noveltoon logo noveltoon
Silva Arellano (The Billionaire Boys Club 7)

Chapter 7

Ch. 8 / 11 Feb 05, 2022

Chapter 7

Seven

“A

NO’NG

ginagawa mo rito?”

Kulang na lang ay lundagin ni Hevn si Vincent Noblejas nang maabutan itong nakatayo sa labas ng silid ni Xeena. She wanted to kill the man right then and there if it wasn’t for the two bulky bodyguards on his side.

“Hevn Imperial,” bati nito. “Kumusta?”

“Inuulit ko, Vincent. Ano’ng ginagawa mo rito? Balak mo na naman bang saktan ang pinsan ko? As you can see, she’s still in the hospital bed. Kaya kung ako sa `yo, huwag ka na munang magpakita sa kanya dahil baka lumala ang kalagayan niya.”

“I’m not gonna hurt her.”

“No. She’s going to hurt you. And I’m going to hurt you if you don’t go away.”

Matagal siyang tinitigan ni Vincent. Parang tinatantiya kung totoo ang kanyang sinabi. Hindi siya natinag. Wala na ngayon ang lalaki sa teritoryo nito kaya hindi siya mangingiming patulan ito kapag hindi niya nagustuhan ang sasabihin nito. Vincent may have the power and the money. But she had her pride and dignity as a human and she was going to fight for it. Pero hindi na pala niya kailangang dungisan ang mga kamay. Dahil ilang sandali lang ay tahimik nang umalis si Vincent kasunod ng mga bodyguard nito.

Sinabi ni Hevn sa pinsan kung sino ang umaali-aligid sa labas ng silid nito.

“What? Dapat pinapasok mo siya, Hevn!”

Nagulat siya sa reaksiyon nito. “Akala ko ba ayaw mong makita ang Vincent Noblejas na iyon?”

“Oo nga.” Dinampot ni Xeena ang flower vase sa tabi ng kama nito. “Hindi ko tuloy ito nabasag sa pagmumukha niya.”

“Iyan lang ang dahilan kung bakit gusto mo siyang makita?”

“Oo naman.” Ibinalik na nito ang vase. “Kapag magaling na ang paa ko, ha-hunting-in ko talaga ang kumag na iyon. Gaganti ako. Kahit kailan, hindi ko makakalimutan ang ginawa niya sa akin, Hevn. I can’t wait to get out of this bed.”

“Xeena, wala ka nang oras para hanapin si Vincent at gumanti. We have to go back to Italy as soon as possible.”

“Ha? But we’ve only been here for four days. Ni hindi ko pa nga nakikita nang maayos ang buong Kamaynilaan, babalik na tayo agad?”

Hindi makasagot si Hevn. Lalong hindi rin niya matingnan ang pinsan nang deretso sa pag-aalalang may iba itong makita sa kanyang mga mata. Mabuti na lang at wala namang nahahalata si Xeena.

“Hevn, pareho nating alam na hindi mo naman kailangang mag-report pa sa opisina mo. We could stay here as long as we want.”

“You have a hotel villa and restaurants to run.”

“I’m the boss. I call the shots. I want to stay here for a while, Hevn.” Nabaling ang atensiyon nito sa kisame. “I want to get even with that bastard who calls himself Vincent.”

Napabuntong-hininga na lang siya. Sobra talaga ang katigasan ng ulo ng pinsan niyang ito. Madalas tuloy, iyon ang nagiging dahilan ng mga kapahamakan nito. At minsan, nadadamay pati siya. She remembered Silva’s warm arms surrounding her and his hot breath as he whispered on her ear.

“Xeena, n-nag-usap na ba kayo ni Silva?”

“Tungkol saan?”

“Anong tungkol saan? Isa lang ang dahilan kung bakit tayo nandito ngayon sa Pilipinas. At iyon ay para malaman mo kung... kung may pag-asa nga kayong magkatuluyan.”

Her cousin turned to her, frowning. “Did I really say that?”

“Xeena!”

“All right, all right.” Itinaas pa nito ang isang kamay. “Sorry. Nakalimutan ko lang talaga. Anyway, nagkausap na kami ni Silvanus.”

“And?”

“And he said I’m beautiful and smart and sexy and—”

“Xeena.”

“We haven’t talked about it. We talked about you, though.”

Napatuwid si Hevn ng upo. “Ako?”

“Oo. Tinatanong niya ako kung may paraan pa raw ba para manatili ka pa dito nang mas matagal. Ang sabi ko, hindi ko alam.” Tinitigan siya nito. “Gusto mo na ba talagang bumalik sa Italy, Hevn?”

Her heart immediately answered ‘no.’ Pero ang isip niya, sinasabing mas mabuti nang lumayo siya ngayon pa lang kaysa may masaktan pa nang dahil sa kanya.

“I have to go,” sabi niya. “You know that.”

“Is it because of Silvanus?” Napaangat ang tingin niya sa pinsan. Seryoso ang magandang mukha ni Xeena. “Are you in love with him, Hevn?”

Her heart made a resounding ‘yes’ inside her. And her mind opted to ignore the fact that she really had a strong feeling for that particular billionaire boy. Hinilot niya ang sentido. Nalilito na siya sa kung ano ang dapat pakinggan.

“Hevn.”

“I can’t love him, Xeena.”

“So, in love ka nga sa kanya.”

“I can’t love him,” giit niya.

“Why not? Mukha namang gusto ka rin niya.”

“Sinabi ko na, Xeena. Hindi ko puwedeng mahalin si Silva.”

“Dahil kay Claudio?” Napapalatak na lang ito. “Wake up, Hevn. You don’t love him. Matagal ko nang ipinupukpok ang katotohanang iyon sa iyo. Ayaw mo lang akong pakinggan.”

“What do you mean? Alam mong mahalaga sa akin si Claudio.”

“Narinig mo ba ang sinabi mo? Ikaw na rin ang umamin sa sarili mong hindi mo nga mahal ang boyfriend mong iyon. Mahalaga lang siya sa iyo dahil iginagalang ka niya. But you never mentioned that you love him.”

Napaisip tuloy bigla si Hevn. Kailan nga ba niyang sinabi sa kahit na sinong kakilala na mahal niya ang boyfriend na Italyano? Wala siyang matandaan. Napabuntong-hininga na lang siya. Hindi niya akalaing magiging ganoon kakomplikado ang magmahal sa napakaikling panahon.

“And I never did mention that I’m in love with Silvanus Arellano,” wika niya.

“Hevn, hindi mo na kailangang aminin pa iyan sa harap ng kahit na sino. It automatically shows.”

“That’s not true...” But she knew she was losing this battle. “Is it?”

“Yes.” Tumango-tango pa si Xeena. “Nakikita ko ang reaksiyon mo tuwing pinag-uusapan natin si Silvanus. Your face was glowing, your eyes were twinkling and you didn’t know whether to agree with my plans for him or not. Hindi ka naman siguro nagseselos sa akin, ano?”

“Ano ka ba?” Nahihiya niya itong sinulyapan. “Hindi ka ba nagagalit sa akin?”

“Bakit naman ako magagalit sa `yo? It’s not your fault you fell in love with him. At saka, okay lang iyon. Kahit naman hindi pa kami nag-uusap ni Silvanus, alam ko na kung ano talaga ang score sa pagitan namin. He really likes you.”

“Paano mo naman nasabi `yan?”

Xeena smiled at her understandably. “I had a thing for Silvanus Arellano, Hevn. At ang mga taong gaya ko, madaling makaramdam.”

“Xeena, I’m sorry. Hindi ko naman sinasadyang makaramdam ng ganito para sa kanya. Basta... naramdaman ko na lang isang araw...”

“Hevn, why are you crying?”

Bigla siyang napatayo nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Nakatayo si Silva sa pintuan, nakakunot ang noo sa pag-aalala habang nakamasid sa kanya. Mabilis naman niyang pinahid ang luhang nakaalpas sa kanyang mga mata.

“Silva, a-ano’ng ginagawa mo rito?”

“I thought I’d give Xeena a visit.” Lumapit ito sa kanya. She took a step backward. “Hevn, are you all right?”

“She’s fine, Silva,” sagot ni Xeena. “Nami-miss lang niya ang mga magulang niya sa Italy. Alam mo naman ang mga nag-iisang anak na babae, masyado silang malapit sa mga magulang. Hey, para sa akin ba `yang dala mo? Thanks, ha? Kanina pa nga rin ako nagugutom, eh.”

Sa wakas ay nagawa rin ni Xeena na mabaling dito ang atensiyon ni Silva. Dahil hindi pa niya alam kung ano ang ikikilos sa harap ng binata pagkatapos aminin sa pinsan at sa sarili na mahal nga niya ito. She needed some time away from him.

“Maiwan ko na muna kayo dito,” sabi niya. “Maglo-long-distance call muna ako sa assistant ko sa Italy. Xeena, you’ll be okay here?”

Tumango lang ang pinsan. Si Silva naman ay mataman pa ring nakamasid sa kanya. Tinanguan na lang niya ito bilang pamamaalam. Her heart was bursting with so much emotion when she saw him that she almost screamed the moment she got out of the room. Hindi siya agad nakaalis doon dahil may kung anong puwersa pang pumipigil sa kanya. Damn! She wanted to see the man again!

“Hevn.”

Silva’s handsome face was covered with such worries that she wanted to touch him and soothe him. Pinigilan na lang niya ang sarili. Siguro, kontento na siyang pagmasdan ang guwapong mukhang iyon. Kahit sa malayo. Dahil iyon lang naman ang puwede niyang gawin sa ngayon.

“Hevn, what’s wrong?”

That voice. She had fallen in love with that warm and gentle voice the moment she heard it. Nararamdaman na naman niya ang pag-iinit ng mga mata.

“Hevn—”

“No, Silva. Nothing’s wrong.” Isang malungkot na ngiti ang isinukli niya. “Nami-miss ko nga lang siguro talaga ang mga magulang ko.”

“I have a private jet that can take you anywhere. Kung gusto mong makita ang mga magulang mo, ihahatid kita sa Italy.”

“Silva—”

“O kung gusto mo naman, ipasusundo ko na lang sila.” He brushed a finger on her cheek. “Don’t cry. I don’t want to see you cry.”

Pero pinigilan lang ni Hevn ang kamay nito. But the moment she touched him, she just couldn’t let him go. Tinitigan niya ang mga mata ni Silva. Muli ay napuna niya na parang siya lang ang babae sa paningin nito. Her heart was once again filled with so much emotion. Kaya nagpasya na siya.

“Silva, I have to tell you something.”

“What is it?”

“I’m in love with you.”

Kitang-kita ni Hevn ang pagkislap ng mga mata nito. Nang sumilay ang isang napakagandang ngiti sa mga labi ng lalaki, alam niyang iyon na nga ang tamang oras para ipagtapat dito ang lahat.

“Pero, Silva—”

“I love you, Hevn. And you don’t know how much you made me happy today.” He took her other arm and touched her face lovingly with his hand. “I have loved this face since the moment I laid eyes on you.”

And then he kissed her. At naglaho na nang tuluyan ang ano mang sasabihin niya nang maglapat ang mga labi nila. Damang-dama kasi niya ang sincerity ng mga sinabi ni Silva sa bawat halik.

Natagpuan na lang ni Hevn ang sariling isinusuko ang lahat ng kanyang depensa. Hindi na rin niya alintana kung nasa corridor man sila ng isang ospital at may mga makakakita sa kanila. Mahal niya ang lalaking ito at iyon ang tanging mahalaga.

Siguro, may ibang pagkakataon pa para sabihin kay Silva ang tungkol sa kanila ni Claudio. May ibang pagkakataon pa para makausap niya ang boyfriend at tapusin na ang relasyon nila. Sa ngayon, she would just kiss this man in her arms. The man she knew she would love for the rest of her life.

“Hevn...” Silva breathed in her name as he kissed her eyes, nose, lips. “Let’s go somewhere else. I want to celebrate this special day.”

“Yes.”

Nang tapusin nito ang halik ay parang nagkaroon bigla ng kulang sa buhay ni Hevn. She calmed herself. They needed time to cool off. Dahil baka kung ano pa ang gawin nila sa corridor na iyon kapag hindi sila naghiwalay pansamantala. The knowledge that the feeling was mutual was overwhelming. Ni hindi na nga niya magawang mag-isip pa nang matino. Kunsabagay, hanggang nasa mga bisig niya ang lalaking ito, hindi na niya kailangan ng ano pa man.

“Magpapaalam lang ako kay Xeena.” He gave her one more passionate kiss and a sexy smile before he went back to her cousin’s room.

Hinayaan na lang niya na si Silva na ang magsabi ng mga nangyari nang sandaling iyon. Hindi pa niya kasi alam kung paano haharapin ang pinsan sa ngayon. Although ayon na rin kay Xeena, wala naman talaga siyang dapat na alalahanin. Xeena just admitted to her that if things went out well with her and Silva, that would be fine with her. Pero natigilan siya nang makilala kung sino ang lalaking palapit ngayon sa kanya.

“Claudio?” bulong ni Hevn.

“Hevn!” Mahigpit siya nitong niyakap paglapit sa kanya. “My lady, you got me worried. Why didn’t you call me sooner?” His heavy Italian accent was very obvious. Pero ni minsan, hindi pa ito nagbanggit ng kahit na anong Italian language kapag siya ang kausap. Alam kasi ni Claudio na hindi pa gaanong pulido ang kaalaman niya sa salitang Italyano at naiinis siya kapag nagsasalita ito ng hindi niya maintindihan nang maayos. Pero malayo sa Italian language ang iniisip niya nang mga sandaling iyon.

“Claudio, you can let me go now.”

Agad naman siyang pinakawalan ng lalaki pero nanatili pa ring nakayapos ang mga braso nito sa kanya. “I got here as soon as I can. I’ve missed you, Hevn. Why didn’t you tell me you’d be coming here?”

“I... I forgot.”

“Ah. No worries. It’s okay.”

“C-Claudio, what are you doing here?”

“I want to see you. And also, I just realized something when I didn’t see you for a few days.”

Tinitigan siya ng asul nitong mga mata. Pagkatapos ay may kinuha sa bulsa ng slacks nito. A little red velvet box. Hindi na niya kailangang manghula pa kung ano ang laman niyon.

“Claudio, I think we should talk—”

“Yes, we will do that. But first...” Binuksan nito ang kahon at bumungad sa kanya ang singsing na nangingintab ang batong diyamante. “Marry me, my Hevn. I should have given you this ring a long time ago. But things got rough, you know that.”

“Yes, but—”

“So, will you marry me?” He took out the ring and put it on her ring finger. “Ah, lovely.” He kissed her hand.

Iyon ang eksenang naabutan ni Silva paglabas nito ng silid ni Xeena. Nagtatanong pa ang mga mata nito habang nagpapalipat-lipat ang tingin sa kanila ni Claudio. And then his eyes rested on her hand. Doon naglaho ang lahat ng ekspresyon sa guwapong mukha ni Silva.

Agad na binawi ni Hevn ang kamay sa boyfriend at naghanda na magpaliwanag pero naunahan na siya ni Claudio.

“Oh, did we disturb you, Mister? We’re sorry. We’re just excited about this day.” Muli nitong kinuha ang kanyang kamay at ipinagmalaki pa sa harap ni Silva ang singsing sa kanyang daliri. “We’re getting married, my Hevn and I.”

“Congratulations.” Silva’s voice was as cold as ice. “Excuse me.” Nilagpasan sila nito na para bang wala nang ibang nakikita.

Hinabol niya si Silva pero naalala naman si Claudio. She took out the ring. “Claudio, I’m really sorry. But I can’t accept this ring.” Ibinalik niya ang singsing. “I can’t marry you.”

“W-what? But... why, my Hevn? I thought—”

“Yes, I thought I loved you, too. But those days that I spent away from you made me realize a lot of things.” She gently touched his face. “Claudio, thank you for respecting my ideas and values in life. Thank you for accepting who I am. And I love you for that. But it’s not the kind of love that I would want to spend my life with you. You’re a good man. You deserve someone else, Claudio. Someone who will love you back with all her heart. I’m sorry I can’t be that woman.”

Matagal bago ito nakapag-react.

Pinigilan ni Hevn ang sariling sundan agad si Silva. Claudio didn’t deserve to be hurt like this.

Oh, God! What have I done? Bakit ko nagawang saktan ang mga taong ito?

Una, si Xeena. Pagkatapos ay si Silva. Ngayon naman, pati ang taong nagpahalaga sa kanya nang husto.

“Claudio... I’m really sorry.” Tinakpan ni Hevn ng isang kamay ang mga mata para pigilan sana ang mga luha. Pero bigo siya. “I’m really, really sorry. You’ve been so good to me and yet... and yet, I’ve hurt you.”

Nang kumilos ito sa wakas ay niyakap lang siya nito. “Sshh, my Hevn. Don’t cry. I understand.”

“I’m sorry...”

“I know. It’s not your fault. I’ve known all along that you don’t feel the same way towards me. But I thought you would change your mind in the future.” He brushed her hair and kissed the top of her head. “You are free to love anyone your heart choses to love, my Hevn. Be happy.”

Masuwerte pa rin siya kung tutuusin. She had found Claudio and took care of her heart. Then freely let her go the moment she asked for her freedom. Sigurado siyang isang perpektong babae ang magmamahal dito balang-araw. He deserved all that love, anyway.

“Thank you.”

“Now, I think you should follow that guy.”

“How did you—”

“He looked so sad and wounded when he saw the ring on your finger.” Hinalikan siya nito sa pisngi. “Go now, my Hevn.”

Matapos din itong gawaran ng halik sa pisngi ay nagmamadali na siyang nagtungo sa elevator. Kailangan niyang maabutan si Silva at maipaliwanag ang lahat. Sana lang, hindi pa huli ang lahat.