noveltoon logo noveltoon
Reigan Baltazar (Stallion Series 5)

Chapter 7

Ch. 7 / 10 Nov 28, 2025

“ B ullet, my boy. Matagal-tagal din tayong hindi nagkita, ah.” Hinaplos-haplos ni Reigan ang mukha ng gray na kabayo. “Kumusta? Did you miss me?”

“Halikan mo na rin kaya para kumpleto na ang ang eksena?”

Hinalikan nga nito ang kabayo. “Bullet, I want you to meet Sierra. What do you think? s he’s pretty, isn’t she?”

“Nambola ka na naman diyan. Alagaan mo na nga lang iyang kabayo mo.”

“Mas type ko kasi ang nambobola kaysa mag-alaga—” The horse nodded. Reigan laughed. “See? Even Bullet agrees with me.”

“Agrees with what?”

“Na maganda ka.” Nilingon siya ng binata. “Which is true, by the way. Kahit na pambobola pa rin ang tingin mo sa mga sinabi ko. Do you want to ride with me?”

Oo! pasigaw niyang sagot sa isip. Sasama ako sa iyo kahit saan. Kahit anong sasakyan pa ang gamit! Kaya lang, ayaw namang makipag-cooperate ng katawan niya. Nanatili lamang si Sierra sa kinatatayuan sa gilid ng kuwadra ng kabayo, habang pinapayuhan ang kanyang puso na huwag masyadong magpakasaya at baka kung saan na naman mapunta ang pangangarap niya nang gising.

“Sierra?”

“Bakit?”

“Ang sabi ko, kung gusto mong mangabayo kasama ko. Don’t worry, Bullet is a gentle horse.”

“Ahm…” Would she do it? Oh, well, date naman nila ito kaya siguro allowed naman siyang mag-daydream kahit ngayon lang. “Sige.”

Nauna nang sumakay ng kabayo si Reigan. Parang gusto pang pumalakpak ni Sierra dahil napaka-graceful ng mga kilos ng binata, halatang sanay na sanay talaga. Siguradong mas dadami ang tagahanga nito sa kanilang lugar kapag nalaman kung ano ang favorite pastime nito, bukod siyempre sa pang-aasar sa kanya.

He leaned towards her, extending a hand. “Come on, pretty lady.”

Tinanggap niya ang kamay ni Reigan, kasabay ng tuluyang pagtanggap dito sa kanyang puso. She loved him. And she would love him despite the fact that he did not feel the same way about her. Sa likuran siya pumuwesto kaya nakakapit siya sa katawan ng binata. Bahagya pa siyang natawa nang kumilos ang kabayo.

“Nabibigatan yata sa akin si Bullet. Kailangan ko na talagang lusawin ang mga baby fats kong ito.”

“Sierra, kailangan na naman ba kitang kulitin para makumbinsing hindi ka mataba? Medyo malapad ka kaysa sa normal na katawan ng mga babae, pero hindi ka mataba.”

“Malapad? Pinaganda mo lang nang konti ang tawag sa mga bilbil ko. Pero salamat sa konsiderasyon.” Hindi siya galit o asar. How could she when Reigan was trying his very best to take care of her feelings? “Let’s go na. Mukhang mas magandang mamasyal dito kaysa pag-usapan natin ang timbang ko.”

Napabuntunghininga na lang si Reigan. “Kumapit ka na nang mabuti sa akin. Lilipad na tayo.”

“Lilipad?”

“Bullet is one of the fastest thoroughbreds here. So, kung ready ka na, lilipad na tayo.”

“I don’t like the sound of it.”

Tumawa lang ito. “You’ll be fine.”

First time lang nakasakay ni Sierra sa tumatakbong kabayo at full speed. Pero wala siyang nararamdamang takot o kaba. Napaka-smooth naman kasi ng takbo ni Bullet. Parang may built-in itong shock absorber kaya kahit hindi pantay ang terrain ng riding club ay kumportable ang mga nakasakay rito. At siguro, dala na rin ng pagkakayakap niya sa matatag na katawan ni Reigan kaya ang pakiramdam niya ay para lang siyang nakasakay sa merry-go-round sa mga carnival. Nakalapat ang katawan niya sa likod nito. Her left cheek was touching his broad shoulder. Napakasarap ng pakiramdan niya sa likuran nito. Daig pa niya ang nakahiga sa pinakamalambot na kama sa buong mundo.

But she could not close her eyes. Napakaganda kasi ng paligid, lalo na ang tanawin ng Taal Lake sa di-kalayuan. Pero ang pinakamaganda sa lahat ay ang katotohanang magkasama sila ngayon ni Reigan, hindi bilang magkapitbahay o magkairingan, kundi bilang magka-date. Hay, saya!

“Okay ka lang diyan, Sierra?”

“Oo.”

“We’re almost at the Lakeside Clubhouse.”

“Okay.” Wala na rin siyang pakialam kung malapit na sila sa dulo ng mundo. Ang importante, magkasama sila.

“Reigan…” bulong niya sa likuran nito. “Mahal kita…”

She felt him move. Pero nanatili siyang nakadantay sa likod nito.

“Sierra.”

“Hmmm?”

“Did you just say something?”

“Wala, ah.” Napansin niyang nakatigil na ang kabayo. Pero hindi pa rin siya umaalis sa pagkakayakap kay Reigan. “Ano naman ang sasabihin ko?”

“Ewan ko. Parang may narinig lang akong sinabi mo kanina.”

Bingi! Although wala naman talaga siyang balak na sabihin dito nang harapan ang mga salitang kabibitiw pa lang niya, umasa pa rin siyang sana nga ay narinig na lang iyon ni Reigan. Para mas madali ang confrontation nila. Kapag tinanong siya, sasagutin niya ito nang diretso. In the meantime, since hindi naman naintindihan ni Reigan ang kung ano mang narinig, dito na muna siya sa tabi ng binata.

“Here comes the prodigal son!”

Muntik pang bumaliktad si Sierra dahil sa gulat nang marinig ang boses na iyon. Mabuti na lang at nahawakan siya ni Reigan sa mga braso na nakapulupot pa rin sa katawan nito.

“Eneru, ipapasipa kita sa kabayo ko kapag inulit mo pang gulatin si Sierra!”

Nilingon ni Sierra ang pinanggalingan ng gumulat sa kanya. Mula sa isang gazebo-inspired clubhouse ay nakita niyang nagkakatipon-tipon ang anim na nakangising kalalakihan. Kasama roon ang kambal na nauna na niyang nakilala kanina sa restaurant sa lobby ng SRC. Nauna nang bumaba ng kabayo si Reigan, saka siya inalalayan. Hawak siya nito sa baywang habang kumuha naman siya ng balanse sa magkabilang balikat nito. Pagbaba niya, hindi maiwasang magkalapit ang kanilang mga mukha. Hindi niya alam kung ano ang dahilan ng pagngisi ng binata. Either way, she still liked his grin. Kaya hindi na nakapagtatakang nahawa na rin siya sa pagngisi nito. Before her feet reached the safety of the ground, Reigan kissed the tip of her nose.

Tuluyan na siyang nagulat sa ginawa ni Reigan at nawala ang kanyang balanse. She came sprawling against him. Their crowd cheered.

“All right!”

“Nakaiskor din ang manok natin.”

“Galawang breezy, bro!”

“You’re the man!”

Nahampas tuloy ni Sierra si Reigan sa dibdib. Napasinghap ang binata pati na ang mga kaibigan nitong ginawang sine ang mga nangyayari sa kanila. Agad naman niyang dinaluhan si Reigan. Hindi pa nga magaling ang mga sugat nito sa kamay, heto at nabalian na naman yata niya ng ribs.

“Ikaw kasi, eh. Lagi mo na lang akong pinagti-trip-an. Magtino ka nga, Reigan.”

“Akala ko ba ayaw mong maging mabait ako?”

“Malayo naman ang mabait sa matino. Ano, okay ka lang ba?”

“Kiss me and I’ll be fine.”

Pinisil niya ang magkabilang pisngi ni Reigan. “Sinabi nang huwag mo akong bibiruin nang ganyan!”

“Sino naman ang nagsabing nagbibiro ako…” Inilapat nito ang sariling kamay sa kanyang batok. “At binibiro kita?”

Then he pulled her towards him and kissed her lips. Kung nawawalan lang ng ulirat ang isip, kanina pa iyon tulog. Dahil nang maglapat ang kanilang mga labi, nawalan na ng kakayahan ang isip niya na magtrabaho. Ang tanging natira ay ang kanyang pandama. She could only feel as her brain now refused to function. Or maybe it just gave in to the feelings.

Nakabukas pa rin ang mga mata ni Sierra nang maramdaman ang unti-unting paggalaw ng mga labi ni Reigan. It was like he was massaging her lips in a very intimate and sensual manner. At tila iyon lang ang hinihintay niya upang dahan-dahan na rin siyang mapapikit. His kisses gave her heady sensation. And there was nothing else she could do but surrender to her feelings, his kisses and to him, as she wound her arms around his neck.

Wala. Bukingan na ito!

OKAY. What now? tanong ni Sierra sa sariling repleksyon sa salamin. Nagkakasiyahan sa labas ang grupo nina Reigan at nag-excuse na muna siya upang magbanyo para kahit paano ay mai-compose ang sarili.

After that kiss, ano na ang susunod na mangyayari sa kanila ni Reigan?

It was obvious that she just poured out her feelings for him in that kiss. Ewan pa nga ba naman niya kung hindi pa iyon mahalata ng binata. In any case, sigurado namang hindi nila maiiwasang pag-usapan ang katatapos lang na pangyayari sa kanila. Would he tell her he loved her? Was he in love with her? Did he love her? Ang daming tanong na iisa lang naman ang tinutumbok.

Mahal din ba siya ni Reigan gaya ng pagmamahal niya rito? Ipinilig niya ang ulo.

“Tama na muna ang pag-iisip, Sierra. Basta matuwa ka na lang sa mga nangyari. At least, one of your dreams did come true.” She smiled at her reflection in the mirror.

Namumula pa ang kanyang mga pisngi at may kakaibang kislap ang mga mata. Ito yata ang mukha ng mga babaeng in love. Nakakakatawa ang itsura. Pero masarap ang pakiramdam. Iilan lang ang masusuwerteng taong nagkakaroon ng pagkakataong maranasan ang ganoong pakiramdam. At isa siya sa masusuwerteng taong iyon.

Isang babae ang pumasok doon at ini-lock ang pinto. Nagulat pa ito nang makita siya.

“Akala ko walang tao rito.” Wala sa tono ng babae ang nagpapaumanhin. “Oh. Hindi ba’t ikaw `yong girl na hinalikan ni Reigan kanina sa labas?”

Agad uminit ang mga pisngi ni Sierra. “Ahm…”

“Huwag kang mag-alala, okay lang iyon. Ayos nga ang ginawa mo, eh. Minarkahan mo agad ang teritoryo mo. At least may dahilan ka na ngayon na mangalmot sa mga babaeng maglalakas pa ng loob na lumapit kay Reigan.”

Humarap ang babae sa salamin at inayos ang mahabang buhok. Ni hindi nito pinansin ang mga pagkatok ng kung sino man mula sa labas ng pinto.

“I wish I could get a chance to claw one of those women,” wika pa nito. “Nakakagigil kasi sila. Sayang, ipinanganak akong mabait kaya hindi ko sila magawang kalmutin basta-basta.”

“May magsi-CR din yata…”

“Ginagamit ko pa ang CR na `to kaya maghintay sila. Sa labas. Ayokong may makasamang mga cheap dito.” Humarap ito kay Sierra. “ b y the way, I’m Paz Dominique. You can call me Dominique.”

“Hello. I’m Sierra.”

“You’re a bit overweight. Dapat ay alagaan mo na ang timbang mo dahil kung hindi, siguradong may mga babae pa rin talagang lalapit at lalapit kay Reigan sa pag-aakalang pagsasawaan ka niya agad dahil nga hindi ka sexy.”

Ang sakit naman nitong magsalita. “Hindi nagrereklamo sa katawan ko si Reigan. Siya pa nga ang nagsasabi na huwag na akong mag-diet, basta mag-exercise na lang.”

“Really? Well, isn’t that nice? For a change, may isang lalaking hindi lang katawan ng babae ang habol. You’re one lucky girl.”

Matapos maglagay ng lip gloss ay saka lang binuksan ni Dominique ang lock ng pinto at dire-diretsong naglakad palayo. Ni hindi man lang tinapunan ng tingin ang mga babaeng gigil na gigil na rito.

“Maldita talaga ang Paz Dominique na iyan! Wala rin naman siya kung wala ang tatay niya.”

“And if I know, isa ring kurakot sa gobyerno ang pamilya niya.”

“Hindi rin naman siya papatulan ni Zell kung walang mapapakinabangan sa kanya.” Napalingon kay Sierra ang nagsalita. “Katulad ng isa diyan…”

Naghugas na lang ng mga kamay si Sierra kahit hindi naman kailangan para lang makaiwas na sabunutan ang mga babae. Halata naman kasing naiinggit lang ang mga ito sa kanya at kay Dominique dahil sa mga lalaking nai-involve sa kanila. Napangiti tuloy siya nang maalala ang kissing scene nila kanina ni Reigan. Marahil ay napanood ng mga iyon kaya nakilala agad siya.

Hah! Mangisay kayo sa inggit!

“Ano nga ba ang mapapakinabangan sa kanya ni Reigan? Look at that body. It’s so mabilbil.” Nagtawanan pa ang mga babae.

“Iyon na nga,” dugtong pa ng isa. “Mga fat niya ang napapakinabangan sa kanya ni Reigan. Unan, kumot, jacket… you name it, she’s got it.”

Hindi na nag-abala pa si Sierra na magpunas ng basang kamay. Agad nagkanya-kanya ng angal ang mga babae nang malakas niyang iwinisik sa hangin ang kanyang mga kamay. Inulit pa talaga niya ang magbasa ng mga kamay, saka muling iwinisik sa ere para magpatuyo.

“Ano ba?!”

“Kadiri kang babae ka!”

“Stop it!”

Agad na lang nilayasan ni Sierra ang mga kampon ng dilim bago pa niya tuluyang hamunin ng sumo wrestling ang mga ito. Surely, money cannot buy class.

Pagbalik niya kina Reigan ay nagkakagulo pa rin ang grupo. Hindi nakaligtas sa kanyang mga mata ang mga babaeng kasama ng mga ito roon. The women looked sophisticated and elegant. Bagay na bagay lang sa crowd na iyon ng mga lalaki. Samantalang siya, naka-plain shirt lang at jeans. Parang kahit itabi siya sa mga empleyado ng club, mag-i-stand out pa rin ang mga empleyado. Ganoon siya ka-plain.

“So, si Neiji pala ang naging biktima ng sarili niyang bitag.”

“Sinabi mo pa. Kaya nga hindi na siya gaanong nagpapakita dito nitong mga nakaraang araw. Hinahabol kasi niya `yong babaeng tinulugan lang niya no’ng nag-date sila.”

“Bago yata iyon, ah,” wika ni Reigan.

“Yeah, blame it on those two.” Itinuro ng nagsalita ang kambal, who innocently looked at their friends. “Sila ang nag-manipulate kung bakit si Neiji ang naka-date ng babaeng nanalo sa raffle promo niya.”

“We didn’t do anything,” wika ni Trigger. Or ni Jigger.

“Yeah, right. Kaya ikaw, Reigan, kung ayaw mong mabulilyaso ang love life mo, huwag kang didikit sa dalawang iyan.”

“Kapag pinakialaman nila ang love life ko, ibabalik ko sila sa tiyan ng nanay nila.”

Nagkibit-balikat lang ang kambal habang nagtatawanan ang iba nilang kasama. Lalapit na ba siya sa mga ito? Bumalik na lang kaya siya sa banyo at i-text si Reigan na sunduin na lang siya roon? Parang ang awkward naman kasi na basta na lang siya sumulpot sa grupo. Tapos naka-shirt at jeans pa siya samantalang ang mga babaeng kasama ng mga ito ay puro signature dress ang suot. Pabalik na talaga siya sa CR nang marinig ang boses na natatandaan niyang isa sa kambal.

“Reigan, you’re a doctor. Papayuhan mo ba ang girlfriend mo na magpapayat nang konti?”

“No.”

“Why not?”

“First of all, I don’t have any right to tell her whether she needs to lose weight since she’s not my girlfriend. And second, I don’t really like it whenever people talk about her like she’s sick or something, just because she’s a little overweight. I hope we understand each other perfectly, Jigger.”

“I’m Trigger.”

“You’re Jigger.”

“How did you know that?”

“Trigger is nicer.”

Lumapit na si Sierra sa grupo. Reigan was suddenly by her side. “You’re here. Gusto mo na bang kumain, Sierra? Nagpa-order na ako ng food doon sa kabilang table. Huwag tayo rito dahil masyadong maraming istorbo sa date natin.”

“Busog pa ako, Reigan. Puwede bang magpahatid na ako sa Maynila? Baka kasi ma-traffic kung magpapahapon pa ako rito. Eh, maaga pa ang pasok ko bukas.”

“Sunday bukas, ah,” singit ni Jubei.

“Ano ba’ng pakialam n’yo? Sa gustong pumasok ni Sierra ng Linggo.” Hinawakan na siya ni Reigan sa kamay. “Let’s go.”

“Mag-stay ka na lang dito. Alam ko naman na masyado mong na-miss ang mga kaibigan mo. m aghahanap lang ako ng masasakyan at magpapahatid sa sakayan ng mga bus pa-Maynila.”

“Miss, si Reigan ang maghahatid sa iyo,” singit ni Zell. “And anyway, hindi naman iyan mananatili rito kung ang tanging dahilan ng pagpunta niya rito ngayon, eh, aalis na.”

Napatingin siya kay Zell. Ano ang ibig nitong sabihin? Binalingan niya ang nakangiting si Reigan.

“You heard my friends.” Hinila na siya nito palabas ng clubhouse.