“H OLD my arm,” bulong ni Rex kay Faye habang papasok sila sa eksklusibong restaurant na iyon kung saan naghihintay na ang kanilang kausap. “Hurry up.”
“Hawak mo na ang kamay ko.”
“I mean, umangkla ka sa braso ko. Para mas convincing tayo. O, nakatingin na dito sina Alleli.”
Nakita nga ni Faye ang isang dignified-looking man katabi ang pamilyar na babaeng eleganteng-elegante sa suot na baby blue terno. Agad tumutok ang mga mata nito kay Rex kaya mabilis din niyang ikinawit ang kamay sa braso ng binata. Back off, lady.
“That’s my girl,” nangingiting bulong ni Rex bago sila tuluyang lumapit sa mag-ama. Kinamayan nito ang matandang lalaki. “Mr. Gonzales.”
“Mr. Rath Lagdameo.” Inabot nito ang kamay ni Rex. “Looking sharp as usual. Sit down, please.”
“Late na ba kami?”
“Not at all. Kami ang napaaga ng dating dahil excited itong anak ko na makita ka, Rath. By the way, this is my beautiful daughter Alleli.”
“Hello,” pormal lang na bati ni Rex.
“Hello, Rath. Ang guwapo mo talaga sa malapitan. Walang-wala ang mga picture mo sa Philippine Stats .”
“Thank you.”
“You’re always welcome.”
Nainis si Faye sa lantarang pang-aakit ng bruhang babae kay Rex. Napatagal kasi ang pagkakamayan ng dalawa kaya palihim niyang kinurot ang binata sa tagiliran.
“Aw— I mean, this is my beautiful girlfriend Faye Valentine. You remember her, don’t you?”
“No.”
Antipatika! Mukha namang bading. Lalo pa niyang idinikit ang katawan kay Rex. “Hindi ko rin siya maalala, hon. Saan ba kami nagkita?”
“I, ah…” Malakas itong tumikhim. “Gano’n ba? Well, ngayon siguradong magkakakilala na kayo nang husto. Mr. Gonzales, puwede na tayong magsimula sa meeting?”
Hinayaan ni Faye na mag-usap tungkol sa negosyo ang dalawang lalaki. Pero hindi siya lumayo sa tabi ni Rex para ipamukha kay Alleli na off-limits na si Rex. Gusto rin niyang ipamukha sa babae na sa kabila ng kanyang kasimplehan ay siya ang pinili ni Rex at hindi ang isang elegante at sopistikadang gaya nito.
Mabuti naman at hindi na nagpakita pa ng masamang motibo sa binata ang babaeng iyon.
Nang masigurong hindi na threat si Alleli ay nakapag-focus na rin si Faye sa pinag-uusapang negosyo ng dalawang lalaki. Doon niya nasaksihan kung gaano kagaling na negosyante ang isang Rextor Lagdameo. He talked easily and smoothly and with so much confidence that even one who was allergic to business like her would stop and pay attention to his every word. Kaya hindi na nakapagtatakang pagkatapos lang ng kalahating oras ay nagkasundo na ang mga ito. Rex got the deal for his brother.
“You really are one heck of a businessman, Lagdameo. I would enjoy doing business with you again.”
“Thank you, Mr. Gonzales. It was my pleasure.”
“Mukhang naghahanda ka na nang husto para sa future mo, ha?” Mapanuksong ngiti ang ibinigay sa kanya ng matanda. “Ngayon pa lang, kino-congratulate ko na kayo.”
Matagal bago nakapag-react si Faye. Iniisip ba nitong hindi lang sila simpleng magkasintahan ni Rex? Magkahalong tuwa at pagmamalaki ang naramdaman niya, knowing that someone had actually thought they would be good for each other. Something warm seemed to envelop her heart.
“Kung gano’n, totoo pala talaga ang kasabihan tungkol sa mga miyembro ng Billionaire Boys Club.”
“Anong kasabihan?” tanong ni Rex.
“That once you’ve been chosen as one of the renowned billionaire boys, your bachelor days are finally over.”
“Talaga? Hindi ko yata alam `yan, ah.” Nakangiti siyang nilingon ni Rex. “Ano sa palagay mo? Hon?”
Palihim lang itong kinurot uli ni Faye. Nag-uumpisa na naman kasi si Rex na mangulit, although she started to like the way he teased her. Lalo na ngayong magkatabi sila sa pang-isahang upuang iyon dahil hindi na halos inaalis ni Rex ang mga braso sa baywang niya.
“In fact,” patuloy ng matandang Gonzales. “Ito mang unica hija ko ay malapit na ring magpakasal sa isa sa billionaire boys na iyan. And you know him well.”
Pareho silang natigilan ni Rex. Parang may mali sa itinatakbo ng sinasabi ng matanda. Sinulyapan niya si Alleli na ngingiti-ngiti lang bilang malinaw na pagkumpirma sa sinasabi ng ama nito.
“My daughter’s marrying your twin brother Rextor.”
REX IS marrying Alleli!
“Huwag kang maniniwala sa sinabi nila, Faye,” sabi ni Rex habang nasa biyahe na sila pauwi sa kanilang bahay. Chauffered BMW ang gamit ngayon ng binata kaya nakakapag-usap sila nang husto sa backseat ng sasakyan. Kung pag-uusap ngang matatawag na isa lang ang nagsasalita.
“I’m not marrying Alleli. She’s lying. I don’t even have plans of getting married. Huwag mong sabihing mas naniniwala ka sa kanya kaysa sa akin?” Narinig niya itong napabuntong-hininga. “Okay, I give up. Kung mas pinaniniwalaan mo sina Alleli, bahala ka. Basta ako, malinis ang konsiyensiya ko.”
Ngayon lang talaga napatunayan ni Faye na walang lalaki ang nakakatagal sa silent treatment na ang mga babae lang ang nakakagawa. And despite the irritation she felt when Mr. Gonzales ‘announced’ the upcoming wedding of his daughter to Rex, she couldn’t help but smile to herself. Tuluyan nang nabura ang pag-aalinlangan niya sa binata.
“Siguro kaya inisip ni Alleli na magpapakasal na kayo, kung ano-ano ang ginawa mong pambobola sa kanya.”
“Well, I did say she was pretty. Gano’n na ba ang style ng marriage proposal ngayon? Kung gano’n, ilang beses na pala akong nakapag-propose sa `yo.”
Nag-uumpisa na naman ang kadaldalan ni Rex. Hay naku. Hindi akalain ni Faye na darating ang panahon na magugustuhan niya ang kakaibang ugali na iyon para sa isang gaya nitong billionaire boy.
“All right, all right.” Parang nahalata naman ni Rex na pinagtatawanan na niya ito. “I know what you mean. Pero wala talaga akong ibinigay na sign kay Alleli para isipin niyang balak ko nga siyang pakasalan. I even went out with her just twice.”
“Nagpapaliwanag ka ba sa akin?”
“Ewan ko. Siguro.”
“Bakit?”
“Ewan ko rin.” Muli itong napabuntong-hininga. “Can we change the topic now?”
Good idea. Bakit nga ba naman kasi ibang babae ang pinag-aaksayahan nila ng oras na pag-usapan? Panira lang iyon ng mood.
“Sa dami ng mga naging girlfriend mo, mabuti at naaalala mo pa kung ilang beses mong nai-date ang bawat isa sa kanila.”
“Actually, I don’t really want to talk about my past dates with you. Hindi naman sa ayaw kong magkuwento. Kaya lang out of respect for the women who came to my life, I just want to keep the issue in private. I hope you don’t mind.”
Don’t mind? Lumagpas na yata sa pogi points meter ang score ni Rex sa kanya. The billionaire playboy who she thought was just a colossal moron was really a true blue gentleman.
“O, hindi ka na naman nagsasalita diyan. Come on, Faye. Please don’t do this to me. I can only swear na wala talaga akong balak na pakasalan si Alleli. Hindi ko na nga siya girlfriend ngayon. In fact, I’ve been single and available for quite sometime now.”
“Let me guess. Dahil muntik ka nang mapikot.”
“Oo.”
“Pero bakit parang natuwa ka pa nang sabihin ng daddy ko na ikaw ang pakakasalan ko nang una kayong magkita? Pikot na ring maituturing iyon kung sakaling hindi ka na pinayagan ng pamilya kong makalabas ng bahay namin nang hindi ako napapakasalan.”
“Well, iba naman `yon.”
“Paanong naiba?”
“Hmm.”
“Well?”
“I prefer not to answer that. Masisira ang image ko kapag nagkuwento ako tungkol sa mga iniisip ko. A true man never reveals his feelings in front of a woman.”
“Gano’n?” Damang-dama ni Faye ang sobrang excitement na ibinibigay sa kanya ng bawat salita ni Rex. Why wouldn’t he talk about his reason? May itinatago ba ito? Kung ganoon, ano kaya iyon? God! The anticipation just nagged her to the bones.
“Faye, can I ask you something?”
“Wala akong pera.”
“Alam ko. Pero hindi tungkol doon ang itatanong ko. Humarap ka muna sa akin nang deretso.”
Ibinaling lang niya kay Rex ang pansin. “Mahirap `yang request mo dahil magkatabi tayo sa upuan ng kotse mo. Hanggang dito lang ang kaya ko.”
“Puwede na rin `yan. Maganda ka pa rin sa paningin ko kahit ano’ng anggulo mo.” Lantaran pa siyang binigyan ni Rex ng mapang-akit na ngiti.
Her heart just wouldn’t stop racing inside her chest. Because every time he would look and smile at her like that, he really made her feel so special.
“Nambola ka pa. Sipain kita diyan, eh.”
“And I just love your threats. Anyway, about my question, gusto ko lang malaman kung ano talaga ang nagustuhan mo kay Rath?”
“Ilang beses mo nang naitanong `yan, ah. At hindi ba’t ikaw na rin ang siyang sumasagot sa tanong mong `yan?”
“Kaya nga ikaw naman ngayon ang binibigyan ko ng pagkakataong sumagot.”
Ano kaya ang nakain ni Rex at bigla na lang nagbago ang isip nito samantalang noong una ay ayaw na ayaw nitong maririnig na pinupuri niya si Rath.
“Well, he’s nice—”
“Bakit nga pala soccer ang napili mong sport?”
Did she just say na nagbago na ang isip ni Rex tungkol sa kapatid nito? In any case, hinayaan na lang niya itong ibahin ang usapan.
“Nasanay kasi akong laging nakasunod sa yapak ng kuya ko. I always hear people say, ‘oh, you’re just like your brother.’ And then one day, naisip ko na lang na parang wala na akong sariling identity. Lagi na lang si Kuya Luke ang nasa frontline kumbaga. Eh, takaw-atensiyon din ako kaya sabi ko sa sarili ko, this time, ako naman ang masusunod. Kaya nang magsawa si Kuya sa soccer as his favorite pastime, nagpaiwan ako sa sport na iyon.”
“And you excelled. Nakita ko kanina kung gaano ka kagaling.”
“I guess in one way or another, I finally found my true self. Sa soccer ko natutunan kung paano magdesisyon sa sarili ko. Kung paano maging independent at kung paano magkaroon ng sariling identity. Kaya nga kahit anong threats nina Daddy at Kuya Luke para lang mapaalis ako sa soccer team, hindi ako natitinag. I already know what I want or what I don’t want in my life. Ngayon kung maisipan ko mang iwan ang sport na iyon, alam kong sarili ko nang desisyon iyon at wala akong pagsisisihan kung sakali.”
“So, kasama sa threats ng pamilya mo na ipakasal ka sa unang lalaking tutuntong sa pamamahay ninyo?”
“Nope. Ang sabi ko kasi noon, si Ran lang ang lalaking gusto kong pakasalan.”
“Si Ran Fontanilla?”
“Oo, inaamin kong isa ako sa mga nabaliw sa kanya nang unang beses na lumabas ang Billionaire Boys Club last year.”
“Una si Rath. Ngayon naman si Ran Fontanilla? Ang sama talaga ng taste mo sa lalaki.” Siniko niya ito sa tagiliran. Napasinghap lang si Rex. “What?”
“Babaliin ko ang lahat ng buto sa rib cage mo kapag hindi ka pa tumigil sa panlalait mo diyan.”
“May asawa na si Ran. Bakit ipinagtatanggol mo pa `yon?”
“Eh, ano naman sa `yo?”
“Wala. Nakakainis lang.”
“Bakit?”
“Dahil ako na ang kasama mo, kung sino-sino pang lalaki ang iniisip mo.”
“Eh, sino ba ang nag-open up ng topic na ito?”
“Sabi ko nga, ako.”
Iyon lang at tumahimik na si Rex.
Hindi na rin umimik pa si Faye. Ano ba ang problema ng lalaking ito? Magbubukas ng usapan, pagkatapos magagalit. Natigilan siya. Galit si Rex? Kanino? Saan? Kunot-noo niya itong sinulyapan. Sa akin? Pagkatapos ay naalala niya ang ilan sa mga sinabi nito. “Ako na nga ang kasama mo, kung sino-sino pang lalaki ang iniisip mo.” Well, she didn’t want to assume anything but his words sounded like an awful case of jealousy.
Napangiti na lang si Faye nang muling ibaling ang pansin sa labas ng bintana. Nagseselos ito kina Rath at Ran? Kung ganoon…
“Nagseselos ka ba?”
“Hindi. Pero nagugutom ako. Jose,” tawag nito sa driver. “Pakidaan kami sa restaurant na makikita mo.”
“Oho, señorito.”