noveltoon logo noveltoon
Reigan Baltazar (Stallion Series 5)

Chapter 3

Ch. 3 / 10 Nov 28, 2025

“ M ukhang hindi na nga maganda ang mood mo,” wika ni Donald, as he pulled his car to a stop in front of their house. “Are you really sure you don’t want to go the hospital, Sierra?”

“No, I’m fine. Napagod lang siguro ako dahil sa dami ng trabaho kanina sa bank.” Pero malayo sa pagod ang nararamdaman niya.

Actually, asar lang talaga siya. It was their third dinner date tonight. Pero imbes na matuwa ay pagkayamot lang ang napala niya sa restaurant na pinuntahan nila. Paano ba naman, isang seksing babae ang sinundan-sundan ni Donald ng tingin samantalang siya ang kasama nito. He even had the nerve to smile at her when she asked him, as if there was really nothing to it. Kahit ang pagpapaliwanag nito ay hindi nakapag-pacify sa nararamdaman niya. Sabihin daw ba nitong ‘normal’ lang sa mga lalaki ang sundan ng tingin ang mga babaeng may magagandang katawan. That it was just their way of appreciating the woman’s effort to be pretty. Muntik na niyang basagin sa ulo ng lalaki ang mga plato nila.

Pero bago sila makarating sa bahay niya, naisip ni Sierra na may katwiran si Donald. Ano nga ba naman ang pagnanasaan nito sa katawan niyang puro naghuhumiyaw na bilbil lang ang maipapakita?

Pero bakit kay Reigan, hindi naman isyu iyon? i n fact, he even likes my few extra pounds. Lalong napakunot ang kanyang noo. Bakit ko naman naisip ang lalaking iyon? Eh, siya nga ang dahilan kung bakit nagpapapetiks-petiks lang ako sa ginagawa kong pagda-diet.

Dahil kasi sa mga papuri ni Reigan at pagbabalewala sa pagkahumaling niya sa pagkain noon, `eto ang kinahinatnan niya. Wala pa ring kakorte-korte ang katawan kahit ilang dekada na niyang pinaghihirapan ang mag-diet. Naiinis na siya. Dapat ay hindi na niya hinahayaan ang sariling makinig sa mga pambobolang iyon ng kumag na kapitbahay. She had to take matters into her own hands if she really wanted to take off those excess pounds.

“Tita Taba!” m atinis na boses ng pamangking si Martina ang sumalubong sa kanya pagbaba niya ng kotse. Kasama nitong nakaupo sa harap ng gate si Reigan, ang binatang pediatrician. At binubulungan ang inosenteng bata!

“Ang pangit mo, mama!... Hindi kita bati!... Ang baho mo!”

“Reigan, tigilan mo nga iyang pagtuturo mo ng kung ano-ano sa bata,” saway ni Sierra. “Huwag mong igaya sa iyo na walang modo.”

“Hey, wala naman akong ginagawa, ah,” nakangisi nitong wika. “In fact, sinasaway ko pa nga si Tinay. `Di ba, Tinay?”

“Ang pangit mo!” sigaw sa kanila ng bata.

“O, nakita mo iyon? Wala akong ibinulong sa kanya. Kusang-loob niya ang magsabi ng totoo. Which is good, by the way.”

“Hindi yata ako welcome sa subdivision na ito,” mayamaya’y wika ni Donald at sumakay nang muli sa kotse. “Dadalawin na lang uli kita sa branch ninyo, Sierra. Goodnight.”

“Ah, Donald—” Subalit tuluyan nang nakaalis ang lalaki nang hindi man lang siya nakakapagpaumanhin. Kaya si Reigan na naman ang pinagbalingan niya. “Sumusobra ka na talaga, Reigan!”

“Ano na naman ang nagawa ko?”

“Ipinahiya mo si Donald!”

“Kanino? Sa iyo? Siya pa nga ang dapat na mahiya dahil basta ka na lang niya tinalikuran samantalang hindi ka pa tapos magsalita. Aba, ako? Ni minsan ay hindi ko ginawa iyon. I have full respect for you. R-E-S-P-E-C-T. Hindi katulad ng mestisong bisugo na iyon.”

At some point, medyo naapektuhan si Sierra sa sinabi ni Reigan. Hindi nga naman siya hinayaan man lang ni Donald na magsalita. Something that Reigan never even dared to do.

Teka, kinakampihan ko na ba ngayon ang isang ito? Then she remembered that scene from the other night, in the exact same spot where he was sitting at the moment. May kung anong init na dumampi sa kanyang pisngi kaya idinampi niya ang palad doon. What the heck was wrong with me? Bakit apektado pa rin ako nang ganito? Dalawang araw nang nakakalipas iyon, ah.

Binalingan niya ang nakangisi pa ring binata. And her heart started to skip a beat again. But it was strange that the most annoying person in her life could make her feel better on the most annoying night of her life. Mabilis niyang binura iyon sa isipan. He was a doctor. Natural na kaya nitong mapabuti ang kalooban ng kahit na sinong medyo nahihirapan sa buhay. Tama, iyon lang iyon. There was nothing to it. Nilapitan niya si Reigan at ang pamangkin.

“Bakit mo nga pala kasama rito si Martina? Naturingan ka pa namang doktor ng mga bata pero hinahayaan mong mahamugan ang pamangkin ko.”

“Tita Taba, may sakit ako. Dala ako ni Mama kay Dok Pogi.”

“May sakit ka?” Noon lang napansin ni Sierra ang pamumula ng mga pisngi, ilong at mga labi ng bata. Pati na rin ang pamumungay ng mga mata. “Tinatablan ka pala n’on?” Binuhat niya ang pamangkin. Mainit nga ito. “Reigan, bakit mo naman pinapabayaan dito sa labas si Tinay? Anong klaseng pedia ka ba?”

“Mabait, magaling at guwapong pedia.” Tumayo na rin si Reigan at pinagpagan ang suot na walking shorts. “`Di ba, Tinay?”

“Batukan kita riyan, eh. Naniwala pa naman akong isa ka ngang magaling na pedia. Pero nagkamali ako.”

“Hindi ka nagkakamali. Talagang magaling akong pedia. Alam mo kasi—”

“Isusumbong kita kay Lucy at sa nanay ko. Sasabihin kong magpalit na sila ng pedia dahil masyado kang pabaya.” Pagbaling ni Sierra patungo sa kanilang tahanan ay saka naman niya nakitang palabas ng clinic ni Reigan ang kapatid niyang si Lucy.

“O, Ate, ginabi ka yata ngayon?”

“Kung sino-sino pa kasing lalaki ang sinasamahan niyan,” pagsusumbong ni Reigan.

“Are you dating someone?”

“Pagalitan mo nga iyan, Lucy. Ipinagpapalit na kasi ako sa iba.”

“Tumahimik ka nga riyan, Reigan. Ikaw naman, Lucy. Bakit mo ipinapaubaya sa lalaking iyan si Tinay? Nakita mo na ngang nilalagnat itong bata.”

“Ipina-check up ko si Tinay kay Reigan, Ate. Nilalagnat kasi, eh. Naiwan ko lang itong payong sa loob ng clinic kaya binalikan ko sandali. Binantayan lang muna ni Reigan si Tinay, tutal, magkasundo naman sila.” Kinuha na sa kanya ni Lucy ang pamangkin nang dumating ang kotse ng asawa nito. “Mauuna na kami sa inyo. Salamat uli, Reigan.”

“Okay, ingat. Bye, Tinay. Pagaling ka agad, ha? Para ma-raid uli natin si Jollibee sa kuta niya.”

“Bye, Dok Pogi.”

“I just love that kid,” sambit ni Reigan habang pinanonood nila ang papalayong sasakyan. “Laging nagsasabi ng totoo.”

Malakas na napasinghap ang binata nang tampalin ni Sierra sa balikat. “Hindi mo pa rin dapat hinahayaang mahamugan si Tinay. Puwede namang doon na lang kayo sa loob maghintay kay Lucy, ah.”

“Okay, noted.” He touched his shoulder where her hand landed and then he smiled. “She’s fine, don’t worry. `Yong lagnat niya, kumbaga part lang iyon ng paglaki niya. In a few days, she’ll be back to normal. Siyanga pala, kasama mo naman ang lalaking iyon. Pinagseselos mo talaga ako, ano?”

Naniningkit na ang kanyang mga mata nang balingan si Reigan. Pero imbes na paulanan ito ng sermon ay isang katanungan lang na kanina pa gumugulo sa isipan niya ang kanyang nasabi.

“Talaga bang normal lang sa lalaki ang maging manyak kapag nakakita ng babaeng sexy?”

Halatang nagulat ito sa tanong. “Hindi mo ako sasabihang gago? Well, this is new.”

“Mamaya na kita iinsultuhin uli. Sagutin mo na lang muna ang tanong ko.”

Ngumisi lang si Reigan bago sumagot. “Well, generally, men just love women. Sexy man o hindi. Pero mas lalo na `yong sexy. Kung naghahabol man kami ng tingin sa mga tulad nila, hindi naman ibig sabihin n’on, eh, pinagnanasaan na namin ang mga babaeng iyon. Maaaring may ibang lalaki na gano’n ang iniisip.”

“Isa ka na do’n,” hindi maiwasang sabihin ni Sierra.

“Hindi ako kasama sa kanila. Malinis ang konsensiya ko. i kaw lang naman ang babaeng tinitingnan ko.”

She had to admit, tinamaan siya sa sinabi ni Reigan. At kung sana ay hindi lang ito nakangisi sa kanya nang gano’n, baka isipin na niyang nagsasabi ito ng totoo at maniwala na siya. Kaso, malabong seryosohin siya ng lalaking ito.

“In any case,” patuloy ni Reigan. “We’re just men. Kayo ngang mga babae, hindi ba’t gawain din iyon kapag nakikita ninyo ako?” Tumawa lang ito nang makatikim uli ng malakas na palo sa kanya. “Ang sweet mo talaga, ano, Sierralaine? Pero mabalik tayo sa usapan. Appreciation of the women’s beauty lang naman ang ginagawa naming mga lalaki kapag hinahabol namin kayo ng tingin. Iba na nga lang ang usapan kapag attached na `yong lalaki. He could still drool over attractive women though, just not in front of his girlfriend or wife. Kabastusan na kasi iyon.”

Hindi nakaimik si Sierra . Kung ganoon, tama pala si Don ald. Walang rason para magwala siya dahil nag-a-appreciate lang naman ito ng magagandang babae. Besides, talaga naman kasing seksi ang babaeng iyon doon sa restaurant. Isa pa, wala siyang karapatang pagalitan si Donald dahil hindi pa naman niya ito sinasagot.

“Hey,” untag ni Reigan. Nakaharap na ito sa kanya. “Ininsulto ka ng lalaking iyon nang harapan, `no? He acted like a total asshole while he was in front of you?”

“Of course not. Bakit mo naman naisip iyan?”

“Because you never asked me a serious question. Ngayon lang. At mukhang affected ka pa sa mga sinabi ko. Hindi ka magre-react nang ganyan kung hindi ka apektado sa isang bagay.”

“Don’t talk like you know me, Reigan.”

“I may not totally know you, because you’re such a complicated woman. But I can understand you, Sierralaine. Hindi katulad ng bugok na lalaking iyon na pinili mong maka-date. I mean, what’s there to like about him? i kaw na mismo ang nakakita kung gaano kagago ang isang iyon.”

“Wala akong sinabing gago si Donald.”

“Plus! Mas guwapo ako sa kanya. I have three cars and two horses.”

“Horses?”

“I’m a member of an exclusive riding club in Tagaytay. They only accept the richest bachelors as members. At kahit sa gate ng club namin, hindi ko pa nakikita ang pagmumukha ng lalaking iyon. Kaya nga nagtataka ako sa iyo kung bakit mas pinili mo ang lalaking iyon kaysa sa akin.”

“Siguro dahil hindi niya kinakausap ang sarili niya na gaya mo na mukhang tanga.” But even with his over-abundance of arrogance, she still liked the fact that he was taking her side. Kaya siguro imbes na pag-initan pa niya ito nang husto ay nagtungo na lang siya sa kanyang bahay.

Pero sinabayan siya ni Reigan. “Ihahatid na kita sa inyo.”

“Ihahatid? `Eto lang kaya sa kabila ang bahay namin.”

“Baka ma-kidnap ka. O manuno sa punso. Mabuti na ang sigurado.”

Hindi alam ni Sierra kung matatawa o ano. Kung siya ay kumplikadong tao, si Reigan naman ay magulo. Kumbaga sa mga nagte-take ng drugs, parang laging sabog. Parang `yong reaksyon niya rito. Minsan galit, madalas asar. Pagkatapos ay kasundo na uli niya hanggang sa matuwa siya dahil sa ginagawa nitong pang-aalo sa bugbog-sarado niyang pride. Idagdag pa ang panggulong damdamin na laging nangungulit sa kanyang puso tuwing tititigan siya ng binata.

“Wala pa yata ang nanay mo,” ani Reigan pagdating nila sa tapat ng pinto ng bahay.

“Oo. Sabi kasi ni Nanay dadalawin daw nila ni Tatay `yong kumpare nila sa ospital. Nagpapa-dialysis yata `yong asawa.”

“Sweet.”

“Sweet talaga ang nanay at tatay ko.”

“Hindi. I mean, `yong asawa n’ong nagpapa-dialysis. For better or for worse, sila pa rin ang magkasama.”

“Hindi ko alam na romantiko ka palang tao, Reigan.”

“Ikaw lang, eh. Kung sinasagot mo lang ako, sana ay naambunan ka na ng pagiging romantic ko.”

“Hello! Kailan ka naman nanligaw, aber?”

“Hello!” panggagaya ng binata sa expression niya. “High school pa lang kaya tayo nililigawan na kita.” Natameme siya. Napabuntunghininga naman ito. “Pasalamat ka, Sierralaine. Pasalamat ka talaga na ikaw lang ang babae sa buhay ko. Kung hindi, pinalitan na kita.”

Lalo siyang nawalan ng imik. Nagwawala na kasi ang puso niya. Sobra na ang kaba sa kanyang dibdib. Bakit ba siya laging niloloko ni Reigan nang gano’n? Binuksan na niya ang pinto.

“Wait, wala ba akong goodnight kiss?”

“Sipa gusto mo?”

“Ayaw.”

“Suntok?”

“Wala bang medyo masaya naman?”

“Sandali, kukuha lang ako ng kutsilyo.”

Laughing, he started walking back to the gate. “Goodnight, sweetheart!”

Pabalibag na isinara ni Sierra ang pinto. How come he always acted that way? And why did it it bother her? Samantalang matagal naman na silang ganito makitungo sa isa’t isa. Siguro dapat ay huwag na siyang magdididikit sa lalaking iyon. Nagugulo lang ang mundo niya.

PINUNASAN ni Sierra ang mga butil ng pawis sa kanyang noo. Kalahating oras na siyang naghu-hula hoop at makailang beses din siyang yumuko para damputin ang bumabagsak na hula hoop. Pagod na siya pero hindi pa rin tumitigil. She needed to take off those exc ess pounds. And this time, seryoso na talaga siya. Natawa siya nang makita ang pamangkin na hirap na hirap sa panggagaya sa kanya gamit ang sariling hula hoop .

“Tinay, huwag mo akong patawanin. Mauubusan ako ng hininga. Kailangan ko pa nang one thousand na giling.”

“Tita Taba, ako din!”

“Oo, mukha ngang kailangan mo na ring mag-reduce, Tinay. Ganyan din ako no’ng bata ako, eh. Tingnan mo ngayon, hirap nang magbawas ng mga pesteng bilbil na `to.” Napasinghap siya. “Oh, no! Anong number na nga ba ako?”

“Two hundred and fifty-seven.” Reigan was leaning against their fenced wall as he watched her and her niece do the hula.

Bigla tuloy siyang na-conscious. Bumagsak sa b ermuda ng garden nila ang hula hoop niya. “Don’t you have anyone else to annoy? Friends? Family? Poisonous reptiles?”

Ngumiti lang ito. “Nope, I’m fine here.”

“Well, I’m not fine here.” Dinampot na niya ang hula hoop . “Paliliparin ko ito sa iyo kapag hindi ka pa umalis diyan.”

“O, high blood ka na naman.”

“Nang-aasar ka ba talaga?”

“Hindi, ah. Ikaw lang diyan ang laging nagbibigay ng negative notion sa lahat ng mga sinasabi ko. You know, kung titingnan mo lang in a positive note ang mga sinasabi ko, kahit isang beses lang, makikita mong punung-puno iyon ng kabaitan. Walang halong biro.”

“Ako rin, hindi nagbibiro. Talagang hahalik ka sa hula hoop na ito kapag hindi ka pa umalis diyan.”

“Saan naman ako pupunta?”

“Sa impiyerno. Gusto mo ng direksyon?”

Iiling-iling na lang si Reigan habang hindi mapuknat ang ngiti sa mga labi. “Tinay, bakit ba ang sungit-sungit ng tita mong iyan? Masama pa naman sa puso ang laging galit sa mundo.”

“Hindi ako galit sa mundo,” asar na wika ni Sierra. “Sa iyo lang.” She continued doing the hula. Pero para lang hindi mahalata ni Reigan ang pagkailang niya sa ginagawa nitong panonood sa kanya.

“You know, mas okay ang mag-stretching sa pagbabanat ng mga hindi pansining muscles natin sa katawan. Hindi pa masyadong stressful iyon kaysa sa paghu- hula hoop .”

“Talaga?”

“Yeah. O, saan ka pupunta?”

“Sa loob. Mag-i-stretching.”

“Bakit sa loob pa ng bahay? Paano na ako? Hindi na kita masisilayan.”

“Maghanap ka na lang ng kausap. `Yong pareho mo ng wavelength ang utak. `Yong… walang utak. Tinay, halika na.”

Hinagis ni Martina ang pinagsawaang laruan na dumiretso naman sa direksyon ng binata. Nasalo nito iyon at ngumiti sa kanya. He put down the toy and waved goodbye.

“Good luck, Sierra.”

Sinundan lang niya ng tingin si Reigan. Good luck daw. Parang gusto nitong iparating sa kanya na hindi niya makakayanan ang stretching na iyon. Hah. Makikita mo. Luluwa rin ang mga mata mo sa kaseksihan ko! Pagpasok sa sala ay nag-umpisa na siyang mag-stretching. Mabuti na lang pala at naalala pa niya ang mga stretching exercises nila noong high school kapag nagpi-PE sila.

“Tita Taba, `anlaki ng tiyan mo!”

Ibinaba niya ang umangat na t -shirt at kinarga ang pamangkin, saka pabirong dinaganan sa sofa. “Sige, ano? Ha? Lalaitin mo pa si Tita, ha? Ha?”

“Aaaahh! Ayoko! Isusumbong kita kay mama ko!”

“Ah, wala akong pakialam. Pagbuhulin ko pa kayo, eh.” She liked teasing her niece this way. Lalo kasi itong dumadaldal.

“Ayoko na sa `yo! Ang pangit mo!”

“Mas pangit ka.”

“Maganda ako!”

“Pangit ka.”

“Isusumbong kita kay Dok Pogi!”

Ngumisi lang si Sierra, saka ginulo ang kulot na buhok ng pamangkin bago ito pinakawalan. “Oo nga. Pogi nga si Dok.”

Tumayo ito at inayos ang buhok, saka siya hinarap. “Galit ako sa `yo! Maasim ka!”

“Aba— Ikaw talaga, Martina. Linggo-linggo ka na ngang pinabebendisyunan para kahit paano bumait-bait ka, wala pa rin. Dapat siguro inilulublob ka sa holy water para mas effective.”

Ipinasa na niya sa mga magulang ang pag-aalaga kay Martina. Madali kasi siyang magsawa sa pag-aalaga. Kaya siguro mabuti na rin na wala siyang balak na magkapamilya dahil baka mapabayaan lang niya ang mga magiging anak. Pagbalik sa kusina ay nagtimpla siya ng fat-burning tea at naupo sa harap ng telebisyon. Hinanap niya ang istasyon ng HomeShopping Network. With notepad and ball pen in hand, isa-isa niyang isinulat ang pangalan ng mga nagustuhang products pati na ang contact numbers niyon. Lahat may kinalaman sa bagong agenda niya na magpapayat.

“Makikita ng Reigan na iyon,” bulong niya sa sarili. “Tingnan ko lang kung magawa pa rin niyang makangisi kapag nakita niya akong seksi na.”