I tinaas ni Temarrie sa kinauupuang bench ang kanyang mga binti at niyakap iyon. Napakalamig ng klima nang umagang iyon. Pero nagtitiis siya dahil gusto niyang makita ang pagsikat ng araw. Napakaganda rin sa kanyang paningin ang tahimik na b ulkang t aal.
Hindi siya gaanong nakatulog kagabi dahil sa mga nangyari sa kanila ni Jubei. He had introduced her to his secret world and told her something that she still was not sure of until now. Idagdag pa na talaga namang nangalay ang mga binti niya sa halos isang oras na pag-upo sa kabayo. Iniikot kasi siya ni Jubei sa lahat ng sulok ng Stallion Riding Club. At masasabi niyang mas magandang pagmasdan ang lugar na iyon sa gabi.
O kaya naman, naging mas maganda lang ang perspective niya dahil mahal niya ang kanyang kasama.
Napangiti siya. Malinaw pa sa kanyang alaala nang tangkain ni Jubei na halikan siya habang nakatanaw sila sa lawa ng Taal. Pero hindi nga iyon natuloy dahil naging masyadong malikot ang kabayo nito. Hindi tuloy sila nakapag-concentrate at sa huli ay tuluyan nang nasira ang momentum nila.
Pero kung sinubukan uli ng lalaking iyon na halikan ako, ay naku, todo na `to!
“Good morning, Misis.” Jubei sat on the other end of the bench. Inilapag nito ang dalang tasa ng mainit na kape sa pagitan nila at tumanaw sa Taal Volcano. “Pretty, isn’t it?”
“Oo.”
“Masyadong maaga ka yata na nagising ngayon. Hindi ka ba nakatulog nang maayos kagabi?”
“Medyo. Namamahay siguro ako.”
“Bakit sa bahay ko sa Maynila, hindi ka naman nakaranas ng ganyan?”
Nagkibit lang siya ng balikat. “Ewan ko.” Siguro dahil lagi tayong nagkakalmutan sa Maynila. Samantalang dito, tahimik tayo at magkasundo. Ang gulo, `no? “Ikaw, bakit maaga ka rin yatang nagising ngayon? Namamahay ka rin?”
“Naninibago lang dahil ito ang unang pagkakataon na may nakasama ako sa bahay ko dito.”
Napatingin si Temarrie kay Jubei . Ang ibig sabihin, wala pang babaeng nakatapak sa bahay na iyon ni Jubei? Kahit si Rumina? Lalong gumanda ang kanyang umaga.
“Napansin ko lang, bakit parang ayaw mong may kasama? Sa bahay mo rito at sa Maynila, wala kang guest rooms kasi.”
“I just don’t like having anyone mess up my life. Ayoko ng magulo.”
“Pareho pala tayo. Ang pagkakaiba lang, wala akong sariling bahay. I’m still living with my father.”
“Speaking of your father, nagkausap na ba kayo uli?”
Ibinaling ni Temarrie sa bulkan ang pansin. “Hindi pa niya ako tinatawagan uli mula nang umalis siya ng bansa.”
“Bakit hindi na lang ikaw ang maunang tumawag?”
“Ayoko. Baka maistorbo ko lang siya.”
“Imposible iyan. Sinong magulang ang hindi gugustuhing marinig ang boses ng kanilang anak, lalo na at nasa magkalayong bansa sila?”
“My father doesn’t.” Niyakap pa niyang lalo ang sarili upang labanan ang nanunuot na lamig. “Alam mo bang ang totoong dahilan ko ng pagpayag sa kasal natin ay para may mapatunayan ako hindi sa sarili kundi sa pamilya ko? Mula nang mamatay ang mama ko, lagi na lang ako ang constant headache ng pamilya namin.”
“Rebelde ka? Hindi halata.”
“Wala naman talaga akong balak magrebelde. I’m old enough to know what’s going on. Kaya lang, ayaw nila akong bigyan ng pagkakataong ipakita na kaya ko na ang sarili ko. Hanggang ngayon, isang teenager pa rin ang tingin nila sa akin na walang alam gawin kundi puro kalokohan.”
“Tama ba sila?”
“Kung bakit ako gumagawa ng mga kalokohang iyon? Hindi naman iyon para asarin sila. Paraan ko lang iyon na maipakita na kaya kong lusutan ang problemang kinasasangkutan ko. But they never took notice. Lalo lang akong nagtampo sa kanila nang basta na lang nila ako ipakasal, para nga naman mawalan na sila ng problema. Ni hindi man lang sila nag-aksaya ng panahong tanungin kung ano ang nararadaman ko sa desisyon nilang iyon sa buhay ko.”
“If you were so against the wedding, bakit hindi mo sinabi sa kanila?”
“They never bothered to ask.”
“You should have at least tried to tell them.”
“Hindi naman sila makikinig kaya hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon. Galit na galit ako sa kanila noon. Kung nabubuhay lang si Mama, hindi iyon papayag na basta na lang ako ipakasal sa lalaking ni hindi ko kilala. Hahayaan niya akong magdesisyon para sa sarili ko, kahit pa nga puro palpak ang mga iyon. Pero at least si Mama, in her own little way, natuturuan niya ako kung paano bumangon kapag nagkamali. She taught me how to be a fighter.”
“If so, bakit hindi mo ipinaglaban ang karapatan mo sa papa mo na makapili ng lalaking pakakasalan mo?”
“I was after the money, really. Alam nating pareho iyan. Iyon sana ang gagamitin kong stepping stone para unti-unting ipa-realize sa kanila iyon. Kapag napalakad ko nang maayos ang restaurant na iyon, meron na akong konkretong ebidensiyang maipapakita sa kanila. Kahit na hindi na ako magsalita pa.”
s he heard him heave a deep sigh. “Ang totoo, pareho lang siguro kami ng pamilya mo ng tingin sa iyo. Noong una, akala ko isa ka lang happy go lucky na walang ginawa kundi ang kunsumihin ang mga tao sa paligid mo. n ang marinig ko ang mga sinabi mong iyan, naintindihan na kita. Kaya kung ako sa iyo, sabihin mo na lang din iyan sa pamilya mo at siguradong maiintindihan ka nila.”
Pinag-isipan na rin iyon ni Temarrie. Siguro kakausapin na lang niya ang papa niya pagbalik nito galing America.
“Ikaw, Jubei, hindi ka ba nagalit sa ginawa ng father mo? Pinilit ka rin lang naman niyang magpakasal, hindi ba?”
“Hindi. Bata pa man ako, alam ko na ang tungkol sa kasunduan ng mga tatay natin. Kumbaga ipinamulat sa akin ni Papa na darating ang araw na maaaring magpakasal ako sa babaeng hindi ko mahal o hindi ko pa nakikilala. Kaya nang dumating ang araw na iyon, tanggap ko na.”
“Bakit? Hindi mo ba alam na pakikialam sa buhay mo ang ginawa nila?”
“Matanda na ako. Alam ko na kung ano ang mga ginagawa ko. Kung sakaling hindi ako pumayag sa plano ng papa, maiintindihan nila ako.”
“Ah, oo nga pala. Iniintindi mo rin ang kalagayan ng puso ng papa mo.”
“Hindi lang naman iyon. Pumayag ako sa kasal dahil gusto ko.”
“Ha?”
“And anyway, anim na buwan lang naman iyon. Let’s just enjoy ourselves while we’re at it.”
Payag siya. Anim na buwan. Kuntento na siya roon. Pagkatapos niyon, bahala na si Batman. Basta magp apakasaya siya sa piling ni Jubei hanggang may oras pa siya.
“Pahingi naman ng kape, Mister. Kanina pa ako nilalamig dito, eh.”
“Sira ka talaga, ano? Nilalamig ka na pala, hindi ka pa nagsasalita.” Dinampot nito ang tasa ng kape at naupo malapit sa kanya. Then he wrapped his arms around her.
“Ah, this feels good.”
“Kaya nga dapat kanina mo pa sinabi. Naninigas na rin ang mga panga ko sa sobrang lamig.”
“Ikaw diyan ang siraulo.”
“Pumasok na lang tayo sa loob. Para tayong mga tanga dito na nagpapakamatay sa lamig.”
“Mas gusto ko rito.” Isiniksik lang ni Temarrie ang sarili kay Jubei. “Mas masarap ang init dito.”
“Hmmm.” Lalo pa nitong hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya. “May tama ka, Misis!”
Life could really be this good sometimes. And she was just so happy that she experienced it with him. Mahal na niya si Jubei. At siguro kahit lumipas pa ang anim na buwan, hindi na ito mapapalitan sa kanyang puso. Akala niya ay mas tatagal nang isang oras ang pagkakalapit nila. Hindi pala. Isang malakas na tikhim ang bumulabog sa kanilang masayang paglalambingan. Nang lingunin niya kung sino ang istorbo, nakita niyang nakatayo si Rumina sa nakabukas na sliding door na daanan patungo sa garden ng bahay.
Paano itong nakapasok…
“Kanina pa kasi ako tumatawag sa labas kaya pumasok na ako nang makita kong nakabukas iyon,” anito. “Pasensiya na. Naistorbo ko ba kayo?”
“Hindi naman.” Kumalas na si Jubei sa kanya at tumayo. “Siyanga pala, hindi pa kayo nagkakakilalang dalawa, hindi ba? Rumina, this is Temarrie. My—”
“We’ve already met,” sansala ng babae. “Jubei, pasensiya na. Pero kasi gusto ko nang ituloy ang session natin ngayon sa race track. Lagi na lang kasi tayong napo-postpone.”
“Nagkasakit si Temarrie. Hindi ko naman siya puwedeng iwan na lang dito mag-isa. But she’s okay now. So, puwede na nga nating ituloy ang session natin. Magbibihis lang—”
Hinawakan ni Temarrie sa kamay si Jubei. Nagtataka siya nitong tiningnan. “Huwag kang umalis, Jubei.”
Anim na buwan na nga lang ang natitira sa kanya, makikihati pa si Rumina. Hindi siya papayag.
“Temarrie—”
“Huwag kang umalis.”
“Bakit, may sakit ka pa ba?”
Umiling lang siya. “Basta huwag kang umalis.”
“Jubei, you promised to teach me how to ride a horse. Mukhang wala namang dinadamdam pa ang asawa mo kaya halika na. Nakapangako ka na sa akin. Huwag mong sabihing babaliin mo na naman iyon?”
Nakamasid lang sa kanya si Jubei. Hindi niya inilayo ang kanyang mga tingin. Nais niyang malaman nito kung ano talaga ang nararamdaman niya nang hindi na kailangan pa niyang magsalita.
Huwag kang sumama sa kanya. Ako ang piliin mo.
Unti-unting kumilos ang kamay ni Jubei. Upang alisin ang pagkakahawak niya rito. “I’ll be back, Temarrie.”
No, you won’t, Jubei, wika niya sa isip habang pinagmamasdan itong palayo kasama ng babaeng tunay nitong minahal. Si Rumina pa rin ang mahal mo. Siya pa rin ang babae sa puso mo. Kung gano’n, bakit kailangan pang iparamdam sa kanya ni Jubei na may espesyal din itong pagtingin sa kanya? She could feel it. She could see it in his eyes and in the way he talked to her.
Kung gano’n, bakit si Rumina pa rin?
Ibinalik niya ang pansin sa papasikat na araw sa silangan. Lalong nagliwanag ang kapaligiran at nakita ang tunay na ganda ng Tagaytay. Ngunit wala na siyang makitang ganda. Nanlalabo na kasi ang mga mata niya dahil sa mga luha ng kanyang kabiguan.
“TEMARRIE! t amang-tama nandito ka!” Si Neiji iyon. Naabutan siya nitong nagpapalipas ng oras sa Rider’s Veranda, isa sa mga restaurant sa loob ng riding club. “Dumating na ang mga crew para sa gagawin nating commercial. Ang direktor, mamaya na ang dating. Pero bago kita iharap sa kanya, kailangan muna kitang makitang mangabayo.”
“Hindi ako marunong mangabayo.”
“Hindi ka ba tinuruan ng asawa mo?”
Napadako ang tingin niya sa may outdoor arena. Naroon at abala sa pagtuturo kay Rumina si Jubei. “May tinuturuan na siyang iba, eh.”
May pagkamasokista yata siya. Dahil imbes na iwasan niya ang mga eksenang magkasama ang dalawa ay hayun siya at nanonood pa.
“Hindi na bale. Ako na ang bahalang magturo sa iyo.” Hinila na siya ni Neiji sa braso. “Let’s go.”
“Pero—”
“Wala nang pero-pero. Nagmamadali ako. Gusto kong isabay sa summer month ang pag-i-introduce ng Stallion Shampoo sa market.”
Nakasalubong nila ang dalawang lalaking inakala ni Temarrie na magkaharap lang sa salamin. Magkamukhang-magkamukha kasi ang mga ito.
“Jigger, Trigger, sumama na kayo sa amin.”
“Bakit?”
“Anong meron?” Binalingan siya ni Trigger. Or ni Jigger. Basta, kahit sino sa dalawa. “Itatanan mo si Temarrie? Alam ba ito ni Jubei?”
“Masaya ito, ah. I’ll tell him.”
“Guys, not now,” wika ni Neiji. “Samahan na lang ninyo ako para maturuan nang maayos si Temarrie na sumakay sa kabayo sa lalong madaling panahon.”
“Jubei is one of the best riders here. Bakit hindi na lang siya ang magturo sa asawa niya?
“He’s busy teaching someone else,” singit ni Temarrie. “Si Rumina.”
Nagkatinginan ang magkakambal. Hinila na siya ni Neiji. “Kung ayaw ninyo, ako na nga lang. Basta sumunod na lang kayo sa dressage arena. Doon ise-set up ang mga gagamitin para sa commercial ng Stallion Shampoo ko. Pakitawag na rin ang iba pang members.”
“Pati si Jubei?”
“Basta lahat.”
“Huwag n’yo nang istorbohin si Jubei,” ani Temarrie. “He’s busy.”
“Oh, don’t worry. Kami na ang bahala sa kanya.” Pagkatapos ay malakas na sinigawan ni Trigger, o ni Jigger, sina Jubei. “’Tol! Itatanan na raw ni Neiji ang asawa mo!”
“Nahihiya pa raw kasing magpaalam sa iyo si Neiji,” dugtong ng kakambal nito. “Sana okay lang daw sa iyo.”
“What are you two doing?” tanong niya sa dalawa.
“Hayaan mo na sila, Temarrie.” Hinila na siyang muli ni Neiji. “Wala talagang magawa ang mga iyan. Halika na.”
Pagdating nila sa dressage arena kung saan mas mababa ang mga bakod kumpara sa mga race tracks, naghihintay na roon ang isang kulay-chestnut na kabayo na naka-braid pa ang mane pati na ang buntot.
“This is my Arabian stallion Beast,” pakilala ni Neiji sa kabayo nito. “He’s one of the best horses around here. Kayang-kaya niyang dalhin ang kahit na sinong rider. So don’t worry about him.”
“Alam ko. Nakasakay na rin naman ako sa kabayo ni Jubei.”
“Si Shadowrun? Oh, that’s good. Magkapareho lang halos ng temperament ang mga kabayo namin. Kung gano’n, itapak mo na nang maayos ang kaliwang paa mo rito sa stirrup. Saka mo dahan-dahang i-swing ang kanan mong paa sa likod ni Beast. You can do it. Madali lang iyan.”
“Pero kasi…”
“I’ll give you a boost.”
Lumipat ito sa likuran niya. “What?”
“Boost. Parang buwelo, para mas mabilis kang makaakyat sa likod ng kabayo.”
“Eh…” Hinawakan na siya nito sa magkabilang baywang.
Nang marinig niya ang malakas na boses na iyon ni Jubei. “Neiji! Get your hands off my wife!”