noveltoon logo noveltoon
A Writer's Own Love Story

Epilogue

Ch. 12 / 12 Apr 09, 2022
Prev Next

IT WAS eight months ago when I started writing online in a website called Wattpad. Out of boredom, I started writing my own love story—a story that I always wanted to happen to me. Girls tend to be a hopeless romantic, right? That’s why we drown ourselves wasting our precious time reading, writing and imagining sweet scenarios in our mind. We are hoping that these stories would happen to us someday.

I used to be aloof in the real world. Mas preferred ko na nag-iisa ako at walang kasama. Mas gusto kong nasa isang sulok lang ako ng isang lugar habang pinagmamasdan ang mga taong dumadaan. By that, nakakapag-isip ako ng maikling stories kung saan ang ‘what ifs’ and ‘what could have been’ ko ay nabubuo.

Because of Wattpad, I met lots of people. I couldn’t imagine myself if I didn’t have the chance to meet these people who are now part of my life. Ang dami kong nakilalang tao na naging kaibigan ko, naging importante sa akin at sa buhay ko at ngayon ay nakakasalamuha ko na araw-araw.

I thought Wattpad only features free online stories. Hindi pala, dahil pati mga kaibigan ay kaya niyang ibigay. Because of Wattpad, I am now surrounded by tons of friends that I just met online. Wattpad was like a place for a big meet-up around the globe. Makakausap mo kasi kahit sino even if they were from the farthest parts of the world.

Because of Wattpad, I became a person that I didn’t imagine to be in the first place. Who would have thought that from a “feeling online writer”, I’d become a published writer. That’s Wattpad. A website that gives so many opportunities to its user.

Because of Wattpad, I met this guy. A guy that changed my life forever. A guy that led me to write my own love story wherein you can read my own pain, heartbreaks and agony. A guy that proves to me that no matter how much you love each other, you have to set him free because someone out there needs him the most. A guy that started as my reader, turned into someone special in my heart. A guy that pushed me and served as my inspiration to achieve what I have in my life right now.

Rico Jaime Rodriguez.

What a beautiful name for a guy.

I always thought that for a guy, reading a book sucks. But he proved me wrong. He proved to me that a guy could also read a book. Be affected by what he’s reading, cry because of pain, express his love undyingly, and to top them all, be vulnerable when he’s in pain.

Limang buwan na ang nakararaan mula nang huli naming pagkikita ni Rico. Limang buwan na ang lumipas magmula nang sabay naming panoorin ang pagsikat ng araw kasabay nang pagpapalaya sa isa’t isa. Mula nang araw na iyon, wala na akong balita sa kanya. He deactivated his Wattpad account, too. Mahirap noong una pero kapag naiisip ko ang huling pag-uusap namin ni Rico, nagkakaroon ako ng inspiration to move forward. Nangako ako sa kanya na magiging professional writer ako, which I am right now.

And for Belle? Wala na rin akong balita sa kanya. Kasabay ng pag-deactivate ng account ni Rico ay ang pagkawala ng account niya. Hindi na rin siya nag-publish ng book sa publishing company na parehong nag-offer sa aming dalawa. Hindi na rin siya na-contact ni Miss Silvia. Hindi ko alam kung anong nangyari, pero siguro it was Rico who decided it.

Siguro, malaki na ang tiyan ni Belle and Rico decided for Belle to focus on her pregnancy for her own good. Mas mabuti naman iyon, right? Na mag-focus na lang si Belle sa pagbubuntis niya kaysa ma-stress pa.

Hindi ko maiwasang hindi mapangiti nang mapakla kapag naiisip kong masaya sina Rico at Belle. Pero dumadating pa rin ako sa point na maging masaya na lang for them at para sa bata. Hinihiling ko na lang na sana maging maayos sila bilang pamilya.

“EH, MISS SimplyChummy, ano po ang inspirasyon ninyo sa pagsusulat ng Avah Maldita? And instead of writing romance stories, bakit naisip ninyo ang maldita story?” narinig kong tanong ng isang reader sa katulad kong writer na nandito sa stage nakaupo.

Nagkaroon kasi ang Wattpad company from other country ng meet-up dito sa Pilipinas at mismong sa Manila ginanap. Meet-up para sa readers, writers at published writers. Kasalukuyang nakahanay sa stage lahat ng mga well-known writers na nakapag-publish na ng sariling stories into books at nag-e-entertain ng mga tanong sa mga dumalo sa meet-up.

Narinig kong tumawa si SimplyChummy. “Seryoso, wala talaga akong inspirasyon. If ever meron, dala lang ito ng boredom ko at dala lang ito ng pagkabuwisit ko sa isang tao.” Humalakhak si SimplyChummy kasabay ng mga nanonood. “`Yon naman ang maganda, right? Hindi nasayang ang pagkainis mo sa isang tao. Instead, naging daan pa ito para sa magandang opportunity sa akin. Besides, hindi rin ako marunong gumawa ng romance story. Nakokornihan ako sa sarili ko. Parang nakakasuka. So, I chose writing a maldita story dahil maldita naman ako. Hashtag relate.” Napatawa ako sa sinabi niya and at the same time napatango rin.

Iyon naman ang maganda, `di ba? Iyong gagamitin mong inspirasyon ang pagkainis mo sa isang tao para magkaroon ng magandang achievement sa buhay. At least, hindi nasayang ang oras mo sa pagkainis mo sa kanya.

“Next question would be for Miss Joselle Herrera.”

Nagulat ako at agad napatingin sa babaeng nakatayo sa harap na nasa tapat ng microphone. Ngumiti ako sa kanya at hinihintay iyong itatanong niya.

“Is it true na true to life story daw po ang A Writer’s Own Love Story , Miss Joselle?”

Nahatak ng tanong niya ang atensiyon ng lahat ng nanonood. Parang lahat ay hinihintay ang magiging sagot ko. Siguro, lahat sila curious din dahil first time ko lang sasagutin itong tanong na ito sa personal.

Ngumiti muna ako bago sumagot.

“I already answered this question so many times before, kahit hindi pa napa-publish ang story into book. But since you asked it again, I’d answer it,” sabi ko. “No, it’s not a true-to-life story. I just used my name as the lead protagonist kasi wala akong ibang maisip, eh.” Nagtawanan ang mga tao na nasa harap and even the writers na nasa gilid ko. “Sino ba’ng ayaw na maging bida sa story? Wala, `di ba? Because at some point in our lives, we all wish na maging bida sa isang kuwento. So, yeah, it’s not true-to-life.”

“May follow-up question pa po ako.” Ngumiti uli siya. “If ever po na totoo nga `tong story, ano na pong buhay ni Joselle, Rico and Belle ngayon?”

“Maybe, Joselle is now a person who wants to become a professional writer. Parang ako lang. Haha!” Lumunok muna ako bago sinagot ang about kina Rico and Belle. “And for Rico and Belle... maybe they’re now a one big happy family.”

“Last na follow-up question na po `to,” huling hirit niya.

“Ano ba `yan? Ang daming tanong ni Ate. Quiz bee, `te?” Biglang nagtawanan ang mga tao dahil sa sigaw na iyon. Nakita kong nagtago si Sic Santos sa gilid. Haha! Kulit talaga nito.

“Tse! Papansin talaga itong si Sic. Well anyway, Miss Joselle. What if po biglang magkrus ang landas nina Joselle and Rico. Let’s say na totoo nga ang story. ‘Tapos po hindi pala si Rico ang tatay ng ipinagbubuntis ni Belle. Is there any chance for them to be together?”

Napalunok na naman ako dahil sa tanong niya. Bakit pakiramdam ko ang hirap ng tanong? Sa ibang writer naman ang dadali lang, pero pagdating sa akin biglang ganito? I guess, nahihirapan lang akong sagutin dahil totoo naman kasi ang story at kahit minsan hindi ko naisip na may possibility na magkita uli kami ni Rico.

“Joselle, samahan mo naman muna ako sa food court. Nagugutom na ako, eh.” Lumapit sa akin si Karen a.k.a. SimplyChummy habang hawak-hawak ang tiyan niya.

“Ngek? Ang layo naman ng food court dito. Nasa fourth floor pa ‘tapos nasa dulo. May pagkain para sa atin ang Wattpad organizer kaya humingi ka na lang doon,” sabi ko sa kanya.

“Eh, ayoko. Sige na, please. Libre kita.” Ngumiti pa siya sa akin habang hinihintay ang sagot ko.

Akala naman niya madadaan niya ako sa libre.

“Hmm… sige na nga.”

Tama siya dahil madadaan ako sa suhol.

Habang naglalakad kami ni Karen papunta sa food court ay nagkukuwento lang siya. Pero hindi naman pumapasok sa utak ko ang mga sinasabi niya dahil bigla akong may narinig na dalawang babae na nag-uusap.

“Sino kaya `yon? Ang guwapo niya, `no? May hawak pa siyang one dozen na white roses. Para kanino kaya `yon?”

“Baka para sa isang author. Baka naman boyfriend `yon ng isang author.”

“Aww! Ang sweet naman n’on.”

“Hoy, Joselle. Kanina pa kita kinakausap,” pag-agaw ni Karen sa atensiyon ko dahil sa sinabi niya. Nakapila na kaming dalawa dito sa food court.

“Ay, sorry. May iniisip lang ako,” sabi ko. “Narinig mo ba `yong pinag-uusapan n’ong dalawang babae kanina? May guwapo daw na may hawak ng one dozen of white roses kanina, eh. Nakita mo ba?” curious na tanong ko sa kanya.

Lumaki naman ang ngiti ni Karen. “Yihh. Bakit, crush mo `yong guwapong `yon, `no?”

“Baliw! Hindi ko nga nakita.” Inirapan ko siya nang pabiro.

“Haha! Joke lang. Oo, nakita ko `yong guwapo kanina. Kausap siya ni Miss Silvia, ah? Hindi mo ba nakita?” Umiling ako. “Lagi ka kasing nakayuko at parang may sariling mundo. Pero ang guwapo n’ong lalaki. Naka-shades pa siya. Pang-fictional character `yong mukha niya.”

Tumango na lang ako sa sinabi ni Karen at wala nang tinanong pa. Naalala ko kasi siya sa fictional character. Si Rico lang kasi ang nakita ko na ang mukha at katawan ay pang-fictional character na nababasa ko sa mga story.

Bumili kami ni Karen ng pagkain saka kumain na rin sa food court. Noong tapos na kaming kumain ay ayaw pang umalis ni Karen sa kanyang kinauupuan.

“Hoy, tara na. Isang oras na tayong wala, eh,” sabi ko kay Karen.

“Sandali lang. May hinihintay lang akong text,” sagot niya habang nakatingin sa cell phone. “OMG! `Eto na! Shit! Kinikilig ako! Mukhang may mangyayaring nakakakilig ngayon sa Wattpad meet-up, ah.”

“Huh? Ano’ng pinagsasabi mo diyan?” naguguluhan kong tanong sa kanya.

“Wala, haha! Tara na dali.”

Hinila naman ako ni Karen sa paglalakad at nagmamadali siya. Kung puwedeng itulak lahat ng nakakasalubong namin ay ginawa na niya dahil sa pagmamadali. Mabuti na lang hindi ako nagsusuot ng mga sandals na ang tataas ng takong kundi pilay ang abot ko kay Karen.

Pagbalik namin sa ground floor kung saan ang Wattpad meet-up lahat ng tao ay napatingin sa amin ni Karen.

Okay, anong meron?

Naiilang ako sa mga tingin nila kaya nakayuko lang ako habang naglalakad kami ni Karen papunta sa stage kung saan nakatayo ang ibang writers. Ano bang meron? Bakit hindi ko yata alam na merong ganitong program?

“Mabuti naman dumating na kayo. Game na!” sigaw ni Miss Silvia habang nasa gilid ng stage. Nag-signal siya ng thumbs up kaya nag-play ang music.

“Your Guardin Angel” ang tugtog sa background music.

“Ano bang meron?” tanong ko kay Karen na nasa tabi ko.

“Hindi ko rin alam. Basta…” kinikilig na sagot niya.

May boses na kumanta kaya biglang nagtilian ang mga tao sa harap namin. Naguguluhan ako pero agad naagaw ang atensiyon ko n’ong boses na kumakanta.

Hindi kasi maganda ang boses niya at ang trying hard. Wala sa tono ang pagkanta. Gusto kong tumawa pero pinipigilan ko lang ang sarili ko.

“Ang sakit sa tainga ng boses, mabuti na lang ang guwapo niya,” natatawang sabi ni Karen. Kaya tinapik ko siya at baka may makarinig ng sinasabi niya.

Bigla na namang nagtilian ang mga nanonood—mostly mga babae. Natuon ang atensiyon nila sa gilid. Napatingin din ako at nakita ko ang isang lalaki na naka-polo at pantalon. May suot din siyang shades at may hawak na one dozen of roses sa kaliwang kamay habang hawak naman ng kanang kamay niya ang microphone.

“OMAYGAD ANG GUWAPO TALAGA!” tili ng mga tao sa lalaking kumakanta. Ngumiti lang ang lalaki at nagpatuloy sa pagkanta.

Hindi ko magawang ngumiti o kumurap dahil sa nakikita ko. THIS. CAN’T. BE. HAPPENING. Nananaginip lang ba ako? Shit! Totoo ba ito? Siya ba talaga ang kumakanta na may hawak na one dozen ng puting rosas?

Umakyat siya ng stage habang nginingitian ang mga writer na nadadaanan. Nagsibaba naman ng stage ang mga writer na kanyang dinadaanan hanggang sa ako na lang at si Karen ang natitira.

“Ano ba, Joselle. Bitiwan mo ang kamay ko at bababa na ako.”

“Bakit ka bababa? Bababa na rin pala ako,” sagot ko sa kanya.

“Hindi puwede. Dito ka lang habang kinakantahan ka niya.” Nagpupumiglas si Karen saka tumakbo pababa ng stage. Tatakbo na rin sana ako pero agad nahawakan ni Rico ang kamay ko.

Rico... Shit! Ano ba’ng nangyayari?

“I got you, Joselle,” sabi niya habang nakatapat pa ang microphone sa bibig. “Saan ka pupunta? Hindi na kita papakawalan pa.” Nagtilian ang mga nanonood dahil sa kanyang sinabi.

Rinig na rinig kasi iyon ng buong crowd dahil may hawak siyang microphone.

Napatingin ako sa kamay ni Rico na nakahawak sa braso ko. Saka ko tinuon ang mga mata sa mukha niya. Bakit lalo siyang gumuwapo ngayon? Paano si Belle? Alam ba ito ni Belle? Ang daming mga katanungan na agad pumasok sa isip ko dahil sa lalaking ito na nakatayo sa harap ko.

“Ano’ng ginagawa mo rito?” tanong ko sa kanya habang ini-ignore ang sigawan at tilian ng mga taong nasa harap ng stage.

“Ano’ng ginagawa ko rito?” sagot niya habang nakangiti. “Sinusundo ko lang ang babaeng pinakamamahal ko.”

Patuloy pa rin ang pagtugtog ng kanta pero hindi na kumakanta si Rico. Nakatuon lang ang pansin niya sa akin.

Nilapit niya ang kanyang mukha sa mukha ko. Tanging kakaunting space na lang ang nakapagitan sa mga mukha namin.

“Sinusundo ko na ang babaeng pinakamamahal ko sa lahat. The girl that I just met because of Wattpad. Ang babaeng hindi ko inaakalang mamahalin ko kahit lumipas na ang ilang buwan. The girl that become my idol because of Wattpad. And because of Wattpad, I’ll never let her go again, ever.”

Hindi ako nakagalaw dahil sa kanyang sinabi. Hindi agad nag-sink in sa utak ko ang mga sinabi niya dahil ang gulo-gulo ng utak ko.

Sinabayan pa nang malakas na tilian at sigawan ng mga tao ang sinabi ni Rico. Napatingin ako sa gilid ng stage at pati ang ibang writers kinikilig din habang nakatingin sa aming dalawa.

Ang dami kong gustong malaman pero siguro mamaya ko na lang tatanungin kay Rico. Sa ngayon, kailangan ko munang i-enjoy ang moment na ito dahil finally, after ng ilang buwan, nakita ko uli siya.

“Because of Wattpad, the two of us saw each other again. And this time, hindi na talaga kita uli papakawalan pa,” sabi ni Rico habang lalo niyang inilalapit ang mukha sa akin.

Hinihintay kong dumampi ang mapupulang labi ni Rico pero biglang naagaw ang atensiyon ko ng isang boses na nagsalita.

“Miss Joselle?”

Bumalik ako sa realidad kung saan nakaupo pa rin pala ako sa stage at may hawak na microphone. Nakatuon pa rin ang pansin ng lahat ng tao sa akin at may hinihintay yatang sabihin ko.

“Ano uli `yon?” tanong ko sa kanya.

“Uulitin ko po ang tanong ko. What if po biglang magkrus ang landas nina Joselle and Rico. Let’s say na totoo nga ang story. ‘Tapos po hindi pala si Rico ang tatay ng ipinagbubuntis ni Belle. Is there any chance for them to be together?” pag-uulit niya sa tanong.

Hindi ko pala nasagot ang katanungan dahil sa biglaang story na naman na nabuo sa isipan ko. These past few months, kapag naaalala ko si Rico bigla-bigla akong nakakabuo ng isang maikling kuwento kung saan ang ‘what if’ ko na naman ay nabubuo. Hay, mahirap ito. Bigla kasi akong napapatulala at parang ang lalim ng iniisip.

“Well… maybe there’s a small possibility. But hey, even that small possibility may lead you to disappointment. Siguro if ever magkita silang dalawa one day at kung pareho pa rin ang tinitibok ng puso nila, I’ll write a sequel for the second book of their lives. After all, love is sweeter the second time around, right?” Saka ako ngumiti.

Pagkatapos ng tanong na iyon sa akin, ibang author na ang tinanong. Hay, mabuti naman dahil parang hindi ako makahinga sa bawat tanong na ibinabato sa akin. Para kasing inuungkat na naman ang nakaraan. Limang buwan pa lang naman ang nakakalipas kaya medyo sariwa pa sa alaala ko ang mga nangyari. Pero sabi nga nila, everything will be okay in the end.

Isang masigabong palakpakan ang ibinigay ng mga readers sa aming mga writers nang matapos ang question and answer portion.

After ng tanungan session nagpalaro naman ang organizer ng Wattpad meet-up. Nagkaroon ng mini quiz bee at published book with author’s dedication ang premyo. Pagala-gala naman muna ako at nakikipag-picture-an sa mga readers na hindi sumali sa games. Kuwentuhan at tawanan saka bolahan na rin. Hehehe!

Nagkayayaan ang lahat ng writers na kakain muna bago kami magsiuwian pero hindi na ako sumama. Masyado na kasing dumidilim at baka wala na akong masakyan na bus pauwi sa amin. Ang hirap pa naman ngayong sumakay dahil nag-uuwian ang mga taong galing sa trabaho nila.

Nang may dumating na bus ay agad akong sumakay. Kasabay kong sumakay ng bus ang sobrang daming tao. Mabuti na lang at nauna akong nakasakay kundi nakatayo ako habang umaandar ang bus.

Sa may bandang dulo ako umupo.

Dahil sa sobrang dami kong dalang gamit at mga bagay na remembrance na ibinigay sa akin ng mga reader, nasanggi ito ng lalaking katabi ko nang tumayo siya para bumaba. Nahulog tuloy ang ilan sa sahig kaya todo-yuko ako para makuha ang mga nalaglag.

May umupo sa tabi kong lalaki pero hindi ko nakita ang hitsura dahil abala ako sa pagpulot. May isa na lang natitira na papel na nasa paanan ng lalaking tumabi sa akin. Kukunin ko na sana kaya lang bigla rin naman siyang yumuko para kunin ang papel na nasa paanan niya.

“Sa `yo ba `to?” tanong niya sa akin.

Dahan-dahan akong tumango at napatingin sa mukha niya. Agad nanlaki ang mga mata ko dahil sa lalaking katabi ko ngayon sa bus.

Ano’ng ginagawa niya dito sa bus na ito at katabi ko pa siya?

“Kumusta, Joselle? I miss you,” nakangiti niyang sabi sa akin.

Ilang buwan na ang lumipas pero ganoon pa rin ang ngiti niya. Lalo siyang gumuwapo at mas lumaki na rin ang katawan niya.

Because of Wattpad, nakita ko na naman siya.

Ang lalaking naging inspirasyon ko sa pagsusulat ng sarili kong kuwento.

The End