noveltoon logo noveltoon
Silva Arellano (The Billionaire Boys Club 7)

Chapter 8

Ch. 9 / 11 Feb 05, 2022

Chapter 8

Eight

“S

ILVA!”

Naabutan ni Hevn ang binata sa parking lot ng ospital. Pasakay na ito sa kotse. “Let me explain.”

Nilingon siya ni Silva. Pero wala na ang dating sigla at buhay sa guwapo nitong mukha. Mas gugustuhin pa sana niyang nakikita ang galit ng lalaki para kahit paano ay alam niya ang nararamdaman nito. Pero nanatiling blangko ang ekspresyon ni Silva.

“Silva, please.”

“Hindi na kailangan. Hindi naman ako tanga para hindi maintindihan kung ano ang ibig sabihin ng mga nangyari kanina.”

“But you don’t understand. It’s not what you think.”

“Is it?”

Napakagat-labi na lang si Hevn. Nasasaktan siya sa ipinapakita ni Silva ngayon. Pero tama lang iyon sa kanya. Malaki ang naging kasalanan niya at iyon ang kanyang kaparusahan. Pero hindi rin naman siya makakapayag na basta na lang itong lumayo nang hindi siya nakakapagpaliwanag.

“Gusto kong sabihin sa iyo ang tungkol kay Claudio, Silva. Bago nangyari ang mga... nangyari sa atin kanina. Pero nawalan na ako ng pagkakataon. Mas nangibabaw ang nararamdaman ko sa iyo at nakalimutan ko na ang tungkol sa amin ni Claudio. Dahil tuwing kasama kita, ikaw na lang ang lagi kong naiisip at naaalala.” Wala itong reaksiyon man lang pero nanatili namang nakikinig sa kanya. “Sabi mo noon, lagi akong lumalayo sa iyo tuwing nagpapahayag ka ng interes sa akin. Iyon ang dahilan ko, Silva. Ayokong mapalapit sa iyo nang husto dahil kay Claudio. I’ve kept my feelings for you because I’m still in a relationship.”

“At kailan mo balak sabihin sa akin ang tungkol sa relasyong iyon?”

“Kanina. Bago... bago sana ako umamin ng nararamdaman ko sa iyo.”

“Then why didn’t you?”

Naiiyak na naman si Hevn sa ipinapakitang kalamigan ni Silva. Nasasaktan siya sa bawat salitang binibitiwan nito. Pero kailangan niyang tiisin iyon.

“W-when you touched me, w-when you told me you love me as well, I’ve just forgotten everything I meant to tell you. Hindi ko pa noon matanggap nang lubusan sa sarili kong mahal na nga kita. At nang marinig ko nga mula sa iyo ang mga salitang iyon, tuluyan ko na ring inamin sa sarili kong mahal kita.”

Walang sinabi si Silva. Ni hindi siya nito tiningnan habang nagsasalita siya. Kaya pa naman niyang tiisin iyon. As long as she knew he would believe her. Pero malayo sa inaasahan niya ang sunod nitong sinabi.

“You lied to me, Hevn. And if there’s one thing that I hated most in this world, it is those people who lie to me.”

“Silva, hindi ko iyon sinasadya.”

“Bumalik ka na sa fiancé mo.”

Muntik nang mapahikbi si Hevn. She lowered down her gaze. Ayaw niyang makita nito ang mga luhang namumuo sa kanyang mga mata. “We broke up.”

“I’m sorry to hear that.”

“Hindi ko siya minahal kahit kailan, Silva.”

“Oh, is that why you accepted his proposal?”

“I never accepted it.”

“I saw the ring on your finger, Hevn.” Mahina itong napamura. “I told you I hate liars!”

“I didn’t lie to you!”

“You just did.”

Silva got in his car. Doon lang niya nagawang tingnan muli ang lalaki. She was biting her lip to prevent herself from crying in front of him. Pero nang lumingon sa kanya si Silva sa huling pagkakataon ay unti-unti nang pumatak ang luha sa kanyang mga pisngi. She saw the pain and hurt in his liquid brown eyes before he stepped on the gas and sped away.

Her heart just went away with him.

PINAGMAMASDAN ni Hevn ang tanawin sa labas ng bintana ng kanilang hotel suite. Makulay ang gabi sa buong Kamaynilaan. Nakakatuwang pagmasdan ang tila pagsasayawan ng mga ilaw sa iba’t ibang establisimyento at mga bahay na matatanaw mula sa kinaroroonan niya. Pero malayo sa magandang tanawing iyon ang kanyang isip.

“Hevn, hindi ka pa ba nagsasawa sa tinitingnan mo diyan?” tanong ni Xeena. “Baka makabisado mo na ang bawat kulay ng ilaw sa buong Maynila niyan.”

Nilingon niya ang pinsan na nasa kama. Nakalabas na ito ng ospital pero hindi pa rin puwedeng maglakad nang mag-isa. Nasa tabi ng kama ang saklay na ginagamit nito tuwing mag-iikot sa loob ng kanilang suite.

“You should go out. Huwag kang magburo dito. Sayang ang beauty mo.”

Hevn just gave her a weak smile. “I’m not in the mood. Dito na lang ako.”

“May nangyaring hindi maganda sa inyo kahapon ni Silva, ano?” Hindi siya sumagot. “Pagbalik mo sa kuwarto ko kahapon, namumula ang mga mata mo. Mabuti na lang at nakaalis na si Claudio. Kung hindi, lagot ang Silvanus na iyon.”

“I’m fine.”

“No, you’re not.” Xeena looked at her sternly. “Nasabi mo ba sa kanya ang tungkol sa inyo ni Claudio?” Tumango siya. “And he didn’t believe you.”

“I can’t blame him. Pagkatapos kong umamin na mahal ko siya, nakita niya ang singsing sa kamay ko habang nandoon si Claudio.”

“Ni hindi ka man lang niya pinakinggan sa mga paliwanag mo?”

“Nasaktan ko siya, Xeena.”

“At ikaw, hindi ka ba niya nasaktan sa mga ipinakita niyang kakitiran ng utak? Hindi lang siya ang may karapatang masaktan sa mga nangyari, Hevn.”

“Tama lang sa akin ang masakan nang ganito. Marami na rin akong nasagasaan nang dahil sa pagmamahal kong iyon. Pati ikaw. Kahit hindi ka nagsasalita, alam kong nasaktan kita kahit paano nang aminin kong may nararamdaman nga ako kay Silva.”

“Oh, forget about me. I wasn’t hurt. I never did. Noong una pa lang kasi, tanggap ko na sa sarili ko ang posibilidad na wala naman talagang mararamdaman sa akin si Silvanus. Kahit noong nasa Italy pa lang tayo, alam ko na iyon.”

“What? Then why did you still insist that we followed him here?”

Nagkibit lang ito ng mga balikat. “Hindi rin ako sigurado sa nararamdaman ko kay Silvanus. And I told you, ayokong nag-iisip ng napakaraming ‘what ifs.’ I want everything clear.”

“At ngayon mo lang na-clear ang lahat ng iyon?”

“Of course not. Nang makita ko kayong magkasama ni Silvanus noong sunduin n’yo ako sa kural ng Vincent Noblejas na iyon, nalaman ko na agad na wala na akong aasahan sa kanya.” Patuloy siyang tinitigan ni Xeena. “Hindi ko alam ngayon kung matutuwa ba ako sa kinalabasan ng kagagahan ko. I mean, you fell in love at last. Pero nasaktan ka naman.”

“Love ought to be celebrated, Xeena. Kahit na nasasaktan ang tao.” Hindi niya pagsisisihan ang pagkakakilala nila ni Silva at lalong hindi niya pagsisisihang sinamahan ang pinsan nang sundan nito ang binata sa Pilipinas. “I love Silva and I don’t mind getting hurt.”

Napabuntong-hininga na lang ito. “Okay. If you say so. Siyanga pala, puwede bang ikaw na lang ang makipagkita ngayon kay Dunkey?”

“`Yong writer ng Billionaire Boys Club?”

“Oo. Sabi ko kasi, makikipagkita ako sa kanya ngayon. Since hindi pa ako puwedeng tumayo nang matagal, ikaw na lang ang magpaumanhin para sa akin.”

“Sige, saan ba kayo magkikita?”

DONATA ‘Dunkey’ Fontanilla was a very pretty petite woman with a sunny and vibrant personality. Kahit ngayon lang sila nagkita ay parang matagal na silang magkakilala kung makipagkuwentuhan ito.

“I’m really sorry sa nangyari kay Xeena. Kinukulit kasi ako ng anak ko nang makapag-usap kami kaya hindi ko na na-elaborate nang husto ang itinatanong niya sa akin.”

“Huwag kang mag-alala. Maayos naman na ang lagay niya ngayon.”

“Pero matanong ko lang, ano ang reaksiyon ni Vincent no’ng makita niya kayo sa private estate niya?”

“Well, he let my cousin wander around his land, lost.”

Napailing na lang si Dunkey. “Hay naku, nagsungit na naman pala ang taong iyon. Pero mabait naman si Vincent, promise. Ninong nga iyon ng panganay namin ni Ran ko. Nagkataon lang siguro na masama ang timpla niya nang araw na nagkita kayo.”

“O kaya naman, talagang hindi na siya naging mabait kahit kailan.”

Ngumiti lang ito. “Huwag mo agad siyang husgahan, Hevn. Base sa naging experience ko with the former and present Billionaire Boys Club members, iba ang ipinapakita nila sa kung ano talaga sila.”

Naisip ni Hevn si Silva. Iba nga rin ang nauna niyang impression dito. Because of that article in the magazine about him being one of the country’s richest people, inakala na niyang mahirap itong pakisamahan. Pero hindi naman pala. In fact, kabaligtaran ng mga inisip niya ang mga ipinakita ng lalaki sa kanya.

She stared at her coffee. Malinaw pa rin sa kanya ang galit sa mga mata ni Silva nang huli niya itong makita kahapon. At hanggang ngayon, naiiyak pa rin siya tuwing maaalala iyon.

“Oh, hey, look who just got in,” sambit ni Dunkey, sabay nguso sa entrance ng café bar na kinaroroonan nila. “My precious subjects. Alam mo bang tuwing nakikita ko sila, para akong nakakakita ng mga dollars na naglalakad?”

Hevn felt like her heart was jumping out of her chest. Isa sa tatlong bagong dating si Silva. He was looking superbly handsome and dashingly elegant in his three-piece navy blue suit. May kausap itong tatlong lalaki na gaya nito ay businessman din ang dating. Pinagmasdan niya ang bawat galaw ni Silva, ang bawat kibot ng mga labi, at bawat kumpas ng kamay habang nagsasalita. Sa pag-alis niya sa darating na Sabado, gusto niyang baunin ang lahat ng alaala nito sa kanyang puso.

“Rextor Lagdameo, Vash Illustre, and Silvanus Arellano,” patuloy ni Dunkey. “Hindi ko akalaing darating ang araw na makikita ko ang magkakaaway sa negosyo na magkakasama. Oh, wait. Let’s see kung dadanak ng dugo ngayon.”

Naupo di-kalayuan sa kanila ang grupo ng mga ito. Lihim na nagpasalamat si Hevn dahil malaya niyang napagmamasdan si Silva nang hindi nito namamalayan. Kontento na siya roon. Alam niyang galit pa rin ang lalaki hanggang ngayon at kung makikita siya, siguradong aalis agad ito.

“Oo nga pala, Hevn. Hindi ba’t nakilala mo na si Silvanus? Well, what do you think of him?”

“H-ha?” Hindi siya komportableng pag-usapan ang binata sa harap ng ibang tao. Lalo pa nga at hindi natapos nang maganda ang mga nangyari sa kanila kahapon. “Ano’ng ibig mong sabihin?”

“Well, you know. The usual stuff people talk about them. Do you find him sexy?”

“What?”

“Do you find him attractive?” Muling binalingan ni Dunkey ang mga lalaki. “Alam mo ba, sa lahat ng na-interview ko para sa bagong batch ng billionaire boys, Silvanus was the nicest. Besides the fact that he was indeed very handsome and filthy rich, of course. And I also found out na isa siya sa mga rare creation ng Diyos na hindi basta-basta naaakit sa babae. Kaya kapag nagkainteres siya sa iyo, `sus, suwerte mo. Dahil siguradong mahal ka talaga niya. Never mind the fact that he sometimes displays forgetfulness, which I think is cute.”

Parang sinipa si Hevn ng sampung kabayo sa dibdib. Para siyang kinulang sa paghinga dahil sa mga narinig. Totoo ngang mahal siya ni Silva. Pero sinayang lang niya. Because of her hang-ups in life, she lost the most wonderful man she had ever met.

“Dunkey.” Isang lalaki ang naupo sa isa mga silya sa table nila. “We need to talk.”

“Rath.” Ginaya ni Dunkey ang ngiti ng lalaki.

“You know I’m Rex.”

“Hmm. So, ano naman ang pag-uusapan natin?”

“Well, for one thing, I’ll sue you and your company. And second...” Bumaling naman ito sa kanya. “Who is this beautiful woman?”

Ngayon lang namukhaan ni Hevn ang lalaki. Rextor Lagdameo. Isa sa mga kasama ni Silva na pumasok sa café bar na iyon. Automatic siyang napalingon sa kinaroroonan ng mga kasamahan nito. She saw Silva looking straight at her with that same blank expression on his handsome face. Ibinaling na lang niya sa iba ang tingin. Hindi na niya kailangang baunin pati ang galit nito. It was enough for her to see his handsome expressionless face.

“Ah, siya ba?” Boses iyon ni Dunkey. “Sister ko, si Hevn.” Talagang ipinagdiinan pa nito ang salitang ‘kapatid,’ saka lihim na kumindat sa kanya. Dunkey wanted her to pretend as her sister for something.

“Really? Hindi ko alam na may kapatid ka palang napakaganda.”

“Well, ganyan talaga ang mga lahi namin. Magaganda.”

Inilahad ni Rex ang kamay. “Hi, Hevn with the H-E-V-N. I’m Rextor Lagdameo.”

“P-paano mo nalaman ang spelling ng pangalan ko?”

“Silva told me. Sabi ko nga, ipakilala niya ako sa iyo. Ayaw naman niya kaya ako na lang ang lumapit dito.” Kinuha na nito ang kamay niya. “Ah, I knew you weren’t engaged. Dahil ang mga babaeng kasingganda mo, hindi puwedeng gumala-gala nang walang fiancé kung sakaling engaged na.”

“Rex, napakadaldal mo talaga,” singit ni Dunkey. “Ano ba talaga ang ipinunta mo dito sa table namin? Ang idemanda ako o makipagkilala sa kapatid ko?”

“Talaga, Dunkey? Sinabi kong idedemanda kita? Well, kalimutan mo na iyon. Nagbibiro lang ako. So, Hevn, do you mind if we go out sometime?”

“I’m cancelling our deal, Rextor.” Silva was now standing beside her. Ngayon ay mababanaag na sa mukha nito ang pilit na itinatagong iritasyon.

“What?” Napatayo na rin si Rex. “We already had a deal, Silvanus! You can’t just cancel it out.”

“I can. Since wala pa naman tayong pinipirmahang kontrata.”

“What’s wrong with you, man?” Kung itinatago pa ni Silva ang iritasyon, hindi si Rextor. “Maayos na ang lahat sa pag-uusap natin kanina, ah. Bakit nagbago ka na naman ng isip ngayon? I want that deal, damn it!”

“If you really want it, you should have stayed at our table.”

“Our meeting was officially over when I came up here.” Lalong kumunot ang noo nito. “And why are you here, anyway? Akala ko ba may flight ka pa pa-Russia kaya mo nga kami kinaladkad ngayon dito ni Vash?”

Vash, who was now sitting on the other empty chair, was smiling at her. “Huwag mo na lang intindihin ang dalawang iyan.” He extended a hand to her. “Hi, I’m Vash Illustre. Yeah, isa rin ako sa mga pasaway at very proud billionaire boys gaya ng dalawang iyan.”

“Vash, what the hell are you doing here?”

“Silvanus, my friend, hindi naman puwedeng kayong dalawa lang ni Rextor ang makilala ng magandang dilag na ito. Since we’re going to be business partners starting next month, siguro naman puwede na rin naming makilala ang magagandang babaeng makikilala mo.”

Alanganing ngiti lang ang ibinigay ni Hevn kay Vash. Hindi niya alam kung ano na ang nangyayari pero hindi na niya nagugustuhan ang reaksiyong unti-unting ipinapakita ni Silva. He looked like he was ready to punch the lights out of these two men.

“Ahm... ang mabuti pa, maiwan ko na kayo dito,” sabi niya. “M-mukhang may pag-uusapan pa yata kayo.”

“No, Hevn,” pigil ni Dunkey. “Stay.”

“Huwag mong utusan nang ganyan si Hevn, Donata,” sabi ni Silva. His voice was even colder than before. “She’s not your employee.”

“And you’re not my employer either, Silvanus. Alam mo, kung gusto mong huwag lumapit kay Hevn sina Rex at Vash, sabihin mo lang. Susunod naman ang mga iyan.”

Agad namang nag-react ang dalawa.

“What?”

“No way.”

“Guys, guys. Pagbigyan na ninyo si Silvanus, okay? Nagseselos `yong tao, eh.” Ngumisi pa si Dunkey, saka hinalungkat ang dalang backpack. “Well, magandang article ito for the gossip column ng ibang publication. You’re really making me rich, boys.” Dunkey was now holding a camera on her hand. “Okay, say sex!”