ILANG araw na ang lumipas simula nang magkita kami ni Rico at sabihin niya sa aking buntis si Belle. Pero kahit ilang araw na ang lumipas, ang pakiramdam ko sa dibdib ay lalong sumasakit kapag naiisip kong magkakaroon na siya ng anak at si Belle pa na kaibigan ko ang magiging ina. Masyadong masakit dahil ang lalaking mahal ko at ang kaibigan ko pa. Bakit ba kailangang mangyari ito?
Hindi ko maiwasang hindi maiyak sa gabi kapag naiisip ko ang mga bagay na iyon. Iniisip ko na lang na sana... isa lang itong masamang panaginip at paggising ko kinabukasan ay kaming dalawa pa rin ni Rico ang magkausap. Walang Belle na pumapel sa masaya naming buhay. Pero kahit anong pilit ko sa sarili na panaginip lang ito, magigising pa rin ako kinabukasan na nasa totoong mundo ako kung saan lahat ng bagay ay hindi mo na puwedeng balikan.
Sana kaya ng isang writer na baguhin ang isang pangyayari sa kanyang buhay tulad ng mga nangyayari sa isinusulat niya. Sana kayang gawing madalian ang masasakit na pangyayari na nararanasan namin katulad sa bawat istoryang nagagawa namin. Ito ang mahirap sa totoong mundo, eh. Hindi mo puwedeng isulat ang gusto mong mangyari dahil hindi tayo ang author ng mundong ito kundi Siya.
Sometimes, I’m asking Him why I have to experience this kind of pain. Hindi kasi ordinaryong sakit ang nararanasan ko. Hanggang sa mga buto at mga kalamnan ko, tumatagos. Sa araw-araw na lumilipas, lalong sumasakit. Akala ko nakalimot na ako, pero hindi pa pala talaga lubusan. Pero kahit ilang ulit ko Siyang tanungin wala akong makuhang sagot. Siguro, He has a better plan and Rico didn’t include to his plan for me.
Nagkulong ako sa kuwarto ko para tapusing i-edit ang kuwento ko na ipa-publish soon. Kailangan kong ayusin ang ibang pangyayari sa kuwento kaya kailangan ko pang basahin ang mga chapters na naisulat ko. There, while reading A Writer’s Own Love Story, I cried again. Bigla ko kasing naalala ang mga panahon na kakakilala ko pa lang kay Rico. Ang mga panahong masaya kaming dalawa na nag-uusap sa online at sa cell phone. Ang mga panahong tinuturuan niya ako sa mga assignments ko at binabasa niya ang mga story ko.
Ang mga panahon na kausap ko siya hanggang gabi at text niya agad sa umaga ang babasahin ko. Hindi ko alam na puwede palang mabasag ang puso nang ilang ulit. Pero alam kong maaari iyon. Dahil sa bawat pagbabasa ko ng kuwentong sinulat ko, ang puso ko mismo ang nababasag nang ilang beses.
Kinalkal ko ang mga dati naming pag-uusap ni Rico sa private inbox ko sa Wattpad. Ang dami kong new messages na hindi nire-reply-an pero hindi sila ang binasa ko. Ang tagal na naming walang komunikasyon ni Rico kaya natambakan na ang dati naming mensahe sa isa’t isa. No’ng nahanap ko na ang mensahe niya at binasa ang mga dati naming pag-uusap. Hindi ko na naman napigilang hindi maiyak habang nakatutok sa screen ng computer ko.
Nasasaktan ako sa mga nababasa ko pero nasisiyahan din.
Rico, kailan kaya uli kita makakausap nang ganito? Kailan kaya uli kita makakausap na ang tanging ngiti lang sa labi ang mararamdaman ko at hindi tutulo ang mga luha ko?
Napatingala na lang ako para pigilan ang mga luhang lalabas sa mga mata ko, pero nabigo ako. Hindi sila sumunod sa gusto kong mangyari. Kusa silang tumulo at lumabas sa mga mata ko. Nakakainis na mga mata ito. Hindi ka ba napapagod na umiyak? Hindi na siya babalik. Hindi na kahit kailan.
Kinausap din ako ng mga admin’s ko sa A Writer’s Own Love Story Facebook page. Madami raw kasing nagre-request na magkaroon ng meet-up. Pinag-isipan ko kung papayag ba ako o hindi, pero I came up for an answer of yes. Nagulat kasi ako dahil noong nag-announce sila na kung gusto ng meet-up, dinumog ng thousand likes and hundreds of comments ang comment box. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti dahil sa pagsuporta nila na ipinaparamdam sa akin at sa kuwentong isinulat ko.
Habang nagbabasa ng mga comments nila ay biglang may isang comment ang nakakuha ng atensiyon ko.
Sic Santos: Joselle, pupunta ba si Rico and Belle sa meet-up? Hehe! Joke lang!
Ang daming likes and replies ng comment na iyon na galing kay Sic Santos. Gusto ko sanang mag-reply pero mas pinili kong manahimik na lang dahil baka gumawa pa ng issue ang sagot ko. Matagal ko nang itinanggi na based from my experiences ang story dahil sa mga pangalang kilala nila pero they kept guessing na true to life ito. Matatalino talaga ang mga readers dahil alam nila kung totoo o hindi ang isang kuwento.
My admin’s set a date kung kailan at saan ang meet-up na mangyayari. Ang daming nag-confirm na pupunta dahil sa mga message box at PM’s na natatanggap ko. Ang iba ay magdadala pa raw ng remembrance para sa akin. Nakakataba ng puso, at the same time ay nakakaiyak dahil nag-uumapaw ang kasiyahan sa puso ko.
Ako pa naman ang tipo ng tao na ayaw makaramdam nang sobrang saya dahil pakiramdam ko, may kapalit itong matinding kalungkutan.
Nagpapasalamat ako na kahit mawawala si Rico sa akin nang tuluyan, siya naman ay napalitan ng hindi lang isa kundi napakaraming taga-support, hindi lang sa kuwento kundi na rin sa sarili ko.
One day before ng first meet-up ko for my readers ay nakatanggap ako ng two unexpected PM’s galing sa mga taong naging malaking parte ng buhay ko. From Belle and Rico.
Una kong binasa ang mensahe ni Belle.
Belle : Sis, pupunta ako sa meet-up mo bukas, ah. See you! :)
Agad na nag-init ang ulo ko dahil sa mensahe niya. What now? Hanggang meet-up ko ba, aagawan niya pa rin ako ng spotlight? Gusto ko siyang reply-an na `wag na at ipaubaya na ang meet-up sa akin tutal ipinaubaya ko na si Rico sa kanya. Pero I don’t have the guts to do so. Wala akong lakas ng loob para sabihin sa kanya iyon dahil alam kong masasaktan siya. Ako lang yata ang taong mas pipiliin na lang masaktan para sa kapakanan ng iba, eh.
Nice people always experience the worst bullshit ever.
So, what does that mean? Pupunta si Belle, eh, di pupunta rin si Rico? Oh, my God. Akala ko magiging masaya ako sa meet-up na ito pero hindi pala. Paano ako magiging masaya kung nandoon din ang dalawang tao na naging dahilan ng kalungkutan ko? Gustong-gusto talaga nila akong nasasaktan. Hindi sila marunong maawa. Hindi talaga.
Nanginginig ang mga kamay ko nang binasa ko ang message sa akin ni Rico. Galing sa Unknown_XXX niyang profile ang message niya.
Unknown_XXX: See you tomorrow.
Iyan lang ang sinabi niya pero nagbigay agad ito nang sobrang kaba sa dibdib ko. Iba talaga ang epekto kapag si Rico ang nagme-message sa akin. It’s either napapangiti niya ako o nasasaktan dahil sa mensahe niya. For now, sabay kong naramdaman ang dalawang emosyon.
Hindi ako makatulog nang gabi iyon hindi dahil sa excitement kundi dahil sa mga posibilidad na mangyari. Ang daming readers na pupunta na for sure kilala si Belle. Kilala rin si Belle sa Wattpad world dahil sa mga rated SPG niyang story. Paano kung may taong maka-discover na si Belle at Rico nga ang Belle at Rico na nasa kuwento? Hindi ko alam ang gagawin ko dahil baka mahimatay ako nang wala sa oras.
Hindi ko na tanda kung anong oras ako nakatulog, pero sigurado akong madaling araw na iyon. Gumising ako na sobrang kaba ang nararamdaman sa dibdib dahil ilang oras na lang at simula na ng meet-up. Kumain na ako at nag-ayos para bumiyahe. Pakiramdam ko ay nahihilo ako dahil sa sobrang antok nang nasa bus ako pero hindi naman ako makatulog. Thousand of thoughts are running in my mind at the moment.
Pero sa lahat ng excitement na nararamdaman ko, mas nae-excite akong makita uli si Rico, sa totoo lang. Kahit nasasaktan ako dahil sa mga titig niya, parang kaya kong tiisin basta makita ko lang uli siya.
It was crazy how you can go days or even weeks without talking to someone and they still cross your mind everyday.
Dumating ako ng meeting place namin na ang dami na agad readers na nandoon. Mabuti na lang pala, maagang dumating ang mga Admin’s ko para asikasuhin sila. Agad hinanap ng mga mata ko ang dalawang taong nagbigay ng kakaibang kaba sa dibdib ko, pero hindi ko sila mahagilap. Sana nagbago na ang plano nilang `wag pumunta nang sa ganoon ay maging masaya ako sa first meet-up ko.
Habang nakikihalubilo ako sa mga readers ay nagsimula na silang magtanong.
“Ate Joselle, totoo ba talaga ang A Writer’s Own Love Story?”
“Ate Joselle, kung totoo man iyon, nakakainis si Rico. Hindi siya tunay na lalaki kasi hindi ka niya kayang ipaglaban.”
“Gusto kong saktan iyong dalawang `yon, Ate Joselle. Lalo na `yong malanding Belle na `yon. Anong klase siyang kaibigan at nagawa niyang agawan ng mahal `yong kaibigan niya. Mamatay na siya.”
Tanging ngiti at iling lang ang isinagot ko sa mga tanong nila. Hindi ko alam kung paano sasagutin dahil alam ko namang ramdam nilang totoo ang kuwento.
Nagpatuloy ang meet-up na tanging kuwentuhan at picture-an ang naganap. Hindi talaga ako mahilig magpa-picture dahil mahiyain ako sa harap ng camera pero para sa readers ko, tiniis ko. Gusto kong suklian ang pagsuporta nila sa akin at effort na pagpunta sa meet-up.
Nasa kalagitnaan kami ng pagkukuwentuhan ng ilan sa readers ko nang may biglang tumawag sa pangalan ko. Lahat kami ay napalingon sa pinanggalingan ng boses.
“Joselle!”
Nakangiting dumating si Belle sa meeting place na ang tanging suot ay maikling short at blouse. Nakatodo porma pa siya at parang pupunta sa club sa ganitong oras. Parang ako ang nahiya dahil sa suot niya, sa totoo lang.
“Hi, guys! Alam kong kilala ako ng iba sa inyo. Magpapakilala na rin ako para sa mga hindi nakakakilala sa akin.” Tumabi siya sa gilid ko at saka ngumiti. “I’m Belle on Wattpad. Mapa-publish na rin ang story ko kaya sana bumili kayo. Hehe!”
Gusto kong mag-roll eyes dahil sa sinabi niya. Hay! Attention seeker. Gusto kong umalis sa kinatatayuan ko at lapitan ang iba kong readers pero hindi naman ako nilulubayan ni Belle. Lagi siyang nakasunod sa akin at kinakausap ako. Lalayo lang siya kapag may gustong magpapirma sa kanya or magpa-picture. The rest, nakabuntot na siya sa akin.
“Nakakainis si Rico. Hindi niya ako sinamahang magbiyahe. May pupuntahan daw kasi siya. Bahala nga siya diyan, hindi ko siya re-reply-an sa text,” pagrereklamo sa akin ni Belle habang nakaupo kami sa Starbucks coffee. Kaunti na lang ang readers na natira dahil ang iba ay nagpaalam na.
Nagulat ako sa sinabi niya dahil akala ko pupunta rin si Rico. Naalala ko kasing nag-PM siya sa akin kagabi na, ‘see you tomorrow’. So, ano’ng ibig sabihin n’on?
Gusto ko rin sanang itanong kay Belle kung totoong buntis siya pero baka magtaka siya kung paano ko nalaman. Baka isipin niyang lihim kong kinakausap si Rico nang hindi niya alam. So, I chose to be quiet kahit kating-kati na akong tanungin siya.
“Alam mo, Joselle, Rico is a perfect boyfriend talaga. Lagi niya akong tine-text tuwing umaga hanggang gabi. Masyado rin siyang possessive. Hirap talagang maging maganda. Hehe! Kidding.”
Hindi ko naintindihan ang sinabi ni Belle dahil bigla akong nakaramdam nang panlalamig ng katawan. Parang may taong kanina pa ako tinititigan dahil hindi ako komportable. Ganoon kasi ako kapag alam kong may tumititig sa akin. Biglaang nagtataasan ang mga balahibo ko. Inikot ko ang paningin sa lugar na kinauupuan ko, pero wala naman akong makitang nakatingin sa akin. Siguro paranoid lang ako.
“At `eto pa, Joselle. Minsan `di lang ako nakapag-text kay Rico nagalit na siya sa akin. Sabi niya, kung niloloko ko ba raw siya? Grabe, `no?” pagpapatuloy ni Belle sa kuwento niya.
Napatango na lang ako at napangiti nang matipid bilang sagot. Napatingin naman ako sa iniinom na nasa harap ko at pinag-iisipan kung ibubuhos ba ito kay Belle o `wag na. Pinipigilan ko lang ang sarili ko dahil ayokong gumawa ng eskandalo dito sa Starbucks. Besides, may delekadesa naman ako kaya ipapaubaya ko na lang kay Belle ang mga nakakairita niyang pinagsasabi.
Nanatili pa si Belle nang ilang oras at nagpaalam na rin. Mabuti naman dahil atat na atat na akong umalis siya, eh.
“Baka magalit sa akin si Rico kapag before six PM ay wala pa ako sa Bulacan. Parang asawa, `no?” Tumawa siya. “Sige, Joselle, bye. Bye, readers. Thank you!”
Kumaway si Belle for the last time at naglakad na palayo sa amin.
Napahinga na lang ako nang malalim dahil sa pag-alis niya. Mabuti naman dahil nawala na ang nakakairita sa buhay ko.
“Nakakainis ang author na `yon,” narinig kong sabi ng isa sa natitirang reader ko na si Sic Santos. Nagpakilala siya kanina kaya natandaan ko ang pangalan niya. “Ang arte-arte. Akala mo naman ang ganda, mukha namang aso. Sorry, Joselle, ah? Pero real talk, eh.” Nagtawanan naman iyong ibang mga readers na kasama namin.
Medyo palubog na ang araw nang magpaalam na silang aalis na dahil baka gabihin daw sila. Nag-picture-an kami for the last time. Nagpasalamat na ako sa pagpunta nila. Paalis na rin sana ako sa harap ng Starbucks nang may lalaking tumayo sa harap ko.
He’s wearing a polo shirt na kulay-blue kaya bumabakat ang ganda ng katawan niya at maong short. Nakasuot din siya ng shades. May bitbit din siyang paper bag.
Shit!
Si Rico!
Hindi ako makagalaw sa inuupuan ko. Nakatingin lang ako sa kanya. Tinanggal niya ang shades na suot niya at saka umupo sa harap ko. Mabuti na lang pala at umalis na si Belle at ang ibang readers, kundi naabutan siya.
“Ang tagal umalis ni Belle kanina kaya nag-ikot muna ako sa mall na `to,” sabi niya sa akin at saka ngumiti. “`Wag mo akong tingnan nang ganyan, Joselle. Alam kong guwapo ako,” pagbibiro niya.
Agad akong nag-iwas ng tingin at nagsisimula nang ayusin ang bag ko para makaalis na sa Starbucks. Pag-alis ko, nakasunod lang sa akin si Rico. Hindi ko alam kung ano bang gusto niyang mangyari.
“Bakit ka ba sunod nang sunod? Nakakairita ka naman,” sabi ko sa kanya.
Tumawa lang siya. “Ang sarap mo talagang inisin, Joselle. Ganyan ba ang pagtrato mo sa mga readers mo na pumunta ng meet-up mo? Nakaka-hurt ka naman.” Humawak pa siya sa dibdib niya at umaktong nasasaktan.
“Seriously, Rico? `Wag mo nga akong buwisitin!”
Kahit naiinis ako sa kanya sa mga oras na ito ay hindi ko pa rin mapigilan na hindi maging masaya sa loob ko.
Pumunta siya, Joselle. He came!
“Hindi naman kita binubuwisit, ah? `Di ba sinabi ko ngang pupunta ako dito sa meet-up mo?”
“Tapos na ang meet-up, kanina pa. Uuwi na ako.” Inirapan ko siya.
“Exactly my point, Joselle. Tinapos ko lang ang meet-up mo kasi gusto kitang masolo.”
Sumakit ang dibdib ko dahil sa sinabi niya. `Ayan na naman siya sa mga sweet words niya. `Ayan na naman siya sa mga salitang matatamis na naging dahilan kung bakit ako umasa na mahal niya rin ako. Nagsisimula nang magtubig ang mga mata ko kaya kinagat ko ang labi ko para mapigilan ang pagtulo ng mga luha.
“Ano ba’ng gusto mong mangyari, Rico? At puwede ba, tigil-tigilan mo `yang mga ganyang salita? Hindi mo alam kung sino ang sinasaktan mo, eh,” sabi ko sa kanya. “Please be considerate naman sa feelings ng ibang tao. Hindi lang ikaw ang may damdamin sa mundo.”
“Ano’ng gusto ko? Ikaw, Joselle,” seryoso niyang sagot sa akin. Nakatitig lang siya sa mga mata ko. “Ikaw lang ang gusto ko, Joselle. Tang ina! Wala nang iba.”
“Pero may Belle ka na,” sagot ko sa kanya.
“Ikaw lang ang mahal ko, Joselle,” pagmamakaawa niya.
“Enough, Rico,” pagpapatigil ko sa kanya. “Enough with your lies. Masyado nang masakit dito. Sobra na. Maawa ka na.”
Pansin ko ang mga luha sa gilid ng mga mata niya.
“Hindi lang ikaw ang nasasaktan. Mahal kita, eh. Putang ina! Mahal na mahal kita, eh,” sagot niya sa akin. “Nagagalit ako sa sarili ko kung bakit ako naipit sa sitwasyong `to. Parang kahapon lang, kakakilala pa lang nating dalawa. Parang kahapon lang, masaya pa tayo. Pero ngayon, ang layo-layo na natin sa isa’t isa. Tang ina! Kung may choice lang ako, Joselle. Itatanan kita. Kaso wala, eh. Alam ko namang hindi ka rin sasama sa akin.”
“Kahit sabihin mo `yang mga `yan, Rico, wala nang magbabago. Hindi na kita kayang mahalin. Magiging ama ka na. Kailangan ka ng mag-ina mo.”
“You don’t need to love me back, Joselle. Just… just please... just allow me to love you. Even it hurts loving a person who doesn’t reciprocate his feelings.” Tumulo na ang mga luha sa kanyang mga mata.
Dahan-dahang lumapit si Rico sa akin at tumayo sa harap ko. Niyakap niya na naman ako nang mahigpit. Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ni Rico. Katulad ng bilis ng tibok ng puso ko.
“Sana nararamdaman mo ang tibok ng puso ko, Joselle,” narinig kong bulong niya.
Nakakahiya man sa mga taong nakakakita sa eksena naming dalawa, pero wala akong pakialam. Sa mundo ko ngayon, kaming dalawa lang ni Rico ang nag-e-exist.
“Joselle for the last time...” Narinig ko uli siyang nagsalita. “Sana mag-date tayo. Ituloy natin iyong naudlot nating date. And after that, hindi na kita guguluhin pa kahit kailan.”
Bumuhos ang mga luha ko dahil sa sinabi niya.
Ano’ng ibig sabihin ng hindi na niya ako guguluhin kahit kailan?