Chapter 3
3
“
A
y, naku! Peste talaga!” Panay ang kiskis ni Jhunnica sa namantsahang manggas ng kanyang uniporme. “Ipapakulam ko talaga ang mga bruhang iyon kay Aling Tasing. Ipapakalbo ko sila at papapangitin!”
Itinambak na lang niya sa loob ng bag ang blouse at nagpatuloy na sa paglalakad. Papauwi na siya sa bahay nang hapon na iyon. Kanina sa coaster, naging topic of tsismisan ang nangyari sa kanya sa kamay ng mga malditang babaeng guests ng club. Pati na rin ang tungkol sa pagkampi sa kanya ng mga club member nang pagalitan siya ng supervisor. Ilan kasi sa mga katrabaho niya sa Rider’s Verandah ay kasama rin niya sa coaster na iyon. At palibhasa ay kapareho niya ng kapalarang sinasapit paminsan-minsan sa kamay ng mga female guests ang mga katrabaho niya, sa kanya kumampi. Actually, ang mga katrabaho nga niya ang nag-suggest na ipakulam ang mga malditang female guests ng SRC.
Sana lang hindi peke si Aling Tasing.
Pero sa tingin niya, malabong mangyari na magkatotoo ang pangkukulam ng aning-aning nilang kapitbahay. Napasinghap na naman siya nang maramdaman ang hapdi sa kanyang mga paa. Nagkapaltos na siya sa ginawang paglalakad kaninang umaga.
k
aya ngayon ay talaga nga namang dusa ang inaabot niya.
“Ah, bahala na.” Tinanggal na ni Jhunnica ang sapatos. Maglalakad na lang siyang nakayapak.
t
utal, malapit na rin naman ang bahay nila. Kaysa nga naman tuluyan siyang hindi na makapagsapatos kapag namaga ang kanyang mga paa.
Ngunit nakakailang hakbang pa lang siya ay nakarinig na siya ng malakas na busina. Paglingon niya ay isang black convertible ang nakita niyang nakasunod sa kanya. Kilala niya ang sasakyan, lalo na ang nagmamaneho. Umagapay sa kanya ang takbo ng sasakyan ni Eneru.
“Hanggang ngayon ba’y naglalakad ka pa rin, Jhunnica? Hay, ang mga mahihirap nga naman.” Tiningnan nito ang walang sapin niyang mga paa. “Bakit ka nakayapak?”
Nagpamaywang siya. “Eh, mahirap nga ako, `di ba? Kaya nakayapak ako!”
Hambalusin kita riyan ng sapatos ko, eh!
“At hindi rito ang daan palabas ng Maynila, Sir. Ano’ng ginagawa ninyo rito?”
Napansin ni Jhunnica ang pamumula ng mga pisngi ni Eneru. Saka niya naalala na maaaring nakainom ito dahil nakita niya kanina nang mag-celebrate ito sa pagkapanalo kasama ang mga kaibigan sa Rider’s Veranda.
Kasama rin ang mga kalahi niyang mangkukulam.
“Sir, hindi dapat kayo nagmamaneho ng nakainom.”
“Hindi pa ako lasing. At hindi ako naliligaw.”
“Wala naman akong sinasabing naliligaw kayo.” Pero ngayon ay alam na niya kung bakit ito nakarating sa liblib na lugar na iyon ng kanilang baryo. “Ang mabuti pa, Sir, bumalik na lang kayo sa club at doon magpahinga. Huwag na kayong magpilit na magmaneho dahil maraming bangin dito. Baka mapahamak lang kayo.”
“Hindi nga sabi ako lasing. At ilang beses ko bang dapat ipaalala sa iyo na Eneru ang pangalan ko at hindi ‘sir’?”
“Oo na, alam ko na iyan. Bumalik na kayo sa club.”
“Saan ang bahay ninyo? Ihahatid na kita.”
“Salamat na lang, Sir— Eneru. Pero malapit na lang ang bahay namin. Hindi ko na kailangan ng tulong ninyo.”
“Bahala ka. Kapag na-rape ka rito, huwag mo akong sisisihin. I offered you a ride.”
Napakunot na lang ang noo ni Jhunnica habang pinagmamasdan ang papalayong sasakyan.
“Siraulo,” bulong niya sa sarili. “Takutin pa daw ba ako? Eh, ako yata ang ang hari dito. Hmp! Mabunggo ka sana.”
Pero napasinghap siya nang makitang parang nawalan ng kontrol ang sasakyan. Ilang sandali pa ay sumagitsit na ang mga gulong niyon at huminto sa tapat mismo ng malaking puno ng mangga.
“Hala! Naku!” Nagmamadali siyang nagtungo sa lalaki at nakita itong nakasubsob sa manibela. “Eneru! Oh, my God!”
Hindi na niya alam ang gagawin. Natatakot naman siyang galawin ito dahil baka mas lumala pa ang pinsalang natamo. Nataranta na siya.
“Jhun…” ungol nito.
“Ay, buhay ka! Sige, mabuhay ka lang diyan. Sandali, maghahanap ako ng makakatulong—”
“Jhun…”
“Oo na, nandito ako. At puwede bang huwag mo akong tatawagin nang ganyan ang tono mo? Kinikilabutan ako.” Saan siya hahanap ng tulong? `Ayun! “Aling Tasing! Tulong ho!”
Hindi naman nagtagal, dahil na rin sa malakas na pagsigaw ng kanilang kapitbahay ay dumating na ang ilang kalalakihan.
“Mukha namang hindi siya bumangga dito sa puno. Walang ano mang gasgas ang nguso ng kotse niya. Mabuti na lang, kasi sayang kung magagasgasan ito. Maganda pa naman.”
“Wala rin akong makitang ano mang bakas ng dugo sa ulo niya,” wika naman ng isa sa mga matatanda na siyang nag-inspeksyon sa lalaki.
Saka naman kumilos si Eneru. Sumandal ito sa headrest ng upuan at bumaling sa kanya. A lazy and sexy smile curved his lips.
“Jhun…”
“Jhunnica, kilala mo ba ang lalaking ito?”
“Ho? Eh…”
“Ikaw naman, bakit mo naman pinababayaan ang nobyo mo rito?” tanong ni Aling Tasing. “Hijo, ayos ka lang ba? May masakit ba sa iyo?”
“Wala. Medyo nakatulog lang ako nang konti.”
Nang masigurong ligtas naman si Eneru, saka lang nakahinga nang maluwag si Jhunnica. At ngayong alam niyang wala naman itong natamong pinsala, parang gusto na niya itong ingudngod sa manibela para matuluyan na. Pero sa hindi malamang kadahilanan, parang ang pagkakabunot ng tinik sa kanyang dibdib ang naging daan din para kainisan niya nang husto ang binata. Kaya imbes na mabatukan pa ito ay tinalikuran na lang niya. But he grabbed her arm.
“Bakit mo ba ako laging iniiwasan, Jhun? Ano ba ang nagawa kong mali sa iyo? Pangit ba ako? Mabaho?”
Ano na naman ba ang ginagawa ni Eneru? Bakit gano’n ang mga sinasabi nito? Ang mga lasing nga naman. Pero bakit sobra ang dagundong ng kanyang dibdib? Pinilit niyang makawala dahil iba na ang tingin sa kanya ng mga tao. Isa pa, lumalala na rin ang kakaibang kaba sa kanyang dibdib.
“Nakakainis ka na, Jhun. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa iyo para mapansin mo ako.”
“A-ano ba iyang sinasabi mo, Sir Eneru?” Ayaw pa rin nitong pakawalan siya. “Hindi… hindi ko ho alam—”
“Lagi ka namang walang alam. Wala kang pakialam sa mga ipinapakita ko sa iyo. Alam mo bang ikaw lang niligawan ko noon? Hindi mo pa pinansin. Nakakasama ka ng loob.”
“Jhun, binasted mo ang ganito kaguwapo? Aba’y nasisiraan ka na yata ng isip.”
“Oo nga, Jhun. Aba, kung naging babae lang ako at nanligaw sa akin ang kasingguwapo nito, hindi ko na ito pakakawalan. Magkamatayan na kung magkakamatayan.”
“Ako, nababading na. Jhun—”
“Hindi ko manliligaw iyan! Lasing lang iyan kaya kung ano-ano na ang pinagsasasabi. Tingnan n’yo nga ang itsura niyan. Sa tingin n’yo ba mag-aaksaya iyan ng oras sa akin kung halos sambahin nga siya ng magagandang babae sa Maynila?” Pinalo ni Jhunnica ang kamay ni Eneru para pakawalan siya. Wala pa ring nagawa iyon para makawala siya. “Sir Eneru, bumalik na nga lang kayo sa club. Ginugulo n’yo lang ako rito, eh.”
“Jhunnica—”
Napaurong silang lahat nang kumilos si Eneru at mabuway na bumaba ng sasakyan. Pagkatapos ay hinarap si Miguel.
“Ikaw, bakit mo tinatawag na Jhunnica si Jhunnica? Ako, ako lang ang may karapatang tumawag sa kanya ng gano’n. Naiintindihan mo ako?”
“Yes, Sir Bossing.”
“Sir, ano ka ba?” saway ni Jhunnica. “Huwag mong sindakin ang mga tao rito at baka abangan ka ng mga iyan sa kanto.”
“Ang mabuti pa, Jhun, dalhin mo muna iyan sa inyo. Kapag nahimasmasan na, saka mo na lang pauwiin. Delikado kung hahayaan nating magmaneho iyan sa ganyang estado.” Sinang-ayunan na rin ng iba pa nilang kapitbahay ang suhestiyon ng pinakamatanda sa mga ito. “Sige na, tutal naman, mukhang ikaw ang dahilan kung bakit naglasing iyan.”
Gusto pa sana niyang ipagtanggol ang sarili pero sa itsura ng mga ito, mukhang wala na nga siyang magagawa. Isa pa, tila wala ring balak ang lalaki na pakawalan siya basta.
He put his arm on her shoulder and touched the tip of her nose with his finger. “Let’s go, Jhunnica.”
“ATE, HINDI ba dapat kapag nagtanan, `yong babae ang dinadala ng lalaki sa bahay nila?”
Tinapik lang ni Jhunnica sa noo ang kapatid. “Huwag ka ngang humarang diyan at mababalian na ako ng spinal chord dito. Tulungan mo ako.”
“O, Jhun, sino iyan? Bakit nag-uwi ka ng lalaki dito?”
Nakapikit na si Eneru nang maideposito nilang
magkapatid sa sofa. Sa tangkad ng lalaki, hindi na ito nagkasya sa sofa. Nakalaylay na ang mga binti sa armrest
.
“Isa sa mga member ng club iyan, `Nay.” Hinilot niya ang mga balikat, saka tinapik sa ulo ang kapatid na inuusisa ang natutulog na lalaki. “At hindi kami nagtanan. Naligaw lang iyan dito dahil sa kalasingan. Itinambak sa akin ng mga kapitbahay natin, huwag ko na raw munang pauwiin na ganyan ang estado at baka kung ano pa ang mangyari.”
“Siya ba ang ikinukuwento sa akin ni Merly na lalaking may magandang kotse na muntik nang maaksidente doon sa may puno ng mangga malapit sa kanto?” Nilapitan ng kanyang ina si Eneru at nakiusyoso na rin. “Aba, oo nga, ano? Napakaguwapong binata nito. Teka, binata pa daw ba ito?”
“Ewan ko.” Sa mga nasaksihan niya kaninang pagkakalingkis kay Eneru ng mga babae sa club, may palagay siyang binata pa nga ito. Idagdag pa ang mga narinig niyang sinabi nito kanina. Ayaw man niyang lumaki ang kanyang ulo, may kung anong nagsusumiksik sa utak na hindi niya maiwasang makaramdam ng pagmamalaki sa sarili.
He liked her. He liked her very much. Kaya lang, mukhang kapanahunan pa ni Kopong-Kopong nang magkagusto ito sa kanya.
Sayang…
“Hayaan na lang natin na mahimasmasan iyan diyan, `Nay. Pagkagising niya, saka natin palayasin.”
“Palitan kaya natin ng damit? Nakakaawa naman, eh. Basang-basa ng pawis.”
“Wala naman tayong damit-panlalaki.” Nilingon ni Jhunnica ang kapatid. “Ipahihiram mo ba sa kanya ang gown mo?”
“Oo sana. Kaya lang, ipinapa-adjust ko pa sa sastre kasi sumeksi ako ngayon.” Nagtungo na si Jonard sa kuwarto nito. “Huwag mong papapasukin iyan sa kuwarto mo, Ate, ha? Ayokong gumastos sa kasal mo. Wala pa akong pera.”
Ang gulo talaga ng utak ng kapatid niyang iyon. Hinayaan na muna niya ang lalaki sa sala at nagpalit na siya ng damit. Panay pa rin ang pag-uusisa ng kanyang ina tungkol kay Eneru habang kumakain siya. Kung ano-ano na lang tuloy ang mga pinagsasagot niya dahil daig pa ng bata ang nanay niya sa pagtatanong.
Tulog na tulog pa rin si Eneru sa sala hanggang sa makatapos siya.
“Mukhang pagod na pagod ang batang ito, ah,” sambit ng kanyang ina nang lagyan nito ng kumot ang lalaki. “Hmm, napakaguwapo talaga. Sa itsura niya, parang napakabait niyang anak.”
“Ano iyan, `Nay? Parang ako hindi mabuting anak, gano’n?” Kumilos si Eneru. At nagsalita.
“Jhun…”
“Anak, kilala ka niya?”
“Eh…” Parang gusto na niyang takpan ng unan ang bibig ng lalaki. Baka kasi kung ano na naman ang sabihin nito, maipit na naman siya nang wala sa oras.
“Jhunnica… ang sama mo. Bakit hindi mo man lang pinapansin ang damdamin ko sa iyo? What else do you want me to do to get your attention? Ang hirap mong intindihin. Alam ko naman na may gusto ka rin sa akin. Pero bakit mo pa ako pinahihirapan nang husto? Ngorssskkk!” malakas pa nitong hilik.
Nang balingan siya ng ina, saka lang niya naisip na sana pala ay tinapalan na niya kanina pa ang bibig nito.
“Binasted mo pa ang isang gaya nito, Jhunnica?”
“Engot nga kasi si Ate Jhun, `Nay,” singit ng kapatid niyang nakalabas na pala uli ng kuwarto.
“Hay naku, ikaw na bata ka talaga.” Muling pinagmasdan ng kanilang ina si Eneru. “Alagaan mo nga itong nobyo mo—”
“Hindi ko boyfriend iyan, `Nay.”
“Kaya nga nanghihinayang ako. Kung magkakatuluyan kayo nito, siguradong magiging mga guwapo at magaganda ang mga magiging apo ko.”
“Hala, Ate, lagot ka. Nagre-request na si Nanay ng mga apo!”
“’Nay—”
“Asikasuhin mo siya, Jhunnica. Kahit hindi mo nobyo iyan, kailangan pa rin natin siyang gawan ng kabutihan.”
Naiwan na lang siya sa sala na nakanganga. Ano ang gagawin niyang pag-aasikaso sa kapreng ito? Masakit pa nga ang balikat niya sa ginawang pagdadala rito sa kanila kanina.
Naupo siya sa isang silya paharap kay Eneru. Panay pa rin ang pagsesentimyento niya sa isip habang pinagmamasdan ito. Pero sa patuloy din niyang pagmamasid sa mukha ng binata ay unti-unting nawawala ang pagkaasar niya sa pagpasok nito sa nananahimik niyang buhay. Ipinatong niya ang siko sa sandalan ng upuan at nangalumbaba. Guwapo nga talaga si Eneru. Kahit sa malayo, madali iyong makita. Tumayo siya at lumapit nang mawala sa pagkakaayos sa dibdib nito ang kumot.
“Oo nga, guwapo ka talaga, Eneru.” Napakaamo ng mukha nito. Napakakinis ng balat at wala ni isang bakas ng black heads o white heads. Daig pa ang kutis ng isang babae.
Napangiti siya habang pinagmamasdan sa malapitan ang itsura ni Eneru. Ang cute-cute siguro nito noong teenager pa. Ngayon tuloy ay naisip niya, paanong nakalagpas sa matatalas niyang mga mata kung ganoon nga ka-cute ang itsura nito? Oh, well. Ang mga teenager na babae, it’s either libro o boy-hunting ang pinagkakaabalahan. Siya ay minalas na hindi biniyayaan ng kalandian sa katawan noong kabataan niya.
“Kaya napalagpas ko ang isang gaya nito,” ani Jhunnica, saka idinampi ang daliri sa makinis nitong pisngi. “Alam mo, Eneru, kung hindi ka lang nagha-hallucinate dahil sa kalasingan, papatulan ko na ang mga sinasabi mo, eh. Kaso, alam ko naman na imposibleng pareho pa rin ang nararamamdan mo sa akin noon sa nararamdaman mo ngayon, sa dami ng magagandang babaeng nakapaligid sa iyo na handa kang sambahin. Hay, sayang, `no? Mukhang madali ka pa namang mahalin.”
Bahagya niyang kinurot ang pisngi ni Eneru.
Hmmm! Ang guwapo-guwapo mo talaga!
Pagkatapos ay ang matangos naman nitong ilong ang pinanggigilan niya. She would never get tired of watching this handsome face, even from afar. And smell his irresistible masculine scent.
“Nakakagigil ka talaga!” Hinalikan niya ang binata sa pisngi. Hindi niya akalain na may naghihintay na kaparusahan ang kapangahasan niyang iyon. Dahil bigla na lang lumapat ang bigat ng braso ni Eneru sa balikat niya. Hanggang sa natagpuan na lang niya ang kanyang mga labi na bihag ng mga labi nito.
He was kissing her! Intensely. Passionately. And there was nothing else she could do but cling to his arms as he seemed to devour her lips. Hindi naman kasi niya magawang makawala sa pagkakayakap dahil kahit lasing ay napakalakas pa rin ni Eneru. At sa tanang buhay niya, hindi pa siya nahahalikan nang ganito. Parang gusto na niyang mawalan ng ulirat. She felt so hot, so fired up that she did not know whether to return his passionate kisses or push him away. Hanggang sa maramdaman na lang niya ang pagsuko ng kanyang katawan sa nakakabaliw na mga halik. Pero kung kailan naman siya tila handang-handa nang sagutin ang mga halik, sa paraan na alam niya, saka naman biglang natigil ang paggalaw ng mga labi ni Eneru.
He stopped kissing her. Lumuwag na rin ang pagkakayakap nito sa kanya. Nang sa wakas ay makawala siya ay napaupo na lang siya sa sahig habang mulagat pa rin na nakatingin lang sa tulog na tulog na binata.
Hinalikan niya ako!
sigaw ng isip niya.
Hinalikan niya ako! My gollygawgaw!
Pakiramdam ni Jhunnica ay lumulutang pa rin ang utak niya na tila ba isang panaginip lang ang nangyari. Pero ang napakalakas na tibok ng kanyang puso ang nagsasabing totoo ang lahat ng iyon. Hinalikan nga siya ni Eneru. At ngayon ay naghihilik na ang ungas.
A great kisser with a face to match. Paano niyang napalagpas ang isang tulad nito noong high school?! What the heck was she doing with those freaky books anyway? Ilang sandali rin siyang nasa ganoong sitwasyon. Nakalupasay sa malamig na sahig habang pinanonood si Eneru sa mahimbing na pagtulog. Medyo humuhupa na ang nakakabaliw na sensasyong ipinadama nito dahil sa halik na iyon. Mas malinaw na rin siyang nakakapag-isip ngayon.
Ano kaya ang masasabi ni Eneru kapag nahimasmasan at malaman kung ano ang ginawa sa kanya? Pakakasalan kaya siya nito?
s
iya na mismo ang tumawa sa naisip. Nababaliw na yata siya. Isang halik pa lang iyon, ha? Paano pa kaya kung sundan pa ng dalawa, tatlo o hanggang isang daang halik?
Abah, why not, coconut?
She went back to her room with a smile on her lips and the memory of the greatest kiss she ever had.