noveltoon logo noveltoon
Silva Arellano (The Billionaire Boys Club 7)

Chapter 9

Ch. 10 / 11 Feb 05, 2022

Chapter 9

Nine

“D

ON’T

follow him, Hevn,” sabi ni Dunkey. “Hayaan mo siya.”

Humarang na rin sa daraanan ni Hevn sina Rex at Vash. Parehong nakangiti ang mga ito. Sinundan na lang niya ng tingin ang papalayong pigura ni Silva. Pagkatapos ng palitan ng mga salita kanina at isang shot mula sa camera ni Dunkey ay tahimik at halatang galit na umalis si Silva.

“Umupo ka muna.” Inalalayan pa siya ni Vash. Ang kaninang mapang-asar nitong hitsura ay napalitan na ngayon ng napakabait na ngiti. “Don’t worry about Silvanus. He has too much pride to let himself be run over by a car.”

“I still don’t get him,” reklamo ni Rex nang ito man ay bumalik na sa kinauupuan kanina. “Bakit magseselos si Silvanus sa atin, Vash? Didn’t he just say he doesn’t want to talk about Hevn when we saw her?”

“Ano ka ba naman, Rextor? Miyembro ka ng elite kong Billionaire Boys Club. Huwag ka ngang magpaka-

eng-eng

diyan. Walang aanga-anga sa mga billionaire boys ko.” Masayang ibinalik ni Dunkey ang camera sa bag nito pagkatapos iyong halik-halikan pa. “Pam would love me for this. Not to mention that I love myself already.”

“And speaking of that dreaded word, Silvanus is in love with her.”

Sabay-sabay silang napalingon sa direksiyon ni Vash. Pero magkakaiba ang reaksiyon nila. Dunkey just smiled in agreement, Rex was still in confusion, and she in puzzlement. Bakit parang may alam ang mga ito na hindi niya alam tungkol sa mga nangyari kanina? Vash turned to her and continued his conclusion matter-of-factly.

“I really don’t know what’s happening until I saw Silvanus’ reaction when Rextor came up here. Doon pa lang, nagselos na siya. I tried to hook his attention by talking about our business but he just wouldn’t stop looking at you.”

“Nang lumapit sila dito, sinenyasan ko si Vash na sakyan na lang ang mga nangyayari,” sabi ni Dunkey. “Kaya ginatungan pa niya ang pagseselos ni Silvanus by pretending that he’s also interested in you.”

“Well, I really am interested in you, Hevn,” nakangiting dugtong ni Vash. “What can I say, I’m always attracted to beautiful problematic women.”

“Teka, ang ibig ninyong sabihin, sinadya ninyong asarin si Silvanus?” naguguluhan pa ring tanong ni Rex. “Akala ko pa naman talagang kinampihan na ninyo ako.”

Siya man ay tila ngayon lang nalilinawan. “P-pero bakit n’yo ginawa iyon?”

Nagkibit lang ng mga balikat si Vash.

Si Dunkey naman ay saglit pang nag-isip. “Hindi ko rin alam, eh. Basta nang makita ko na lang si Silvanus na lumapit dito at napakaseryoso, inisip ko na agad na may malalim iyong dahilan. Hindi ba’t sinabi ko naman sa iyo na sa lahat ng aking billionaire boys ay siya ang pinakamabait? And acting the way he did just a while ago might mean something, I thought. I was right, of course. As always.” Dunkey gave out a smile like that of a satisfied cat. “Ah, no wonder my husband Ran loves me so much. I’m such a genius.”

“So, that was it?” Si Rex uli. “Pinagselos lang ninyo si Silvanus?”

“I think itinatanggi pa rin niya ang katotohanang mahal nga niya si Hevn,” wika ni Vash. She was thinking of him more and more of a psychologist now than a businessman. “May namamagitang problema sa inyo, hindi ba, Hevn? Whatever it is, I really don’t care. Pero apektado ang negosyo ko nang dahil doon at iyon ang hindi ko puwedeng ipagwalang bahala. Nakita mo naman siguro kanina kung paanong basta na lang itinapon ni Silvanus ang isang multimillion contract dahil lang sa selos.”

Tuwang-tuwang tinapik ito ni Dunkey sa balikat. “Iyan ang gusto ko sa mga bata ko. Matalino.”

“Thank you.” Binalingan nito si Rex. “Kalimutan mo na lang ang naging pagtatalo ninyo ni Silvanus kanina, Rextor. Don’t worry, our deal with him is still on.”

“I’m not thinking about that. Hevn, are you in love with Stupid Silvanus?”

“He’s not stupid!”

Nagtawanan lang sina Dunkey at Vash. Napapailing namang naupo sa tabi niya si Rex.

“I... I’m sorry. Hindi ko sinasadyang sigawan ka.”

“Okay lang. Sundan mo na si Silvanus.” Nang kumontra ang dalawa ay ikinumpas lang nito ang mga kamay. “Ako naman ang pakinggan mo ngayon, Hevn. I know Silvanus is such a bastard when it comes to matters of the heart. But he still has a heart. I don’t know what the hell I’m talking about but like Vash here, ayoko ring masiraan ng ulo ang isang iyon. Because no matter how stupid he is, Silvanus is still one hell of a businessman. And I also want our deal to push through.”

Magulo ang mga naging pag-uusap nila. Pero hindi na bale. Ang importante, naniniwala rin ang mga itong mahal nga siya ni Silvanus. Ang salita ng mga ito ang sumira sa nauna na niyang planong pag-alis ng bansa nang hindi man lang sila nagkakausap ng binata. Tiningnan niya ang tatlo. May-pagka-selfish ang dahilan ng mga ito sa ginagawang pagtulong sa kanya. But she still was thankful for them.

“Salamat,” sabi niya. “I love Silva.”

“We know,” sagot ni Dunkey.

“And I want him back.”

“Of course,” sagot ni Vash.

“Kung hindi ninyo mamasamain, puwede bang makahingi pa uli sa inyo ng isa pang pabor?”

“Ano iyon?”

“Nakapagpaliwanag na ako noon sa kanya tungkol sa... sa naging dahilan ng problema namin. Pero hindi siya naniwala. Ni hindi niya ako pinakinggan.”

“Really?” Si Dunkey. “Talaga sigurong malalim ang pinag-ugatan ng hindi ninyo pagkakaunawaan. So, ano’ng puwede naming maibigay na tulong para magkaayos na kayo?”

“How can I make him believe me?”

Walang nakasagot. Halatang hindi rin alam ng mga ito kung paano niya magagawang papaniwalain si Silva.

“Hindi na bale,” sabi ni Hevn. “Salamat na rin sa pagmamalasakit ninyo kahit hindi naman talaga ninyo ako kilala. Sa palagay ko, dito na nagtatapos ang tulong na maibibigay ninyo sa akin. From now on, ako na nga siguro talaga ang dapat na kumilos.” Nagpaalam na siya. She was about to go when Rex spoke again.

“Wala kaming maisip na tamang solusyon sa problema mo, Hevn. But we can make a way for you.”

“Ano’ng ibig mong sabihin?”

Tiningnan ni Rex si Dunkey.

Pero nakamasid lang din sa kanila ang babae. “What?” tanong nito.

“Call Silvanus.”

“What for?”

“Hay, Dunkey. Kung nagiging

engot

man ang billionaire boys paminsan-minsan, iyon ay dahil isa ring

engot

ang gumawa sa amin.”

“Oo na, oo na. Teka, ano ba ang sasabihin ko dapat kay Silvanus?”

“You’re the writer here. Make a story. A very sinister story.”

“Ah, iyon lang ba? `Sus, bakit hindi n’yo naman sinabi agad.” Eksaherado pang binuksan ni Dunkey ang cell phone sa harap nila. “Hello, Silvanus. Ang iyong konsiyensiya ito. Gusto ko lang ipaalam sa iyo na itinanan na ng dalawang panget na lalaki ang iyong lady

amore

— Aw!” Nakangiwi nitong inilayo sa tainga ang cell phone. “Silvanus, okay ka lang? Ha? Sino ang kasama ni Hevn? Eh, sino pa ba ang dalawang panget na nakita mong umaali-aligid sa kanya? Nasa car park ka pa ba? Good. Papunta na sila diyan. Bye.”

Pinagmasdan na lang nilang tatlo si Dunkey. Sigurado si Hevn na pare-pareho ang nasa isip nila nang mga sandaling iyon.

“Who died and made you a writer?” reklamo ni Rex. “That’s the most pathetic story I’ve ever heard in my entire existence.”

“Puwede na iyon. Narinig naman siguro ninyo kung ano ang naging reaksiyon ni Silvanus.” Kinalikot pa ni Dunkey ng daliri ang tainga. “Nabasag yata ang eardrums ko sa sigaw niya. Hevn, tapos na ang papel namin sa istorya ninyo. Puntahan mo na siya. Siguradong inaabangan ka na niya sa car park. Good luck sa iyo, girl. Oo nga pala, ako ang magko-cover ng wedding ninyo kapag nagkatuluyan kayo, ha?”

Nakangiti niya itong tinanguan. “Thanks for everything, Dunkey.”

Cell phone naman niya ngayon ang tumunog. Galing sa doktor na tumitingin kay Xeena ang tumawag. Isinugod daw muli ang pinsan niya sa ospital dahil nahulog ito sa kama at na-dislocate na naman ang ankle.

“HEVN!”

“Silva!” Pasakay na si Hevn sa kotse ni Vash nang makitang papalapit sa kanila si Silva. Ipinagpaliban na muna niya ang pakikipag-usap dito at si Vash nga ang nagprisintang ihatid siya sa ospital. “I’m sorry. Pero sa susunod na lang tayo mag-usap. Dinala na naman sa— Silva!”

Bumalandra na sa semento si Vash nang bigla na lang itong suntukin ni Silva. Mabilis naman niyang dinaluhan si Vash. Hindi ito napuruhan pero halatang nasaktan pa rin. Nagtataka niyang binalingan si Silva.

“Ano ba’ng problema mo? Bakit mo sinuntok si Vash?” Hindi ito sumagot. Sa halip ay nanatili lang na nakatitig sa kanila. “What’s wrong with you?”

“I want you to stay away from Illustre.”

“What?”

“Pakinggan mo na lang siya, Hevn,” sabi ni Vash.

“Ano’ng pakikinggan ko sa kanya? He wants me to leave you like that.” Unti-unti nang nahahaluan ng galit ang malakas na emosyong bumabalot ngayon sa kanya. Seryoso niyang binalingan si Silva. “And I can’t do that.”

Napansin niya ang pagtatagis ng mga bagang ni Silva. Pero hindi na niya iyon inintindi. Vash was hurt and her cousin was waiting for her at the hospital.

Tinulungan na niyang makatayo si Vash. “Let’s go. Para matingnan ka na rin ng doktor.”

“I’m okay, Hevn. Ang mabuti pa, kay Silvanus ka na magpahatid sa ospital. I can’t drive like this.”

“I can drive,” matatag niyang wika. “And I’ll take you to the hospital with me. Where’s your car?”

Saglit lang na tinapunan ni Vash ng tingin si Silva na nasa likuran niya bago siya muling binalingan. Nang ma-realize siguro na wala na siyang ibang pakikinggan ngayon kundi ang sarili niya ay nagpaubaya na lang ito. He took out his car key and pointed at one of the cars parked there. Nang alalayan niyang makatayo si Vash ay nagulat pa siya nang kumilos si Silva at tumulong na umagapay.

“Let’s use my car.” Mahinahon na ngayon ang boses ni Silva. “Ako na ang maghahatid sa inyo sa ospital.”

Hindi na rin nakatanggi si Hevn dahil mag-isa na nitong inakay si Vash.

“Ah, alam mo, Silvanus, hindi ko na kailangan pang sumama sa inyo ni Hevn. Hindi ako kayang patumbahin ng isang suntok lang.”

“Hevn wants to make sure of your condition. Get in.”

Sinundan niya ng tingin ang dalawa. Unti-unti na ring humuhupa ang galit na naramdaman niya nang bigla na lang banatan ni Silva si Vash. At tuluyan na iyong naglaho nang muling magsalita si Vash.

“I really like your Corvette, Silvanus. But it’s a two-seater car. Hindi tayo magkakasya.” He chuckled. “Ang mabuti pa, ikaw na lang ang maghatid kay Hevn sa ospital.”

“Vash—”

“I’m fine, Hevn.” Bahagya pa nitong tinapik si Silva sa balikat. “Be nice to her, man. She’s really a gem.”

Habang nasa biyahe ay tahimik lang si Hevn. Hindi rin naman kumikibo si Silva kaya napuno ng nakabibinging katahimikan ang loob ng sasakyan. Okay lang naman iyon sa kanya. Nagkaroon kasi siya ng pagkakataong pag-isipan ang mga katatapos lang na pangyayari.

Halatang masama ang timplado ni Silva nang maabutan niya ito sa car park kanina. At talagang nagulat siya nang basta na lang nitong sinuntok si Vash. Pero habang tumatagal, unti-unting naiintindihan ni Hevn ang dahilan ng galit na ipinakita nito kanina.

Sinulyapan niya si Silva na tahimik pa ring nagmamaneho. Naalala tuloy niya nang unang beses silang magkasama sa isang biyahe. He still showed his cool confidence while driving. Pero may nagbago. Wala na ang masiglang aura na nararamdaman niya noon tuwing malapit siya kay Silva. At higit sa lahat, hindi na ito bumabaling sa kanya nang may ngiti sa mga labi.

And she missed his smile.

“Ano’ng nangyari kay Xeena?” mayamaya ay tanong ni Silva. Pero nanatiling nakatutok sa dinaraanan nila ang tingin nito. “Is she all right?”

Ako ba, hindi mo kukumustahin man lang?

“Hindi ko rin alam kung ano ang nangyari. Baka na-strain na naman niya ang mga muscles sa ankle niya na hindi niya dapat iginagalaw muna. Masyado kasing makulit ang babaeng iyon.”

Hindi na nagsalita pa si Silva at muli silang nabalot ng katahimikan. Ngayong napag-usapan na nila si Xeena, may munting boses na pilit na umuukilkil sa kanyang isipan.

“I hate too many ‘what ifs.’”

Iyon ang madalas sabihin noon ng pinsan. At parang ngayon lang din niya naiintindihan ang gusto niyong iparating. Wondering was such a drag when you could just ask someone up front.

“Bakit mo sinuntok si Vash, Silva?” tanong na ni Hevn. “Wala naman siyang ginawang masama sa iyo.” Walang sagot mula rito. Nagpatuloy lang siya. “He offered to take me to the hospital. Was that a horrible thing to do?” Still no answer from him. “I used to think that you’re nice. Now I think I don’t know you anymore. Or maybe I just don’t know you at all.”

Nang hindi pa rin nagsalita si Silva, doon na siya tinamaan ng hiya. She slumped on her seat and covered her face with her hands.

“Hevn, don’t cry,” he said at last. His voice a combination of gentle warmth and guilt. “I’m sorry.”

“I’m not crying.”

“Yes, you are.”

“No, I’m not,” giit niya. “Hindi mo kasi ako tinitingnan kaya hindi mo alam kung ano ang ginagawa ko.”

Narinig na lang niya itong bumuntong-hininga. Pagkatapos ay natahimik na uli. She wasn’t crying but she felt like crying at the moment. Sinabi noon ni Silva na mahal siya nito. Pero sa ipinapakita nitong pambabale-wala ngayon, parang gusto niyang isipin na isang napakagandang panaginip lang ang lahat ng iyon.

And now was the right time to wake up.

“Mag-usap tayo, Hevn,” wika ni Silva. “Pagkatapos nating masigurong nasa mabuting kalagayan na si Xeena.”

“Okay.” And she felt a hot liquid stream down her face.