noveltoon logo noveltoon
Eneru Villasis (Stallion Series 2)

Chapter 5

Ch. 5 / 10 Nov 28, 2025

Chapter 5

5

N

aiwan na naman si Jhunnica ng coaster service nila. Pero kung noong una ay may libre pa siyang oras para makarating nang hindi nale-late sa trabaho kahit maglakad pa siya, ngayon ay wala na. Siguradong mapupulaan na siya ng maldita nilang supervisor.

“Sumabay ka na sa akin, Jhun,” offer ni Eneru sakay ng kotse nito. “Tutal, papunta na rin naman ako sa Stallion para makapagpalit ng damit. Idadaan na lang kita sa Rider’s Veranda.”

Hindi niya ito pinansin at hinintay na lang ang pagdating ng tricycle na makokontrata niya patungong club.

“Jhunnica,” muli nitong tawag. “Look, alam kong nabigla ka sa mga sinabi ko kanina. Pero wala ka nang magagawa. Talagang balak kong ligawan ka uli kahit ayaw mo. And this time, I won’t take no for an answer. Pero saka ko na lang iyon gagawin, kapag nakaligo na ako at guwapo na uli ako sa paningin mo. Sa ngayon, kailangan mong makarating agad sa trabaho mo. Take my offer, Jhun.”

Nasa harap na niya ngayon ang lalaki, still as handsome as ever. How dare he! “Huwag mo akong istorbohin, Eneru.”

Sumilay ang isang makalaglag-panty na ngiti sa mga labi nito. “Ah, at last, I heard you call me by my first name. Napakasarap pakinggan.”

“Sir Eneru—”

“Come on, Jhun. Hindi ba puwedeng pagbigyan mo ako? I want to hear you call my name.”

Anak ka ng tatay mo! Huwag mo akong akitin nang ganyan!

Dahil ang traydor niyang puso, willing na willing magpaakit.

“Plus,” dugtong ni Eneru. “Ayoko rin namang mapagalitan ka na naman sa trabaho mo nang dahil sa akin. Let’s skip my plans to court you this morning. Shall we? Alam ko naman na ayaw mo ring ma-late kaya hayaan mo na akong ihatid ka, Jhun.”

Tumunog na ang alarm sa relo ni Jhunnica. Advanced iyon nang thirty minutes sa oras nila sa Rider’s Veranda. Kung tatanggapin niya ang offer, siguradong makakarating siya roon sa oras. Kaya lang, paano naman ang puso niya?

Ah, saka na iyon.

t

utal, nangako naman si Eneru na hindi siya guguluhin nang umagang iyon. Kaya sumakay na rin siya sa kotse. Habang nasa biyahe ay wala silang imikan. Napatingala pa siya nang sumara ang hood ng kotse.

“Para hindi ka masyadong lamigin,” anito.

Oh, God. Ano na ba talaga ang gagawin niya sa isang ito? He was slowly getting to her heart, if he had not gotten there already.

“Ano ba talaga ang plano mo, Eneru?” tanong ni Jhunnica. “Noong una tayong magkita sa club, nahalata ko ang galit sa iyo. Tapos ngayon, nagpaalam ka pa sa pamilya ko na liligawan ako. Ano `to, joke? Kung gano’n, ayokong makipaglaro sa iyo.”

“Who says I’m joking? At noong una tayong magkita, nagalit lang ako do’n dahil masyado kang naging pabaya. I could have hurt you, kung hindi lang ako naging mabilis sa pagkabig ng manibela ng sasakyan ko. And just so you know, wala rin akong balak makipaglaro sa iyo. Seryoso ako. Gusto kitang ligawan.”

“Bakit?”

“Hindi pa ba obvious ang dahilan ko? Because I like you.”

Steady na ang malakas na tibok ng puso ni Jhunnica. Habang tumatagal ay tila nasasanay na iyon sa kakaibang tu

wa at kaba na hatid ng lalaking ito sa kanya. And she had to admit, she was starting to like that certain feeling. Ang problema lang, hindi rin maalis sa kanya ang pagdudahan ang tunay nitong rason sa panliligaw sa kanya. Lalo na at may nakaraan silang hindi gaanong maganda. At iyon ang gusto niyang

malaman.

“Hindi ka pa ba nagsasawa sa naranasan mo noon sa mga kamay ko, Eneru? Paano kung tanggihan na naman kita?”

Ngumiti lang ito. “I don’t care as long as I can hear you say my name. And anyway, sabi ko naman sa iyo na hindi ako tatanggap ng `no’ sa iyo. Hindi na ako ang dating insecure na teenager, Jhunnica. Alam ko na ang gusto ko ngayon at gagawin ko ang lahat para makuha iyon.”

“So, iyan lang pala ang dahilan mo. Ang maibangon ang naapakan kong pride mo noon.”

“Yes and no.”

Kalmutin kaya niya ito?

Huwag. Sayang ang face.

“Ngayong malinaw na sa akin ang lahat, pasensiya ka na, Eneru. Pero wala kang makukuhang magandang sagot mula sa akin.”

“Basted na ako, gano’n ba?”

“Oo.”

“Don’t you think it’s too early for you to decide about that? Ni hindi pa nga ako nag-uumpisa sa panliligaw sa iyo.”

“Huwag ka nang mag-aksaya ng panahon.” Nakakaasar talaga ang isang ito. To think na minsang

pumasok sa isip niya na gusto rin niya ito. “Basted ka na.”

“This is a free country, Jhun. Walang makakapigil sa akin na paulit-ulit kang ligawan hanggang sa mapasagot kita.”

“Hindi kita type.”

“Ow? Pero bakit hindi iyan ang nakikita ko sa mga mata mo sa tuwing titingnan mo ako?”

Napabaling si Jhunnica kay Eneru. “Tingnan mo ako ngayon.”

“Hindi puwede. Nagmamaneho ako. Baka mabangga tayo. Ayokong mamatay nang hindi ka napapasagot.” Saglit siya nitong sinulyapan bago muling ibinaling sa liko-likong kalsada ang mga mata. “Isa pa, ayokong masaktan ka dahil sa kapabayaan ko.”

Damn him for trying to get her heart for the wrong reasons. Dahil talagang gusto lang nitong maibangon ang pride nito.

Peste! Nasira na ang ilusyon ko para sa ating dalawa!

“Bawal manligaw ang mga member ng club sa mga empleyado roon,” aniya.

“Says who?”

“Utos iyon ng management.”

“Reid never set such rules. Kung meron mang batas na ipinaiiral ang presidente ng club namin, iyon ay ang hayaan kaming gawin ang kahit na anong gusto namin doon. Basta naaayon lang sa batas ang lahat. Sa tingin ko naman, walang masama sa gagawin kong panliligaw sa iyo.”

So there, lantaran nang idineklara ni Eneru ang intensyon sa kanya. Kung sana ay totoo lang ang lahat ng iyon.

“SAAN tayo pupunta?” tanong ni Jhunnica kay Eneru. “Hindi ito ang papuntang Rider’s Veranda.”

“Hindi nga. Sa bahay ko sa lakeside ang punta natin. O, huwag ka munang mag-panic diyan. Hindi naman tayo magtatagal doon. Gusto ko lang magpalit ng damit. Nangangati na kasi ako sa suot ko.”

“Sabi mo ihahatid mo ako sa trabaho ko, ah. Bakit nag-segue pa tayo rito? Male-late na ako nito nang tuluyan.”

“I’m making sure you won’t be. Sandali lang tayo rito, promise.”

“Puro ka promise. Mabuti sana kung ikaw ang mapapagalitan ng supervisor ko.”

“Trust me. You won’t.”

Hindi na nakaimik pa si Jhunnica nang tumambad sa kanya ang magandang tanawin ng Taal Lake. Lalo na nang pumasok ang sasakyan nila sa isa sa mga pinakamagandang bahay sa buong Stallion Riding Club. American-inspired ang style ng bahay, complete with a luxurious garden and a magnificent view.

“Welcome to my humble abode,” wika ni Eneru nang pagbuksan siya ng pinto. “Puwede kang pumasok sa loob ng bahay ko kung gusto mo habang nagbibihis ako. Pero kung ako ang tatanungin, mas maganda ang view dito sa labas.”

“Oo nga.” Lumabas siya ng kotse at pinagmasdan ang paligid. “Hindi ko alam na may ganitong parte ang club. Ang alam ko lang kasi ay `yong property doon sa higher part ng lugar.”

“Nahahati sa dalawang parte ang Stallion Riding Club. `Yong isa ay nandoon sa club proper na unang makikita ng mga nagpupunta dito. This part, though, medyo tago dahil mas malapit ito sa lakeside. Dito ako bumili ng property kay Reid dahil gusto ko ng view dito.”

“Maganda ang taste mo.”

“Hmm, talaga?”

“Ano na naman iyang iniisip mo? May pagkamanyakis ka rin, ano?”

“Bakit, ano ba sa tingin mo ang iniisip ko?” Nanunukso na naman ang mga mata ni Eneru. Mabuti na lang at hindi na ito nagpilit pang kulitin siya, dahil kung nagkataon, baka nahalata na nito na naiilang na talaga siya. Paano ba naman, ang alaala ng halik nila kagabi ang naglalaro sa kanyang isipan.

Shucks! Nakakahiya iyon kapag nalaman niya!

Nagpaalan na si Eneru magpapalit ng damit. Si Jhunnica naman ay na-curious sa loob ng bahay. He had a great house. Parang ang sarap manatili roon kung gusto mo lang magpahinga buong araw. Pumasok siya sa loob at napansing tama ang kanyang hinala. Maayos at lalaking-lalaki ang dating ng lahat ng bagay roon. So much like the owner itself.

Mga naka-frame na larawan ni Eneru na naka-display ang napagdiskitahan niya. Dalawang childhood picture ang nakita niya roon. Napangiti siya. Cute nga talaga ito noong bata pa. Isang larawan naman nito noong teenager ang tinitigan niya.

“My! You’re cute!” Halatang doon pa lang sa paglaki ni Eneru ay marami itong pusong paluluhain. Ngayong nakita na niya ang itsura nito, nagkaroon na rin ng mukha sa kanyang isip ang nagmamay-ari ng kakaibang bango na lagi niyang naaamoy kapag nasa tabi lang niya ang binatilyo. Ang larawan nitong tila kamakailan lang kinuhaan ang siya namang dinampot niya.

“Ah, look at you, you sexy thing!” wika niya sa larawan. “Hahayaan na sana kitang manligaw kung hindi mo na lang idinetalye ang dahilan panliligaw mo. Hindi ka na lang sana nagpaalam sa akin.”

“Ano ang magiging pagkakaiba kung sakaling hindi ko ipinaalam sa iyo ang plano ko?”

Muntik nang mabitiwan ni Jhunnica ang picture frame nang marinig ang boses ni Eneru na napakalapit lang sa kanyang mga tenga. Naramdaman na nga niya ang init ng hininga nito sa kanyang balikat na talaga nga namang nakapagpagulo sa kanyang sistema kaya mabilis din siyang lumayo.

“Ano ka ba? Sinabi ko na sa iyong huwag mo akong gugulatin nang ganyan.” Hinawakan niya ang kanyang leeg kung saan dumampi ang mainit nitong hininga. “At huwag mo akong basta na lang lalapitan.”

“I like being close to you.” Naglakad ito palapit sa kanya. His sexy eyes were shining in amusement as his even sexier lips curved into a mouth-watering smile. “Especially this close.”

“Hoy, Eneru!” Dumagundong na ang tibok ng puso ni Jhunnica. Mauubusan na yata siya ng hininga. “Napagkasunduan natin kanina na hindi ka muna manliligaw ngayon—”

“Oo nga. Pero hindi naman ako nanliligaw ngayon.” He stood right in front of her. “Nang-aakit lang.

n

atuklasan ko kasing hindi lang panliligaw sa iyo ang nagugustuhan ko. Gusto ko rin ang reaksyon mo sa tuwing lumalapit ako sa iyo nang ganito.”

“Babasagin ko sa mukha mo itong picture frame kapag hindi ka pa lumayo.” She tried to sidestep him. Wala na kasi siyang uurungan dahil pader na ang nasa likuran niya.

Ngunit itinukod ni Eneru ang isang braso sa pader upang pigilan siyang makaalis. “Last night, I had a vague but a very interesting dream. Hinalikan mo raw ako.”

“Hoy, excuse me! Ikaw ang humalik sa akin, `no!” Huli na para maisip niya ang kanyang sinabi. She just confirmed a dream that was just supposed to stay a dream. “S-sa panaginip ko. Sa panaginip ko, i-ikaw ang… ang humalik sa akin—

p

uwede bang huwag mo akong tingnan nang ganyan? At lumayo ka na sa akin dahil naduduling na ako sa iyo.”

Lalo lang naghuramentado ang puso ni Jhunnica nang tumawa si Eneru. It was the most beautiful laugh she had ever heard.

Ano ba iyan? Lahat na lang sa lalaking ito the best. Nagiging bias na yata siya.

Pero talagang nagandahan siya sa tawa nito. Kaya siguro hindi niya magawang magalit at maasar nang tuluyan sa kabila ng paglabag nito sa nauna na nilang kasunduan nang umagang iyon.

n

a hindi siya nito liligawan ngayong araw. O umaga? Ewan, nakalimutan na niya.

He touched the tip of her nose. “Halika na nga. Ihahatid na kita sa trabaho mo.”

Hinawakan na siya ni Eneru sa kamay at hinila palabas ng bahay. Tuluyan na siyang nawalan ng imik. Because holding his hand that way made her feel so good about life. Kaya lang, hindi nagtuloy-tuloy ang magandang pakiramdam na iyon nang imbes na sa kotse sila sumakay ay isang kulay-kapeng kabayo ang naghihintay sa kanilang paglabas.

“Good morning, Sir Eneru,” bati ng isang lalaki na nakasakay sa isa pang kabayo. “Na-miss n’yo yata agad si Mirage.”

“Medyo nga.” Nilapitan at hinagod ni Eneru ang malaking hayop. “Siyanga pala, Jhun. Ito si Erning, ang nag-aalaga kay Mirage kapag wala ako rito sa club. And this pretty baby is my prized Arabian stallion, Mirage.”

“Ah. Maganda siya.” Mukhang champion horse ang hayop sa tindig at tikas. “Pero, Eneru, kailangan ko nang makapunta sa Rider’s Veranda. Kung hindi mo ako maihahatid, tatawag na lang—”

“Ihahatid kita.” Iyon lang at walang kahirap-hirap nang sumampa si Eneru sa likod ng kabayo. Pagkatapos ay inilahad ang isang kamay sa kanya. “Come on.”

“Hindi ako sasakay diyan!”

“Gusto mong makarating agad sa Veranda, hindi ba? Kung kotse ang gagamitin natin, marami pa tayong iikutan. Malayo. Samantalang kung itong si Mirage ang sasakyan natin, in five minutes, naroon ka na.”

“Oo nga, Ma’am. Mabilis iyang si Mirage. Lagi ngang panalo iyan sa mga laban ng karera ni Sir Eneru.”

Ma’am? Tinawag siyang Ma’am ng kapwa niya empleyado? Kunsabagay, ilang buwan pa nga lang naman siyang nagtatrabaho roon kaya siguro hindi pa siya nito kilala.

“Come on, Jhun,” yaya uli ng binata. “Safe ka rito. Lalo na at ako ang kasama mo. I told you before, I won’t let you get hurt.”

“Talaga? Mamatay ka man?”

Tumawa lang si Eneru. And somehow, his laughter helped ease her fear. “Oo, Jhun. Mamatay man ako.”

Sa muling paglahad ni Eneru ng kamay, at sa paraan ng pagmamasid nito sa kanya na para bang siya na ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa, nagawa niyang kumapit dito. Pagtapak niya sa stirrup na nakakabit sa kabayo, walang kahirap-hirap siyang hinila ng binata. Sa likuran siya nito pumuwesto at mabilis na kumapit nang mahigpit sa katawan nito.

Ah, that’s better.

“Huwag mo ako masyadong panggigilan, Jhun. Baka tuluyan akong matukso.” Nang tangkaing bumitaw ni Jhunnica ay hinawakan ni Eneru ang mga kamay niya. “I was just kidding. Kumapit ka lang nang maigi riyan.”

“Huwag mo nga akong mabiro-biro kapag ganitong kinakabahan ako. Kung hindi lang ako nagmamadaling makarating sa trabaho ko—”

“Oo, salamat at nagmamadali ka.” Binuntutan pa nito iyon ng tawa. “Just hold on tight, Jhunnica.”

“Sir, congrats,” sigaw ni Erning.

“Salamat.” At kasabay ng matuling pagtakbo ng kabayo ay ang malakas niyang hiyaw sa sobrang takot.

Napapikit na lang siya nang mariin. “Ayoko pang mamatay! Ayoko pang mamatay! Eneru, mapapatay kita!”

“Relax, Jhun. Why don’t you just enjoy the view?”

“What view? Ni hindi ko magawang dumilat, `no?” Lalo pang humigpit ang pagkakakapit niya sa binata dahil naramdaman niyang matataas na ang ginagawang pagtalon ng kabayo kasabay ng mabilis na pagtakbo. “Ibaba mo na ako! Ayoko na! Kung bakit ba naisipan ko pang pumayag na sumakay dito!”

“Walang ano mang mangyayari sa iyo, ilang beses ko bang sasabihin iyan?” Napansin niya ang pagiging steady na ng takbo ng kabayo. Pero hindi pa rin niya magawang magmulat ng mga mata. “Open your eyes, pretty lady.”

“Manigas ka!”

“Mami-miss mo ang pinakamagandang bahagi ng pagiging isang rider, Jhun. Isa pa, gusto ko ring makita mo ito.”

Smooth talker talaga ang mokong. Dahil kayang-kaya nitong kalmahin ang nagwawala niyang emosyon. “Ano ba iyan?”

“Why don’t you look for yourself?”

“Kapag hindi iyan worth ng pagdilat ko, ihuhulog talaga kita.”

“Do as you please.”

Nilabanan ni Jhunnica ang sobrang takot na nararamdaman at unti-unting iminulat ang mga mata. Mabilis pa rin ang takbo ng kabayo ngunit ang nakapagpamulat sa kanya nang husto ay ang view ng dinadaanan nila nang mga sandaling iyon. And what a sight it was. The sun was rising from the east and the first rays were reflected on the smooth and serene water of the volcanic lake. Parang mga nagkikislapang kristal ang tubig.

“Beautiful, isn’t it?” wika ni Eneru. “Ang mga ganitong view ang kahit kailan ay hindi ko pagsasawaang panoorin.”

“Oo nga.”

“Do you like it?”

Tumango lang siya. “Ang ganda.”

“Marami pang magagandang view dito sa Stallion. Ipapasyal kita minsan.”

“Bawal iyon sa aming mga empleyado.”

“Jhunnica, nagpapauso ka na naman ng batas.”

“Sa hindi naman talaga puwede.”

“Okay, sige. Tanungin natin si Reid tungkol diyan.”

Hindi na umimik si Jhunnica at pinagmasdan na lang ang magandang kapaligiran habang mahigpit pa rin siyang nakayakap kay Eneru. Wala na ang takot sa kanyang dibdib. Tama ang binata. Wala siyang dapat na ipag-alala dahil hindi nito hahayaang masaktan siya.

Well, isn’t that nice?

Inilapat niya ang pisngi sa likod nito.

Maybe she could get used to having him mess up her life. After all, she like her messed-up life.

“We’re here.”

“Agad?” Bitin pa siya sa pagsasama nilang iyon. Pero narinig na niya ang palakpakan at pagsipol ng kung sino kaya naman umayos na siya ng upo.

When she looked up, nasa labas na sila ng Rider’s Veranda. At mula sa pinaka-veranda ng restaurant ay nakita niyang natunghay sa kanila ang mga kaibigan ni Eneru. Ang mga ito ang nagpapalakpakan at nagsisipulan.

“Alright, man!”

“Inuman uli tayo, Eneru!”

“So, you’ve finally chosen the woman who would ride with you.”

Naunang bumaba ng kabayo si Eneru bago inalalayan si Jhunnica na makabababa rin. Sa magkabilang baywang siya hinawakan ng binata kaya nang ibaba siya ay halos magdikit na ang kanilang mga mukha. And he took that opportunity to kiss the tip of her nose. Sa gulat ay napalo niya ito sa balikat. At kasabay ng pag-iinit ng kanyang mga pisngi ay ang paglala pa ng kalagayan ng mga audience nila.

“Nakakainggit ka, `tol!”

“Hanep! Pa-kiss-kiss ka na lang ngayon, ha?”

“Yes,” nagmamalaking wika ni Eneru nang tingalain ang mga kaibigan. “Because it’s good for me po. This is Jhunnica Serrano. I’m going to court her, so Trigger, back off, buddy.”

“I’ll tell Trigger that,” the man who was obviously Jigger replied.