noveltoon logo noveltoon
Eneru Villasis (Stallion Series 2)

Chapter 9

Ch. 9 / 10 Nov 28, 2025

Chapter 9

9

T

ahimik na kumakain sina Jhunnica at Eneru. Nasa magkabilang panig sila ng dining table. Napakalapit lang ng binata kung tutuusin. Pero parang napakalayo naman nito sa kanya. Samantalang kani-kanina lang, magkahawak-kamay pa sila.

Just for a while, Eneru. Can I have all of you for a while?

“Ganito ba talaga kumain ang mayayaman?” tanong ni Jhunnica. “Parang laging galit-galit?”

Sa wakas ay binalingan siya ni Eneru. “May problema ba?”

“Hindi lang ako sanay na ang layo ng kasama ko sa pagkain. Sa bahay kasi namin, parang laging magkakaubusan ng puwesto sa mesa kahit tatlo lang naman kami. Kapag dumating pa ang tatay ko galing abroad, lalo nang magulo doon.”

He picked up his plate and moved to the chair next to her. “Akala ko kasi ayaw mo ng may iistorbo sa pagkain mo. Okay na ba ako rito?”

“Ewan ko sa iyo. Ikaw, okay ka na ba diyan?”

Ngumiti lang si Eneru. “Oo naman. How’s your food?”

“Masarap. Ikaw ang nagluto?”

“Oo. Kapag nandito talaga ako, sariling sikap ang lahat ng gawain ko rito. Wala kasing maaasahan na katulong. Ang pino-provide lang ng club kapag wala ang mga residente rito, `yong maintenance ng bahay at garden. The rest, bahala na si Batman.”

“Ngayon ko lang nalaman iyan. Akala ko, lahat ng mga nakatira sa mga bahay dito sa club, laging naka-depende sa mga restaurant ang pagkain.”

“Merong iba, oo. Pero hindi lahat.”

“Do you like it here?”

“Yeah, I feel very much at home here. May bahay din ako sa Maynila pero mas gusto ko rito maglagi. Nakaka-relax kasi ang pakiramdam. Tahimik pa at sariwa ang hangin. Kapag gusto kong gumala, marami akong puwedeng puntahan at marami akong puwedeng gawin. Aside from the fact, of course, that I really love horses.”

“Mukhang ganyan lahat ang katwiran ninyong mga member.”

“Oo naman. Stallion Riding Club is first and foremost a riding club. Hindi ka magiging member kung hindi ka mahilig sa kabayo at hindi marunong mangabayo.”

“Oo nga naman.”

Hayan, ganitong mga pagkakataon ang gusto niya na kasama si Eneru, smooth-sailing ang conversation. At ipinapangako rin ni Jhunnica sa sarili na hinding-hindi na siya magsasalita ng mga bagay na makakasira sa magandang atmosphere nila.

“Matanong ko lang, bakit hindi puwedeng maging member ng club ang isang babae?”

“The Stallion Riding Club is the only thing that we, men, can manipulate. `Yon bang hindi kami mapipilitan na mag-adjust para mag-accommodate ng mga babae. Men usually hate change. And we don’t like to think that we’ll have to adjust to these women who want to join. Maraming ibang riding club na tumatanggap ng mga babaeng member. Doon na lang sila. Ipaubaya na lang nila sa amin ang Stallion.”

“Don’t you think masyado kayong egoistic sa idea ninyong iyan?”

“We just want to have something that we could call our own. So, please, pagbiyan n’yo na kami.”

He hated change. And he did not want his privacy intruded on. Pero bakit nagbago ito ng isip tungkol sa panliligaw sa kanya? Napag-isip-isip na kaya nito na wala siyang kuwenta at napakapakipot niya?

Aray ko…

Pero may isa pa siyang gustong malaman. Kung ayaw ni Eneru ng may nanggugulo sa privacy nito, bakit siya nito hinayaang makapasok sa bahay nito? He even looked like he did not want to let her go just yet. O halusinasyon lang niya iyon? Kulang pa yata siya sa pagkain.

“Ano ang gamit mong pabango?”

“Huh?”

Kahit ano na lang ang maitanong niya basta magpatuloy lang ang usapan nila. “Curious lang ako. Noong high school tayo, natatandaan kong pareho pa rin ang pabango mo hanggang ngayon.”

“How did you know it was me?”

“Ewan ko. Basta ang alam ko lang, gusto ko ang amoy mo.”

The corner of his lips curved into a smile. “You liked

my scent? Mabuti pa pala ang amoy ko natatandaan mo.”

“So, ano iyan? Nagtatampo ka, gano’n?”

“It just seemed unfair. Naalala mo ang amoy ko pero hindi ako.”

“Masyado akong busy sa pag-aaral ko noon. I could care less if the world vanished back then. Pero aware ako sa iyo. Alam ko kapag nariyan ka lang sa tabi ko.” Come to think of it, para ngang naging bahagi na ng kabataan niya ang amoy ni Eneru. “Pakiramdam ko secured ako kapag naaamoy ko ang pabango mo dahil alam kong nasa tabi lang kita.”

“Really?”

“Ewan ko. Pero… basta, gano’n na iyon.”

Ipinagpatuloy na ni Jhunnica ang pagkain. Medyo naiilang na kasi siya sa paraan ng pagtitig ni Eneru sa kanya.

“Jhunnica.”

“Hmm?”

“Gusto mo pang kumain?”

“Oo.”

Tumayo si Eneru at nagsandok ng pangalawang s

ervings ng kanin para sa kanilang dalawa. Maraming gustong sabihin si Jhunnica bago sana sila tuluyang maghiwalay. Kaya lang, paano siya magsisimula? Ang dami na niyang atraso rito, pakikinggan pa kaya siya nito?

“Itutuloy mo pa rin ba ang pag-a-abroad mo?” mayamaya’y tanong ni Eneru.

“Hindi ko alam. Pinag-iisipan ko pa.”

“Kapag may nag-offer sa iyo ng mas mataas na suweldo at mas magandang trabaho, tatanggapin mo ba?”

“Siguro. Actually, inalok na ako ng isa sa female guests na nakilala ko last week.”

“Sino?”

“Si Paz Dominique.”

“Ang anak ni Governor Moreno.”

“At nag-iisang prinsesa ng Davao, according sa kanya.”

“Yeah, may-pagkamahangin nga ang isang iyon. But she’s nice.”

“Kung magsalita ka, parang masasama ang ibang female guests ninyo rito sa Club.”

“Well… not really.”

“Huwag ka nang magpanggap, Eneru. Alam ko namang masama talaga ang ilan sa kanila. First hand kong naranasan ang mga iyon.”

“Sinaktan ka nila?” Nasa mukha nito ang pag-aalala at galit.

“Hindi. Kapag sinaktan nila ako, babanatan ko sila. Hindi ko sila uurungan, `no?”

“Oh, yeah. I almost forgot. Gerera ka nga pala.”

“Guilty.” Jhunnica matched his smile. Saglit silang tila nagkaintindihan nang wala man lang sinasabing ano mang salita. That they liked each other. On her part, wala siyang balak na bawiin ang impresyong ipinakita niya kay Eneru. She wanted him to know how she felt. Nagsasawa na siyang siya lang ang nakikinabang sa damdamin niyang iyon.

“So, tell me about your dealings with Princess Dominique,” anito.

Inilalayo na ni Eneru ang usapan sa maseselang topic. Kung ganoon, pareho lang sila ng iniisip. Ayaw din nitong masira ang magandang takbo ng usapan nila. Nakakalungkot pero puwede na iyon kaysa naman magbanggaan na naman sila.

“Sabi niya, kapag nagsawa na raw akong magtrabaho rito sa club, tawagan ko lang siya.”

“Dominique has a business? That’s new. Ang alam ko walang ginawa ang isang iyon kundi habulin si Zell.”

“Well, mukhang hindi lang sa lalaki umiikot ang mundo niya kahit na nga siya lang ang kinikilala ni Dominique na tao rito sa Club.”

“So, you’re taking her offer?”

Ubos na naman ang pagkain niya. “Hindi pa naman ako nagsasawa rito sa club.”

“Kung gano’n, bakit ka kumuha ng passport?”

“Ano naman ang masama? Gusto ko lang magkaroon. Baka kasi bigla na lang akong manalo sa mga raffle-raffle na sinalihan ko na trip abroad and premyo, mabuti na ang sigurado.”

“If you wanted to travel the world, I could just bring you along with me.”

Sumikdo ang puso ni Jhunnica. Was it okay to dream? Nginisihan lang niya si Eneru upang ipaalam na hindi niya sineseryoso ang sinabi nito. “Libre ba?”

“Oo. Kung gusto mo, isama mo pa ang nanay at kapatid mo. We could go to Disneyland.”

“Pang bata naman iyon. Wala bang pang-adult?”

“Hindi wholesome ang mga lugar na alam kong pinupuntahan ng mga adult.”

“Ay, gano’n?”

“Saan mo ba gustong pumunta?”

“Sa Palawan.”

“Wow. Ang layo no’n, ah.”

“Oo nga, eh. Kaya nga kumuha ako ng passport.”

“Kapag pumunta ka roon, parang hindi ka na babalik, `no?”

“Yeah, kaya kailangan ko ng passport.”

They looked at each other and then they just burst out laughing. Napakababaw lang niyon kung tutuusin. Pero para sa kanila, lalo na kay Jhunnica, it was her chance to share her laughter with him. She was still laughing when she noticed him watching her.

“Ahm, bakit po?” tanong niya habang sinisimot ang mga tira-tirang pagkain sa kanyang plato.

“You just amaze me sometimes. Lalo na ngayon. Hindi ko akalain na malakas ka palang kumain.”

“Ay…” Nahiya naman siya.

n

apansin na pala ni Eneru ang katakawan niya. “Pasensiya na. Ang sarap kasi ng luto mo.”

“Gusto mo pa?”

“Huwag na. Nakakahiya naman sa iyo.”

“I like it when people praise my cooking.” Muli nitong dinampot ang kanyang plato.

In doing so, nahawakan din ng binata ang kanyang kamay na tila sundalong binabantayan ang kanyang plato. Damang-dama niya ang kakaibang init na hatid ng palad nito. Sa isang iglap, naglaho ang lahat ng gana niya sa pagkain. Nasa kamay lang ni Eneru nabuhos ang kanyang atensyon. When he tried pulling it away together with her plate, hinawakan na niya ang kamay nito. Nagulat ito sa kanyang ginawa at unti-unti na ring bumabangon ang hiya sa katawan niya. Nilabanan niya iyon. She just did not want to let him go.

Unti-unti na ring tumitila ang ulan sa labas. Natatakot si Jhunnica na kapag tuluyan na iyong tumigil ay mawawala na rin si Eneru sa kanya. Noong una, akala niya ay okay lang iyon. Ilang beses din niyang kinumbinsi ang sarili. Pero ngayong heto na si Eneru sa tabi niya, hawak ang kanyang kamay, na hawak niya, na-realize niyang hindi pala niya kayang mawala ito.

“Tapos ka na bang ligawan ako, Eneru?” Tumayo siya at hinarap ang binata nang hindi pa rin binibitiwan ang kamay nito. In the past, he was always the one who’s holding her tight. This time, siya naman ang kakapit. At bahala itong magsawa sa kanya. “Kung tapos ka na, ako naman ang manliligaw sa iyo.”