H INILOT ni Avon ang balikat na may pinsala. Naghilom na ang sugat na dulot ng daplis ng bala pero kailangan pa rin niyang alagaan nang husto ang sarili. Ayaw niyang makasagabal ang ano mang injuries niya sa kanyang propesyon bilang alagad ng batas.
She looked at her wristwatch. Ala-una na ng madaling-araw. Halos isang oras na rin siyang naghihintay sa basement parking na iyon ng Elite Hotel. Naghihintay para sa pagkakataong makuha si Rextor Lagdameo. She had been contemplating about this the whole day yesterday. Ang totoo, hanggang ngayon ay pinag-iisipan pa rin niya kung itutuloy nga ang kalokohang napagkasunduan nila ni Miles. Ni minsan kasi ay hindi pumasok sa isip niya ang gumawa ng ganoong kalokohan. Pero ngayong bagot na bagot na sa kanyang buhay sa labas ng headquarters nila, gagawin niya ang lahat para lang malibang. Even to the point of taking on the challenge of ‘kidnapping’ one of the billionaire boys.
Sinulyapan ni Avon ang sasakyan ni Rex. It was a red Dodge Viper. It was an insanely expensive luxury car just like the black Lamborghini Murcielago beside it. Aware siya sa presyo niyon dahil ilang beses na rin siyang nakasama sa mga raid ng mga smuggler ng mga sasakyan sa bansa.
Hindi kaya suma-sideline din sa smuggling business ang mga billionaire boys na iyon? She smiled to herself and dismissed the notion. Ni minsan ay hindi pa siya nagkamali sa mga impormasyong nakuha. Those boys were just lucky businessmen. Or were born into a filthy rich family.
She glanced at her wristwatch again. Ten minutes had passed. And she couldn’t take sitting inside her rented car for another second anymore.
“Mabuti pang tapusin ko na agad ito.”
Sandali lang nakuha ni Avon ang mga impormasyon tungkol kay Rex na kakailanganin niya. One of those was that the guy was attending a birthday party of his friend tonight at the said hotel. Naghihintay siya sa basement parking para doon na lang sana tiyempuhan ang lalaki since sigurado siyang nakainom na ito at hindi na gaanong maiintindihan ang mangyayari kapag nakuha na niya. Rex was one of the people who was stupid enough not to have a set of bodyguards with him. Masyado siguro itong tiwala talaga na sa yamang iyon ay walang magtatangkang kumanti sa mga ito.
Stupid. Now you’re gonna learn the fact of life the hard way.
Papunta na si Avon sa elevator para umakyat sa venue ng party nang makita ang isang lalaki na susuray-suray na naglalakad patungo sa itim na Lamborghini. Hindi niya nakita ang hitsura nito dahil nagtatago siya. Mabuti na ang walang makakitang kahit sino man sa kanya sa lugar na iyon para kung sakaling mabulilyaso ang lahat ay walang makakapagturo sa kanya. Hahayaan na lang sana niya ang lalaki nang marinig itong magsalita.
“Ang suwerte talaga ng kumag na iyon. Magaya nga,” sabi nito. Pagkatapos ay eksaheradong tumikhim. “Hi! My name is Rextor Lagdameo. But you can call me Rex. Or anything you want to call me, babes .”
Aha. She looked around. Walang tao. Kinuha niya ang panyong may pampatulog sa bulsa ng kanyang jacket at tahimik itong nilapitan. Ni hindi naramdaman ng lalaki ang presensiya niya hanggang sa maitakip niya sa ilong nito ang panyo. Padapa itong bumagsak sa semento. Pagkatapos ay mabilis siyang kumilos. Isinampay niya ang isang braso nito sa kanyang balikat para maisakay sa sasakyan niya. She was sweating and was totally in pain when she finally deposited him at the back of her car. Sa bigat ng lalaki, napuwersa ang balikat niyang naghihilom pa lang.
“Anak ng—” She lightly massaged her throbbing shoulder. “Problema pa ang hatid ng isang ito. Damn it.”
Pasakay na rin si Avon sa kanyang sasakyan nang makita ang mukha ng kanyang ‘bihag.’ Muli siyang mahinang napamura. Hindi si Rex ang nakuha niya kundi ang isa sa mga taong ipinagdarasal niyang hindi na sana makita pa sa tanang buhay niya. Si Kenshin Arboleda. Anak naman ng tipaklong!
Muli siyang bumaba ng kotse at pinilit itong ilabas ng backseat. But her shoulder just wouldn’t take another dragging. And she knew when enough was enough. Right now, it was enough that she had proven to herself that she could really take out anyone of the billionaire boys. Hindi na niya kailangan pang patayin ang sarili. Dahil kung si Ken ang magiging dahilan ng kamatayan niya, napakawalang kuwenta niyon. Masisira pa ang maganda niyang track record sa serbisyo.
Tinawagan niya si Miles. “Our deal is off.”
“What deal?” Mukhang naistorbo niya ito sa pagtulog. “Avon, alam mo ba kung anong oras pa lang? Ala-una ng madaling-araw. Ang aga mo naman akong pagtripan.”
“Remember our deal about the billionaire boys? Hindi ko na iyon itutuloy.”
“I really wasn’t expecting you to pursue it. I know perfectly well you’re not that dumb. Ngayon, puwede bang hayaan mo na akong matulog uli? Kami pa naman ni Rex ang bida sa panaginip kong inistorbo mo.”
Ni hindi na nagpaalam si Miles at basta na lang namatay ang linya. Oh well, wala pa rin naman palang nakakaalam na balak niyang ituloy ang kalokohang iyon. At least, na-pacify na niya ang kanyang pride. Ang problema na lang ngayon ay kung paano maididispatsa ang lalaking ito.
Avon was looking for the security guards when her cell phone rang. It was her sister Annie.
“O, Annie, napatawag ka?”
“Ate, puwede bang umuwi ka dito agad sa atin? Si Nanay kasi…”
Agad siyang binalot ng matinding pag-aalala. “Ano’ng nangyari kay Nanay?”
“Inatake siya sa puso.”
“Ano?! Bakit siya inatake sa puso? Nasaan na siya? Nadala na ba ninyo sa ospital? Ano na ang lagay niya?”
“Okay na siya, Ate. Natingnan na siya ng doktor noong nakaraang araw. Kaya lang kasi, nangungulit na naman siyang magtrabaho, eh, kabilin-bilinan ng doktor na huwag siyang magpapagod.”
“Bakit ngayon n’yo lang sinabi sa akin `yan? At bakit hindi ninyo siya sinasaway? Mahigpit kong ipinagbilin sa inyo na alagaan ninyong mabuti si Nanay, hindi ba?”
“Eh, hindi na ipinaalam ni Nanay sa iyo ang mga nangyari dahil ayaw niyang mag-alala ka pa. Ang kaso, ayaw naman niyang makinig sa amin kapag pinipigilan namin siyang gumawa dito. Ate, kung wala kang gaanong trabaho diyan, baka naman puwedeng umuwi ka na muna dito sa atin. Baka sa `yo, makinig si Nanay. Ayaw na naming makipagtalo sa kanya at baka tumaas na naman ang presyon niya at atakihin uli siya sa puso. Sa susunod, baka kami na ni Jepoy ang atakihin dito sa sobrang nerbiyos.”
“Sige, uuwi ako agad ngayon.” May nagkaingay na tila nagbunyi sa background ng kapatid. “Ano `yon?”
“Ha? Eh… wala `yon, Ate. Masaya lang kami at makakasama ka na naman uli namin. Kailan nga pala ang dating mo, Ate? Para makapaghanda na kami.”
“Huwag na kayong maghanda. Asikasuhin na lang ninyo si Nanay.”
“Sige, Ate.” Masayang-masaya ang boses nito. “Ingat ka, ha?”
PUMUPUTOK na ang liwanag ng araw sa Silangan nang masulyapan ni Avon sa rearview mirror na nagising na si Ken sa backseat. Sa sobrang pag-aalala niya sa kanyang ina ay nakalimutan na niya ang tungkol sa lalaki. Wala na kasi siyang naisip nang mga sandaling iyon kundi ang makarating agad sa kanyang pamilya sa kanilang probinsiya sa Tarlac.
Pupungas-pungas pa si Ken habang iniinspeksiyon ang kinaroroonan nito.
“Mabuti at gising ka na.” Inihinto niya sa isang tabi ng deserted highway na iyon ang sasakyan. “Puwede ka nang bumaba.”
Doon lang siya napansin ng lalaki. Agad napakunot ang noo nito nang makita siya. “You?! What the heck are you doing here? And what is this godforsaken place?”
“This is my car and I don’t have to answer you. Bumaba ka na lang.”
“What?”
Mukhang disoriented pa rin si Ken kaya ginamit na ni Avon ang estado ng isip nito to her advantage. Lumabas siya ng sasakyan at pagkatapos ay ito naman ang inalalayang makalabas. Tinawagan niya ang isa sa mga kaibigang pulis para ipasundo si Ken sa lugar na iyon. She didn’t even bother to watch him. Mas mabuti na nga na magtangka itong tumakas at nang makaalis na siya agad. Wala siyang balak na magsama ng isang problema sa kanila.
But Ken stayed put as he surveyed the deserted place with disgust.
“Jen, si Avon ito.” Kasamahan at kaibigan niya sa academy ang tinawagan na ngayon ay may mataas nang katungkulan na sa Western Police District. “Puwede ka bang magpadala ng tao dito? May ipapasundo lang ako.”
Agad naman itong pumayag. Pagkatapos maibigay ang eksaktong lugar na kinaroroonan nila at magpasalamat ay hinarap na niya si Ken.
“Dito ka lang at hintayin mo ang susundo sa `yo.”
“Anong sundo? Bakit ako susunduin at bakit nandito ako? Tayo?”
“Again, I don’t have to answer you.”
“The hell you don’t!” Lalo lang naningkit ang mga mata ni Ken nang unti-unting may ma-realize. “You’re trying to kidnap me. Hah. Ibang klase ka rin, ah. Talagang dinagdagan mo pa ang patong-patong mo nang atraso sa akin.”
Alam ni Avon na ang tinutukoy nito ay ang unang beses nilang pagkakaengkuwentro sa kalsada. “Hindi kita kinidnap. Hindi naman ako tanga para gawin `yon.”
“Then what the heck am I doing here?”
“I was trying to get Rex…” Oops. Damn it! Why did I have to say it? Ngayon tuloy ay nadiin siya nang wala sa oras. Pero puwede pa niyang isalba ang sarili. “But since I got you, kinalimutan ko na ang lahat ng plano ko. Iiwan na sana kita sa basement parking ng Elite Hotel kaso, masyado kang lango sa alak. Nagmagandang loob na akong tulungan ka. Kaya imbes na pagbintangan mo ako ng kung ano-ano diyan, magpasalamat ka na lang sa akin.”
“I would have done that.” Nagpamaywang na si Ken, showing off his towering height. “If you had brought me back to my house instead of taking me to this place. Now tell me honestly, did you or did you not kidnap me?”
“I did not. Kung ayaw mong maniwala, problema mo na `yan. Now if you’ll excuse me, kailangan kong makauwi agad sa amin dahil kailangan pa ako ng nanay ko.”
Napansin niyang saglit itong natigilan. Ano na naman kaya ang irereklamo nito?
“Why? What happened to your mom?”
Of course, Avon was taken aback by the question. Wala naman kasi sa hinagap niyang magkakaroon si Ken ng concern sa ibang tao. Pero mabuti na lang at marunong siyang magtago ng mga nararamdaman tungkol sa kanyang pamilya. Dahil makakasama sa trabaho ang magpakita ng emosyon.
Kahit wala namang kinalaman ang trabaho sa nangyayari ngayon.
“Nothing,” sagot niya. “Aalis na ako. Hintayin mo na lang ang susundo sa `yo dito.”
Pero pagpasok ni Avon sa kotse ay naroon na rin si Ken sa backseat.
“Paanong—”
“I’m going with you.”
“What?”
“Ayokong magmukhang tanga dito sa paghihintay. Isa pa, wala akong tiwala sa `yo. Paano kung niloloko mo lang pala ako at wala naman talagang darating dito para sunduin ako? Sa tingin ko pa naman, inaabot ng ilang daang taon bago may dumaang ibang sasakyan dito. Eh, di nabulok na lang ako ditong mag-isa?”
“Hindi ka puwedeng sumama sa akin,” pagdidiin niya. “Ano na lang ang iisipin ng pamilya ko kapag nakita nilang may kasama akong lalaki pagdating doon?”
“Problema mo na `yan. Pero huwag mong asahan na magpapaiwan ako dito. Ano ako, tanga?”
Inisip ni Avon na kaladkarin si Ken palabas ng kotse. But with his built and the current condition of her shoulders, it would probably take her the whole day to drag him out.
“Bahala ka na nga sa buhay mo,” sabi niya, saka pinaharurot palayo ang sasakyan.