noveltoon logo noveltoon
A Writer's Own Love Story

Chapter 3

Ch. 4 / 12 Apr 09, 2022

LUMIPAS ang mga araw na nasa kuwarto lang ako, nagkukulong at hindi masyadong lumalabas ng bahay. Parang buong katawan ko, masakit dahil sa nangyari. Natatawa ako at the same time umiiyak dahil who would have thought na masasaktan ako ng lalaking sa online world ko lang nakilala. Siguro naging malaking parte lang siya ng buhay ko kaya ganito. Siguro naniwala kasi ako sa kanya na ako lang ang gusto niya.

After all, sino nga ba ang lalaking magseseryoso sa kagaya ko? Hindi naman ako maganda at hindi rin malakas ang appeal. Unlike, Belle na maganda na, mayaman pa. Siguro nakita ni Rico ang mukha ni Belle kaya hindi na nagdalawang-isip si Rico para ipalit si Belle sa akin.

Pero ang sakit-sakit lang talaga. Paulit-ulit kong sinasabi ito sa sarili ko dahil iyon naman talaga ang nararamdaman ko araw-araw. Parang bawat araw, lalong lumalala ang sakit kapag naaalala ko si Rico.

Naaalala ko kung paano kami nagkakilala. Kung paano kami unang nag-usap. Ang mga tawanan at asaran naming dalawa. Ang mga tawa niya. Sa bawat araw na nagdaraan, lahat ng iyon, nami-miss ko. Nami-miss ko na si Rico. Miss na miss ko na siya pero wala akong magawa dahil masaya na siya sa iba habang ako ay nalulunod sa kalungkutan.

Hindi ko magawang makapagsulat dahil sa nangyari. Wala kasi akong maisulat na masayang pangyayari, which I needed for the latest chapter in my story. Paano ako makakapagsulat ng happy scenes kung tanging sakit ang nararamdaman ko sa mga oras na ito? Nagre-reflect kasi sa isinusulat ng writer ang kanyang nararamdaman. Kahit anong pilit kong magsulat, wala akong magawa dahil natatapos lang ito sa malungkot na pangyayari. Pinatay ko na lang ang computer at umiyak na naman nang walang sawa.

Until one day, I decided to move on. Wasn’t it ironic? Kailangan kong mag-move on para sa taong hindi naman naging akin kahit kailan. I just gave my heart to him a long time ago, trusting that he would not break my heart, but he did.

Mabilis na lumipas ang mga buwan pagkatapos ng mga pangyayari.

Isang buwan, dalawa, tatlo? Hindi ko na rin alam kung ilang buwan na ba ang lumipas.

I did my very best para mag-move on sa nangyari sa aming dalawa ni Rico. Hindi ko inakalang sobra akong masasaktan dahil sa nangyari. Who would have thought nga naman na minahal ko siya nang ganoon kahit na hindi pa kami nagkikita? Siguro, mabilis lang talaga akong ma-attach sa isang tao na akala ko seryoso sa akin.

I remembered every single days since that day. Umiyak lang ako nang umiyak na parang batang inagawan ng candy. Para akong tangang nagmukmok lang sa loob ng kuwarto ko at bihirang lumabas ng bahay.

Minsan, kapag nami-miss ko si Rico, binabasa ko uli ang mga mensahe na naiwan pa sa cell phone ko at inbox ko sa Wattpad. Mga mensahe kung saan masaya pa kaming dalawa. Mga panahong masasabi kong ako lang ang gustong makausap ni Rico at wala nang iba pa. Hindi ko inakalang magiging ganoon kaimportante ang isang taong na-meet ko lang online. Siguro, may something lang talaga kay Rico na hindi ko makalimutan. Kung ano iyon? Hindi ko rin alam.

Inisip ko noon kung bakit sa dinami-rami ng taong puwedeng manloko sa akin, bakit si Rico pa? At sa dinami-rami ng babaeng puwedeng ipalit sa akin, bakit si Belle pa? Bakit kaibigan ko pa?

Isang araw ay nagising na lang ako na pagod na sa kakaisip kay Rico. Pagod na ako sa mga ‘what ifs’ at ‘what could have been’. Nangyari na, eh. May nasaktan na. It was too late to apologize. May mga bagay na hindi na maibabalik pa kahit na magkausap pa kami ni Rico. Hindi na nga siya nag-abalang kausapin ako, `di ba? Two weeks lang akong nawala at pinalitan na niya agad ako.

Minsan, natatanong ko na lang ang sarili ko kung seryoso ba si Rico that time? O, sadyang nag-assume lang ako. Ito talaga ang mahirap sa mga babae, eh. Madaling mapaniwala sa mga sinasabi ng isang lalaki. Siguro, isa lang talagang matamis na candy si Rico na nakabalot sa isang plastic wrapper.

Pinangako ko sa sarili na magmo-move on na ako for real once I finished my new story.

Ginawa kong story ang nangyari sa amin ni Rico: a writer who falls in love with her reader. I wrote everything that happened. Syempre, few changes lang sa names para hindi obvious masyado. Pero the scenes, messages, pains and heartbreaks na naramdaman ko, inilagay ko lahat.

I didn’t write it to gain sympathy or attention or whatsoever. Isinulat ko iyon para may mapagtawanan ako after kong mag-move on sa kanya. Noong natapos ko ang story, hindi ko na binisita ang Wattpad account ko. Ilang buwan din akong nawala. Pinilit makalimot ang utak. Hinilom ang sugat. Ibinalik ang ngiti sa aking mga labi.

Hanggang magising na lang ako isang araw na nakakahinga na ako nang maluwag. Wala nang sakit, bigat sa pakiramdam at paninikip ng dibdib.

I visited my Wattpad account once again. I was bombarded with lots of personal messages. Nagulat ako dahil ang daming unreplied post sa message box ko. Pati iyong reads, votes and comments ng story ko about Rico ay pulang-pula.

A Writer’s Own Love Story.

3,364,264 reads •75,434 votes •13,843 comments.

Parang hindi ako makapaniwala sa nakamit ng story ko. Nag-hit ito at nalampasan pa ang isang story ko na laging sinusubaybayan ni Rico. Pinilit kong basahin isa-isa ang mga comments pero hindi ko kinaya. Masyadong madami at iyong iba, ang hahaba pa.

Ate Joselle, totoo po ba `yong story ninyong ‘A Writer’s Own Love Story’?

Ate, nasaan na si Rico? Saka ang kapal ni Belle, parang hindi kaibigan.

Ate, okay lang `yan. Makakahanap ka pa ng bagong lalaki.

Natatawa ako sa mga violent reaction nila kay Rico at Belle. May mga comment pang nagbabanta sa buhay nilang dalawa. Mabuti na lang pala dahil binago ko ang mga last names nila sa story. Kung mababasa nila ang true to life story ko, baka sabihin pa nilang ang bitter ko sa kanilang dalawa.

Habang nagbabasa ako ng mga naiwang comments sa story, may isa akong hinahanap na username na sana mag-comment din. Pero agad kong pinigilan ang sarili. Tinatak ko sa isip na kailangan ko na siyang i-let go totally. So I did.

One time, habang online ako sa Wattpad at nire-reply-an ang mga new messages sa akin, may bago na namang dumating. It was from Belle. A new username. Natandaan ko lang na siya iyon dahil sa mga old stories na nasa kanyang My Works.

Belle: OMG, Sis! It’s been a while. Mabuti naabutan kitang online. Kumusta ka na?

Pinag-isipan kong mabuti kung re-reply-an ko ba siya o hindi. Pero I chose to click reply button. Ayokong magpaka-bitter sa kanilang dalawa ni Rico. Tulad nga ng sinabi ko, okay na ako. Wala na sa akin `yong nangyari. At least, natutunan ko na ang lesson ko.

Joselle: I’m fine, Sis. Galing lang sa bakasyon kaya biglang nawala.

Belle: Halata nga, eh. These past few months kasi nag-o-online ka lang kapag nag-a-update ka ng new story mo. Grabe sis, ang ganda-ganda ng ‘A Writer’s Own Love Story’, as in. Kung hindi ko iisipin na fiction ito, maiisip ko bigla na true to life, eh. You named your characters after me and Rico.

Joselle: Hahaha! Work of fiction lang `yan, Sis. Wala kasi akong maisip na ibang names kaya kayo na lang ang inilagay ko. Okay lang naman, right?

Belle: Oo naman. It’s my pleasure pa nga, eh. Ang galing mo talagang writer. Even Rico, dalang-dala sa eksena, eh.

I stared at my computer’s screen because of what Belle replied to me. Hindi agad nag-sink in sa utak ko ang sinabi niya. Nang na-digest na ng utak ko ang reply niya, swear to God, parang gusto kong lumubog mula sa kinauupuan ko.

So, what did that mean? Alam na ni Rico ang lahat-lahat? Alam na niya ang lahat ng masasakit na pinagdaanan ko these past few months. Parang gusto kong sumigaw dahil sa sinabi ni Belle.

Belle: I hope you’re not angry with me, Sis.

Pinag-isipan ko uli kung magre-reply ba ako sa last message ni Belle. I even tried to weigh what was in my heart. Kung galit ba ako sa kanya or not?

And a reply came up.

Joselle: Before, nagalit ako, but not anymore. Wala na `yon. Kalimutan na natin `yon :)

Nang tinamad na ako sa pagre-reply sa mga messages, nag-explore muna ako sa Wattpad. Naghanap ako ng mga magagandang mababasa. Click lang nang click ng profile hanggang ma-stuck ako sa isang profile na color black ang display picture.

You_Knew_Me_XXX ang kanyang username. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Weird. Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon ang pakiramdam ko. Parang may kung anong gumalaw sa tiyan ko.

I stalked his or her profile. Tiningnan ko rin ang latest vote niyang story. “Nang Dahil sa Wattpad” ang story na iyon. May mga comment din siya.

Name: Biggest Jerk

Location: Bulacan, PH

Votes: 143

Iyan lang ang tanging information na nakalagay sa bio ng profile niya. Binasa ko rin ang nakalagay sa may bandang ibaba.

You’re my favorite chapter that happened to my life. Our story might not be a whole story but at least, I’ve experienced meeting you.

May isang work na naka-post sa profile niya. Isang tula dahil nakalagay doon ang title which is SORRY.

Sorry

I love you so very much,

Even though at times I do things that hurt,

I try so hard to hope that you always see,

How much you being in my life means to me,

I am sorry yet again for causing you pain.

That is the last thing I ever wanted to do,

Even when I am trying to look out for you and do the right thing

I messed up, I am sorry for that, too.

I hope that you still know how much I love and cherish you,

Like nothing else in my life gives me the thrill of being loved by you.

So I hope that you listen and see it in my eyes,

this sincere apology that comes with tears from deep inside.

Damang-dama ko ang bawat salita sa tulang ginawa niya. It was all about regret. Pinagsisihan niyang sinaktan niya ang taong mahal niya. Ewan ko, pero parang naaawa ako sa kanya. Siguro, mahal na mahal niya ang taong iyon.

One time, habang nasa twitter ako, may nag-tweet sa akin. Isang publishing company.

@JoselleHerrera: Hi, Joselle, would you like to publish your story ‘A Writer’s Own Love Story’ in print? Please let me know. Email me at [email protected]

Akala ko troll lang pero pag-view ko ng profile nila, ang daming followers. Nasa bio rin nila ang iba’t ibang sites na nagsasabing legit ang company nila. Besides, uso na rin naman ang published book galing sa Wattpad kaya I replied to their tweet immediately. Sinabi kong okay lang sa akin at nag-reply naman agad sila ng isang meet-up for me at sa head ng publishing company to discuss the contract.

Tahimik lang ako about sa future na pagpa-publish ng story ko. May ilang nakaalam pero pinakiusapan ko silang manahimik muna hangga’t hindi pa ako nakakapirma ng contract. Nabasa ko rin sa status ni Belle sa Wattpad na pati siya ay makakapag-publish din.

Noong sinabi na sa akin ang details kung saan ko imi-meet ang head ng publishing company, nag-ready na agad ako kinabukasan.

Thirty minutes early akong dumating sa meeting place namin. Mabuti naman dahil twenty minutes pa lang ay nandoon na agad si Miss Silvia. Ito ang head ng publishing company.

“Wait lang, Joselle, ah? Hintayin natin si Belle. Para sabay ko nang idi-discuss ang contract sa inyo,” sabi sa akin ni Miss Silvia.

“Sino pong Belle? `Yong Belle143 po ba sa Wattpad?” tanong ko.

“Yes. Kilala mo pala siya?”

“Friend ko po siya.”

“Nice,” sagot naman ni Miss Silvia.

Nag-order kami habang hinihintay si Belle na malapit na raw. Para akong natatae dahil sa excitement dahil makikita ko pala si Belle ngayong araw. Alam kaya niyang kasama niya akong pipirma ng contract ngayon?

“They are here na,” narinig kong sinabi ni Miss Silvia. Tumayo siya, saka kumaway para malaman ni Belle kung nasaan kami.

Nang mapatingin ako sa entrance ng coffee shop, muntik ko nang maibuga ang iniinom kong coffee dahil sa nakita ko.

Si Belle na may kasamang isang lalaki.

Magka-holding hands silang dalawa.

Nakangiti si Belle nang malapad. Pero agad ding nawala nang makita niya ako. Habang ang kasama niyang lalaki ay hindi na maalis ang pagkakatingin sa akin.

Ang guwapo pala talaga niya sa personal. Kung macho siya sa picture na ipinakita niya sa akin, mas macho at guwapo siya sa malapitan.

Nararamdaman kong nagpapawis ang noo ko dahil sa kaba. Hindi ko alam ang gagawin ko. Parang gusto kong mag-back out at umalis na ng coffee shop. Hindi pa ako ready na makita siya sa personal.

“Hi, Belle. This is Joselle. Magkakilala na kayo, `di ba?” tanong ni Miss Silvia kay Belle nang umupo sila ng kasama niya sa harap ng inuupuan ko.

“Yes po,” magalang na sagot ni Belle.

“Sino `yang kasama mo?” tanong ni Miss Silvia habang nakangiti.

“Si Rico po, Miss Silvia,” pagpapakilala niya sa kasama. “Boyfriend ko po.”

Si Rico na boyfriend niya.

Napangiti ako nang mapakla.

Tumingin ako kay Belle saka ngumiti. Tumingin din ako kay Rico at nginitian ko rin siya.

“Hi, Belle. Hi, Rico,” sabi ko sa kanila. “Nice to meet the both of you.”

“Joselle…”

Pagbanggit ni Rico sa pangalan ko. Para akong nanigas sa kinauupuan ko. Hindi tinatanggal ni Rico ang mga mata sa akin.

Hanggang sa maramdaman ng puso kong hindi pa pala ako okay.

Hindi pa pala naghihilom nang tuluyan ang sugat sa puso ko.

Si Rico.

Si Rico na naging dahilan kung bakit ko naisulat ang “A Writer’s Own Love Story.”