“ G ood morning. I want to open an account.”
Pag-angat ng mukha ni Sierra mula sa binubutingting sa computer ay agad na gumuhit ang isang magandang ngiti sa mga labi niya. Ang lalaki kasing nakaharap sa kanya ngayon ay tila anghel na bumaba sa langit para masilayan niya. What’s more, para sa kanya lang ang mga ngiti sa mga labi nito! Tila kiniliti ang kanyang puso.
“Ah, good morning, Sir.” Ang gandang almusal nito! “You’re opening an account, Sir? Puwede hong mahingi ang ilang personal information tungkol sa inyo?”
“Ano ba? Telephone number? Cellphone?”
Bahagya pa siyang natawa sa katangahan niya. Ano ka ba, Sierralaine? Nakakita ka lang ng guwapo, natataranta ka na. “Two valid IDs lang, Sir. And three two-by-two pictures.”
Three. Para sa kanya ang isa. He-he-he. Ibinigay naman ng lalaki ang mga hinihingi niya. Agad niyang inalam ang status nito. Single. Hmmm, available din kaya siya? Sana.
“Kung alam ko lang na may magandang new account manager pala sa branch na ito, sana noon ko pa naisipang mag-open ng bank account.”
“Kayo kasi, Sir, eh. Ngayon lang kayo naligaw dito.”
“Oo nga. Ang tanga ko kasi. Pero at least, nagkita na rin tayo, hindi ba?” Tiningnan nito ang nameplate sa kanyang dibdib. “Sierra. Nice name. Bagay sa may-ari. Siguradong mapapadalas na rin ang pagde-deposit ko rito.”
“Sana nga, Sir.” Gusto niyang tumili. Peste! Kinikilig siya nang husto! Pinipigilan niya ang panginginig ng kamay nang iabot sa lalaki ang mga dokumentong pipirmahan nito. “Paki-fill out na lang `yong mga may tsek na blangko, Sir.”
“Saan?”
Kinailangan pa niyang ituro mismo sa mga papel ang mga dapat pirmahan kahit na nga may mga tsek na iyon. Okay lang sa kanya. Mabait naman ito, guwapo pa. At higit sa lahat, mukhang type siya dahil sa walang sawa nitong pagpapa-cute. Grabe, excluding Reigan, ngayon lang siya nakaranas na mabigyan ng special attention na tulad ng ipinapakita ng lalaking ito. And she liked the feeling. Pakiramdam niya ay babaeng-babae siya.
“Ang ganda pala ng mga daliri mo,” anito. “Hugis-kandila. I heard na ang mga taong may ganyang mga kamay ay tamad daw. Pero sa nakikita ko sa iyo, mali ang kasabihang iyon. And I like that in a woman. `Yong marunong magtrabaho.”
“Ay, thank you, Sir.” Kung makakatili nga lang siya nang mga sandaling iyon, baka basag-basag na ang lahat ng bagay na gawa sa salamin sa bangko na iyon. “Pakihintay lang po sandali at ipa-process ko lang ang application ninyo.”
“Matatagalan ba iyan? It’s okay if it is. I can just come back for it again. Baka kasi may iba ka pang importanteng ginagawa.”
“Ah, no, Sir. Sandali lang naman ang processing nito at wala naman akong importanteng ginagawa. Kung meron man, kayo pa rin ang uunahin ko dahil ang mga kliyente namin ang pinakamahalaga para sa amin.”
“Really? Hmm, and here I thought you were giving me the special treatment.”
Napangiti na lang si Sierra. Ang sweet ng mokong. “Lahat naman ng kliyente namin ay binibigyan namin ng special treatment, Sir.”
“Puwede kaya akong mag-request na ako lang ang bigyan mo ng special treatment?”
Naramdaman niyang nag-init ang kanyang mga pisngi. Napansin din niyang napapatingin na sa kanya ang mga kasamahan sa trabaho.
“Kidding,” nakangising bawi ng lalaki. “Go on, Miss. Pasensiya na sa kakulitan ko. Ngayon lang kasi ako nakakita ng maganda.”
“Sir, nagseselos na ako,” singit ng isa sa mga lalaking personnel nila.
Doon na nagtawanan ang iba pa nilang kasamahan pati na rin ang mga kliyenteng maaaring kanina pa nakikinig sa pambobola ng lalaki. O, eh, ano kung nambobola nga siya? Gusto kong magpabola! Mabilis nga niyang inayos ang mga papeles para sa bago nitong account. Nakita niya ang pangalan nito. Donald Reyes. Single and available. Pagkatapos ay ang ATM card naman ang inasikaso niya.
“Would you like to avail of our Visa card, Sir? Madali na lang namin maibibigay iyon sa inyo since account holder na kayo ng bangko namin. Iyon ho ang promo namin ngayon.”
“Next time na lang siguro.” Kinuha na nito ang bagong ATM card. “Para may dahilan ako na magpunta uli dito. Sige, I’ll see you again, Sierra.”
Bago tuluyang lumabas ng bangko ay muli siyang binigyan ni Donald ng isang napakagandang ngiti. Kaya naman ang mga kasamahan niya, todo ang tukso sa kanya. Hindi na rin mapuknat ang ngiti sa kanyang mga labi. Kapag gusto mo ang isang tao, masarap pakinggan ang panunukso ng ibang tao. Lalo na at kitang-kita naman ang interes din ng lalaki sa kanya.
Buong araw na naging napakagaan ng kanyang pagtatrabaho. Kahit ilang problema rin ang dumating, okay lang. Nakangiti pa nga siya habang sinesermunan siya ng ilang kliyente sa telepono dahil sa pagka-delay ng kung ano-anong hinihinging information at applications ng mga ito. Bahala kayo sa buhay ninyo. Basta ako, masaya. Walang eepal. Pero hindi pala roon natatapos ang regalo ng tadhana sa kanya. Dahil paglabas niya nang hapong iyon mula sa trabaho, naroon at naghihintay si Donald sa parking lot.
“I hope I’m not coming on too strong, Sierra. But…can I invite you to dinner?”
“ITS BEEN a great night for me, Sierra. I hope we can go out again sometimes.”
“Sure, Donald. You already have my number, right? Tawagan mo lang ako at kapag may free time ako, I’d be glad to go out with you again.”
“I would definitely take you up on that offer.”
Nakaplaster pa rin ang ngiti sa mga labi ni Sierra habang pinagmamasdan ang papalayong sasakyan ni Donald. Hindi siya nagkamali sa pagkakakilala rito. m abait at napaka-gentleman. Wala itong ginawa buong gabi na magkasama sila sa dinner kundi ang purihin siya. Pakiramdam nga niya ay dumoble ang laki ng ulo niya sa sobrang papuring ibinigay nito sa kanya.
“Ikaw talaga, Sierralaine. Natulog lang ako, nagtaksil ka na agad sa sumpaan natin.”
Napalitan ng simangot ang ngiti sa kanyang mga labi nang marinig ang boses na iyon. Nang lingunin niya ang pinanggalingan niyon, nakita niyang nakaupo sa b ermuda grass sa labas ng gate ng bahay nito si Reigan habang abalang-abala sa pagkain ng balut.
“Matagal na kitang isinumpa, Reigan. Manong, bantayan ninyo ang lalaking iyan at baka takbuhan kayo.” Ngumiti lang ang magbabalut.
“Sino ang lalaking kasama mong iyon?”
“Si Donald,” buong pagmamalaki niyang sagot. “My suitor.”
“Wala akong tiwala sa karakas ng lalaking iyon. Boses pa lang, parang lagi nang lumalabag sa karapatang pantao.”
“Matino si Donald,” nanggigigil niyang wika. “Huwag mo siyang igaya sa iyo na walang magawa sa buhay kundi ang manlait ng kapwa.”
“There’s really nothing to compare. Santo ako, eh. Ang isang iyon, manyakis. Hindi ba, Mang Andres?”
“Medyo nga, Doc.”
“Anong medyo? Talagang manyakis iyon. Pustahan pa tayo.”
“Bawal ho sa relihiyon namin ang pumusta, Doc.”
“Gano’n ba?” Binalingan siya ni Reigan. “Tayo na lang, Sierra. Pustahan tayo, sa first date n’yo, dadalhin ka na n’on sa motel.”
“Kanina ang first date namin. And guess what? Dito niya ako idiniretso sa bahay pagkatapos naming mag-dinner.”
“Okay, pustahan tayo na sa second date n’yo—”
“Ewan ko sa iyo.” Tatalikod na sana siya nang muli itong magsalita.
“Mas guwapo naman ako do’n, ah. Mabait at mapagkakatiwalaan pa. `Di ba, Mang Andres?”
“Totoo iyon, Sierra. Napakabait nitong si Dr. Baltazar. At kung sa kaguwapuhan din lang naman, di-hamak na mas guwaping itong doktor natin.”
“Nakita mo na? Nanggaling pa iyan sa bibig mismo ng paboritong magbabalut ng village natin.” Binayaran na ni Reigan ang tindero.
“Huwag na, Doc. Kulang pa nga ang presyo ng dalawang balut na iyan sa tulong na ibinigay mo sa pamilya namin. Kung hindi dahil sa inyo ay baka nawala na ang aking si bunso. Ako pa nga dapat ang nagbabayad sa inyo, Doc.”
Inakbayan lang ito ni Reigan. “Alam n’yo, Mang Andres, sa sinabi ninyong iyan ay parang tatakbo ako sa pulitika. Huwag ganyan, tinatakot ninyo si Sierra, eh. Galit pa naman iyan sa mga opisyal ng bayan. Okay na `yong thank you sa akin.”
Pero nakita ni Sierra na bago makaalis ang magbabalut ay palihim nang inilagay ni Reigan sa basket ang fifty pesos na tinanggihan nito kanina.
“Ayos ba?” baling ng binata sa kanya, may bonus pang kindat. “Ang galing ko, `no?”
“Okay ka na nga sana, eh. Kaso, ang yabang mo.” Nagtuloy na siya sa kanilang bakuran.
“Sierra, mag-iingat ka sa manliligaw kuno na iyon. For all we know, bilbil lang ang habol niya sa iyo.”
Parang may kung anong pumitik sa tungki ng kanyang ilong sa narinig. Kaya naman binuweltahan niya si Reigan. At malakas na itinulak. Bagsak ito sa b ermuda grass. Pagkatapos ay nanggigigil niya itong inupuan sa tiyan. She could feel tight muscles in his abdomen contract. Narinig niya itong napasinghap bago malakas na tumawa. May kiliti marahil ang kumag sa tiyan. Bahagya pa niyang tinalun-talunan ang tiyan nito.
“Sumusobra ka na talaga, Reigan. Ngayon, malalaman mo kung paano durugin ng mga bilbil ko ang katawan mo.”
“Okay lang,” wika nito sa pagitan ng pagtawa at pagsinghap. “Huwag ka lang bababa nang kaunti at baka maging x -rated na ang romantic scene nating ito.”
Natigilan si Sierra at muntik nang mapasinghap nang balingan ang mukha ni Reigan. Because she could see hot passion burning in his mischievous eyes and smile as he looked back at her, touching her long hair at the same time. He wanted her! Ewan niya kung bakit parang affected siya sa obserbasyong iyon.
Imposible ang naisip kong iyon. Nagha-hallucinate lang ako. Napilitan na rin siyang tumayo para makalayo. Pero pinigilan siya ng binata sa braso. Balak niya itong pagalitan pero nagbago ang isip niya nang muling mapagmasdan ang mukha nito. The passion was gone. s till, there was something in his smiling eyes that made her heart skip a beat. Strange.
“Nagselos ako,” anito.
“Pakialam ko sa iyo.” Binawi ni Sierra ang braso pero nanatiling bihag ni Reigan ang braso niya. Pinandilatan na niya ito. “Puwede ba? Wala akong oras para makipagbiruan sa iyo, Reigan.”
“Mamaya na. Gusto pa kitang makita. Kahit ako di ko rin akalain. Pero na-miss pala kita buong maghapon.”
Tinampal niya ang pisngi nito. “Gumising ka na, Reigan. Kahit ano’ng gawin mo, hinding-hindi ako maniniwala sa mga pambobola mo.”
“Hindi kita binobola.”
“Yeah, right—” Lalo siyang natigilan nang makita ang ginawa nitong mayuming paghaplos sa kanyang buhok.
Sa pagkakakilala niya kay Reigan, wala sa karakter nito ang maging ganoon ka-sweet. Sweet?! Por favor! Pero bakit nga ba gano’n? Sumisiksik sa isip niya ang isang damdaming tila nangungulit na mapalambot ang kanyang puso sa ginagawa ni Reigan ngayon. k ailangan na talaga niyang makalayo rito. Baka kasi kung ano pa ang pumasok na ideya sa kanyang isip, himatayin pa siyang bigla.
“Kapag hindi mo pa ako pinakawalan, kakagatin na kita.” Ngumiti lang ito. And then he let her go. Mabilis siyang tumayo.
“Sierralaine, kailan mo kaya tatanggapin ang katotohanang may gusto ako sa iyo?”
“Kapag square na ang buwan.”
Nagmamadali siyang nagtungo sa kanyang kuwarto. Kakaiba na kasi ang tibok ng kanyang puso. Magulo. Hindi niya maintindihan. And her buns were still tingling.
“Buwisit na lalaki iyon, ah.” Inilapat niya ang isang kamay sa kumakabog pa ring dibdib. “Pinakaba ako nang husto. Peste…”
Napalingon si Sierra sa bintana ng silid. Mula roon ay matatanaw ang bahay ng binata. Lumapit siya roon at sumilip. Nakita niyang nakahiga pa rin si Reigan sa b ermuda grass sa labas ng gate ng bahay. Prenteng-prente. Nakade-kuwatro at may pasak na isang tangkay ng dahon ang bibig. Sa itsura nito, mukhang tuwang-tuwa na pinagmamasdan ang kalangitan. But she knew better. Hindi ang kalangitan ang nakakapagpangiti rito nang mga sandaling iyon kundi ang katatapos lang na eksena nilang dalawa.
“Ano kaya ang iniisip niya?” tanong niya sa sarili. “Puro kabastusan na naman siguro.”
Tinigilan na niya ang panonood dahil na rin sa sariling nararamdaman. Hindi maganda ang mga pangitain niya. Makamundo. Baka hindi siya papasukin sa langit nang dahil doon.
“Nakakadiri ka, Sierralaine. Tigilan mo na nga iyan.”
Sure. Then she blocked all images of Reigan from her mind. Ang kaso, ang nakangiting mga mata nito at guwapong mukha ay tila nakadikit na sa kanyang isip. Asar!