noveltoon logo noveltoon
Eneru Villasis (Stallion Series 2)

Chapter 8

Ch. 8 / 10 Nov 28, 2025

Chapter 8

8

N

apatingin si Jhunnica sa mga nagkakaingay na miyembro ng Stallion Riding Club sa pangunguna ni Neiji Villaraza minus their minion of women. Thank goodness.

“Successful ang commercial debut ng Stallion Shampoo. Thanks mostly sa misis mo, Jubei.”

“Of course. Sa ganda ba naman ng misis ko, natural lang na tatabo talaga ang commercial na ginawa niya para sa iyo, Neiji.”

“Oo. At salamat din sa participatin ninyo, guys.”

“You’re welcome, pare. Okay na rin iyon para sa akin. Makakatulong ang maliit kong stint na iyon sa

tv

para maging pamilyar ang mukha ko sa mga masa. The commercial was good enough.”

“Zell, hanggang ngayon ba’y nangangarap ka pa rin nang gising na maging pulitiko?”

“There’s no harm in trying, Yuan. I know I could do more good when I have the power and access to all the resources.”

“What resources? Pare, matagal nang nasa iyo ang mga resources na sinasabi mo. Ewan ko nga ba naman sa iyo kung bakit pumasok pa sa isip mong kumandidato sa pagka-gobernador.”

“I like the prestige. At bagay sa akin ang title na Governor Renzell Zapanta. Anyway, it’s for the good of this country. Sa unang pagkakataon, magkakaroon ng matinong pulitiko ang bansang ito. At ako iyon.”

“Bakit hindi na lang pagka-presidente ng bansa ang ikampanya mo? Kung ganyan kalakas ang loob mong maging pulitiko.”

“This isn’t the right time for that.”

“Aba, at talagang may balak nga.”

Napangiti na lang si Jhunnica habang pinakikinggan ang

s

tallion boys. Kahit kasi gaano pa kalakas mang-asar ang mga ito, nakatutuwang isipin na ni minsan ay wala pang nagkapikunan. Lihim niyang sinulyapan si Eneru. Isa ito sa mga nagkakatumpukan. Tumatawa ang binata, nakakangiti.

Ilang araw na rin naman ang nakakalipas mula nang huli silang magkausap pagkagaling nila sa Maynila. Mula nang araw na iyon ay hindi na lumapit pa sa kanya si Eneru. Naging madalang na rin na makita niya itong nakikipaglaro kasama ng mga kaibigan sa kahit na anong arena sa club.

Gusto sana niyang itanong sa mga kaibigan ni Eneru kung ano ang nangyayari at tila hindi na gaanong aktibo ang binata sa mga paborito nitong laro. Nahihiya lang siya dahil wala naman siyang karapatan at lalong hindi tama na magtanong siya ng personal na mga bagay sa mga miyembro ng club.

Pero nangako siyang itutuloy ang panliligaw sa akin sa kabila ng naging pagtutol ko. Bakit ngayon, halos ayaw akong tingnan ng kumag?

Naiinis siya sa sarili. Ito naman ang gusto niyang mangyari, ang layuan siya, so bakit siya nag-iinarte nang ganito ngayon? One glance at the man who had captured her heart in no time at all and she got her answer. She missed him. She missed all of him. Kung puwede nga lang niyang yakapin at halikan si Eneru. Kaya lang, hindi na talaga puwede. Kung gusto niyang pareho silang buo ang pagkatao pagkatapos ng lahat ng iyon, kailangan nilang maghiwalay na ngayon pa lang.

“Pero hindi iyan ang gusto kong i-discuss sa inyo kung bakit ko kayo tinipon dito,” patuloy ni Neiji. “I want to suggest something. Bilang pasasalamat sana sa mga tumangkilik sa produkto ko, gusto kong magbigay ng isang enggrandeng raffle promo para sa mga customer ko.”

“And what is the prize?”

“A date with one of the men who was featured on that commercial.”

“Lalabas ba iyon sa mga magazine and television?” tanong ni Zell. “Okay, let me in.”

Pero mukhang ito lang ang sumang-ayon sa mga lalaki. The rest, matindi ang pagtutol. Nakita ni Jhunnica na kinawayan siya ni Trigger. Pero hindi rin siya sigurado dahil katabi nito ang kakambal, na maaaring totoong Trigger. Lumapit na rin siya. At hindi nakaligtas sa matalas niyang mga mata ang pagbaling sa kanya ng atensyon ng mga naroon. She kept her eyes on Trigger, or was it Jigger, but her heart was focused on the man who was sitting beside him. Nag-aalala siyang marinig ng mga ito ang sobrang lakas ng kaba sa kanyang dibdib kaya bahagya siyang lumayo.

“Give me a Miller Light, Jhun.” Binalingan nito ang kakambal. “Triggs, what would you like to have?”

Ah, so si Jigger ang naka-blue na jacket at si Trigger ang dilaw na polo shirt.

“Puwede ba `yong waitress?”

“Hindi na puwede, `tol. May may-ari na sa kanya.”

“Talaga? Sino?”

Lahat ng mata ng mga naroon ay napatingin kay Eneru na napangiti na lang.

Oh, that smile… I miss that too.

“You heard your brother, Trigger.”

m

ay pagbabanta sa boses nito.

“Is that true, Jhun?”

“Ahm, kukunin ko na lang ang orders ninyo, Sir.”

“Oh, yeah, speaking of order, nasa iyo pa ba ang jacket na ipinahiram ko sa iyo? I hope you’re taking care of it. Espesyal kasi sa akin ang jacket na iyon.”

“Why do you have his jacket?” direktang tanong ni Eneru kay

Jhunnica

.

“Natapunan—”

“She got into a tiny accident,” sansala ni Trigger. “I just helped her out.”

“Why did you have to give her your jacket?”

“Why not? Kailangan niya iyon.”

“She could have had mine.”

“How? You weren’t even here to give it to her, Eneru.”

Doon siya tuluyang binalingan ni Eneru. Napansin naman niyang lihim na nag-apir ang magkakambal.

“I’m sorry I wasn’t there, Jhunnica,” wika ni Eneru. “Nagkaroon lang ng kaunting problema sa mga negosyo ko kaya kinailangan kong mawala nang mga ilang araw.”

“Okay lang iyon, Sir. Hindi n’yo kailangang magpaliwanag.”

“You could have at least called her, man.”

“I know, Hiro. It was my fault.”

“Hmm, bakit kaya?”

Kunot-noong binalingan ni Eneru ang mga kasamahan sa mesang iyon. “Bakit ba ako sa inyo nagpapaliwanag?”

“Ewan namin sa iyo. Ikaw naman diyan ang sagot nang sagot.”

Iritadong tumayo na si Eneru at hinila si Jhunnica sa braso palayo. Pero pinigilan sila ni Neiji.

“Sandali, may itatanong lang ako sa iyo, Jhun.”

“Ano na naman iyan?” tanong ni Eneru.

“May kuwenta ito, `tol. Jhun, are you using the greatest shampoo that ever graced this earth? My Stallion Shampoo?”

“Yes, Sir. May iba pa akong product na gawa ng kumpanya ninyo, Sir.”

“Ah, good. I like you already. So anyway, what if you had a chance to date one of us? For example, iyang lovestruck na si Eneru Villasis?”

“Hindi na niya kailangang sumali sa mga kalokohan ninyo para lang maka-date ako. I’ll give her that chance in a heartbeat.”

Kanya-kanyang reaksyon ang mga ito.

“Tindi mo ngayon, `tol, ah. Ano nahithit mo, ha?”

“Iyan na ba ang resulta ng ng pagbabagong buhay mo?”

“You had me at hello… you had me at hello.”

Walang pakialam si Jhunnica sa drama ng mga ito. Dahil mas matindi ang dating sa kanya ng mga sinabi ni Eneru. Because he did not just have her at hello. He had her in a heartbeat.

“Reid,” tawag ni Eneru sa may-ari ng riding club.

“Yeah?”

“Puwede ko bang mahiram na muna si Jhun ngayong araw?”

“Bakit? Ano’ng gagawin mo sa kanya?”

“Problema ko na iyon.”

“Kung gano’n, problema mo na rin kung papayag si Jhunnica.”

Binalingan siya ni Eneru. She would have said yes, kung hindi lang niya iniisip na lalo lang niyang pahihirapan ang sarili kung makikipaglapit siyang muli rito.

“I’m sorry, Sir Eneru. Pero kailangan ko pang magtrabaho.” Binalingan niya si Trigger. “Iyon lang ba ang order ninyo, Sir?” Halata ang pagkagulat at pagtataka sa mukha ng mga ito. But no one dared to speak. “Sige ho, kukunin ko lang ang orders ninyo.”

Ilang metro na ang layo niya sa mga lalaki nang muli niyang marinig ang pagtawag ni Trigger.

“Gawin mo nang tatlo ang Miller Light, Jhun. Salamat.”

Tumango lang si Jhunnica at nagpatuloy na sa pagtungo sa counter.

Pasensiya na, Eneru. I really have to do this.

Pagbalik niya sa grupo ay nasa kasagsagan pa rin ng pangungumbinsi si Neiji sa mga miyembro ng club upang mapapayag sa balak nito.

“Come on, guys. Para sa charity naman ito. Thirty percent ng quarterly profit ng Stallion Shampoo ay mapupunta sa choice of charity institution ng mapipiling makipag-date.”

Dalawa ang nawala sa mga ito. Sina Reid at Eneru. Nasaan na kaya ang lalaking iyon?

“Ah, Jhun, pakidala na lang doon sa outdoor stable iyang beer ni Eneru,” wika ni Jigger. “Kanina pa nga niya hinihintay iyan.”

“Outdoor stable? Sige, Sir.”

“Salamat.”

Nagtungo si Jhunnica sa kuwadra na nasa bandang likuran ng gusali ng club. Doon inilalagay ang mga kabayong ginagamit ng mga member ng club kapag may outdoor competitions o activities ang mga ito. Pero hindi naman niya makita roon si Eneru. Kaya nagtanong na siya sa isa sa mga tauhan.

“Ah, si Sir Eneru ba? Kaaalis lang. Mangangabayo yata kasi dala niya `yong kabayo niyang si Mirage. Pero baka maabutan mo siya doon sa papuntang kakahuyan.”

“Sige, salamat.”

Pero paglabas niya ng mga kuwadra ay bumuhos na ang ulan. Hindi naman siya makabalik agad dahil mababasa rin siya kaya nagtuloy na lang siya na sundan ang binata. Kaya lang, imbes na si Eneru ang matagpuan ay si Reid ang nakasalubong niya.

“Jhun, what are you doing here? Umuulan, ah.”

“Sir, nakita n’yo ba si Sir Eneru? Kailangan ko kasing maihatid ito sa kanya.”

Kunot-noong binalingan ni Reid ang hawak niyang bote ng beer. “Nagpakababad ka sa ulan para lang diyan? Hindi ka ba nag-iisip? Puwede mo namang ibigay iyan sa kanya pagbalik niya sa Veranda, ah.”

“Eh…”

“Eneru!” tawag nito sa binata na kalalabas lang mula sa gilid ng kuwadra. “Ano bang kalokohan itong pinaggagagawa mo?”

Kunot-noo rin ito nang lumapit sa kanila. “Jhun, ano’ng ginagawa mo rito? Umuulan, ah.”

“Kasalanan mo iyan. Inihatid niya ang beer mo rito. Are you really that desperate to get her attention that you’re willing to sacrifice her health? Nasisiraan ka na ng bait.”

“Wala akong in-order na beer. At bakit ko naman pahihirapan nang ganyan si Jhun para lang…” Napalingon ito sa direksyon ng Veranda. “Sina Jubei ba ang nagpasunod sa iyo dito sa akin?”

“Oo—”

“Bakit sumunod ka naman? Alam mo na ngang siraulo ang mga iyon.”

“Malay ko bang pinagti-trip-an lang nila ako.”

Nakita ni Jhunnica ang pagguhit ng galit sa guwapong mukha ni Eneru. Susugod na ito pabalik sa Veranda nang pigilan ito sa braso ni Reid.

“Ako na ang bahala sa kanila. Si Jhun na lang ang asikasuhin mo at partly ay kasalanan mo rin kung bakit iyan nabasa.”

“Babalik na lang ako sa work ko, Sir.”

“May extra uniform ka ba? Sige, ikaw ang bahala.” Pagkatapos ay nauna nang bumalik sa Veranda si Reid.

“Saan ka pupunta?” tanong ni Eneru. Mukhang masama pa rin ang timpla nito nang hawakan si Jhunnica sa braso at hilahin patungo sa kabayong nakatambay di-kalayuan.

“Saan tayo pupunta? May trabaho pa ako.”

“You’re excused. Alam na iyon ni Reid.”

“Hindi ko puwedeng pabayaan ang trabaho ko. Magpapalit na lang ako ng damit—”

“Alam kong patutuyuin mo lang iyan sa dryer doon sa washroom ninyo, gaya ng ginawa mo noon nang matapunan ka ng mantsa ng alak.”

“Paano mong nalaman iyan?”

“You don’t have to know.” Hinubad ni Eneru ang suot na leather jacket at ito mismo ang nagsuot niyon sa kanya. Pagkatapos ay isinakay na siya sa likuran ni Mirage. This time, nasa likuran naman niya ang binata. “Huwag kang magulo kung hindi, ihuhulog kita.”

“Alam mo, Eneru, kung masama ang loob mo sa ginagawa mong pagtulong, huwag mo nang pilitin ang sarili mo. Baka mamaya, hindi ka pa matunawan, eh, ako pa ang sisihin mo.”

She heard him chuckle. Magtataka na sana siya nang maalala kung ano ang dahilan ng ipinagbago ng mood nito. She had called him by his name.

NAKAUPO na sa harap ng fireplace si Jhunnica habang nagpapainit. Bumuhos na nang tuluyan ang malakas na ulan sa labas. Nakapagpalit na rin siya ng tuyong damit, courtesy of Eneru. And speaking of that guy, nasaan na kaya ito? Kanina pa ito hindi nagpapakita sa kanya mula nang matapos siyang magbihis. Ang sabi nito ay patutuyuin lang ang kanyang mga damit. Kung siya ang masusunod, sa pugon na lang niya iyon patutuyuin para mas mabilis.

Tumayo na siya upang hanapin ang lalaki. Pero paghakbang ay natapakan niya ang laylayan ng suot niyang pajama na masyadong malaki para sa kanya. Natalisod siya at mabuti na lang, sa malambot na sofa siya bumagsak dahil kung hindi, makikipagpalit siya ng mukha sa aso. Or worse, sa kabayo.

“O, ano na nama’ng pauso iyan, Jhunnica?” Naupo sa sofa si Eneru. “Are you really trying to hurt yourself deliberately?”

Tiningnan niya ito. “Mukha ba akong natutuwa sa ginagawa ko? Itong pajama mo ang may sala, `no? Ang haba-haba. Naapakan ko tuloy ang laylayan.”

“Oh, sorry.” Tinulungan na siya nitong makaupo nang maayos sa sofa. “Bakit hindi mo itinupi ang dulo at nang hindi ka natatalisod?”

“Nawala sa isip ko…”

He took her leg and folded the end of her pajama up to her leg. Ganoon din ang ginawa nito sa kabilang dulo. “How are you feeling? Hindi ka ba nilalamig o nananakit ang katawan? Masakit ba ang ulo mo? Tiyan?”

“Wala, okay lang ako.” Lalo na ngayong inaasikaso siya ni Eneru. She never thought she would ever end up in his house and be taken care of by him. Nakakawili ang ginagawa nitong pag-aasikaso sa kanya. Baka hanap-hanapin na niya kaya dapat ngayon pa lang ay umalis na siya sa tabi nito. “Babalik na ako sa club. Pakihatid na lang ako.”

“Tinawagan ko na si Reid. Sinabi kong nandito ka at nagpapahinga dahil nagkasakit ka.”

“Wala naman akong sakit, ah.”

“Meron na ngayon.” Ang kamay naman niya ang hinila ni Eneru at itinupi ang mahabang manggas ng suot niyang oversized na shirt. “Nagluto ako ng makakain. Baka nagugutom ka na.”

“Hindi, okay lang ako. Kailangan ko na talagang—”

“Jhun, kailan mo ba ako hahayaang makalapit sa iyo? I’m not going to harm you. I already stopped courting you. So will you please just do as I say now? I don’t want you to get sick. Ano ba ang masama roon?” He brushed his fingers through his hair in frustration and leaned back against the sofa. Ipinatong din nito ang isang braso sa noo at pumikit. “Nakahanda na ang pagkain sa dining room. Kumain ka na lang kung kailan mo gusto. Pagtila ng ulan, ibabalik na kita sa Veranda.”

Then he stood up and went out into the front porch. Pakiramdam ni

Jhunnica

, may kung anong pumiga sa puso niya nang pagmasdan

si Eneru na

naupo sa couch sa labas, through the screened door. Nasasaktan ba siya ngayon dahil nasaktan niya ang damadamin nito? Eh, kasi naman…

“Ayoko lang naman na ako ang masaktan,” aniya sa sarili.

Kaya okay lang na makasakit ka ng iba?

“Ano ba ang ginawa kong mali?”

Ano ba sa palagay mo?

“Ewan, hindi ako mapalagay. Bakit ko ba kinakausap ang sarili ko?” Muli niyang pinagmasdan si Eneru sa labas. Nagbabasa na ito ng libro. But it seemed his mind was somewhere else. Kaya siguro tinigilan nito ang pagbabasa at nang mapatingin sa direksyon niya ay nakita rin siyang nakatingin dito.

Hindi na siya nagbawi ng tingin. She wanted to see him. And she wanted to see him looking at her. Muli niyang naramdaman ang pamilyar na kaba sa kanyang dibdib.

“Kailan kaya kita titigilan na mahalin, Eneru?” tanong niya sa sarili. “Malabo na sigurong mangyari na matigil ako sa kagagahan kong ito. Tingnan mo nga, hanggang ngayon ay kinakausap ko pa rin ang sarili ko.”

Maybe she should just give into her feelings for a while. Kahit hanggang sa pagtila lang ng ulan.

“O kahit hanggang five minutes na lang siguro, papatulan ko. I love you, Eneru.”

Tumayo ang binata at muling pumasok sa bahay. Walang imik din itong lumapit sa kanya at hinawakan siya sa kamay.

“I’m hungry,” anito, saka masuyo siyang hinila patungong kusina. “Kumain na tayo.”

His voice was so soft and sweet, there was nothing else she could do but just let her love for him take over.