noveltoon logo noveltoon
Eneru Villasis (Stallion Series 2)

Chapter 10

Ch. 10 / 10 Nov 28, 2025
Prev Next

Chapter 10

10

H

a?”

“Huwag ka ngang tumanga nang ganyan, Eneru. Nagmumukha kang abnoy.” She put her finger to his chin for him to close his mouth. “Nagulat ka ba?”

“Well… y-yeah… Jhun—”

“Teka, ako na muna ang magsasalita. Baka atakihin na naman ako ng hiya, hindi na naman ako makapagsalita. At naiinis na akong laging sarili ko na lang ang kausap ko.” Kinuha ni Jhunnica ang plato sa kamay ni Eneru at inilapag sa mesa. Hinarap na niya ito. “Okay, saan ba ako mag-uumpisa…? Ahm… shit! Wala akong maalala.”

“Maybe you should start with why you told me you wanted to start courting me.”

“Ah, okay. Sige. Makinig ka, ha?” Tumango ang binata. “Huwag kang tatawa.”

Itinaas nito ang isang kamay. “I shall resist.”

“Okay.” Malakas na tumikhim si Jhunnica. “

b

y the way, I just love your scent.”

“Thank you.”

“And I also like the way you always make me feel so pretty.”

“You’re welcome.”

“And the way you make me feel so special.”

“You’re welcome again.”

“At niloloko mo na ako.”

“Kailan?”

“Ngayon.”

“Sinasagot lang naman kita.”

“Inaasar mo ako, eh. Huwag ka ngang magulo. Hindi na nga ako makapag-concentrate sa mga sasabihin ko.”

“Okay.”

She closed her eyes and took a deep breath. She wanted do this right. Ito na lang ang pagkakataon niya para maayos ang lahat ng gulong ito na mukhang siya ang lang ang nagpagulo. Nang magmulat siya ng mga mata, nakangiting mukha na ni Eneru ang sumalubong sa kanya. Pakiramdam niya ay binuhusan siya ng sangkaterbang pag-asa at tapang. Nakikita kasi niya sa mga mata nito na siya na lang ang nag-iisang babae sa buhay nito. noon at hanggang ngayon.

Naks! Parang kanta iyon ah.

Eh! Walang pakialamanan!

“I always love your scent. Because it always remind me of the time when I still had your attention. Hanggang ngayon, mula nang muli tayong magkita, lagi k

ong iniisip kung paano kong pinalagpas ang pagkakataon na hindi ka man lang naging bahagi ng buhay ko.”

“Naging bahagi ako ng buhay mo, Jhun. Medyo hindi nga lang gano’n ka-significant.”

“Oo, alam ko iyan. Pero ako muna ang magsasalita, puwede?”

“Puwede,” natatawang sagot ni Eneru, parang excited na hindi maintindihan. “Puwede.”

“Lagi kong sinasabi sa sarili ko na ayoko nang magpaligaw sa iyo dahil ang alam ko, gusto mo lang bawiin ang mga panahon na binalewala kita.” Napakunot ang noo ni Jhunnica nang mapansin ang pagngisi ni Eneru. Agad naman itong umayos. Pero mahahalata pa rin ang pagpipigil nitong matawa. Nagpatuloy na lang siya. She wanted to get this over and done with.

“Noong una, akala ko pinagbibigyan lang kita sa kapritso mo. Kasi naman, may kasalanan din ako sa iyong dapat ko nang pagbayaran. Hindi ko alam na sa ginawa kong pagpayag na papasukin ka sa buhay ko, hinayaan na rin pala kitang magkaroon ng malaking puwang sa puso ko. Hanggang sa solohin mo na iyon. I fell in love with you, Eneru. I fall in love with you every time you would hold my hand. I fall in love with you every time you take me in your arms. I fall in love with you every time you look at me and smile.” Napabuntunghininga siya. “I fell in love with you the first time you stood in front of me, declaring that I was going to be a part of your life forever.”

“Wala yata akong naalalang sinabi ko iyan.”

“Wala ba…?” Then he burst into laughter. She was confessing her love to him and he just laughed at her face. Hinampas niya ito sa dibdib.

Napasinghap si Eneru at napadukwang, hawak ang nasaktang dibdib. Naalarma naman si Jhunnica.

“E-Eneru, okay ka lang? Naku…” Napatukod ang kamay ng binata sa mesa. Tatakbo na sana siya para humingi ng tulong nang hawakan siya nito sa braso. “Eneru! Ayos ka lang ba? Ikaw naman kasi, pinagtatawanan mo ako. Ang hirap-hirap magtapat, `no? Tapos tatawa ka lang diyan. Ano, okay ka lang? Dadalhin na ba kita sa orthopedic?”

“Mamaya na.” Ilang beses din itong nagpakawala ng malalim na hininga bago nakapagsalita nang maayos.

“Ang bigat pala ng kamay mo. Bumigay yata ang baga ko.”

Hinilot niya ang dibdib ng binata. And the moment she touched his broad chest, gaya ng ginawa ni Eneru noong pitsarahan niya ito, hinawakan na rin nito ang mga kamay niya at hindi na pinakawalan pa.

n

akatutop lang iyon sa tapat ng puso nito kaya damang-dama niya malakas na tibok niyon.

“May gusto lang akong malaman bago mo ako isugod sa ospital, Jhunnica.”

Lalo siyang nataranta. “Eneru, huwag ka ngang magbiro nang ganyan! Ano ba, magsalita ka nga nang maayos! May masakit ba sa iyo—”

“Sabihin mo sa akin ang totoo. That night when I slept in your house, did you or did you not kiss me?”

“Ang kulit mo rin, ano? Sinabi nang ikaw ang nanghalik at hindi ako.”

Halos manlambot na ang mga tuhod niya nang sumilay ang ngiting iyon sa mga labi ni Eneru. And she had never seen such eyes, lips and smile so damn sexy as his!

“Sabi na nga ba,” malumanay nitong wika. “Hindi ako nananaginip nang mangyari ang halik na iyon. I did kiss you that night.”

Grabe, napaamin siya nito ng gano’n-gano’n na lang? “O, eh, ano ngayon? Halik lang iyon.

t

here’s nothing behind it.

a

t lasing ka no’n—”

“Oo nga. Pero tandang-tanda ko pa rin iyon. And mind you, hindi ako lasing ngayon.”

And then he gathered her in his arms and kissed her the way he had kissed her at their house that night. Pero hindi gaya ng gabing iyon, aware na ngayon si Jhunnica kung ano ang nangyayari sa kanila. Isa pa, nagawa na rin niyang tugunin ang mga halik ni Eneru. And with every sweet kiss they shared, a part of her was shed piece by piece, revealing her true feelings towards him she could not fully express. At mukhang ganoon din ang nangyayari kay Eneru.

He was sharing his feelings for her. And she was loving every minute of it.

t

hey kissed each other deeper and more passionately. She wrapped her arms around his neck and returned his kisses ardently. Wala na siyang pakialam kung ano man ang mangyari sa mundo nang mga sandaling iyon. Bahala nang magunaw ang daigdig o umulan ng meteor, basta nasa mga bisig lang siya ni Eneru, okay na siya. Masaya siyang mamamatay, kung sakali.

Pero kung maaari sana, huwag na muna. Gusto pa niyang mas maramdaman ang pagmamahal ng lalaking kanyang minahal.

“I love you, Jhunnica,” he whispered as he rained tiny kisses on her face before focusing on her lips again. “Now it’s my turn to confess, huh?”

“Puwede ring hindi na kung ayaw mo. Basta halikan mo lang uli ako.” He did. “Alam mo bang ikaw ang kauna-unahang lalaki na nakahalik sa akin nang todo?”

Inilayo ni Eneru ang mukha sa kanya pero nanatilin

g nakapulupot ang mga braso nito sa katawan niya. “Ang ibig mong sabihin, may iba pang nakahalik sa iyo?”

“Puwede bang huwag na nating pag-usapan iyan? Kasi wala akong maikukuwento.”

“Dahil ang totoo, wala pa talagang nakakahalik sa iyo kundi ako lang.”

“Oo na, huwag mo nang ipagduldulan.”

Tumawa lang ang binata at hinalikan naman siya sa leeg. “Alam mo bang hindi totoong naligaw ako sa lugar ninyo nang bumiyahe ako nang nakainom?”

“Ano’ng ginagawa mo roon?”

“Sinusundan ka.”

“Bakit?”

“It’s just that I’ve missed you so much. Nang araw na iyon nang muli tayong magkita, hindi mo lang alam kung gaano akong naging kasaya. Sinabi ko sa sarili ko noon na gaganti ako sa iyo dahil sa ginawa mong pamababalewala sa akin noong high school tayo. Pero sa tuwing titingnan kita, nagbabago ang isip ko. I want to court you again, for real. To have you, your heart and your love for good. Isa pa, ayokong saktan ka. Kaya imbes na gantihan kita, mas pinili kong ligawan ka na lang uli.”

“Kung gano’n, totoong nililigawan mo nga ako no’n?”

“Oo. Bakit, ano ba ang naging tingin mo do’n?”

“Na gumaganti ka nga lang.”

“Hmmm.” Niyakap siya ni

Eneru

nang mahigpit at ipinatong sa ulo niya ang baba nito. “It does seem like it, huh? Pero wala naman akong sinabi na gano’n, hindi ba?”

“Hindi ko maiwasang mag-isip ng gano’n dahil hindi ka naman nagsasalita. Sa tuwing sinasabi ko na gusto mo lang ibangon ang pride mo, tahimik ka lang.”

“Ayoko rin naman kasing i-reveal sa iyo ang nararamdaman ko. Natatakot akong muling masaktan, Jhunnica. Minsan mo nang nagawa iyon. At medyo naging malaki ang epekto n’on sa akin. Nagkaroon ako ng maraming karelasyon dahil gusto kong patunayan sa sarili na hindi lang ikaw ang babae sa mundo. Na kahit wala ka, may magkakagusto pa rin sa akin na mas magaganda, mas seksi, mas mayayaman, at mas matatalino. When I saw you again, that’s when I knew that I wasn’t healing myself the right way. Dahil sa bawat babaeng nagiging girlfriend ko, hinahanap ko ang isang parte mo. Hindi ko alam na sa kabila ng naging galit ko sa iyo noon, nanatili sa puso ko ang pagmamahal ko sa iyo.”

“Ow? Minahal mo na ako no’n kahit high school ka pa lang?”

“Kakaiba, `no? Pero gano’n talaga. Maaaring hindi pa kita minahal noon nang husto. Pero dahil inalagaan ko sa puso ko ang galit ko sa iyo, nakalimutan ko na kasama pala ng galit na iyon ay ang mga alaala mo. Pati na ang pagmamahal ko sa iyo, naalagaan ko. Kaya sa pagkikita nating muli, sabay-sabay na lumabas iyon. Ang kaso, mas nangibabaw ang pagmamahal ko sa iyo. Na mas tumindi pa dahil nakasama kita at binigyang-pansin mo ako kahit paano. Hindi katulad noon na ni hindi mo yata alam na nag-e-exist ako.”

Jhunnica looked at him and touched his face. “I knew you existed. Because I remembered your scent.”

“Oh, yeah.” Buong pagmamahal siya nitong pinagmasdan. “I want to be a part of your life, Jhunnica. Would you let me?”

“Hindi ko alam kung paanong nangyari ito, ha? Pero mula nang minahal kita, naging parte ka na ng buhay ko.”

“Kailan iyon?”

“Mula nga nang minahal kita.”

“Kailan nga iyon?”

“Ewan ko. Basta, nagising na lang ako isang umaga, pagkatapos ng napakaraming five minutes, mahal na pala kita.”

“Hmmm.” He tucked a loose strand of hair behind her ear. “Hindi ka na aalis ng bansa?”

“Hindi na.”

“Too bad. Gusto ko pa naman sanang isama ka sa Hawaii.”

“Hawaii?”

“Well, kung gusto mo ng mas malayong destinasyon, puwede na rin tayo sa Palawan.”

She laughed and clung to his neck again. “Kahit sa ilalim pa iyan ng lupa, go go go pa rin ako!”

Dinutdot siya ni Eneru sa noo. “Huwag kang ganyan. Baka seryosohin tayo ni Lord.”

“Sige, binabawi ko na.” She laughed once again. “I love you, Eneru.

b

akit nga pala Eneru ang pangalan mo?”

“Ikaw, bakit Jhunnica ang pangalan mo?”

“Ah, kasi ganito iyon—”

Pero imbes na pakinggan ang sagot niya ay muli na lang siyang siniil ni Eneru ng halik sa kanyang mga labi. Hindi na lang five minutes ang natitira sa kanila ngayon. They had a whole lifetime ahead of them.

Wakas