Chapter 10
Ten
P
AGDATING
sa ospital ay naabutan pa ni Hevn sa labas ng silid ng kanyang pinsan si Vincent.
“Ikaw na naman?”
Nilingon siya ni Vincent. “Ang totoo, paalis na ako. Hinintay lang talaga kitang dumating.”
“Vincent,” bati ni Silva mula sa likuran niya.
Saglit na nakalimutan ni Hevn ang sasabihin dahil kay Silva. Pero pinilit niyang kalimutan na muna pansamantala ang sariling problema. “What are you doing outside my cousin’s room?”
“I brought her here.” Halata ang pagkabagot sa boses ni Vincent. “Naturally, I’d be here.”
Antipatiko talaga ang walanghiya! “What do you mean? Sinundan mo si Xeena sa hotel suite namin?”
“I’m obviously wasting my time. Ang pinsan mo na lang ang tanungin mo kapag nagising na siya.” Binalingan ni Vincent si Silva. “Why do women ask so much?”
Nagkibit-balikat lang si Silva. Vincent was joined by his two bodyguards as they walked towards the elevator and disappeared.
“Tao ba talaga ang lalaking iyon?” naitanong na lang ni Hevn.
“That’s just the way he is,” sagot naman ni Silva. “Hayaan mo na lang siya. Maybe we should check on your cousin.”
Dina-diagnose pa ng doktor si Xeena nang makapasok sila sa silid nito. Gising naman ang pinsan niya pero parang antok na antok ito.
“Epekto iyan ng pampamanhid na ibinigay ko sa kanya,” wika ng doktor. “She needed rest. Dahil oras na mawala ang epekto ng gamot, siguradong mararamdaman na niya ang sakit sa ankle niya.”
“Doktor, ano ho ba ang nangyari?”
“According to Mr. Noblejas who brought her here, nadulas daw ang pasyente sa banyo. Apparently, she had put her weight on her left foot and the injury she suffered from her last accident just got worse. Ngayon ay mas matatagalan pa siya dito sa ospital.”
“Oh, my God.”
“Huwag kang mag-alala. Hindi naman masyadong grabe ang lagay ng pasyente. Kailangan lang niyang manatili dito para masubaybayan natin nang maayos ang paggaling niya. Salamat kay Mr. Noblejas, nadala agad dito ang pasyente. Nasa basang lugar ang pasyente nang maaksidente at kung natagalan pa bago siya nadala rito, baka namaga na ang binti niya. And when that happens, we might be expecting the worst now.”
Kung ganoon, si Vincent nga ang nagligtas kay Xeena. Pero ano ang ginagawa ng lalaking iyon sa hotel suite nila?
“Maiwan ko na muna kayo,” patuloy ng doktor. “Makakatulog nang mahaba-habang oras ang pasyente dahil sa pain reliever. She needed that to recuperate faster. Kaya huwag na kayong masyadong mag-alala.”
“Salamat ho.”
“Walang ano man. Shelly,” untag nito sa nurse na kanina pa nakatunganga kay Silva. “Cut it out. He’s not available anymore.” Nakangiti siyang binalingan muli ng doktor. “Your boyfriend is quite a celebrity around here.”
Tiningnan lang ni Hevn si Silva na ngayon ay unti-unti na namang pinamumulahan ng mukha. No wonder hindi na ito umalis sa tabi niya mula nang pumasok sila roon.
“That’s a relief,” wika ni Silva paglabas ng doktor at nurse. “Marunong din naman palang magmalasakit sa kapwa si Vincent kung napipilitan.”
“Remind me to thank him tomorrow.” Hinaplos niya ang noo ng ngayon ay natutulog nang si Xeena. “Hindi ko siya dapat iniwang mag-isa sa suite namin. Napakairesponsable ko talaga kahit kailan.”
“Wala kang kasalanan, Hevn. Aksidente ang nangyari.”
Bumuntong-hininga lang siya at saka pinagmasdan si Xeena. Wala pang isang linggo silang nananatili sa bansang iyon, kung ano-ano na ang mga nangyari sa kanila. Xeena just wanted to prove if her feelings for the first guy she ever fancied was real, and she ended up on a hospital bed twice. Sa paghahanap naman niya ng mapaglilibangan, sarisaring problema at sakit sa puso ang kanyang natagpuan. Totoo nga yata ang kasabihang, “Be careful what you wish for.”
Pero kung meron mang dapat ipagpasalamat si Hevn sa mga misadventure nilang magpinsan sa lupang tinubuan, iyon ay ang kasiguruhang nakita na nga niya ang lalaking mamahalin habang-buhay. Sa kabila ng mga naranasang kabiguan, alam niyang hindi pa rin niya pagsisisihan ang mga nangyari.
Lumipat si Hevn sa silya sa kabilang bahagi ng silid at hinayaang makapagpahinga nang husto si Xeena. Silva followed and sat beside her. Pinagmasdan lang nila si Xeena nang walang imikan. Hindi niya alam kung gaano na sila katagal sa ganoong sitwasyon nang maramdamang hinawakan ni Silva ang kanyang kamay. Hindi niya nilingon ang lalaki pero dumadagundong naman ang tibok ng kanyang puso. He gently rubbed her hand before squeezing it.
“I’m sorry,” he said softly. “I shouldn’t have left you that day at the parking lot.”
Alam niyang ang tinutukoy ni Silva ay noong araw na dumating si Claudio. Nang maalala ang pinakamasakit na pangyayari sa kanyang buhay ay napayuko na lang siya at napaluha. Inakala kasi niyang pagkatapos ng araw na iyon ay hindi na niya ito kailanman makakasama. Pero heto sila ngayon, nasa isang silid, at magkahawak-kamay pa habang pinagmamasdan ang natutulog na si Xeena.
“Hindi ko gustong magsinungaling sa iyo, Silva.”
“Alam ko.”
“Sasabihin ko naman talaga dapat ang tungkol kay Claudio. Pero naunahan ako ng pagkakataon.”
“I understand.”
“I’m sorry.”
Naramdaman ni Hevn na marahan nitong hinila ang kanyang kamay. Napilitan tuloy siyang lingunin ang lalaki. The sight of his handsome face, clutching her hand to his lips, made her cry even more.
“Listen to me.” Pinahid ni Silva ng daliri ang luhang naglandas sa kanyang pisngi. “Kahit kailan, wala kang naging kasalanan. Ako lang ang dahilan kung bakit nagulo ang lahat sa atin. Masyado akong nagpadala sa emosyon ko. Masyado akong nagselos nang makita ko ang singsing na iyon sa daliri mo. I shouldn’t have walked out on you. Dapat ay nanatili ako sa tabi mo at hindi ka hinayaang makuha ng iba sa akin. Pero naunahan nga ako ng selos at takot.”
“T-takot?”
“I was scared of losing you, Hevn. Matagal ko nang alam ang tungkol kay Claudio. Ayaw ko lang tanggapin ang katotohanang iyon.”
“Alam mo? Pero paano? Wala pa naman akong sinasabi sa iyo.”
“Nasabi mo na iyon noong unang araw tayong nagkakilala sa Italy. Sinabi mong may boyfriend ka na. Hindi lang ako naniwala. Or rather, sinadya ko lang kalimutan iyon.” His liquid brown eyes were boring down her very soul. “Dahil ayaw kong isipin na isa sa mga araw na ito, mawawala ka na sa akin. I don’t want to lose you, Hevn. Nang makilala kita, sinabi ko sa sarili kong gagawin ko ang lahat mahalin mo lang ako. Ibibigay ko ang lahat ibigin mo lang ako. Kaya nang araw na sabihin mong mahal mo rin ako, I felt like I was the richest man in the world.”
She felt a lump on her throat. Ganoon siya kahalaga sa lalaking inakalang walang pakialam sa damdamin niya? Namumuo na naman ang luha sa kanyang mga mata. Sinubukan niyang magsalita pero pinigilan siya ni Silva.
“Hayaan mo na muna akong magpaliwanag, Hevn. Napakaraming pagkakataon na ang sinayang ko para sabihin sa iyo ang lahat. Let me have this chance.” She bit her quivering lip and nodded. “Nang umalis ako ng Italy nang walang paalam, it was partly because I wanted to stay away from you for a while. Kakaiba kasi talaga ang nararamdaman ko tuwing nakikita kita. That was the first time I ever felt that way towards a woman. I went away to clear my head and my heart. Pero iyon na yata ang pinakatangang ginawa ko sa tanang buhay ko. Dahil imbes na makatulong ang paglayo ko sa iyo, I just ended up thinking of you more. Nang magpunta ako sa Sun View Park nang araw na muli tayong nagkita, iyon ay para kausapin na ang mga tauhan ko roon. I’m putting the house on sale.”
“What?”
“And settle in Italy for good where I could see you every day.”
Naramdaman ni Hevn ang paglobo ng kanyang puso dahil sa sinabi nito. Silva was thinking of going back to Italy for her! And it was only two days after they met!
“Hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya nang makita kitang nakatayo sa harap ng gate ng bahay ko. I thought, ‘oh, wow! Heaven has come down to my humble abode.’ Yeah, that’s really corny.”
“Hindi naman.”
Medyo lang.
“Talagang babalikan mo ako sa Italy kung sakaling hindi kami nagpunta dito ni Xeena?”
Tumango ito. “Nasa agenda ko rin nga pala ang paibigin ka at agawin kay Claudio. Because I had loved you even before I knew what was happening to me. Kaya kahit gusto kong tutulan ang panrereto mo sa amin ng pinsan mo, hinayaan na lang kita. Dahil iyon lang ang paraan para makalapit ako sa iyo kahit paano. I got what I wanted. But you still didn’t want me near you.”
“That’s not true.”
“You were always on your guard every time we were together. Nararamdaman ko iyon, Hevn. But I’m not blaming you or anything. It was only natural to move away from me since... since you already had a guy in your life. Masyado lang talagang matigas ang ulo ko at pinilit ko pa ring mapalapit sa iyo.”
“And I’m glad you did, Silva. Nang dahil sa iyo, naramdaman ko kung paano magmahal at magpahalaga nang totoo sa lalaking mahal ko.”
Lumiwanag ang ekspresyon sa guwapo nitong mukha. And for the first time since they parted ways, she saw emotions flood his eyes. At parang tumatagos iyon hanggang sa kaibuturan ng kanyang puso. God! How she loved this man!
“Kahit kailan, Silva, hindi ko inisip na magpakasal kay Claudio. At lalo kong napatunayan iyon nang makilala kita. Dahil ni minsan, hindi ko naramdaman sa kanya ang mga kakaibang damdaming nararamdaman ko tuwing magkasama tayo.”
Humigpit ang pagkakahawak nito sa kamay niya at idiniin iyon sa mga labi nito. “I wish I had known that before I knocked Illustre out.”
“Dapat kang mag-sorry kay Vash.”
“I will. Pasensiya ka na rin sa inasal ko sa harap niya. Bukod sa sobrang pagsisisi ko sa ginawa kong pag-iwan na lang sa iyo basta noong araw na mag-propose sa iyo si Claudio, hindi na bumuti ang pakiramdam ko. I thought I was going crazy.”
“I wanted to call you,” pag-amin niya. “Kaya lang baka sigawan mo lang ako kaya hinayaan na lang muna kita.”
“I would have loved to hear your voice even for a second, Hevn. Halos hindi na ako makatulog noon sa kakaisip sa iyo. Gusto ko ring kausapin ka. Pero nahihiya ako sa mga ginawa ko sa iyo. And my stupid pride kept telling me that you had hurt me.”
He closed his eyes for a while. Parang pinipigilan nito ang sariling maasar sa harap niya. Then he opened his eyes. “I am stupid. I’m sorry it took me a long time to admit that.”
“Nasaktan ka naman talaga sa mga nangyari noon. Natural lang iyon.”
“Nasaktan ka rin naman. Pero ni minsan, hindi kita nakitang nagtampo man lang. Maybe I don’t really deserve you.”
“Okay.”
“No, that’s not true,” agad na bawi ni Silva. “I deserve you. Mahal kita nang higit pa sa buhay ko. Kung kulang pa iyon, mamahalin din kita ng... ng... Look, I love you, all right? I’ll give everything just to be worthy of your love. And I promise, hinding-hindi na kita sasaktan kahit kailan.”
“All right.”
“Hevn, naririnig mo ba ako?”
“Oo naman.”
“Bakit ganyan ang mga sagot mo?”
“Ah, medyo nalulunod lang ako sa mga sinasabi mo. Pasensiya ka na. But I do love you and I’ll give you everything as well to be worthy of your love, if I had enough wealth, that is.”
Saglit na natigilan si Silva. Pero ilang sandali lang, unti-unti nang sumilay sa mga labi nito ang pinakamatamis na ngiting nakita niya sa tanang buhay niya. At wala na yata siyang mahihiling pa sa mundo nang mga sandaling iyon. Silva was pouring his heart out to her and smiling like she was the most beautiful woman in the world.
“Nasabi ko na noon na makakalimutin ako pagdating sa pag-alala ng mga mukha, hindi ba?” sabi nito. He touched her face again. “Pero ang mukhang ito, kahit kailan, hindi nawala sa isip ko. I’ll remember this face, anywhere, anytime.”
Nang maglapat ang kanilang mga labi, naramdaman ni Hevn na lalong lumakas ang tibok ng kanyang puso. Pero wala na ang takot sa mga iyon. Every beat of her heart said it had found its home now, and it wouldn’t be going anywhere.
Ikinulong din niya ang mukha ni Silva sa kanyang mga kamay at sinagot ang bawat halik nito. Her heart was singing. Her mind was floating. Her soul was celebrating. She guessed that, Silvanus Arellano, billionaire boy and steel magnate, really had her heart, mind, and soul from the beginning.
Dumako ang kamay ni Hevn sa malapad nitong dibdib at naramdaman niya ang napakabilis ding tibok ng puso nito. She couldn’t help smiling. She was the luckiest woman in the world. Or better yet, she was the richest woman in the world, having the love of this wonderful man all to herself.
“Ano’ng iinisip mo?” nakangiting tanong nito.
“Ikaw.” Tumayo si Hevn sa kinauupuan at lumipat sa kandungan ni Silva. Ipinulupot niya ang mga braso sa leeg nito at tinitigan ito nang buong puso. “I’ve always loved your eyes.”
“Really?”
“Well, not really—”
He wrapped his arms around her waist. “Come on, Hevn. Admire me for once.”
“Ano? Excuse me, gawain iyon ng mga lalaki.” Napangiti na naman siya nang marahan itong napailing. “But I’ll make an exception for you.”
“That’s better.”
Tinitigan siya ni Silva. At hinayaang makita niya sa mga mata nito ang tunay nitong nararamdaman.
“I love you, Silva.”
“I love you more, Hevn.” He kissed her once again. “I would have asked you to marry me now if only I’ve brought that ring.”
“What?”
Dapat na ba siyang magsaya nang husto ngayon? Pero paano kung pagkatapos magsaya ay malungkot naman siya? Ilang beses na rin kasing nangyari sa kanya ang ganoon. Magpapakasaya siya nang husto at pagkatapos, masasaktan lang.
“A-are you serious?” There, she risked her heart once again. Mabuti nang ngayon pa lang ay masaktan na—
“You’re the first woman I offered my name to,” sagot ni Silva. “Of course I’m dead serious. Ayoko nang mawala ka pa uli sa akin. At lalong hindi ko na papayagan pang may ibang magsuot ng singsing diyan sa daliri mo.”
“Are you really, really serious?”
“Yes, Hevn—”
“Kahit na malaman mong magkakakutsaba kami nina Dunkey, Vash, at Rex para pagselosin ka kanina doon sa café bar?”
“Kunwari lang ba iyon?” kunot-noong tanong ni Silva. Pero kasunod niyon ay ang mataginting nitong halakhak. “Woman, you really are amazing. And I’m dead set on making you a part of my life. Unless—”
“I want! I want!”
“Okay!” Ginaya pa ng binata ang enthusiasm sa boses niya. Siya naman ay sinabayan ang pagtawa nito. The hell if they looked like idiots. Masaya siya at walang sino man ang puwedeng mang-istorbo sa kasiyahan niyang iyon.
She grasped Silva’s face once again. “I love you! I really do!”
“I know!”
Hindi pa sana sila titigil sa selebrasyon kung hindi pa sila sinigawan ng kanilang pasyente.
“Heh!” sabi ni Xeena. “Tumahimik nga kayong dalawa diyan. Nangingilo ako sa mga pinag-uusapan ninyo.”
“Xeena, inalok na ako ni Silva ng kasal!”
“We’re getting married,” Silva chipped in, still imitating her excited voice. “Yey!” And then he laughed again. “Oh, how I love this woman!”
“Oo na, oo na. Pero puwede bang huwag na muna kayong mag-ingay dito? I’m trying to sleep here.”
“Naku, Xeena, pasensiya na,” paumanhin niya. “Na-excite lang siguro ako masyado. Teka, kanina ka pa ba gising o ngayon lang?”
“Kanina pa. Hindi ako makatulog kahit antok na antok pa ako dahil sa gamot. Tinatamad lang akong magsalita at kumilos.” Her cousin looked at them through her squinting eyes. “Alagaan mo iyang pinsan ko, Silvanus, ha? Kung hindi, paliligawan ko iyan sa ibang billionaire boys.”
“I promise, Xeena.”
“Good. Now, get out of here.”
Ngayon ay sigurado na rin si Hevn na bubuti na ang kalagayan ng kanyang pinsan. Talagang buo na nga ang kasiyahan niya. Well, not quite.
Tumayo na sila ni Silva na magkahawak-kamay pa rin. Pero bago tuluyang lumabas ng silid ay muli niyang binalingan si Xeena.
“Siyanga pala, paanong si Vincent ang nagdala sa iyo dito sa ospital?”
“Out, Hevn,” utos ni Xeena, sabay baling sa kabilang panig ng kama.
Wakas