Chapter 4
Four
“I
’M FREAKING
out!” hiyaw ni Hevn.
“Sshh.” Silva started the engine of his car. “Makikita rin natin ang pinsan mo. Huwag kang mag-alala.”
“Makikita? Alam mo ba kung gaano kalaki ang Aurora Province, ha? Saan natin siya hahanapin doon? Hindi kabisado ni Xeena ang lugar na iyon!”
Ano na lang ang sasabihin sa kanya ng mga kamag-anak nila kung sakaling may mangyaring masama kay Xeena? Magkasama sila pero hinayaan niya itong magpunta sa lugar na hindi nito alam. Kasalanan niya ang lahat. Kung hindi niya kinunsinti ang kalokohan nito, nananahimik pa rin sana sila at maayos na namumuhay sa Italy.
“Ni walang nag-e-exist na St. Claire’s sa mundong ito! Saan natin siya ngayon hahanapin?”
“May St. Claire’s sa Aurora,” mahinang sabi ni Silva. “St. Claire’s Estate. Pero private property na iyon ngayon ni Vincent Noblejas.”
“Vincent Noblejas? Narinig ko na ang pangalang iyan...”
“He’s one of the new members of The Billionaire Boys Club. Kung doon nga ang punta ng pinsan mo, we have to get to her fast.”
“Bakit?” Lalo lang kinabahan si Hevn. “Is my cousin in trouble?”
“Sabihin na lang natin na may-pagka-possessive si Vincent sa mga pag-aari niya.”
At maaaring nag-trespass na ang pinsan niya sa property ng Vincent Noblejas na iyon. Kung ganoon ay nasa panganib na nga si Xeena.
“You mean, maaaring ipinatapon na niya sa kulungan ang pinsan ko?”
“Well, that’s not the only option he has.”
“He has? What about my cousin’s options?”
Hindi sumagot si Silva.
Tinapakan ni Hevn ang paa nitong nakatapak sa silinyador. Humarurot ang takbo ng sasakyan. Hindi niya alam kung nasisiraan na ba ng ulo si Silva dahil imbes na sawayin siya ay tahimik lang nitong minaniobra ang manibela para umiwas sa ibang sasakyan sa highway. Kampante pa ngang nakapatong ang isang siko nito sa bintana ng kotse.
They started gaining some attention from the crowd as their sleek and posh Corvette passed by. Nang maisip na maaaring nasasaktan na si Silva ay hinayaan na niya ang paa nito. Pero hindi man lang bumagal ang takbo ng sasakyan. Kaya hindi na nakapagtatakang sa loob lang ng ilang minuto, nasa bukana na sila ng expressway patungong probinsiya ng Aurora.
Nilingon ni Hevn si Silva. He still looked so much at ease and almost enjoying the wind blowing his hair. He was driving with only one hand. His gorgeous head was slightly resting on his other hand that leaned on the door on his side.
Bahagyang lumingon sa kanya si Silva at ngumiti nang mahuli siyang nakatingin. Mukha namang sira-ulo ang puso niya dahil parang lumundag iyon nang makitang muli ang ngiting iyon. Pero masyado yatang napatagal ang pagkakatitig nito sa kanya.
“Okay ka lang diyan?” tanong ni Silva.
Tumango lang si Hevn, saka niyakap ang sarili at ibinaling sa dinaraanan nilang highway ang atensiyon. Why was she feeling this way towards him? She could feel something for him that she had never felt with her boyfriend of one year. To think na ilang araw pa lang silang magkakilala ni Silva.
Kumilos ang binata sa tabi niya at may pinindot na ilang buton sa dashboard ng sasakyan. Ilang sandali pa, umaangat na ang hood ng sasakyan hanggang sa tuluyan iyong sumara. Now they were securely inside the comfort of the sleek car.
“Nilalamig ka na pala, bakit hindi mo man lang sinasabi? Sana kanina ko pa naibaba ang hood nitong kotse.”
“I’m fine.”
“Okay. Nagugutom ka na ba?”
“Busog pa ako.”
“Ah, okay.”
“Wala na bang ibibilis pa itong takbo natin? Pasensiya na pero talagang nag-aalala ako sa pinsan ko.”
“Walang ano man iyon.” Saglit na sinulyapan ni Silva ang iba’t ibang metro sa dashboard ng kotse. “Well, as of this moment, we’re going one hundred and twenty kilometers per hour.”
“One hundred—”
“We can go faster.” Parang excited pa itong napapalatak. “I love this car.”
Bigla tuloy kinabahan si Hevn, lalo na nang makita ang kakaibang ngiti sa mga labi ng lalaki. Damn it! They were already speeding down the highway! Kung bibilisan pa nito ang takbo ng sasakyan, siguradong lilipad na sila sa kalsada. Bakit ba nakalimutan niyang baliw ang mga lalaki sa bilis ng isang sasakyan?
“Well, hang on, Hevn.” He gave her a quick look and winked. “We’re going to rock this road.” Silva stepped on the gas and they went on like they owned the highway.
Naitakip na lang niya ang mga palad sa kanyang mukha. Ayaw niyang makita ang magiging dahilan ng maaga niyang pamamaalam sa mundo.
“HEVN, nakatulog ka na ba diyan?”
“Are we dead yet?”
“No.” Narinig ni Hevn si Silva na mahinang tumawa. “Not yet. Puwede ka nang dumilat diyan. Ibinalik ko na sa normal ang takbo ng sasakyan natin.”
Unti-unti na niyang ibinaba ang mga kamay. Mabilis pa rin ang takbo ng sasakyan pero hindi na siya sigurado. Inakala pa nga niyang nakapikit pa rin siya dahil wala pa rin siyang gaanong makita sa kanilang dinaraanan dahil sa dilim. Kinailangan pa niyang kusutin ang mga mata para lang makasiguro. Pero ganoon pa rin.
“Nasaan na tayo?” tanong niya.
“On our way to St. Claire’s.”
Nagdududang binalingan niya ito. “Nasaan na tayo, Silva?” ulit niya.
“Malapit na tayo.”
“Naligaw na tayo?”
“Of course not. I just made a wrong turn, that’s all. Pero siguradong sa dulo nito, doon na ang papuntang St. Claire’s. Medyo naninibago lang ako sa daan kaya natatagalan tayo.”
“Naligaw na nga tayo.”
“Hindi tayo maliligaw. I know this place.”
“So, what is this place?” Hindi na alam ni Hevn kung ano ang unang gagawin. Kung sasakalin ba si Silva, sisigawan, o sasabunutan. “This is pointless. We’re lost and you’re not even admitting it.”
“Makakarating din tayo, Hevn. Don’t worry.” May umilaw sa isa sa mga metro sa dashboard ng kotse nito. “Oops.”
Hindi na kailangang manghula ni Hevn kung para saan ang palatak nitong iyon. Dahil nakabandera sa harap niya ang indikasyong wala na silang gasolina.
“I don’t believe this,” sabi niya.
“Ahm, nakalimutan kong magpa-full tank kanina.” He even had the nerve to smile shyly at her. “Pasensiya na.”
Nanggigigil siyang lumabas ng sasakyan at pabalibag na isinara ang pinto niyon. Sa di-kalayuan ay naroon ang isang aandap-andap pang poste ng ilaw. Ilang kilometro kaya ang pagitan ng bawat poste ng ilaw sa kahabaan ng highway na iyon?
“And where the hell are we?!” sigaw na niya.
“Hevn—”
“I don’t want to talk to you!”
“Okay lang. Pakinggan mo na lang ako kung gano’n.” Inilabas ni Silva ang cell phone. “Sigurado naman talaga akong ito ang papuntang St. Claire’s. Naubusan lang tayo ng gas.”
“Oh, that’s really enlightening, Silva. Kahit sabihin mo pang kabisado mo ang bawat lubak sa kalsadang ito, paano pa tayo makakarating doon kung nandito tayo sa lugar ng kawalan at walang gasolina ang sasakyan?”
“Kaya nga tatawag na ako ng backup.” He dialed on his phone before turning to her. “Nagugutom ka na ba?”
Imbes na sumagot ay tinalikuran na lang ito ni Hevn. Nagtungo siya sa likuran ng sasakyan at doon nagmukmok. Ang totoo, naiinis din siya sa sarili. Hindi naman kasi kasalanan ni Silva ang lahat kung bakit sila minalas ngayon. Siya ang nag-suggest na mas bilisan pa nito ang takbo ng sasakyan at hinayaan itong mag-isa. Sa kagustuhan niyang mas mapadali ang paghihiwalay nila, parang lalo pa siyang ipinagduduldulan dito ng tadhana.
Sinundan siya ni Silva pero hindi ito lumapit sa kanya. Naupo lang sa bumper ng Corvette.
“Nakatawag na ako ng susundo sa atin. Natawagan ko na rin si Vincent. Sinabi kong kung may makikita siyang babaeng naligaw sa property niya, asikasuhin na muna niya nang maayos.”
Tiningnan ni Hevn ang lalaki. Nang ngumiti ito ay tila bulang naglaho ang ano mang init ng kanyang ulo sa mga nangyayari sa kanila ngayon. He looked absolutely handsome even with the pale light coming from the way-too-far light post. Parang kumikislap ang mga mata nito habang pinagmamasdan siya. At wala na siyang nagawa nang tuluyang mapaamo ng mukhang iyon ang kanyang puso.
“Paano tayo makikita dito ng sinasabi mong sundo natin?”
“I told you I know this place. Nanibago lang talaga ako dahil naging two-way na ang highway na ito.”
“Ang sabihin mo, ayaw mo lang magtanong ng direksiyon kanina sa mga nadaanan nating establishments.” Hevn gave out a half frustrated sigh. “What’s with men and asking directions?”
“Men don’t ask directions when they already know the place.”
“Men are stupid. Mas gugustuhin pa nilang mamatay kaysa magtanong ng tamang direksiyon.”
“Hindi naman masyado.”
Napailing na lang siya, saka naupo sa tabi nito. “So, maghihintay na lang tayo dito kung sino ang unang darating? Ang mga adik na holdaper o ang sundo na tinawagan mo.”
“Ikaw naman. Masyado kang pessimist. Cheer up.” Silva lay flat on his back and stared at the starless sky. “The night is beautiful. Just enjoy it.”
“I’m worried.”
“Hevn, if there’s something I can do better than handling my corporation, it’s protecting the woman beside me.”
Her heart melted. Just like that. Nag-iwas siya ng tingin. Bakit ba ang bilis maniwala ng puso niya? Bakit bawat sabihin ni Silva ay buong-buo niyang tinatanggap kahit na nga ayaw niyang aminin iyon sa sarili? What was with this man and his wonderful smile that always sent her heart into overdrive? Maybe it was because of their situation at the moment. Dala lang iyon ng katahimikan ng paligid at malamlam na liwanag.
“O, nawalan ka na ng imik diyan,” puna nito. “Ano’ng iniisip mo?”
“Ikaw ba, sasabihin mo sa akin kung ano ang iniisip mo?”
“Depende. If it’s a matter of life and death, baka sakaling sabihin ko sa `yo.”
“Baka sakali pa?” Marahan siyang napailing. “Napakaimposible mo talaga.”
“Hmm, you’re right about that. Sometimes, I just amaze myself.” May iniabot si Silva na isang bar ng chocolate. “Iyan lang ang nakuha ko sa secret compartment ng kotse. Kainin mo na iyan para hindi ka gutumin habang naghihintay tayo dito.”
“Salamat na lang. Sinabi ko naman sa `yo na hindi ako gutom.” Pero pinagtaksilan si Hevn ng tiyan dahil bigla iyong kumulo nang malakas. Parang pagkain na ang nasa harap niya. She looked at Silva and smiled. “Oops.”
Tumaginting ang halakhak nito sa kadiliman ng gabi. Siya naman ay napangiti na lang uli. This particular billionaire boy didn’t just know how to have a good time. Kaya rin nitong mapasaya ang mga taong nakakasalamuha kahit gaano pa ka-bizarre ang sitwasyon. Nang mahimasmasan ay si Silva pa mismo ang nagbukas ng chocolate bar para sa kanya. She took it and took a big bite.
“`Buti hindi nilanggam ang sasakyan mo.”
“My car isn’t staying at one place long enough for the ants to crawl up my compartment.”
“Ah. Manang-mana sa amo.” She offered him the chocolate. He took a bite.
Cute.
“Silva, salamat nga pala sa pagsama mo sa akin para kunin si Xeena. Pasensiya na sa istorbo.”
“Hmm. Iba pala talaga ang nagagawa ng tsokolate sa mundo. Napapabait kahit ang pinakamasungit na tao sa mundo.”
“Hoy, hindi ako masungit, `no?”
“Masungit ka. Nakakalimutan ko lang ang ugali mong iyon kaya lapit pa rin ako nang lapit sa `yo.”
“Kung gano’n, nagsisisi ka nang nakipaglapit ka pa sa akin?”
“Of course not. I like having you around and dealing with your...” He looked up at her and grinned. “Mood swings.”
Hevn gave him a sarcastic smile and offered the chocolate bar. When he opened his mouth, she shoved the whole bar into it. “`Yan. Deal with my ‘mood swing.’ That’s part of it.”
Mabilis namang tumayo si Silva para ayusin ang sarili at tumawa nang malakas. “I never had a woman like you before, Hevn Imperial. Hmm, come to think of it, dapat niligawan pa rin kita sa kabila ng mga pagtanggi mo.”
Nagririgodon na naman ang dibdib ni Hevn habang patuloy siyang pinagmamasdan ng lalaki. She could see mischief dancing in his sparkling liquid brown eyes. At talaga nga namang lantaran nang nagpakita ng atraksiyon ang traidor niyang puso. Lumayo siya para kalmahin ang sarili.
This was her cousin’s special guy, for goodness’ sake! Hindi niya ito dapat pinag-iinteresan din!
“Saan ka pupunta?” tanong ni Silva. “Don’t go there, Hevn.” Patuloy pa rin siya sa paglalakad palayo. “May multo diyan.”
Impit siyang napahiyaw, saka tumakbo pabalik sa lalaki. Silva spread his arms to welcome her back with that cute grin on his lips. The moment she saw that grin, she knew he was just playing with her. Hinampas niya ang lalaki sa braso paglapit niya. “Buwisit ka talaga!”
“Aray! Hevn, naman. Binibiro lang kita.”
“Binibiro?” Parang gusto na niya itong kagatin sa kamay. Because he looked so damn handsome and so frustratingly cute. “Nang dahil sa pagbibiro mong iyon, lalo lang tuloy akong
nawiwiwi
ngayon!”
“
Nawiwiwi
?” kunot-noong tanong nito.
“Call of nature.” Nag-umpisa na siyang mamilipit sa pagpipigil na maihi. “Nadyi-jingle!”
“Ah, okay.” Bago pa makahirit uli si Hevn ay nauna na si Silva na magtungo sa may-kasukalang bahagi ng highway. Parang ininspeksiyon pa nito ang lugar at tinapak-tapakan ang mga damo roon, saka bumalik sa kanya. “Puwede ka na siguro doon. Mag-ingat ka na lang sa mga damo.”
“Tissue! I need a tissue!”
“Sandali.” Nagtungo si Silva sa harap ng kotse at may kung anong pinindot doon. When he came back, he stared at the closed compartment of the car. “Bakit hindi bumukas?” nagtataka pa nitong tanong.
“Do something!” hiyaw na niya.
“Yes, Ma’am.” He kicked the compartment and it popped open. Kinuha nito roon ang isang rolyo ng tissue. “Here you go.”
Hinablot iyon ni Hevn, saka nagmamadaling nagtungo sa hinawi nitong damuhan kanina at doon naglabas ng sama ng loob. Silva was watching over the road.
“Hevn, tapos ka na ba?”
“Don’t even think of looking back here, Silva!”
“Sure. Pero puwede bang bilisan mo na diyan? Paparating na kasi ang sundo natin.”
Napatingala si Hevn sa kalangitan. Isang helicopter ang nakita niyang tila nagme-menor para kumuha ng buwelta na makababa. Mabilis nga niyang tinapos ang ginagawa. Pero sa pagmamadali, sumabit ang takong ng kanyang sapatos sa isang sanga na hindi niya napansin kanina. Luckily, Silva caught her before she came smacking down the dirty road. Kung hindi siguro siya nahawakan agad ng lalaki ay baka sa maselang bahagi nito sumalpok ang kanyang mukha. Nakakahiya!
Nang tangkaing tumayo ni Hevn ay sumabit naman ang buhok niya sa belt buckle nito. “Aray!” Kumuha agad siya ng suporta sa balakang nito. “Tanggalin mo, Silva! Masakit!”
“Teka, huwag kang magulo.”
Just ahead, tuluyan nang nakababa ang helicopter. At dala ng malakas na hangin na hatid ng elisi niyon ay lalong nagkasala-salabit ang buhok niya sa sinturon ni Silva. Nakita na rin niya ang pagbaba ng isang tao mula sa helicopter at papalapit na sa kanila.
“Take it off! Take it off— Ouch!”
“Oo na. Lumuhod ka lang sandali para mabilis kong maalis.”
Sabay pa silang napalingon ni Silva nang marinig na may tumikhim. How she wished the earth would swallow her at that moment. Halos alam na kasi niya ang iniisip ng bagong dating na lalaki. A woman on her knees in front of a man holding his belt in the middle of a deserted, dim-lighted highway...
“Ah, sa chopper na lang siguro ako maghihintay, Sir Silva.”
“Gary, ah... it’s not what you think. Itong girlfriend ko, ah... itinuturo lang niya sa akin kung nasaan ang Orion’s...” Kasabay ng paghila ni Silva sa sinturon ay ang malakas niyang sigaw. “Belt.”
Tumikhim si Gary. “Sir, lalagyan ko na ho ng gasolina itong sasakyan ninyo.”
“Okay. Thanks.” Parang bale-wala ang katatapos lang na pangyayari nang alalayan siya ni Silva na makatayo, saka nito ibinigay ang susi ng kotse sa tauhan. “Ikaw na ang bahala diyan.”
“Yes, Sir. Ingat po kayo ng girlfriend ninyo.”
Isinubsob ni Hevn nang husto ang mukha sa malapad na dibdib ni Silva para kahit paano ay maibsan ang kahihiyang nararamdaman. “I want to die,” sambit niya.
Tumawa lang ito.