“O , PUWEDE ka nang magsalita,” sabi ni Rex nang nasa elevator na sila ni Faye patungo sa Lost and Found Department ng hotel na iyon.
“Huwag mo akong kausapin.”
“Dahil sinabi kong girlfriend kita?”
“Oo.”
“Masama ba `yon?”
“Natural! Bakit, boyfriend ba kita?”
“Eh, di gawan natin ng paraan.”
“What?”
Humarap na sa kanya si Rex. Bumukas ang pinto ng elevator. “Will you be my girlfriend?”
Daig pa ni Faye ang nagtamo ng malakas na sampal sa sinabi nito. Ganoon ba kataas ang tingin ng lalaki sa sarili? Na sa isang salita lang, kaya na nitong makuha ang kahit na anong magustuhan? Oh, God. She had never been this insulted her whole life. Or more… hurt, knowing that he asked her to be his girlfriend just to prove a point. That he was indeed a billionaire boy.
“No.” Halatang may sasabihin pa si Rex pero hindi lang masiguro kung ano ang mga salitang dapat binitiwan. Kaya nagpatuloy na lang siya. “Rex, naibalik kita sa sibilisasyon nang walang ano mang gasgas sa katawan. The least you could do is give me some respect.”
She didn’t bother looking at him. Alam kasi niya kung gaano siya ka-transparent sa nararamdaman. Bumukas ang elevator at dalawang babae ang pumasok. Agad nagbulungan ang mga ito nang makita ang binata.
“Hindi ba’t iyan si Rextor Lagdameo? Oh, my gosh!”
“I can’t believe this! Sana masiraan tayo ng elevator.”
Kumilos sa tabi niya si Rex at ilang sandali pa ay napansin na lang niyang lumabas ito. Unti-unti nang sumara ang elevator door nang hindi na yata nakapagpigil ang dalawang babae at sumigaw na.
“I love you, Rex!”
“Pakakasalan kita sa lahat ng simbahan!”
It made him turn around. Deretso agad sa kanya ang mga mata nitong punong-puno ng pagtataka at katanungan. Naglakad si Rex pabalik pero tuluyan nang nagsara ang elevator. Muling sabay na nagtilian ang mga babaeng kasama niya ngayon.
“Ang guwapo talaga niya! At nakasama pa natin siya dito sa elevator. Nakakaloka ito!”
“Naku! Dapat pala kinunan natin siya ng picture sa cell phone! Ang balita ko, mabait si Rex kaya siguro naman pagbibigyan niya tayong magpa-picture kasama siya.”
Patuloy ang pagdadaldalan ng dalawa habang si Faye ay pilit na kinakalma ang sarili. Matapang siya at laging palaban sa kahit na sino. Kahit nga sa kanyang pamilya, kapag may isang paniniwala siyang hindi tinatanggap ng mga ito, ipinaglalaban niya iyon. Hinaharap lagi ano man ang maging resulta. Whether she won or lost. Pero bakit ngayon ay parang nabahag ang kanyang buntot? Dahil siya na mismo ang naunang umurong sa laban hindi pa man iyon nagsisimula. Samantalang noong una pa man ay alam na niya ang kayabangan ni Rex kaya dapat lang naman na nasanay na siya. Pero iba nga ang nangyari. Why was she that affected? Si Rex lang naman iyon. He was not even Rath.
You’re hurt because some time along your journey back home, he had crept his way into your heart, wika ng isang munting boses sa kanyang isip. That’s the reason for all those strange feelings you felt every time you looked at him. And the very same reason why you were suddenly hurt by his words a few moments ago.
“Sundan kaya natin siya? Siguro hindi pa siya nakakalabas ng building.”
“Sige, mabait naman iyon. Siguro naman pagbibigyan niya tayo sa isang picture lang.”
You had fallen for him, Faye Valentine. You’re in love with him.
“No!”
Napatingin bigla sa kanya ang dalawang babae. At ayon sa nakikita niyang ekspresyon sa mukha ng mga ito, isang nawawala sa sarili ang tingin sa kanya nang mga sandaling iyon. Kaya hindi na nakakapagtakang nagmamadaling pinindot ng dalawa ang button ng elevator at sa sumunod na palapag ay mabilis nang bumaba.
Parang manghihina si Faye. She just realized something was amiss with her and now people thought she was deranged.
“I can’t be in love with that jerk,” kumbinsi niya sa sarili. “I’m in love with Rex.”
Pero bakit nga ba ni minsan ay hindi niya naramdaman ang mga naramdaman niya kay Rex? To think na halos dalawang araw pa lang naman silang nagkakasama. At hindi nga ba’t ilang beses niyang napatunayan kung bakit hindi ito puwedeng magustuhan?
But why the hell was she still feeling this empty? Bumukas ang elevator kung saan dapat na bumaba ang dalawang babae kanina. And her heart jumped when she saw Rex walking briskly towards her. Sa hagdan ba ito dumaan kaya mas naunahan pa siya sa palapag na iyon? Pero mahigit limang palapag iyon! With his hair dancing swiftly with his every movement and his cheeks flushed, he was a sight to behold. And her heart started thumping like crazy. Nang unti-unting sumara ang pinto ay nakita na lang niyang tumakbo na si Rex patungo sa direksiyon niya.
“Faye! Sandali lang!”
Pero hindi siya nakakilos. Daig pa kasi niya ang sinipa ng kabayo nang sa wakas ay tanggapin ang katotohanang ipinamukha sa kanya ng konsiyensiya niya kanina. She had fallen in love with him indeed. Paglabas ng hotel ay agad niyang ipinakuha sa valet ang kanyang sasakyan at humarurot palayo sa lugar kung saan nagsimula ang lahat ng kaguluhan sa buhay at puso niya.
Napasulyap si Faye sa side mirror at nakitang humahangos palabas ng hotel si Rex.
IBINUHOS ni Faye ang lahat ng lakas nang sipain ang bola na ipinasa sa direksiyon niya bago pa man iyon maagaw ng kalabang team. The ball spinned and went straight to their goal. Narinig na ang malakas na silbato ng kanilang team coach. Panalo ang grupo nila. Nagtatalon siya sa tuwa sa maputik at basang soccer field dahil sa saglit na pag-ulan nang magsimula silang mag-practice. Mabilis naman siyang pinagkaguluhan ng mga kasamahan.
“Ang galing mo talaga, Faye!”
“Panalo na naman tayo!”
Pero agad ding naputol ang kasiyahan nila nang mauwi sa bulong-bulungan ang kanilang pag-iingay na nagmula sa kabilang grupo. When she looked around, she saw that the reason for the commotion was standing elegantly beside their coach, clapping.
Nag-umpisa na namang magkaroon ng tila rambol sa dibdib ni Faye. Kaya agad niyang na-realize na si Rextor Lagdameo iyon. Wala naman kasing ibang taong nakakapagpagulo sa isip at damdamin niya gaya ng nagagawa nito. Not even Rath nor Ran.
Nakakainis ang herodes na `to! maktol niya sa isip. She had been trying to forget about him the whole day. Kaya nga kahit masama ang pakiramdam ay sumama pa rin siya sa soccer training nila ngayon.
Pero kung kailan naman ilang minuto na niyang nakakaligtaan ang lalaki, saka pa ito susulpot. Rex was looking at her direction and she knew there was really no solution to her problem. Dahil kung meron man, siguradong isa na rin siyang miyembro ng Billionaire Boys Club kapag inilathala niya ang solusyon sa problemang pampuso.
Magdamag na pinag-isipan ni Faye ang mga natuklasan sa damdamin kahapon. Ilang beses din niyang tinangkang kalimutan iyon dahil sa mga sinabi ni Rex kahapon. Pero walang nangyari. Kaya sa huli, tinanggap na lang niya ang katotohanan. That she was in love with him. That she loved him, though she still didn’t know why or how.
Dinampot ni Faye ang bola at papunta na sanang muli sa gitna ng field nang tawagin siya ng coach. Rex was looking more handsome now. Hindi tuloy niya maiwasang pagmasdan ito. Habang tumatagal ay parang nagiging pamilyar na sa kanya ang mukha ng lalaki. Kung noon ay si Rath ang nakikita niya, ngayon ay nagkaroon na si Rex ng sariling identity sa kanyang puso. Oo, tuwing titibok ang puso niya na parang may nagkakarerahang kabayo, alam niyang si Rex na ang nasa harap niya. Tuluyan na nitong natabunan ang kakambal nito sa kanyang isipan.
“Puwede ka nang magpahinga, Faye.”
“Pero, Coach, hanggang mamayang tanghali pa ang practice natin, ah.”
“You’re excused. Gusto ka raw makausap nitong boyfriend mo.”
Bago pa makapag-react si Faye ay nagpunta na sa gitna ng field ang kanilang coach at pinaulanan ng sermon ang mga kasamahan niyang napatunganga na kay Rex.
“Hi,” bati ni Rex. She just walked past him towards their teams’ locker room. Sumunod ito. “Faye, mag-usap tayo.”
“Pagod ako, Rex. Kaya puwede bang hayaan mo akong magpahinga?”
“Mag-uusap lang naman tayo. Ano ba ang nakakapagod doon?” Napaurong ito nang buweltahan niya. “Okay, sige, ako na lang ang magsasalita. You can just listen to me.”
Humalukipkip lang siya at hinayaan itong magsalita. Pero nang makita kung gaano ito kalinis at siya naman ay nanlalagkit na sa putik ay nagbago na siya ng isip.
“Mamaya na tayo mag-usap.”
Then she left him and went straight to the locker room, picking up her towel and taking a quick shower.
“Faye, I’m sorry, okay?”
Muntik nang madulas si Faye sa pagmamadaling hablutin ang tuwalya. Rex’s voice came from just outside her shower cubicle! “Rex, what the heck are you doing here?” hiyaw niya na kahit sarado na ang pinto ng cubicle ay ibinalot pa rin niya ang tuwalya sa katawan. “Bastos ka talaga kahit kailan!”
“Wala naman akong nakikita.”
“Get out!”
“Later. Ayoko nang mahirapang sumunod-sunod sa `yo. Nang huling beses kong gawin iyon, walong palapag ang halos nilipad ko para lang maabutan ka pero wala ring nangyari. Kaya mag-shower ka na lang diyan at hayaan mo akong magsalita dito.”
Kung ganoon, tama nga siya. Tinakbo nito ang hagdan sa Elite Hotel nang huling araw silang magkita para lang maabutan siya.
“Nagalit ka nang husto nang maghiwalay tayo sa Elite Hotel—”
“`Buti alam mo.” Unti-unti na rin siyang kumalma.
“I’m sorry I made you feel awful. Hindi naman talaga iyon ang intensiyon ko nang… nang alukin kitang maging girlfriend ko. I asked you to be my girlfriend because, well…” Saglit na hindi nakapagsalita si Rex. Parang pinag-iisipan nang husto ang susunod na sasabihin. “You know, I really love the smell of this place. Ganito ba talaga ang lahat ng girls’ bathroom? Parang perfume section sa isang mall.”
Ibinalik na ni Faye sa sampayan ang hawak na tuwalya at hinarap ang nakasarang pinto. “Apology accepted. Ngayon, puwede ka na bang umalis? Bawal ang mga lalaki sa girls’ locker room. Baka ipatapon ka ng coach namin kapag nalaman niyang nandito ka.”
“Sandali lang. Hindi pa ako tapos sa sasabihin ko.”
“Bahala ka.” Binuksan niya ang shower at itinapat doon ang nanlilimahid na katawan.
Hindi na niya naintindihan pa ang ano mang sinabi ni Rex dahil sa ingay na likha ng paglagaslas ng tubig. Kunsabagay, ano man ang sasabihin nito ay wala na rin namang magagawa pa sa problema niya ngayon sa puso. Mahal na niya ito. And one of these days, kapag naglaho na ang yamot niya sa sarili, siguro ay maayos na rin niya itong mahaharap. And maybe then she could slap it on his handsome face that it was his fault she fell for him.
Nang patayin ni Faye ang shower ay hindi na nagsasalita si Rex kaya hindi niya alam kung kailan pa ito huminto sa pagdaldal. Paglabas niya pagkatapos magbihis ay nakita niyang nakasandal ito sa gilid ng cubicle at may nakapasak na earphone sa tainga. His eyes were close so she had the chance to finally watch him without him knowing it. And it was really one hell of a handsome face. Naramdaman siguro ni Rex na may nagmamasid dito kaya nagmulat ito ng mga mata at unti-unting bumaling sa kanya. And it felt like she had just seen him for the first time. Parang gusto na lang niyang mapabuntong-hininga.
“Tapos ka na?” tanong nito, tinanggal na ang suot na headphone.
“Ikaw?”
“Saan?”
“Sa sinasabi mo kanina.”
“Hindi pa. Alam kong hindi mo naman ako naririnig habang naliligo ka kaya hinintay na lang kitang makatapos.” Umayos na ito ng tayo. “As I was saying, I need your help.”
Hindi niya alam kung ano ang nangyari pero bigla na lang siyang natawa sa harap ni Rex. Itinukod pa niya ang isang braso sa dibdib nito.
“Wow. Hindi ko alam na may sense of humor din pala ako.”
Tinapik lang ito ni Faye sa balikat dahil hindi pa rin niya magawang sumagot. Ilang sandali rin siyang tila hinayaan ni Rex na magpakasaya sa kung ano mang ikinatutuwa niya sa mundo. Kumilos lang ito para hawiin ang basa at buhol-buhol pa niyang buhok. Doon lang siya nahimasmasan. Rex was now looking at her with gentleness in his eyes and warmth in his smile. Pakiramdam niya ay siya na ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa. Hindi tuloy niya magawang lumayo.
“Okay ka na?” Tumango lang siya. “Bati na tayo?”
“Apology accepted na nga ang sinabi ko kanina, hindi mo pa ba naiintindihan `yon?”
“Sige nga, kung talagang pinapatawad mo na ako…”
Unti-unting bumaba ang mukha ni Rex sa kanya. Sinipa na naman ng kakaibang kaba ang didbdib ni Faye. She could feel excitement rushing through her veins as his face came closer. Hindi niya magawang ipikit ang mga mata. Rex didn’t close his eyes either. Kaya nalaman niyang tinutukso lang siya nito. Gayunman, hindi pa rin niya magawang maasar dala na rin ng kanyang nararamdaman.
Biased talaga ang mga puso.
Inilapat ni Faye ang palad sa mukha ni Rex at inilayo sa kanya. “Tama na `yan. Magsusuklay pa ako.”
“Mamaya ka na lang magsuklay. Dito ka muna. Hindi pa tayo tapos magdrama. Meron pang lalabas na fireworks—”
“Rex—”
“Fine. Magpaganda ka na para sa akin.”
Pinakawalan na rin siya nito sa wakas. Kasabay niyon, naramdaman na rin niya ang pagkawala ng tensiyong bumalot sa pagitan nila noong tatlong araw na nagdaan. Three days. In just three short days, she kidnapped the wrong man, brought him back, and fell in love with him. Posible pala iyon.
“Hindi ko na kailangang magpaganda dahil natural na akong maganda.” Halos hindi makadaan ang suklay sa magulo niyang buhok. “Ano ba ang ipinunta mo dito?”
“Well, bukod sa paghingi ng paumanhin sa mga sinabi kong hindi ko na matandaan, gusto ko rin sanang humingi ng pabor.”
“Akala ko ba bilyonaryo ka? Eh, bakit hingi ka nang hingi ng kung ano-ano sa akin ngayon?”
“Huwag mo nang ipagdiinan. Hindi ako sanay na isiping may mga bagay pala akong hindi kayang gawin o makuha dito sa mundo kahit gaano pa ako kayaman. Nakakababa iyon ng moralidad ko.”
Natural na magulat si Faye. Arogante si Rex at parang pag-aari ang mundo kung umasta. Sa ugaling iyon nito siya nasanay at hindi ang malaman mula rito mismo na may mga pagkukulang din ito.
“Anyway, about the favor I’m asking…” Ngayon naman ay tuluyan nang nagkaroon ng pag-aalinlangan sa guwapo nitong mukha. “Puwede ba? Sige na, maganda ka naman.”
Hay naku. Akala pa naman ni Faye ay nagbago na ang lalaki. Kunsabagay, mas okay nga na ganoon ito. Dahil iyon ang Rextor Lagdameo na kilala niya.
“Ano ba `yon?”
“Tumawag na sa opisina ko ang taong kausap ni Rath tungkol sa isang negosyong napag-usapan nila. Ipinapaalala ang meeting nila mamaya.”
“What’s that got to do with you?”
“Kailangang ako na muna ang humarap doon sa kausap niya. Ang sabi kasi ng katulong namin sa bahay, may pinuntahan daw si Rath.”
“Magpapanggap ka na namang kakambal mo? Babae iyang kliyente ninyo, ano?”
“No, pero masyadong perfectionist si Mr. Gonzales. Ayaw niyang walang matinong sagot ang mga kausap niya sa negosyo. Rath wants this business with Mr. Gonzales’ company. Kaya habang hindi pa malinaw ang pagsipot niya sa meeting nila, ako na muna ang tatayo bilang siya. We’ve done this before when I had a little mishap and couldn’t make it in time for my own business meeting. Wala namang naging problema.”
Ayaw na ayaw ni Rex na ikinukumpara sa kakambal nito kaya ang akala niya noon ay may galit ito sa kakambal. Pero iba ang nakikita niya ngayon. He looked like he was very much concerned about his twin brother. Which was very nice.
“So, ano nga ang kinalaman ko sa magiging drama mo?” Pero kahit ano pa ang maging excuse nito ngayon, buo na ang pasya niyang tulungan ito.
“Remember Alleli?”
“The woman from the fast-food restaurant.”
“Yes. She’s Mr. Gonzales’ daughter as well as his assistant. Siguradong nandoon din siya sa meeting.”
“Still, hindi ko pa rin alam kung ano ang magiging papel ko sa eksenang ito.”
“I just want you to be there with me.” Napakamot na lang si Rex sa batok. “Ayokong malapitan ako ni Alleli at mabuking na ako si Rex at hindi ang kapatid ko. I don’t want to ruin this for Rath. The mere fact na nakilala ka na ni Alleli na girlfriend ko nang magpanggap akong si Rath, safe na ako, si Rath, at ang business deal na pinaghirapan niyang makuha.” He then cleared his throat. “If you really care for my brother, you’ll help me.”
“Of course I’ll help.”
“Thanks.” Ngumiti pa ito pero parang may munting kalungkutan na bumalot sa mga mata nito. Wala na ang dating sigla roon. “Let’s go?”
“Ngayon na ang alis? Pero wala akong proper dress.” Jeans at simpleng shirt lang ang suot niya. Ni hindi pa nga siya nakakapagsuklay nang maayos.
“It’s fine. Ako naman ang makikipag-usap. Okay na `yan.”
Rex took her hand and led her into the parking lot. Gaya noong unang beses nitong hawakan ang kanyang kamay, muli niyang naramdaman ang kakaibang damdaming dulot ng simpleng pagkakadikit ng kanilang mga kamay. Maaaring nilapitan lang siya ni Rex dahil kailangan nito ng tulong para maitaboy ang isang babaeng iniiwasan. Pero hindi na iyon mahalaga sa kanya. Ang importante, minsan sa buhay niya ay kinailangan siya ng isang bilyonaryo.
Kinailangan siya ng lalaking natutunan niyang mahalin ang lahat-lahat sa pagkatao nito.