“ I to ba ang gusto mong mangyari sa lugar na ito, Temarrie? Ang pag-awayin ang magkakaibigan na iyan?”
Si Rumina ang nagsalita. Nakasakay rin ito sa kabayo na ginagamit nito kanina habang tinuturuan ni Jubei. Nasa di-kalayuan sina Jubei at Neiji, halatang may malaking pinagtatalunan. Habang ang magkakambal naman ay nakamasid lang na para bang naghihintay lang ng cue kung kailan sila dapat umawat.
“Mula nang dumating ka rito, lagi na lang nasasangkot sa gulo si Jubei,” patuloy ni Rumina. “Hindi mo pa ba nahahalata na puro lang gulo ang hatid mo sa mga tao rito? Pati si Paz Dominique, pinag-initan ang ilang mga female guests dito nang dahil sa iyo.”
“Hindi ko kasalanan iyon. Sila ang unang lumapit sa akin. Ipinagtanggol lang ako ni Dominique.”
“Bakit ka naman kailangang ipagtanggol? Inaapi ka ba rito?”
Nanatili na lang hindi umiimik si Temarrie. Nag-aalala na kasi siya sa kahihinatnan ng tensyonadong pag-uusap nina Neiji at Jubei. Ano ba kasi ang sinabi ng kambal na iyon sa kanyang asawa at ganoon na lang ang galit nito nang dumating ito roon?
“It was obvious na hindi kayo bagay ni Jubei, Temarrie. Lagi mo na lang siyang binibigyan ng problema. Kaya bakit hindi mo na lang siya hiwalayan habang maaga pa? Bago pa siya naman ang mapahamak nang dahil sa iyo.”
“Hindi ikaw ang magsasabi sa akin kung ano ang gagawin ko sa buhay ko, Rumina.”
“Bakit, sino pa ba ang inaasahan mong magsasabi n’on sa iyo? Si Jubei? He wouldn’t say anything, dahil naaawa siya sa iyo. Kunsabagay, nakakaawa ka nga naman. With your mom dead and your father now in critical condition at the hospital…”
Kasabay ng pagbaling niya sa babae ay ang paggalaw rin ng kabayong kinasasakyan niya. Hinawakan niya nang mahigpit ang renda ni Beast.
“Ano’ng sinabi mo?”
“Bakit? Hindi mo ba alam?” Umismid lang ito. “Poor girl. Sarili mong ama, hindi mo alam ang kalagayan? Ano bang klase kang anak?”
“Ano’ng nangyari sa papa ko?” Halatang nagulat ang kanilang mga kabayo sa sigaw niyang iyon kaya nag-umpisa nang maging uneasy sa kinatatayuan ang mga hayop. “Ano’ng nangyari sa papa ko? Bakit mo sinasabing nasa critical condition siya? Nasa US ang papa ko at negosyo ang pinagkakaabalahan niya roon!”
“Huwag kang sumigaw,” saway ni Rumina. “Tinatakot mo ang mga kabayo.”
“My father’s not going to die!”
Sa huling sigaw ni Temarrie ay tuluyang nagwala ang mga hayop. Nang tumakbo ang kabayo ni Rumina, napatili ang babae. That was Temarrie’s horse’s cue to rise up on its front legs, swinging them high enough for her to lose her grip on the reins. Bumagsak siya sa lupa at agad niyang naramdaman ang pagkirot ng kanang balikat. Nagdidilim na ang kanyang paningin dahil sa kirot pero nilabanan niya iyon. Kaya kitang-kita niya nang habulin ni Jubei ang kabayong kinaroroonan pa rin ni Rumina. Wala na itong malay nang makuha sa likuran ng kabayo.
“Temarrie! Oh, my God! Are you okay?” b oses iyon ni Neiji. “Teka, huwag ka munang gagalaw. Padating na ang mga paramedics.”
Nagpilit pa rin siyang makatayo kahit nahihilo na siya. Napapapikit lang siya sa sobrang kirot ng kanyang balikat pero sa kabuuan, wala na siyang ibang naging pinsala.
“Dumito ka na lang muna, Temarrie,” wika ng isa sa kambal. Ang isa kasi ay kasama ni Jubei nang isugod si Rumina sa pinakamalapit na pagamutan. “Mukhang hindi maganda ang lagay ng balikat mo. Kapag napuwersa iyan, baka mas lalo lang lumala ang pinsala mo.”
“I’m fine.” Wala nang mas sasakit pa sa nasaksihan niya kanina. Kung saan mas inuna ni Jubei na iligtas ang ibang babae. “Kailangang makabalik ako ng Maynila. Gusto kong makita ang papa ko.”
“Hindi ka namin papayagang umalis,” mahinahong deklara ni Zell. “You’re hurt, Temarrie. Kailangan mo ng mabilis na medical attention. Dadalhin ka namin sa Maynila as soon as sabihin ng doktor dito na walang ano mang malubhang pinsalang nangyari sa iyo. Sumama ka na sa amin sa clinic.”
“Gusto kong makita ang papa ko!”
“You’ll see him as soon as we get you out of this miserable condition you’re in.”
Mukhang wala na rin naman siyang magagawa dahil binarikadahan na siya ng mga lalaking iyon. Na kung papalag pa siya nang isang beses, may kutob siyang bubuhatin na siya ng mga ito madala lang sa clinic.
But Jubei and Rumina were also there. Wala pa ring malay ang babae habang nasa tabi pa rin nito ang kanyang asawa. Ni hindi man lang siya tinapunan ng tingin. And seeing them together made her injury even more unbearable.
“Na-dislocate ang buto mo sa balikat, Mrs. Bernardo.”
Parang gusto niyang ibigti sa pamamagitan ng stethoscope ang doktor. Tawagin daw ba siyang Mrs. Bernardo habang ang magaling niyang asawa ay nasa kabilang panig lang ng silid, kapiling ng babae nito?
“We could snap it back to its original position,” patuloy ng doktor. “So, kailangan mong mag-relax.”
“Teka, Doc,” singit ni Neiji. “What do you mean ‘snap it back’?”
“It is what it is.”
Napasinghap at napangiwi ang mga lalaking nagmalasakit na magdala sa kanya sa clinic.
Mabuti pa ang mga ito.
“Nagkaroon na rin ako ng ganyang injury noon,” wika ni Gino. “When the doctor snapped it back, man, I could have killed him.”
“Yeah,” sang-ayon ni Hiro. “It was hell, but only for a few seconds. Parang kagat lang ng langgam… ng malaking-malaking langgam.”
Lahat sila ay nakamasid lang sa dalawang huling nagsalita. Ang mga ito na lang kaya ang unahin niyang ibigti sa stethoscope? Hinawakan siya ng doktor sa braso at minasahe iyon. Pagkatapos ay maingat naman nitong inilapat ang isang kamay sa may pinsala niyang balikat. She winced at the slightest pressure. Mariin siyang napapikit habang hinihintay ang tinutukoy na impiyerno nina Gino at Hiro.
“Temarrie!”
She opened her eyes just in time to see Jubei coming her way before the searing pain in her shoulder almost blinded her. Napaiyak na siya.
“Ayoko na, pare!” b oses iyon ni Zell. “Hinding-hindi na ako magdadala ng kahit na sinong babae sa ospital.”
“Mauuna na ako sa inyo, `tol. Mawawalan na ako ng ulirat dito.”
“I think I’m going for a swim.”
Nagsialisan na ang mga lalaking nagdeklara ng katapangan pero tumiklop naman nang makarinig ng iyak ng isang babae.
“Temarrie… its okay. You’ll be alright now. Tahan na…”
Pamilyar sa kanya ang mainit at maingat na mga brasong bumalot sa kanya ngayon. Iyon ang mga braso ng lalaking kanyang minahal pero nanatiling pag-aari ng iba ang puso. Humupa na ang matinding kirot sa kanyang balikat kaya nagawa niyang tapikin ang mga braso nito.
“Bitiwan mo ako!” Patuloy ang paglandas ng luha sa kanyang mga mata. Saka ito hinarap. “Tell me, Jubei. Alam mo ba ang tungkol sa kalagayan ng papa ko? Alam mo ba?!”
“Temarrie…”
“Alam mo, hindi ba? Kaya pinipilit mo akong tawagan siya nang kusa. Dahil alam mong hindi na ako magagawa pang tawagan ng papa ko! Because he’s sick and in critical condition! Bakit hindi mo sinabi sa akin? Bakit!”
Hinawakan niya ito sa kuwelyo ng suot nitong jacket. Ngunit agad din naman niyang binawi ang kamay dahil kumirot na naman ang kanyang balikat.
“Mrs. Bernardo, hindi mo muna puwedeng maigalaw pansamantala ang kanang braso mo,” wika ng doktor. “Please, iniiwasan nating magkaroon ka ng permanenteng damage sa balikat—”
“I don’t care! Gusto ko nang makita ang papa ko!”
“Sige,” wika ni Jubei sa mahinang boses. “Ihahatid na kita sa Maynila.”
“No.” t inuyo niya ang mga luhang naglandas sa kanyang mga pisngi at inayos ang sarili, saka ito tinitigan nang buong pait. “Kaya ko ang sarili ko. Dumito ka na lang. Bantayan mo si Rumina. Hindi pa rin siya nagkakamalay.”
“Nawalan lang ng malay si Rumina. But she’s okay now. Ako ang maghahatid sa iyo sa Maynila.”
“Ayoko.”
“Temarrie—”
“Ayoko sinabi.” Nakita niya ang isa sa kambal. “Puwede bang magpahatid sa iyo sa Maynila?”
“I have a chopper. Yeah, sure.”
“Jigger—”
“Hayaan mo na muna siya, pare. Marami pa namang pagkakataon na makakapag-usap kayo. And by the way, it’s Trigger.”
As Temarrie walked out of the Stallion Clinic, batid niyang iiwan na rin niya roon ang kanyang puso at pag-ibig. Sa piling ng lalaking minahal niya nang lubos.
“You know,” wika ni Trigger habang patungo sila sa helipad kung saan naghihintay ang helicopter nito. “Kaya lang naman si Rumina ang unang inasikaso ni Jubei ay dahil siya ang nawalan ng malay. Sa sobrang takot siguro.”
“Wala akong pakialam.”
“Wala ba? Pasensiya na. Napansin ko lang kasi na parang nagselos ka nang husto kanina nang si Rumina ang daluhan ng asawa mo. Ang totoo, ikaw talaga dapat ang unang dadaluhan ni Jubei. Pero inutusan namin siyang si Rumina ang asikasuhin dahil siya ang pinakamalapit sa kanya at kami naman ng iba pa naming kasama ay nasa tabi mo na—”
“Trigger, please, huwag ka na lang magsalita.”
“Okay. I just thought you might want to know.”
“I don’t.”
KINAGAT ni Temarrie ang ibabang labi habang pinagmamasdan ang ama sa salaming bintana sa ICU ng ospital kung saan ito naka-confine. Agad niyang tinawagan ang mga nakatatandang kapatid pag-alis na pag-alis pa lang nila Stallion Riding Club. Sa ospital na nga sila nagkita-kita.
“Ayaw talagang ipaalam sa iyo ni Papa ang kalagayan niya, Temarrie,” wika ni Kuya Marlon. “Gusto niyang maging masaya ka sa araw ng iyong kasal.”
“Kailan pa ninyo itinatago sa akin ang kalagayan niyang ito, Kuya?”
“Matagal na,” sagot ni Kuya Anthony. “Ilang beses na siyang nagkaroon ng heart attacks. Hindi lang nahahalata dahil magaling siyang magtago ng mga sintomas. His last fatal attack happened the day after your wedding.”
Iyon ang araw na tumawag sa kanya ang ama upang ipaalam na pupunta raw ito sa US para sa mga negosyo. `Yon pala, nagpapaalam na ito sa kanya. h e was having a heart attack and she was giving him the cold shoulder.
“Ayaw niyang mag-alala ka. Hanggang maaari, gusto niyang siya na lang ang mag-suffer.”
“That’s so unfair, Kuya. Talaga bang ayaw na ninyo ako sa buhay ninyo? At pati ang kalagayang ito ni Papa ay hindi na ninyo maibahagi man lang sa akin? Anak din naman niya ako, ah. Kapatid n’yo rin ako. Pero bakit lagi ninyo akong ina-isolate sa pamilya natin?”
“We just don’t want you to suffer again, Temarrie. Nakita namin kung gaano ka nasaktan noon nang mamatay si Mama. Muntik ka nang hindi makapag-cope sa pagkawala niya.”
“Kaya sumang-ayon kami kay Papa na itago na lang sa iyo ang lahat. Ayaw na rin naman naming makita kang umiiyak, Temarrie.”
“Hindi ako bato, Kuya! Tao lang ako kaya natural lang na umiyak ako kapag nasasaktan. Pero malaki na ako. Hindi na ako ang dating teenager na muntik nang magpakamatay dahil sa pagkawala ng kanyang ina. I’m old enough to take of myself. I’m old enough to accept failure and defeat. I know how to handle them all. Kung sana ay binigyan lang ninyo ako ng pagkakataon.”
Napayuko na lang ang mga ito. Isang pag-amin iyon ng kanilang pagkakamali.
“We just don’t know what to do anymore, Temarrie. Naiipit kami sa pag-aalala kay Papa at sa pangangalaga sa kapakanan mo.”
“Sorry, sis.”
Niyakap niya ang mga kapatid. All this time na iniisip niyang pinababayaan siya ng kanyang pamilya, kabutihan lang pala ang nasa isip ng mga ito. Kabutihan niya na hindi rin naman niya naintindihan dahil masyado siyang abala sa pangangalaga ng kanyang mga nararamdamang pagtatampo. Siya ang naging makasarili. Tuloy ay hindi niya namalayan man lang ang lumalalang kalagayan ng kanyang ama.
“I’m sorry din, Kuya. I’m sorry naging masyadong matigas ang ulo ko. I’m sorry hindi ko man lang inisip ang dahilan ng mga paghihigpit ninyong iyon sa akin.”
Marahang tinapik ng mga ito ang kanyang likod at buhok. Tapos na ang unos sa pagitan nilang magkakakapatid. Kung makakagising lang ang kanilang ama, sisiguruhin niyang hinding-hindi na ito magkakaproblema sa kanya.
“`Pa, pagaling ka,” wika niya, behind her facial mask. Pinayagan na kasi siyang makapasok sa ICU ng mga doktor na tumitingin dito. “May ipapakita ako sa iyong sorpresa. Sige, hindi na kita sosorpresahin. Ngayon ko na sasabihin sa iyo. Natupad ko na rin ang isa sa mga pangarap ko, `Pa. May sarili na rin akong negosyo gaya nina Kuya Anthony at Kuya Marlon. Isang maliit na restaurant lang iyon. Pero ako ang nagpundar, `Pa. Well, siguro hindi iyon sa sarili kong bulsa nanggaling entirely. Pero nangangako naman akong aalagaan at palalakihin ko iyon hanggang sa magkaroon na rin iyon ng maraming-maraming franchise. Dahil gusto ko ring maipagmalaki ninyo ako, `Pa. Kahit isa lang akong babae. Nagsumikap akong gawin ang lahat ng iyon dahil sa inyo, `Pa. At hindi dahil sa gusto kong magmalaki sa sarili ko. Because I wanted you to be proud of me.”
Pumipiyok na si Temarrie sa pagpipigil na maluha nang tuluyan sa harap nito. His father wanted her to be tough. Her mom made her tough. Kaya magiging matatag siya kahit ano’ng mangyari.
“Naalala mo pa ba ang sinabi mo sa akin noon, `Pa? Na maalagaan ako ni Jubei? Hindi naman totoo iyon. Pinabayaan niya ako. Pero alam mo, `Pa, kahit gano’n ang nangyari, minahal ko siya. Mahal na mahal.” Pinunasan ni Temarrie ng mga daliri ang mga luhang nagbabantang maglandas na naman sa kanyang mga pisngi. “At hindi rin kayo nagkamali ng pagpili sa kanya para maging kasama ko sa buhay, `Pa. Dahil minahal ko siya nang husto. Wala akong pinagsisisihan do’n kahit isang sandali. Kahit ni minsan ay hindi niya ako minahal. Kasi, masaya na ako nang mahalin ko siya at sapat na iyon sa akin. `Pa, salamat at sa kabila ng karamdaman ninyo, sa kabila ng sakit ng ulong idinulot ko sa inyo at kina kuya, ibinigay pa rin ninyo sa akin ang tamang lalaki. Salamat kay Jubei, `Pa.”
Oo, tama. Mananatili ang pagmamahal niya sa lalaking iyon kahit pag-aari pa rin ng iba ang puso nito. She stayed by her father’s side until the doctors told her to leave the ICU.
Araw-araw, ganoon ang ginagawa niya. Hindi siya umaalis ng ICU hangga’t hindi sinasabi ng mga doktor. Nais niyang manatili sa tabi ng ama. Natatakot kasi siyang baka wala siya sa tabi nito kung sakaling may mangyaring hindi maganda rito.
“Temarrie, magpahinga ka na,” wika ng kanyang hipag na si Aleena, ang asawa ni Kuya Marlon. “Puwede namang kaming magpalit-palit ng pagbabantay kay Papa.”
“Oo nga naman, Temarrie,” wika naman ng asawa ni Kuya Anthony na si Ritzel. “Ilang araw ka nang nagpupuyat dito. Hindi ka rin gaanong kumakain. Baka sa susunod, ikaw naman ang isusugod sa ICU.”
“Okay lang ako. Ayokong iwan ang papa.”
“Pero—”
“Huwag ninyo akong intindihin. Kaya ko `to.”
“Hindi mo na kaya.”
Napaangat ng tingin si Temarrie sa huling nagsalita. Ang guwapong mukha ni Jubei ang nabungaran niya. Ilang araw na rin silang hindi nagkikita. Pero hanggang sa mga sandaling iyon, sa kabila ng pagod at puyat, kilalang-kilala pa rin ito ng kanyang puso.
“Ano’ng ginawa mo rito?”
“Ikaw, ano’ng ginagawa mo sa sarili mo?”
“I’m taking care of my father.”
“Well, now, you have to start taking care of yourself, as well.”
Hinawakan siya nito sa braso ngunit binawi lang niya iyon. “Leave me alone, Jubei. Pagod ako at wala akong lakas para makipag-away sa iyo.”
“Hindi ako nandito para makipag-away. Nalaman ko sa mga kapatid mo na unti-unti mong pinapatay ang sarili mo. Ganyan ba ang kalagayang ihaharap mo sa papa mo sa paggising niya? n angangalumata ka na. Kapag nagising ang papa mo at ikaw ang una niyang nakita, siguradong aatakihin na naman iyon sa puso dahil sa takot sa iyo.”
Ganoon na ba kapangit ang itsura niya ngayon? Siguro pinagtatawanan na ni Jubei ang itsura niya dahil ang ganda ng minamahal nitong si Rumina ay walang pintas.
“Temarrie, sige na. Sumama ka na sa asawa mo. Tutal naman, stable na ang kalagayan ni Papa.” Binalingan ni Ritzel si Jubei. “Pakialagaan nang husto ang prinsesa namin, please.”
“Iyan naman talaga ang gagawin ko.” Ikinulong na siya ni Jubei sa mga bisig at inalalayang makatayo. “Let’s go home, Misis.”