“O H, HELLO.”
Muntik nang himatayin si Faye nang makilala ang kapapasok pa lang na iyon sa elevator. It was Rath himself! Sabi na nga ba at kasangga niya ang tadhana pagdating sa binata. Napakasimpatiko at napakaguwapo ni Rath tingnan sa suot na dark green shirt at black jacket. Tingnan mo nga naman ang pagkakataon. Talagang nagkasabay pa sila patungo sa venue ng birthday party ni Kenshin. Pero imbes na kausapin ito gaya ng napag-practice-an na buong maghapon sa bahay nila, napatunganga na lang siya gaya ng dati. Ewan niya, parang mas gusto kasi niyang pagmasdan ang lalaki imbes na kausapin.
Napansin siguro ni Rath ang ginagawa niyang pagtitig kaya binalingan siya nito at sa ikalawang pagkakataon, parang gusto na naman niyang himatayin nang ngitian siya nito.
“Hello,” bati uli ni Rath. “Hindi ba’t ikaw `yong nadulas doon sa may fast-food noong nakaraang araw?”
Lord, naman. Bakit naman po sa dami ng puwede niyang maalala tungkol sa akin, eh, iyon pa ang ipinaalala Ninyo sa kanya?
“Sorry, I didn’t mean to offend you,” paumanhin nito. “Ang totoo, wala ka naman talagang dapat ikahiya. Because you really looked cute that day.”
Darn it! Bakit hindi niya magawang magsalita? Magsalita ka na, Faye! Ito na ang pagkakataong hinihintay mo na magkaroon kayo ng personal communication ni Rath.
“You look like you’re going to a party,” patuloy nito. “Or a hot date, perhaps?” She still was just staring at him. “Ang suwerte naman ng lalaking makakasama mo ngayong gabi. If I were that guy, hinding-hindi kita dadalhin sa lugar na maraming lalaking puwedeng makaagaw ko sa atensiyon mo. Although gusto ko rin sigurong makita sa mukha ng mga lalaking iyon ang inggit dahil ako ang kasama mo.”
Oh, God. Her heart couldn’t stop thumping like crazy as she looked at his beautiful eyes.
Sumandal si Rath sa gilid ng elevator at lantaran siyang pinagmasdan din nang may paghanga sa mga mata. And she never thought she would actually think of dispatching her soccer shoes and shirt for flirty clothes like the one she was wearing at the moment. And she never felt this gorgeous in her entire existence.
“Faye Valentine,” sambit nito. “I really like your name.”
“T-thank you. Ako rin, type ko name ko.”
He chuckled. “Okay. Kung hindi ko lang iniisip na baka upakan ako ng kaibigan ko kapag hindi ako nakarating sa venue ng party niya, sinamahan na kita sa kung saan ka man pupunta. Ang mga kasingganda mo kasi, hindi dapat naglalakad nang mag-isa. This is Elite Hotel. Puro first-rate businessman at foreigners ang naka-check in dito. Hindi na ako magtataka kung kidnap-in ka man ng mga iyon para lang makasama ka nila kahit ilang saglit lang.”
Hala! Daig pa ni Faye ang hinaharana ngayon sa mga pinagsasasabi ni Rath. At hindi niya maiwasang kiligin nang husto kahit classic pambobola na ang itinatakbo ng linya nito. The way he looked at her now made her forget that he could just be seducing her. Napaka-sincere kasi ng mga mata ni Rath pati na rin ang ekspresyon sa napakaguwapong mukha.
“Salamat.”
“It’s the truth, Faye. Ahm…” He lightly scratched the back of his neck. She could actually sense uneasiness in him. Oh, what an adorable man!
Pero bago pa makapagpakilala si Rath ay bumukas na ang elevator at isang babae ang tila nagulat nang makita ang lalaki.
“Darling!” sambit nito, saka niyakap si Rath. “Oh, babes !”
“Trish, wait—”
Pero hinalikan na ito ng babae sa mga labi kaya hindi na nakapagsalita pa. Siya naman ay parang itinulos sa kinatatayuan kaya ibinaling na lang sa ibang bagay ang pansin para hindi na makita pa ang mainit na tagpong iyon.
“Let’s go to my room, darling. Alam ko namang ako ang ipinunta mo dito sa Elite Hotel.”
“Okay, lead the way, lady.”
Teka, teka! Si Rath niya iyon! Bakit ito sasama sa bruhang iyon? Pero bago pa siya makabuwelo na sabunutan ang babaeng istorbo ay narinig na niya ang baritong boses na iyon na bumulong sa kanyang tainga.
“Enjoy your date, pretty lady.”
Likod na lang ni Rath at ng babaeng kasama nito ang nakita ni Faye nang sa wakas ay nagawa na rin niyang balingan ang mga ito. They were walking close together as they headed off somewhere. The woman’s room. Kung ganoon, ito ang totooong girlfriend ni Rath? Parang gusto na niyang maiyak. Bakit ganoon? Akala pa naman niya, pagkatapos ng mga nangyari sa kanila ni Rath ay may positibo nang resulta ang lahat ng iyon. Na magiging malapit na rin sila sa isa’t isa. Pero bakit sumama pa ito sa kuwarto ng babaeng iyon?
Nararamdaman pa rin ni Faye hanggang ngayon ang tila pagpiga na iyon sa kanyang puso nang pindutin ang button ng elevator. Uuwi na lang siguro siya. Wala na siyang ganang magliwaliw ngayong gabi.
“Rath…” And before the elevator closed, she saw him turn towards her again and smile.
Oh, my… Narinig kaya siya nito? Naglaho na namang parang bula ang mga nararamdaman niyang hinanakit. Pagdating talaga kay Rath, lahat ay handa na yata niyang tanggapin at suungin hanggang sa makuha niya nang tuluyan ang amor nito. So she went to Kenshin’s party and waited for Rath to come. All was fair in love and war naman, hindi ba? Kaya bibigyan niya ang sarili ng pagkakataon sa puso ng binata. Legal pa iyon dahil girlfriend pa lang naman nito ang kung sino mang babaeng iyon. Matakot siya kung may asawa na si Rath nang wala man lang siyang ginagawa para sa sariling nararamdaman.
Kenshin’s party was an absolute A-list affair. Kahit saan tingnan ay halatang mayayaman lang ang imbitado sa okasyong iyon. At karamihan ay mga babae. Marahan siyang napailing. Babaero nga talaga ang kumag.
“Faye Valentine.” Kenshin was approaching her with a big smile on his handsome face. “Wow, you look stunning. Kung hindi ko lang alam na si Rath ang target mo, niligawan na kita.”
“Happy birthday, Ken.” Ibinigay niya ang dalang regalo. “Thanks for inviting me.”
“Actually, inimbitahan lang kita para ipaalam kay Rex na may babae ring tumanggi sa kanya.”
“Kung gano’n, pinagpustahan n’yo lang ako?”
“Yes. Except for the fact that I was the only one who knew we had a bet.”
Muntik nang maipukpok dito ni Faye ang regalo kung hindi nga lang nito nakuha iyon agad sa kanya at ibinigay sa dumaang waiter. Iniutos ni Ken na ilagay iyon kasama ng iba pang regalo. Pinalagpas na lang niya iyon tutal naman ay birthday nito at malaki ang utang-na-loob niya rito. Kung hindi kasi kay Ken ay baka hindi niya nakitang muli si Rath. Kahit na nga medyo sumama ang loob niya sa eksenang nasaksihan kanina sa elevator. But at least, she had her chance now.
“So, nandito rin pala ang kapatid ni Rath.”
“Oo.” Ngingisi-ngiti nitong inilibot ang tingin sa mga nagkakasiyahan. “Pero naligaw na naman siguro iyon. Masaya ito. Sige, mag-enjoy ka na muna sa party, Faye. Aasikasuhin ko pa ang ibang mga bisita ko.”
“Baka ang ibang mga babae mo.”
Ngumiti lang ito imbes na mainsulto. “I like you,” sabi nito, saka iniwan na siya.
Pero hindi rin magawang makihalubilo ni Faye sa mga bisita. Wala naman kasi siyang kakilala at hindi rin siya sanay na makipag-usap sa mga taong hindi rin naman kakilala. Kung hindi nga lang niya iniisip na ilang sandali lang, naroon na uli si Rath ay baka umalis na siya. Nagpunta na muna siya sa powder room ng mga babae at nag-retouch. Dapat mas maganda siya sa girlfriend nito para mas madali niyang makuha ang atensiyon nito.
Pero hindi inaasahan ni Faye ang makikita paglabas doon. Sa gitna ng malawak na function room na iyon ay naroon si Rath at napapaligiran ng mga babaeng parang lahat ay sabay-sabay na nakikipagsayaw rito. Kung pagsasayaw pa ngang matatawag iyon sa sobrang pagdidikit ng mga katawan ng mga babaeng iyon sa binata. Mabilis siyang bumalik sa powder room at humarap sa salamin. She knew it was Rath dahil iyon din ang suot nito nang magkita sila sa elevator.
“Faye, kailangan mong makipagtagisan sa mga babaeng iyon,” sabi niya sa sarili. “Kung hindi, tuluyan na siyang mawawala sa `yo nang hindi ka man lang nagkakaroon ng pagkakataong makasama siya nang mahaba-habang oras. Kumilos ka na.”
Pero ano nga ba ang gagawin niya? Makikipagsayaw din? But she couldn’t dance. She couldn’t even sing. Ang talent lang talaga niya ay maglaro ng soccer. Ah, hindi. Kaya ko `yon.
Kaya nang makaipon na ng sapat na lakas ng loob at kapal ng mukha ay lumabas na si Faye. Handang-handa na siyang gawin ang lahat para makuha ang atensiyon ng tanging lalaking nakakuha ng interes niya. Pero sa ikatlong pagkakataon yata sa gabing iyon ay mararamdaman na naman niya ang matinding pagpiga na iyon sa kanyang puso.
Because she saw Rath kissing another woman!
Lalaban pa ba siya o babawi na?
SISINGHOT-SINGHOT pa si Faye habang patungo sa elevator. Pagkatapos i-compose ang sarili ay ipinasya na niyang umuwi. Suko na siya. Hindi na niya matagalan ang mga eksenang nakita kanina sa party ni Ken. Hindi niya kayang makita na may mga babaeng nakadikit kay Rath. At lalong hindi niya matanggap na makitang may kahalikan itong babae sa dalawang pagkakataon. Wala siyang karapatang mag-inarte dahil hindi naman niya boyfriend ang binata. Pero… talagang hindi na kaya ng tapang niya ang mga iyon. Kaya siguro, aalis na muna siya at mag-iipon uli ng lakas ng loob at tibay ng dibdib.
Faye drove away from the hotel as fast as she could. Kahit nakainom na ay wala pa rin iyong epekto sa kanya dahil mataas ng tolerance niya sa alcohol. Ilang minuto na siyang nagmamaneho nang makita sa rearview mirror ang isang lalaking bigla na lang sumulpot sa backseat ng sasakyan niya. Impit pa siyang napatili. Saglit siyang nataranta nang mapansing pamilyar ang guwapong mukhang iyon kaya bahagya niya itong sinulyapan.
“Oh, my God!” sambit ni Faye.
“Where am I?” pupungas-pungas pa nitong tanong. Halatang disoriented pa dahil kagigising lang.
“Rath!”
“Who are you? This is my car.”
“This is my car.”
“Oh.” Nilingon-lingon nito ang paligid pero talagang inaantok pa ito. “Namali na naman ako ng nasakyan. Pasensiya na.” Iyon lang at muling nahiga si Rath sa backseat.
Inihinto ni Faye ang sasakyan sa gilid ng kalsada para makita ito nang husto. At parang bulang biglang naglaho ang mga tampo niya kanina. Hindi na rin niya nagawang kuwestiyunin kung paano ito nakarating sa kanyang sasakyan nang mapagmasdan ang napakapayapang pagtulog nito. She had never seen a man sleep so peacefully. Napangiti siya. Kumakampi pa rin sa kanya kahit paano ang pagkakataon. Ngayon higit kailanman, napatunayan niyang may dahilan nga kung bakit sila laging pinagtatagpo ng landas ng lalaking ito. At iyon ay dahil may naghihintay pang magandang kinabukasan sa kanilang dalawa.
“Ipapakita ko sa `yo na ako ang pinakakarapat-dapat sa `yo, Rath,” sabi niya sa tulog na tulog na binata. “I’ve been given this chance and I’m not gonna waste it. Promise.”
Isang malakas na hilik ang pinakawalan ni Rath. Puwede na rin. Para kasing iyon ang kasagutan nito sa kanyang mga sinabi. Kung ganoon ay nagkakaintindihan na sila.
Tahimik na ang kalooban ni Faye nang magpatuloy sa pagmamaneho. Alam na niya ngayon kung saan pupunta para magbakasyon, kasama si Rath. Kahit isang araw lang na magkasama sila, alam niyang sapat nang oras iyon para makita nito kung ano at sino talaga siya. And she was positive about it. Hindi nga ba’t sinabi ni Ken kanina na maganda siya? Kaya alam niyang may laban siya sa atensiyon ni Rath kahit paano.
She called up her brother.
“Faye Valentine, makakalbo na talaga kitang babae ka. Nasaan ka? Alam mo ba kung anong oras na? Madaling-araw na, ah.”
“Alam ko. I’m fine, Kuya.”
“Nasaan ka?”
“I have no idea. Kaya huwag mo nang pilitin na sunduin ako. Anyway, okay naman ako so don’t worry about me. Sabihin mo na lang kay Daddy na nag-out of town ang buong team namin kaya baka ilang araw akong mawawala.”
“Tuturuan mo pa akong magsinungaling.”
“Sige na, Kuya. Tatawagan ko na lang uli kayo.”
“Faye—”
“I’m with the man I’m going to marry.”
“What?! Bakit hindi mo sinabi agad? Sige, bye.”
Napailing na lang si Faye nang ibalik ang telepono sa dashboard ng kotse. Ngayon siya nagpapasalamat na nagkaroon siya ng disoriented na pamilya. Madali nga naman kasing kausapin ang mga ito. Nagpatuloy na siya sa pagmamaneho at dala ng kalaliman ng gabi, ilang minuto lang ang lumipas ay nakalabas na sila ng Maynila at ngayon ay binabagtas na ang North Luzon Expressway.
A few hours more ay naramdaman na rin ni Faye ang pagtama ng antok sa kanya. Kaya huminto na siya sa unang drive-in motel na nadaanan nila.
“Room for two, please” sabi niya sa attendant. “At saka, puwede bang pakitulungan akong buhatin ang kasama ko? Nakainom kasi nang kaunti kaya bagsak siya ngayon.”
Pinagtulungan nila ng attendant na mabuhat si Rath sa inupahan niyang kuwarto. Doon na muna sila pansamantalang magpapalipas ng gabi.
Nang mapag-isa sila ng binata sa wakas ay malaya na naman itong napagmasdan ni Faye. Napakaguwapo pa rin ni Rath kahit tulog. Matangos ang ilong, malalantik ang pilik, at ang mga labi ay tila laging nag-iimbitang magpahalik sa lahat ng babaeng mapapatingin dito. At napatunayan na niya kanina kung gaano ka-irresistible ang mga labing iyon. She lightly touched his cheek.
“Rath…”
Nararamdaman na naman ni Faye ang kakaibang tibok na iyon sa kanyang puso. She really couldn’t pinpoint what it was but she could feel it. That certain feeling she felt the second time she met him. Ewan niya pero iyon siguro ang nagtulak sa kanya na itakas ito imbes na ibalik sa mundong ginagalawan nito.
“I’ll see you tomorrow, Rath.”
May couch naman doon kaya iyon na lang ang ginawa niyang tulugan. Baka kasi hindi pa siya makapagpigil at kung ano ang magawa sa lalaki kung doon din siya sa kama matutulog. At tuluyan na siyang nilamon ng antok na ang imahe ni Rath ang huling nakita.