NAGISING ako at agad napatitig sa kawalan. Bigla kong pinagsisihan ang nangyari sa aming dalawa. Napatingin ako sa gilid ko at nakita si Belle na nakahiga sa tabi ko, natutulog habang nakabalot sa amin ang puti niyang kumot. Parehas kaming walang mga saplot at halatang may nangyari.
Ang dami agad tumakbo sa isip ko. Mga bagay na ayokong mangyari. Pero sa lahat ng iyon, ang tanging inaalala ko lang ay si Joselle. Paano kapag nalaman niya ito? Paano kapag nalaman niya ang nangyari sa aming dalawa ng kanyang kaibigan? Mapapatawad ba ako ni Joselle? Sasabihin pa kaya ni Joselle na gusto niya ako after I banged her friend? Shit! Unwanted thoughts suddenly ran on my mind. Ang gulo-gulo na ng utak ko kaya napaupo ako sa kama at pinagsusuntok ang sarili ko.
Tang ina mo, Rico! Ginusto mo `yan kaya panindigan mo. Paano kung may mabuo? Handa ka na bang maging ama? Handa ka bang makisama sa babaeng wala kang nararamdaman na kahit katiting na pagmamahal?
Dahan-dahan akong tumayo at pinulot ang mga damit kong nagkalat sa sahig ng kuwarto ni Belle. Agad ko itong isinuot at umupo uli sa gilid ng kama para mag-isip ng mga bagay-bagay. Agad nagtubig ang mga mata ko dahil sa nangyari. Lalaki ako at alam kong dapat kong panindigan kung may mabuo pero makakaya ko ba na mawala si Joselle sa akin nang tuluyan?
Napatigil ako sa pag-iisip nang marinig ko si Belle na umiiyak. Halata ang gulat sa kanyang mukha. Nakatingin siya sa akin na parang hindi niya ginusto ang nangyari sa aming dalawa.
“May nangyari sa ating dalawa?” tanong niya agad sa akin. Pansin ko ang pagtutubig sa kanyang mga mata. “Bakit mo ako pinagsamantalahan? Bakit mo hinayaang may mangyari sa ating dalawa? Lasing ako. Bakit?” humagulhol na siya at iyak niya na lang ang naririnig ko sa loob ng kuwarto.
I wanted to shout. Gusto kong ipamukha sa kanya na hindi ako ang gumawa ng first move kundi siya. Gusto kong ipamukha na obvious naman na ginusto niya rin ang nangyari. Hindi naman ako dadaloy sa agos kung hindi siya nagbigay ng motibo. Lalaki ako at madaling ma-attract sa mga sexual act, pero kaya kong magpigil unless hindi nagpapakita ng motibo ang isang babae.
Pero lahat nang iniisip ko ay biglang naglaho dahil sa sinabi ni Belle.
“Isusumbong kita sa Papa ko. Pinagsamantalahan mo ko. Idedemanda ka namin.”
Iyan ang mga salitang ipinambanta niya sa akin na naging dahilan kung bakit agad na naglaho ang kulay sa mukha ko. Natakot ako sa sinabi niya dahil nga police ang kanyang tatay at kahit saang anggulo namin tingnan, talo ako. Dahil lalaki ako habang siya naman ay babae. Maselan ang kaso when it comes to rape.
“Hindi kita papabayaan. Kung may mabuo man…” sabi ko sa kanya nang lumapit ako sa tabi niya at niyakap siya. “Kung may mabuo man… pananagutan ko. Pananagutan ko kayo.”
Isang pangako na naman ang lumabas sa bibig ko na alam kong pagsisisihan ko eventually. Pero wala, eh. Kailangan kong sabihin iyon para hindi ako malagay sa alanganin.
Umuwi ako ng bahay namin na tulala at parang naglalakbay ang isip kung saan. Nanng gabing iyon, hindi ako lumabas ng kuwarto. Nagkulong lang ako. Ang bigat nang nangyari sa akin ngayon. Hindi ko inakalang lahat ng ito ay nagsimula lang sa Wattpad. Umiyak lang ako habang nakahiga sa kama ko. Gusto kong magwala at magsisisigaw dahil sa katangahan na nagawa pero wala na, eh. Nandiyan na. Kahit anong pagsisisi ko, hindi na maibabalik pa ang mga mali ko.
Siguro lumipas ang dalawang araw na nagkulong lang ako sa bahay namin at hindi lumalabas. Hindi rin ako pumasok. Even my cell phone, hindi ko nakuhang tingnan. Parang may kinatatakutan ako. Natatakot ako kay Belle. Hanggang maka-receive ako ng isang tawag na galing sa kaibigan ni Belle.
“Ikaw si Rico, right? Mahal ka ng kaibigan ko. Please don’t leave her. May suicidal tendency si Belle at baka may mangyaring masama sa kanya kapag hindi mo siya kinausap.”
Hindi ko ine-expect na may ganoong klaseng attitude si Belle. Kaya pala ganoon siya umasta noong kasama ko siya. Napag-aralan namin iyon sa Psychology class namin na nagkakaroon daw ng suicidal tendecy ang mga taong iniiwan ng mahal nila sa buhay. Ayokong mabalitaan na nag-suicide si Belle dahil sa akin. Kahit magtago ako, mahahanap ako ng pamilya ni Belle. Ang liit ng Bulacan. Tang-ina!
Kinabukasan, agad kong itinext si Belle at kinumusta. Tuwang-tuwa siya dahil sa tawag ko. I could say that she was happy based from her voice. Agad siyang nagkuwento kung ano’ng ginagawa niya at kung nasaan siya kahit hindi ko naman itinatanong. Sumasagot na lang ako para hindi niya maramdaman na wala akong pakialam sa kanya.
Even on Wattpad kaming dalawa na palagi ang magkausap. Tiningnan ko for the last time iyong profile ni Joselle. Wala pa rin siyang latest post na status or announcement sa mga followers niya. Kahit ang story niya ay hindi pa rin ina-update. It’s been two weeks na rin at wala akong idea kung ano’ng nangyari sa kanya.
Finollow ko si Belle at in-add na rin ang story niya sa reading list ko tulad ng kanyang gusto.
“I-unfollow mo na si Joselle, babe. Please,” request sa akin ni Belle nang minsang magkausap kaming dalawa.
“Do I really have to?” naiinis kong sagot sa kanya.
“Fine! Bahala ka sa buhay mo. Just make sure that you wouldn’t blame yourself kung may mangyaring masama sa akin, ah.”
“Oo na. Ia-unfollow ko na.” I sighed while typing my reply to her. Shit! No choice. Ayoko ng mga ganyang banta sa akin ni Belle. Ganyan lagi ang sinasabi niya kapag tinatanggihan ko siya sa isang bagay na gusto niyang mangyari.
I stared to Joselle’s profile for a moment. Parang nahihirapan ako. Ang bigat-bigat ng loob kong i-unfollow si Joselle dahil siya naman ang dahilan kung bakit ko ginawa ang Wattpad account ko na ito. It felt like I’m removing her in my life forever. Bakit kailangan kong mapagdaanan itong mga nangyayari sa akin ngayon? Putang ina! Parang kailan lang, puro Dota lang ang inaatupag ko. Pero ngayon, meron pang ibang bagay na mas mabigat kesa sa pagkatalo ko sa DOTA.
Lumipas ang araw at binabasa ko na ang mga story ni Belle tulad ng kanyang sinabi. Masyadong wild ang mga gawa niyang kuwento. I guess salamin ng isang writer ang kanyang kuwentong mga isinusulat. Tulad ni Belle na wild and liberated tulad ng mga isinusulat niya. Habang si Joselle naman ay masyadong mabilis masaktan.
Joselle, I didn’t mean to hurt you. Sana alam mo `yan.
One time habang nasa tapat ako ng building ng classroom namin ay narinig kong napasigaw ang iba kong classmate. Dinig na dinig ko ang sinabi niya.
“Shit! After almost three weeks, nag-update rin si Joselle.”
Biglang kumabog ang dibdib ko nang malakas dahil sa sinabi ng classmate ko. Pinagpawisan ako nang malamig dahil sa narinig ko. Joselle, Joselle… Iyan agad ang tumakbo sa isipan ko. Tuwang-tuwa ako dahil pagkapos ng ilang linggo, nagparamdam na rin siya, pero at the same time nasasaktan din dahil sa nagawa kong kasalanan. Kasalanan na hindi alam ni Joselle. Kahit walang namamagitan sa aming dalawa, pakiramdam ko niloko ko siya.
Pag-uwi ko ay agad kong binisita ang Wattpad account ni Joselle at binasa ko ang update niya. It turns out na hindi pala iyon update kundi isang announcement na io-on hold niya muna ang story dahil may importante siyang aasikasuhin. Pero `wag daw malungkot ang mga followers niya dahil may ipo-post siyang panibagong story na may regular updates.
Nangangati akong kausapin si Joselle para magtanong tungkol sa biglaan niyang pagkawala pero lahat nang iyon ay naglaho nang makita ko ang isang reply ni Joselle doon sa RavenHeart.
JoselleHerrera just posted on RavenHeart message board:
Hahaha! Na-miss mo naman agad ako? May nangyari lang kaya biglaang nawala.
Nag-init ang ulo ko dahil sa nabasa ko kaya nag-post din ako sa message box ni Belle.
I love you, babe.
Alam kong mababasa iyon ni Joselle dahil naka-follow pa rin siya sa akin. Gusto ko siyang masaktan dahil sa kanyang mababasa pero bakit parang ako ang mas masasaktan kapag nalaman kong nasaktan siya?
Nag-reply naman si Belle sa post ko sa kanyang message box. Kaya nagsimula na naman ang pag-uusap naming dalawa.
Lumipas ang mga araw na nagkikita kami ni Belle kapag gusto niya. Minsan, may nangyari na naman sa amin kahit ayoko. Hindi ako makatanggi lalo na’t pinagbabantaan niya ako na makikita ko na lang daw siya na isang malamig na bangkay na. Mapapa-sigh na lang ako at papayag sa gusto ni Belle dahil wala akong magawa. Nakakatakot kapag buhay na ng isang tao ang ipinangbanta sa `yo. Pakiramdam mo wala kang karapatang humindi sa gusto niyang mangyari.
Nag-post si Joselle ng isang panibagong story. At siyempre, dahil loyal reader ako ni Joselle binasa ko iyon kahit na hindi nagko-comment at vote. Baka kasi makita ni Belle at pag-awayan na naman naming dalawa si Joselle. Madalas siyang magselos kay Joselle kapag nababanggit ko ang pangalan ni Joselle out of the blue. Gagawa agad siya ng eksena sa lugar kung saan kami magkasama para makahatak ng atensiyon ng mga tao. Syempre, wala akong magagawa kundi amuhin si Belle.
Ang ganda ng bagong story ni Joselle. Pero nagulat ako dahil pangalan naming tatlo nina Belle ang names sa characters niya. Nagsimula ang story kung saan binabasa ni Rico ang story ni Joselle hanggang sa magka-develop-an sila at hindi sumipot si Joselle dahil nagkasakit siya. Hindi ako nakatiis kaya gumawa ako ng panibagong account sa Wattpad with a named of You_Knew_Me_XXX para makapag-comment sa bagong story ni Joselle.
Nagbabaka sakali na mababasa niya iyong mga comment ko na para sa kanya at hindi para sa story niya talaga. Inilagay niya sa bagong story ang mga nangyari sa aming dalawa. Kung paano kami nagsimula at magka-develop-an pero may mga scenes na siyang idinagdag. Pero dahil sa galing niyang magsulat, naging realistic ang dating.
Damang-dama ko ang sakit sa pagkukuwento ng bida sa story ni Joselle. Pakiramdam ko iyon ang emosyon na nararamdaman niya habang isinusulat ang story na iyon. Masyadong masasakit ang pinagdaanan ng bida kung saan ang pinakamasaya na nangyari lang sa kanya ay ang nakilala niya ang lalaking bida which is... me?
Kahit si Belle ay nakikita kong binabasa na rin ang story ni Joselle at nagko-comment din. Hindi nagre-reply si Joselle sa mga nagtatanong kung totoo ba ang story niya or not dahil name niya ang pangalan ng bida. Nag-o-online lang yata siya sa Wattpad just to update her story. Mabilis niya itong tinapos dahil minsan sa isang araw two chapters ang update niya. Short story lang din iyon kaya in no time, natapos niya agad.
Gumawa ng ingay sa Wattpad ang story ni Joselle dahil sa sobrang ganda. Napapangiti ako at gusto ko siyang ipagmalaki pero wala naman akong karapatan. Nasaktan ko si Joselle, alam ko. At alam kong mas masasaktan pa siya kapag nalaman niya ang nangyari sa aming dalawa ni Belle at sa mga nangyayari pa.
Gumawa ako ng isang poem para kay Joselle sa dummy account ko at umaasang mababasa niya iyon. Isang tula na puno ng paghingi ng tawad at pagsasabi kung gaano ko siya kamahal. Doon ko ibinuhos sa tulang iyon ang lahat ng nararamdaman ko para sa kanya at pati na rin ang sinseridad kong paghingi ng tawad.
I love you, Joselle. Even you don’t deserve a love that came from me. I’m the biggest jerk you’ve ever met. Mas mabuti na siguro na layuan kita.
Mahigit limang buwan na rin ang lumipas simula nang mangyari ang lahat ng iyon. Limang buwan na kaming hindi nag-uusap ni Joselle pero hindi pa rin nagbabago ang pagmamahal ko sa kanya. Shit! Mahal na mahal ko pa rin si Joselle. Hindi ko alam kung bakit, pero siya pa rin ang laman ng puso at isipan ko. Limang buwan na rin ang lumipas nang may namamagitan pa rin sa aming dalawa ni Belle.
Hanggang isang araw, papunta kaming dalawa sa Manila para i-meet ang isang staff ng publishing company. Ipa-publish daw ang story niya kaya nagpasama siya sa akin para pirmahan ang kontrata. May sasabihin din daw siya sa akin na importante kaya kailangan ko raw sumama.
Pumayag akong samahan siya dahil wala naman akong magagawa. Pakiramdam ko ay sunod-sunuran ako sa lahat ng gusto ni Belle. Tang ina! Naging pang-Wattpad bigla ang buhay ko nang wala sa oras.
Naisip ko rin na si Joselle kaya makakapag-publish din? Alam kong oo dahil sa galing niyang iyon, hindi imposible na walang mag-offer sa kanya.
Bumaba na kami ng bus ni Belle nang nasa Manila na kaming dalawa. Tumambay muna kami sa isang kainan para kumain ng tanghalian. Habang kumakain kami, biglang may inilabas si Belle na isang pregnancy test.
“Rico, buntis ako,” nakangiti niyang sabi sa akin. “Tatlong buwan na yata...”
Nalaglag ang kutsarang hawak-hawak ko at napatitig sa kanya dahil sa sinabi niya.
Paanong mabubuntis ko si Belle? Alam kong maingat ako kapag may nangyayari sa aming dalawa.
Inisip ko iyong araw na una kaming nagkita ni Belle na may nangyari sa amin. Gusto kong isipin na hindi ako ang ama ng ipinagbubuntis niya pero sakto ang tatlong buwan na pagdadalang-tao niya sa tagal ng pagkikita namin.
“Sigurado ka bang ako ang ama ng ipinagbubuntis mo?” seryoso kong tanong sa kanya.
“Ano’ng tingin mo sa akin, malandi? Ikaw lang ang boyfriend ko, `no?” seryosong sagot din niya sa akin.
Lumabas kami ng restaurant na nawalan ako ng gana dahil sa sinabi ni Belle. Alam kong dapat akong maging masaya dahil may batang maisisilang dahil sa akin. Pero mas masaya sana ako kung si Joselle ang magiging ina.
Si Joselle lang ang mahal ko at wala nang iba.
I guess there’s no way in hell that Joselle and I will be get back together.
Again, Joselle... sorry.