noveltoon logo noveltoon
A Writer's Own Love Story

Chapter 10

Ch. 11 / 12 Apr 09, 2022

MADALAS magtalo ang puso at isip ko sa pagdedesisyon about kay Rico lately. Gusto na ng isip ko na kalimutan si Rico dahil alam kong wala nang pag-asa habang ang puso ko naman ay kinokontra ito. Napapagod na ang isip ko sa kakaiyak pero ang puso ko, walang sawa. Pero sa mga oras na ito, habang yakap ako ni Rico nang mahigpit, ang dalawang pinakaimportanteng bahagi ng katawan ko ay nagkaisa.

They were saying na pumayag na ako sa huling hiling ni Rico.

And besides, gusto ko ring malaman kung ano’ng ibig sabihin ng hindi na niya ako kukulitin kahit kailan?

Shit! I was literally crying while typing this. Naalala ko kasi ang mukha ni Rico noong panahon na iyon. Parang sa aming dalawa, siya ang mas nasasaktan. Parang iyong sakit na nararamdaman ko ay walang-wala compared to him. Anyway, don’t mind this. Go on reading.

Naramdaman kong lalo akong niyakap ni Rico kahit may mga taong dumadaan at napapatingin sa aming dalawa. I guess, walang pakialam si Rico sa mga taong nakakakita ng eksena naming dalawa. Pakiramdam ko, nawala lahat ng sakit na nararamdaman ko habang hinahagkan niya ako. Feeling ko, ang saya-sayang mamuhay sa mundo. Ganito ba talaga ang pakiramdam kapag yakap ka nang mahigpit ng taong mahal mo? It felt like everything was going so smooth.

Puwede bang maging selfish muna? Puwede bang kahit ngayon lang, sarili ko munang kaligayahan ang isipin ko? I know, pag-aari na siya ni Belle. But, puwede bang kahit sa mga oras na ito sa akin muna si Rico? Puwede naman iyon, `di ba?

Gusto kong pahintuin ang oras habang yakap niya ako. Gusto kong tumigil muna sa pag-ikot ang oras at ang mundo. Para naman sa ganoong paraan ay mas matagal pa akong mayayakap ni Rico. Ng lalaking nakilala ko sa online world. Ng lalaking naging parte ng kuwento ko at ng lalaking minamahal ko sa mga oras na ito.

“Joselle, please.” Narinig kong nagsalita si Rico bago tumingin sa mga mata ko nang deretso. May luha na naman sa gilid ng mga mata niya. “After ng date natin, hindi na kita guguluhin. Pangako.”

Tumingin din ako sa mga mata niya. Bakit ganito? Bakit kailangan pang umabot sa punto na kailangan naming masaktan parehas nang ganito katindi?

This was indeed the real world. We couldn’t control what’s going on in our life.

Dahan-dahan akong tumango kay Rico. Sana nakuha niya ang sagot ko dahil sa tango ko. Ngumiti si Rico kasabay ng pagtulo ng mga luha niya.

Lumayo siya nang kaunti sa akin at saka tumalikod. Akala ko kung ano’ng gagawin niya, pero nagpunas lang pala siya ng luha sa mga mata. Napangiti ako dahil sino nga ba’ng mag-aakala na si Rico na lalaking-lalaki ay umiiyak sa harap ko. Akala ko, sa movies o sa stories lang iyong mga ganoon, pero hindi pala. Si Rico ang patunay na umiiyak din ang mga lalaki kapag nasasaktan.

“Hindi mo alam kung gaano ako kasaya na pumayag ka, Joselle,” sabi niya sa akin at lumapit na naman sa harap ko. Akala ko kung ano’ng gagawin niya, iyon pala ay pupunasan lang ang mga luha ko. “Don’t cry. Masyadong mahal ang mascara mo para umiyak ka lang.”

“Sira! Hindi ako nagma-mascara.”

“I know. Kasi alam kong hindi ka gumagamit ng kung ano-ano sa mukha. Mas prefer mo na simple lang.” Ngumiti siya. “Kaya nga nagustuhan kita, eh. Kasi you proved to me that simplicity is the real beauty.”

Inaya ako ni Rico na pumunta sa parking lot kung nasaan ang kotseng dala niya. Sa tatay niya raw iyon at itinakas niya lang daw. Paniguradong papagalitan daw siya pag-uwi niya.

Tahimik lang kaming dalawa habang nakaupo sa loob ng sasakyan. Walang nagsasalita at tanging ingay sa labas lang ang maririnig. Napatingin ako sa orasan ko at alas-diyes na pala ng gabi kaya nagulat ako.

Shit! Mukhang wala na akong masasakyan na bus. No choice kundi ang mag-taxi kaya ang sakit sa bulsa.

Bigla akong nakarinig nang tumutunog na cell phone. Akala ko sa akin pero hindi pala dahil iba ang ringtone. Napatingin ako kay Rico dahil phone niya ang tumutunog.

“Buwisit!” Tinanggal niya ang battery ng cell phone niya at saka inilagay sa bulsa niya. “Hindi na ako makahinga dahil sa kanya.”

Mukhang si Belle ang tinutukoy niya.

“Nagugutom ka na ba?” Tumingin siya sa akin saka ngumiti. “Gusto mo bang kumain muna tayo?”

Umiling ako dahil hindi naman talaga ako nagugutom.

Tumango naman siya, saka ibinaling sa labas ang mga tingin niya. “Sa mga susunod na araw, mamamanhikan na ang pamilya namin sa pamilya ni Belle.” I frozed dahil sa sinabi ni Rico. “Nalaman na ng mga magulang ni Belle na buntis siya dahil nakita ng mga magulang niya ang pregnancy test kit sa bag niya.”

“Ah, ganoon ba?” Napayuko na lang ako at napayukom ang mga palad dahil sa sinabi niya.

“Galing ako kahapon sa kanila at binantaan ako ng tatay niya na kapag hindi ko pinanagutan ang anak nila ay magkakagulo kami.” Nakikinig lang ako sa mga sinasabi niya. “Sinabi ko na rin kina Mama kanina ang tungkol doon at nagalit sila. Hindi pa naman daw nila nakikita si Belle. Pero wala rin silang magagawa dahil nandiyan na raw.

“Sabi ni Papa, kailangan ko raw panagutan ang nangyari. Humingi ako ng tulong sa kanila pero ayaw nilang makialam. Panagutan ko raw at `wag daw akong magpakaduwag.” Narinig kong tumawa si Rico. Isang pekeng tawa. “Duwag ako siyempre. Tang ina! Hindi naman si Belle ang gusto ko, eh. Ibang babae ang gusto ko at ikaw iyon. Ikaw lang, Joselle, ang gusto ko.

“Joselle, tatanungin kita ngayon.” Napaangat ako ng tingin. Nakatingin na pala si Rico sa akin nang seryoso. Walang bakas ng ngiti ang kanyang mga labi. “Magtanan tayo? Ayokong pakasalan si Belle. Ayoko. Hindi ko siya mahal, Joselle. Kahit anong pilit ko, wala talaga, eh. Ikaw lang talaga ang gusto ko.”

Napatitig ako sa sinabi niya. Magtanan? Parang bigla akong nabingi sa kanyang sinabi. Ang daming mga tanong ang agad na pumasok sa isip ko dahil doon. Masyadong mabigat ang hinihiling ni Rico. Para bang sinabi niyang maging mag-asawa na kami agad. Ang dami ko pang plano sa buhay. Ang dami ko pang gustong marating at mapatunayan.

Gusto ko bang magtanan kasama si Rico?

I tried to weigh the consequences. Kung sasama ako kay Rico at magpapakalayo, hindi ko matutupad ang pangarap ko na maging isang published writer. Magtanan, meaning kailangan naming magtago mula sa mga taong nakakakilala sa amin. Kailangan kong i-give up ang pangarap ko for him. Kapag sumama ako sa kanya, maraming mawawala sa akin. Pero kasama ko naman ang taong mahal ko.

Pero kung tatanggihan ko ang alok ni Rico, may chance akong makamit ang pangarap ko para sa pamilya ko. Mas maraming opportunities pang naghihintay sa akin. Pero iyon nga lang, ibig sabihin din noon ay good-bye forever na kay Rico.

Besides, kung aalis akong kasama si Rico, ibig sabihin tatanggalan ko rin ng karapatan ang kanyang magiging anak. Tatanggalan ko ng karapatan ang isang musmos na sanggol para makilala ang ama niya. May pinsan akong lumaki na walang ama kaya alam kong mahirap iyon para sa kanya. Makakaya ko bang makatulog sa gabi habang may batang lumalaki na walang kinikilalang ama?

Kahit talaga may choices, minsan parang wala pa rin. Dahil kahit may mapagpipilian ka, mawawalan ka pa rin ng isang importanteng bagay sa sarili mo in the end.

“Hihintayin ko ang sagot mo, Joselle. Hanggang mamayang umaga.” Narinig kong nagsalita uli si Rico. “Puwede ka naman hanggang madaling araw, `di ba? Puwede naman tayong magsama hanggang sumikat ang araw. Saka ko tatanungin ang sagot mo, `di ba?”

Napatango ako kay Rico kasabay ng pagdadasal na sana ay hindi ako pagalitan nina Mama pag-uwi ko kinabukasan.

“Kain muna tayo.” Nagsimula nang paandarin ni Rico ang makina ng sasakyan. “May request ako, Joselle. Puwede ko bang hawakan ang kamay mo habang nagmamaneho ako?”

“Hindi ba delikado `yon? Baka madisgrasya tayo,” sabi ko.

“Papabayaan ba naman kitang madisgrasya?” He smiled as an assurance for my safety. “And one more thing. Puwede bang ako lang muna ang isipin mo? At ikaw lang din ang iisipin ko. Magpanggap tayo na pag-aari natin ang isa’t isa kahit sa mga oras lang na `to.”

Tumango ako sa kanya kasabay ng pag-abot ng kamay ko para hawakan niya.

Hinalikan ni Rico ang kamay ko saka ngumiti. Idinikit din niya sa kanyang pisngi ang palad ko.

“Baka una at huling beses ko na `tong mararanasan kaya kailangang sagarin,” pagbibiro niya.

Napatingin na lang ako sa labas habang umaandar ang sasakyan para hindi niya makita na naiiyak ako dahil sa sinabi niya. Parang binabasag na naman ang puso ko kapag iniisip kong una at huling beses na naming dalawa ito.

Hawak lang ni Rico ang kamay ko habang nagmamaneho siya. Binibitawan lang kapag ia-adjust niya ang kambyo `tapos hahawakan na uli nang mahigpit na para bang ayaw nang pakawalan.

Nag-park si Rico sa isang restaurant na may malaking sign ng eat all you can. Nauna siyang lumabas ng sasakyan at pumunta sa pinto ng kinauupuan ko para pagbuksan ako.

“Salamat,” sabi ko sa kanya.

“Walang anuman, Joselle. Basta ikaw, idol kita, eh,” pagbibiro niya na naman saka hinawakan na naman ang kamay ko nang mahigpit habang naglalakad kami papasok ng restaurant.

Paano niya kaya nagagawang ngumiti nang ganoon habang may kalungkutan sa mga mata niya?

Pinaupo ako ni Rico sa may parteng malapit sa bintana. Siya na lang daw ang kukuha ng pagkain naming dalawa. Medyo natagalan si Rico dahil ang dami niyang dala pagbalik.

“Ang dami naman niyan. Mauubos ba natin `yan?” turo ko sa mga pagkain na nasa harap namin. Halos malula mata ko dahil sa sari-saring ulam at putahe na nasa harap ko.

“Alam kong kaya nating ubusin `yan. Kaya simulan na natin.” Umupo siya sa tabi ko.

“Bakit diyan ka umupo? Doon ka sa kabila.”

“Eh, ayoko doon. Mas gusto ko rito sa tabi mo para mayayakap agad kita kapag naisipan ko,” sabi niya. Nagsimula na siyang kumain na para bang walang sinabi.

“Oh, bakit ganyan ka makatingin, Miss Joselle Herrera?” Napatigil siya sa pagnguya.

“Wala po, Mister Unknown_XXX.” Napailing na lang ako habang nakangiti.

Tahimik lang kaming dalawa na kumakain. Kung minsan ay bigla akong magugulat dahil niyayakap ako ni Rico. Nakakahiya sa mga nakakakitang tao.

“Natatandaan mo ba noong tinuturuan kita sa Math assigments mo?” tanong niya habang kumakain ng manok.

“Oo. Nakakainis, eh. Ang bobo ko sa Math,” pagbibiro ko. “Mabuti na lang pala at nakilala kita noon kaya may instant tutor ako.”

“User ka pala author, eh! Writer na user!” sabi ni Rico saka tumawa nang malakas.

Ang sarap pakinggan ng tawa ni Rico. At the same time, gusto kong maiyak dahil huling beses na ito.

“O, bakit bigla kang sumimangot diyan?”

“Wala. May naalala lang ako.” Umiwas ako ng tingin sa kanya.

“`Wag mong isipin `yon, mahal ka noon,” sabi niya habang nakangiti. “Mahal kita kaya `wag mo akong isipin.” Alam kong namula ako dahil sa kanyang sinabi.

Mahal nga natin ang isa’t isa, pero hindi tayo puwedeng magsama.

Nang natapos kaming kumain ni Rico, agad kaming umalis ng restaurant na magkahawak na naman ng kamay. Medyo matagal din yata kaming naka-stand by doon dahil halos mag-aala-una na ng madaling araw pag-check ko sa orasan nang nakasakay na kaming dalawa sa sasakyan.

Hawak na naman ni Rico ang kamay ko habang nagmamaneho siya. But this time, pati ako nakahawak na rin sa palad niya nang mahigpit. Nagngingitian kaming dalawa kapag humihinto ang sasakyan dahil sa stoplight.

“Sandali lang,” pagpapaalam ni Rico nang nag-park siya sa tapat ng flower shop. Agad siyang bumaba at pumasok sa loob ng shop. Akala ko kung ano’ng gagawin niya. Paglabas niya ay may hawak na siyang one dozen of roses.

“Mabuti may twenty-four hours na bukas na flower shop,” sabi niya pagpasok ng sasakyan. “One dozen of roses ang ibibigay ko sa `yo noong first meeting natin, eh. But you didn’t show up.” Natawa siya. “Kaya bibigyan uli kita. Alam kong ayaw mo ng mga bulaklak kasi nakokornihan ka pero, please, Joselle, tanggapin mo `to.”

Tinanggap ko ang ibinigay niya saka nagpasalamat. Ang galing naman ni Rico dahil natatandaan niya ang mga bagay na sinabi ko sa kanya dati tungkol sa akin.

Nag-ikot-ikot lang kami ni Rico habang nakasakay sa sasakyan niya. Nang napagod na siya kaka-drive ay bumalik kami ng seaside at naglakad-lakad nang magkahawak ang mga kamay.

Ang saya sa pakiramdam na hawak mo ang kamay ng taong mahal mo and at the same time masakit dahil may expiration date ang pagsasama ninyo. Dahil pagsapit ng araw ay babalik na kami sa aming mga sariling mundo.

Hindi ko na namalayan ang oras kung ano na ba. Ganito talaga yata kapag kasama mo ang mahal mo. Hindi mo mamamalayan na ang bilis lumipas ng oras.

“Upo tayo doon,” turo ni Rico sa may upuan. “Doon tayo para makapagpahinga. Sumandal ka na lang sa balikat ko kung inaantok ka. Hintayin natin ang pagsikat ng araw.”

Umupo kami ni Rico at isinandal ko ang ulo ko sa balikat niya. Kaunti na lang ang mga tao sa paligid. Parang couples din na tulad namin na hinihintay din ang pagsikat ng araw.

Ipinikit ko muna ang mga mata ko habang nilalaro ni Rico ang mga kamay ko. Kinakantahan niya pa ako ng ‘Hindi na Bale’ ni Bugoy Drilon kaya lalo akong naiiyak dahil swak sa amin ang lyrics ng kanta.

“Sabi ng mga kaklase ko, libreng stories lang ang matatagpuan sa Wattpad.” Narinig kong nagsalita si Rico pero nanatili lang na nakapikit ang mga mata ko. “Pero bakit nakatagpo ako ng babaeng mamahalin ko nang sobra? Nang dahil sa Wattpad, naranasan kong umiyak at masaktan. Pero kahit ganoon, hindi ko pinagsisihan. Nang dahil sa Wattpad, nakilala ko ang babaeng nagkaroon ng malaking parte sa puso ko.

“Nang dahil sa Wattpad, ang dami kong naranasan na akala ko sa stories ko lang mababasa o sa movies ko lang makikita. Nang dahil sa Wattpad, nakilala ko ang babaeng mamahalin ko habang-buhay kahit hindi ko siya makakasama.” Nagbuntong-hininga si Rico.

“Joselle, `ayan na ang araw. Papasikat na.” Pinisil ni Rico ang palad ko.

Iminulat ko ang mga mata ko. Papasikat na nga ang araw. Ang sakit ng dibdib ko dahil pinipigilan ko lang ang sarili ko na `wag umiyak.

“Because of Wattpad…” Ako naman ngayon ang nagsalita. “I met you. Who would have thought that a writer will gonna fell in love to her reader. Masyado talagang mapaglaro ang tadhana. Because of Wattpad, I’ve experienced the hurt and to shed a tears endlessly, chest got tighten and love truthfully.” Tumingin ako kay Rico.

“Rico, `yong tungkol sa tanong mo...” Huminga ako nang malalim. “Pasensiya pero hindi ko kayang sumama sa `yo. Hindi ko kayang isuko ang mga pangarap ko nang ganito kaaga. Bata pa tayo masyado para magtanan. Dadating din ang panahon na kung tayo talaga, tayo.” Tumulo ang mga luha ko.

“Sshh, don’t cry. Ayos lang, tanggap ko `yon. Sorry din kung ang selfish ko.” Pinunasan niya ang mga luha ko. “I’m so very proud of you, Joselle. Maghiwalay man tayong dalawa ngayon, sana if ever magkita uli tayo, isa ka ng professional na writer. You’ll always be my idol. Nang dahil sa Wattpad, I met you and I’m thankful for that.”

“Tayong dalawa ang patunay na hindi lang pagmamahalan ang kailangang isipin para magsama ang dalawang tao. Dahil minsan, kahit mahal nila ang isa’t isa, kung may taong mas nangangailangan sa kanila, kailangan nilang pakawalan ang isa’t isa,” sabi ko sa kanya. “Gusto ko lang ipangako mo na magiging mabuti kang ama sa magiging anak mo, ha?”

Napatitig siya sa akin for a second saka ngumiti. “Para sa `yo, gagawin ko.”

Dahan-dahang inilapit ni Rico ang mukha niya sa mukha ko kaya napapikit na lang ako. Hanggang sa naramdaman kong dumampi ang malambot niyang mga labi sa mga labi ko.

Natapos man ang isang gabi na puno nang kasiyahan, at least isang umaga naman ang dumating na nagsasabing habang buhay may pag-asa pa.

Nang medyo nasa taas na ang araw, tumayo na kaming dalawa ni Rico at naglakad sa magkabilang daanan palayo sa isa’t isa.

Lumingon ako sa huling pagkakataon at nagulat ako dahil nakatingin din pala siya sa akin. Kumaway ako sa kanya nang huling beses at ganoon din ang ginawa niya.

Ngayon, masasabi kong kaya ko na siyang i-let go habang-buhay.

And this is how our story ended.