P AGPASOK pa lang nina Faye at Rex sa restaurant na iyon ay agad na nilang nakuha ang atensiyon ng mga kumakain.
“You really are famous,” sabi ni Faye matapos um-order ng makakain. “Ano’ng feeling ng sikat?”
“Masaya. I always love attention. Pero mas masaya nang pangalanan kami ni Rath ng Philippine Stats as two of the billionaires in this country. Nakabuti iyon sa negosyo ng pamilya namin.”
“At mas dumami ang naide-date mo.”
“Oo. Hindi ko naman ikakaila na nakatulong din iyon sa aktibo kong social life. It gives me an opportunity to meet a lot of people, from strangers to my childhood sweethearts. Kaya ingat ka. Because they’re all probably doing some secret incantations right now. To make you look ugly.”
“Well, sorry na lang sila.” Inilibot pa niya ang tingin sa ibang customers doon na hanggang ngayon ay sumusulyap-sulyap pa rin sa direksiyon nila. “Hindi ako tinatablan ng mga sumpa-sumpa na `yan.”
“That’s what I like about you, Faye. Napakaliit mong tao pero napakatapang mo.”
“Anong maliit? Five-six ako.”
“Six-two ako. Maliit ka.”
“Maimpatso ka sana.”
Rex laughed out loud. Muling nabaling tuloy ang atensiyon ng lahat ng tao sa kanila. But she didn’t mind. Napakaganda kasing pakinggan ng tawa nito at napakasarap din nitong pagmasdan nang mga sandaling iyon. This was the face of the man she had watched all night when she had first taken him away.
The face of the man who had captured her heart unknowingly.
“Oh, Faye Valentine,” sambit ni Rex nang sa wakas ay makabawi na. “You never fail to amuse me. Siguro no’ng past life mo, stand-up comedian ka. Bagay tayo.”
“Bakit, komedyante ka rin no’ng past life mo?”
“Hindi, ah. Isa ako sa pinakamayaman mong audience.”
“Yeah, right.”
Nang dumating ang pagkain nila ay hindi pa rin natapos ang palitan nila ng asaran. Pero hindi gaya ng dati, ngayon ay walang sino man sa kanila ang napipikon. Parang iyon na ang naging paraan nila ng pakikipag-usap sa isa’t isa. Nakakatawa pero minsan, parang gusto na lang niyang makipagtalo nang makipagtalo kay Rex para makalimutan ang ano mang kakaibang nararamdaman niya para dito. Pero ang nangyari naman ay iyon pa ang naging daan para magkasundo sila.
Napaka-unpredictable talaga ng buhay. Hindi mo alam kung ano ang susunod na mangyayari sa susunod na araw. Or rather, sa susunod na mga sandali. Katulad ngayon. Rex had contacted someone on his cell phone before they started their meal.
Ilang sandali pa, habang nasa kasarapan sila ng ‘usapan’ ay may dumating na taong hindi inaasahan ni Faye. People once again turned their attention to the newcomer who was carrying a small boquet of red roses. It was Lantis Nakago, a former billionaire boy. Saglit itong tila may hinanap at nang itaas ni Rex ang kamay para kunin ang atensiyon nito ay lumapit na sa kanila.
“Rex,” bati ni Lantis.
“Lantis, bakit ikaw ang nagdala niyan?”
“Hindi na kaya ni Rinoa na maglakbay nang matagal para lang ihatid itong order mong bulaklak.”
“You’re wife is only two months pregnant and her flower shop is just a few blocks away from here.”
“Exactly.” Lantis’ smiling chinky eyes finally turned towards her. “This must be the unfortunate girl.”
Nang iabot nito sa kanya ang mga bulaklak ay mabilis iyong kinuha ni Rex. “Thanks, man. Pakisabi rin kay Rinoa, salamat.”
“Hmm. So, Dunkey’s right.”
“About what?”
“You got yourself a decent girl at last.”
“Well, you know me.”
Nang makaalis na si Lantis ay masamang tingin ang ibinigay ni Faye kay Rex. Pero naputol ang paglilintanya sana niya nang iabot nito sa kanya ang mga bulaklak.
“Akala ko sa `yo inialay `yan ni Lantis,” sabi niya.
“Parehong steady ang pagkatao namin ni Nakago. What made you think na mas type ko siya kaysa sa `yo?”
Bigla na naman ang bundol ng kaba sa dibdib ni Faye. Tama ba ang narinig niya? Na type siya ni Rex? When she fell in love with him, hindi na niya inasahan pang magkakagusto rin ito sa kanya. Alam naman kasi niya na ang mga tipo nitong babae ay sopistikada at babaeng-babae ang dating na gaya ni Alleli. Pero ngayong narinig niya…
“Faye.” Dahan-dahang magsalita si Rex. “I know this may sound crazy but yes, these flowers are for you.”
“B-bakit mo ako binibigyan niyan?”
“I really don’t have any idea. I just thought you might like roses. Kung ayaw mo, okay lang.” Tinawag nito ang isang waiter. “My girl doesn’t have a thing for flowers. Paki-dispose na lang ito.”
My girl? Oh, gosh! That is so nice to hear. Hahablutin na sana ni Faye ang laylayan ng uniporme ng waiter para pigilan itong itapon ang mga bulaklak nang maisip na baka magmukha lang siyang tanga sa harap ng mga tao roon. So, she excused herself and secretly followed the waiter. Naabutan naman niya ito sa back door na itinatambak na ang mga bulalak sa dumpster. Nagulat pa ang waiter nang bigla na lang siyang sumulpot doon at mabilis na hinalukay ang basurahan.
“Bakit mo itatapon itong bulaklak ko?” baling niya sa nagtatakang waiter. “You don’t throw away things like these.”
“I agree.”
Si Faye naman ang nagulantang nang makita kung sino ang sumagot na iyon. Rex was now standing near the back door and smiling sexily at her. Wala na siyang magawa para itanggi ang ginawa dahil huling-huli na siya nito sa akto. Sinenyasan ni Rex ang pobreng waiter na bumalik na sa loob at iwan sila. Nang mapag-isa ay unti-unti itong lumapit sa kanya.
“So…” sabi nito. “Akala ko ba ayaw mo ng mga bulaklak?”
“W-wala naman akong sinabing ganyan, `no?”
“Bakit defensive ka?”
“Eh, pakialam mo ba?” angil niya para pagtakpan ang naghuhuramentado nang puso. Napapaurong siya sa bawat paghakbang nito palapit sa kanya. “Ikaw, bakit sinundan mo ako dito?”
“Naisip ko lang na baka umalis ka nang walang paalam. Ikaw pa naman ang magbabayad ng in-order natin.” He took another step forward. She took another step backward. “Takot ka sa akin?”
No, sagot ni Faye sa isip. Mas takot siya sa sarili dahil wala na sa kontrol niya ang kanyang damdamin. Ayaw na niyong sumunod sa utos niyang huwag magpaapekto sa presensiya ng binata.
“Bakit naman ako matatakot sa `yo?” Another step backward.
“Bakit ka lumalayo?”
“Bakit ka lumalapit?”
She had nowhere else to go now. Dead end na pala ang naurungan niya. Inilagay niya sa pagitan nila ang amoy-basurahan nang mga bulaklak para kahit paano ay magkaroon sila ng espasyo sa isa’t isa. Pero mukhang wala rin iyong silbi nang humakbang pa si Rex nang isang beses palapit sa kanya.
“Maybe because ever since I met you, I always wanted to do this.” He took the flowers and kissed her.
Sa gulat ay hindi na nakakilos pa si Faye. She even had her eyes open when their lips met. But when she finally tasted his firm but gentle kisses, she closed her eyes as her heart, mind, and body gave in to the sweet sensation he was giving her. Tinanggap na niya si Rex nang buong-buo sa kanyang puso.
Laging itinatanong noon ni Faye sa sarili kung paano siya nagkagusto sa arogante at nuknukan ng yabang na lalaking ito. Hindi pa rin niya maipaliwanag nang deretso at malinaw ang katanungang iyon. Pero kahit paano ay may munting eksplanasyon na siya.
She loved this man because of what and who he was. At ngayon lang din niya naipagpasalamat na nagkamali siya ng taong na-kidnap.
“I never thought I would make out with a woman in the back door of a restaurant in the middle of all these dumpsters,” sabi ni Rex nang sa wakas ay maputol na ang halikan nila. Gayunman, nakakulong pa rin siya sa mga bisig nito at parang wala itong balak na pakawalan pa siya. “So, I guess that settles everything.”
“Settles everything?” kunot-noo niyang tanong. “Ano’ng ibig mong sabihin?”
“O, huwag ka munang mag-isip ng kung ano-ano diyan. I mean it in a good way.”
Well, hindi iyon ang nakikita ni Faye. Ang pakiramdam niya sa mga sinabi ni Rex ay pinaglaruan lang nito ang damdamin niya. She would have strangled him if she still wasn’t blown away with his kisses. If she still wasn’t overwhelmed by her feelings. If she still hated him instead of loving him.
She decided to strangle him anyway.
Tumawa lang ito. “Faye, masamang damo ako. You can’t kill me just yet.”
“I can still try.”
Pero marahan lang nitong hinawi ang kanyang mga kamay. “What’s wrong?”
“What’s wrong?” Napundi na siya nang tuluyan. “You just threw away the freakin’ flowers and kissed me. And now you’re asking me what’s wrong?”
“Yes.”
Sampalin kaya niya ito nang matauhan? “You colossal moron.”
“Faye, would you ever believe me if I say that I have feelings for you?”
“No.”
“That I’ve been trying to court you ever since we came back to Manila?”
“No.”
“Okay, let’s try another way. I love you. How’s that?”
“Drop-dead.” Nag-umpisa nang mag-ingay ang cell phone nito. “Let me go now, Rex.”
“Bakit ayaw mong maniwala sa akin?”
“Dahil maingay ang cell phone mo.”
Frustration was now etched on Rex’s handsome face as he cancelled the call and placed the phone on top of the dumpster near them. Pero muli lang iyong tumunog. Nanggigigil na lang nitong pinindot ang loudspeaker nang hindi lumalayo sa kanya. Parang wala talaga itong balak na pakawalan siya agad.
“What?” padaskol nitong sagot.
“Rex, where the hell are you?” demanded the person from the other line.
Napalingon si Faye sa cell phone nito. Aware of Rex’s arrogance, she knew that the only one who could talk to him that way was his twin. Nakita niyang lalo itong napasimangot.
“Where the hell do you think?”
“Kasama mo ba ang kidnapper mo?”
Nagkatinginan sila ni Rex. Sa isang iglap ay parang nakalimutan niya kung ano ang ipinagsisintir nang mga oras na iyon.
“Paano mo nalaman `yan?” patuloy ni Rex.
“That you’ve been kidnapped? I just heard someone planned it. Are you okay? Where are you?”
“I’m fine. At hindi ako na-kidnap.”
“What?”
“Nandito ako sa Maynila, Rath. Katatapos ko lang makipag-usap kay Mr. Gonzales. Bakit hindi ka sumipot sa usapan ninyo ng kliyente mong iyon?”
Mahina itong napamura. “Saka na ako magkukuwento. Sunduin mo na lang ako dito.”
“Nasaan ka ba?”
Matagal bago nakasagot si Rath. “Darn it! I don’t know where the heck we are.”
“We?”
“None of your business. Magpatulong ka sa AFP at ipasuyod ninyo ang buong Tarlac. Ikaw na ang bahala sa iba mo pang puwedeng gawin. Hurry up.”
Iyon lang at naputol na ang koneksiyon. Rex was looking at her with that unreadable expression on his face. Nakikita niya sa mga mata nito na may gusto pa itong sabihin pero sa huli ay mas pinili na lang na huwag nang magsalita pa.
Magulo talaga ang mundo ng mga babae dahil kung kailan naman pinakawalan na siya ni Rex nang tuluyan ay saka naman niya ginusto na huwag itong lumayo. Somehow, she had this gnawing feeling that she had hurt him again.
Dinampot ni Rex ang cell phone at tinawagan ang kung sino-sinong tao. He had a seriously calm voice that told her she had overstepped her rights on him. May limitasyon din ang pasensiya at kabaitan nito. After a while, siya naman ang binalingan ni Rex.
“We’re fetching Rath,” sabi nito sa seryosong boses. “Gusto mong sumama?”
FAYE had seen firsthand what a billionaire boy could actually do as she sat steadily beside Rex on the helicopter. Ilang minuto lang nang umalis sila ng restaurant at nagkaroon na agad ng resulta ang ginawa nitong pagpapahanap sa kakambal. Nakita niyang naghihintay sa kanila sa chopper ang tatlong unipormadong lalaki na mahahalatang mula sa Philippine Air Force. Pinakilos na raw ng mga ito ang kanilang mga tauhan at natagpuan na ang kinaroroonan ni Rath. Ngayon ay papunta na sila sa lokasyon nito.
Wala pa ring imik si Rex mula pa nang bigla na lang silang magkainitan kanina.
Ano ba naman kasi ang pumasok sa isip niya at nag-inarte nang ganoon? Tinangka rin naman niyang magpaumanhin dito. Nawalan na nga lang siya ng pagkakataon dahil naging abala na ito sa pagbibigay ng mga instruction sa mga taong kinuha nito para makatulong sa paghahanap kay Rath. So, she just stayed by his side. Kapag nakakuha na ng magandang timing, mag-a-apologize siya agad. Lihim niyang binatukan ang sarili.
Ang tanga-tanga mo talaga! Ang arte-arte mo pa! Kapag hindi ka na nagkaroon pa ng pagkakataon, kasalanan mo ang lahat ng `yan.
Napalingon sa kanya si Rex pero hindi pa rin ito nagsasalita. Faye was about to open her mouth to apologize when the pilot grabbed his attention and pointed down. Isang malawak na palayan ang naroon. Sumenyas si Rex na ibaba na sila at ilang sandali pa nga ay lumapag na sa bagong aning palayan ang helicopter. Naunang bumaba si Rex, saka siya inalalayan. He had wrapped his arms around her and led her away from the strong wind of the chopper’s swirling blades.
“Okay ka lang?”
Hindi na nakasagot pa si Faye dahil napansin na niya ang isang matangkad na lalaking papalapit sa kanila. Kung hindi lang sa magkaibang suot na damit, mapagkakamalan niyang may problema na siya sa paningin. Because the man who was now walking towards them looked exactly like Rex.
“What took you so long?” Rath demanded and gave her a questioning look but never said anything as he turned his attention back to his brother. “Where were you three days ago?”
“Why are you here?” Rex snapped back.
“Hinanap kita. Narinig kong may nagtatangka sa buhay ko. I was busy taking extra care that I’ve forgotten all about you. Nang mawala ka sa party ni Ken, saka ko lang naisip na maaaring ikaw ang nakuha ng mga kidnappers.”
“Thanks,” matabang nitong sagot. “But I’m fine.”
Nakita niyang tinitigan ni Rath ang kakambal. “Are you? You look like you just got dumped by a girl.”
“Shut up.”
Lumipat naman ang tingin ni Rath sa kanya. Habang pinagmamasdan ito ay saka lang naalala ni Faye na noong unang beses niyang tingnan sa mukha si Rex nang tulungan siya nito sa fast-food restaurant ay doon nagsimula ang kakaibang damdaming inakala niyang para sa kakambal nito. Ngayong tinititigan naman niya si Rath mismo, wala siyang ano mang maramdaman maliban sa malaking pasasalamat at respeto sa pagkakasagip nito sa kanya.
“Doon na muna ako,” wala pa ring ganang wika ni Rex. “May magandang babae akong nakita doon.”
“That’s Miles, Rex.” May pagbabanta sa boses ni Rath. “Kausapin mo siya nang maayos.”
“Whatever.”
Isang babae nga ang nakatayo di-kalayuan sa kinaroroonan nila kung saan tila pinapanood sila nito. Parang gusto niyang dumampot ng malaking tipak ng lupa at ibato iyon kay Rex. I love you daw. Pero nakakita lang ng magandang babae, nagka-amnesia na ang kumag!
“So, what are you doing with my brother?”
“Isinama lang niya ako dito.”
“Bakit?”
“Ewan ko.”
“Are you in love with him?”
Hindi makasagot si Faye. Sa halip ay tinapunan lang niyang muli ng tingin ang kinaroroonan ni Rex. Mukhang seryoso ang usapan ng dalawa.
“You know the girl he’s talking with? She’s in love with him.”
“What?”
“Kung mahal mo nga si Rex, you have my permission to take him away.”
Seryoso ba si Rath?
“Seryoso ako.”
“Bakit sinasabi mo sa akin `yan?”
“Because I don’t want your guy near my girl.” Itinuro nito ang babaeng nag-iisa na ngayon. “That girl.”
Pero wala na roon si Rex. Saan na iyon nagpunta?