noveltoon logo noveltoon
Ken Arboleda (The Billionaire Boys Club 11)

Chapter 10

Ch. 10 / 10 Nov 28, 2025
Prev Next

N AKATANGGAP ng tawag si Avon mula sa kanyang commanding officer. May isang malaking tao raw na nag-request ng police escort at siya ang ipinadala. Normally, magrereklamo na naman siya dahil hindi niya trabaho ang mag-escort ng kung sino-sinong tao. She preferred to be on the field. Pero dahil on probation pa rin siya at wala naman silang misyon nang araw na iyon ay tinanggap na rin niya ang trabaho. Isa pa, malaki ang maitutulong niyon para kahit paano ay makalimutan niya si Ken.

It had been two weeks since the last time they talked. Nakikita pa rin niya si Ken pero sa mga balita na lang sa telebisyon at mga snapshot pictures sa iba’t ibang tabloids. Laking pasasalamat niya na malaking personalidad ito sa mundo ng showbiz at business kaya nasusundan niya kahit paano ang buhay nito. He had become what he was really meant to be, a true blue billionaire boy in every sense of the word. And she was happy for him. Kahit ang kapalit niyon ay ang tuluyang pagkakalayo ng kanilang mundo.

Pagdating ni Avon sa entrance gate ng Elite Hotel kung saan naroon ang kanyang susunduin ay napansin niya ang maraming reporters at photographers.

“Lieutenant, mukhang mapapasubo na naman tayo nito, ah,” wika ng isa sa limang subordinates na kasama niya. “Dapat pala nag-ahit muna ako.”

“Oo nga, Lieutenant,” segunda ng kasama nito. “Pambihira! Hindi pa naman ako nakapag-gel ngayon. Ang sama ng magiging hitsura natin nito sa mga pictures at TV.”

“Dinala ko kayo dito para mag-escort. Hindi para magpapogi. Tayo na.”

Agad na nakipag-coordinate si Avon sa head security ng hotel para ipaalam ang magiging trabaho nila roon.

“Ah, oo. Medyo nahihirapan na nga kaming kontrolin ang mga makukulit na reporters na iyan. Bababa na rin ngayon ang BBC members.”

BBC? Billionaire Boys Club? Ang grupong kinabibilangan ni…

“Ken,” sambit niya nang makitang pababa ng grand staircase ng hotel ang binata kasama ang lima pang lalaki.

Nagkagulo ang mga reporters at nagkislapan ang mga camera.

“Nandito nga ang lahat ng miyembro ng BBC!”

“Malaking scoop ito!”

“Siguradong front page ang mga picture natin dahil ngayon lang nakitang nagkasama-sama sa iisang lugar ang mga bagong miyembro ng BBC!”

Parang si Avon man ay gusto na ring makigulo sa mga ito. Because, holy cow, those six men were really something walking down the stairs as if they really owned the world. Hindi pa siguro siya matatauhan kung hindi pa nasagi ng isa sa mga media men at nakitang nahihirapan nang kontrolin ng mga hotel securities ang mga ito. Kaya pinakilos na niya ang mga tauhan.

At ilang sandali pa, heto nang muli sa tabi ni Avon si Ken. Parang bale-wala sa lalaki ang kislapan ng mga camera at kaguluhan sa paligid nang pagmasdan siya. Hindi niya alam kung ano na ang dapat gawin. Her men and the hotel securities did their job well. Kaya nga natagpuan na lang niya ang sariling nasa gitna na ng clearing na ginawa ng mga ito. Kasama si Ken.

“Mr. Arboleda!” sigaw ng isa sa mga reporters. “Mr. Arboleda, Sir! Hindi ba’t siya ang babaeng napabalitang girlfriend ninyo noon?”

“Nakapag-announce na ng kanilang engagement sina Vash, Vincent, Rex, at Silvanus. Ikaw na ba ang susunod?”

“When’s the wedding gonna be, Sir?”

Naiilang si Avon hindi lang sa mga naririnig na katanungan pero lalo na sa ginagawang pagtitig lang sa kanya ni Ken nang mga sandaling iyon. Kaya nang hindi na matagalan ang mga nangyayari, inalalayan na niya ito patungo sa kanyang sasakyan.

Patuloy pa rin ang mga naririnig niyang katanungan ng mga reporter, from their wedding plans to her pregnacy.

Wala namang imik na sumunod lang sa kanya si Ken at nang makapasok na sila sa sasakyan ay agad niya iyong pinaharurot palayo.

“Thanks.”

Avon continued driving. “This isn’t my job. So don’t thank me.”

“I wasn’t talking about you driving me out of there. I was thanking you for turning up at the hotel. Akala ko, talagang wala ka nang balak na magpakita.”

“What do you mean?”

“Setup lang ang nangyari kanina.”

Muntik pa niyang masagi ang katabing sasakyan. “What?!”

“It was just a setup. Rath talked to your CO para ipadala ang grupo mo sa hotel. Tinawagan ko naman ang mga reporters at photographers.”

“For what?”

“To lure you out of your hiding place.”

“I wasn’t hiding.”

“Yes, you are.”

“No, I’m— Ken, what the heck’s going on here? Huwag mong sabihin na nagda-drama ka na naman dahil sa totoo lang, wala ako sa mood na makipagbiruan ngayon.”

“Who said I was kidding?”

“Kung gano’n, bakit may nalalaman ka pang setup-setup na `yan?”

“Because you wouldn’t talk to me!”

“I wouldn’t talk to you? Eh, ano ang ibig sabihin ng ginagawa ko ngayon?”

“Okay, look. Ang mabuti pa, ihinto mo muna ang sasakyan natin at nang magkaintindihan tayo.”

“No.”

“Fine. Just drive then.”

Hindi na nagsalita pa si Ken. Daig pa ni Avon ang hinigop ng buhawi at nagpaikot-ikot sa loob niyon sa sobrang pagkahilo sa mga sinasabi at ginagawa nito ngayon. Pinagtitripan na naman ba siya ng lalaki?

“God!” sambit nito mayamaya. “You insufferable woman! I don’t know what to do with you anymore. Noong una, akala ko okay na tayo. I mean, we even kissed that night. Pero nang magpaalam akong babalik na ako ng Maynila, ni hindi mo man lang ako kinibo.”

“Ano ba ang gusto mong sabihin ko sa `yo?”

“Pinigilan mo man lang sana ako kahit kaunti.”

“Ikaw ang nagsabing gusto mo nang bumalik dito. Ano’ng karapatan kong pigilan ka?”

“Nasa `yo ang lahat ng karapatan, Avon. Dahil nasa `yo na ang puso ko.”

Ang nasa unahan naman nilang sasakyan ngayon ang muntik na niyang mabangga.

“I’m in love with you, Avon. Now could you slow down a little? I don’t want to die just yet. Ni hindi pa nga kita nahahalikan uli.”

“Shut up, Ken!”

“No. Ang payo ng mga kasosyo ko sa negosyo, tapusin ko na raw ang katangahan ko.”

“Yes, please do that. Dahil… dahil…”

“Dahil mahal kita. Alam kong dapat noon ko pa ito sinabi sa `yo. Bago ako umalis. Dapat hindi kita hinayaang bale-walain ako nang gano’n na lang. Tingnan mo ang nangyari tuloy ngayon. Kung hindi ko pa hiningi ang tulong ng mga colleagues ko, hindi pa tayo magkakaroon ng ganitong pagkakataon.”

Pakiramdam ni Avon ay kinakapos na siya ng hininga. She wasn’t used to this kind of excitement. Hindi na-tackle sa academy ang mga ganoong scenario kaya hindi niya alam kung paano iha-handle. Kaya para maibsan ang sobrang emosyong nararamdaman nang mga sandaling iyon ay ibinaling na lang niya sa pagmamaneho ang lahat ng kanyang senses.

“Avon, nakikinig ka ba?”

“Oo.”

“What did I just tell you?”

“That you’re in love with me—” Nilingon niya si Ken. “Really?”

“Yes— Whoa!” Sumampa na ang sasakyan nila sa island. Mabuti na lang at naibalik niya agad sa kalsada ang sasakyan. “You know, this is really the best time to slow down and stop.”

“Why?”

“Because I don’t intend to die right now.”

“No, I mean, why did you say you love me?”

“What do you think?”

“Hindi ko kayang mag-isip ngayon.”

“Okay, that’s good enough. Just concentrate on your driving.”

“I can’t!”

“Avon—”

“Tensiyonado ako masyado, Ken. At hindi ko magawang kumalma.” Nararamdaman na rin ni Avon ang pananakit ng mga kamay sa sobrang higpit ng pagkakahawak niya sa manibela. “Calm me down, Ken.”

“Ano’ng gagawin ko?”

“I don’t know! Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong pakiramdam kaya hindi ko rin alam kung paano…”

Hinawakan nito ang kanyang kamay. Agad gumapang ang kakaibang init na hatid niyon sa buong katawan niya. At unti-unti, parang nagawang kalmahin niyon ang kanyang sistema. Her breathing started getting back to normal. Though her heart continued its erratic beating.

“Marunong ka rin palang mataranta,” wika ni Ken. “I think I like you better when you’re disorganized.”

“Mas gusto mong muntik na tayong mamatay?”

“Well, not really.” Marahan nitong hinaplos ang kanyang kamay na tuluyan nang nakapagpanumbalik sa kanyang katinuan. “I’m sorry if I frightened you. Hanggang ngayon kasi, nag-aalala pa rin akong baka mawalan na naman ako ng pagkakataong masabi sa `yo ang lahat ng nararamdaman ko. Kaya inisahang bagsak ko na lang.”

“Kaya next time, please lang, dahan-dahanin mo naman. Mahina ang kalaban.” She heard him chuckle. And it calmed her even more. “Tinanong mo ako kung bakit hindi man lang kita kinausap noong bago ka umalis.”

“Bakit nga ba? Nang makita kitang nakatingin sa akin habang papalayo kami, parang gusto ko nang tumalon sa chopper pabalik sa `yo at nang mabulyawan ka kung bakit gano’n kalamig ang pakikitungo mo sa akin.”

“Ang akala ko kasi, hindi na tayo magkikita pa. Kaya mas minabuti ko na lang na huwag nang makarinig ng kahit na anong pangako sa `yo.”

“Bakit mo naman naisip iyon? Of course I’ll come back for you.”

“Magkaiba ang mundo natin—”

“What, are you an alien now?”

“Ken—”

“Avon, isang tanong lang. Mahal mo ba ako o hindi?”

“Dalawang tanong `yan.”

“Just answer the damn question.”

“Yes.”

“Yes what?”

“Yes, I… I love you.”

“Bakit parang hesitant ka pa?”

“Gusto mong bawiin ko?”

“Hindi, hindi. Okay na `yon.” He sighed and leaned back against his seat. “Talagang mahal mo ako?”

“Ang kulit mo, ha?” Tumawa lang ito. “Ken?”

“Hmm?”

Nagawa na rin niyang ngumiti ngayon. “Alam mo ba kung gaano kasarap pakinggan kapag ginagawa mo iyon?”

“Ang alin?”

“Iyang paghu-‘hmm’ mo.”

“I thought you didn’t like it.”

“Nang mawala ka, iyon nga lang lagi ang hinahanap-hanap ko.”

“Iyon lang? Ako, hindi mo hinahanap?”

“Siyempre kasama ka na do’n. Pero, Ken, bakit ako?”

“What do you mean?”

“Bakit ako ang minahal mo?”

“Because you’re my brightest day on my darkest hour. Because you have put up with my impossible temper and accepted my fears. Because you have the sweetest lips I’ve ever tasted. Because you’ve shared your strength with me in more ways than you could ever know. Because all the things that I have don’t matter at all if I don’t have you. And because you just love my hmm-ing.”

Alam ni Avon na matapang siya at kaya niyang harapin ang lahat ng mga dumarating sa buhay niya. Pero ngayon lang niya naranasang maging ganito ka-vulnerable, even after hearing the reasons why he loved her. Kung sakaling niloloko lang siya ngayon ni Ken, walang dudang masasaktan siya nang husto. Tama pala talaga ang mga naririnig niya noon. That when you gave your heart to someone, you’re not only giving that person the right to love you, but the power to hurt you as well.

“Binalikan ko lang ang buhay ko bilang isa sa billionaire boys,” patuloy nito. “Dahil gusto kong makasigurong mababantayan kita sa lahat ng oras. At hindi ko magagawa iyon kung wala akong access sa lahat ng may kinalaman sa magiging kaligtasan mo at ng pamilya mo.”

“Ken, hindi mo naman kailangan ng pera para lang magawa `yon.”

“Ayoko lang mawalan ng silbi. Naranasan ko na iyon noong nandoon tayo sa probinsiya ninyo.”

“Kahit minsan, hindi ka mawawalan ng silbi sa akin.” Sa wakas ay nagawa na ring itabi ni Avon sa gilid ng kalsada ang kotse. “Dahil ikaw lang ang nag-iisang taong nakakapagparamdam sa akin na tao pa rin pala ako. Na kaya ko pa rin palang makaramdam, magmahal, at masaktan. At nang dahil din sa `yo, nadagdagan ang rason ko para manatiling buhay sa lahat ng mga misyon ko.”

He touched her nape and pulled her face down to meet his waiting lips. Ah, this was what it was all about. An unpredictable life in the arms of the man she loved. Kaya pala sa loob ng maraming taon na iyon, hungkag ang pakiramdam ni Avon sa kabila ng mga naging tagumpay niya sa serbisyo. Wala kasi siyang espesyal na taong kahati sa bawat tagumpay na iyon.

Pero agad ding naputol ang munting selebrasyon nila nang may kumatok sa bintana ng sasakyan. Dalawang highway police ang nang-istorbo sa kanila.

Binuksan ni Avon ang bintana at handa na sanang sermunan ang dalawa nang unahan siya ng mga ito.

“Sir,” tukoy nito kay Ken. “Puwede ho bang bumaba kayo sandali ng sasakyan?”

“Bakit?”

“Avon, hayaan mo na.”

“Sandali lang. Ako ang kakausap sa kanila, Ken.” Lumabas na siya ng kotse. “Ano’ng problema? May violation ba kami?”

“Ma’am, pasensiya na po pero kailangan naming kapkapan si Sir. May nakapagbigay lang sa amin ng report na may isang lalaking nakatakas sa correctional na malapit dito at may kasamang babae.”

“Hindi galing sa kung anong correctional ang kasama ko. At isa akong lieutenant sa— Hey, bitiwan mo si Ken!”

Nilalagyan na kasi ng posas ang binata.

“Ma’am, gusto lang naming makasiguro. Kung hindi siya ang hinahanap namin, pakakawalan din namin siya agad.”

“Bakit kailangan n’yo pa siyang lagyan ng posas?” Nanggagalaiti na si Avon. Kulang na lang ay agawin niya ang baril nito at gamitin iyon laban sa mga ito. Ang kaso, ni batuta ay wala ang mga pulis. “Hindi kriminal ang kasama ko! Damn it! I’m gonna call Gen. Dominguez for this. Sisiguruhin kong hindi na kayo makakabalik pa sa serbisyo kapag—”

“Sir, nakuha ko na,” sabi ng pulis na kumakapkap kay Ken. “Nasa bulsa niya.”

“Ano ba ang…”

“Ito iyon, `di ba?”

Ipinakita sa kanya ng pulis ang maliit na box na iyon. At muntik nang malaglag ang panga ni Avon nang buksan nito ang kahon. Oh, my God! Because inside the little box was a glittering diamond ring.

Kunot-noong binalingan ni Ken ang pulis. “You’re late.”

Napakamot na lang ito sa ulo. “Sorry, Sir. Ang bilis kasi ninyong magpatakbo. Hindi kami makahabol.”

“A-ano’ng nangyayari dito?” singit na niya. Halata kasing magkakilala ang mga pulis at ang binata. “Ken, don’t tell me isa na naman ito sa favorite pastime mo? Is this another one of your stupid setups?”

Nawala ang kunot sa noo ni Ken at napalitan iyon ng isang malapad na ngiti nang balingan siya. Mukhang isa na namang setup ang nangyayari. Pagkatapos ay walang sabi-sabi itong lumuhod sa harap niya.

“First Lt. Avon Ramirez, I’m surrendering my life and wealth to you.” Ken was proposing to her, cuffed and all. “Will you be my wife?”

Natatawang pumalakpak ang pulis na pumigil sa kanya kanina habang ang kasama nitong may hawak ng maliit na kahon ay malapad na ang pagkakangiti. Ang ibang mga motoristang nakakita sa eksenang iyon ay napapapalakpak na rin at mayroon pa nga na nagtsi-cheer.

“Oh, my God,” sambit na lang ni Avon.

“Is that a yes ?”

“Yes.”

“It’s a yes !” sigaw ni Ken.

She laughed and kissed him on the lips once more, sealing their promise of love forever.

Wakas