noveltoon logo noveltoon
Jubei Bernardo (Stallion Series 1)

Chapter 4

Ch. 4 / 10 Nov 28, 2025

N akaharap si Temarrie sa malaking salamin sa loob ng banyo. Katatapos lang niyang maligo at ang mahaba niyang buhok ay basa pa kaya nakabalumbon pa sa isang puting tuwalya. She opted for a white shirt and cotton pajamas. Ang wedding gown niya ay isina mpay na lang muna niya sa isang silya sa banyo.

Hanggang ngayon, hindi pa rin siya makapaniwalang may asawa na siya. “Temarrie Icasiano-Bernardo,” sambit niya sa repleksyon sa salamin. “Mrs. Temarrie Bernardo.”

Napalitan na ang pangalan niyang buong buhay niyang dinala. Ganoon lang pala kadali iyon, ano? Napakadaling palitan ang pangalan pero ang panindigan iyon ang siyang pinakamahirap gawin. Sinipat niya ang gold band sa kanyang palasingsingan. Yes, she was married, all right. At ang masuwerteng lalaki, naroon at naghihintay na sa kanya sa labas ng banyo. Binigyan niya ng masamang tingin ang nakasarang pinto. This was their first night together. Their wedding night. Pulot-gata sa Tagalog, although hindi niya alam kung bakit ganoon ang naging tawag doon. Pero hinding-hindi niya bibigyan ng pagkakataon ang lalaking iyon na makalapit sa kanya. Tinanggal niya ang tuwalya sa ulo at hinayaan ang mahabang buhok na lumugay sa kanyang mukha. Ni hindi siya nag-aksaya ng panahong magsuklay man lang.

Bitbit ang kopya ng mga do’s and don’ts ni Temarrie para sa kanilang pagsasama, lumabas na siya ng banyo. Dumiretso ang kanyang mga mata sa nag-iisang pigura na kasama niya sa kuwarto. Nakapagpalit na rin si Jubei. Isang gray sando at puting lower pajama naman ang suot nito. Abala ito sa pagpu-push up sa isang silya. At hindi niya mapigilan ang sariling panoorin ang pagpe-flex ng mga muscle nito sa mga braso at balikat. Anak ng patis! Bakit ganito kaganda ang katawan ni Jubei? Firm muscles were rippling from his broad shoulders down to his tapered waist, tight buns, and long, sturdy legs. Siguro kapag sinakyan ni ya ito sa likod, kayang-kaya pa rin nitong mag-push ups.

Tinampal niya ang sariling mukha. “Ano ba iyang pinagsasasabi mo, Temarrie? Magtino ka nga. Ang bastos mo.”

Nalipat sa kisame ang kanyang pansin nang bahagyang bumaling sa kanya ang lalaki. Siguro ay narinig siya nito. Biting her lip to distract herself from the fast thumping of her heart, she sat on the edge of the bed. Pero agad din siyang napatayo nang maupo rin sa tabi niya ang lalaki.

“Hindi tayo puwedeng magtabi sa pagtulog,” deklara niya. “Ayoko ng may katabi sa kama. Narito iyon sa mga kondisyon ko.”

“Good.” Kinuha ni Jubei ang listahan at basta na lang inihagis sa nightstand. Pagkatapos ay hinila nito pababa ng kama ang isang kumot at dalawang unan at ibinagsak sa sahig. “Ayoko rin ng may katabi matulog.”

“Ayos iyan. Mabuti, mabuti.” Nagulat lang si Temarrie nang mahiga ang lalaki sa kama. “T-teka, bakit diyan ka matutulog? Akala ko ba dito ka sa sahig?”

“I never sleep on the floor. Ikaw ang matutulog diyan.”

“Ano?” Lumapit siya at tinapik si Jubei nang akmang pipikit na. “Hoy, kung ikaw ay hindi nakakatulog sa sahig, mas lalo na ako. Ikaw naman ang lalaki kaya ikaw ang matulog sa sahig.”

“This is my house and this is my bed. Bakit ako magtitiyaga sa sahig?”

Oo nga naman. Pero hindi siya papayag na sa sahig matulog. Lumipat siya sa kabilang panig ng kama at sumampa. Dahil nakabaling si Jubei sa kanya, magkaharap na sila sa kama nang mahiga siya. For a while, ganoon lang sila. Magkaharap, nagtititigan. Patagalan. Matira ang matibay. Eh, ang malas, matibay nga siya pero hindi na niya matagalan ang sitwasyon. Idagdag pa ang panggulong tibok ng kanyang puso. Pero bago pa siya makakilos ay tumalikod na si Jubei.

“Kung ako sa iyo, sa sahig ka na lang matulog, Misis. Dahil malikot akong matulog. Baka kung ano ang magawa ko sa iyo habang nasa kasarapan ako ng tulog.”

“I know what you’re doing, Mister. Gusto mo lang akong maisahan.” Tumalikod na rin si Temarrie. “Pero sorry ka na lang. Hinding-hindi mo ako mapapatulog sa ibaba ng kama.”

“Ikaw ang bahala.”

Naramdaman niyang gumalaw ang kama. Ilang sandali pa, nagulantang na siya nang maramdaman ang pagdikit ng katawan ni Jubei sa katawan niya. Napabalikwas siya. Nakatalikod pa rin sa kanya ang lalaki. Ang likod nito ang dumikit sa kanya.

Nilingon siya nito. “Ops. Naistorbo ba kita? Nakatulog na kasi ako.”

Ang kumag! Talagang sinusubukan nito ang pasensiya niya. Puwes… Bumalik siya sa kama at nakipag-agawan ng mas malaking parte. Umurong siya nang umurong at ang balak sana niya ay ihulog si Jubei sa kama. Pero gumanti ito. He pushed her farther back towards the edge of the bed. Wala na siyang nagawa kundi ang sipain ang lalaki para mapigilan ang sariling mahulog. Pero gumanti na naman ito kaya ang nangyari, tuluyan na siyang nahulog.

“Aray!” sigaw niya bago nagpagulong-gulong sa carpeted floor para mabawasan ang sakit na dulot ng pagkakabagsak niya.

Guwapong mukha ni Jubei na nakatunghay sa kanya ang namulatan niya nang sa wakas ay mahimasmasan siya. At ang kumag, mukhang nag-e-enjoy pa sa nangyari sa kanya dahil kumikislap ang mga mata nito.

“Do you want more?” tanong nito.

“Tse!”

He just grinned at her. “Goodnight, Misis.” Then he fell back on his bed.

Nanatili naman sa sahig si Temarrie habang nag-iisip. Hindi pa rin siya makakapayag na matulog sa sahig. Wala rin naman siyang laban kung dadaanin niya sa dahas. Mas malaki si Jubei at mas malakas. Kailangan dito, isang demokratikong paraan ng pakikipag-ayos. Isang paraan na sigurado ang panalo niya.

Ginising niya si Jubei. “Kasal na tayo kaya pag-aari ko na rin ang kamang ito, Mister. Pero ayoko nang makipagtagisan ng lakas sa iyo. Talo ako do’n. Daanin na lang natin sa mabuting usapan.” Pero hindi na ito nagsalita pa. “Jubei, you can’t…”

Nawalan na rin siya ng imik nang mapagmasdan ang mukha ng asawa. Malalim na ang paghinga nito, tanda na mahimbing nang natutulog. Guwapo pa rin ang mukha nito, pero mahahalata na ang pagod at puyat doon. Ano ba ang ginawa ni Jubei nang mga nakaraang araw bago ang kanilang kasal? Hindi kasi niya ito nakita o nakausap man lang. Kunsabagay, siya man kasi ay naging abala sa kung ano-anong bagay tulad ng pamimili ng mga gagamitin para sa balak niyang itayong restaurant. Pati ang pagre-recruit ng mga tauhan ay siya ang personal na nag-asikaso.

Temarrie looked at the face of the man she would be sharing her life with for the next six months. Guwapo talaga si Jubei. At hindi iilang beses niyang naramdamang nagugustuhan niya ito, lalo na kapag hindi nito pinapag-init ang kanyang bumbunan. She took a deep breath. Napangiti si Temarrie. Daig pa ng isang anghel ang kolokoy kapag tulog. And speaking of tulog, inaantok na rin siya. Kaya lang, wala pa rin siyang balak na matulog sa sahig kaya sa tabi na lang ni Jubei siya nahiga. t utal, malaki naman ang kama. They could share it without killing each other. Pero hindi naman siya agad nakatulog. Ang isip kasi niya ay aware na aware pa sa lalaki sa kanyang tabi. Nilingon niya ito. Nakatalikod ito sa kanya pero kahit ganoon ay hindi pa rin niya maiwasang ma-curious. Ang lapad naman kasi ng likod ni Jubei, parang ang sarap pagdantayan ng ulo. Kinagat niya ang kumot upang pigilan ang sariling dumikit dito. Sa huli, hindi rin siya nakatiis.

“Isa beses lang…” Unti-unting inilapat ni Temarrie ang palad sa kanyang asawa. Testing muna kumbaga. It felt good. Kaya ang sumunod ay ang pisngi naman ang inihilig niya sa likod nito. “Hmmm… nice. Daig pa ang pinakamalambot na unan.”

Nakangiti niyang ipinikit ang mga mata upang namnamin nang husto ang masarap na pakiramdam. Ni minsan ay wala pa siyang naging katabi sa pagtulog mula noong mamatay ang kanyang ina. Kung alam lang niyang masarap din pala ang may katabi, sana noon pa niya ito ginawa.

Her smile never left her lips as her mind and body relaxed before falling into a deep sleep.

NAPAKAGAAN ng pakiramdam ni Temarrie nang magising nang umagang iyon. Napasarap yata ang tulog niya kagabi. Nang kumilos siya upang tingnan sana ang orasan ay doon lang niya napansin kung bakit masarap ang init na hatid ng pakiramdam na iyon. Malapad na dibdib ni Jubei ang kinasasandalan niya. Sa isang braso nito siya nakaunan habang ang isang braso nito ay kampanteng nakayakap sa kanyang katawan. Ang braso man niya ay nakayakap din sa lalaki.

Jubei moved and gently pulled the blanket up her body. They were sharing the same blanket?! Magpa-panic na sana siya pero tumangging gumalaw ang kanyang katawan. Para bang natatakot na magising ang lalaki. So, they stayed that way for a while. Siya naman ay hindi na magawang makatulog pa. Alam niyang dapat na siyang lumayo pero talagang ayaw makipag-coordinate ng kanyang katawan. i dagdag pa na parang sarap na sarap siya sa pakiramdam sa mga bisig ni Jubei .

Oh, well, tulog naman ang lalaki kaya sige, pagbibigyan na lang niya ang kanyang kapritso. Tiningala niya ang mukha nito. There was already a trace of stubble on his chin and jaw. But instead of ruining that face of an angel, nakadagdag pa iyon sa appeal nito. Now he looked like a rugged angel in the morning. He stirred to life. At nang magmulat ito ng mga mata ay siya agad ang una nitong nakita. Ilang segundo rin silang nanatiling nagtititigan hanggang sa mahimasmasan sila pareho.

Mabilis silang naghiwalay at bumangon. Isang nakakailang na katahimikan ang bumalot sa kanila pagkatapos. Gusto nang sigawan ni Temarrie ang sarili. Nakakahiya! Baka isipin ni Jubei na gustong-gusto niya ang nangyaring iyon. Teka, wala namang nangyari, ah. Kaya ano ang dapat niyang ikahiya?

“Bakit nasa kama kita?” mayamaya’y tanong nito. “Ginapang mo ba ako kagabi habang natutulog ako?”

“What?!” Daig pa niya ang binuhusan ng malamig na tubig sa paratang na iyon. Siyempre kokontra siya, hindi dahil sa totoo iyon kundi para itago ang kahihiyan dahil guilty siya. Pero wala naman siyang ginawang masama rito. “Ang kapal mo! Baka ikaw ang nagbuhat sa akin dito sa kama ko.”

“Bakit ko naman gagawin iyon?”

“Bah, malay ko sa iyo.”

Saglit itong natahimik. “Kunsabagay, maawain naman talaga ako. Sige, puwede ka nang matulog dito sa kama ko.”

Hindi na, `no? Baka kung ano pa ang magawa kong kabulastugan sa susunod. Mabuti na ang sigurado.

“Bakit hindi mo na lang ako bigyan ng sarili kong kuwarto?” tanong ni Temarrie . “Tutal naman, pareho nating ayaw ng may katabi.”

“Bodega na lang ang isa pang available room dito. Okay lang sa akin kung gusto mo do’n matulog.”

“Kagabi sahig, ngayon naman bodega. Hindi ba uso sa iyo ang mga guest rooms? Ang laki-laki nitong bahay mo, `tapos iisa lang ang kuwarto mo.”

“Sabi mo nga, hindi uso sa akin ang guest rooms. I always like my privacy. Ikaw lang ang pinapasok ko rito. Sapilitan pa. Kaya huwag ka nang mag-request ng kung ano-ano.”

Walang guest room? Kung gano’n, diretso sa kuwarto nito ang mga babaeng dinadala nito?

“This is what I am,” patuloy ni Jubei. “Just because I married you doesn’t mean I’m going to change just to please you. Tandaan mo, six months lang ang itatagal ng relasyong ito kaya hindi ko kailangang mag-adjust para sa iyo.”

Nilingon ni Temarrie si Jubei. “Ang sama mo talaga. Bakit ba ako pumayag na magpakasal sa iyo?”

Nilingon din siya nito. “Hindi ba’t dahil sa pera?”

“Ah, oo nga pala. Salamat sa pagpapaalala—” Nagulat siya nang hawiin nito ang mahaba niyang buhok na nakatabon sa kanyang mukha. “What are you doing?”

“Do you always look like this in the morning?”

“Yes.” Asar niyang tinapik ang kamay ni Jubei. “Just because I married you doesn’t mean I’m going to change just to please you. Tandaan mo, six months lang ang—”

“Cute.” Kinurot nito ang kanyang pisngi. “But that’s already my line.”

Hindi na nakahirit pa si Temarrie dahil tuluyan nang bumangon si Jubei at nagtungo sa banyo. Sinalat niya ang pisngi na kinurot nito. Hindi iyon masakit. In fact, para ngang lumapat lang doon ang mga daliri nito para madampian ang kanyang pisngi. Pero bakit naman iyon gagawin ng lalaking iyon?

“Ganito ba siya bumati ng good morning?” Kakaiba. But it was kind of a cute gesture. Lalo na at galing iyon sa lalaking itinuring niyang kaaway noong una pa man. “Oh, what am I thinking? Ang aga-aga, kung ano-ano na ang iniisip ko.”

Dinampot niya ang kanyang cellphone nang makita iyong umilaw, indikasyon na may incoming call siya. It was her father.

“Tinawagan lang kita para kumustahin, hija. Okay ka lang ba riyan?”

“I’m fine, `Pa.” Ngayong narinig niya ang tinig ng ama, bumalik na naman ang nauna na niyang pagtatampo rito. Hindi pa rin niya matanggap na basta na lang siya ipinamigay ng kanyang pamilya nang hindi inaalam kung ano talaga ang problema niya. “Okay lang ako.”

“Napanood ko kasi ang kasal ninyo sa morning news kanina kaya naisipan kong tawagan ka. It was a very lovely wedding.”

“Yeah?” walang ganang tanong ni Temarrie . “Pinaghirapan ninyong asikasuhin ang kasal na iyon kaya dapat lang naman na maging maganda ang kalabasan niyon, hindi ba?”

Nawalan ito ng imik sa kabilang linya. Ibababa na sana niya ang telepono nang marinig niya itong mapabuntunghininga.

“You’re in good hands now, hija. May mag-aalaga na sa `yo nang maayos.”

“`Pa, tinatawag na ako ng asawa ko, eh,” pagsisinungaling niya. “Sabay na raw kaming magbe-breakfast kaya ibababa ko na ang telepono.”

“Okay.” Tila kay lungkot ng boses ng kanyang ama. “Siyanga pala, hija. Baka matatagalan pa bago uli tayo magkita. Pupunta kasi ako sa America dahil may kailangan akong asikasuhin doon. Tatawagan na lang siguro kita paminsan-minsan.”

“Sure, `Pa.”

“Temarrie, I know you’re mad at me. p ero gusto kong malaman mo na ginawa ko ito para sa kabutihan mo na rin.”

Gusto na niyang sumagot, sumbatan na wala itong karapatang magdesisyon para sa kanya. Buhay niya iyon at matanda na siya para magdesisyon sa sarili. Pero sinarili na lang niya ang lahat ng iyon.

“I know, `Pa.”

“Temarrie—”

“Nagugutom na ako, `Pa. Tawagan na lang ninyo ako kapag nasa America na kayo. Ingat sa biyahe.”

Tinitigan niya ang cellphone matapos nilang mag-usap ng ama. Maaayos pa kaya ang sigalot nilang iyon sa kanyang pamilya? Hindi na siguro.

“Sino ang tumawag?” tanong ni Jubei paglabas ng banyo.

“Papa ko.”

“Oh, yeah. Tumawag na rin siya kagabi. Ako na lang ang sumagot dahil tulog na tulog ka na. Nasabi na ba niya sa iyo?”

“Oo.” Isang tingin lang niya sa kabuuan nito, umarangkada na naman ang utak niya. “Puwede ba, Mister, kapag magkasama tayo sa iisang kuwarto, huwag kang lalabas ng banyo nang nakatapis lang? Dinedemonyo mo ang utak ko.”

Muling sumilay sa mga labi nito ang ngisi na unti-unti niyang nakakasanayang kainisan. “Okay lang ako, Misis. Kung gusto mo ring demonyohin ang utak ko, wala kang magiging problema sa akin.”

Binato niya ito ng unan, saka siya nagmartsa palabas ng kuwarto.