noveltoon logo noveltoon
Rex Lagdameo (The Billionaire Boys Club 10)

Chapter 6

Ch. 6 / 10 Nov 28, 2025

“T HIS isn’t my house.”

“No, this is mine.” Ipinarada na ni Faye ang kotse sa kanilang garahe. “Dito ka lang. k apag may nakita kang tao, don’t ask anything. Don’t say anything.”

“Okay.” Pero nauna pa si Rex na lumabas ng sasakyan.

“What are you doing? Sabi ko nang dito ka lang.”

“I have to stretch my legs. Sa haba ng biyahe natin, siguradong nagrereklamo na rin ngayon mismo ang mga binti mo. Kaya kung ako sa `yo, hilutin mo muna ang mga binti mo bago ka—”

Pero hindi na niya pinatapos si Rex sa sinasabi nito. She got out of the car and that was when she realized she should have listened to him. Dahil pagtapak na pagtapak niya sa lupa ay agad bumigay ang kanyang mga binti. Mabuti na lang at nakakapit pa rin siya sa pinto ng kotse. Rex was suddenly on her side.

“I told you so,” sabi nito, saka siya inalalayang makaupong muli. Pagkatapos ay itinaas nito ang dalawang kamay. “I’m going to massage your legs.”

“What?!” Faye was wearing a black cocktail dress that didn’t even reach her knees. Now that she was sitting, her skirt hiked up a little and exposed half of her milky-white thighs. “I’m not—”

“Hindi kita momolestiyahin.” Naupo na si Rex sa harap niya na nakataas pa rin ang mga kamay. “Hihilutin ko lang ang mga binti mo dahil baka pulikatin pa `yan.”

“Namimintig lang ang mga binti ko.”

“Mabuti na ang sigurado. Okay, I’m going to count to three para naman hindi ka mabigla masyado. Ready? One…” Without breaking eye contact with her, unti-unting bumaba ang mga kamay ni Rex. “Two… three. Relax, Faye.”

Inaasahan na niya ang matinding pangingilabot na mararamdaman dahil si Rex ang kauna-unahang lalaking hindi niya doktor ang nakahawak sa kanyang mga binti. Pero imbes na pandidiri at pagkailang ay nakakaengganyong relaxation ang kanyang naramdaman. Malambot ang mga kamay nito. Masuyo rin at ingat na ingat ang mga haplos nito.

“Good?” tanong pa ni Rex.

Tumango lang si Faye. Wala naman kasi siyang ibang maisip na sabihin, lalo pa nga at apektado siya nang husto sa ginagawa ng lalaki. Ni hindi niya magawang magalit. Kunsabagay, ano pa nga naman ang dahilan niya para magalit? When he was being such a gentleman and all? Ganoon lang kadali na napapawi ni Rex ang sakit ng mga pinsalang natatamo niya. Gusto na niyang mapabuntong-hininga. She just couldn’t figure out this guy. Napakayabang nito sa paningin niya pero mayamaya lang din ay nag-iiba ito ng image.

Pero… hindi kaya siya ang magulo? Binawi na niya ang mga binti. “Okay na ako. Salamat.”

“Sigurado ka? Baka kulang pa ang masahe.”

“Hindi, tama na `yon.” Wala na rin naman talaga ang pamimintig. Tumayo na siya kaya tumayo na rin si Rex. Now they were standing face to face. Ngayon lang talaga niya napansin kung gaano ito katangkad. At kung gaano kaguwapo ang mukhang iyon sa malapitan. And she wasn’t even thinking of Rath at the moment.

He stepped out of her way. “Maglalakad-lakad na muna ako dito sa garden ninyo. Okay lang ba?”

“Bahala ka.”

“Ano nga pala ang gagawin mo dito sa inyo?”

“Maliligo, magpapalit ng damit… What?” Napansin kasi niyang may pagtutol sa mga mata ni Rex.

“Bakit magpapalit ka pa?”

“Dahil kagabi ko pa suot ang damit na ito at nangangati na ako?”

“Ah.”

Namaywang na siya. “What?”

“Nothing, really.” Tinalikuran na niya si Rex para mag-ikot-ikot na ito sa kanilang garden. “I’m just gonna miss your legs, that’s all.”

Ang mga huling salitang iyon ni Rex ang nagpaulit-ulit sa isip ni Faye habang naliligo. At hindi rin isang beses na muntik na siyang mapangiti. He’s gonna miss my legs. Ibig sabihin, type nito ang legs niya? She never paid much attention to her legs since they had always been exposed to her. Ang uniform naman kasi nila sa soccer ay maluwag na T-shirt at shorts. At wala naman siyang nakitang kakaiba sa mga iyon. At si Rex lang ang tanging pumansin at humanga sa parte na iyon ng kanyang katawan na itinuring niyang ordinaryo. Which was quite nice, in a way. But she opted to wear a pair of pants after taking a shower. Ayaw naman niyang isipin ni Rex na masyado siyang naniwala sa mga sinabi nito.

Pero hindi inaasahan ni Faye ang madadatnan sa sala paglabas niya ng kuwarto. Rex was standing tall and elegant in his a bit crumpled white long-sleeved polo and black slacks in the middle of their living room. Her brother Luke was leaning against the door frame as he watched over their father who was now scrutinizing the stranger in the house.

Parang may mali sa eksenang ito, ah.

“What’s your name again?” tanong ng kanyang ama.

“Rextor Lagdameo.”

“You’re one of the billionaire boys.” Tumango-tango pa ito. “I see. So, ikaw ang pakakasalan ng anak ko.”

“I am?”

“SO, WHEN will our wedding be?”

“Tumahimik ka diyan, Rex. Huwag mo akong asarin kapag ganitong abala ako sa pagmamaneho.”

Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Faye na nagawang kilatisin ng ama si Rex nang hindi nito namamalayan. At sinabi pa nitong si Rex ang pakakasalan niya. Diyos mio! Kaya mabilis siyang nagpaalam sa ama para hindi na madagdagan pa ang halusinasyon nito tungkol sa kanila ni Rex at saka hinila ang binata pabalik sa kanilang sasakyan. Ngayon ay patungo na sila sa Elite Hotel kung saan niya ito itatambak at nang makabalik na sa normal ang buhay niya. At habang patuloy siyang inaasar ng magaling na lalaki tungkol sa mga nangyari kanina, hindi na talaga siya makapaghintay na maidispatsa ito nang tuluyan.

“For a moment there, I really thought your father would bring out his shotgun and demanded that I marry you in front of him.”

“I said shut up, Rex.”

“I can’t. This is so cool. Wala pa kasing sino man ang nakapagplano ng kasal ko nang hindi ko nalalaman.”

“Don’t worry, it would never happen.”

“Pero sayang. I like your dad.”

“Eh, di kayo ang magpakasal.”

“Hindi puwede.” Parang seryoso pa ang inisip ni Rex bago nakasagot. “May iba akong gusto.”

“Ang kuya ko?” This time, tuluyan na itong hindi umimik. “Are you gay?”

“Gahasain kita ngayon, tingnan ko lang kung masabi mo pa `yan.”

She chuckled. “Isa ka rin palang dakilang pikon.”

“I like the sound of your laugh. Hindi mo aakalain na ang may-ari niyon, eh, reyna ng katarayan.”

“Excuse me. Hindi ako mataray.”

“Sige, masungit na lang.”

“Kailan kita pinagsungitan?”

“Mula pa nang malaman mong hindi ako si Rath.”

Bahagyang sinulyapan ni Faye si Rex. Sa kalsadang dinaraan nila nakabaling ang atensiyon nito kaya madali niyang nahinuha na seryoso ito sa sinabi. Nawala tuloy ang ihihirit pa sana niya. Ewan naman niya kung bakit pero bigla na lang pumasok sa kanyang isip na huwag na itong tarayan pa. Somehow, at that moment, she felt like she didn’t want to hurt his feelings.

Napakunot ang noo ni Faye nang muling ibaling ang atensiyon sa pagmamaneho. She didn’t want to hurt his feelings? I’ve never hurt anyone’s feelings before.

“Saan nga pala ang sa inyo?” tanong niya.

“Sa Elite Hotel na muna tayo. Naiwan ko kasi ang wallet ko doon kagabi.”

“Okay.”

Hindi na sila nag-imikan pa. And it seemed so weird not hearing his usual arrogance. Kung kailan naman hindi na nagyayabang si Rex ay saka naman tila hinahanap-hanap niya ang ugali nitong iyon. Siya yata ang weird. Hindi siya nakatiis.

“Did I say something wrong?”

“Huh? Oh no, not at all. May iniisip lang ako. Bakit, nami-miss mo ang bedroom voice ko?”

Now that she finally heard him again, well, yeah, she missed his voice. “Excuse me lang, `no? Bakit naman kita mami-miss, eh, hindi ka nga umaalis sa paningin ko.”

“Aminin mo na. May crush ka rin sa akin. Kunsabagay, hindi kita masisisi.”

“Ang yabang nito. Baka ikaw ang may crush sa akin.” Bigla itong natameme.

May kung anong kakaibang excitement at tuwa na bumundol sa puso ni Faye sa kaalamang maaaring tama siya. O rather, may tama si Rex sa kanya. She opted to smile and just take it lightly. Baka nga naman kasi nangangarap lang siya nang gising. But she liked the feeling, though.

“O, ano? Hindi ka na nakaimik diyan.”

“Ano’ng gusto mong sabihin ko?”

“Na may crush ka sa akin.”

“Na may crush ka sa akin,” panggagaya nito.

“Corny mo.”

“Na may crush ako sa `yo.”

Siya naman ngayon ang natameme. Napahigpit pa ang pagkakahawak niya sa manibela ng sasakyan. Tama ba ang narinig niya? Na may crush ito sa kanya?

“Ang kaso,” patuloy ni Rex. “Hindi na uso sa akin ang salitang ‘crush.’ I’m already thirty-one years old and I’m too old for that crap.”

Daig pa ni Faye ang pinukpok ng kawali sa ulo. Hayan kasi, kung ano-ano ang pumapasok sa utak mo.

“Kung ganyan palang gurang ka na para gamitin ang salitang iyon, bakit ginagamit mo pa rin?” Asar talaga ang buwisit na `to! Ewan, basta naiinis siya.

“I just thought it was a nice way to describe a unfamiliar feeling, you know what I mean?”

“No.”

“Okay. Pero puwede bang pakibagalan ang takbo natin? Hindi naman ako nagmamadaling makarating sa hotel.”

Doon lang napansin ni Faye na napapabilis na nga ang pagmamaneho niya. She calmed herself and cleared her mind. Baka mamaya, tuluyan na nga siyang hindi makapag-asawa. Sayang ang lahi nila.

Ilang minuto pa at dumating na sila sa engradeng entrance ng Elite Hotel. Naalala tuloy niya ang mga nangyari nang nagdaang gabi. Kagabi nga lang ba talaga iyon? Para kasing napakahabang araw na ang lumipas mula nang magawa niya ang napakalaking katangahan sa kanyang buhay. Ang makuha si Rex imbes na ang kakambal nito.

Nauna nang bumaba si Rex kaya nang makita nitong nagpaiwan siya ay agad lumapit sa kabilang side ng kotse.

“Ano pa’ng ginagawa mo diyan?” tanong nito. “Sasamahan mo ako sa loob.”

“Bakit? Gaano ba kabigat ang wallet mo at kailangan mo pa ng tulong ko?”

“Ha-ha. Very funny, lady.” Binuksan na nito ang pinto ng kotse. “Bumaba ka na diyan at naiistorbo mo na ang ibang bagong dating na guests.”

Dumako ang tingin ni Faye sa rearview mirror at nakitang tatlong sasakyan na nga ang nakasunod sa kanya. Napilitan na tuloy siyang bumaba. Bahagya pa siyang nagulat nang hawakan ni Rex ang kamay niya at alalayan siya.

“Anong pauso `yan?”

“I just want to show you my gentle side.”

“For what?”

“No particular reason,” simpleng sagot nito.

Kinuha ni Rex ang susi ng kotse at ibinigay sa valet na kanina pa naghihintay sa kanila. Pagkatapos ay pinagsalikop ni Rex ang mga kamay nila, saka siya pasimpleng hinila papasok sa hotel.

Wala nang nagawa si Faye kundi ang sumunod dito dahil ang buong atensiyon niya ay nakatutok sa magkasalikop nilang mga kamay. It felt so odd holding hands with him but it also felt so damn nice.

“Rex!”

Sabay pa silang napalingon sa tumawag dito. Tatlong lalaki ang nakita ni Faye na nakaupo sa couch ng engrandeng hotel lobby at kilala niya ang lahat ng ito. The other billionaire boys, Vash Illustre and Silvanus Arellano with former BBC member Ran Fontanilla. Napatutok agad ang pansin niya sa seryoso pero napakaguwapong mukha ng lalaking minsan niyang kinabaliwan.

“Ran…”

“Kilala mo si Ran?”

“Oo. Pero sa magazine lang. Dati siyang—”

“Miyembro ng Billionaire Club. You want to meet him personally?”

Kinapa ni Faye ang damdamin. Wala na ang dating damdamin niya rito. Mas iniintindi pa nga niya ang makasalikop pa rin nilang mga kamay ni Rex.

“What for?”

“Oo nga. What for? May asawa na `yon. Let’s go.” Pero sa puwesto pa rin ng tatlo sila dumeretso. “How did you know it was me?”

“Because you’re still wearing your clothes last night?” sagot-tanong ni Vash.

“Ah. So, bakit nandito pa kayo? Hindi pa ba tapos ang party ni Ken?”

“Nah,” sagot ni Silva. “Madaling-araw na nang matapos ang celebration kaya dito na kami nagpalipas ng oras. Paalis na rin kami. We’re just waiting for our fianc é es. Ikaw, bakit nandito ka pa?”

“Fetching my wallet. Nakalimutan ko kasi kung saan ko nailagay kagabi.”

“Para namang may bago do’n.” Bumaling na sa kanya ang pansin ni Silva. Parang ngayon lang may naglakas ng loob na isama siya sa usapan. “Bakit kasama mo ang pinsan ni Denniz?”

“How did you know her?”

“Inusisa kasi ni Ken si Denniz kagabi.”

“Bakit daw?” kunot-noong tanong ni Rex.

“Nagtaka ka pa. Pareho lang naman kayo n’on kapag nakakakita ng magandang babae.”

Napatutok ang tingin ni Faye kay Ran. As usual, wala naman itong ibang reaksiyon kundi ang simpleng tango bilang tanda ng pagkilala sa kanya. Rex suddenly pulled her to him and put his arm on her shoulders.

“Ran, nasaan na ang gala mong asawa?”

“She’s just poking around, as usual. Nalaman kasi niyang umaali-aligid dito si Vincent.”

“Well, mauna na kami sa inyo. Pero `pag dumating siya, pakisabi nasa… ah…”

“Sa Lost and Found Department mo na lang hanapin ang wallet mo,” suhestiyon ni Vash. “Para hindi ka na kung saan-saan lumulusot. Napakagaling mo pa naman sa direksiyon.”

“Right. Pakisabi kay Dunkey nandoon kami.”

“What do you need me for?”

Faye knew this petite woman who just turned up. Donata Fontanilla, Dunkey for short. Ang writer at pasimuno ng Billionaire Boys Club.

“Dunkey,” baling dito ni Rex. “I want you to meet my girlfriend, Faye Valentine.”