noveltoon logo noveltoon
A Writer's Own Love Story

Chapter 7

Ch. 8 / 12 Apr 09, 2022

ISANG linggo akong hindi nag-online because of what happened. Tang-ina! Pakiramdam ko ang sakit-sakit ng buong pagkatao ko dahil sa nangyari. Ang ego ko ang natapakan. Ang pagkalalaki ko ang ginago. Niloko ako ng babaeng pinakaimportante sa akin nang mga oras na iyon. Pinagmukhang tanga at hindi inappreciate ang effort. Hindi ako ang tipo ng tao na mag-aaksaya ng oras para sa isang tao na lalo na’t nakilala ko lang online. Pero sa kanya, ginawa ko. Lumuwas ako ng ibang lugar. Nag-aksaya ng effort at pera pero walang nangyari.

I believed that Joselle was different from the other girls that I had met. Hindi ko alam kung anong meron sa kanya. Kung bakit ang dami kong inaksaya na effort at oras sa kanya pero hindi naman pala niya ako sisiputin. Shit! Hindi ako ang klase ng tao na ganito kapag tungkol sa babae. Babae ang hinahayaan kong maghabol sa akin. Babae ang pinagmamakaawa ko para lang pansinin ko at paglaanan ko ng oras pero ito lang ang ginawa niya.

Sana man lang nagsabi siya sa akin, `di ba? Sana sinabihan niya ako na hindi siya makakarating pero after noon, no text and calls galing sa kanya. Of course, I did the same thing. Hindi siya nag-text o tumawag just to say sorry. Bakit ko siya kokontakin? Bahala siya sa buhay niya.

Gusto ko siyang saktan dahil sa nangyari. Not physically, of course. Gusto ko lang ding masaktan ang feelings niya. Nag-isip ako kung paano, but I ended up with nothing. Tang-ina lang talaga, eh. Masyado nang importante sa akin si Joselle kaya kahit gusto ko siyang masaktan, my heart didn’t allow me to. Saka ko lang nalaman na hindi lang pala simpleng like ang nararamdaman ko sa kanya kundi love na pala. Dahil mas nasasaktan ako kapag naiisip kong masasaktan ko si Joselle.

After one week of not opening my Wattpad account, napag-isipan ko ring mag-online just to check kung nag-leave ba siya ng message sa akin or not. Kahit magmukha akong tanga o gago dahil sa mga iniisip kong baka sakali ay ayos lang. Tang ina! Si Joselle iyan, eh. Mag-sorry lang siya sa akin or what, ayos na ako. Baka lumuwas ako agad-agad dahil lang sa sorry niya.

Pero pag-open ko, wala siyang message. I even visited her Wattpad account pero walang latest update ng story niya. Iyong nakalagay sa status niya ay one week ago pa which was, “You’re so special to me...”

Parang kinurot ang puso ko dahil sa nabasa ko. Napangiti rin ako nang mapakla. Special to me, ah. Special your face.

Habang nasa Wattpad ako at binabasa ko ang mga previous messages namin ni Joselle ay napapangiti na lang ako. Isang ngiting may halong galit at kasiyahan. Posible pala iyon? Sabay mong mararamdaman ang dalawang emosyon para sa isang tao. Joselle was a really different girl. Siya lang ang may kayang laruin ang emosyon ko nang ganito.

Ito ang mahirap kapag nakahanap ka ng taong magpapasaya sa `yo. You start giving to her all of your attention because she makes you forget everything bad that’s going on in your life. But it was scary to think about how easily she could just leave and take that happiness away, too, when she goes.

Habang binabasa ko ang mga kulitan namin ni Joselle sa Wattpad messages namin ay bigla akong nakatanggap ng chat galing sa isang Wattpad user. Again, that was coming from Belle143. Ayoko sana siyang reply-an pero dahil wala akong magawa, nag-reply na rin ako. Nagbaka-sakali rin akong makakakuha sa kanya ng impormasyon para malaman kung anong nangyari sa kaibigan niya.

Ang dami niyang tanong tungkol sa buhay ko kaya agad akong nairita. Pero, pinigilan ko ang sarili ko na prangkahin siya dahil baka hindi ako makakuha ng impormasyon sa kanya. Tiniis ko ang lahat ng mga tanong niya. Kahit iyong iba ay maseselang topic na. Sige, sagot lang ako. Para kay Joselle, titiisin ko.

Nalaman kong ipinakita pala ni Joselle sa kanya ang picture ko. Kaya pala ganito kabastos ang bibig nitong si Belle, eh. Parang hindi babae kung makapagsalita tungkol sa akin. Kung manyak akong lalaki papatulan ko siya, kaso hindi, eh. Besides, kaibigan niya ang babaeng gusto ko. May respeto ako sa isang babae kaya hindi ko binabastos si Belle kahit binabastos niya na ang pagkalalaki ko.

Belle143: Taga-Bulacan ka pala? Ako rin. Meet tayo sa SM Bulacan!

Nagulat ako dahil sa sinabi niya. Unang beses pa lang naming nagkausap nang mahabaan ‘tapos nag-aaya na agad siyang makipag-meet sa akin. Unlike Joselle na ilang buwan ko munang nakausap bago ko ayain na makipagkita sa akin. Pinag-isipan ko muna nang mabuti kung makikipagkita ba ako o hindi pero pumayag na rin ako. Mas mabuting sa personal ko na lang din kausapin si Belle about Joselle para mas klaro.

Ibinigay sa akin ni Belle ang number niya at nagplano kami na magkikita kinabukasan sa SM Bulacan. Sinabi niya rin sa akin kung anong suot niya para daw may mapagkikilanlan ako na siya ang ka-meet ko. Nakalimutan ko kasing manghingi ng picture sa kanya dahil hindi naman talaga ako interesado kay Belle, so why bother asking for her picture, right?

Medyo late akong dumating sa meeting place namin ni Belle. Traffic kasi dahil umuulan. Dumating tuloy ako na wet look sa SM Bulacan. Tinext ko agad si Belle na nandito na ako at siya rin daw. Sinabi ko kung anong suot ko at kung saan ako nakaupo kaya biglang may lumapit sa aking babae na matangkad.

Mestisa si Belle. Mahaba ang buhok at maganda. Mukha siyang mayaman dahil sa pananamit niya. Sa totoo lang ay ayoko agad sa aura ni Belle. May pagka malandi na babae, sa asta pa lang. Kaming mga lalaki ay kayang tingnan kung malandi o hindi ang isang babae. Kaya sa nakikita ko kay Belle, I could say, wild and happy-go-lucky siya.

Nag-usap kaming dalawa ni Belle. Puro joke si Belle at ako naman tumatawa lang. May kasama pa siyang hampas sa akin na agad kong ikinairita. Agad kong tinanong kung may balita ba siya kay Joselle na siyang ikinasimangot niya.

“Wala, eh. Pero I think nagkakamabutihan na sila ni RavenHeart. Isang lalaki rin na writer sa Wattpad.”

Ayokong maniwala sa sinabi ni Belle pero, tang ina! Masakit. Kaya siguro hindi na ako kinokontak ni Joselle dahil may bago na siya at isa ring writer. Mataas ang tingin ko sa mga writer simula nang makilala ko si Joselle kaya bigla akong nanliit nang nalaman kong may kalandian si Joselle na writer din. Pakiramdam ko sa mga oras na iyon ay wala akong kwentang lalaki. Biniyayaan nga ako ng hitsura at magandang katawan pero ang babaeng gusto ko, sa iba pa rin na-attract. Putang ina talaga! Ang sarap pumatay!

Nanahimik na lang ako noon habang kasama ko si Belle at nawalan na ng gana. Pero si Belle, consistent lang sa pakikipag-usap sa akin tungkol sa pagsusulat niya at sa mga story niya na wala naman akong pakialam. Sinabi rin sa akin ni Belle na million reads daw ang mga story niya dahil puro tungkol sa sex. Napailing na lang ako.

“Rico, samahan mo naman ako sa bahay, please? Malapit lang naman `yong bahay namin dito sa SM. Isang tricycle lang. Dadating `yong mga kaibigan ko kaya shot tayo?” pag-aaya sa akin ni Belle nang pauwi na kami.

Tatanggi sana ako kaya lang makulit siya at ayaw akong tantanan. Gusto ko na sanang umuwi dahil nawalan nga ako ng gana. Pakiramdam ko, ang sakit ng buong pagkatao ko dahil sa mga nalaman ko about kay Joselle at sa tang inang RavenHeart na iyon.

“Sandali lang ako, ah? May pasok pa bukas, eh,” sabi ko kay Belle saka kami sumakay ng tricycle. Sumakay kami sa loob at bigla akong nagulat nang isinandal ni Belle ang ulo niya sa balikat ko. Patay malisya na lang ako sa kanyang ginawa.

Pumayag na rin ako sa alok niya dahil gusto ko ring uminom saglit para makalimot. Walanghiya! Hindi ako makapaniwalang nagiging ganito ako dahil kay Joselle na sa online ko lang nakilala. Siguro, kung matagal na kaming nagkita ni Joselle lalo akong naulol sa mga simpleng bagay na madi-discover ko tungkol sa kanya.

Dumating kami ni Belle sa bahay nila. Malaki ang bahay nina Belle at nakatira sila sa isang subdivision. Sinabi niya sa akin na siya lang ang tao sa mga oras na iyon dahil nasa Manila raw ang kanyang parents. Pulis daw ang tatay niya at ang kanyang ina ay may business sa Makati. Mayaman nga sila.

Nakaupo lang ako sa salas nila kaya bigla akong inaya ni Belle habang may hawak na bote ng alak.

“Saan tayo? Akala ko ba magsa-shot?” tanong ko sa kanya.

“Sa kuwarto tayo. Bawal dito, mangangamoy. Padating na rin ang mga kaibigan ko,” sabi niya saka kami tumuloy paakyat sa kanyang kuwarto.

Sumunod ako kahit naiilang ako. Pangit kasing pumasok sa kuwarto ng isang babae lalo na’t walang tao doon kundi kaming dalawa lang. Shit! `Wag lang sanang malalaman ni Joselle ito. Inisip ko lang na hindi lang naman kaming dalawa ang magiging tao mamaya dahil dadating din ang mga kaibigan ni Belle, kaya ayos lang.

Umupo ako sa kama habang nag-aayos si Belle ng table sa loob ng kanyang kuwarto. Binuksan niya rin ang computer niya at ipinakita ang mga Rated SPG stories na isinusulat niya. Tumango-tango na lang ako.

“Simulan na natin mag-shot para makauwi ka na rin agad,” pag-aaya ni Belle sa akin kaya pumayag ako.

Hindi ko namalayan na ilang bote na pala ng alak ang nainom naming dalawa ni Belle pero hindi pa rin dumadating ang mga kaibigan niya. Nahihilo na rin ako at umiikot na ang paningin ko. Magpapaalam na sana ako kay Belle para umuwi pero bigla ko siyang narinig na humagulhol. Kaya nagulat ako at tinanong kung bakit.

“`Yong boyfriend ko kasi niloko ako. After na may mangyari sa amin, iniwan ako at ipinagpalit sa ibang babae... Ganyan ba kayong mga lalaki? After n’yong makuha ang gusto n’yo, agad ninyo kaming iiwan?” sunod-sunod na kuwento niya habang umiiyak.

Nakaupo kaming dalawa sa sahig. Nakataas naman ang paa niya kaya nakikita na ang kanyang panty. Napatingin ako sa ibang gawi para iwas tukso dahil sa totoo lang, nasa katawan ko na ang espiritu ng alak kaya nag-iinit na rin ako.

Habang kino-comfort ko si Belle dahil sa pag-iyak, bigla akong nagulat dahil hinalikan niya ako. Hindi ako makagalaw dahil sa kanyang ginawa. Hindi ko first time na mahalikan ng isang babae pero parang ang awkward ngayon. Kahit lasing na ako, hindi ko magawang gumanti dahil naisip ko si Joselle. Pakiramdam ko, lolokohin ko si Joselle kapag pinatulan ko si Belle.

Pero naisip ko kasi iyong sinabi ni Belle na may ibang kalandian si Joselle. Agad akong nagalit at nag-init ang ulo kaya hinalikan ko nang marahas si Belle. Ipinikit ko ang mga mata ko para hindi ko maisip si Joselle pero, tang-ina, walang epekto. Inisip ko na lang na si Joselle ang humahalik sa akin imbes na si Belle.

And that was the biggest mistake that I had ever done in my life.

Dahil sa nangyaring iyon, masasabi kong wala akong karapatan para mahalin si Joselle.