noveltoon logo noveltoon
A Writer's Own Love Story

Chapter 6

Ch. 7 / 12 Apr 09, 2022

One word.

Seven letters.

That changed my life forever.

I never imagined that my life would be so complicated like this. Parang kailan lang kung saan at paano ko na-discover ang Wattpad. Dahil iyon sa mga kaklase kong babae na may pinag-uusapan.

Araw-araw nilang pinag-uusapan ang isang babae at isang lalaki. Kung gaano daw sila ka-in love sa lalaking bida at kainggit sa babaeng bida. At first, I thought it was a new show sa isang television. Tinanong ko pa nga sila kung saan mapapanood pero bigla silang nagtawanan.

“Story kasi iyon sa Wattpad, Rico. Isang site na kung saan makakabasa ka ng mga libreng story.”

Iyan ang eksaktong sinabi sa akin ng isa sa mga kaklase ko. Natawa na lang ako at napailing. Kuwento lang pala? Mga babae talaga, masyadong hopeless romantic, eh. Akala nila na ang buhay nila ay matutulad sa isang kuwento na kanilang mababasa. I set aside what she said. Hindi naman kasi ako mahilig magbasa kaya I had no time for that crap.

Katatapos ko lang maglaro ng DOTA one time at wala na akong magawa. Chinat ko iyong isa kong kaklase na nagsabi sa akin about Wattpad. Nakalimutan ko pa nga kung ano iyon, eh. Akala ko Mattpad.

“Wattpad, Rico. WATTPAD.” Pagkatapos ay ibinigay niya ang link. “www.wattpad.com. Iyan, masyado kang slow.”

Amp! Natawag pa akong slow ng babaeng ito. Nagpasalamat ako sa kanya at pinuntahan ang site na sinasabi niya. Siyempre, dahil bago pa lang ako sa Wattpad kaya wala akong alam. Hindi ko alam kung paano gamitin ang site na iyon. Natatanga ako sa mga bagay-bagay na nakalagay sa site. Kaya piniem ko uli ang classmate ko, asking kung paano gamitin ang Wattpad at saka kung anong magandang story ang basahin.

“Basahin mo `yong ‘Loving E’ ni Joselle Herrera. Maganda `yon. `Yon ang lagi naming pinag-uusapan ng mga kaklase natin.”

Hindi ko mahanap iyong story na sinasabi niya kaya naman hiningi ko na rin ang link sa kanya. Nainis pa nga siya dahil ang dami ko raw tanong at panigurado raw naman na magsasawa raw ako sa babasahin ko dahil hindi naman daw ako mahilig magbasa. Nagpasalamat uli ako sa kanya at hindi na siya kinulit pa.

First chapter pa lang ng kuwentong Loving E ang binasa ko at na-hook up na ako. Ang galing ng author mag-narrate nang nangyayari sa chapter na iyon. Detailed, kumbaga. Iyong scenes, masyadong vivid at talagang maiisip mo. Pakiramdam ko nga saksi mismo ako sa nangyayaring kuwento at isa ako sa mga bida. Habang patagal nang patagal kong binabasa ang kuwentong Loving E, lalo akong humahanga sa author. Pakiramdam ko, hindi siya isang feeling writer lang dahil base sa pagsusulat niya, para na siyang isang professional.

Hindi ko tinigilan ang story niya hanggang hindi ako nakakaabot sa latest chapter. Nasa chapter ten pa lang ang story at sabi ng classmate ko bago pa lang daw kasi. Atat na atat na ako sa mga mangyayari kaya pati ang mga classmate ko ay tinatawanan na ako.

“Gumawa ka ng account, Rico. Tapos i-message mo si Joselle.”

Sinunod ko ang sinabi nila. Gumawa ako ng account sa Wattpad. Unknown_XXX ang username ko. Wala kasi akong maisip, eh.

Medyo nagagamay ko na ang paggamit ng Wattpad kaya ayos na ako. Si Joselle Herrera lang ang author na pina-follow ko. Sabi pa nga ng mga kaklase ko, magbasa raw ako ng ibang story, pero sabi ko, ayoko. Masyado akong nagagalingan kay Joselle kaya pakiramdam ko, magiging cheater ako. Loyal kaya ako sa story niya. LOL!

Habang wala pang latest update iyong author, binasa ko uli ang mga previous updates niya. Lahat binoto ko at nag-comment na rin ako. Lumipas ang mga araw at linggo na nagbabasa ako ng story niya kasabay ng comment at vote. Todo-comment ako kapag masyadong intense ang update. Pakiramdam ko, ako ang bida. Ako ang niloloko. Ang bading man pakinggan, pero ganoon talaga ang nararamdaman ko.

Nagkamali nga ako dahil akala ko, hindi ako maaadik sa Wattpad. Who would have thought na ang isang lalaking tulad ko ay gagawa ng account para lang magbasa? Ang bading pero wala, eh. Magaling talaga ang author, eh.

Katatapos ko lang basahin ang latest update ni Joselle Herrera nang bigla akong nakatanggap ng isang notification. Nagulat ako nang nakita kong nag-post daw sa message box ko ang pinaka-idol kong writer. Shit! Halos mapasigaw ako mula sa kinauupuan ko noon. Para akong tangang napapangiti dahil sa nakita ko. Nanginginig pa nga ang mga kamay ko nang pinindot ko ang mouse to view what she posted.

Thank you sa pagbabasa ng story ko :)

Napamura ako nang nabasa ko iyon. Para akong timang na kilig na kilig. Sino’ng nagsabing hindi kinikilig ang mga lalaki? Gago! Kinikilig din kami. Isang patunay na kaya naming kiligin kapag ang hinahangaan namin ay bigla kaming kinausap. Biglang napansin ang tulad naming humahanga sa kanila at nalaman na nag-e-exist kami sa mundo.

WOW! Nananaginip ba ako? Totoong bang napadalaw ka sa profile ko Ms. Author? Wala pong ano man, author. Ang ganda po kasi ng story ninyo.

Iyan ang isinagot ko sa kanya. Atat na atat ako sa reply niya. Todo-refresh pa nga ako kung nag-reply na ba siya o hindi pa. Lumipas ang limang minuto noon pero hindi na siya nag-reply. Pakiramdam ko ay nanlumo ako dahil panandaliang kaligayahan lang pala ang naramdaman ko. I even screen-captured her message on me. Wala lang, remembrance lang. Bwahahaha!

Pero nagulat ako nang may sumulpot na namang reply sa akin si Joselle.

Walang ano man. Salamat din kasi binabasa mo ang story ko.

Wala na. Taena. Ngiting-aso na naman ako. Pakiramdam ko mapupunit na ang mga labi ko dahil sa lapad ng ngiti ko. Ganito pala ang feeling kapag kausap mo ang taong hinahangaan mo. Ang bilis ng tibok ng puso mo. Para kang nauubusan ng sasabihin at naiinis sa sarili dahil wala nang masabi. Kaya agad-agad akong nag-isip ng reply sa kanya para humaba pa ang pag-uusap namin. Shit! Hindi ko alam kung kailan mauulit ito kaya kailangang matagal ang pag-uusap naming dalawa.

Tumagal nga ang pag-uusap naming dalawa ni Joselle. Nagkuwento ako sa kanya ng mga katatawanan. Ang saya-saya sa pakiramdam noon at hindi ko na namalayan na inabot na kaming dalawa ng hating-gabi sa pag-uusap. Nagsimula kami sa message box ko hanggang sa lumipat kami sa chat ng Meebo. Pakiramdam ko, ay ang tagal na naming magkakilala. Sinasakyan ni Joselle ang mga biro ko kaya napaisip ako kung masaya rin ba siya na kausap ako? Kasi ako, sobrang saya, eh.

Lumilipas ang mga araw at patuloy pa rin kaming nag-uusap ni Joselle kapag online kami parehas. She even followed me kaya na-flatter ako. Feeling ko, ang guwapo ko dahil doon kahit na hindi niya pa ako nakikita. Hehe!

Isang araw habang nag-uusap na naman kaming dalawa ay bigla niyang naitanong ang pangalan ko.

JoselleHerrera: Ano nga’ng pangalan mo? Ilang araw na tayong nag-uusap pero hindi ko pa rin alam ang pangalan mo. Puro ‘uy’ lang tuloy ako sa `yo. Hehe!

Unknown_XXX: Rico po, Author. :)

Medyo natagalan si Joselle sa pagre-reply kaya naisip kong baka nag-offline na siya. Bigla tuloy akong nalungkot dahil hindi na kami nakapag-usap. Pero agad nawala ang kalungkutan ko dahil nakatanggap ako ng isang notif galing kay Joselle.

JoselleHerrera: Are you sure na lalaki ka?

Tawa ako nang tawa sa reply niya dahil hindi siya makapaniwalang lalaki ako. Lagi niya kasi akong tinatawag na ‘uy’ o kaya naman minsan ay ‘girl’ pero hindi ko siya itinama dahil nahihiya ako.

Unknown_XXX: Opo. Bakit? Hindi ako bading, Author. Ang guwapo ko naman para maging bading. Hehe!

JoselleHerrera: Lalaki ka pala tapos hindi mo man lang ako itinama. Girl tuloy ako nang girl sa `yo.

Pakiramdam ko ay nainis sa akin si Joselle dahil nalaman niyang lalaki ako. Ang dami na tuloy agad katanungang tumatakbo sa isipan ko. Kakausapin pa kaya ako ni Joselle ngayong nalaman niyang lalaki pala ako? Pero alam kong hindi ganoon si Joselle dahil sa mga sumunod niyang reply.

Unknown_XXX: Sorry na po. Guwapo lang. Hehe!

JoselleHerrera: Wait—ilang taon ka na ba?

Unknown_XXX: Eighteen po, Author.

JoselleHerrera: We’re the same age, so drop the ‘po’ thingy. Saka Joselle na lang ang itawag mo sa akin. Ang awkward kasi kung author. Haha!

Mabuti naman at hindi siya nagalit sa akin. Nakipag-usap pa rin siya sa akin after. Nalaman ko rin na parehas lang kaming dalawa ng edad kaya sabi niya na `wag na raw ako mag-’po’ sa kanya. Ang taray din pala ni Joselle. Hehe!

Lagi na kami nag-uusap ni Joselle kapag online kaming dalawa sa Wattpad. Kuwentuhan ng kung ano-anong nangyari sa amin maghapon. Alam ninyo ang feeling na kahit hindi pa kayo nagkikita, eh, komfortable na kayo sa isa’t isa? Ganoon ang nararamdaman ko sa kanya. Weird, pero ang saya sa pakiramdam. Hindi na nga ako gumagala after school para lang makauwi sa bahay namin at makausap si Joselle. Sobrang saya sa pakiramdam.

Inasar ko rin si Joselle nang nalaman kong mahilig siya sa mga emo songs. Akala ko nga emo siya dahil doon. I never liked emo girls pero nang nalaman kong emo songs ang trip niya, dedma ako. Siguro, ganoon talaga kapag gusto mo ang isang tao? Ang mga ayaw mo dati ay nagugustuhan mo na kapag ang taong gusto mo ang involved.

We shared information, too. Nalaman kong taga-Makati si Joselle at third year college na rin siya sa kursong Information Technology. Sinabi ko kung taga-saan naman ako at kung anong kurso ko. Madalas ko ring turuan si Joselle ng assignments niya sa Math. Hehe!

Isang beses nga nang katatapos ko lang siyang turuan ng panibago niyang assignments, sinabi ko na may kapalit iyon. Akala ko tatanggi siya, pero sinabi kong kapalit niyon ay ang update ng kanyang story. Lagi namang nag-a-update si Joselle pero iyon na lang ang sinabi ko. Pero ang gusto ko talaga ay ang picture niya ang kapalit. Na-curious kasi ako dahil medyo matagal na kaming nag-uusap pero hindi pa namin nakikita ang isa’t isa.

Aba! Balahura ka talaga! So, ano pala?

Puwedeng makahingi ng picture mo? Para naman makita ko ang hitsura mo.

Medyo natagalan siyang mag-reply kaya akala ko ayaw niya. Nawalan na tuloy ako ng pag-asang makita siya. Sinabi na rin sa akin ng mga kaklase ko na ganoon daw talaga sa Wattpad. Iyong ibang author ayaw ipakita ang mukha nila kaya tanggap ko na rin na hindi magpapakita si Joselle ng picture.

Pero nagulat ako nang mag-send siya ng isang link ng photobucket. Nanginginig ang kamay kong clinick iyon para tingnan kung ano iyon. Isang picture na halatang kuha sa isang kasal. Akala ko nga siya ang ikinasal, pero mukhang kapamilya o kamag-anak niya.

Napangiti ako habang tinititigan ang picture ni Joselle sa monitor ng computer ko. May light makeup si Joselle at nakaayos din ang kanyang buhok. Tangna! Hindi ko na naman mapigilan ang ngiti sa mga labi ko.

Pinuri ko si Joselle kahit alam kong ayaw niya sa compliment. Siya ang tipo ng taong ayaw nang pinupuri dahil nakaka-awkward daw. Sabi ko sa kanya, ang ganda niya. Akala niya nga binobola ko lang siya, eh, pero hindi naman. Nanghingi uli ako ng picture. Iyong walang ayos at simple lang. Nag-send uli siya at napamura talaga ako sa isipin ko.

Joselle was too simple. Isa siyang babaeng tingin ko ay mahiyain. I loved observing things kaya masasabi kong base sa picture na ipinakita ni Joselle ay isa siyang taong tahimik sa personal. Nakangiti rin siya kaso maliit lang. Kaya I thought Joselle was too quiet when it came to her feelings.

Para maging fair ay nag-send din ako ng picture ko. Iyong picture kong matino at hindi ako haggard at mukhang dugyot. Ayokong ma-turn off sa akin si Joselle kaya kailangang magpa-impress ako sa kanya. Ang isinend ko sa kanya ay kuha noong lumaban akong Mr. Bulacan last April. Naka-beach shorts lang ako noon at topless. Hindi naman sa pagmamayabang pero ma-appeal ako at maganda ang katawan ko. Naggi-gym kasi ako every weekend kaya maipagmamalaki ko rin ang katawan ko.

Hiningi ko na rin kay Joselle ang number niya para hanggang text ay makakapag-usap kaming dalawa. Nakakatigang kasing maghintay o mag-isip kung mag-o-online ba siya or hindi. Kaya para sigurado, pati sa text guguluhin ko na siya.

Minsang online ako ay bigla akong nakatanggap ng isang private message. Hindi galing kay Joselle ang mensahe kundi galing sa iba. Belle143 ang username niya sa Wattpad. Bigla ko tuloy naisip na bakit niya ako piniem. Nag-‘Hi’ siya sa akin. Pinag-iisipan ko kung magre-reply ba ako o hindi. Pero bigla kong natandaan na kaibigan ito ni Joselle. Minsan kasi ay nakita ko silang nag-uusap na dalawa. So I said ‘Hi’ in return.

Sa totoo lang, medyo nairita ako doon sa Belle143 dahil sa mga mensahe niya sa akin. Masyado siyang matanong at nag-iinvade na siya ng privacy. Hindi pa naman kami magkakilala, eh. So, dahil sa inis ko ay hindi ko na siya ni-reply-an pa. Bahala na kung magalit si Joselle if ever sabihin niya sa akin na hindi ko nire-reply-an ang kaibigan niya. Nakakainis kasi. Parang hindi babae kung makapagtanong.

Habang nasa school ako at ka-text si Joselle ay napansin ng mga kaklase namin na todo-ngiti ako. Akala nila na may nilalandi na naman ako sa text. Hindi ko kasi sinabi sa kanila na nakaka-text ko ang paborito nilang author. Mahirap na, dahil baka siraan pa nila ako kay Joselle KO! Oo, akin na si Joselle! Babasagin ko ang mukha ng aagaw sa kanya mula sa akin.

Inamin ko na kay Joselle na gusto ko siya. Naglakas loob na ako na umamin. Napansin ko kasi ang pagbabago ko mula nang makilala ko si Joselle. Ilang buwan pa lang ang nakararaan pero hindi na ako lumalandi sa ibang babae. Tanging siya na lang ang priority ko. Hindi na rin ako gumagala kasama ng mga barkada ko dahil alam kong mambababae lang sila. Ayokong mambabae dahil pakiramdam ko, lolokohin ko lang si Joselle. As much as possible gusto kong maging maayos ako habang hindi pa kaming dalawa. Hehe!

I like you, too, pag-amin niya rin sa akin.

Tang ina! Promise napamura ako nang sinabi ni Joselle iyan sa akin. Napasigaw ako at napatalon-talon pa dahil sa sobrang saya. Shit! Hindi ko ine-expect na magugustuhan ako ni Joselle. Ng babaeng hinahangaan ko dahil sa galing magsulat. Isang babaeng napakagaling na writer ng paborito kong story. Sa sobrang saya ko ay inilibre ko ang mga kaklase ko ng lunch namin. Akala nila sinagot na ako ng isa sa mga nilalandi ko pero sinabi ko sa kanila na kapag sinagot na ako ng babaeng pinopormahan ko, sagot ko pa hanggang dinner nila. Haha!

Tawa nang tawa sa akin si Joselle nang tinawagan ko siya. `Wag daw akong feeler dahil hindi pa niya ako sinasagot. Sabi ko, handa akong ligawan siya. Aaraw-arawin ko ang pagpunta ng Makati from Bulacan para lang ligawan siya.

Nag-set kami ng date kung saan at kailan kami magkikita. Nagsabi si Joselle ng date, time at place at okay naman sa akin. Isang linggo pa pero shit lang, excited na ako. Para akong natatae dahil sa sobrang excitement. Madami na agad plano ang naisip ko. Iyong mala-Wattpad. Iyong mala-novel na date na nababasa ko. Alam kong ganoon ang gusto ni Joselle kaya ganoon ang plano ko.

Nakabuo ako ng isang date para sa aming dalawa ni Joselle. Todo -porma ako nang araw na iyon. Siyempre, unang beses kaming magkikita ng babaeng gusto ko, kaya gusto ko maging memorable iyon. Ang aga kong bumiyahe papunta ng Manila. Pansin ko rin iyong mga babaeng napapatingin sa akin. Alam kong guwapo ako, pero sorry kayo. May babae na akong nagugustuhan, kaya sorry uli. Hehe!

Bumili ako ng isang dosenang red roses habang naghihintay sa meeting place namin ni Joselle. Kabado talaga ako at excited. Ano kayang suot ni Joselle? Nag-make up kaya siya? Sana hindi. Mas maganda kasi siya kapag simple lang.

Ang aga kong dumating. Isang oras pa bago ang oras na pinag-usapan namin ni Joselle. Pero ayos na ito. Mas magandang ako na ang maghintay kaysa siya. Kahit malayo ang pinanggalingan ko, ayos lang. Makita ko lang ang babaeng gusto at hinahangaan ko.

Lumipas ang dalawang oras pero hindi pa rin dumarating si Joselle. Tinext ko siya kung nasaan na siya pero hindi siya nag-reply. Inisip ko lang na baka na-traffic o baka nawalan ng load, pero sure akong darating iyon. Ilang tao na ang dumating at nag-alisan sa coffee shop na pinagtatambayan ko pero walang Joselle na dumadating. Kapag may pumapasok sa loob ng shop ay napapatingin ako at umaasang baka si Joselle na iyong dumating.

Pero wala.

Apat na oras akong naghintay pero walang Joselle na nagpakita. Sabi ko sa sarili ko, isang oras pa at aalis na ako. Pero dalawang oras na naman ang lumipas pero wala pa ring Joselle akong nakikita.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa nangyari. Tang ina! Nagagalit ako dahil sa ginawa ni Joselle. Nagmukha akong tanga sa kahihintay. Sana nag-text o tumawag man lang siya na hindi siya darating. Shit! Gusto kong magwala. Iniwan ko iyong one dozen of roses sa loob ng coffee shop at lumabas.

Tumingin muna ako sa buong paligid kung nandiyan na ba si Joselle pero wala pa rin.

Habang naglalakad ako papuntang terminal ng bus ay naiiyak ako. Pinipigilan ko lang ang sarili ko na `wag tumulo ang luha. Effort wasted, tang-ina! Ilang linggo kong pinag-ipunan itong date namin. Ilang linggo akong nagtipid at nag-aksaya ng oras para lang isipin ang memorable date na gagawin namin pero walang nangyari. Hindi naman siya dumating.

Nakasakay na ako sa bus. Doon na tumulo ang mga luha ko sa galit.

Tang-ina! Manloloko!

Writer nga talaga itong si Joselle. Napagmukha niya akong tanga.

Naiyak ako nang ganito dahil sa isang babae na nakilala ko lang sa online world.