noveltoon logo noveltoon
Ken Arboleda (The Billionaire Boys Club 11)

Chapter 4

Ch. 4 / 10 Nov 28, 2025

“` N AY, BAKIT naman kasi napakatigas ng ulo ninyo? Sinabihan pa pala kayo ng doktor na iwasan na ang mabibigat na trabaho. Paano kung hindi na lang basta atake ang mangyari sa inyo?”

Patuloy sa pagsermon si Avon habang nakamasid lang ang dalawang nakababatang kapatid na sina Jepoy at Annie. Pilit niyang ipinagwawalang-bahala ang pagkamangha sa mata ng mga ito sa taong tahimik na nakatayo sa kanyang tabi.

“At kailan n’yo pa balak sabihin sa akin na may malubha na pala kayong dinaramdam? Kapag huli na ang lahat?”

“Avon, umuwi ka lang ba dito para sermunan ako?”

“Hindi lang iyan, `Nay. Balak ko ring itali kayo sa bahay habang nandito ako.” Nilingon niya ang mga kapatid. “Jepoy, kunin mo ang mga gamit ko sa likod ng kotse. Annie, maghanda ka na ng tanghalian. At kayo, `Nay—”

“Ay tatapusin ang paglalaba ko sa likod-bahay.”

“Hindi. Doon kayo sa kuwarto ninyo at magpahinga.”

“O, sige. Pero ipakilala mo muna sa amin itong kasama mo. Siya ba ang nobyo mo?”

“`Nay, siya si Ken Arboleda!” excited na bulong ni Annie sa ina. “Siya `yong crush kong artista!”

“Oo nga, `Nay,” segunda ni Jepoy. “Nakita ko `yong picture niya doon sa sinehan sa may bayan. Ang laki-laki.”

“Artista ba `kamo? Eh, ano’ng ginagawa niya rito sa atin?”

Sa unang pagkakataon, nawalan ng maisasagot si Avon. Hindi naman kasi niya puwedeng sabihin na nagkamali siya ng na-kidnap na tao at nagpilit lang itong sumama sa kanya. Her family would freak out. Ipinagmamalaki pa naman siya ng mga ito sa lahat ng taong makikita. Lalo na ang kanyang ina. At sa maselang kalagayan nito ngayon, mas dapat siyang mag-ingat sa mga sasabihin. Pero ano nga ba ang dapat na isagot? She got her answer when Ken suddenly leaned towards her and whispered to her ear.

“Let me.” Binalingan nito ang kanyang pamilya pagkatapos. “Ako nga ho ang boyfriend ni Avon. Kumusta ho?”

He leaned forward to extend his hand. Manghang-mangha ang kanyang pamilya nang kamayan ni Ken ang mga ito.

“`Nay, magpahinga na kayo sa kuwarto ninyo. Mamaya na lang uli tayo mag-usap. At kayong dalawa,” sabi niya sa mga kapatid. “Gawin na ninyo ang mga dapat ninyong gawin.”

“Mamaya na, Ate. Titingnan ko pa si Ken—”

“Mamaya ka na tumingin kapag natapos mo na ang trabaho mo.”

Hinila niya si Ken hanggang sa makarating sila sa likod-bahay. Nang mapag-isa sa wakas ay tinawagan niya ang kaibigang nakausap nang umagang iyon para kanselahin ang ni-request niyang susundo sa lalaki. Pagkatapos ay si Ken naman ang binalingan niya.

“Tawagan mo na ang mga tauhan mo para sunduin ka dito.” Ibinigay niya rito ang cell phone. “Bahala ka na kung ano’ng gusto mong sabihin sa kanila. I want you out of here as soon as possible.”

Hindi man lang pinansin ni Ken ang cell phone. “You kidnapped me, I saved your pretty little butt, and this is how you repay me. Ganyan ka ba talaga kasama?”

“I didn’t kidnap you, you didn’t save my pretty little butt, so I don’t have to repay you for anything. Tawagan mo na lang ang kahit na sinong alipores mong mauutusan na sunduin ka dito, Ken.”

“Paano kung tumanggi ako?”

Napakunot lang ang noo ni Avon nang kunin nito ang cell phone at basta na lang iyon itinapon sa labas ng kanilang bakuran. She could swear she heard a crack. Tapos na ang maliligayang araw ng cell phone niya. He then stretched out his neck, shoulders, and arm muscles. She didn’t know what was running in his mind at that moment, but she could clearly see he was the type of man no one should mess with. At mukhang determinado talaga si Ken na guluhin ang buhay niya. She knew she should be ready. Ang kaso, imbes na inihahanda niya ang sarili laban sa lalaki ay hindi naman niya maiwasang sundan ng tingin ang bawat galaw nito. And then her eyes settled on his handsome face.

Handsome? Kailan ko pa natutunan ang salitang iyon?

Pero bago pa mabawi ni Avon ang tingin ay nahuli na siya ni Ken na titig na titig dito. Ngumiti ito at ang singkit na mga mata ay lalo pang naging cute sa kanyang paningin.

Handsome. And now cute? What the heck is happening to me?

“I see. Marunong ka rin naman palang tumingin sa isang biyaya ng Diyos sa mga kababaihan.”

Mabuti na lang at nahubog siya ng mga naging training niya sa police academy pati na rin sa matagal na paninilbihan sa kapulisan. Kaya madali niyang naitatago ang mga emosyon. She kept her composure and looked straight at him.

“Bakit mo itinapon ang cell phone ko?”

“Because if I wanted to call anyone, I would have used my own phone.”

“You don’t have a phone.”

“I’m a billionaire boy. I have everything.”

“You’re a pain in the ass.”

“Look who’s talking. And since we’re on the subject of being a pain in each other’s butts, I decided to stay here for a while.” Napakunot lang ang noo ni Avon. Humalukipkip si Ken, showing off those wide expanse of chest and strong arms. “You heard me. Wala akong balak umalis dito hangga’t hindi nakakaganti sa `yo, Miss Spit and Polish. Ilang beses mo na akong pinagmukhang tanga at hindi ako makakapayag na basta na lang kalimutan iyon. I want to get even.”

“Ang laki ng problema mo sa mundo.” Tinalikuran na niya ang lalaki pero muli itong nagsalita.

“Ano kaya ang mangyayari sa nanay mo kapag sinabi ko sa kanya na hindi tayo totoong magkasintahan? Na ang perpekto niyang anak ay may itinatago rin palang maitim na lihim?”

Kulang na lang ay paliparan niya ito ng katabing palanggana sa galit na naramdaman niya nang mga sandaling iyon. “Huwag na huwag mong idadamay sa kabaliwan mo ang kahit na sino sa pamilya ko. Kung hindi—”

“‘Kung hindi’ ano?” Marahang umiling si Ken. “Avon, ikaw ang naglagay sa pamilya mo sa alanganin when you messed up with me. Kaya sarili mo ang sisihin mo ngayon.”

“You bastard!” she hissed.

He waved his hand. “Ang mabuti pa, ngayon pa lang ay magpakabait ka na sa akin. Para hindi ako madulas sa pamilya mo. You know what I mean?”

Kung naging maitim nga lang talaga siguro ang kanyang budhi, baka iginapos na niya si Ken, tinapalan ang bibig, at saka itinapon sa isang ilang na lugar. But then again, with his bloated ego, she knew she would just put herself in danger so she wouldn’t even try messing up with him.

Asar! Siguradong wala na ring bisa ang pampatulog sa panyo ko. Napabuntong-hininga na lang siya.

“Ano’ng gusto mong gawin ko?” Sumuko na si Avon. Her family was her life. At hindi niya ikokompromiso ang kaligtasan ng mga ito dahil lang sa kanyang mga paniniwala. “Gusto mong lumuhod ako sa harap mo at magmakaawa para lang patawarin mo ako sa mga nagawa ko sa `yo? Sige.”

She was now standing in front of him. Gustong-gusto na niyang suntukin si Ken sa mga naging pagbabanta nito. Pero hindi niya magawa. There was just something in his chinky eyes that made her overflowing anger subside. At sa unang pagkakataon, nagawa niyang magbaba ng tingin. Samantalang kahit sa baril ay hindi siya kumukurap.

Just do it, Avon, sabi niya sa isip. Nang matapos na ang lahat ng ito.

Pero hinawakan siya ni Ken sa magkabilang balikat para hindi siya tuluyang lumuhod sa harap nito.

Tinampal ni Avon ang mga braso nito para makawala siya. Pero parang naimprenta na sa katawan niya ang init na hatid ng mga kamay nito. Lalo lang nag-init ang kanyang ulo.

“Bitiwan mo ako. Kaya ko `to.”

“Alam ko. Kaya nga hindi iyan ang gusto kong gawin mo. Isa pa, masyadong madali kung luluhod ka lang sa harap ko. Gusto kong makitang naghihirap ka para ma-satisfy naman ako.”

“Jerk.”

“Sabihin mo pa uli `yan sa akin at kakausapin ko na talaga ang pamilya mo.”

“Sumbungero!”

Saglit siyang tinitigan ni Ken at pagkatapos ay basta na lang itong tumawa. And she was caught off guard with his lively laughter. Parang sa isang iglap ay naglaho ang kurimaw na lalaki na mula nang makilala niya ay walang ibang ginawa kundi painitin ang kanyang ulo. Pero agad ding naputol ang tawa nito.

“O, sige. Maglaba ka na.”

“What?”

“Maglaba ka.” Itinuro ni Ken ang malaking palanggana na puno ng mga labahing hindi natapos ng kanyang ina. “Tapusin mo `yan. Utos ka lang nang utos sa mga tao dito. Dapat gumawa ka rin para patas. At siyanga pala…” Hinubad nito ang suot na polo at inihagis iyon sa kanya. “Isama mo na rin `yan. Galingan mo ang paglalaba, ha?”

Gigil na tinanggal ni Avon ang damit nitong tumapal sa kanyang mukha. “You jerk— What are you doing?”

Hinuhubad na kasi nito ang suot na sinturon. “Since ayaw mong tumigil sa pang-iinsulto sa akin, naisip kong ipalaba na rin sa `yo itong pantalon ko.”

“What— Hey, tigilan mo `yan!” Hindi na niya alam kung paano pipigilan si Ken sa ginagawa nito. Nasa isang liblib na baryo sila. Maeeskandalo ang mga taong makakakita na may nagbuburles sa kanilang bakuran at sa harap pa niya. Bukod pa sa may dalagita siyang kapatid. “Okay! Fine! Gagalingan ko na ang paglalaba—shit! Tigilan mo sabi `yan!”

“You curse too much.” He held on to his pants, though. “Alam mo bang hindi maganda sa pandinig ang mga babaeng nagmumura?”

“Hindi ako nagmumura.”

“Narinig kita.”

“Oo na, sige na. Hindi na ako magmumura.”

“I just love this feeling.” Ken gave out a satisfied smile as he pulled off his belt. “Siguradong mawiwili ako sa pagpapasuko sa `yo, First Lt. Avon Ramirez.”

Padabog niyang itinambak ang polo nito sa mga labahin habang pinagmamasdan itong sisipol-sipol na pumasok uli sa loob ng bahay. Ang makuha si Ken ang pinakamalaking pagkakamaling nagawa niya sa kanyang buong buhay.

“PASENSIYA ka na sa nakayanan naming pagkain dito, hijo. Hindi naman kasi namin alam na darating kayo ngayon.”

“Ito ho kasing si Avon, wala talagang balak na dalhin ako dito kaya inabot pa kami ng kung ilang debate bago nakapagdesisyon na tumuloy na nga dito.”

Sinisi pa ako ng kumag! sabi ni Avon sa isip. “Ayaw lang kitang mahirapan. Hindi madali ang buhay dito sa probinsiya. Sanay ka pa naman sa maalwan na buhay.”

Bumaling sa kanya si Ken since magkatabi lang sila sa harap ng mesa. “Hey, minahal kita sa kung ano ka hindi sa kung ano ang meron o wala sa `yo.”

“Yeah, right,” bulong niya. Magaling talagang artista ang damuho. Dahil pati ang simpatya ng kanyang pamilya ay agad nitong nakuha.

“Puwede ka na ba naming tawaging ‘kuya’?” tanong ni Jepoy.

“Oo naman.”

“Ay!” tili ni Annie. “Puwedeng pa-kiss, Kuya?”

“Annie,” saway niya. “Nasa harap tayo ng pagkain.”

Inakbayan siya ni Ken. “Ikaw naman, sweetheart. Huwag ka nang magselos. Kapatid mo naman si Annie.”

Nagulat si Avon sa naging reaksiyon ng katawan sa lalaki. Hindi niya akalain na sa simpleng gesture na iyon ay maaalerto ang buong sistema niya. It was as if her body had sensed danger, though she couldn’t possibly point out what.

Huh? What kind of danger? Meron pa bang ibang klase ng panganib bukod sa kung ano talaga ang deskripsiyon niyon? Kung ano man iyon, wala nang balak si Avon na malaman pa. Basta ang alam niya, kailangan na niyang makalayo agad kay Ken kaya lihim itong siniko sa tagiliran. Pasimple lang din itong napasinghap at pagkatapos ay mas humigpit ang pagkakayakap sa kanya.

“Nasa harap tayo ng nanay mo, sweetheart,” sabi nito na kalakip ang isang babala. “Baka isipin niyang nagpapanggap lang tayo ngayon.”

The jerk was an all-out blackmailing pig! Mabuti na lang at walang nahalata ang kanyang ina at mga kapatid.

“Nakakatuwa naman kayo, Ate,” wika ni Annie na napabuntong-hininga na lang. “Hindi ko akalain na darating ang panahon na magkaka-boyfriend ka pa. Desperado na nga kam— Aray!”

Napalakas kasi ang pagkakabalya rito ng katabing si Jepoy. Na agad namang sinuway ng kanilang ina.

“Hindi pa nagkaka-boyfriend si Avon?” tanong ni Ken. Sabay-sabay na tumango lang ang mga ito. “Bakit?”

Pumiksi siya para makawala sa lalaki. Pero wala yata talaga itong balak na basta na lang siya pakawalan. She pinched him. Still, Ken didn’t budge. Hinawakan pa nga nito ang mga kamay niya para lalo siyang walang magawa. Her mind raced as she struggled to set herself free. Lalo lang kasing tumitindi ang panganib na nararamdaman niya.

Ken just smiled at her though, as if telling her that she wouldn’t win against him. “Sweetheart, ang saya ko. Kung hindi pa pala ako dumating sa buhay mo, baka matandang dalaga ka na ngayon, ano?”

Isang pekeng ngiti lang ang ibinigay niya at saka pinalambing nang husto ang kanyang boses. “Sweetheart, ang kapal ng mukha mo.”

“Hindi naman masyado. So, Tita, bakit po wala pang nagiging boyfriend itong sweetheart ko mula nang magdalaga siya? Hindi kaya babae ang gusto niya imbes na lalaki?”

Bumungisngis ang mga kapatid niya at parang pinipigil naman ng kanyang ina ang pagtawa.

“Siguro nga,” sagot niya, sabay piksi. Wala pa rin talaga itong balak na pakawalan siya. “Kaya siguro kita nagustuhan, sweetheart. Kasi, `di ba, dati kang babae?”

“Hindi, ah. Nagustuhan mo ako dahil sa kaguwapuhan ko. Ikaw pa nga ang nanligaw sa akin, remember?”

Eksaherado siyang ngumiti. “Nagha-hallucinate ka na, Ken. Ikain mo na lang `yan.”

Pinuno ni Avon ng nilutong gulay ng kanyang ina ang kutsara, saka iyon sinalaksak sa bibig nito. Hindi na nakatanggi si Ken dahil matamang nagmamasid sa kanila ang kanyang pamilya. Pero mukhang wala ring balak ang lalaki na malamangan kaya kinuha rin nito ang kanyang kutsara at ginawa ang ginawa niya. Masamang tingin lang ang ipinukol niya kay Ken. At talagang nagulat siya nang bigla na lang siya nitong halikan sa pisngi. When she opened her mouth in surprise, he just stuffed the food into her mouth and gave her his widest smile. Nagpalakpakan ang mga kapatid niya. Napangiti lang ang kanyang ina.

“Ang sweet!” tili ni Annie. “Sana ako rin magka-boyfriend ng kagaya mo, Kuya Ken!”

“Ang galing mo, Kuya!” bati naman ni Jepoy. “Ikaw lang ang nakagawa niyan kay Ate Avon.”

“Talaga?” buong kayabangang tanong ni Ken. “Dapat pala, lagi ko na siyang susubuan mula ngayon.”

“Hindi, Kuya. Ang ibig kong sabihin, ikaw lang ang nakahalik kay Ate Avon.”

“Na humihinga pa hanggang ngayon,” dugtong ni Annie.

“Kung gano’n, ako ang first kiss niya?”

“Excuse me,” singit niya at mabilis na kumalas kay Ken. Nakatutok lang ang atensiyon nito sa pagtatanong kaya nagawa niyang makalayo agad. “Kakain pa ba kayo? Kukuha lang ako ng kanin sa kusina.”

Pero pagdating sa kusina ay nanatili lang si Avon na nakatayo habang pinipilit kalmahin ang sarili. Galit na galit siya kay Ken dahil ngayon lang niya naranasang mawalan ng kontrol sa sitwasyon. To think na ni wala nga sila sa combat zone. At lahat ng iyon ay dahil sa buwisit na lalaking sabit lang naman sa buhay niya. At nagawa pa siyang halikan ng kumag sa harap ng kanyang pamilya! Hanggang ngayon tuloy ay nararamdaman pa rin niya ang init ng mga labi nito sa kanyang pisngi. Idagdag pa ang pakiramdam na hatid ng matagal-tagal ding pagkakadikit ng kanilang mga katawan nang puwersahan siya nitong yakapin kanina.

“Ahh!” impit niyang sigaw. “Nakakainis!”

Naghahanap na si Avon ng maipangkukuskos sa pisnging hinalikan ni Ken nang marinig niya ang malakas na tikhim na iyon mula sa pintuan ng kusina. The jerk was standing there, leaning against the door frame with that arrogant smile on his face and mischievous glimmer in his chinky eyes.

“So… I was your first kiss.”

“Masyado mo namang pinupuri ang sarili mo.”

“In my experience, makikilala mo nang husto ang isang tao kung sa mga taong malalapit sa kanila ka magtatanong. Isa pa, ang mga bata raw, hindi marunong magsinungaling.”

“Annie is sixteen and Jepoy is fourteen. They’re in their teens kaya malakas ang imahinasyon nila. Tanga ka kapag naniniwala ka sa kanila.”

“Hindi ko na kailangang maniwala sa kanila para lang malamang totoo ang hinala ko.”

“Hinala?”

“That I’m really your first kiss.”

She really couldn’t believe God created this guy. “Don’t flatter yourself too much, Mr. Arboleda. At ang halik na ipinagmamalaki mo? That’s hardly even a kiss.”

“I agree.” Lumapit ito sa kanya.

At kahit ayaw ni Avon, bumalik ang kakaibang kaba sa kanyang dibdib nang titigan siya ni Ken. The mischievous glow in his eyes was replaced with something that she could not recognize. And yet it gave her an adrenaline rush. Pero imbes na lumayo agad, nanatili siya sa kinatatayuan. Hindi dahil sa pride kundi dahil parang nawalan na ng koordinasyon ang katawan at isip niya. God knew how much she wanted to stay as far away as possible from this man. But her body just refused to let go of the opportunity to feel that warm sensation when she was near him.

Drat!

“What are you doing?” tanong niya.

“Fulfilling your dreams.”

“Dreams?” Inilayo ni Avon ang mukha pero nanatili siya sa kinatatayuan. Dahil ang umalis sa kinaroroonan ngayon ay mangangahulugan na natalo siya. At wala siyang balak na magpatalo. “Lumayo ka nga sa akin.”

“Bakit ako ang lalayo? Ikaw naman ang nagpalapit sa akin dito.”

“Ako? Wala akong—”

“You said that the kiss I gave you was hardly a kiss. Mabait naman ako kaya pagbibigyan kita. I’ll give you the kiss you deserve.”

Nang unti-unting bumaba ang mukha ni Ken sa kanya ay parang may nagrambulan na mga kabayo sa dibdib ni Avon. Pero hindi pa rin siya papayag na matalo.

Hindi siya magpapauto sa herodes na ito.

“Ken.”

“Hmm?”

“Gutom lang `yan.”