang kaibigan niya ay nahumaling na rin sa magandang imahe ni Ken? Oh well. Hindi na niya iyon problema.

“Miss, personal mo bang kilala si Kenshin Arboleda?” tanong ng isang babaeng lumapit sa kanila.

Nilingon niya ang nagtanong. Heto pa ang isa. Hinayaan na lang niya ang dalawa na magkuwentuhan tungkol kay Ken at pinagtuunan na lang ng pansin ang kanyang inumin.

Pero dahil madali siyang marindi sa mga paulit-ulit na topic, nakisingit na rin siya.

“Ano ba ang meron sa mga lalaking iyan at pinagkakaguluhan ninyo?”

“Hay naku, hija, iyan ang nangyayari sa mga nabuburo sa trabaho,” wika ni Miles. “Nahuhuli sa balita. The Billionaire Boys Club is the hottest issue today!”

“Bakit?”

“Because they’re rich, they’re famous, and they’re totally hot!”

“`Yon lang?”

“Avon, mabuti na lang at naging pulis ka. Kung hindi, magmumukha ka na talagang tanga.”

Nagkibit lang siya ng mga balikat nang magkaroon na ng sariling mundo ang dalawang babae. Ang pagkakataon nga naman, talagang nagkasundo pa ang kaibigan niya at ang babaeng iyon nang dahil lang kay Ken habang patuloy sa pag-uusap ang mga ito.

Hinila ni Avon ang magazine na nakitang pinakatitigan ng babae kanina.

“You don’t look dumb,” sabi niya sa babae. “Huwag kang makigaya sa kanila.”

“Avon, huwag mo siyang igaya sa iyong walang pakialam sa mga guwapong likha ng Diyos,” kontra ni Miles bago muling binalingan ang babae. “Good luck sa `yo. Sana matiyempuhan mo si Ken sa office niya. Kung may oras lang din ako, baka sumabay na ako. Gusto ko rin kasing makita si Rex. Laging magkasama ang dalawang iyon. By the way, ano pala ang pangalan mo?”

“Faye Valentine Salcedo.” Iniabot nito ang kamay kay Miles na agad naman nitong tinanggap.

“My name is Miles but you probably know it already.” Itinuro nito ang suot na nameplate. “At ito ang high school friend kong bato, si First Lt. Avon Ramirez. Puwede mo siyang loko-lokohin ngayon kasi suspended `yan sa serbisyo. Ang tigas kasi ng ulo. Anyway, balitaan mo kami kung ano ang nangyari para naman makakuha kami ng tips kung paano mako-corner ang isang billionaire boy.”

“I’m not interested,” walang ganang sabi ni Avon, saka muling sinulyapan ang magazine kung saan nakabuklat sa larawan ni Ken. “Kidnap-in ko na lang kaya ang isa sa ipinagmamalaki ninyong billionaire boys?”

“Hoy! Huwag mong isama sa kabaliwan mo ang billonaire boys namin.” Hinila ni Miles pabalik ang magazine. “Ipapapulis kita.”

“Pulis ako.”

“Suspended ka po. At kapag ginawa mo ang kalokohan mong iyan, siguradong hindi ka na makakabalik sa serbisyo kahit kailan. Mabuburo ka na nang tuluyan sa boring na buhay sibilyan.”

“Walang makakaalam dahil ako ang pinakamagaling na pulis sa bansang ito,” sabi ni Avon habang tinitingnan ang magazine.

“Ewan ko sa `yo.” Buong ingat na iniligpit na ni Miles ang babasahin. “Anyway, kahit naman ituloy mo ang plano mo, hindi mo pa rin makakayang dukutin ang kahit isa sa mga `yan. Billionaire boys kaya sila.”

Napatuwid siya ng upo. She really hated it when someone questioned her skills. Laging may malakas na puwersang tumutulak sa kanyang patunayan sa mga taong tulad ni Miles ang kakayahan niya. It was a hard blow on her ego and she could not accept it.

“Pustahan tayo?” hamon niya.

“`Yabang mo.” Muli nitong binuksan ang magazine sa harap niya at itinuro ang isang lalaki. Hindi iyon si Ken. “Pero sige nga. Subukan natin ang kayabangan mo. Kidnap-in mo itong si Rex my love ko sa loob ng isang araw. Kapag hindi mo nagawa iyon, mag-sorry ka sa mga superiors mo para bumaba na ang araw ng suspension mo.”

No way! “Hindi ako magso-sorry sa isang bagay na alam kong tama. But our deal is on. Kapag nagtagumpay akong kidnap-in sa loob ng isang araw ang Rey mo—”

“Rex.”

“Whatever. Kapag natagumpay nga ako, ie-endorse mo ako sa uncle mo na pabalikin ako sa serbisyo nang walang ano mang kondisyon.”

Miles’ uncle was an AFP three-star general. Wala siyang balak na gumamit ng padrino pero dala ng kagustuhang makabalik agad sa serbisyong ilang taon nang pinagsisilbihan, gagawin niya ang lahat.

“Deal.” Inilahad nito ang kamay at tinanggap niya iyon.

“Eh… mauuna na ako sa inyong dalawa,” paalam ni Faye. “May importante pa kasi akong pupuntahan.”

Tinanguan lang ni Avon ang babae bilang pamamaalam.

“Sige, ingat,” sabi ni Miles. “CR lang ako.”

Tamang-tamang paglabas ni Miles ng bar counter ay saka naman lumabas sa telebisyon ang mga pictures nila ni Ken nang dalhin niya ito sa presinto.

Naibuga ni Avon ang iniinom nang mabasa ang caption ng mga pictures.

Mega actor and billionaire boy Ken Arboleda’s new girl…