noveltoon logo noveltoon
Eneru Villasis (Stallion Series 2)

Chapter 7

Ch. 7 / 10 Nov 28, 2025

Chapter 7

7

H

a

los mabulunan sa kinakaing mani si Jhunnica nang makita kung sino ang papalapit na sa kanya. God! How could this guy be so handsome? At kahit anong klase ng damit, kayang-kaya nitong dalhin. Daig pa nga ang mga modelo na nakikita niya sa mga magazine.

“Ikaw na naman? Paano mong nalaman na nandito ako?”

“Instinct,” sagot ng lalaki. Ngunit may palagay siyang ang kapatid niya ang nagsabi kung nasaan siya dahil kate-text pa lang niya rito. Kinuha ni Eneru sa kanya ang grocery basket. “Sana sinabi mo sa akin na luluwas ka sa Maynila. Sana nagsabay na lang tayo. Teka, kumusta nga pala ang biyahe mo? Wala bang nang-hijack ng bus na sinakyan mo?”

“Eneru, ang OA mo. Akin na iyang basket ko.”

“Hindi ko naman inaangkin, ah.” Dumampot ito ng isang mansanas at inamoy. “Ako na lang ang magbubuhat nito para hindi ka mahirapan.”

“Kaya ko naman iyan.”

“Basta ako na lang. Ano pa ang bibilhin mo?”

“Sabon at shampoo.”

She had to admit na na-appreciate niya ang biglang pagsulpot ni Eneru sa grocery store na iyon. In fact, she was already thinking about him while doing her grocery shopping. Hindi kasi niya makalimutan ang mga huling sinabi nito bago sila naghiwalay noong nakaraang araw. Kung saan iginiit ni Eneru na wala itong pakialam kung ilang beses man niyang ipagbawal na ligawan siya. Gusto kasi niyang malaman kung totoo nga ang mga sinabi nito. Well, ngayong nasa harap na niya ang binata, or rather, nasa tabi, sigurado na siyang wala nga itong balak na basta na lang siyang pakawalan.

Somehow, it made her feel great. Oo, mas maganda ang pakiramdam na iyon kaysa nang magpaalam siya kay Eneru.

“Ano nga pala ang ginagawa mo rito sa Maynila?” tanong ng binata habang nakikipili ng mga sabon. “Sabi sa inyo, may importante ka raw lalakarin.”

“Oo, `yong passport ko.”

Natigilan ito sa pagkutingting sa mga sabon. “Passport? Ano’ng gagawin mo sa passport?”

“Kakainin.” Tinapik ni Jhunnica ang kamay ni Eneru nang iduldol sa kanya ang nadampot nitong bareta. “I was thinking of going abroad.”

“What for? Hindi ba maayos ang trabaho mo rito?”

“Not really. Kaya lang, gusto ko naman ng ibang experience. Ng ibang environment.”

“Why don’t you work for me, then? I’m always out of the country due to some business. Kung sa akin ka magtatrabaho, mapupuno agad ng tatak iyang passport mo.”

“Gusto ko ng foreigner na amo.” Hindi naman totoo iyon. Gusto lang talaga niyang asarin si Eneru. Kaya lang, mukhang ipinanganak itong manhid dahil hindi ito tinatablan ng mga patutsada niya.

“Mababaho ang mga foreigner. Mahihirapan ka pang mag-English. Samantalang kung ako ang magiging amo mo, lagi kang may libreng kiss.”

Eksaheradong sinimangutan ni Jhunnica si Eneru. “Ano naman ang gagawin ko sa mga kiss mo? Mabibigyan ba ako niyan ng dollars?”

Hinugot nito ang wallet sa likod ng pantalon at humugot ng limang piraso ng dolyares mula roon. “Aherm! Why don’t you try it? Subukan natin kung magiging dollars ang halik ko.”

Dumukwang ito upang halikan siya ngunit mabilis siyang lumayo. “Sapakin kaya kita riyan, Eneru? Subukan natin kung magiging ube ang gilid ng mga mata mo.”

“Ikaw diyan ang unang naghamon. Ako naman, eh, willing mag-try ng maraming mga bagay.” Iwinagayway nito ang mga dollars sa harap niya. “Ayaw mo talaga?”

“Heh! Kaya kong kitain iyan sa ibang bansa.”

“Walang kasingguwapo ko ang hahalik sa iyo doon. Sa akin ka na lang.”

i

binalik na ni Eneru sa wallet ang mga dolyares. Ang mga botelya naman sa estante ng mga shampoo ang pinagdiskitahan. “Ito pala ang ipinagmamalaking Stallion Shampoo ni Neiji. Mahal.”

“Maganda naman sa buhok. Kahit anong hair type, compatible iyan.” Kinuha ni Jhunnica ang mga hawak ni Eneru at inilagay sa grocery basket. “Part ka ng naging commercial nito, hindi ba?”

“Oo. Bale pabor na lang namin iyon kay Neiji bilang Stallion members. He really liked the group, kaya siguro ipinangalan niya sa Stallion ang shampoo product ng kumpanya niya. This is his first venture in the market and we just wanted to support him in any way we can.” May kung ano na naman itong nakitang interesanteng bagay. This time, ang poster ng product na nakadikit sa estante ng Stallion shampoo. Narinig pa niya itong tumawa.

“We look like idiots here.”

Nakitingin na rin si Jhunnica. True enough, naroon sa poster ang larawan ng mga member ng club at mukhang nag-uunahan sa paghabol sa babaeng modelo ng shampoo.

“Ang ganda ng asawa ni Jubei, ano?” sambit niya. “Bagay na bagay sa kanya `yong role.”

“Maganda rin naman ang buhok mo.” Hinaplos pa nito ang buhok niya. “Kung hindi pumayag si Temarrie, baka ikaw na ang kinuha ni Neiji.”

“Iyan ba ang sinabi ni Neiji o press release mo lang iyan?”

“Pareho.” He pulled her close to him and kissed her head.

“Hoy, ang galing mo rin, ano? Nakahalik ka na agad.”

“Do you like American dollars?” he joked with a fluent American accent. She just could not help but smile. Tinapik nito ang dibdib. “Ah, you smiled! Hallelujah! Akala ko hindi na kita makikita pang ngumiti uli.”

“Ang korni mo kasi. Bumebenta talaga sa akin ang mga korning tao.”

“Sige nga, puwede na rin iyan sa akin. Just as long as I can see you smile. Ayaw mo talaga ng American dollars?”

“Tigilan mo nga ako.”

“Ahm, excuse me lang po.” Dalawang teenager ang nalingunan nila. Parehong nakatutok lang kay Eneru ang nagniningning na mga mata. “Kayo po `yong nasa commercial ng Stallion Shampoo, `di po ba?”

“Ha? Mukha na ba akong babae ngayon?” balik-tanong ni Eneru.

“Ay, hindi po. Ang ibig po naming sabihin, eh, `yong isa do’n sa mga guys na kasama n’ong girl.”

“Ah. Well, medyo.”

Impit na napatili ang dalawang teenager, saka hinawakan ang poster na tinitingnan lang nila kanina. Itinuro ng mga ito si Eneru sa poster.

“Hindi ba’t kayo ito, Sir?”

“Sir, mas guwapo pala kayo sa personal! Lagi naming inaabangan ang commercial ng Stallion sa

tv

kasi crush na crush namin kayo!”

“Talaga?” Napakamot na lang sa ulo si Eneru at napatingin sa kanya. “Salamat.”

Napataas lang ang mga kilay ni Jhunnica. Ang lalaking ito, na walang ginawa kundi ang ipagmalaki ang sarili sa harap niya, nahihiya ngayon sa harap ng mga totoong humahanga rito? Weird but charming at the same time. At ang munting kaguluhang iyon ay nakatawag pa ng atensyon ng ibang namimili rin doon. Ilang sandali pa, halos dumugin na si Eneru ng mga babaeng lahat ay gustong makapagpakuha ng larawan dito o kaya naman ay makahalik. Iiwan na sana niya ang binata para ipagpatuloy ang paggo-grocery nang bigla na lang siya nitong hilahin at akbayan.

“Pasensiya na,” paumanhin ni Eneru. “Pero mamimili pa kasi kami ng misis ko ng mga supply para sa bahay namin. Sige, salamat sa inyo. Please keep supporting Stallion Shampooo.”

“Para ka palang spokesperson ng Stallion,” tukso ni Jhunnica pag-alis nila sa grupo ng mga babae. “Ano’ng feeling ng sikat?”

“Okay lang. Ano pa ang kulang sa mga pinamili mo?”

A guy who doesn’t like the limelight. Nice.

“KUMAIN na muna tayo, Jhun.”

“Hindi ako nagugutom. Ikaw na lang. Kailangan kong makabalik na agad sa Tagaytay habang maaga para iwas traffic.”

“I have a car. At kung traffic naman ang inaalala mo, I could call for my chopper to pick us up here.”

“Pick us up here?” Iminuwestra ni Jhunnica ang kabuuan ng mataong lugar na iyon sa Maynila. “Okay ka lang?”

“Do you want to try?”

“Hindi na.” Alam niyang walang sinasantong hamon ang mga miyembro ng Stallion Riding Club. “Kumain ka na lang. Hindi talaga ako nagugutom.”

“Kung gano’n, samahan mo na lang akong kumain. Hindi ako natutunawan kapag wala akong kasamang kumain.”

“Ano iyan? Bagong pauso mo na naman?”

Ngisi lang ang isinagot ng binata, saka siya inalalayan patungo sa kabilang kalsada kung saan naroon ang hilera ng fast-food chains. Ito na rin ang may dala ng dalawang plastic bags ng pinamili niya. Tinatangga

p din nito ang lahat ng mga panlalait, pang-iinsulto at pang-aasar niya. Idagdag pa ang harap-harapan niyang pagtanggi sa panliligaw nito ilang araw na ang nakakalipas.

Hanga na talaga siya sa tapang at lakas ng loob ni Eneru dahil nagagawa pa rin siya nitong pakisamahan na tila ba walang ano mang nangyaring tensyon sa pagitan nila.

“Bakit dito ka pa sa Maynila naggo-grocery?” tanong nito habang nilalantakan ang mga in-order na pagkain. “May mga grocery stores naman sa Tagaytay.”

“Sabi ko nga, passport ang inasikaso ko rito at hindi paggo-grocery.” Kumuha na rin si Jhunnica ng isang piraso ng french fries. “Nag-grocery na lang ako ngayon para hindi na ako bumaba pa sa isa sa mga grocery store pag-uwi ko.”

“Ah.”

“Ikaw, nandito ka lang ba sa Maynila para sundan ako?”

“Oo.”

“Wala ka talagang balak na tantanan ako, ano?”

“Depende.”

“Depende saan?”

“Kung may asawa ka na. Siyempre titigilan na kita.”

“Paano kung may boyfriend na ako?”

“Wala akong pakialam sa magiging boyfriend mo. Nauna ako sa kanyang manligaw kaya hindi niya ako mapipigilan na patuloy kang ligawan. Ipa-salvage ko pa siya.” Napasinghap si Jhunnica. “Joke lang.”

“Puro ka kalokohan. Kaya walang sumeseryoso sa iyo, eh.”

“Ikaw lang ang hindi sumeseryoso sa akin. Ewan ko ba naman kung ano’ng problema mo. Compatible naman tayo.” Itinuro ni Eneru ang shampoo sa grocery bag. “Tulad niyang shampoo at buhok mo.”

“Ang korni talaga, grabe!” Napailing na lang siya.

“Kung korni, bakit ka nakangiti?”

“Hindi ako nakangiti.”

“Okay.”

Iyan pa ang isang katangian ni Eneru na natuklasan niya. Kapag galit siya at naiinis na sa itinatakbo ng usapan nila, basta na lang itong susuko at hahayaan siyang maglitanya hanggang sa magsawa siya. Naalala rin niya nang hawiin nito ang sala-salabit niyang buhok noong bagong gising siya, ‘just to see her face.’ Sa kaibuturan ng kanyang puso, pinahahalagahan niya ang mumunting gestures nitong iyon sa kanya.

“Hanggang kailan ka manliligaw, Eneru?”

Tiningnan siya nito. “Are you trying to stop me again, Jhunnica?”

No. Ayoko lang dumating ang araw na kapag nakuha mo na ang gusto mo out of this crazy courtship, kung kailan mahal na mahal na kita, saka mo ako iiwan.

“Huwag mo na akong pigilan sa gusto kong gawin, Jhun. Mag-aaksaya ka lang ng oras.”

“Nag-aaksaya ka rin naman ng oras sa ginagawa mo.”

“Hindi pag-aaksaya ng oras iyon. Gusto ko ang ginagawa ko. Enjoy ako rito. Ngayon na lang uli ako nag-enjoy nang ganito sa buhay ko kaya hindi mo ako mapipigilan kahit ano’ng gawin mo.”

“Kung gano’n, inaamin mo nang past time mo lang ang panliligaw mo?” Sinasabi na nga ba. At ngayon pa lang, nararamdaman na niya ang kakaibang kirot sa kanyang puso. Umpisa pa lang ito, paano pa kung tumagal? Ano na ang mangyayari sa kanya kapag hinayaan niya nang husto ang sariling mahalin nang todo si Eneru?

“Hindi ka isang past time lang sa akin, Jhunnica.”

“Ano ako kung gano’n? Isang laro? Kapag kailangan mo ng adrenalin rush, susugod ka sa akin para ma-satisfy ang cravings mong iyon?”

“You make it sound like we’re having a secret affair.” Binitiwan na ni Eneru ang hawak na hamburger. Sa itsura nito, nawalan na ito ng gana. “Bakit ba kailangang hanapan mo ng butas ang lahat ng ginagawa ko? Hindi ba puwedeng mag-enjoy ka na lang din sa lahat ng ito?”

Walang panunumbat sa boses ng binata. Liban sa isang simpleng pagtatanong. Pagtatanong na tumatagos sa kanyang puso. Bakit nga ba hindi niya magawang mag-enjoy na lang sa atensyong ibinibigay ni Eneru sa kanya? Hmmm, maybe because… she did not want it to end. Kaya lang sa ipinapakita at sinasabi nito, it could end anytime he wanted it to.

Tumawag ito ng crew at ipinabalot ang mga pagkain. Pasalubong daw niya sa kanyang kapatid at nanay. Dinagdagan pa iyon ni Eneru nang magtungo ito sa counter.

I don’t want it to end, Eneru. Kaya lang, ano ba ang mapanghahawakan ko na hindi ako masasaktan nang husto kapag natapos ka na sa pakikibaka mo na makuha ang ‘oo’ ko?