noveltoon logo noveltoon
Jubei Bernardo (Stallion Series 1)

Chapter 10

Ch. 10 / 10 Nov 28, 2025
Prev Next

“ I an walk.”

“No, you can’t, Temarrie.”

“Yes, I can.”

Pinilit niyang makawala kay Jubei habang naglalakad sila sa corridor ng ospital. Pero hindi siya nito hinayaang makalayo.

“Temarrie, you don’t have to be strong all the time. At minsan, kailangan mo rin ang tapang na iyon para sabihing mahina ka.”

“Malakas ako.”

“You can’t even walk straight.”

“Kailangan ko lang ng kape.”

“Kailangan mo ng pahinga. Ng maraming-maraming pahinga.”

Nanlalabo na ang paningin niya sa ilang araw na pagpupuyat. Pero ayaw pa niyang pumikit. Kailangan pa siya ng kanyang ama. Sumama lang siya ngayon kay Jubei para makapagpalit ng damit.

“Ihatid mo na lang ako sa bahay namin, Jubei. Tapos, puwede mo na akong iwan. Salamat sa lahat.”

“Sino ang may sabing iiwan kita?”

“Ilang araw mo na akong hindi pinapansin. Hindi hinahanap. Bakit ngayon bigla ka na lang susulpot at makikialam sa buhay ng may buhay?”

“Talagang sinadya kong huwag na munang magpakita sa iyo. You needed some time to patch things up with your family. So I gave you space. Pero hindi ibig sabihin n’on ay hindi na kita inaalala. I’m here everyday. Hindi lang ako nagpapakita sa iyo.”

“Sinungaling.” Idinantay ni Temarrie kanyang ulo sa malapad na dibdib ni Jubei. “Wala ka rito.”

“Nandito ako. Sa palagay mo, paano kong malalaman na inaabuso mo na ang sarili mo kung hindi kita nakikita?”

“Sinabi mong nalaman mo iyon dahil sa mga kapatid ko.”

“Two days akong hindi nakapunta rito para subaybayan ka. Kailangan ko kasing asikasuhin ang mga negosyo ko. Pati na rin ang restaurant mo.”

Napasinghap siya. “Ang restaurant ko!”

“It’s in good shape. Gano’n pa rin ang takbo ng lahat mula nang iwan mo iyon pansamantala. Mino-monitor ko lang ang operations nila kaya huwag kang mag-aalala dahil maayos naman ang lahat do’n.”

Sa sobrang pag-aalala niya sa ama, nakalimutan na niya ang tungkol sa ipinagmamalaki niyang restaurant dito. Kung hindi pa nagmalasakit si Jubei, baka tuluyan na iyong bumagsak hindi pa man lubos na nakakapagsimula.

“Bakit mo ito ginagawa, Jubei?”

“Ang alin?”

“Bakit nandito ka pa rin? Bakit mo ako inaalagaan? Bakit mo inaasikaso ang restaurant? Bakit… bakit nasa tabi pa rin kita?”

“Hindi mo ba alam?”

“My head aches…” Masuyo nitong hinaplos ang kanyang ulo at hinalikan. “Ikaw ang nagpapasakit sa ulo ko, Jubei.”

“Pareho lang pala tayo. Lagi mo ring pinasasakit ang ulo ko.” Muli nitong masuyong hinalikan ang kanyang ulo. “Bakit ako nandito pa rin? Dahil gusto ko. Bakit kita inaalagaan? Dahil nag-aalala ako sa iyo. a yokong may mangyayaring masama sa iyo. g usto kong ako mismo ang makasiguro na lagi kang nasa mabuting kalagayan. Bakit ko inaasikaso ang restaurant? Dahil parte ka ng lugar na iyon. Kapag naroon ako, kahit wala ka sa tabi ko ay parang nasa malapit ka lang. Bakit nasa tabi mo ako palagi? Dahil ayokong mawalay sa iyo, Temarrie. Ikaw ang nagpapasaya sa buhay ko. Nalulungkot ako kapag hindi kita nakikita at kapag hindi ko naririnig ang boses mo. Lagi kitang hinahanap. Gusto kong kayakap ka ano mang oras. Gusto kong ako lang ang lalaking titingnan mo. Gusto kong… gusto kong ako lang ang lalaki sa buhay mo.”

“Ang dami mong gusto. Kung ililista mo iyan para sa Christmas list, lalagpasan ni Santa Claus ang bahay mo.”

Narinig niyang tumawa si Jubei. Mataginting iyon. At ang nananakit niyang ulo, parang gumaan ang pakiramdam. Kahit siya, sa kabila ng pagod at antok, tila nagkaroon ng bagong lakas nang marinig ang tawa na iyon ng lalaki.

“See? That’s the reason I always want to be by your side, Temarrie. Lagi mo akong pinatatawa. Lagi mong ipinapaalala sa akin na kung hindi ikaw ang babaeng pinakasalan ko, hinding-hindi ko mararanasan ang ganitong klase ng kabaliwan.”

Napahinto siya sa paglalakad at pinagmasdan ang guwapo nitong mukha. His was the most handsome face any man she had ever seen. Mabait, masungit, antipatiko, magalang, nakakainis, sweet. Halo-halo ang personalidad ni Jubei. Magulo. Pero sa bawat personalidad na iyon, gaano man kasama, ay minahal niya.

“Ano’ng ibig mong sabihin?”

“Hindi pa ba obvious?”

“Hindi.”

Ngumiti si Jubei. “I’m saying I love you. I’m letting the world know that I love you, Mrs. Temarrie Bernardo. Ikaw ang babaeng pinakasalan ko dahil… e wan ko ba. Basta nang makita kita sa opisina ko pagkatapos akong tanggihan ni Rumina, hindi ko masyadong maramdaman ang kabiguang iyon. One look at you and I forget that I’m hurting. One look at you and I’m alive again. Sige, inaamin kong noong una ay ginamit ko lamang ang kasal nating iyon para pasakitan si Rumina. Para makaganti. But when I saw you in your wedding dress, writing something on that piece of paper, I just couldn’t help but think, I’m going to marry this beautiful, unpredictable woman. And I was fine with it. And I think I fell in love with you at that very same moment.”

Oh my God! Naghahalusinasyon lang yata siya. Parang may naririnig siyang pagtatapat ni Jubei. Darn it! Ang hirap talaga ng puyat, gutom at pagod. Nawawalan ng kakayahan ang isip na makapag-comprehend ng mga bagay-bagay sa mundo.

“I love you, Temarrie. Naririnig mo ba ako?”

“Oo.”

“Naiintindihan mo ba ako?”

“Ahm…”

“Na hindi na basta anim na buwan na lang ang magiging taning ng pagsasama natin? Na mawawala na talaga ang taning na iyon nang tuluyan? Because I want to spend the rest of my life with you. I want to share my house, my bed, my coffee, my couch and my life with you. And I—”

“Teka, wait lang.” m ariing pumikit si Temarrie at nagbilang hanggang sampu. Pero umabot lang siya hanggang tatlo, baka kasi tuluyang ng maglaho sa harap niya si Jubei. “I think I heard you say you loved me.”

Inilapit nito ang bibig sa kanyang tenga at sumigaw. “I love you! O, hayan, narinig mo na?”

“I think I’m going deaf.”

“Huwag muna.”

“Oo tama ka.” His words of love and promises seemed to recharge her sagging strength. “Paano si…Rumina? Siya ang mahal mo—”

“Yes, but she just threw it all away. Pero sa tingin ko, kahit hindi ako tinanggihan ni Rumina, sa palagay ko ay mahuhulog pa rin ang loob ko sa iyo. Dahil ikaw ang nag-iisang babaeng pilit kong iniwasan na hindi ko naman magawang iwasan. Kaya nga hindi na rin ako nakapagpigil na magtapat sa iyo noong naroon tayo sa Stallion Riding Club. Remember that night? Nang sabihin kong doon lang ako naging masaya…sa piling mo?”

“Oo…”

“Well, there you go. Sabog lang talaga ang utak mo noon kaya siguro hindi mo nahalata ang mga pagpaparinig ko.”

“Well, ahm, medyo nga.” Lumapit na si Temarrie at ikinawit ang kanyang braso sa leeg ni Jubei. “Pero hindi na ngayon. n arinig ko na ang lahat ng sinabi mo. Malinaw na rin iyong na-digest ng utak ko. I love you too, Jubei. Kahit lagi mo akong pinaiiyak sa tuwing nakikita ko kayong magkasama ni Rumina.”

“Bakit hindi mo sinasabing ayaw mo kaming makitang magkasama?”

“I don’t have any claims on you, Jubei. Ang alam ko, nagpakasal ka lang sa akin para nga makaganti ka kay Rumina. And besides, lagi mo pang sinasabi ang tungkol sa anim na buwang palugit natin sa kasal natin. At ang alam ko, si Rumina pa rin ang mahal mo.”

“I guess hindi rin ako nagbigay ng effort para malaman mong matagal nang nag-iba ang damdamin ko sa kanya.”

“Oo nga.”

He smiled and gathered her in his arms. At sa gitna ng mataong corridor na iyon, buong puso siyang hinalikan ni Jubei sa kanyang mga labi. Ngayon higit kailanman, nabatid niyang kapag nagmahal ang isang tao, wala siyang dapat na pagsisihan. Because life without love, was not a life at all. Hindi na niya alam kung saang pelikula niya narinig ang kasabihang iyon.

O, eh, ano? Basta, kuntento na siya sa piling ng kanyang mahal ngayon.

“I love you, Mister,” she whispered between kisses. “Nawawala ang antok ko sa iyo.”

“I love you too, Misis. At ako’ng bahala sa pagpapawala ng antok mo lagi.”

Wakas