Chapter 3
Three
N
APANGITI
si Hevn habang pinagmamasdan ang kabuuan ng Maynila sa gabi mula sa glass window ng kanilang hotel suite. Halos magtatatlong taon na rin ang nakalipas mula nang huli siyang tumapak sa lupain ng kanyang mga ninuno.
Nasa high school si Hevn nang mag-migrate ang buong pamilya nila sa Italy para doon na manirahan at palaguin ang kanilang negosyo. Bumabalik-balik pa rin naman sila sa Pilipinas tuwing may mahahalagang okasyon ang kanilang angkan. Maliit lang naman kasi ang angkan ng mga Imperial-Salvacion kaya hanggang maaari ay dumadalo sila sa lahat ng pagtitipon.
But three years ago, nag-migrate na rin sa iba’t ibang bansa ang mga natitirang kapamilya nila sa Pilipinas. Kaya mula noon ay hindi na rin siya nakabalik sa bansa. Ngayon na lang. And nothing felt like home pa rin talaga.
“So, ano na ang gagawin mo ngayon, Xeena?” baling ni Hevn sa pinsan na abala sa paghahalungkat sa dala nitong luggage bag. “Sinamahan kita rito dahil nag-aalala ako sa `yo. Wala na tayong kamag-anak na mahihingan mo ng tulong sakaling malagay ka sa alanganin. Pero isang linggo lang ang ilalagi natin dito. Hindi puwedeng iwan natin ang mga trabaho natin sa Italy nang masyadong matagal.”
“Oo na, oo na. Ah, here it is!” Ang pinakaiingatang magazine ang hawak nito ngayon.
“Ano’ng gagawin mo diyan?”
“I’m going to contact Dunkey.”
“What? You’re talking to animals now?”
“Silly! Dunkey is Donata Fontanilla’s nickname. Siya ang writer ng Billionaire Boys Club at siya rin ang nagbigay sa akin nitong magazine. Hindi ko nasabi sa `yo pero nagkita kami sa Villa La Rossi, two days before Silvanus arrived there. She’s with her husband Ran, a former billionaire boy himself, with their first child.”
“Former billionaire boy? You mean there were other billionaires before?”
“I told you our beloved country now boasts of many rich people.”
Umupo si Xeena sa tabi ng telepono at nag-dial ng numerong nakuha sa magazine.
Hevn picked up the magazine and read it thoroughly. Noong una kasi niyang makita iyon ay kay Silvanus Arellano lang ang profile na binasa ng pinsan. Now that she was reading it, she just couldn’t believe her eyes. The magazine didn’t say how much the worth of each man that was featured there. Mga business assets lang ng mga ito ang nakalagay doon. Actually, base sa kanyang mga nabasa, hindi na kailangan pang ilagay doon kung magkano ang worth ng bawat isang billionaire boy. Their business assets were enough to say how much they were worth. And they were only in their late twenties and early thirties!
“Got it!” deklara ni Xeena pagkatapos makipag-usap sa telepono. “Silvanus Arellano is staying in his mansion at the posh Sun View Park Subdivision and at St. Claire’s.”
“St. Claire’s?”
“St. Claire’s Estate. Sa Aurora Province ito.”
“Bakit ganyan ang tono mo? Hindi mo ba sigurado kung sa Aurora nga iyang St. Claire’s na iyan?”
“Sigurado akong sa Aurora Province ito. May kaklase kasi ako noong high school na tagaroon. Dinala niya ako sa St. Claire’s Estate dahil isa iyong napakagandang pasyalan.”
Napailing na lang si Hevn. “Paano mo nakuha ang impormasyong iyan?”
“Dunkey told me. She just isn’t sure where exactly Silvanus is staying at the moment. We’ll have to split up.”
Napakamot na lang siya sa ulo. “Xeena, I don’t think this is a good idea. What if he has a girlfriend already?”
“Dunkey assured me he’s very much available.”
“Okay. So, what if... What if...” Pinagmasdan ni Hevn ang naghihintay na mukha ng pinsan. Alam niyang wala siyang karapatan na sirain ang mga pangarap nito. Pero hindi naman niya hahayaang patuloy itong umasa at sa huli ay masaktan lang. “What if he doesn’t... feel the same way about you? Xeena, masasaktan ka lang. Let’s go back home.”
“This is home, Hevn.” She took a deep breath. “Alam mo ba, `insan, ngayon ko lang na-realize kung bakit hindi man lang ako nagkainteres na matutunan nang husto ang Italian culture? Kung bakit wala akong pakialam kung hindi man ako matutong mag-Italian sa lalong madaling panahon? Because I knew my heart will always be a Filipino. As for Silvanus’ feelings, well, we wouldn’t know that, would we? Unless, magkaroon nga kami ng pagkakataong magkakilala nang husto. And I’m giving ourselves one week to know each other well. Kung wala talagang chemistry sa amin, babalik agad tayo sa Italy. Promise.”
Dapat ba niyang kunsintihin ang pinsan? Kunsabagay, isang linggo lang naman iyon. Walang sino man ang puwedeng makapagsabi na in love na siya sa isang tao sa loob lang ng napakaiksing panahon.
“Fine,” sang-ayon ni Hevn sa ikalawang pagkakataon. “Tutal nandito naman na tayo, sige na. Bahala ka na kung ano ang gusto mong gawin.”
“Good!” May ibinigay ito na kapirasong papel na may nakasulat na address. “That’s his address in Sun View Park. Ako na ang bahala sa St. Claire’s.”
“At kapag nakita ko siya, ano ang gagawin ko?”
“Tell him I’d like to meet him. Kunin mo ang contact numbers niya para mas madali ang communication namin.”
“Bakit hindi na lang contact numbers niya ang kinuha mo kay Dunkey imbes na home addresses?”
“Wala raw kasing iniwang contact number si Silvanus sa
Philippine Stats
.” Ngumisi pa ito. “I guess this is the reason why he decided not to give his numbers.”
Napabuntong-hininga na lang si Hevn. Wala na nga sigurong makakapigil sa pinsan niya na gawin ang gusto nitong gawin. Noon pa man, ganoon na si Xeena. Napaka-impulsive sa mga bagay na inaakala nitong totoong makakapagpasaya rito.
“Hindi ba parang napaka-awkward n’on?” tanong niya. “We barely know him—”
“I barely know him. Pero ikaw, hindi ba’t nagkausap na kayo nang mas matagal noong nandoon pa tayo sa Italy? It’ll be fine. Mabait naman si Silvanus. And he did say he wanted to see us. Soon.”
“Oo nga. Pero—”
“Bakit ba masyado kang nag-aalala? Everything will be fine, Hevn. Don’t worry.”
Sana nga ganoon lang kadali ang lahat. Habang iniisip kasi niya ang muling pagkikita nila ni Silvanus Arellano, hindi niya maiwasang kabahan. The day they parted ways, he had brought her into his arms. And he did almost kiss her. Hanggang ngayon, naaalala pa rin niya ang kakaibang kulay ng mga mata nito. Ang ngiti nito na parang ngiti ng isang anghel dahil napapagaan niyon ang kanyang pakiramdam. At hanggang ngayon, parang nararamdaman pa rin niya ang init ng hininga ni Silvanus sa kanyang leeg.
Biglang napatayo si Hevn. “Okay. I’m just gonna take a shower.”
Mabuti ngang pagbigyan na niya ang pinsan para matapos na ang kabaliwan nito. Tatawagan niya mamaya ang boyfriend na si Claudio. Nakalimutan niyang magpaalam dito dahil sa pagmamadali ni Xeena na makaalis.
“Hevn, thanks, ha? I knew I could always count on you.”
“Huwag ka nang mambola. Basta expect the unexpected.”
“Oh, you mean, I should expect that I would get hurt eventually if things don’t go out the way I want it? No problem.”
“I don’t want you to get hurt, Xeena.”
“I’m not gonna get hurt. Besides, I’m really not that sure about my feelings for Silvanus. Kaya nga kailangan kong makasiguro, so I can move on easily. You know me. Ayoko ng laging tinatanong ang sarili ko, when I could just ask someone else.”
“Okay. You’re the man.”
HINDI mapigilan ni Hevn na humanga nang husto sa exclusive subdivision na pinasok ng sinasakyan niyang taxi. This was Sun View Park? She was used to seeing big houses in Italy, even mansions and palaces. But this place was magnificent. The word ‘rich’ could be sensed all over the subdivision. Daig ng mga mansiyon doon ang mga mansiyong nakikita niya sa Italy. Nasulit ang kanyang pagod sa paghahanap sa lugar na iyon kahit halos ginabi na siya.
Muntik pa nga silang hindi makapasok kanina sa subdivision na iyon kung hindi lang niya sinabing hinahanap niya si Silvanus. Hindi nagustuhan ni Hevn ang ngisi ng mga guwardiya pero hindi na lang siya umimik. Alam niyang hindi maganda ang iniisip ng mga ito tungkol sa kanya.
Xeena, I’m going to slit your throat.
Sa tapat ng isang napakalaking bahay siya ibinaba ng taxi.
“Ito na ho ang address ng bahay na hinahanap ninyo, Ma’am,” sabi ng driver. “Nasa inyo na ho ang numero ng cell phone ko, Ma’am. I-text n’yo na lang ako kung aalis na ho kayo.”
“Sige, salamat ho.” Ibinilin kasi ng mga guwardiya na hindi puwedeng maghintay sa loob ng subdivision ang kahit na anong sasakyang hindi pagmamay-ari ng kahit na sinong residente roon. Sa labas na lang ng subdivision siya hihintayin ng taxi driver.
Hevn looked up at the huge steel gate. Across the wide, wide lawn was a great white and maroon mansion. May malaking fountain pa sa gitna ng malawak na garden lawn. Kung hindi lang siguro niya alam na nasa Pilipinas siya, baka isipin na niyang isang modern-day palace ang tinitingnan niya ngayon.
Nawala lang ang atensiyon ni Hevn sa pagtunganga sa mansiyon na iyon nang may magsalita sa kanyang likuran.
“Can I help you?”
Her heart jumped when she saw Silvanus. He was giving her a quizzical look as his arm leaned on the door of his metallic gray Chevrolet Corvette. He looked so amazing in that hot car! Lalo pang tila nagrambulan ang mga daga sa kanyang dibdib nang unti-unti itong ngumiti.
“Hevn.” Nakilala siya nito! “Kaya pala pamilyar sa akin ang babaeng nakita kong nakatayo sa labas ng gate ng bahay ko.”
Silvanus got out of his car. He was wearing a simple gray shirt over a black coat and faded jeans. Napaurong siya. Parang gusto na niyang tumakbo palayo. Mali yata na nagpunta siya ngayon doon. It was just now that she realized, she really didn’t know how to relay what her cousin wanted her to say to him. Idagdag pa ang pagsulpot na naman ng kakaibang kaba na iyon sa kanyang dibdib.
Dapat na talaga siyang kumaripas ng takbo.
“You’re here,” sabi ni Silvanus. “Let me say, I’m really surprised you even found time to look for me.”
“I’m not here for you.” Sa wakas ay nagawa na ring magsalita ni Hevn. “I’m here for my cousin.”
“Oh.” Kunot-noo siya nitong pinagmasdan na hindi pa rin nawawala ang ngiti sa mga labi. “Wala siya dito. Magpapaalam naman ako sa iyo kung sakaling balak ko siyang iuwi dito sa Pilipinas.”
“Hindi yata tayo nagkakaintindihan, Mr. Arellano.”
“Silva,” pagtatama nito. “Call me Silva.”
“Silva? What kind of name is that?”
“A unique one. Just like yours.”
Sabay silang napalingon nang makarinig ng sagitsitan ng mga gulong. Isang pulang kotse ang mabilis na dumaan sa harap nila.
“A Dodge Viper,” sambit ni Silva habang sinusundan ng tingin ang papalayong sasakyan. “Nice one, Rex... or Rath. Whichever.”
Isa pang humahagibis na sasakyan ang dumaan sa harap nila. Sports car din iyon gaya ng naunang kotse na nakababa ang hood kaya madaling makita kung sino ang sakay niyon. A very beautiful and very irritated woman. Huminto ito sa tapat nila.
“Have you seen that stupid jerk in a red Viper that passed this road?” tanong ng babae.
“If you’re talking about Re—Ra—that guy, kadaraan lang niya. And unless ma-flat-an siya ng gulong, siguradong maaabutan mo siya.”
“Damn it! I’ll kill that bastard!”
“Hey, good luck.” Nang makalayo na ang babae ay saka siya hinarap ni Silva. “Welcome to our village. Pumasok na muna tayo sa loob at baka kung ano pa ang masaksihan mong mga pangyayari sa lugar na ito.”
“No,” agad na tanggi ni Hevn. “Sabi ko nga sa `yo, nandito lang ako para sa pinsan ko...”
Pambihira! Paano ba niya sasabihin ang pakay nang hindi nagmumukhang sira-ulo? Kakaiba naman kasi talaga ang ipinapagawa ni Xeena. Ang masaklap pa niyon, siya pa ang sinamang palad na magbigay kay Silva ng estupidong mensaheng iyon. Kung bakit naman kasi nagkataon pang nandoon ang lalaki imbes na sa bahay nito sa St. Claire’s, kung saan man iyon.
“Hevn?” untag nito. “You’re saying something?”
She looked up at him. Bad move. Because she was once again captivated by those liquid brown eyes of his. She closed her eyes and think.
That’s right, Hevn. Think. You have to think of something instead of looking at his magnificent eyes.
“Ahm... would you like to go out with my cousin?”
Halatang nagulat si Silva sa sinabi niya. Pero wala naman itong ipinakitang masamang reaksiyon.
“You came all the way from Italy just to ask me to go out with your cousin? Again?”
“Look, I know this sounds stupid, but, yeah. I’m asking you on behalf of my cousin.”
He absentmindedly rubbed his jaw, thinking. “I don’t know how to say this to you, Hevn. But I’m really not interested in your cousin.”
Hindi itatanggi ni Hevn na natuwa siya sa narinig. Pero nang sumagi sa isip niya ang umaasang mukha ng pinakamamahal na pinsan ay bigla na namang sinundot ang kanyang konsiyensiya.
“Kaya ka ba bigla na lang umalis sa Italy pagkatapos mong mangako na makikipag-date ka kay Xeena?”
Marahan itong umiling. “Nasabi ko na sa sulat na iniwan ko. Kinailangan kong bumalik agad ng Pilipinas dahil sa negosyo. Back then, I really considered going out with your cousin. Mukha naman kasi siyang mabait at masayang kasama. But when I saw you standing in front of my house a while ago, lalong lumakas ang kutob kong hindi talaga ako interesado sa kanya.”
“This has nothing to do with me.”
“It has everything to do with you, Hevn. I was interested in you.”
Daig pa niya ang tila sinipa ng kabayo sa dibdib. “Y-you were interested in me?”
“Yeah.” He gave out a big grin. “You don’t have to emphasize on the tense, you know.”
“Ibig sabihin, hindi ka na interesado sa akin?”
“Well, I’m still thinking about it.”
“Kung gano’n, puwede ka nang makipag-date sa pinsan ko.”
“Hevn, when it comes to starting a relationship, hindi ka dapat nakikipag-bargain. At lalong hindi ka dapat gumagamit ng ‘tulay’ o padrino. Dahil kadalasan, sa mga ‘tulay’ at padrino nai-in love ang mga main characters sa love story na iyon.” Marahan na lang itong napailing. “Don’t you read love stories?”
Napaurong siya palayo.
Tuluyan na itong natawa. “Oh, Hevn. You’re breaking my heart, woman.”
“W-w-what?”
“Why are you so afraid of me? Wala ba akong karapatang magustuhan ng isang gaya mo? Sa tingin ko naman, I have the looks and the charisma.”
“May boyfriend na ako!” This was what she hated confronting Silvanus Arellano. Nawawala sa tamang direksiyon ang isip niya. “At puwede bang huwag mo na akong isali sa usapang ito? We’re talking about my cousin.”
“Okay.” Eksaherado pa itong tumikhim. “Let’s talk about this inside the house.”
“No. Naiparating ko na ang ipinasasabi ng pinsan ko. Tumanggi ka kaya iyon ang sasabihin ko sa kanya. Magandang araw.”
“Ihahatid na kita sa tinutuluyan n’yo.”
“Salamat na lang.”
“Hevn.”
She stopped and turned to him. Silva really looked so annoyingly handsome. Bakit ba kailangang maapektuhan siya nang ganoon sa lalaking ito? Eh, marami naman siyang nakitang mas guwapo at mas mayaman kaysa rito. Ano ba ang meron sa kumag na ito at lagi na lang niyang nararamdaman na binabantayan niya nang husto ang sarili? It was like he was a threat to her or something. A threat? What threat? She wasn’t afraid of anything. Kaya nga nagawa niyang maging isa sa major stockholders ng kanilang kompanya. Wala siyang kinatatakutan.
“Maybe I should talk to your cousin.”
“And what? Personally break her heart? Isa sa mga dahilan kung bakit ako pumayag na magmukhang tanga sa harap mo ay dahil sa alam kong ito ang unang pagkakataon na nagkainteres nang husto si Xeena sa isang lalaki. I wouldn’t want to see you break her heart in front of me, Silva.”
“Believe me, Hevn. Hindi ko rin gustong masaktan ang pinsan mo. Pero mas makakabuting magkausap kami nang personal. I’m hoping na maiintindihan niya ako kung sakaling ako mismo ang magpaliwanag sa kanya ng lahat ng ito.”
“Kahit ano pa ang gawin mong pagpapaganda ng sasabihin mo, doon pa rin ang punta n’on. Masasaktan pa rin siya.”
“Lahat ng tao, nagdaraan sa ganyan. Lahat ng tao, eventually, masasaktan. Ang ipinagkaiba lang ng kay Xeena, she’ll get over it fast enough.” Binuksan ni Silva ang passenger seat ng kotse nito. “Please, Hevn?”
Nag-isip siya sandali. At ayaw mang tanggapin, nakikita niya ang katwiran sa mga sinabi nito. It would hurt her cousin to know that the man of her dreams didn’t feel the same way for her. Pero mas mabuti na siguro na si Silva na ang kumausap dito.
Humugot muna si Hevn ng malalim na hininga, saka sumakay sa sports car nito. He put on his sunglasses again and started the engine.
“Where to?” tanong nito.
“St. Claire’s.”
“Where’s that?”
“Your house in Aurora Province.”
“I don’t have a house in Aurora.”
“Yes, you do.”
“No, I don’t,” marahang tanggi ni Silva. Parang ito man ay may kakaibang nararamdaman sa pinatutunguhan ng usapan nila. “I have a condo unit in Aurora, Quezon City though. In Sinclair’s building.”
Natahimik sila.
Wala sa sariling inalis ni Hevn ang mga hibla ng buhok niyang tumatama sa kanyang mukha dala ng pagiging top-down car ng sasakyan nito. Pero malayo sa pagkakagulo ng buhok ang isip niya.