T iningnan ni Sierra ang kalendaryo. Supposedly, tatlong araw lang ay darating na sa kanya ang mga in-order niyang slimming products sa HomeShopping Network. Pero mag-iisang linggo na, wala pa rin siyang natatanggap. Kaya tinawagan na niyang muli ang naturang kumpanya.
“Ma’am, according ho rito sa data namin, nai-deliver na ho `yong order ninyo.”
“Bakit wala pa rin akong natatanggap?”
“Imposible iyon, Ma’am. May pirma ho ang resibo namin, indicating na nabayaran na rin ang mga iyon.”
“Sino ang pumirma?”
“Eliza Arcenas ho.”
“Ah, okay. That’s my mom. Pero wala naman siyang nababanggit sa akin tungkol sa pagdating ng mga order. Anyway, thanks.” Pagkababa ng telepono ay pinuntahan niya ang ina na abala sa pagluluto sa kusina. “`Nay, may natanggap ba kayong mga dineliver dito na nakapangalan sa akin?”
“Ha? Ah, oo. Meron nga. Noong nakaraang araw pa iyon dumating.”
“Nasaan na?”
“Na kay Reigan.”
“Kay Reigan? Bakit nasa kanya?”
“Itsetsek daw niya. Nagkukuwentuhan kasi kami nang dumating ang mga gamot na iyon.”
Hindi na nag-aksaya pa ng panahon si Sierra. Pinuntahan niya agad ang bahay ng binata. Pero sa clinic nito, kung saan mas nauunang madaanan kaysa sa bahay mismo, naroon ang lalaki at abalang-abala sa paglalaro ng brick game.
“Sierra, himala. Nililigawan mo na ba ako ng lagay na iyan?”
“Wala akong panahong makipagbiruan sa iyo, Reigan. Nasaan na ang mga gamot na idineliver sa akin noong nakaraang araw?”
“A, ang mga iyon? Wala na. Itinapon ko na sa dumaang truck ng basura kahapon.”
“What?!” Muntik na niya itong lundagin sa mesa para sakalin. “Bakit mo itinapon? Akin iyon! Wala kang karapatang pakialaman ang mga bagay na walang kinalaman sa iyo!”
Binitawan ni Reigan ang laruan at seryosong bumaling sa kanya. “I’m a doctor, Sierra. Since it’s a drug, may kinalaman iyon sa akin bilang manggagamot kaya may karapatan akong makialam. Hindi ka dapat nagte-take ng mga gamot na hindi mo nga maintindihan ang mga nakasulat sa mga label. You can’t take a risk like that just because you want a slimmer body.”
“That’s still none of your business! Hindi ikaw ang gumagastos kaya wala ka pa ring karapatang makialam kung ano man ang gawin ko!”
“Buhay at kalusugan mo na ang nakataya. Matalino ka, Sierra. Huwag mong hayaang balewalain ang mga mas mahahalagang bagay para lang sa walang kuwentang pangarap mong pagpapapayat.”
Kumuyom ang mga kamay niya at nagtagis ang mga bagang. “You don’t know anything about what I’ve been through so don’t you dare say that what I’m doing is worthless. Baka nakakalimutan mong isa ka sa mga dahilan kung bakit obsessed ako ngayon sa pagpapapayat.”
Natigilan si Reigan. Pagkatapos ay dahan-dahang napabuntunghininga, tanda ng pagsuko.
“Babayaran ko ang mga nagastos mo sa pagbili ng mga gamot na iyon. Basta mangako ka lang na hindi ka na uli bibili ng mga iyon.”
“Wala ka sa posisyon para pagsabihan ako ng ganyan.”
“Nasa posisyon ako. I’m a doctor, I’m your friend and I care about you. Hindi naman para sa akin ang ginagawa kong ito kundi para na rin sa iyo, Sierra. Ayokong may mangyaring hindi maganda sa iyo.”
There was a hint of frustration in his voice that she almost regretted having him worrying about her that much. Iyon din marahil ang dahilan kung bakit unti-unting naglaho ang galit niya kay Reigan. Even for a doctor, or a friend, medyo nakapagtataka na sobra naman yata masyado ang pag-aalala nito sa kanya.
“Okay, look,” patuloy nito. “Kung seryoso ka talagang magpapayat, may kaibigan akong dietician. Hihingi ako sa kanya ng proper menu diet para sa iyo. That way, hindi mo na kakailanganin pang mag-resort sa pag-inom ng kung ano-anong gamot. May kaibigan din akong fitness instructor. Puwede kitang irekomenda sa kanya para mabigyan ka niya ng set of exercises na babagay sa katawan at work schedule mo. Just please stop taking that medicine.”
Oh, my goodness. He really cares about me. “I’ll think about it.”
“Sierra—”
“Huwag mo akong pangunahan, Reigan. When I say, I’ll think about, I’ll think about it.”
Matagal bago ito sumagot. “Alright. Pero sana i-consider mo pa rin ang mga sinabi ko.”
Napaismid na lang siya. “Masyado ka talagang pakialamero.”
Now, he was smiling again. Nakakapanibago ang ipinakita ni Reigan kanina. Sa unang pagkakataon kasi, nakita niya ang seryosong bahagi ng pagkatao nito. Mukhang pagdating sa propesyon bilang isang doktor, lahat seryoso rito. And here she thought he was just a happy-go-lucky doctor who was too absorbed with being in the medical field to even care for those who were around him.
Lumapit sa kanya si Reigan . Lumayo naman siya. He sat on the edge of his table and looked at her with the same admiring expression on his handsome face she had always seen in him through the years they had known each other. At parang gusto niyang mahiya ngayon. Ewan din niya kung bakit. Basta bigla na lang siyang tinubuan ng hiya sa katawan. Nako-conscious ang beauty niya! Kasi naman, kahit hindi nagsasalita, kayang-kayang mambola ni Reigan just by looking at her like that.
“Hindi ka na galit?” mayamaya’y tanong nito. “Akala ko gigilitan mo na ako ng leeg kanina.”
“Well, hindi pa rin naman nawawala sa isip ko ang bagay na iyan. Kaya mag-iingat ka pa rin sa mga gagawin mo.”
“I will. Pero talagang hindi ka na galit?”
“Eh, ano naman kung magalit nga ako? Wala ka namang pakialam.”
“Meron. Pero hindi ako mangangatwiran ngayon. Baka ma-high blood ka na naman. Lumalaki pa naman ang butas ng ilong mo.”
Natatawa lang na umilag ang binata nang hampasin ito ni Sierra sa mukha. Upon hearing his laughter, tuluyan nang naglaho ang ano mang pagkayamot niya rito kanina. He was just concerned about her. Wala na nga namang dahilan para kastiguhin pa rin niya ito.
“You’re smiling,” anito. “Ibig sabihin, may pagnanasa ka na rin sa akin?”
“Tigilan mo nga ako, Reigan.” Nang tumalikod si Sierra ay hinawakan siya ng binata sa kamay. Gulat niya itong binalingan. “My hand, please?”
Imbes na sumagot ay dahan-dahan lang itong tumayo. “Matagal ko nang gustong gawin ito. Ngayon nga lang ako nagkaroon ng pagkakataon.”
“W-what…”
He casually wrapped his other arm around her and gently pulled her towards him without letting go of her hand. Hindi rin niya alam kung bakit ni wala siyang ginawa upang pigilan si Reigan. O kahit ang pagalitan man lang. Basta hinayaan lang niya itong yakapin siya nang walang imik. She could feel his hot breath on her head. Hinahalikan ba nito ang ulo niya? Nagrigodon ang kanyang dibdib. Ano ba ang ginagawa ni Reigan? Nililito na naman nito ang isipan niya. Ang pasaway naman niyang puso, mukhang enjoy na enjoy pa sa mga nangyayari. Because somehow, she could sense that she was also starting to get used to the feel of his solid warm body against hers.
“I like your scent.”
His hushed voice seemed to creep into her heart. “It must be my new shampoo. Stallion Shampoo.”
“You’re using a horse’s shampoo?”
“Tange. Pangalan lang iyon.” Kumalas si Sierra kay Reigan pero hindi siya nito hinayaang makalayo.
“Just a few minutes more.”
Just a few minutes? Baka bago matapos ang ilang minutong request ni Reigan, wala na ring matitira sa katinuan niya. Baka maniwala na siya sa matagal na nitong mission statement na may gusto ito sa kanya. Because God knows she was loving this strange feeling more with every second. Darn!
“Good morning, Dr. Balta—”
Mabilis na humiwalay si Sierra kay Reigan nang marinig ang boses na iyon. Damang-dama pa niya ang pag-iinit ng mga pisngi nang makita ang mag-inang kapapasok lang sa clinic.
“Mommy, hug niya si Dok.”
“Sshh! Huwag kang maingay, Glen.”
“Mommy, kiss din sila—”
Tinakpan na ng ina ang bibig ng bata bago pa humaba ang mga tanong nito. “Ah, eh… pasensiya na sa kadaldalan ng anak ko. Siguro maghihintay na lang kami sa labas hanggang matapos kayo sa… usapan ninyo.”
“Tapos na kami,” ani Sierra.
“Hindi pa, ah,” kontra ni Reigan. “Let’s just continue this next time.”
Pinandilatan lang niya ang nakangising lalaki bago lumabas ng clinic nang kumakabog ang dibdib. Peste! Bakit ko ba hinayaang makalapit nang gano’n sa akin ang kumag na iyon? At talagang nagpayakap pa ako! Habang pabalik sa kanilang bahay ay paulit-ulit na bumabalik sa kanyang isipan ang katatapos lang na eksena. It was just like that night when she tried to crush him in front of his house and he touched her hair. That same night when she first saw the passion in his eyes that she thought was just a bluff. Ang katatapos lang na pangyayaring iyon sa clinic ang tila kumukulit sa puso niya na isiping totoo ang mga ipinakita ni Reigan noon. Na totoo ang mga sinasabi nitong matagal na siya nitong gusto. And then she remembered his words earlier.
I’m a doctor, I’m your friend and I care about you. Those were his words that finally put an end to her dilemma.
“He was just trying to make me feel better,” kumbinsi niya sa sarili. “Dahil guilty siya na napasama nga niya ang loob ko kanina sa ginawa niyang pakikialam sa mga gamot ko.”
Oh, gosh. She never thought that thinking so much could be this tough. Sumasakit na ang ulo niya. Naiinis pa siya kay Reigan. Na naman. Sa hindi na niya malamang kadahilanan.
SITTING pretty pa si Sierra habang sinasagot ang call of nature nang marinig ang pagpasok sa banyo ng mga kapwa niya empleyado.
“Grabe `yong banggaan na nakita ko kahapon doon sa highway na malapit sa amin. Himala na nga na wala man lang namatay sa mga sasakyang iyon.”
“Bakit parang nagwi-wish ka pa na sana ay may namatay nga?”
“Hoy, hindi naman. Pero kasi nakakagulat naman talaga, `di ba? Head-on collision pero walang casualties.”
“Uy, speaking of nakakagulat. May tsismis ako sa inyo.”
“Ano iyon?”
“Remember `yong bolerong guy na nanliligaw kay Sierra? I saw him yesterday sa isang fancy restaurant.”
“Ano naman ang bago do’n? Eh, `di ba nagde-date naman talaga sila ni Sierra?”
“Ang problema, hindi naman si Sierra ang nakita kong kasama niyang babae. Iba. Seksi kasi iyon.”
Si Sierra man ay lihim na napasinghap sa narinig. Donald was seeing another woman? Who was sexier? Pakiramdam niya ay makailang beses siyang sinampal sa magkabilang pisngi. Ito na nga ang katotohanang pilit niyang itinatanggi. Na kahit medyo malaman siya ay magugustuhan pa rin siya ng lalaki. Naniwala siya sa mga sinabi ni Donald. And for that, nagawa rin niyang seryosohin ang pagpapapayat na ayaw naman talaga niyang gawin kung tutuusin dahil nahihirapan siya.
“Alam kaya ni Sierra ang tungkol do’n?”
“Hindi pa siguro. Ang lalaki naman kasing iyon, mukhang napakagaling magtago ng kalokohan.”
“Hay, kawawang Sierra. Akala ko pa naman magkaka-boyfriend na siya.”
“Eh, kasi naman, hindi niya inalagaan ang katawan niya. Alam naman nating mga babae na mahilig talaga sa mga seksi ang mga kumag na lalaking iyon. Kaya kung gusto mong maka-hook ng lalaki, you’d better stay fit, girl.”
“Oo nga. Nakakainis pero iyon talaga ang totoo.”
“Halika na. Tapos na ang breaktime.”
Ilang sandali pang nanatili sa cubicle si Sierra. Umaalingawngaw pa rin kasi sa kanyang isip ang sinabi ng mga kasamahan niya sa trabaho. She was fat. She was ugly. And nobody would ever love her. Maaaring wala siyang balak na magpakasal at magkaroon ng sariling pamilya. Pero… kahit paano naman, gusto rin niyang maranasan ang magmahal at mahalin. Kahit minsan lang sa buhay niya. Was it too much to ask? Kaya lang, hindi na talaga yata mangyayari iyon.
Well, okay lang. Ano pa nga ba naman ang aasahan niya sa tadhana na nakakaalam na wala naman itong mapapala kung sakaling bigyan siya ng lalaking mamahalin siya? Eh, hindi rin naman iyon papayagang maging bahagi ng buhay niya habambuhay.
“Mag-o-open ako ng account, Miss Pretty.”
Nakangiting mukha ni Reigan ang bumungad sa kanya ilang minuto matapos siyang makabalik sa kanyang puwesto. Ito pa ang isang nagpapasakit sa puso niya. Aakitin siya dahil lang trip nito. Wala na bang seseryoso sa kanya, just because she’s fat?
“I need two ID’s and two pictures.”
“Sierra, kung magsalita ka para naman akong stranger sa iyo,” biro ni Reigan. “Hindi mo man lang ba ako ngingitian? Ang alam ko, requirement iyon sa inyo para maaliw naman ang mga kliyente ninyo rito.” Nginitian na rin niya ito. “Sige na nga, huwag ka na lang ngumiti.”
Binawi na rin niya ang ngiti nang hindi pinapansin ang binata. Tahimik din niyang ibinigay ang mga papeles na kailangan nitong pirmahan.
“Are you alright, Sierra?”
“Oo, bakit?”
“Hindi mo kasi pinapatulan ang mga jokes ko.”
“Kailan ko ba pinatulan ang mga jokes mo?”
“You have a point. But still, something tells me you’re not yourself today.”
“Baka kasi dahil iyon sa hindi na siya gaanong nadadalaw dito ng masugid niyang manliligaw,” wika ng isa sa mga co-worker niya na siyang nagkuwento sa banyo kanina tungkol kay Donald.
“Sino?”
“Si Donald.”
“Oh, that asshole.”
Everyone who heard him, even their clients, laughed. Mukhang hindi lang si Reigan ang may ayaw kay Donald. Isang chocolate bar ang sumunod na nakita ni Sierra sa ibabaw ng table niya. Galing kay Reigan. Napansin niyang lihim na nagngitian at tumikhim ang mga kasamahan niya.
“According sa research, nakakapagpagaan ng loob ang chocolates sa mga taong medyo masama ang loob sa mundo. Kaya para sa iyo iyan, Sierra. Hmm, kulang na lang ng flowers para kumpleto na ang props ko, ah.” Pinakialaman ni Reigan ang nananahimik na artificial na arranged flowers sa gilid ng table at pumitas ng isang plastic na bulaklak doon. “Para uli sa iyo, Sierra. Hope you feel better soon.”
She had to give credit to him for his efforts. Ang problema, imbes na makabuti nga sa kanya ang ginawa ni Reigan ay lalo pa iyong nakadagdag sa sama ng loob na nararamdaman niya. Dahil ganito rin ang ipinakitang ka-sweet-an ni Donald nang unang beses silang magkita. He was even sitting on the same chair.
“Bawal ang manligaw dito,” aniya.
“Ayaw mo naman akong pansinin sa subdivision natin. Kaya ngayon, I’ll take every opportunity that I can get, have para lang mapasagot ka.”
Pinandilatan niya ang binata. “Ire-reject ko ang application mo for an account kapag hindi ka tumigil.”
“Okay lang. When it comes to you, sanay na ako sa rejection.”
Nag-umpisa na ring magtuksuhan at magbiruan ang mga kasamahan niya. Gaya rin noon nang marinig ng mga ito ang ginagawang pambobola sa kanya ni Donald.
“Huwag mo nang pag-aksayahan ng panahon ang Donald na iyon, Sierra. Mas okay naman iyang bagong manliligaw mo.”
“Hindi ako bago. Matagal na akong nanliligaw kay Sierra. High school pa lang kami, dumidiga na ako. Pero hanggang ngayon, basted pa rin.”
“Aba’y bakit?”
“Ewan ko rin. Bakit nga ba, Sierra?”
Ang gusto niyang gawin ay bulyawan si Reigan sa pagbabandera nito ng panliligaw kuno sa kanya. Samantalang alam nilang pareho na nang-aasar lang ito. At iyon ang pinakanakakaasar sa lahat. Napailing na lang siya at hinayaan ang binata sa gustong gawin. Habang nilalagyan ng mga tsek ang mga part ng papeles na pipirmahan nito ay nahagip ng kanyang tingin ang chocolate at artificial flower na nasa ibabaw ng mesa. Maaaring ipinapakita ni Reigan ang lahat ng ipinakita noon ni Donald sa kanya. But at least Reigan was trying to fix the damage Donald had done to her pride and ego. At ilang beses na rin iyong ginawa ng binata. Na tinutulungan siya nitong maging mabuti ang pakiramdam kapag nabubuwisit na siya sa mundo.
She looked at the man who had been a part of her past and her present. And she immediately recognized the fast thumping of her heart. Iyon ang isa pang bagay na ipinagkaiba ni Reigan kay Donald. He never made her heart beat the way Reigan did. Kung ano man ang dahilan at nagagawa iyon ni Reigan sa kanya, hindi rin niya alam.
Ibinigay na niya ang mga papeles. “Fill these forms up.”
“Susunduin kita mamaya. Okay lang ba?”
Daig pa ni Sierra ang sinipa ng kabayo sa sorpresang tanong. But she kept her cool. “Bakit?”
“Wala naman. Naisip ko lang na hindi pa kita nasusundo sa trabaho mo kahit kailan.”
“May sundo na ako,” pagsisinungaling niya. She was afraid of this certain feeling that Reigan aroused in her.
“Who? That asshole?”
“Will you quit it? Nakakahiya sa mga clients namin.”
“Client din naman ako, ah.”
Ang kulit talaga. “Tapusin mo na lang iyan.”
“Basta susunduin kita.”
“Bahala ka.”