noveltoon logo noveltoon
Jubei Bernardo (Stallion Series 1)

Chapter 3

Ch. 3 / 10 Nov 28, 2025

N anatiling nakaupo si Temarrie sa visitor’s chair habang si Jubei naman ay nasa likuran ng table at tahimik lang siyang pinagmamasdan. Nang iwan sila ng ama nito ay sinabi ni Jubei na mag-usap na muna sila sandali sa opisina.

Sandali pala, ha? Muli niyang sinulyapan ang wallclock na nakasabit sa dingding sa bandang likuran ng binata.

“Ano? Magtititigan na lang ba tayo rito? Aba, kung gano’n, bayaran mo ang oras ko dahil marami pa akong dapat ay ginagawa ngayon na pinagkakakakitaan ko.”

“Wala ka na ba talagang inisip kundi pera?”

“Alangan namang ang problema ng mundo ang isipin ko? Hindi naman ako n’on mabibigyan ng kaginhawahan sa buhay. Sasakit pa ang ulo ko.” Tumayo na siya. “Nasabi ko na ang gusto kong sabihin kaya aalis na ako. Babush!”

“Why did you agree to this marriage, Temarrie?” Nilingon niya ang lalaki. “Are you really that bored that you’ll let anyone mess with your life?”

“Ako ba talaga ang tinatanong mo o ang sarili mo?”

“I’m the one who asked the question.”

What a jerk. “No, I’m not bored with my life.”

“So, what’s your reason?”

“Hindi ba pa obvious? Siyempre, pera. Mukhang iyon lang naman talaga ang mapapakinabangan ko sa iyo.”

“You’re throwing away your freedom for the sake of money?” Tila hindi makapaniwala si Jubei sa narinig.

“Bakit, ano ba ang inaasahan mong isasagot ko? Na pakakasalan kita dahil mahal kita? Duh. In the first place, I don’t even like you.”

“I don’t like you, either. Kung gano’n, malinaw na sa ating dalawa ang lahat—”

“Actually, hindi pa.” Kung inaakala ni Jubei na magagawa nitong diktahan ang lahat ng mga mangyayari sa buhay niya, hah, nagkakamali ito. At mabuti nang alam na nito ang tungkol doon habang maaga pa. “How about you, Jubei? Ano naman ang dahilan mo kung bakit bigla ka na lang pumayag sa set up na ito? Sa nakikita ko pa naman sa iyo, hindi ikaw ang tipo ng taong basta na lang hahayaan ang ibang tao na pakialaman ang buhay mo.”

“I don’t want to disappoint my parents, lalo na ang papa. Bata pa lang ako, alam ko na ang plano niya ng kaibigan niya, which happens to be your father, na ipakasal ako sa anak na babae nito. Na ikaw nga.”

“Mukhang disappointed ka.”

“My feelings have nothing to do with this. Ang parents ko lang ang mahalaga sa akin dito. May sakit sa puso si Papa. Pagkatapos ng mga nakita at narinig niya kanina, siguradong tuwang-tuwa na iyon dahil matagal na niyang gustong magkakilala tayo. Minsan ko na siyang binigyan ng kalungkutan, and it almost cost him his life. Ayoko na uli mangyari iyon dahil apektado ang mama ko. Now, six months is already a long time for us to be spending time together. I’m sure hindi na magtataka pa ang mga magulang natin pareho kapag nalaman nilang hindi na nagwo-work out ang pagsasama natin bilang mag-asawa.”

“So, maghihiwalay tayo pagkatapos ng anim na buwan.”

“Irreconcilable differences. Tatanggapin iyon ng korte, with your attitude—“

“And your attitude,” dugtong ni Temarrie.

“With your attitude,” pagdidiin ni Jubei. Talagang ayaw patatalo. “Matatanggap na nila na pinilit nating makilala at mapakisamahan ang isa’t isa pero hindi pa rin nagkakasundo. In six months, pareho na nating makukuha uli ang kalayaan natin.”

Parang dehado yata siya sa plano na iyon, ah. “Heto naman ang plano ko. Papayag ako sa lahat ng iyan, pero gusto ko rin naman ng may mapakinabangan ako out of this marriage.”

“That sounds fair enough.”

Kahit paano, nag-alala si Temarrie sa sinabi ni Jubei. Wala ni katiting na bakas ng pagkabahala sa guwapo nitong mukha. Hindi ito nag-aalalang limasin niya ang lahat ng kayamanan nito. w as he that financially stable?

Hmmm, this is getting better and better.

“So, that’s it, huh?” anito. “Walang pakialamanan. Dahil hindi por que nagpakasal tayo, may karapatan ka nang pakialaman ang buhay ko. Leave me alone, and I’ll do the same with you. Sinasabi ko lang ito para malinaw ang lahat sa atin. Ayoko ng may itinatago pa tayo sa isa’t isa at pagkatapos ay magsusumbatan sa huli. Ayoko ng gulo.”

“Walang pakialamanan, ha? Sige, deal!”

Tinanggap nito ang nakalahad niyang kamay. At ewan niya kung ano’ng nangyari, pero nang magkalapat ang kanilang mga kamay ay parang may munting pangyayaring pareho nilang hindi inaasahan. Sabay pa nga silang napatingin sa kanilang mga kamay. It was like there was a faint spark that was ignited when their hands touched. Nagkatinginan sila sa isa’t isa, parehong nagtatanong kung ano ang nangyaring iyon. p ero nang wala sila parehong maisagot ay walang imik na lang silang naghiwalay.

“Siyanga pala, gusto kong ipaubaya mo sa akin ang Baltimore’s Place,” aniya. “Iyon ang una kong gustong i-claim.”

“Bakit gustong-gusto mong makuha iyon? What are you going to do with that place?”

“That’s none of your business.”

“It is, since my company is expanding and that building spot is perfect for me to start my expansion.”

Nagpamaywang si Temarrie at hinarap si Jubei. “Akala ko ba walang pakialamanan?”

“Business is another matter.”

Ang sarap talagang tadyakan sa mukha ng lalaking ito! Ang napagkasunduan nilang plano, ito lang pala ang makikinabang. Hah! Hindi siya papayag na maisahan.

“Kung gano’n, good luck na lang sa iyo at sa pamilya mo. Sa media na nga pala ang diretso ko. Magpapa-conference ako tungkol sa relasyon ninyo ni Rumina at ang pagtanggi niya sa alok mong kasal.”

She was heading for the door when she noticed that criminal look on his eyes. Inihanda na rin niya ang kanyang mga kuko. Huwag lang magkakamali si Jubei na kantiin siya at talagang pipingasan niya ang kaguwapuhan nito. Nakakapanghinayang ang mukha nito pero wala siyang magagawa. Her mother brought her up to be a fighter when she was still alive. And her father and brothers’ insensitivities hardened that resolve.

Pero hindi pa man siya nakakatapak palabas ng opisina ay nahawakan na siya ni Jubei sa braso. At sa ikalawang pagkakataon, naramdaman na naman niya ang munting kilabot na iyon. Naramdaman din iyon ng lalaki dahil agad nitong binawi ang kamay sa kanya. Pero hindi rin naman siya agad na pinakawalan nang iharang nito sa pinto ang braso.

“My personal life has nothing to do with us and our situation, Miss Temarrie Icasiano. Kaya kung ayaw mong magulo ang sarili mong buhay, huwag mong pakikialaman ang mga bagay na wala kang kinalaman. I’ll say this again and I’ll say it for the last time. Huwag mong pakikialaman ang mga private affairs ko—”

“Or else what? Alam mo, Mr. Juan Bernardo IV, masyado kang conceited. Ang gusto mo lang ang laging kailangang masunod kahit may batas nang nagsasabi na dapat ay pantay-pantay ang mga tao. Well, sorry ka na lang dahil isa akong mabuting mamamayan ng bansang ito na walang balak na balewalain ang batas. Pantay lang tayo. Kaya huwag mo akong iisahan dahil hindi ako papayag. Kung gusto mong mag-work out ang usapan nating ito, huwag kang umasta na parang ikaw lang ang may karapatang mabuhay sa mundo.” Hinawi niya ang braso nito. “At hangga’t hindi mo natatangap iyon, magpakasal kang mag-isa.”

Then she walked out and headed for the elevator with her head held high. Nakita niyang nakamasid lang sa kanya ang binata at nakakunot ang noo. Pinasukan na naman ng masamang hangin ang utak niya kaya sa huling pagkakataon ay humirit pa siya.

“Ang yabang mo kasi! Iyan tuloy nabigo ka. `Buti nga sa iyo.” Unti-unti nang sumara ang pinto ng elevator nang sugurin siya ni Jubei. She stuck her tongue out at him. “Beh!”

“ANG GANDA- ganda mo talaga, Miss. Para kang prinsesa.”

Hindi na pinansin ni Temarrie ang walang patid na papuri ng make-up artist na nag-aayos sa kanya. Mas abala kasi siya sa isinusulat sa maliit na notebook.

Ang araw na iyon ang kasal nila ni Jubei. Hindi niya alam kung ano ang nagpabago sa isip nito at pumayag nang ibigay sa kanya ang Baltimore’s Place. Nalaman lang niya iyon nang magtungo ang binata sa bahay nila kasama ng mga magulang nito. They never talked back then. Pero sapat na ang pagpayag nitong matuloy ang kasal upang malaman niyang payag na rin ito sa gusto niyang mangyari. At dahil din doon kaya ngayon ay heto siya at naglilista ng mga ayaw at gusto niyang makuha out of that marriage. Jubei did the same. Nasa kanya na nga ang listahan nito.

“Hindi ko na itatali ang buhok mo, Miss. Sayang, ang ganda kasi para lang hindi makita ng iba.”

“Bahala ka.” Tumabon sa kanyang mukha ang manipis na tela ng belo. Pero hindi pa rin siya tumigil sa paglilista. “I want a room of my own… bawal pumasok sa kuwarto ko… Hmm, ano pa kaya? Ah! Bawal manghiram ng kahit na anong gamit. Kutsara, tinidor, pinggan, tuwalya, toothbrush, unan, kumot, blouse, panty at bra.”

Malapad na napangiti si Temarrie sa kanyang mga huling sinulat. Ano kaya ang magiging reaksyon ng kolokoy na iyon kapag nabasa ang listahan niya?

Wala. Bato iyon, eh.

Pero hindi pa rin niya iyon binura. Gusto lang niyang makapang-asar. Tapos na siyang ayusan ng bading pero hindi pa rin siya tapos sa ginagawa. Kanina pa nananakit ang kanyang likod dahil sa pananatili sa kinauupuan habang inaayusan kaya tumayo na siya at nagpalakad-lakad habang patuloy sa pag-iisip ng mga puwede pang ilista. Hanggang sa mapansin niyang parang may ibang tao roon na nanonood sa kanya.

And true enough. Jubei was standing at the door, leaning against the doorframe, watching her. Bigla siyang natahimik. He was so good-looking in his white tuxedo, despite the serious look on his face. Hinintay niyang humirit ang lalaki para masangga niya dahil iyon ang nakasanayan niya. Pero nang ilang minuto na ang lumilipas at nanatili lang itong nakamasid sa kanya nang hindi umiimik, nagsimula na siyang makaramdam ng pagkailang. Na hindi naman dapat, kaya siya na ang unang bumasag ng katahimikan.

“Hindi mo ba alam na hindi dapat nakikita ng groom ang kanyang bride before the wedding?”

“No.” Humalukipkip ang lalaki at patuloy lang siyang pinagmasdan.

Naiilang na talaga siya. Wala itong dapat na mahalata dahil siguradong pagtatawanan siya nito. “Bakit nandito ka? Ano’ng kailangan mo? Uurong ka na sa kasal?”

“Why would I do that? Ikaw ang inaalala kong baka takbuhan mo na naman ako gaya noong nakaraan. Hindi ako papayag, ngayon pang nakapag-invest na ako sa iyo. You already got Baltimore’s Place.”

“Na marapat lang naman.” He still kept watching her. “Bakit ganyan ka kung makatingin? Ano’ng problema mo?”

Nagkibit lang ng balikat si Jubei. “Ang alam ko, ang mga virgin lang ang puwedeng magsuot ng white dress at wedding veil na nakatabon sa kanilang mukha.”

“What?”

“Oh, well.” Naglakad na ang lalaki patungo sa pinanggalingan nito. “I’ll see you at the altar.”

Nagtatagis na ang mga bagang ni Temarrie. Ano ang karapatan ng lalaking ito na i-assume na hindi na siya virgin? Itinaas niya ang laylayan ng kanyang gown at hinubad ang sapatos. Pagkatapos ay malakas niya iyong ibinato. Tumama iyon sa likod ni Jubei.

Dahan-dahan siya nitong binalingan. Halata ang iritasyon sa mukha. Pero hindi ito nagtaas ng boses. “This is your wedding day, kaya hindi ko papatulan ang kalokohan mong ito. Hahayaan na lang muna kitang mangarap kahit sandali lang.”

“Hoy, for your information, virgin pa ako, `no? a t baka nga ako na lang ang nag-iisang babae sa mundo na birheng maihaharap mo sa altar kaya imbes na insultuhin mo ako, dapat nga ay magpasalamat ka pa.” She walked towards the door and slammed it shut. “Ang gagong iyon!”

Pumasok na sa isip ni Temarrie ang tumakas at hayaang harapin ng herodes na lalaking iyon ang lahat ng kahihiyan sa mundo. Pero agad ding nagbago ang isip niya nang maalala ang kanyang pamilya. Siguradong may panibagong masterpiece na naman ang mga ito na maipansesermon sa kanya. Isa pa, may sakit sa puso ang ama ni Jubei. Rebelde lang siya, hindi kriminal. Ayaw niyang may ibang taong mabibingit ang buhay nang dahil sa kanya.

“Kung gano’n, Juan Bernardo IV, magdudusa ka,” pangako niya sa hawak na listahang notebook. “Sisiguruhin kong gagapang ka sa lusak!”

Eksperto siya sa pamamahagi ng sakit ng ulo, kaya nga napundi na sa kanya ang pamilya niya. Ngayong wala na siyang magiging problema sa pera, libreng-libre na siyang tambakan ng sakit ng ulo ang lalaking iyon.

“Ma’am, handa na ho ang sasakyan.” a ng driver nila iyon. “Nauna nang umalis ang groom kaya kailangan na rin nating umalis.”

“Sige. Hahanapin ko lang ang sapatos ko…”

“YOU LOOK lovely, hija.”

Tinanguan lang ni Temarrie ang ama habang naglalakad sila papasok sa simbahan. Mas abala kasi siya sa paglalakad nang maayos. Lintik kasing sapatos iyon! Hindi niya makita. Wala pa naman siyang makitang maipapalit dahil sa hotel siya nag-ayos. Kaya ngayon, heto siya at pilit na binibigyan ng remedyo ang iika-ika niyang paglalakad.

I shouldn’t have put on those damn shoes!

“Siguradong masaya ang mama mo kung sakaling nakikita ka niya ngayon, Temarrie.”

Darn it! Nakakahiya sa mga tao roon. Pati na rin sa mga taga-media na nakatutok ang mga camera sa kanya. Bakit naman kasi nag-imbita pa ng mga reporter sa kasalang iyon? Napapansin na rin niyang nagbubulung-bulungan na ang mga tao.

“Sana’y maintindihan mo ang naging desisyon naming ito ng mga kuya mo, hija. This is for your own good.”

Napabuntunghininga lang siya. Wala nang pag-asa pang tumino ang kasalang iyon. Hay naku, bahala na nga. Pero masakit na talaga ang paa niya kaya hinubad na niya ang nag-iisang sapatos at iniwan iyon. Doon lalong lumakas ang bulung-bulungan.

“Naiwan `yong sapatos.”

“Naku, malas daw iyan para sa mga ikakasal.”

“Kunin ninyo, dali! Ipasuot uli ninyo sa bride!”

Great. Now what? Babalikan na ni Temarrie ang sapatos para matapos na ang kaguluhang iyon nang mapansin na naman niyang napabaling ang atensyon ng mga tao sa altar. Nang tingnan niya ang dahilan niyon ay nakita niyang naglalakad na patungo sa kanya si Jubei. He was walking like some royal prince, as cameras flashed everywhere. Nilagpasan siya nito upang damputin ang naiwang sapatos. Nang lumuhod ito sa harap niya ay automatic niyang iniangat ang laylayan ng kanyang gown. Nagulat pa nga siya dahil magkapaa na ang kanyang mga sapatos. Itinago ba ni Jubei ang kapaa ng sapatos niya nang ibato niya iyon dito kanina?

“Aaahh… ang sweet!”

“Parang sa fairy tale na mga nababasa ko.”

“Nakakatuwa naman…”

Jubei looked at her and smiled. Damang-dama niya ang munting kaguluhan na iyon sa kanyang dibdib. Kung hindi lang niya alam na palabas lang ang lahat ng iyon upang mapasaya ang mga magulang nito, pati na rin ang mga taong nanonood sa kanila nang mga oras na iyon, baka nagustuhan na niya si Jubei. Because the creep was really a certified hunk!

He slowly stood up and turned to her father. “Hihintayin ko na ho ang anak ninyo sa altar, Sir.”

“You’ll have my daughter, son.”

Binalingan siya ni Jubei at muling ngumiti. Ang kumag! Talagang dinidibdib ang pagiging artista!

“I’ll see you there.”

Ah, akala mo ikaw lang, ha? Ngumiti rin siya at idinampi ang kanyang nakaguwantes na kamay sa pisngi nito. “Wait for me.”

Napansin niyang saglit itong natigilan. Marahil ay hindi inaasahan ni Jubei na papatulan niya ang drama nito. O, eh, di natameme ka ngayon diyan? Huwag mo akong hahamunin, Jubei. Dahil pumapatol ako!