noveltoon logo noveltoon
Eneru Villasis (Stallion Series 2)

Chapter 6

Ch. 6 / 10 Nov 28, 2025

Chapter 6

6

I

ba na ang tingin ng mga female guests kay Jhunnica nang ibigay niya ang kanilang mga in-order na pagkain at inumin. Pero hindi tulad noong una, walang sino man sa mga babae ang nagsalita ng kahit na ano sa harap niya.

t

hey all just gave her a haughty glance and dismissed her. Marahil ay nalaman na rin ng mga ito ang harapang pagdedeklara ni Eneru na liligawan siya. Na mukhang aprubado naman ng mga kaibigan at kapwa club members nito.

Hindi niya alam ngayon kung dapat din ba niyang ikatuwa iyon. Lahat ng mga co-worker niya roon ay binabati siya. Mala-Cinderella raw kasi ang kuwento niya. Biruin mo nga naman, isang prominenteng miyembro ng exclusive riding club, nagkagusto sa isang simpleng empleyadong gaya niya. Napapailing na nga lang siya minsan. Natutuwa ang mga katrabaho niya, palibhasa hindi nila alam kung ano ang talagang dahilan ni Eneru sa panliligaw nito. Pinagbibigyan lang niya ang kapritso nito, tutal wala rin naman siyang magagawa kahit pigilan pa niya. Isa pa, she was starting to like him. And she owed him one.

Hahayaan na lang niya si Eneru na maibangon ang pride nitong matagal nang nag-suffer nang dahil sa pambabalewala niya rito noon. After that, babalik na lang siya sa kanyang normal na buhay bilang isang simpleng Cinderella.

“Jhun,” tawag ng kasamahan niyang waitres na si Connie. Agad siya nitong binulungan. “Nag-quit na si Ma’am Michelle.”

“Ha?” Ang maldita nilang supervisor, nag-resign? “Bakit daw?”

“Eh, masyado yata siyang napahiya sa nangyari kahapon. Hindi ba’t pinagalitan pa nga siya ni Sir Eneru?”

“Pinagalitan? Hindi naman galit si Eneru— I mean, si Sir Eneru. Ni hindi nga siya sinermunan.”

“Hay, alam mo naman ang bruhang iyon. Masyadong madrama sa buhay. Baka iniisip niyang sa gagawin niyang iyon, eh, susundan siya ni Sir Eneru at aaluin. Tse! Mukha niya. Mabuti ngang umalis na lang siya rito at nang magkaroon naman tayo ng katahimikan sa restaurant. Ang sungit-sungit niya kasi. Idagdag pa ngayon na alam na ng buong club na ikaw ang babaeng nililigawan ni Sir Eneru.” Tumawa pa ito. “Hinid na ako magtataka kung magbigti man iyon dahil sa kabiguan.”

“Connie, ano ka ba? Huwag ka ngang magsalita ng ganyan.” Inisip niya noon na walang puso ang supervisor nila. Kaya ang malamang pinagseselosan siya nito ngayon, parang ang weird tuloy. “Pero hindi dapat siya mag-resign. Ang babaw naman na dahilan iyon para umalis siya. Teka, nasa admin office ba siya?”

“Oo.” Sinimangutan siya ni Connie. “Huwag mong sabihing pipigilan mong umalis ang bruhang iyon, Jhun?”

“Ipapaliwanag ko sa management na medyo hindi lang kami nagkaintindihan kahapon.”

“Ano ka ba? Matagal na nga naming idinalangin na umalis na iyon dito dahil hindi nga talaga namin type ang ugali niya. Kaya nga tuwang-tuwa kami nang sagot-sagutin mo siya at ikaw pa ang kinampihan nina Sir Gino at Sir Eneru. Tapos pipigilan mo pa siya ngayon. Hayaan mo na iyon. Sinabi ko lang sa iyo ito para ipaalam na may maliit na celebration tayo mamaya sa kusina kapag na-confirm na wala na siya rito sa Stallion Riding Club.”

“Ang sama ninyo.”

“Hay naku, baguhan ka pa lang kasi kaya hindi mo pa talaga nakikita ang kuko ng bruhang iyon. `Yong pagpapatapon niya sa iyo sa kusina, sampol lang niya iyon. Kaya please lang, huwag mo nang—

h

oy, saan ka pupunta?”

“Sa admin office. Magpapaliwanag ako. Kapag hindi sila nakinig, eh, di bahala na.”

Nagtampo ang supervisor nila dahil kinampihan siya ng mga club member kahit na nga may kasalanan naman talaga siya kung bakit siya pinagalitan. Although, mali ang parusang ibibigay dapat nito sa kanya, hindi pa rin niya maaatim na siya ang magiging dahilan ng pag-alis nito sa trabaho nang wala sa oras. Ewan, basta.

Pero bago makarating sa admin office ay nakasalubong na ni Jhunnica ang supervisor. Masama ang tingin nito sa kanya.

“Ma’am Michelle—”

“I hope you’re happy now, Jhun. Nakuha mo na ang gusto mo. Sa iyo na ang posisyon ko.”

“Ha? Pero wala naman akong balak na kunin sa iyo ang pagiging supervisor.”

“Oh, come on, girl. Huwag ka nang magpakabait pa riyan. Alam ko naman na noong una pa lang, kaya nagmamatigas ka na sa akin ay dahil gusto mong mapansin ka ng management. Nang hindi mo makuha ang atensyon nila, ang mga club member ang pinuntirya mo. Ngayon, ikaw na ang legal na nililigawan ng isa sa kanila. Sa wakas ay napansin ka na rin ng management. Mautak ka rin, ano?”

“Wait, ang sinasabi mo ay nang dahil sa panliligaw sa akin ni Sir Eneru, kaya ka nila pinaalis sa puwesto mo?”

“Bakit ko pa hihintaying paalisin nila ako? Nagkusa na akong mag-resign dahil alam kong malapit na ang araw na patatalsikin na nila ako, in favor of you. Gusto kong umalis na kahit paano ay may natitira pa ring dignidad sa akin.” Inismiran lang siya ni Michelle. “Hindi magtatagal ay magsasawa rin sa iyo si Sir Eneru. Everybody knows you’re not his type of woman. At hindi kayo bagay.”

Masakit sa pandinig ang mga sinabi nito. Pero iyon ang totoo. Hindi sila bagay ni Eneru. “Hindi ko ipinagsisiksikan sa kanya ang sarili ko. At tungkol naman sa posisyon mong pinipilit mong inagaw ko kamo sa iyo, nagkakamali ka. Dahil may mas mataas akong ambisyon kaysa maging supervisor lang ng restaurant na ito.”

“Oo nga naman. Pangarap mong maging girlfriend ni Sir Eneru at maging bahagi ng mga elitista. Huh. Ambisyosa ka nga talaga.”

Bakit ba ganoon na lang ang galit ni Michelle sa kanya? Ano ba ang ginawa niya para maging ganito kainit lagi ang dugo nito sa kanya? Was she really that mad about her having Eneru as her suitor?

“Sige, mauuna na ako sa iyo,” anito. “Kailangan ko pang warning-an ang ibang matataas na personnel dito na mag-ingat sa isang oportunistang gaya mo. Dahil baka sa susunod, hindi na lang supervisory position ang hihilingin mo sa mga club member na manliligaw sa iyo.”

“Ma’am Michelle, that’s really unfair. Hindi ako ganyang klase ng tao.”

“Whatever.”

Nasaktan si Jhunnica sa mga sinabi ng babae. Gusto lang naman niyang itama ang lahat pero bakit ganoon pa ang mga sinabi nito?

“Oh, Miss Serrano, you’re here,” wika ng head ng

f

ood and

b

everage department nang sumungaw ito mula sa silid nito. “Tamang-tama, ipapatawag na nga sana kita. Puwede bang mag-usap muna tayo sandali?”

Sumunod naman siya sa silid. “Ma’am, `yong tungkol ho kay Ma’am Michelle…”

“Ah, yes. Michelle. Nag-resign na siya effective today. I don’t know her reason for doing so pero ang sabi niya ay personal daw. Hindi naman natin siya puwedeng pigilan kung talagang ayaw na niyang magtrabaho pa rito. So now, I’m thinking of giving you her position, Miss Serrano.”

Nagkatotoo ang mga sinabi ng kanyang former supervisor. “Pasensiya na, Ma’am. Pero hindi ko ho matatanggap ang iniaalok ninyo.”

“Why not? Maganda naman ang record mo at rekomendado ka pa ng prominenteng miyembro ng club—”

“Si Sir Eneru ho ba ang tinutukoy ninyo?”

“Well—”

“Ma’am, hindi ho sa pinangungunahan ko kayo sa desisyon ninyo. At inaamin ko ho na maganda ang offer ninyo. Kaya lang, hindi ko iyon matatanggap kung ang dahilan lang ng paglalagay ninyo sa akin sa posisyon ay dahil sa isang club member ang nag-recommend sa akin, pasensiya na ho talaga. Hindi ko ho iyan matatanggap.”

“Is that what you think, Miss Serrano?”

“Meron pa ho bang ibang dahilan?”

Saglit na hindi nagsalita ang head personnel, mukhang nag-iisip. Mayamaya pa ay tumango-tango na ito. “I see. Totoo pala talaga ang sinasabi tungkol sa iyo ng taong nag-recommend sa iyo, Miss Serrano. Na may attitude ka pero nasa katwiran. At ang mga ganyang personality ang kailangan ng Stallion Riding Club.” Inilabas nito ang isang folder. “Hindi ko kailangan ng persuasion mula sa mga club member para malaman na karapat-dapat ka sa supervisory position, Miss Serrano. Your record already speaks for you. You have an excellent academic record and your former employers have spoken of you. In fact, hindi lang ang posisyon ni Miss Tagle ang iniisip kong ibigay sa iyo. Kaya lang hindi ko pa iyon maibigay sa iyo dahil ilang buwan ka pa lang na nagtatrabaho rito. But now that Miss Tagle has resigned, ikaw lang ang pinaka-possible candidate na mailalagay namin doon. Even Mr. Alleje agreed with me.”

“Si Sir Reid?”

“Yes. Siya mismo ang nag-recommend sa akin na ikaw ang ipalit sa posisyong iiwan ni Miss Tagle. Kaya huwag kang mag-aalala na dala lang ng padrino system kung bakit mo makukuha ang posisyong iyon, Miss Serrano.”

“Hindi si… Sir Eneru ang nag-recommend sa akin?”

The old woman gave her a warm smile. “I’m aware of his fascination with you, Miss Serrano. And yes, he was here with Mr. Alleje when he gave me your recommendation. Pero hindi niya naimpluwensiyahan ang desisyon ko. O desisyon ni Mr. Alleje, kahit pa magkaibigan sila.” Ibinigay nito sa kanya ang folder na may mga papeles. “Kung payag ka na sa iniaalok namin, Miss Serrano, pakipirmahan na lang ito. At ngayon pa lang, binabati na kita.”

“I’m sorry, Ma’am. Pero hindi ko ho talaga matatangap iyan.” Napakunot ang noo nito. “Marami pa hong mas deserving sa akin para sa posisyon na iyan. `Yong mas matagal na rito at mas marami nang experience. Sa kanya na lang ho ninyo ibigay iyan. Pasensiya na ho. Sige, Ma’am, babalik na ho ako sa trabaho ko.”

Hindi magawang magpakasaya ni Jhunnica sa mga narinig mula sa kanilang head personnel. Iyon ang umiikot sa isip niya habang naglalakad pabalik sa Veranda. Kaya nang makasalubong si Eneru sa daan ay ito ang napagbuntunan niya. Hinila niya ito sa isa sa mga tagong bahagi ng gusali.

“Wow, I never thought you’d miss me this much, Jhunnica.”

“Shut up!” Kahit mas matangkad sa kanya ang lalaki, nagawa pa rin niya itong pitsarahan sa kuwelyo. “Binigyan kita ng permisong guluhin ang buhay ko pero hindi kasama roon ang pakialaman mo ang mga bagay na walang kinalaman sa iyo, Eneru. Ito na nga ba ang sinasabi ko kung bakit ayokong magkaroon ng kaugnayan sa mga gaya ninyo.”

“Puwede ko bang malaman kung bakit galit ka na naman sa akin ngayon?”

“Dahil masyado kang pakialamero! Bakit mo sinabihan si Sir Reid na ako ang ipalit sa posisyon ni Ma’am Michelle? At ikaw din ba ang nagpatanggal sa kanya sa trabaho? Para lang mabigyang-daan ako na makuha ang supervisory slot na iyon? Damn it, Eneru! I don’t need anyone’s help with that position! Kaya kong makuha iyon nang mag-isa at sa tamang paraan. Ayoko ng may naaagrabyado at nasasagasaan. Pero dahil sa pakikialam mo, nasira ang samahan namin ng mga nakakataas sa akin!”

“I don’t think I follow you.”

Gustong-gusto nang sigawan ni Jhunnica si Eneru, bulyawan, para lang mapa-realize kung gaano siya nagalit sa ginawa nito. Kaya lang, paano niya magagawa iyon kung halos magdikit na ang mga mukha nila sa isa’t isa? Lalo pang nagulo ang lahat nang mag-umpisang magwala ang kanyang puso. Nakakainis! Kapag ganito na ang laban, wala na siyang panama. Talo na agad siya. Dahil tuwing pinagmamasdan niya ang guwapong mukhang iyon, nararamdaman niya ang bawat pintig ng kanyang puso. At habang tumatagal, lalo niyang naiintindihan ang ibig sabihin ng bawat tibok niyon.

She was starting to fall for him, damn it!

Marahas niyang binitiwan ang kuwelyo ng binata. Pero hindi niya nagawang makaalis dahil mahigpit nang nahawakan ni Eneru ang kanyang mga kamay. Inilapat lang nito ang mga iyon sa dibdib nito.

“Puwede ba, Eneru, wala akong panahong makipagbiruan sa iyo ngayon. Mainit ang ulo ko kaya tigilan mo ako.” She tried to pull her hands away but it was no use. “Ano ba! Sinabi ng—”

“You deserve that promotion, Jhun. May recommendation ko man o wala, sigurado akong ibibigay iyon sa iyo ni Reid. Pero sad to say, hindi ako naging bahagi ng tagumpay mong iyon. Wala akong binanggit kay Reid tungkol sa pagbibigay sa iyo ng posisyong iyon.” Napabuntunghininga na lang ito. Hindi pa rin pinakakawalan ang mga kamay niya. “Kaya ngayon sabihin mo sa akin, ano ba ang puwede kong gawin para lumamig ang ulo mo?”

Aaahh! Damn you! Don’t make me fall for you even more, Eneru!

“Wala!”

“Gusto mong kantahan kita?”

“Ayoko!”

“Kaya ko ring tumula.”

“Ayoko sabi! Pakawalan mo na nga ako!”

“How about I dance for you? Sing and dance, puwede rin.”

“Eneru—“

“Dance interpretation?”

Dance interpretation? Just thinking of this manly tall, lean guy doing interpretative dance was enough to make her forget why she was angry with him. Or that she was even angry at him at all. Natawa na siya.

“Ah, see? I knew I could be of some use to you somehow.” Lumuwag na ang pagkakahawak nito sa kamay niya.

Pero kung inaakala ni Jhunnica na pakakawalan na siya, nagkamali siya. Dahil imbes na hayaan na siyang makalayo ay ikinulong pa siya ni Eneru sa mga bisig nito. Tuluyan nang naglaho ang ano mang natitirang galit o ngitngit sa kanya. She felt so treasured in his arms. So warm. So loved. Kaya siguro hindi na rin siya nagtangka pang lumayo. Gusto niya ang pakiramdam na ito. Kahit hanggang ngayon lang, maramdaman niya kung paano maging masaya nang husto sa piling ni Eneru. Dahil batid niya, ito na rin ang tamang pagkakataon upang magpaalam. Hindi na kasi niya magagawa pang patuloy na makipag-ugnayan dito. Malaki na ang kinalaman ng puso niya at magiging kumplikado na ang lahat oras na tanggapin niya nang tuluyan na nagmamahal na siya rito.

Oo, mahal na niya si Eneru. Nakakatawang isipin na ang lalaking minsan niyang binalewala, heto at siya pang nagmay-ari ngayon ng mailap niyang puso. Na sa kabila ng kaalaman niya sa tunay nitong intensyon ng pakikipaglapit sa kanya, hindi pa rin niya nagawang umiwas. Hindi pa rin niya nagawang pigilan ang pusong mahalin ito. Kaya kahit sa huling pagkakataon, hahayaan niya ang sariling mahalin si Eneru nang malaya at maramdaman na espeyal din siya rito. Ang maamoy sa huling pagkakataon ang bango nitong naging bahagi na ng kanyang alaala.

“Jhun…?”

Five minutes more…

“You know, I would love to have you like this forever. Kaya lang, baka may makakita sa atin dito, kung ano na naman ang isipin nila tungkol sa iyo.”

Time’s up. Unti-unti nang humiwalay si Jhunnica kay Eneru. Hindi na rin niya hinayaang mapigilan siyang lumayo.

“Ito na ang huling beses tayong magtatagpo nang ganito, Eneru. Ito na rin ang huling pagkakataon na tatawagin kita sa pangalan mo.”

“What do you mean?”

“Tigilan na natin ito.” Mabilis siyang nag-isip ng kasinungalingang maibibigay bago pa man masira ang maskarang isinuot niya sa harap nito. “Naaapektuhan na ang trabaho ko. Nagugulo na rin ang buhay mo—”

“No, it’s not.”

“Basta, tigilan na natin ang biruan na ito, Eneru. Hinayaan na kitang ligawan ako. Sandali nga lang iyon pero siguro naman ay sapat na iyon para maibalik ang dignidad ng pride mong minsan ko nang natapakan.”

“What makes you think that it’s all about my pride?”

“Bakit, meron pa bang ibang dahilan? Eneru, sa iyo mismo nanggaling iyon. Although hindi ko na matandaan kung ano ang eksaktong sinabi mo. Pero gano’n iyon. At ayoko nang makipaglaro pa sa iyo. Napapagod na ako.”

Nang hindi na ito sumagot pa, she knew that was it. Nakakalungkot isipin na ang isang fairy tale tulad ng sa kanila ay magtatapos lang nang ganoon. Pero at least, hindi sila magkaaway. Hindi man magkaibigan, ang importante, pareho silang aware sa mga nangyayari at tanggap nila ang kinahinatnan ng lahat. She had just started walking away from him when he spoke again.

“Paano kung ayoko, Jhunnica?”

Nilingon niya ang binata. Nakasandal na ito sa pader, nakapamulsa at nakamasid sa kanya. His handsome face was devoid of any emotion. Parang gusto niyang muling bumalik sa mga bisig nito upang masigurong ito pa rin ang lalaking natutunan na niyang mahalin sa loob lamang ng napakaiksing panahon.

“What?”

“Ang sabi ko, paano kung hindi ako pumayag sa gusto mong mangyari?”

“Eneru—”

“I still want to hear you say my name, Jhun. And I still want to court you.”

“Hindi mo ba ako narinig kanina? Gugulo lang ang lahat kapag itinuloy natin ang kalokohang ito.”

Nagkibit lang ito ng balikat. “I don’t care. I like chaos.”

“Well, I don’t.”

“Wala ka na rin namang magagawa kung gusto kong patuloy kang ligawan. Besides, mula sa araw na ito, sisiguruhin kong hindi na uli magugulo ang buhay mo habang nililigawan kita.”

Parang biglang naglaho ang pagse-senti niya kanina. Ano ba naman ang ginagawa ng lalaking ito? Was he trying to deliberately frustrate her?

“Bahala ka na nga sa buhay mo,” wika niya. “Huwag ka lang iiyak kapag paulit-ulit lang kitang binasted.”

“I won’t, I promise.”

Napailing na lang siya. “Get a life, Eneru.”

“You’re my life, Jhunnica. So, I’ll get you, no matter what.” He walked towards her, touched her face, and then gave her a kiss on the cheek. “I’ll see you around, sweetheart.”