Chapter 4
4
“
F
ive more minutes…”
Napakaganda pa ng panaginip ni Jhunnica at wala siyang balak na hindi iyon humaba nang humaba. In her dreams, Eneru was kissing her over and over again. And she could never get enough of that kiss.
“Never…”
“Ate Jhun! Gumising ka na raw sabi ni Nanay!”
Pinilit niyang isara ang isip at tenga sa nakakayamot na boses ng kapatid. “Five minutes…”
“Ate! Bahala ka sa buhay mo! Pare, marunong ka bang gumising ng taong ayaw magpagising?”
“Oo.”
Nag-pause ang napakaganda niyang panaginip, na sa totoo lang, eh, siya na lang ang gumagawa, nang marinig ang baritonong boses. It was the same voice as the man who had the sweetest lips she ever tasted. Hanggang sa maramdaman na lang niya ang pag-angat ng kanyang katawan sa malambot na kama.
“Wake up, Little Jhunnica.”
Doon na siya nagmulat ng mga mata. And she was greeted by the most handsome face she had ever seen in her entire life. Magulo ang buhok nito na mahahalatang kagigising lang. Pero lalo lamang nadagdagan ang appeal nito sa kanyang mga mata imbes na mabawasan. Ito na yata kasi ang pinakaguwapong bagong gising na nakita niya.
“Good morning,” bati ni Eneru. His eyes were shining in mischief and amusement. “Bakit ka nagm
ulat agad? Hahalikan pa sana kita, ala Cinderella ba.”
“Baka Snow White,” pagtatama niya.
Ah, beautiful, beautiful.
Pero sayang, dahil sa tuluyang pagkagising ng diwa ay ang pagbabalik na rin ng kanyang katinuan.
h
ay, bakit ba hindi na lang siya maging baliw habambuhay? Para puwede niyang patulan ang kalokohan ng lalaking ito? “Pakibaba na ako, Sir.”
“Eneru,” pagtatama rin nito.
“Eneru, Sir.”
“Malakas ka talagang mang-asar, ano, Jhunnica?”
“Pakibaba na ako, Eneru.”
Ngumiti lang ito. Natunaw na naman ang pagiging maton ng puso niya. She just loved looking at his handsome face, nakasimangot man o nakangiti. Nararamdaman niyang gumaganda ang kanyang pakiramdam kapag pinagmamasdan ang binata.
Nice.
“Ang drama ninyong dalawa,” wika ni Jonard, saka tumalikod pabalik sa sala. “Nakakasura!”
Ibinaba na siya ni Eneru. At paglapat na paglapat ng mga paa sahig ay dinampot ni Jhunnica ang unan at ibinato sa kapatid. Pinto lamang ang nakinabang sa unan na iyon.
Ngayon ay sila na lang dalawa sa tahimik na tahimik na silid.
Aherm! Ano na ang sasabihin ko? Babatiin ko ba kung gaano siya kaguwapo ngayong umaga? O mananahimik na lang ako? Teka, bakit ko pa ba pinag-iisipan ito? At bakit ko kinakausap ang sarili ko? Ang dami ko pang tanong. Ano’ng problema ko?
She looked at the man who was now observing her room. `
Eto, `eto ang problema ko.
“Gising na ako,” aniya. “Puwede mo na akong iwan dito.”
Lumingon si Eneru sa kanya. He was rubbing
his jaw, now visible with the early growth of stubble. Then he absent-mindedly touched a finger to his sexy lips. Parang bagyong Milenyo na bumalik sa alaala ni Jhunnica ang kanyang panaginip. O panaginip nga lang ba t
alaga iyon? Those hot kisses of his seemed so real. Kaya lang, hindi niya sigurado kung nangyari nga ba talaga iyon o bahagi lang ng isang magandang panaginip.
Tanungin kaya niya ito?
Huwag na! ayokong mapahiya! Baka pagtawanan pa ako ng kumag na `to.
Pero kasi…
“Sabi ni Jonard at ng nanay mo, mahirap ka raw gisingin sa umaga. Kapag iniwan kita rito, baka bumalik ka na naman sa pagtulog.”
“Talagang naitsismis na ako ng pamilya ko sa iyo, ha?” Bahagyang lumayo si Jhunnica. Natatakot kasi siyang marinig nito ang malakas na tibok ng siraulo niyang puso. “Gising na ako. At hindi na ako babalik sa kama.”
“You know, kung inaantok ka pa talaga, matulog ka na lang uli. Alam ko naman na napuyat ka sa pagbabantay sa akin kagabi. Siyanga pala, salamat doon, ha? Pasensiya ka na nga pala kung nakaistorbo ako sa inyo. Hindi ko kasi akalain na tatamaan ako ng kaunting alak na nainom kahapon.”
Lalo lang nagrigodon ang kanyang puso.
Kagabi…kagabi nangyari ang halik na iyon. Nangyari ang halik na iyon!
“And for that, ako na ang magsasabi kay Reid na i-excuse ka na muna sa trabaho mo ngayong araw. It’s the least I could do for all your help last night.”
“Hindi, okay lang iyon. Anyway, gising na ako at wala akong balak na um-absent ngayon. Hindi naman ako napuyat dahil hinintay ko lang na maging maayos ang lagay mo kagabi, saka ako pumasok sa kuwarto ko.” Last night na naman! Tinutukso ba talaga siya ni Eneru? Kaso, wala naman sa mukha nito na may naalala itong nangyari sa kanila kagabi. Medyo nakahinga siya nang maluwag. And at the same time, medyo disappointed din. Ang dahilan, ewan niya. She really ought to stop mentioning ‘about last night.’
“Ahm, puwede ka nang lumabas. Kailangan ko pang maghanda para sa pagpasok ko.”
“Ah.” Patalikod na si Eneru nang tila may nakalimutan pang sabihin. Pero nang makaharap naman sa kanya ay wala itong sinabi. He reached out for her hair instead.
“Alam ko, hindi pa ako nagsusuklay. Kaya hindi mo na kailangang ipagduldulan sa akin kung gaano ako mukhang bruha ngayon.”
“What are you saying?” nakangiti nitong tanong. He tucked a strand of her hair behind her ear. “I just want to see your face.”
Pagkatapos ay wala na itong imik na umalis ng kuwarto. Nakatanga na lang na sinundan ni Jhunnica ng tingin ang binata hanggang sa mawala ito. Sinuklay niya ang gusot-gusot na buhok na masuyong hinawakan ni Eneru.
It really does feel good.
Parang kahit sangkaterbang lahi ng mangkukulam na nagkukuta sa Stallion Riding Club ang itambak sa kanya ngayon, kayang-kaya niyang ngitian only because Eneru wanted to see her face. Hindi na niya mapigilan ang mangiti ngayon pa lang.
“Well, kung gusto niyang makita ang maganda ko
ng face, sige lang.” Pumasok na siya sa banyo upang maligo. “Ganyan talaga ang magaganda. Kahit may muta-muta pa, maganda pa rin sa mga mata ng mga
guwapo.”
Napahiyaw na naman siya nang wala sa loob na magbuhos ng malamig na tubig.
“HIJO, sa susunod, huwag ka nang magmamaneho nang nakainom, ha? Delikado iyong ginawa mo, eh. Masuwerte ka lang kahapon dahil hindi ka naaksidente. Paano kung hindi ka na suwertehin sa susunod? Naku, sayang ka. Gusto mo pa ng kanin?”
“Salamat ho. huwag kayong mag-alala, Aling Martha. Hinding-hindi na ho ako magmananeho nang nakainom. Ayoko kasing manghinayang kayo.”
“Mabuti iyan. Sige, kumain ka lang nang kumain. Naku, ang guwapo-guwapo mo talagang bata ka!”
Pinagtitiyagaang ngatain ni Jhunnica ang makunat na pritong isda na ininit ng kanyang ina. Gusto sana
niyang magreklamo dahil mula pa kaninang mag-umpisa silang mag-agahan ay si Eneru na lang ang inaasikaso nito. Ayaw naman niyang magreklamo dahil abala rin siya sa pagmamasid sa binata na sa kabila ng h
indi pa naliligo ay mukhang mabango pa rin. Kunsabagay, mabango pa rin naman talaga ito. At kahit siguro isang linggo pang hindi maligo, hindi ito mangangamoy. Eleganteng-elegante pa rin ito, sa pagkilos man o sa pananalita. Flawless kumbaga.
Masuwerteng nilalang.
Binalingan siya ni Eneru. “Salamat uli sa pag-aasikaso mo sa akin kagabi, Jhunnica.”
Nag-peace sign lang siya. Nagreklamo ang nanay niya.
“Ano bang sagot iyan, Jhunnica? Umayos ka nga. Nakakahiya rito sa bisita natin. Baka isipin niya, eh, wala kang pinag-aralan.”
“Okay lang ho iyon, Aling Martha. Huwag na nating istorbohin si Jhun sa pagkain.” Muli siya nitong binalingan. “Gusto mo pa ng kanin?”
“Pare, ako, hindi mo aalukin?” tanong ni Jonard. “Nagseselos na ako sa ipinapakita mong ka-sweet-an sa ate ko.”
Ginulo lang ni Eneru ang buhok ng luku-luko niyang binatilyong kapatid. Saka nito ibinigay ang bandehado ng kanin. Nakakatuwang pagmasdan ang dalawa. Parang mag-kuya. Samantalang kilala niya ang kapatid na matagal mag-warm up sa kahit na sinong stranger na naliligaw sa kanilang tahanan. Pati na rin ang nanay niyang halatang smitten sa binata.
a
no kaya ang ipinakain ni Eneru sa pamilya nila? Dahil kahit siya, aamin na nagugustuhan na rin ang lalaking ito na inakala niya noong una na magdadala sa kanya ng matinding sakit ng ulo. Napansin kasi niyang parang may kaunting hinanakit ito sa kanya sa hindi malamang kadahilanan.
“Pare, matanong ko lang, bakit pinagtitiyagaan mo ang ugali ng ate ko? Kasi magulo iyan, eh. Kahit ako hindi ko siya maintindihan minsan.”
“Okay naman siya, ah.”
Nadurog sa loob ng bibig ni Jhunnica ang ulo ng pobreng double dead na isda nang muli siyang balingan ni Eneru. Sinubukan niyang sipain sa ilalim ng mesa ang paa ng atrimitidong kapatid.
“Okay? Sigurado ka, pare? Naguguluhan ka yata.”
“Your sister is very pretty, Jonard, not to mention very nice.”
“Ate Jhun, narinig mo ba iyon? May pumuri sa iyo. At kasingguwapo ko pa! Pare, may gusto ka ba sa ate ko?”
“Jonard,” saway ng kanilang ina. “Huwag mo ngang istorbohin sa pagkain niya si Eneru. Hayaan mo siyang kumain nang maayos at baka hindi siya matunawan sa kadaldalan mo. Hijo, gusto mo pa ng hot dog? Tinapay, baka kulang pa iyang kinakain mo.”
Hindi na malunok ni Jhunnica ang reheated na pritong isda na kanina pa niya nginunguya. Lalo na at mataman pa ring nakamasid sa kanya si Eneru. At hindi rin niya mapigilan ang pusong hintayin ang isasagot nito sa huling katanungan ng kanyang kapatid. Grabe, ngayon lang siya naging ganito ka-excited sa tanang buhay niya. Na para bang gusto niya na ayaw marinig ang magiging kasagutan ni Eneru. Kaya ibinaling na lamang niya sa pagkain ang atensyon.
“May gusto ho sana akong ikonsulta sa inyo, Aling Martha, Jonard.”
“Tungkol saan, pare?”
“Kung hindi ho ninyo naitatanong, minsan ko nang niligawan itong dalaga ninyo. Noong high school pa lang kami dahil pareho kami ng pinasukang eskuwelahan.”
“May nakaraan kayo ng ate ko?”
“Gano’n ba, hijo? Aba’y nakakatuwa naman ito. Jhunnica, bakit hindi mo man lang iniuwi dito noon itong napakaguwapong binatang ito? Para naman nakilala na rin siya ng tatay mo habang hindi pa iyon nadedestino sa lupain ng mga Arabo.”
Napahigpit lang ang hawak ni Jhunnica sa kutsara’t tinidor. Hindi siya makasagot. Lalong hindi siya makapagsalita. May kung anong munting tinig kasing umuukilkil sa kanyang isip na para bang nagbabantang magpahulog sa kanya sa kinauupuan nang mga sandaling iyon. Hindi naman niya kailangan pang maghintay dahil muli nang nagsalita si Eneru.
“Iyon na nga ho sana ang gusto kong ipaalam sa inyo. Binasted ako ng anak ninyo noon. Naiintindihan ko naman siya dahil masyado siya noong abala sa pag-aaral. Ngayon, kung papayag ho kayo, gusto ko sanang subukan uli na ligawan itong dalaga ninyo. Kung okay lang ho sa inyo.”
Nabitiwan niya ang kutsara’t tinidor na kani-kanina lang ay mahigpit niyang hawak.