noveltoon logo noveltoon
Rex Lagdameo (The Billionaire Boys Club 10)

Chapter 10

Ch. 10 / 10 Nov 28, 2025
Prev Next

“R EX!”

Ilang tao na ang kasama ni Faye na naghahanap kay Rex. Even Miles, who she realized was the same woman who she met at a certain café bar in Manila. Pero parang gusto na niyang manghina. Napakalawak kasi ng taniman ng mga puno sa kabilang bahagi na iyon ng palayan. Eh, napakagaling pa naman ni Rex sa direksiyon. Humiwalay na siya sa iba pang naghahanap at sinugod ang masukal na kakahuyang iyon. She continued shouting his name.

“Rex, kung naririnig mo ako, sundan mo na lang ang boses ko gaya ng ginawa mo noon!” Huminto sandali si Faye at luminga-linga sa paligid. Naririnig pa niya ang mga boses ng mga kasama kaya alam niyang hindi pa rin nakikita ang binata. “Sundan mo lang ang mga boses namin, Rex! Come on! I want to get out of this jungle so we could finally talk.”

May narinig si Faye na langitngit ng mga tuyong sanga na natatapakan. Usually, kapag ganoong hindi niya nakikita ang mga nasa paligid ay naka-heightened alert na ang lahat ng sistema niya. Pero sa pagkakataong iyon, wala siyang ano mang nararamdamang panganib nang lumingon sa pinanggagalingan ng ingay. Kaya alam niyang hindi panganib ang hatid ng ingay na iyon kundi pag-asa. When Rex finally emerged from the dense vegetation, she just came to him and threw her arms around him.

“I knew you’d come to me,” she said in a muffled voice.

“I heard your voice.” Hinapit naman siya ni Rex sa katawan at mahigpit na niyakap. “Naisipan kong magpahangin muna nang makarating ako dito.”

“And you got lost again.”

“Yeah. But I feel fine now.”

They stayed that way for a few more minutes, without talking and just feeling each other’s warmth.

Na para bang sa simpleng gesture na iyon ay pareho nilang naintindihan ang gustong ipahiwatig ng bawat isa.

“Faye?”

“Hmm?”

“Are you still in love with my brother?”

“I was never in love with him. Fascinated, yes. But never in love.”

Inilayo siya ni Rex sapat para pagmasdan ang kanyang mukha. Ang mga braso nito ay nanatiling nakapulupot sa kanya. Wala na nga siguro talaga itong balak na pakawalan pa siya. Nice.

“You’re not in love with Rath? Akala ko ba—”

“Akala ko rin. Pero alam mo ba kung kailan ko sinabi sa sarili kong in love ako sa kakambal mo? It was when after you saved me from falling at the fast-food restaurant where we first met.”

“Kung gano’n—”

“I’ve fallen in love with you without knowing it. It has nothing to do on whether you’re Rath or not. I fell in love with you just because. Hindi ko rin alam kung paano nangyari iyon samantalang nakatutok ang isip at mga mata ko sa kakambal mong iyon. Kaya lang mas marunong pa sa akin ang puso ko at mas pinili kang mahalin sa kabila ng mga kapintasan mo.”

“Wala akong kapintasan.”

“Sandali, hindi pa ako tapos.”

“Pa-kiss muna.”

“Magtapat ka muna.”

“Ng alin?”

“Anong alin? Alam mo na `yon.”

“Na mahal kita? Nagtapat na ako, nakalimutan mo na ba? Binasted mo pa nga ako. Masakit iyon baka akala mo.”

“Dahil wala pang babaeng tumatanggi sa `yo?”

“Dahil hindi ko akalaing ang nag-iisang babaeng mamahalin ko nang ganito ay aayawan ako.” Napabuntong-hininga na lang si Rex. “Ano ba kasi ang ipinagsintir mo kanina doon sa restaurant? Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung ano ang ginawa kong mali at bigla ka na lang nagalit.”

“Hindi ko nagustuhan ang sinabi mo na ‘this settles everything.’ Pakiramdam ko, pinagtripan mo lang ako. Na totoo ang pustahan ninyo ni Ken.”

“Pustahan?”

“Na walang babaeng makakatanggi sa `yo. Not even me who was fascinated with your brother at that time.”

“Gagong Ken `yon, ah. Hindi naman ako nakipagpustahan sa kanya ng kahit na ano.”

“Alam ko. Sinabi rin niya `yon sa akin.”

“Muntik na akong tumalon ng chopper kanina dahil sa inakala kong si Rath pa rin ang dahilan kung bakit bigla ka na lang nanlamig sa akin. `Yon pala…” Pinisil nito ang kanyang ilong. “Ang lakas mag-power trip ng sweetheart ko, ah. Ang sarap mong halikan.”

“Okay lang.”

She let him kiss her once again. And it was sweeter than she anticipated. It was sweeter than the first time she tasted his lips.

“I love you, Faye. Hindi mo lang alam kung gaano ko pinagselosan si Rath nang dahil sa `yo. Kanina nga pagdating natin dito, ilang beses kong ipinanalangin na sana, magkaroon ng engine malfunction ang chopper at bagsakan siya.”

Pinalo niya ang malapad nitong dibdib. “Ang sama mo. Kung hindi naman dahil sa kanya, hindi mo ako makikilala.”

“You introduced yourself to me.”

“That’s because I thought you’re him. Hindi naman kita susundan doon sa fast-food kung alam kong hindi ikaw si Rath.”

“Oh yeah. Doon ako nagka-crush sa `yo.”

“Crush? Akala ko ba hindi na bagay iyon sa isang thirty-one years old at six-two na gaya mo?”

“You should know by now that I always make an exception when it comes to you.”

“Talaga lang, ha?” Nakakataba ng puso ang mga pinagsasasabi ni Rex. Her arrogant billionaire boy also had a soft spot in him.

“Yeah, this is the reason why I’m pouring out my feelings for you.”

“Akala ko ba ‘true men don’t reveal their feelings in front of women’?”

“True. Pero kung hindi naman ako magsasalita, walang mangyayari sa atin. Napakamanhid mo naman kasing babae ka. Ang dami ko nang signs na ibinigay para iparating sa `yo ang nararamdaman ko, wala ka pa ring reaksiyon. Nagpa-cute na ako nang nagpa-cute, ngiti na ako nang ngiti kahit nagmumukha na akong gago, binigyan na kita ng bulaklak at hinalikan, wala pa rin.”

“Sinusumbatan mo ba ako?”

“Nope. Gusto ko lang na malinaw na maiparating sa `yo na totoo ang lahat ng sinasabi ko.”

“Malinaw naman iyon sa akin lahat. Kung hindi ko iyon napapansin, sa tingin mo ba, mayayakap mo ako nang ganito ngayon?” Hinaplos ni Faye ang mukhang naging bahagi na ng kanyang buhay mula pa nang makilala niya ito.

“Alam mo bang kahit kailan, hindi pumasok sa isip kong darating ang panahon na gugustuhin kong ako na lang sana si Rath? Sa aming dalawa, ako lagi ang sikat. Ako lagi ang napapansin. Ang magaling. There was never a competition between us because we have chosen two different worlds to live in. Kaya nang dumating ka sa buhay namin, parang gusto kong suntukin bigla si Rath. I mean, how come he got the only woman I ever wanted? For the first time, na-insecure ako sa kanya. At hindi ko iyon matanggap.”

“Kaya pala sinisiraan mo siya sa akin.”

“What else can I do? Bukambibig mo na lang si Rath. At gusto kong makita mo na ako dapat ang tinitingnan mo at hindi siya. Tuwing tinitingnan mo naman ako, nararamdaman kong siya pa rin ang naiisip mo. And it made me jealous like hell! Mabuti na lang at nang mga panahong iyon, hindi nagpapakita ang kakambal kong iyon. Kung hindi, baka maya’t maya kaming dinadala sa orthopedic.”

“Ganyan ka ba magka-crush? Ang tindi, ha?”

Pero nanatiling seryoso ang mukha ni Rex. Although she could clearly see in his eyes those strong emotions he had kept from her. That she could hurt him so easily because he loved her that much.

Hindi lang pala kapag nabigo nakakaiyak. Pati na rin kapag nagmahal ka nang husto at ang taong minamahal mo, eh, ipinapakita sa `yo na ang tanging kahinaan niya ay ikaw.

“No, Faye. It wasn’t just a simple crush. Dahil habang patuloy tayong magkasama, lalo kong napapatunayan na iba na ang nararamdaman ko para sa `yo. Kaya gano’n na lang ang pagsisisi ko nang maghiwalay tayo sa Elite Hotel. Talagang naghanap ako ng excuse para makita kang muli.”

“Kaya pinuntahan mo ako sa soccer training namin.”

“Sinubukan ko ring magtapat sa `yo noong habang naliligo ka.”

“Yeah, that was a really perfect timing,” biro niya.

“My timing really sucks! So, I just told myself that if I wanted to be near you again, I should act like nothing happened. Like I really didn’t feel anything for you. Pero nakita mo naman, hindi pa rin ako nakatiis.”

Ang tinutukoy ni Rex ay ang ginawa nitong paghalik sa kanya kanina sa back door ng restaurant.

“Alam kong ilang araw pa lang tayong nagkakakilala at imposibleng mahalin kita sa napakaiksing panahong iyon. But things happen, you know. Kahit ako hindi alam kung paanong nahulog ang loob ko sa `yo samantalang wala ka ngang ginawang matino para sa akin.”

“Hoy, ibinalik kaya kita agad nang malaman kong hindi ka si Rath.”

“Kaya nga, eh. Ipagpapasalamat ko sana kung hindi mo na muna ako ibinalik. I still want to spend more time with the feisty woman who had taught me to face my fears.” Ikinulong ni Rex ang kanyang mukha sa mga kamay nito at matiim siyang tinitigan. “You have made me tougher. Ikaw din ang dahilan kung bakit hindi na ako natatakot maglakbay sa kawalan. Dahil alam ko, kung saan man ako itinuturo ng puso kong pumunta ay naroon ka at naghihintay. I’ll never be lost again. Will you be a part of my life forever?”

Tinatanong pa ba iyon? “Kahit gawin mo pa akong tourist guide, o kahit mapa, basta lagi lang kitang kasama, payag ako.” Kasabay ng pagtawa ni Faye ay ang pamamalisbis ng luha ng kasiyahan sa kanyang mga pisngi. “Nakita mo kung gaano ka-talented ang babaeng minahal mo? Lumuluha habang tumatawa. Wala kang lugi.”

Rex laughed and gathered her in his arms once again and sealed their new-found love with a searing kiss. Matutuwa ang kanyang pamilya. Bukod kasi sa tuluyan na niyang isinuko ang kanyang puso, isang billionaire boy pa ang handa na niyang iharap sa mga ito.

Really not that bad. Sabi nga, “all’s well that ends well.”

“I love you, Faye.”

“I love you, too…” She looked at him straight in the eyes and let him see what she really felt inside. “Rextor Lagdameo.”

Muli na naman silang binulabog ng cell phone nito.

“Damn it!” sambit ni Rex nang hugutin ang cell phone sa bulsa ng pantalon. “Remind me not to carry any communication tools when we’re together.”

“Yes, Sir.”

Sinagot na nito ang tumatawag nang hindi inaalis ang mga mata sa kanya. Pero agad ding nagbago ang ekspresyon sa mukha nito pagkatapos makipag-usap sa kabilang linya.

“Bakit?” tanong niya.

“Si Lantis ang kausap ko. Ngayon lang daw niya nalaman na tatlong araw nang nawawala si Ken.”

“May na-kidnap na naman sa billionaire boys?”

“I hope not.” Magkaakbay na sila nang lumabas sa kasukalang iyon. “Ayokong may gumaya sa naging takbo ng love story natin. Tayo lang ang sisikat sa ganitong plot. `Yong iba, bahala sila sa buhay nila.”

“Sabi na nga ba. May dahilan talaga kung bakit ako na-in love sa `yo.”

Wakas