Chapter 6
Six
“S
INO’NG
tinawagan mo?”
“Si Claudio. Hindi na kasi ako nakapagpaalam sa kanya bago tayo umalis ng Italy dahil sa pagmamadali.” Umupo si Hevn sa silya malapit sa hospital bed ni Xeena. “Kumusta na ang pakiramdam mo?”
“I’m okay. My ankle’s not hurting anymore.”
Sa ospital ang bagsak ng pinsan pagkatapos nila itong makuha ni Silva sa poder ng walang pusong si Vincent Noblejas. Xeena had a dislocated ankle from the accident she had in Vincent’s place.
“Ngayon mo lang naalalang tawagan ang boyfriend mo pagkatapos ng halos tatlong araw natin dito?”
“Xeena, sa dami ng mga nangyari sa atin mula nang dumating tayo dito, natural lang na hindi ko agad maalala si Claudio.”
“Sigurado ka?”
“Ano bang klaseng tanong `yan?” Pero siya man ay nagdududa na rin sa sarili. She knew there was something else that kept her from even remembering her boyfriend back in Italy. “Hindi mo pa nasasabi sa akin kung paano mo nakuha ang aksidenteng iyan. Ano ba talaga ang nangyari sa iyo?”
Agad na nalukot ang magandang mukha ni Xeena.
Nakahinga nang maluwag si Hevn. Wala kasi talaga siyang balak na pag-usapan ang mga kakaibang nangyayari sa kanya nang mga panahong iyon.
“That Vincent guy was really the most disgraceful person on earth!” nanggigigil na sambit ng pinsan. At hindi na nawala ang murderous look sa mukha nito habang nagkukuwento. “And then that horrible guy came up to me in his horse and demanded I should leave.”
“What? Hindi ba niya nakita ang kalagayan mo?”
“I don’t know. Hindi na ako magtataka kung nakita nga niyang may iniinda ako pero hindi lang niya pinansin.”
“Ano’ng ginawa mo?”
“I cursed him.”
Napangiti lang si Hevn. Typical Xeena. “At ano’ng ginawa niya?”
“He just left.” May nakakalokong ngiting sumilay sa mga labi nito. “I really thought he was going to shoot me when I refused to leave his estate.”
“Bakit parang natutuwa ka pa diyan?”
“Dahil kahit paano, nakaganti naman ako sa kanya. Did you see his face when I slapped him?”
“Yeah, he just smiled.”
“No, Hevn. Nainsulto siya nang husto. Sa maiksing panahong pagkakakilala ko kay Vincent, alam ko na kung ano ang ibig sabihin ng iba’t ibang ekspresyon ng walanghiyang lalaking iyon.” Tumingin si Xeena sa kisame na parang nangangarap. “Dapat pala nagdala ako ng camera para nakunan ko ang eksenang iyon nang sampalin ko ang billionaire boy na si Vincent Noblejas. Nabasa mo na ba ang profile niya sa
Philippine Stats
, Hevn? Oh, my goodness. Sa lahat ng billionaire profiles na naroon, ang mga nakasulat tungkol kay Vincent Noblejas na yata ang pinakamalayo sa katotohanan...”
Xeena kept talking about Vincent. Pero ni minsan ay wala itong nabanggit na maganda tungkol sa lalaki. Hindi tuloy niya alam kung dapat ba siyang matuwa. Her cousin never did mention anything about Silva ever since they took her from Vincent’s place. Kahit lagi itong naglilitanya, ang lalaki lang na iyon ang tangi nitong binabanggit. Could it be na nakalimutan na ni Xeena ang tungkol sa una nitong pakay sa pagbabalik sa Pilipinas?
“‘Vincent’s charmingly subtle way of talking would make you feel he is just like any ordinary Don Juan...’” Xeena continued quoting from the magazine. “Yuck! Hevn, can you believe they actually thought Vincent was a charming saint? A charming snake, more like it. Dapat kong makausap si Dunkey tungkol sa article na iyon kay Vincent. Hindi sila dapat nagpapalabas ng mga kasinungalingang gaya niyon, lalo na at patungkol sa herodes na iyon.”
Tumango na lang si Hevn bilang pagsang-ayon. Sa estado ng emosyon ngayon ng pinsan, mas makabubuting hayaan na lang niya ito sa mga opinyon nito. Nagpatuloy pa si Xeena sa tila pagmo-monologue hanggang sa wakas ay maghikab na. Epekto na siguro iyon ng gamot na ibinigay ng nurse kanina.
“Let’s talk about my agenda against Vincent Noblejas later, okay?” sabi ni Xeena kahit namumungay na ang mga mata. “Magpapahinga na muna ako ngayon...”
“Mabuti pa nga.” Hinalikan niya ito sa pisngi. “Sleep tight, Xeena.”
Napailing na lang si Hevn habang pinagmamasdan ang maamong mukha ng pinsan sa pagtulog. She never had a sister before. Pareho lang sila ni Xeena na nag-iisang anak kaya naging mas malapit sila sa isa’t isa. They treated each other like sisters they both never had. Kaya kahit out of this world na ang mga plano ni Xeena sa buhay, susuportahan pa rin niya ito.
Paglabas ni Hevn ng silid ay sinalubong siya ng guwapong mukha ni Silva. May dala itong pumpon ng puti at dilaw na rosas at isang basket ng prutas sa kabilang kamay.
“Hi,” bati nito. “Kumusta na ang pinsan mo?”
“Nagpapahinga sandali.”
“Gano’n ba? Puwede bang pumasok sandali? Ibibigay ko lang ito sa kanya.”
“Okay lang.”
Hevn watched him enter Xeena’s hospital room. He had brought her gifts. He was really nice. Pero hindi pa rin niya maitago ang totoong nararamdaman nang mga sandaling iyon. May tila mumunting kumukurot sa kanyang puso, lalo na nang maalala ang eksena kahapon sa mansiyon ni Vincent. Kung paanong maagap na kinarga ni Silva si Xeena patungo sa helicopter. At kung paano inasikaso ng lalaki ang pagsasaayos sa pinsan niya sa ospital. Sa buong panahon kasing iyon, parang walang nakikita si Silva kundi si Xeena. Ni minsan ay hindi niya napansin na nilingon man lang siya nito. Ni hindi siya tinanong ni Silva tungkol sa kalagayan niya samantalang noong silang dalawa pa lang ang magkasama ay inasikaso siya nito nang husto.
She was not really complaining or anything. Kailangan naman talaga ni Xeena ng immediate medical attention. Naiintindihan niya iyon. Pero ayaw lang talagang umalis sa puso niya ang munting pagseselos na iyon.
Mariing ipinikit ni Hevn ang mga mata. Silva obviously was showing affection to her cousin. Xeena got her wish in only a matter of three days. But the problem was, it seemed like in only a matter of three days, her feelings for Silvanus Arellano had gotten stronger.
Patalikod na siya nang may pumigil sa kanyang braso. It was Silva.
“Let’s eat,” sabi nito.
“Ikaw na lang. Kumain na ako kanina.”
“Let’s just take some coffee then.”
SA DOME Café sa Shangri-La Ortigas nakarating sina Hevn at Silvanus. Iyon kasi ang pinakamalapit sa ospital na kinaroroonan ni Xeena.
“What do you want to have?” tanong ni Silva.
“Brewed coffee na lang.”
Isa sa mga uniformed crew ang lumapit sa kanila. “Good afternoon, Sir. What’s your order?”
Agad na napansin ni Hevn na hindi na mapuknat ang ngiti sa mga labi ng babaeng crew habang nakatingin kay Silva. Heto na naman ang munting pagseselos na unti-unting bumabalot sa kanyang puso. Damn it! Ayaw niya ng ganoong pakiramdam! Unang-una, dahil wala siyang karapatang makaramdam ng ganoon.
“`Yong girlfriend po ninyo, Sir, ano’ng order?”
“Ah, no, Miles. She’s not my girlfriend. But she wants a brewed coffee.”
“Ay! Akala ko ho girlfriend ninyo. Sorry.” The woman smiled at her apologetically and left them.
“Pasensiya ka na sa kanya, Hevn.”
“You know her? Lagi ka siguro dito.”
“Pangalawang beses ko pa lang na nakakapunta dito. About Miles, well, nabasa ko lang `yong nameplate niya.”
“She seems to know you, though.”
“Yeah, like the nurses and the female doctors from that hospital. Kasalanan iyon ng article ng
Philippine Stats
.”
“The Billionaire Boys Club.” Tumango-tango pa si Hevn. Kung ganoon, hindi lang pala ang female crew na iyon ang maaaring interesado kay Silva. Pati na rin siguro ang iba pang customer ng café bar na nang mga sandaling iyon ay panay na ang lingon sa direksiyon nila.
“You like the attention you’re getting now?”
“Not really. Ang totoo, I’m a very private person. Having my name on that absurd list of the country’s billionaires is an exaggeration. In fact, the list itself is an exaggeration. For one thing, I am not a billionaire.”
“Kung hindi ka bilyonaryo, paano ka napasok sa listahan ng
Philippine Stats
?”
“I have businesses here and there. Pero sa tingin ko, hindi pa rin iyon sapat para matawag na gano’n kayaman.” He was obviously trying to be humble. “Ewan ko rin kina Dunkey at Pamela. Siguro dahil kakilala ko ang mga asawa nilang nauna nang naging bahagi ng Billionaire Boys Club na iyon. Isa sa mga araw na ito, mapagbubuhol ko rin ang dalawang pasaway na iyon.”
Napangiti na lang si Hevn. Mahiyain na si Silva tungkol sa estado nito sa buhay kahit noong una silang magkita sa Italy. And she really liked that about him.
“I like your smile.”
Napatingin siya sa lalaki. “What?”
“I like your smile. Come to think of it, wala akong maalalang nakita kitang ngumiti man lang mula nang magkakilala tayo sa Italy.”
“Kasalanan mo iyon, Silva. Ikaw na mismo ang umamin sa akin noon na makakalimutin kang tao.”
“Well, you’re probably right about that.” Pinagmasdan siya nito nang husto. “I would love to remember that smile, though.”
Despite of herself, napangiti na naman si Hevn. Hindi siya sanay na nakakatanggap ng papuri pero masarap pa rin pala iyong pakinggan, lalo na kung nagmumula kay Silva. Mabuti na lang at nakalimutan na rin ng lalaki na minsan na niya itong pinagbawalang purihin siya sa kanyang hitsura.
Dumating na ang in-order nila. Muli, hindi na naman maalis ang tingin ng crew kay Silva. Maybe she ought to tell her to back off.
“Sir, puwede hong mag-request?” Dinampot nito ang isang magazine na nasa tray ng pinaglagyan ng mga order nila. “Pa-autograph naman po. Fan po kasi ako ng Billionaire Boys Club, eh.”
Napansin pa ni Hevn ang bahagyang pamumula ng mga pisngi ni Silva nang mapalingon sa kanya. He looked like he was asking her if it was okay to sign autographs.
Tumango lang siya habang pinagmamasdan ang napakaguwapong mukhang iyon. Atubili pa si Silva nang pirmahan ang pahina kung saan naroon ang larawan nito. Masayang nagpaalam sa kanila ang crew.
Tumikhim si Silva. “Inumin mo na ang kape mo.”
Cute.
“Papirma rin ako mamaya, ha?” biro niya.
“Huwag ka nang mang-asar pa diyan, Hevn. By the way, nalaman kong sa hotel pa kayo nag-i-stay ni Xeena. Hindi ko naman madalas ginagamit ang bahay ko sa Sun View Park dahil masyadong malaki para sa akin. Kung gusto n’yo, doon na lang kayo mag-stay para hindi na kayo gumagastos. Personal pa kayong maaasikaso ng mga tauhan ko doon.”
“Salamat na lang, Silva. Pero hindi na rin naman kami magtatagal dito.”
Natigilan ito. “What do you mean?”
Dinampot ni Hevn ang tasa ng kape. “We’re leaving this Sunday.”
“So soon?”
“Silva, nandito lang kami sa bansa ngayon dahil sa iyo. Nasabi ko na noon na gustong-gusto ka ng pinsan ko. We followed you here dahil gusto niyang malaman kung may posibilidad na magkaroon kayo ng isang magandang... relasyon.” Humina ang boses niya sa huling salitang sinabi. “Since ikaw na mismo ang nagsabi sa akin noon na wala kang interes kay Xeena, then tapos na rin ang pakay namin dito.”
“I still haven’t talked to her about that.”
Hevn bit her lower lip. Bakit nga ba niya pinangungunahan ang lalaki? Hindi ba’t siya na nga mismo ang nakasaksi sa pagiging malapit nito kay Xeena? Pinagalitan niya ang sarili.
Stop assuming the worst for you cousin, Hevn.
“Sorry.”
“For what?”
“For thinking you’re not really interested in my cousin.”
Wala siyang narinig na sagot. Hindi rin niya alam kung ano pa ang naging reaksiyon ni Silva dahil ibinaling na lang niya ang atensiyon sa pag-inom ng kape. Parang gusto niyang kabahan. Mali ba ang assessment niya noon na wala itong espesyal na nararamdaman kay Xeena? Alam niyang hindi siya dapat nagre-react nang ganoon. Hindi puwede.
Dear God, what’s happening to me? Bakit hinayaan Ninyong mahulog ang loob ko sa lalaking ito?
“Puwedeng malaman kung bakit parang hindi ka makapaghintay na makaalis uli ng bansang ito, Hevn? To think na tatlong araw pa lang kayo halos dito.”
“We have a life in Italy. At hindi namin puwedeng iwan nang matagal ang mga negosyo namin doon. Ni hindi nga alam ng mga magulang ko na nandito kami ngayon ni Xeena.”
“Why don’t you tell them and stay here a little longer?”
“We can’t.”
“Why not?”
“Basta. Komplikado kung sasabihin ko pa sa `yo.”
“Gano’n ba?”
Hevn still wasn’t looking at him. Pero base sa boses ni Silva, nanghihinayang ito sa nalalapit nilang pag-alis. Parang kinurot na naman ang puso niya. Halata kasing ayaw pang mawalay agad ni Silva kay Xeena.
“Don’t worry, Silva. I’m sure makakagawa ng paraan si Xeena para sa inyong dalawa.”
“Nah. I wasn’t thinking about that. May problema ba, Hevn?”
“Wala naman.”
“Kung gano’n, bakit hindi ka makatingin nang deretso sa akin?”
Muntik pa niyang mabitiwan ang hawak na mug ng kape. Napansin kaya nito ang kakaibang ikinikilos niya? Hindi iyon maaari. Ayaw na niyang gawing komplikado pa ang posibilidad na pagkakamabutihan nito at ni Xeena. So, she put on her best smile and looked directly at him.
“May iniisip lang ako,” palusot niya.
“Iniisip na ano?”
Hinalughog ni Hevn ang isip para makagawa ng magandang dahilan. Hindi naman siya nabigo. “Wala ka bang balak na pumasok sa opisina mo?”
“Ako naman ang boss kaya puwede kong gawin ang kahit na ano’ng gusto kong gawin. Bakit, ayaw mo na akong makasama?”
“Hindi naman.”
Since the day they left Vincent’s place, ngayon na lang uli nakaramdam ng kasiyahan ang kanyang puso. Hindi na talaga niya mapigilan na idepende ang kasiyahan at kalungkutan sa mga sinasabi at ginagawa ng lalaki. Hindi na rin niya alam kung tama pa ba ang kanyang ginagawa.
“The people recognize you. At napapansin kong hindi ka komportable. Pero bakit mo ako dito dinala?”
“Ah, napansin mo rin pala iyon.” Tiningnan ni Silva ang kabuuan ng coffee shop. Nasa kanila pa rin ang atensiyon ng nakararaming customer doon. “Nagtataka nga ako kasi parang kilala ako ng mga tao dito.”
“You were featured in Billionaire Boys Club.”
“Oh yeah.”
“Ayaw mo ba ng atensiyong nakukuha mo ngayon?”
“Not really. I like being recognized for my work. Pero kung makikilala lang ako ng mga tao bilang isang poster boy, well... hindi na rin masama.”
“Sira ka talaga.”
Tumawa lang si Silva. “Kidding aside, hindi ko gaanong gusto ang atensiyong nakukuha ko ngayon. Usually, I’m a very private guy. Mas gusto ko ang gumagawa at kumikilos nang walang nanonood sa bawat galaw ko. Although hindi naman talaga nakakaapekto sa akin ang mga nagpapa-autograph. It’s just that, I’m not used to it.”
“Masasanay ka rin.”
“I don’t think so.” Saglit itong nag-isip. “Siguro dapat ko na ring sundan ang yapak ng mga naunang miyembro ng BBC.”
“Yapak?”
“My business colleague and former billionaire boy Lantis told me that the only way I can get away from the limelight was to announce that I’m not available anymore.”
Napadako ang tingin ni Hevn sa kanyang kape. “Then why don’t you?”
“Sure.” Hinawakan ni Silva ang kanyang kamay na nakapatong sa mesa. “Let’s start.”
“A-ano’ng ginagawa mo?”
“I’m making myself unavailable to those women.”
Pilit niyang binabawi ang kamay pero lalo lang humigpit ang pagkakahawak nito. “Silva.”
“Come on, Hevn. Help me out, will you? Naiilang na kasi talaga ako sa mga atensiyong ibinibigay sa akin ng women population.”
Natutuwa siya na hindi niya maintindihan sa mga ikinikilos nito ngayon. But she liked the idea that she was going to be the woman who was marking this billionaire boy as out of the market. Hinayaan na lang tuloy niyang hawakan ni Silva ang kanyang kamay.
“Bahala ka kapag nawalan ka ng mga tagahanga.”
“Hayaan mo sila. Hanggang nandito ka sa tabi ko, wala na akong pakialam kung malipol man silang lahat. Besides, I like holding you like this.”
Oh, yeah. With him holding her hand and looking at her like she was the only woman existing, the hell with the world.
“Mabuti naman at hindi ka na lumalayo,” mayamaya ay sabi ni Silva.
“Paano ako makakalayo, eh, hostage mo na ang kamay ko?”
Ngumiti lang ito, saka marahang ibinaba ang kanyang kamay sa table.
Gusto sanang magtanong ni Hevn pero sa tingin niya, inappropriate yata iyon kaya hindi na lang siya umimik.
“I’m not taking your heart as a hostage,” sabi nito. “You’re always free to do whatever you like.”
Tuluyan na siyang nawalan ng imik. Kunsabagay, kahit naman gustuhin niyang magsalita ay wala rin siyang masasabing tama. His gaze just overwhelmed her. His words were capturing her heart and tying it in his. Wala na talagang kawala. Hanggang sa may maalala siya. Bigla tuloy ang sundot ng konsiyensiya sa kanya.
“Bumalik na tayo sa ospital, Silva. Baka nagising na si Xeena at hinahanap ako.”
“Hayan ka naman naman, Hevn. Bakit ba tuwing magpapakita ako ng interes sa `yo, bigla ka na lang nagmamadaling umalis?”
Imbes na sumagot ay kinuha na lang niya ang kanyang bag. “I have to go.”
“All right.” Tumayo na rin si Silva at nag-iwan na lang ng pera sa table.
“Hindi mo naman ako kailangan pang samahan pabalik ng ospital, Silva. You can stay here if you want to.”
“At hayaang dumugin ako ng mga babae? No way.”
Paglabas nila ng café bar ay napansin ni Hevn na patuloy silang sinusundan ng tingin ng mga babaeng customer. At hanggang sa paglalakad nila patungo sa sasakyan, sa bawat establisimyento na madaanan nila, hindi puwedeng wala silang marinig na, “Si Silvanus Arellano iyon, ah!” At kapag may lantarang bumati sa binata, mabait naman ito at binabati rin ang mga iyon. Pansamantala niyang kinalimutan ang mga iniisip at hinawakan si Silva sa braso. He wrapped his arm around her and pressed his cheek on her head.
“Thanks,” he whispered on her ear.
One of these days, Silva. I’ll tell you everything.
But in the meantime, she would savour every special moment with him.