“ K asalanan mo iyan. Kaya matuto ka na sanang huwag akong bibiruin sa umaga.”
“Hindi naman kita biniro, ah. Nagkukuwento lang ako. Pakikuha naman `yong medicine kit do’n sa malapit sa kusina.”
Sinunod na rin ni Sierra si Reigan. Pagkagaling nila kanina sa paaralang naging saksi na naman sa kaguluhan nila ay sinamahan na niya ang binata sa bahay nito. Nakokonsensiya na rin naman talaga siya sa nangyari kay Reigan. Napalakas kasi talaga nang husto ang pagtulak niya rito kanina.
“Bakit hindi na lang tayo roon sa clinic mo?” tanong niya pagbalik. Inilapag niya sa mesita sa sala ang nakuhang medicine kit.
“First aid lang naman ang kailangan ko. Besides, tinatamad pa akong magbukas ng clinic.” Tiningnan siya ni Reigan. Ang may mga sugat nitong kamay ay nakataas sa harap nito. “Paano mo ako maaasikaso kung nariyan ka? Dito ka sa tabi ko maupo.”
“Ako ang mag-aasikaso sa iyo? Ikaw kaya ang doktor dito.”
“Hindi ko naman puwedeng gamutin ang sarili ko at parehong may pinsala ang mga kamay ko. Come on, Sierra. Tatanggalin mo lang naman ang mga tumusok na bato at bubog sa mga palad ko. Pagkatapos ay lilinisan mo na at pagkatapos, tapos na. Sisiw lang iyon sa iyo.”
Napalunok si Sierra nang maupo sa tabi ni Reigan. He gave her a rundown on how to clean his wounds properly. At nang inilahad nito sa kanya ang mga palad, pinakatitigan lang niya iyon. And with trembling fingers, she gently pulled bits of broken glass and pebbles off his palms. Nang makitang may mga mumunting dugo na nagmumula sa mga pinag-alisan ng mga bubog, napahikbi na siya.
“Hey… what’s wrong?” he asked in his softest voice.
“Hindi lang ako sanay na… n-na makakita ng ganito… ng dumudugong sugat.” Patuloy siya sa paghikbi nang kumuha ng bulak at basain ng alcohol. “Kung alam ko lang na lampa ka sa umaga, sana… s-sana hindi na kita itinulak. Ikaw naman kasi, tinukso mo ako. `Ayan tuloy…”
“Are you afraid of blood?”
“Hindi, `no! I just don’t like doing this. Nanghihina ako… Ayokong makakita ng mga ganitong bagay. Kaya nga ako nag-accounting eh. Para siguradong hinding-hindi ako takot sa mga nasasaktan.” Napalakas ang hikbi niya nang mapansing dalawa sa maliliit na sugat ni Reigan ay hindi maampat ang pagdurugo. “Magpaospital ka na!”
When she turned to him, she noticed that there was amusement in his eyes as he watched her intently. Nakakunot din ang noo nito pero may ngiti naman sa mga labi.
“Pinagtatawanan mo ba ako?” Kumuha si Sierra ng malinis na tissue sa medicine kit at suminga roon. “Sige, maka-karma ka rin… Puwede bang tama na itong paglilinis ko sa sugat mo? Parang mawawalan na kasi ako ng ulirat. Hindi ko na kaya…”
He chuckled and shook his head slowly. “Ang tapang-tapang mo, ito lang pala ang makakapagpaluhod sa iyo.”
“Oo na. So, ano? Tama na ba iyan…?” Muli siyang suminga sa tissue paper. “Makakapanggamot ka ba uli? Malala yata ang mga sugat mong iyan, eh. Baka mamatay ka…”
“Ano ka ba? Malayo ito sa puso. I’ll be fine.” Kinuha na ni Reigan ang bulak na basang-basa ng alcohol. He had to wrestle it away from her, dahil tila na-lock na ang mga daliri ni Sierra sa bulak dahil sa mga naranasan nang sandaling iyon. “Ako na ang magba-bandage. Magpahinga ka na lang diyan. Sa itsura mo kasi, daig mo pa ang isang doktor na katatapos lang sa isang major operation.”
Pero inagaw niya rito ang bandage. “Ako na.”
“Akala ko ba…”
“Ayoko lang ng naglilinis ng mga sugat.” Nanghihina at nanginginig pa rin ang mga kamay ni Sierra habang ibinabalot sa bandage ang kamay ni Reigan.
Mali yata ang kanyang ginagawa dahil hinawakan nito ang isa niyang kamay at iginiya sa kung paano ibabalot nang maayos ang bandage. Pansamantalang nakalimutan niya ang katatapos lang na dilemma nang maramdaman ang init na hatid ng kamay ng binata sa kanya. Ito na nga lang yata ang kumikilos dahil nakatitig na lang siya sa magkahugpong nilang mga kamay.
It really felt good. When she turned to him again, tamang tama lang na napatingin din ito sa kanya. Nang ngumiti si Reigan na tila ba sinasabing ayos lang ang lahat, nagwala na ang puso ni Sierra. Parang lasing na naghahamon ng away. Ang pagkakaiba lang, hindi paghahamon ng away ang isinisigaw ng puso niya nang mga sandaling iyon.
I! Love! You!
“Okay ka na?” tanong nito. Para siyang robot na tumango lang habang pinagmamasdan ang binata. “Don’t feel bad about this, Sierra. Simpleng gasgas lang ang mga ito. Hindi ko ito ikamamatay.”
I! Love! You! “Reigan!”
“O, bakit?”
“Huwag kang maging mabait sa akin.” Pinunasan niya ang kanyang pisngi. “Hindi ako sanay.”
“Ako rin. Kaya lang, nang makita kitang umiyak, hindi ko maatim na biru-biruin ka.” Kumuha ng tissue si Reigan at marahang idinampi sa pisngi ni Sierra. “Kung ayaw mong maging mabait ako sa iyo, huwag ka na ring iiyak. Baka kasi masuntok ko na ang sarili ko kapag nakita pa kitang umiyak.”
Pusang gala! Surrender na talaga siya! She was, and still was, in love with him. Iyon ang dahilan kung bakit kakaiba ang mga nararamdaman niya kapag nasasabak sila sa mga kakatwang sitwasyon. Gaya noong gabing daganan niya si Reigan sa harap ng bahay nito. Mahal niya ito at iyon din ang dahilan kung bakit sa kabila ng matinding iritasyon niya sa binata, lagi pa rin nitong napapabuti ang kalooban niya kapag bad trip siya sa mundo. And that’s also the reason he was the only one who could make her heart beat like crazy. Because she had always been in love with him. Hindi nabura ng galit at inis niya kay Reigan ang damdaming iyon. Hindi rin sapat ang naging kabiguan niya rito, pati na ang haba ng panahong lumipas, upang maglaho iyon.
In fact, mukhang naging mas matibay pa nga iyon. Dahil ang traydor niyang puso, inalagaan ang pag-ibig na iyon sa loob ng maraming taon nang hindi niya namamalayan. Ngayon, lumitaw na lang iyon nang hindi rin niya alam kaya heto siya at wala nang magawa pa para pagilan ang damdamin niya kay Reigan.
Napahikbi na naman siya.
“You really want me to punch myself, do you?” Napabuntunghininga na lang si Reigan. “Hay. Sige na, sige na. Susuntukin ko na ang sarili ko. Tahan na.”
She touched his hand. “Huwag ka ngang tanga, Reigan. Naiiyak lang ako pero hindi ikaw ang rason. Epal ka.”
Napakamot na lang ito ng ulo. “Ano na ba talaga ang dapat kong gawin sa iyo, Sierralaine?”
“Wala.” Kumuha uli siya ng tissue. “Hayaan mo lang akong umiyak.”
“I told you I don’t want to see you cry. Kung hindi ito dahil sa mga sugat ko, kung gano’n, dahil na naman ba iyan sa iniisip mong mataba ka?”
Nakakita siya ng magandang opportunity na mailayo sa totoong dahilan ng pag-iyak niya ang usapan. “Mataba naman talaga ako. I’m fat and I’m ugly. Wala na akong pag-asa.”
“Kapag hinalikan ba kita ngayon at inalok ng kasal pagkatapos, magpapakasal ka sa akin?” Napatanga na lang siya sa lalaki. He looked so serious and for a moment she really thought he was going to do it. But then again, Reigan will always be Reigan.
Tumawa ito nang malakas. “Binibiro lang kita, Sierra. Huminga ka diyan at baka himatayin ka bigla.”
Hindi na talaga siya nito sineryoso. At mukhang hindi na iyon magbabago pa. Nakakalungkot. Kung kailan diretso na ang takbo ng magulo niyang puso at isipan, saka naman gumulo at nagpapagiwang-giwang ang taong nagpatino sa puso at utak niya. Muling umagos ang luha sa pisngi ni Sierra pero wala nang ano mang ingay na maririnig sa kanya. Natuto na rin siyang mahiya sa harap ni Reigan. Bad trip . Kung hindi lang siya nahihiya ngayon, sinabi na sana niya ang lahat ng nararamdaman niya. Para wala nang sakit ng ulo. Pero malas, eh. Ngayon pa talaga siya tinubuan ng hiya sa katawan.
“Sierra, ano na naman ang ginawa ko?” f rustrated na ang boses ni Reigan.
“Wala.”
He took a deep breath and wrapped his arm around her, pulling her close to him.
“Halika na nga rito.” It was just like that first time he hugged her at his clinic. Masarap pa rin sa pakiramdam. “Sierra, hindi ka magiging masaya kung habambuhay mong iintindihin ang sinasabi ng ibang tao sa iyo. You have to learn to accept everything about yourself, who you are and what you are. Dahil kung hindi, wala ring tatanggap sa iyo. Huwag kang magpadikta sa sinasabi ng lipunan na mga seksi lang ang may karapatang lumigaya.”
She put a hand over his broad chest. Wala nang pakialam si Sierrra sa ibang tao. Basta nariyan lang si Reigan sa tabi niya at laging magsasabi na maganda siya at siya lang ang tanging babae sa buhay nito. Kahit pabiro lang iyon, gusto pa rin niyang marinig.
“I don’t know what to do anymore to make you feel good about yourself, Sierralaine. I really hope you could see what I always see in you.”
“Bakit, ano ba ang nakikita mo sa akin?”
“Alam mo na iyon. Lagi ko nang sinasabi iyon sa iyo noon pa man.”
“Ang alin?”
“Na maganda ka. Na hindi mo na kailangan ang mas magandang katawan. Dahil kapag sumeksi ka, baka mas lalo akong mabaliw sa iyo.”
She just paused and savored those words of his. Sana nga totoo na lang iyon. “Matagal ka nang baliw, ngayon mo lang na-realize iyon? Ang slow…”
“Naninirang-puri ka na naman. Idedemanda na talaga kita.”
“Eh, di idemanda mo.”
“On second thought, huwag na lang. Mamaya matipuhan ka pa ng mga pulis at preso sa kulungan, maging instant kriminal pa ako. Sayang ang lahi ko kung Bilibid lang ang makikinabang.”
“Hindi ka na talaga nawalan ng kayabangan sa katawan, ano?”
“Nasa sistema ko na iyan, wala na tayong magagawa. Besides…”
Hinintay ni Sierra ang susunod na sasabihin ni Reigan . Pero hindi na ito nagsalita pa. “Besides what?”
“Next time na lang. Para may reserba pa tayong mapag-uusapan. Siyanga pala, day-off ko ngayong araw. Wala ka ring pasok ngayon, hindi ba?”
“Oo.”
“Gusto ko sanang ituloy ang naunsiyami nating date kagabi.”
Kumalas si Sierra kay Reigan at hinarap ito. “Date?”
“Yeah, well, it was supposed to be a date. Iisahan sana kita na kunwari susunduin lang kita. But the truth is, I really wanted to ask you out last night.”
Nagrigodon ang puso niya. “T-talaga?”
“Oo…” He touched a finger to her hair. “Makikipagkasundo na sana ako sa iyo. Nagsasawa na kasi ako sa mga pag-aasaran natin. Naisip ko lang na kung `yong mga aso at pusang kalye nga nagkakasundo, tayo pa kaya? Ilang dekada na tayong ganito at medyo nagkakaedad na tayo. Hindi na bagay na parang mga bata pa rin tayo kung mag-iringan. So… `yon.”
Parang tsubibo ang pakiramdam ng puso niya. `Yong bang tipo na tila inilipad siya para lang ibagsak sa lupa pagkatapos. Pero sige, okay lang. Tutal naman, inosente sa mga nararamdaman niya si Reigan. It was not his fault she was a bit hurt right now because of what she just learned.
“Sige, okay lang,” sang-ayon niya. “Wala rin naman akong planong gawin maghapon.”
“Great!”
“Saan ba tayo pupunta?”
“Sa Stallion Riding Club.”
NAKATANGA na lang si Sierra habang pinagmamasdan ang papalapit na si Reigan. She had never seen him as drop-dead gorgeous as he was until now. Parang gusto na nga niya itong kuhanan ng picture kung nakapagdala lang siya ng camera. He was such a sight to behold in his riding uniform which was composed of a black jacket, white breeches and black boots. Nagmukha itong prinsipe sa kanyang paningin.
And his eyes, oh, those eyes. Sa kanya lang nakatutok ang nakangiti nitong mga mata habang patungo ang binata sa direksyon niya sa restaurant na iyon kung saan siya nito pansamantalang iniwan para magbihis nga ng uniporme sa Stallion Riding Club. Manghang-mangha siya sa naturang lugar dahil kahit saan siya tumingin ay naghuhumiyaw na ‘mayaman ako!’ ang nakikini-kinita niya. Iyon ang riding club na ipinagmamalaki sa kanya ni Reigan kanina habang bumibiyahe pa lang sila.
The place was awesome. And so was Reigan. Parang sa isang iglap, nag-iba na ito ng pagkatao. Sa uniporme ni Reigan, tila naging bahagi ito ng eksklusibong lugar na iyon. She could almost hear her heart hum as he sat down on the chair beside her.
“Nainip ka ba? Medyo nagkakuwentuhan kasi kami ng ibang club members na nakasabay ko sa locker room.” Nakatanga pa rin siya rito. “So, gusto mo bang kumain na muna tayo bago mamasyal, o mamasyal muna tayo bago kumain?”
“I think I’d rather stay here for a while.” s a wakas ay nagawa na rin niyang makapagsalita. “Nalulula pa kasi ako sa lugar na ito.”
“Ano naman ang nakakalula dito? This is just a restaurant.”
“Basta.” Ibinaling ni Sierra sa paligid ang pansin upang mapigilan ang sariling mapatunganga na naman kay Reigan. Baka kasi kung ano ang isipin nito sa kanya dahil nagmumukha na siyang tanga. “Hindi ko akalaing may ganitong klase ng lugar dito sa liblib ng Tagaytay. And you’re a part of all this?”
“Minsan. Kapag masyado na akong stressed out sa trabaho. Ito ang pinaka-sanctuary ko.”
“Reigan, hindi yata ako bagay dito. Parang bawal ang mahihirap na tumuntong dito.”
“Kung bawal ang mahirap dito, dapat itinapon ka na palabas ng club.” Tumawa lang ito nang paluin niya sa balikat. “Huwag mo masyadong intindihin ang mga iyan.” He was pointing at the sophisticated women who were with the other uniformed club members. “Bawal nga ang mga outsider dito pero kung invited ka ng isa sa mga club member, you’re free to roam around here. At ang mga babaeng iyon, either companions sila ng mga members o guests ng club. Nagke-cater din kasi ng mga special function ang SRC pero very minimal lang at piling-pili. Sabi nga ni Reid, his Stallion Riding Club is not a tourist spot.”
“Eh, bakit nandito tayo?”
“Dahil gusto kong mag-enjoy ka nang husto sa date nating ito. And this is the perfect place for it.”
“Gusto mo lang naman yatang magyabang na naman, eh.”
Nagkibit lang ng balikat si Reigan. “Siguro nga.”
“Ngayon, magyabang ka pa sa akin. Tell me, paano kang napasok sa ganitong klase ng lugar samantalang isang simpleng pediatrician ka lang naman sa simpleng village natin?” Gusto niyang malaman dahil ito ang parte ng pagkatao ni Reigan na hindi niya alam.
“Isang simpleng pediatrician lang naman talaga ako—”
“Na nagmamay-ari ng tatlong private hospitals sa Maynila at apat na iba pa sa Iloilo at Cebu,” singit ng isang lalaking nakauniporme rin at naupo sa katabing silya ni Reigan. “Hi, my name is Trigger. That’s my twin brother, Jigger.”
Isang lalaking kamukhang kamukha nito ang naupo naman sa kabilang panig ni Reigan. “O, kumusta na ang may sa kabute naming kaibigan? Mabuti naman at naisipan mong tumuntong uli dito. Teka, ano na nga ang pangalan mo?”
“Sierralaine,” sagot ni Reigan para sa kanya.
“Ikaw ang tinatanong ko, hindi ang kasama mo, pare.”
Ngumiti lang si Reigan. “Excuse me, guys. But we’re on a date.”
Nagkatinginan lang ang magkakambal, saka ngumiti, pagkatapos ay sabay nang tumayo.
“Sorry to disturb you.”
“Sige, ituloy na ninyo ang inyong date.”
Patalikod na ang mga ito nang muling tawagin ni Reigan. “Ano na naman iyang kalokohang binabalak ninyong dalawa?”
“Nothing.”
“Aalis na nga lang kami, nang-iintriga ka pa. Enjoy na lang kayo sa date ninyo.”
“Siyanga pala, Reigan. The guys want to meet the woman you finally brought here.”
“Finally?” tanong ni Sierra.
“Si Reigan lang kasi ang nag-iisang member na hindi nagdadala ng woman companion dito sa club. Kahit guest. Iniisip na nga namin na berde ang dugo niya—”
“He’s not gay!” tili ni Sierra. “Masyado lang siyang busy sa pag-aasikaso sa mga pasyente niya kaya hindi siya laging nagpupunta rito na may karay na babae!”
“Yeah, I agree,” sagot ni Jigger.
“Next time ko na lang ipapakilala sa iba pa si Sierra,” singit ni Reigan. “Ngayon ko lang siya nasolo kaya huwag na muna kayong panggulo.” Ngumisi lang ang kambal at nagpaalam na nang tuluyan. “Sorry about that. Magulo talaga ang dalawang iyon.”
“Okay lang.” Bakit ayaw siyang ipakilala ni Reigan sa mga kaibigan nito? Wasn’t she good enough for them?
Hay, Sierralaine. Huwag ka nang mangarap kasi. Mabuti nga at dinala ka pa rito ni Reigan. Huwag ka namang abuso.
“Ang sabi nila, may mga pag-aari kang ospital dito sa Pilipinas? Kung gano’n, bakit nagtitiyaga ka sa maliit na clinic mo sa subdivision natin?”
“Ah, iyon? Doon kasi nabuo ang pamilya namin. Kaya kahit na may-sinasabi na rin ako sa buhay ngayon, I stayed there in memory of my beloved departed parents.”
Naalala ni Sierra na bago sila maka-graduate ng high school noon ay magkasunod na namatay sa aksidente ang mga magulang ni Reigan. Lola na lang ang nakasama at nag-alaga rito habang nag-aaral ang lalaki. Unfortunately, five years ago ay namayapa na ang lola nito at tuluyang naging ulila. Gayunman, nakasanayan na nga lang talaga siguro ni Reigan ang buhay sa kanilang subdibisyon kaya hindi na umalis doon.
“Masuwerte ang subdibisyon natin sa pagkakaroon ng gaya mong mapagmalasakit na pediatrician.”
“Oh, no. Don’t tell me may sakit ka na naman.”
“Sakit?”
“Sa tuwing pupurihin mo kasi ako, pakiramdam ko ay nagdedeliryo ka lang.”
“Baliw ka rin, ano? Pinupuri ka na nga, parang ayaw mo pa.”
“Kasalanan ko ba iyon? i kaw diyan ang nagsanay sa akin na ako ang pinakamasamang insekto sa mundo.”
“I didn’t…” s aglit na napaisip si Sierra. “I said that?”
“Madalas.”
“Sorry.”
Napapalatak na lang si Reigan. “Nagdedeliryo ka na nga, gutom ka pa. Ang mabuti pa, kumain na lang muna tayo bago kita ipasyal dito.”
“Teka, akala ko ba hindi tourist spot itong club ninyo?”
“Oo nga. Pero gusto pa rin kitang ipasyal at wala nang pakialam do’n si Reid.”