Chapter 5
Five
“Y
ou okay
there?”
Hinawakan ni Hevn ang suot na headset nang marinig ang boses ni Silva. Ito na ngayon ang nakaupo sa cockpit nang iwan nito ang sasakyan kay Gary.
“When I said I wanted to die, I didn’t mean it to be now.”
“I won’t let you die, sweetheart. I’m a licensed pilot.”
She swallowed hard.
Sweetheart?
Did he just call her sweetheart?
“Huwag mo nang isipin ang mga nangyari kanina,” patuloy nito. “Tapat sa akin ang mga tauhan ko. Siguradong hindi magsasalita si Gary tungkol sa mga, aherm, nasaksihan niya kanina.”
“Thanks for reminding me,” she said gloomily. Pero ang dibdib niya, walang humpay sa pagkabog.
He called me sweetheart!
“I would always remember that one. It was the best night I’ve ever had in my entire life.”
“Huwag mong ipaparinig iyan kahit na kanino,” banta niya. “Baka isipin nilang may nangyari sa atin.”
“Bakit, wala ba?”
“Silvanus!”
“What?” But there was a hint of laughter in his voice. “Talaga naman, ah.”
“Shut up!”
Tumawa lang ito. And it was enough to settle, for a while, her erratic heartbeat. Maybe something happened between them. Especially to her. Dahil natuklasan niyang malaya nang tinanggap ng kanyang puso ang nararamdaman niya para kay Silva.
“Oh, hey. Nandito na tayo. Look out your window.”
Sa kabila ng kadiliman ng gabi, madali pa ring makita kung gaano kalawak ang lupaing sakop ng St. Claire’s Estate mula sa kinaroroonan nila. Napapalibutan kasi iyon ng mga luminous light at ang mansiyon sa kalagitnaan niyon ang pinaka-main attraction kumbaga. Katulad iyon ng property ni Silva sa Maynila pero mas malaki nga lang ang sakop nitong lupain.
Ilang sandali pa ay minamaniobra na ni Silva ang chopper. Nakita ni Hevn na may helipad malapit sa malaking pool sa bakuran ng mansiyon na iyon. At isang matangkad na lalaki ang naghihintay sa kanila sa kabilang bahagi niyon. Sa tingin niya ay hindi nalalayo ang edad nito kay Silva at hindi rin pahuhuli sa kaguwapuhan. She had seen that man. Ito na si Vincent Noblejas, ang isa pang miyembro ng Billionaire Boys Club.
“Vincent,” bati ni Silva pagbaba nila ng chopper.
“Silvanus.” The two shook hands before Vincent turned to her. “Your new girl?”
Bago pa makapagsalita si Silva ay inunahan na niya ito. Hindi kasi niya gusto ang aura ni Vincent. “I’m Hevn Imperial.” She extended a hand to him. “I’m looking for my cousin.”
“Cousin?” Ni hindi man lang nito pinag-aksayahan ng panahon na tanggapin ang kanyang kamay. “You mean, that nosy woman?”
“She is not!”
“Believe me, she really is.”
“Nasaan si Xeena? Ilabas mo siya!”
“I don’t take orders from anyone inside my house.”
“What do you want me to do? Beg you?” Sapakin kaya niya ito?
“Puwede rin.”
“You moron—”
Hinawakan siya ni Silva sa braso para siguro ipaalam na wala sila sa teritoryo nila.
Iiling-iling si Vincent nang lingunin si Silva. “You’ve got a tigress for a girlfriend, Silvanus.”
She could have kicked him if Silva hadn’t caught her first.
“Nerves,” sambit na lang ni Silva.
“I know. Sumunod kayo sa akin.”
Literal nang kinagat ni Hevn ang dila huwag lang makapagsalita ng masama sa lalaking ito. Tinanguan lang siya ni Silva bilang pagsang-ayon sa ginagawa niyang pagpipigil. They followed Vincent inside his palatial mansion.
Sa unang pagkakataon, ngayon niya nakita kung paano mamuhay ang isang bilyonaryo. Hindi na niya kailangang pumasok sa loob ng bahay ni Silva sa Maynila para malaman kung ano ang laman niyon. Sa bahay pa lang ni Vincent, malalaman na ang lahat ng kailangang malaman sa pamumuhay ng kasingyaman ng mga ito. A very spacious living room with state-of-the-art furniture, a huge chandelier hanging from the ceiling, a grand staircase leading to another part of the palatial house. Just looking at the whole house made her dizzy. Isang kuwarto ang pinasukan nila.
“Xeena!” Patakbong nilapitan ni Hevn ang pinsan na nagsisikap makatayo mula sa malaking kama. “Are you all right? Sorry, ngayon lang kami nakarating ni Silva.”
Imbes na sumagot ay nanlisik lang ang mga mata ni Xeena nang balingan sina Vincent at Silva sa pintuan ng kuwartong iyon.
“Umalis na tayo dito, Hevn.”
“You can’t go yet,” sabi ni Vincent. “The doctor will be arriving soon.”
“Doctor? What doctor?” Pinagmasdan niya ang pinsan at nakita ang tila pamamaga ng bukong-bukong nito. “Xeena, what happened to you?”
“That jerk wanted to kill me!”
Si Vincent ang tinutukoy nito. Nagpalipat-lipat lang ang tingin niya sa dalawa. Silva was just watching.
“I told you to leave my place at once,” sagot ni Vincent. “Dahil delikado rito para sa isang gaya mo. Hindi ka nakinig. Nagliwaliw ka pa sa buong estate kaya natural lang na iyan ang abutin mo.”
“Alam mong naligaw ako!”
Umiling lang si Vincent. “Hindi ka maliligaw kung bumalik ka lang agad sa pinanggalingan mo.”
Mukhang marami pang gustong sabihin si Xeena. Pero sa sobrang dami siguro niyon ay hindi na ito makapili kung ano ang unang sasabihin kaya sa huli ay nanahimik na lang, saka bumaling sa kanya.
“Ilabas na ninyo ako rito.”
“Pero ang paa mo—”
“Sa ospital tayo dederetso. Ayokong makita ang pagmumukha ng lalaking iyan dahil baka lumala lang ang kalagayan ko.”
“Pero—”
Lumapit na sa kanila si Silva at walang sere-seremonyang binuhat si Xeena. “Let’s go.”
Sinundan na lang ni Hevn ng tingin ang dalawa. At kahit ano ang gawin, hindi pa rin niya mapigilan ang sariling magselos sa mga nasaksihan.
“Put me down,” sabi ni Xeena pagtapat kay Vincent. Nang maibaba naman ito ni Silva ay agad lumipad ang palad ng pinsan niya sa pisngi ni Vincent. “That’s for me. Tayo na, Silvanus.”
“They’re cousins,” sabi ni Silva.
Nakaguhit ang kakaibang ngiti sa mga labi ni Silva nang muling buhatin si Xeena. Pero ang mas nakapagtataka, isang pigil na ngiti rin ang nakaguhit ngayon sa mga labi ni Vincent Noblejas.
“Thanks, man.”
“Don’t mention it.”
Pinagmasdan lang tuloy ni Hevn ang mga ito habang patungo sa nakaparadang helicopter. She could feel her heart sinking slowly.
“Jealous?” narinig niyang tanong ni Vincent sa kanyang tabi.
“Shut up.”
SILVA was watching cousins Lantis Nakago and Kenshin Arboleda as he waited for them to start talking about business. Nagtaka siya nang magpatawag ng urgent meeting si Lantis at kasama pa nito ang pinsan na sa pagkakaalam niya ay isa sa mga pinakasikat na movie actor sa bansa. At siya ring nababalitang papalit sa trono ni Lantis bilang miyembro ng Billionaire Boys Club. Mukhang tama ang mga naririnig niyang bali-balita.
“Si Kenshin na ang bahalang humawak sa puwestong bibitiwan ko sa AG International, Silvanus,” sa wakas ay baling sa kanya ng isa sa mga napakagaling niyang naging kasosyo sa negosyo.
“Ikaw ang managing director ng AGI, Lantis. Alam na ba ni Kenshin kung ano ang mga dapat niyang i-expect sa iiwan mong trabaho sa kanya?” Nilingon niya ang binatang aktor. “No offense meant, Kenshin. Pero wala akong alam tungkol sa background mo sa pagpapalakad ng malaking negosyo gaya ng AGI.”
“No offense taken,” sagot naman nito. “Totoo naman iyon. I don’t have any idea about running any business. I’m an actor, not a businessman. Itong si pinsan lang ang makulit.”
“AGI is your responsibility now, Kenshin,” sabi ni Lantis. “Ako lang ang humawak niyon para sa iyo dahil inihabilin ka sa akin ng mga magulang mo para alagaan. Pero ngayong may pamilya na ako, hindi puwedeng ibuhos ko ang lahat ng oras ko sa negosyo. It’s time you start taking care of your family’s legacies, Kenshin.” Hinarap siya ni Lantis pagkatapos. “Wala kang gaanong magiging problema sa kanya, Silvanus. He had a degree in business management before he entered the acting world. Of course, ako ang personal na magsasanay sa kanya para sa madaling transition niya sa AGI.”
“Glad to hear that.” Nilingon niya si Kenshin. “Willing din akong tulungan ka. Pero kung hindi ka magpapakita ng ano mang interes sa AGI, mapipilitan na lang akong i-dissolve iyon.”
Nabili ni Silva ang AGI nang mga panahong naghihingalo na iyon. Pero bago pa niya iyon tuluyang mapalago nang husto, dumating na nga sa eksena si Lantis Nakago at nakipagkasundo sa kanya. It turned out, inihabilin pala rito ng dating may-ari ng AGI ang negosyong iyon. Naunahan lang niya dahil nagkaroon si Lantis ng problema nang minsan itong ma-hostage sa Germany. And then there was his marriage. That was a year ago. Hindi niya masisisi si Lantis kung gustuhin man nitong magkaroon ng mas maraming oras para sa pamilya. Siya man, kung sakaling magkapamilya na rin ay hindi magdadalawang-isip na bawasan ang kanyang business empire for the sake of his family.
“What can you say, Kenshin?” baling nito sa pinsan. “Would you like to see your parents’ premier business turned to nothing?”
“Of course not.” Pero may pag-aalinlangan pa rin sa mukha nito. “Don’t worry, I’ll do my best.”
“Working at AGI requires full attention,” sabi ni Silva. “That means you’ll have to sacrifice something for it.”
“You want me to quit acting?”
“No,” singit ni Lantis. “I want you to quit acting. Dahil hindi lang AGI ang hahawakan mo mula sa araw na ito. In a few months, Kenshin, ililipat ko na rin sa pangalan mo ang mga negosyong iniwan sa akin ng mga magulang mo. AGI ang inuna kong ipahawak sa iyo dahil alam kong tutulungan ka ni Silvanus sa pagpapatakbo n’on.”
Kenshin just nodded. Hindi lang sigurado si Silva kung talagang nakikinig ito sa pinag-uusapan dahil panay ang kalikot nito sa cell phone. Kung hindi siya nagkakamali, kasing-edad lang din niya si Kenshin. Nagkataon lang na masyado itong na-pamper sa mundo ng showbiz kaya parang walang interes sa mundo ng negosyo. Tuluyan nang nawala ang atensiyon nito sa kanila nang may humintong pulang sasakyan sa harap ng café bar na kinaroroonan nila.
“That’s a Dodge Viper!” mahinang sambit ni Kenshin. “Lantis, I want a car like that when I take over AGI.”
“You can have any car you want when you take over all your parents’ businesses.”
“Cool!” Tumayo na si Kenshin. “You know, hindi na rin pala masama ang mapasama sa Billionaire Boys Club.”
Napailing na lang sila ni Lantis nang lapitan ni Kenshin ang may-ari ng sasakyang iyon na kapapasok lang sa café bar.
“I hope I’m doing the right thing.”
“Don’t worry, Lantis. I can see he has billionaire boy potential.”
Natawa lang ito. “Hanggang ngayon, wala pa rin palang tigil sa panggugulo ng tahimik na buhay ng mga negosyante sina Dunkey at Pamela. So, how is it being a billionaire boy, Silvanus?”
“You tell me. I heard na isa ka rin sa mga naging billionaire boy last year.”
“The only thing that I love about it is that it helped me find a wife. The same goes with the other former BBC members. Ikaw, sinuwerte ka na rin ba sa babae?”
Napangiti lang si Silva habang iniisip ang nag-iisang babaeng umookupa ngayon ng kanyang panahon. Pero wala siyang balak na pag-usapan ito sa harap ng kahit na sino. That woman would be exclusively for him.
“Magkakilala pala sina Rextor at Kenshin,” puna niya nang makitang mataman nang nag-uusap ang dalawa malapit sa counter. “Oh, wait. Was that Rex or Rath?”
“I think that’s Rextor Lagdameo. Kilala mo rin pala siya.”
“The very spoiled heir and the self-centered actor. This is interesting.”
“Mas magiging interesante sana iyan kung pareho silang mahuhumaling sa negosyo. Para naman mapakinabangan sila ng lipunan natin.”
“Well, there’s always a black sheep in the family. In this case, in the Billionaire Boys Club family. And there’s two of them.”
Napangisi si Silva nang makilala ang lalaking kapapasok lang sa café bar na iyon.
“Three,” sambit ni Lantis nang kawayan nito si Vincent Noblejas.