M edy o masama ang pakiramdam ng tiyan ni Sierra pero maaga pa rin siyang gumising para mag-exercise. Nasa harap siya ng telebisyon at sinusundan ang mga steps para sa taebo lessons DVD na pinabili niya kay Lucy noong isang araw. Nang hingalin pagkatapos lang ng kalahating oras ay nahiga siya sa carpeted floor habang ang mga paa ay inipit niya sa ilalim ng mabigat na sofa. Then she started doing sit-ups. Na nakakatatlo pa lang siya ay sumuko na siya.
“Peste! Ang hirap!”
Tagaktak na ang mga pawis niya samantalang hindi pa nga siya talaga nagtatagal sa mga ginagawa. According sa health books na nabasa niya, mabuti sa katawan ang pagpawisan nang husto paminsan-minsan. Indikasyon din daw iyon na maganda ang response ng metabollic system niya para ilabas ang mga dumi sa katawan. Kailangan lang niyang ituloy-ituloy iyon para lalong maging maganda ang resulta ng kanyang ginagawa.
Nang makapagpahinga sandali ay ang jumping rope naman ang napagdiskitahan ni Sierra. Nang magsawa naman, ang slimming coffee from Brazil na kanina pa niya inilaga ang pinuntirya niya.
“Tigilan mo na nga iyang kaiinom mo ng mga slimming-slimming coffee na iyan. Itapon mo na rin iyong mga fat-burning tablets. Ipapahamak mo lang ang sarili mo niyan, eh. Bakit hindi ka na lang mag-stick sa pag-e-exercise? Mukhang mas okay nga iyon kaysa mga artipisyal na pagpapapayat na iyan.”
“`Nay, mabagal masyado kung mag-e-exercise lang ako. Dapat may tulong mula sa aking mga miracle drinks and tablets.”
“Mabuti na ang slowly but surely. Kaysa naman iyang mabilis nga, hindi ka naman sigurado. At tsaka, ano ba ang ipinagmamadali mong pumayat? Para kanino ang pagpapa-sexy mong iyan? Wala ka namang boyfriend.”
Naalala ni Sierra si Reigan. Hindi na sila nag-imikan nang magbalik sila sa Maynila kahapon galing Stallion Riding Club. No one mentioned anything about their feelings or relationships. Not even that kiss. Ang sabi niya sa sarili, okay lang iyon. Pero nagrereklamo ang puso niya. Ayaw na nitong malito. Ayaw na rin ng tanong nang tanong. Wala naman siyang magawa dahil nahihiya siya at natatakot din na baka nagkakamali lang siya ng inaakala sa mga ipinapakita at sinasabi ni Reigan sa kanya. Isa pang nakakapagpadagdag sa alinlangan niya ay ang sinabi nito sa mga kaibigan.
Na hindi naman siya nito girlfriend. Na kailangan na niyang magbawas ng timbang. Dahil overweight na siya.
Kaya naman nag-isip siya ng puwedeng gawin para matapos na ang lahat ng iyon. Magpapapayat na muna siya. At kapag naabot na niya ang ideal body type para sa kanya, saka niya susugurin ang Reigan na iyon at harapang tatanungin kung mahal ba siya nito or what. In the meantime, kasabay ng pagpapapayat ay ang pag-iipon din niya ng sapat na lakas ng loob para gawin ng lahat ng balak niya.
“Basta, `Nay. Nagsasawa na rin naman ako na pinupuna dahil sa katawan ko. Kaya para sa ikatatahimik ng mundo ko, magpapapayat na talaga ako.”
“Sana nga matahimik na ang mundo mo.”
“Tita Taba! Good morning!”
“Good morning.” Yumuko si Sierra para tanggapin ang halik ng pamangkin. “Ano’ng ginagawa mo rito? Oras na ba para asarin mo ako?”
Saka naman pumasok sa kusina ang ina nito. “Iwan ko muna rito si Tinay, Ate. Aasikasuhin ko lang `yong ipinadalang pera ni Marvin sa account ko. Malapit na kasi ang birthday ni Tinay, eh.”
Si Marvin ang asawa ng kanyang kapatid na nagtatrabaho sa ibang bansa.
“`Ma, gusto ko keyk. Tita Taba, hindi kita bigyan.”
“Okay lang. On diet naman ako.”
“At tsaka ayskrim at sokoleyt at—”
“Tinay, kung ayaw mong kagatin kita, tigilan mo na iyang pagbibilang ng pagkain sa harap ko.”
“Am pangit mo!”
“O, Sierra, aalis na kami ni Lucy.”
“Ha? Bakit kayo aalis? Paano si Tinay? Sino ang magbabantay sa kutong-lupang ito?”
“Ikaw. Hindi naman namin puwedeng isama iyan ng tatay mo doon sa lamay ng kaibigan niyang namatay. Mag-iingay lang iyan doon.”
“Don’t worry, `Te. Alas-dose mamayang tanghali, tulog iyan. Pakialiw na lang muna siya hanggang mamaya.” Inilapag ni Lucy ang isang bag sa kitchen table. “`Eto ang mga gatas niya. Timplado na iyan.”
“Pero hindi ako marunong mag-alaga ng bata— h oy, huwag n’yong iwan sa akin `to…”
“Kaya mo iyan,” wika ng kanyang ama na tinawag na ang kanyang ina. “Sandali lang naman kami.”
“Mabait naman iyang si Tinay.”
Biglang napalingon si Sierra sa pinanggalingan ng ingay. Nakita niyang naabot na pala ng pamangkin ang lalagyan nila ng mga kutsara at tinidor. Na ngayon ay nagkalat na sa sahig at basag na rin ang lalagyan.
“Tinay!”
ABALA sa pagluluto si Sierra habang nagbe-belly dancing pa rin nang may mapansin. Aba, tahimik ang paligid. Hindi iyon magandang senyales, lalo na at naroon ang kanyang pamangkin. Ang speaking of that kid, saan na kaya nagsuot ang kutong-lupang iyon?
“Tinay?” Pinuntahan niya sa sala. Wala. Sa garden, wala rin. Pumasok siya uli at sunod na tiningnan ang silid ng magulang. Wala rin. “Nasaan na iyon…?”
Palabas na siya ng pinto para tingnan sa likod-bahay nang mapansing nakabukas ang kanyang kuwarto. Doon niya nasilip ang pamangkin. Nakaupo ito sa gitna ng kama. Nakatalikod nga lang kaya hindi niya alam kung ano ang kinukutingting nito.
“Tinay, ano’ng ginagawa mo…?” Napatili si Sierra nang humarap sa kanya ang pamangkin, hawak ang face powder.
Nagmukhang payaso ang malaanghel na mukha ni Martina dahil sa kulapol ng lipstick sa mukha. Iba’t ibang kulay rin ang nakasabog sa noo at ilalim ng mga mata dahil sa ikinulay na eyeshadow.
“Tita Taba, mek ap aku,” anito, sabay punas ng sponge ng face powder sa pisngi.
“Tinay—naku, ikaw talagang bata ka!” Kinuha niya ang mga makeup at ibinalik sa pouch, saka muling hinarap ang bata. Gusto niyang magalit at sigawan si Martina. Pero paano niya magagawa iyon kung natatawa siya sa itsura nito? “Iniwan lang kita nang five minutes, nakulayan mo na ang mukha mo. Daig mo pa ako kung mag-makeup, ah.”
“Tita, bait ako?”
“Oo, mabait ka. Sa sobrang bait mo nga, gusto na kitang kalbuhin—” Sininghot-singhot ni Sierra ang hangin sa paligid. “Aaahh! Ang niluluto ko!!”
Walang sabi-sabi niyang kinarga ang pamangkin, kinandado ang kuwarto at iniwan ito sa sala upang hindi na makadisgrasya pa sa kusina. Nang mailigtas ang ulam nila ay binalikan niya si Martina sa sala. The little girl was picking her nose when Sierra saw her on their sofa. Kinabahan siya lalo na nang makita ang nagkalat na maliliit na beads na mula sa kinalas nitong bracelet niya.
“Tinay, bakit?” Dumampot siya ng isang beads. “Ipinasok mo ito sa ilong mo?” Umiling ang pamangkin pero panay pa rin ang sundot ng daliri sa ilong. “Tinay, magsabi ka ng totoo kay Tita. Inilagay mo ba ito sa loob ng ilong mo?” Saka lang ito tumango.
Sierra freaked out. Kaya mabilis niyang kinarga ang bata at itinakbo sa clinic ni Reigan. Mabuti na lang at kalalabas lang ng huling pasyente ng binatang doktor.
“There’s something in her nose.” Ipinakita niya rito ang maliit na beads. “Pakitingnan naman, o. Baka kung ano na ang mangyari sa kanya kapag tuluyan niyang nasinghot ang bagay na iyon.”
Kinuha ni Reigan sa kanya si Martina at pinaupo sa table. “Tinay, may ball ka bang ganito sa ilong mo?” Tumango ang bata. “Okay. Kaya mo bang mag-blow nang malakas? Blow ka rito.”
Itinapat ni Reigan ang kamay sa ilong ng bata. Sumunod naman si Martina . Pagkatapos lang ng dalawang beses na pagsinga, tumalsik na mula sa ilong nito ang kulay-dilaw na beads. Nanghihinang napaupo si Sierra sa isa sa mga silya.
“Tinay, huwag mo na uli ilalagay ito sa nose mo, ha? Magagalit na si Tita Taba. Kawawa naman siya, mababawasan ang bilbil niya sa kunsumisyon sa iyo.”
Pinalo ni Sierra sa braso si Reigan. As usual, gaya ng madalas nitong reaksyon sa mga pananakit niya rito, tumawa lang ang binata. Binigyan nito si Martina ng coloring book at mga krayola na nakalagay sa maliit na karton. Agad na-focus doon ang atensyon ng bata.
“Hindi ako aalis dito hangga’t hindi dumadating sina Lucy,” deklara ni Sierra. “Aatakihin na ako sa puso kapag nagpasok uli ng kung anong bagay sa ilong niya si Martina. Paano kung hindi na iyon maremedyuhan? Ayoko na.”
“Ngayon lang ba naiwan sa iyo nang mag-isa si Tinay?”
“Ngayon lang ako nag-alaga ng bata.”
Tinanggal ni Reigan ang stethoscope na nakasabit sa leeg nito at naupo sa katabi niyang silya. “Kids like her only need something to focus their attention on and they’ll be fine. Masyado kasi silang aktibo at kapag hindi sila nagkaroon ng mapagtutuunan ng pansin, nagiging makulit sila at pasaway. Mostly, though, ang mga batang tulad nila ang may pinakamatataas na IQ levels. Kaya talagang dapat ay tutukan sila at i-guide nang maayos.”
“You know a lot about this stuff.”
“Of course. I’m their doctor, remember?”
Doon lang nagawang balingan ni Sierra si Reigan. Nakatuon ang atensyon nito kay Martina na abala na ngayon sa pagkukulay sa libro. Masuwerte siya at binibigyan pa rin siya ng tadhana ng pagkakataon na makasama si Reigan at makausap. Ang ibig bang sabihin niyon ay kailangan na niyang magsalita ngayon imbes na maghintay pa siya ng tamang pagkakataon? Pero ano ang sasabihin niya? At paano siya magsisimula?
“Nawalan ka na naman ng imik kahapon,” mayamaya’y wika ng binata. “Na-offend ka ba sa usapan ng mga siraulo kong kaibigan? Sinabi ko naman sa iyo na huwag mo na lang silang intindihin. Mga magulang nga nila hindi na sila iniintindi.”
“Wala naman silang sinabing masama.”
“So, why the sudden change of mood yesterday?”
“Why the sudden change in you?”
He turned to her. Her heart jumped. “Change in me?”
“Oo. Napansin ko lang na mula nang dumating tayo sa Stallion Riding Club, may nag-iba na sa iyo. Naging parang seryoso ka na.”
“Well, you did say I should stop teasing you.”
“Oo nga. Pero kasi… hindi ako sanay na ganyan ka. Mas gusto ko ang Reigan na kaespadahan ko noon sa asaran.”
“Mas gusto mo?”
“Don’t push it.”
He grinned. Now, we’re talking. Napangiti na lang din si Sierra. Na-miss niya ang nakakahawang ngiti ni Reigan . Although buong magdamag lang naman silang hindi nagkita. Weird.
“Is it just me or nararamdaman mo rin na meron tayong mahalagang bagay na dapat pag-usapan?”
Bumundol na naman ang kaba sa kanyang dibdib sa tanong ng binata. Ito na nga ba ang tamang pagkakataon? Hindi. Hindi ko pa kayang magsalita. Hindi ko pa alam ang sasabihin. Hindi ko pa kayang umamin. Hindi pa ako… hindi pa ako handang masaktan uli kung sakali.
“Pareho lang tayo,” sagot niya. Hala, bakit iba ang iniisip niya sa sinasabi niya? Nagkaroon na ba siya ng split personality dahil sa sobrang kakaisip? “Pero huwag na muna nating pag-usapan iyon. Medyo naguguluhan pa ako.”
“Okay.”
“Ikaw?”
“Anong ako?”
“Gusto mong pag-usapan na ang tungkol doon ngayon?”
“Kung ayaw mo pa at hindi ka pa handa, ayos lang. Hindi kita pipilitin. After all, maselan ang topic na iyon, hindi ba? Dapat ay parehong malinaw ang isip natin kapag pinag-usapan iyon. Ako man kasi, gusto ko rin ng maliwanag na usapan. Kaya kung kailan mo gusto, at sa tingin mo ay tamang oras na, sabihin mo lang sa akin. I’m always ready for it.”
Gustong mapabuntunghininga ni Sierra. She never thought he could be this sweet. Samantalang ang akala niya noon, miyembro ito ng pamilya reptilya. Na walang ibang misyon sa buhay kundi ang asarin siya at painitin ang ulo niya sa araw-araw na ginawa ng Diyos. Pero ngayon…
“Hindi talaga ako sanay na ganyan ka, Reigan.”
“Gusto ko nang magalit sa iyo, Sierra. Noong puro ako biro, sabi mo seryosohin kita. Ngayon namang nagseseryoso ako, ayaw mo pa rin.” Napabuntunghininga na lang ito. “You’ve always been such a complicated person. But that’s also one of the things I like about you. Ang dami mong sorpresa sa buhay. Hindi ka boring. At—”
“Stop. Tama na muna iyon. Sige na, sige na. Bahala ka na kung ano ang gusto mong maging sa buhay mo. If you want to joke around, that’s fine. If you want to get real serious about everything, that’s fine too. Basta, bahala ka na.”
“Magugustuhan mo pa rin ba kahit ano sa dalawang personality na iyon ang piliin kong maging ako?”
Oo naman, `no! Kahit tubuan ka pa ng sungay sa ilong, o magkapalit man ang mga kamay at mga paa mo, basta ikaw iyon, mamahalin pa rin kita. She was still contemplating his words when her niece turned to them. May pasak nang krayola ang ilong nito habang nakangisi.
“Tita Taba, monster ako. Haahh!”
“Tinay, naman! Hay naku, talaga nga naman, oo! Mamumuti ang buhok ko sa iyo!”
“Tinay, huwag mo nang tatakutin si Tita Taba. Baka atakihin na iyan sa kunsumisyon.” Tinanggal na ni Reigan ang mga krayola sa ilong ng bata, saka binuhat, nang may mapansin ito sa coloring book. “Wow, ang galing naman ni Tinay magkulay. Ano ba `to?”
“Moon!”
Grinning, Reigan showed Sierra the colored page. “Remember our deal? Na maniniwala ka lang na may gusto ako sa iyo kapag naging square na ang buwan? `Eto o, moon na square. Kulay-green pa.”
“So, ano iyan? My gusto ka talaga sa akin, gano’n?”
“Nakakasama ka na ng loob, Sierralaine. Matagal na akong may gusto sa iyo. Hindi ba, Tinay?”
Kinuha niya rito si Martina. “Babalik na kami sa bahay. Salamat nga pala sa tulong.”
“Akala ko ba dito mo na lang hihintayin ang nanay mo hanggang sa dumating sila?”
“Hindi, kaya ko na si Tinay. Ikakadena ko lang ito, okay na.”
“Sierra.” Nilingon niya si Reigan. “Let’s talk later.”
Natalisod pa siya nang tumama ang paa niya sa silya na malapit sa pinto. “Aray— Sige. Later.”
“Tita Taba, mek ap ka, `no? Pula-pula cheek mo, o.”