noveltoon logo noveltoon
Jubei Bernardo (Stallion Series 1)

Chapter 7

Ch. 7 / 10 Nov 28, 2025

7

W ala pa ring imik si Temarrie hanggang sa makarating sila ni Jubei sa resthouuse na pag-aari nito. Doon sila mananatili habang naroon sila sa Stallion Riding Club para sa selebrasyon ng kaarawan ni Reid.

“We have a problem.” Nakatayo sila ni Jubei sa labas ng pinto ng silid. “Nag-iisa lang din ang kuwarto at kama rito.”

“Wala ka na namang guest room?”

Pumasok ito sa kuwarto at inayos ang mga unan at kumot. “Pribado talaga akong tao.”

“Madamot ka kamo.”

“I’m just not ready to share my house with anyone.”

Natameme na naman si Temarrie. Wrong timing talaga ang naging pag-eksena niya sa buhay ni Jubei. Pero kasalanan ba niya iyon? Ito naman ang lumapit sa kanya at hindi din niya ito pinilit. Pumasok na rin siya sa loob ng silid. Laking gulat niya nang lumapit ito sa kanya at akbayan siya.

“So, ano’ng gagawin natin sa problema nating ito?” Idinikit ni Jubei ang mukha nito sa ulo ni Temarrie. “Magre-wrestling uli tayo para sa kung sino ang matutulog sa kama?”

Advising her heart to calm itself, inalis niya ang braso nito sa balikat niya. “Ako na ang matutulog sa sahig para hindi ka na umiyak kapag natalo ka.”

“Tapos ano? Gagapangin mo na naman ako?”

“Ang kapal mo. Hindi na uli mangyayari iyon, `no?”

“Ah, so umamin ka rin.”

“It was just one time. At… at nag-i-sleepwalk ako no’n,” palusot niyang bulok.

Pero wala nang sinabi pa si Jubei. Sa halip ay dinampot na lang nito ang mga unan at kumot. “Dito ka na. Doon na lang ako sa sofa sa sala.”

“Bakit doon ka? Akala ko ba hindi ka natutulog sa hindi mo kama?”

“Kung totoo iyan, I would still be a virgin right now.” Nakakaloko pa itong ngumiti, saka siya kinindatan.

Nagrambulan tuloy nang wala sa oras ang mga imaginary animals sa dibdib ni Temarrie sa lakas ng tibok niyon.

“Kung gusto mong magpahinga, magpahinga ka na,” wika nito habang palabas ng kuwarto. “May pupuntahan lang ako.”

“Kay Rumina?”

Napahinto ito sa paglalakad at lumingon sa kanya. “Why do you ask? Akala ko ba wala tayong pakialamanan sa personal na buhay ng isa’t isa?”

Inismiran lang niya ito. “Eh, di huwag mong sagutin.”

Sumampa sa kama si Temarrie at mariing ipinikit ang mga mata upang mapigilan ang pagpatak ng mga luha. Nakakainis! Bakit kailangang dumating pa ako sa ganitong sitwasyon? Ayoko nito! Ayoko ng gulo! Ibalik nyo ako sa Pilipinas!

“May race match lang kami ng mga kasamahan ko,” narinig niyang wika ni Jubei. “Baka gabihin na kami roon. Iiwan ko rito sa estante ang card ko. Iyon ang gamitin mo kapag kakain ka sa kahit na anong restaurant dito. O kung may matipuhan kang bilhin. They will charge it to my account, don’t worry.”

Tumango lang siya.

“Temarrie, are you okay? Kanina ko pa napapansin na hindi ka gaanong umiimik.”

“I’m fine. Tinatamad lang akong magsalita. Umalis ka na. Baka hininihintay ka na nila roon.” Baka hinihintay ka na ni Rumina.

“Okay. Rest well.”

Narinig na niyang bumukas at sumara ang pinto ng kuwarto. Nakaalis na si Jubei.

Ang isipin na muling magkakasama ang dalawa ay parang hindi na niya matanggap. Kanina lang ay hindi na halos siya pinansin ni Jubei, tapos ngayon ay magkikita na naman sila? Nagrebelde na ang puso niya.

Mabilis siyang bumangon at sinundan ang lalaki sa labas. Naabutan naman niya itong kasasakay lang sa itim na itim nitong kabayo. He looked absolutely dashing in his riding uniform, especially now that he was riding that magnificent horse. Malakas na talaga ang paniniwala niyang mahal na niya ito.

“Jubei!” Nilingon siya nito. I love you! Please, huwag kang umalis! “Masakit ang tiyan ko.”

“MAY CLINIC ang club na kumpleto ang facilities. Are you sure you don’t want me to bring you there? Para lang makasiguro tayong hindi naman malala ang sakit mo.”

Natupad ang dalangin ni Temarrie na manatili sa resthouse kasama si Jubei. Ngayon ay paninindigan na niya ang pagkakasakit.

“Okay lang ako. Siguro ay hindi lang naging maganda ang dating ng ininom kong pineapple juice pagdating natin kanina. Kaya sumama ang pakiramdam ko.” Nakahiga na siya ngayon sa kama at inaasikaso ni Jubei. Ang lakas pa ng loob niyang umarte ng kunwari ay hinang-hina.

“Bakit kasi uminom ka ng pineapple nang walang laman ang tiyan mo?”

“Wala lang. Trip.”

Ang mga daliri nitong humahaplos sa kanyang buhok ay dumako sa pisngi niya at mahina siyang kinurot. “I hope you learned your lesson well.”

“Aray. Bakit nakakurot ka pa?”

“Wala lang. Trip.”

Hindi mapigilan ni Temarrie ang mapangiti. Jubei was beside her on the bed, lovingly stroking her hair while she lay comfortably on his broad chest. She felt better.

“Hindi ka ba hahanapin ng mga kaibigan mo roon?”

“Hindi. Matutuwa pa nga ang mga iyon dahil mababawasan ang kalaban nila.”

“I like your friends. Mababait silang lahat.”

“Ikaw lang ang nagsabi niyan. Karamihan sa mga babaeng nakakasalamuha ko rito, ang sinasabi nila ay mga guwapo kaming lahat.”

“Hindi naman kayo mayayabang ng lagay na iyan?”

“Hindi naman. Totoo naman iyon, hindi ba?”

“Okay lang.”

“Magagalit ang mga iyon kapag nalaman nilang idine-deny mo ang katotohanang iyon sa kanila.”

“Bakit ikaw, hindi nagagalit?”

“Because I’m confident that I’m handsome enough in your eyes.”

“Ha?”

“I always catch you looking at me, Temarrie. Don’t think I haven’t noticed.”

Oh, my God! Lumayo si Temarrie ngunit napigilan siya ni Jubei nang ikulong siya nito sa mga bisig. At dahil nakahiga siya, lalong naging mahirap para sa kanya ang makawala.

“Saan ka pupunta? Hindi ba’t may sakit ka? So, stay put.”

“M-magaling na ako.”

Hindi pa rin siya nito pinakawalan. “You really don’t like confrontations, do you? Sige, pagbibigyan kita. Ngayon. Sa susunod, Temarrie, you’d better be ready dahil talagang hindi na kita pakakawalan hangga’t hindi ka nagsasabi sa akin ng totoo.”

“A-ano’ng ibig mong sabihin?”

“Nothing.” Hinila na siyang muli ni Jubei sa dibdib nito. “Let’s just stay this way for a while, shall we? Inaantok na rin naman ako.”

So there. For a while, kanyang-kanya lang si Jubei. And she thought there was nothing else she could ever ask for. Masaya siya sa piling nito. At matagal-tagal pa bago matapos ang anim na buwan. Mahigit isang linggo pa lang silang mag-asawa. At ipinangangako niyang susulitin niya ang bawat araw na iyon na kasama si Jubei.

“THIS is Shadowrun.” Jubei gently brushed the magnificent horse’s glossy mane and coat. “He’s four years old. I’ve had him ever since he was a colt.”

“He’s beautiful!”

Nakigaya rin si Temarrie sa ginagawa ni Jubei na grooming sa kabayo. Matapos maghapunan kanina ay niyaya siya nito sa kuwadra sa likuran ng bahay. Doon daw itinatali ang kabayo kapag naroon si Jubei sa club. Kapag wala naman ito roon, sa malaking kuwadra ng club mismo nito iniiwan ang alaga para maasikaso ng mga tauhan ng kuwadra.

“Kaya lang bakit ang haba ng buhok niya at meron pa siyang excess hairs sa mga legs niya?”

“Typical characteristics iyan ng isang Friesian horse. Ang lahi nila ang talagang pure black. Kung meron mang ibang color spot sa kanila, iyon, eh, ang maliit lang na star sa noo nila.”

“Pero bakit itong si Shadowrun walang puting star sa noo?”

“Mas maganda nga na wala siyang star. Mas mataas ang marketability niya kaysa doon sa meron kapag naisipan kong ibenta siya.”

“Ibebenta mo siya?”

“Sinabi ko lang na kapag naisipan ko. Pero wala akong balak ibenta si Shadowrun. He’s been my constant friend and I never let go of a friend. Do you want to ride him?”

“Ayoko. Takot ako sa height.”

“Come on. Mabait naman si Shadowrun. Magaling ang nagturo sa kanya.”

“Sino?”

“Ako.”

“`Yabang mo.”

Tumawa lang si Jubei, saka walang kahirap-hirap na sumampa sa likuran ng kabayo. “Are you sure you don’t want to try to ride him? Mami-miss mo ang kalahati ng buhay mo.”

“Nah. Dito na lang ako sa lupa.”

“Kung gano’n, mag-iikot-ikot lang kami sandali. Okay ka lang dito?”

Tumango lang si Temarrie at pinanood nang buong pagmamahal at paghanga ang pagmamaniobra ni Jubei sa malaking hayop na iyon. Malawak at patag naman ang harap ng bahay kaya doon na lang ito nagpaikot-ikot imbes na magtungo pa sa indoor arena ng club. Kinuha ni Temarrie ang kanyang cellphone at kinuhaan ng video si Jubei. He really looked perfect.

Lagi na lang sana silang ganito. Nag-iisa sa sarili nilang mundo. Walang anim na buwan na palugit ng kasal, walang ipi-please na mga magulang, walang pinagrerebeldehang pamilya, walang Rumina Alcaraz. Masaya naman sila, hindi ba? Nakikita niya sa lalaki na masaya rin naman ito sa kanya. Tumayo siya at lumapit pang lalo upang mas makuhaan si Jubei ng magandang anggulo sa kanyang camera. Kahit man lang sa ganoong paraan, magkaroon siya ng souvenirs dito.

Huminto ang kabayo sa harap niya at inilahad ni Jubei ang kamay sa kanya. He was trying to convince her to ride with him once again.

“It will be alright, Temarrie. Gusto ko lang ipakita sa iyo ang isa ko pang mundo.”

Hindi niya alam kung paano siyang napapayag ng mga munting salita ni Jubei. Ngunit namalayan na lang niyang umaangat na sa lupa ang kanyang mga paa. And then she was on the back of the magnificent black horse, with Jubei securing her from behind.

“Huwag mong patatakbuhin si Hollowman, Jubei. Natatakot ako.”

He chuckled. “Halata nga. Nakalimutan mo kasing bigla ang pangalan ni Shadowrun.”

“O, basta! Huwag mo siyang patatakbuhin.”

“Yes, Misis.”

Naglakad nga lang nang naglakad ang kabayo hanggang sa ma-relax si Temarrie. Nakahinga siya nang maluwag.

“Your hair is as black as Shadowrun’s.”

May kakaibang kilabot na gumapang sa buong katawan niya nang maramdaman ang mainit na hininga ni Jubei malapit sa kanyang tenga. Lalo na nang mapansing nakayakap na pala ang mga braso nito sa kanya habang hawak ang renda ng kabayo. He placed his chin on her shoulder.

“This is my other world, Temarrie. The one that has no limits, no restrictions, no boundaries. Ito ang mundo ko kung saan malaya ko nang nararating ang kahit anong lugar na gustuhin ko at magagawa ko ang ano mang gustuhin ko. Dito ko lang nararamdaman kung paano talaga ang maging masaya.”

“Sa piling ng kabayo mo?”

She heard him chuckle and felt his soft lips touch her shoulders. “Sa piling mo.”

“Ano iyan, `yong parang sa telenovela sa tv ? `Yong—”

“Temarrie.”

“Sorry.”

“Narinig mo ba ang sinabi ko?”

Actually, hindi gaano. Dahil halos mabingi na siya sa lakas ng tibok ng kanyang puso. She heard him, alright. Hindi nga lang siya sigurado kung tama ang pagkakarinig niya. Pero hindi na bale, basta masaya na siya sa narinig niya, panaginip man iyon o hindi.

“Patakbuhin mo na si Shadowrun, Jubei.”

“Akala ko ba—”

“Patakbuhin mo na siya. Gusto ko ring makaranas maging henete kahit isang beses sa buhay ko.”

“Are you sure?”

“Oo.”

“Hindi ka na natatakot?”

“Hindi na.” Isinandal na rin ni Temarrie ang katawan sa dibdib ni Jubei. “Huwag mo lang ako hahayaang mahulog.”

“I won’t,” bulong nito. “I promise.”

And off they went