noveltoon logo noveltoon
Rath Lagdameo (The Billionaire Boys Club 12)

Chapter 7

Ch. 7 / 10 Nov 28, 2025

“M AY I take your order, Ma’am?”

Tiningnan ni Miles ang waiter nang hindi inaalis ang menu sa harap niya. Sa di-kalayuan kasi ay nakapuwesto si Rex at ang dalawang lalaking sa tingin niya ay mga kasosyo nito sa negosyo o bagong kliyente.

“Ahm, mamaya na lang ako o-order. May hinihintay pa kasi ako.”

Hinihintay na pagkakataon para makakuha ng tiyempo at malapitan na rin sa wakas si Rex. This was one of those chances she had been waiting. Hindi nito kasama si Faye at sa ugali ng lalaki, siguradong pagbibigyan siya nitong makasamang mag-dinner. Ang totoo, nakita lang naman niya si Rex na papasok sa restaurant na iyon habang papunta siya sa opisina ng ama para sana dalawin ito.

Pag-alis ng waiter ay muling isinubsob ni Miles ang mukha sa menu bago unti-unti uling sinilip ang puwesto nina Rex. Pero imbes na ang grupo nito ang makita ay isa pang pamilyar na mukha ang nabungaran niya. Muntik na siyang mapatili sa sobrang pagkabigla.

“Rath!”

“How do you know I’m Rath?”

“Because Rex was having a lunch meeting right over there.” And because Rath was the only one who could make her heart beat like she had just come from a marathon. “Hindi ba’t nasa ibang bansa ka? Ano’ng ginagawa mo dito?”

“Having dinner. You?”

“I’m…”

“Spying on Rex?”

Mabilis niya iyong itinanggi. “No, I’m not!”

“Stalking then.”

“No, I’m—” Nakita niyang nagkamayan na sina Rex at ang mga kasama nito. Mukhang tapos na ang kung ano mang napag-usapan ng mga ito. “Aalis na sila?”

“It looks like it.” Tumayo na rin siya. “Saan ka pupunta?”

“Kahit saan.” Pagkatapos ay dinampot ni Miles ang maliit na box sa table.

“Babalik pa siya sa office niya sa Sephiro. At hindi ka na makakapasok sa building na iyon dahil tapos na ang office hours.”

“Kung gano’n, samahan mo ako.”

“And why would I want to do that?”

Doon lang niya binalingan si Rath. “Dahil hanggang ngayon, may utang ka pa sa akin. Nanalo ako sa pustahan natin noon at pumayag kang ang maging kapalit niyon ay ang tulungan akong makalapit kay Rex.”

Hindi pa rin ito natitinag sa kinauupuan. Ang mga mata nito ay nakatitig lang sa pagbabasa ng menu. Kinuha niya iyon.

“Let’s go, Rath.”

“Let’s have dinner first.”

“Let’s talk to Rex first.”

“Okay. Pero kumain na muna tayo.” Hinila na siya ni Rath sa braso at pinilit siyang ibalik sa kinauupuan.

But Miles suddenly felt a tingle in her hand the moment he touched her. Bigla tuloy niyang binawi ang braso. Sa maiksing sandaling iyon ay parang nakita niya sa mga mata ni Rath ang pagtatampo. Pero hindi rin siya sigurado dahil saglit na saglit lang iyon. Gayunman, parang gusto pa rin niyang ibalik ang mga nakaraang sandaling iyon para baguhin ang kanyang naging reaksiyon sa dampi ng kamay nito sa braso niya.

“I’m…” she started but he paused and took the little box from her and led her out of the restaurant. “Rath—”

“Sundan na natin si Rex bago pa siya makaalis ng office niya.”

“Pero paano tayo makakapasok doon?”

“I’m a Lagdameo, Miles. I’m your access inside.”

Ah. Spoken like a true-blue hero. Gusto sana ni Miles na kausapin pa si Rath pero umiral na naman ang kakaibang katahimikan nitong akala niya ay nakasanayan na noon pa man. Siguro dahil na rin sa aware siya na may nagawang kasalanan kaya hindi na rin niya magawa pang umastang close sila.

And she would gladly forget following Rex to his office if it meant hearing Rath’s voice once again.

Nakahanap lang si Miles ng pagkakataon nang dumating ang sasakyan nitong inihatid ng valet.

“Where’s the red Viper?”

“Kay Rex iyon. Hiniram ko lang minsan.”

Pinagbuksan siya ni Rath ng pinto. Pagpasok niya ay saka naman ito pumasok sa driver’s seat. Napakatahimik ng naging biyahe nila at pakiramdam niya, bumalik na naman ang kakaibang tensiyon na iyon na una niyang naramdaman sa pagitan nila sa Tarlac.

“I’m sorry, Rath,” halos pabulong niyang wika.

“For what?”

“I don’t know. For anything that I’ve done wrong.”

“Nagso-sorry ka sa isang bagay na hindi mo alam kung kasalanan mo?”

“Ngayon lang.”

“Ang weird mo.”

“What?” Medyo out of the blue ang hirit ni Rath. But at least it lightened up things between them. “Ako pa ngayon ang weird? Sino kaya sa atin ang laging may baon na kendi sa bulsa?”

“At least hindi ko isinasawsaw sa ketchup ang sinigang na baboy.”

“Excuse me. Ikaw rin kaya kumain n’on.”

“Masama ang tumanggi sa grasya ng Diyos.”

“Ang sabihin mo, matakaw ka talaga.”

“Mahilig lang ako sa pagkain.”

“Matakaw ka.”

Nagkibit lang si Rath ng mga balikat.

Come on, Miles. Talk. Think of something you should be talking about. “Ahm, so, kumusta na ang negosyo mo?”

“Okay lang. We’re here.”

Sa basement parking ng building ng Sephiro Corporation na sila dumeretso ni Rath. Nagulat pa ang guwardiya na kasalukyang nagna-night inspection doon nang makita sila.

“Sir Rex, ang bilis naman ninyong nakapunta dito? Kanina lang ay nakita ko pa kayong nag-park ng sasakyan sa tapat ng Sephiro.”

“Ah.”

Iyon lang ang sinabi ni Rath bago sila tumuloy sa elevator. Napansin pa niyang nagtatakang napakamot na lang sa ulo ang guwardiya.

“Bakit hindi mo sinabing ikaw si Rath?”

“Tinatamad na akong magpaliwanag sa ibang tao.”

“Hindi mo naman kailangang magpaliwanag. Basta sabihin mo lang na hindi ikaw si Rex.”

“Gano’n na rin `yon.”

Napailing na lang si Miles. It must have been frustrating for him telling everyone he met that he was not his twin. Every time.

Nakarating sila sa thirty-first floor na hindi na nag-iimikan pa. At habang tumatagal, palabo na nang palabo ang dahilan niya kung bakit siya nagpunta pa roon. At tuluyan nang nagbago ang isip niya nang makita si Rath na nauuna nang naglalakad papunta sa pribadong opisina ng kakambal nito.

“Miles,” untag ni Rath nang lingunin siya. “Rex’s office is in this way.”

“Bumalik na tayo.” Wala itong naging reaksiyon pero alam niyang nagtataka ito sa biglaang pagbabago ng isip niya. “Bumalik na tayo. Uuwi na lang ako.”

“Naisip mo lang `yan ngayong nandito na tayo?”

Hindi na nagustuhan ni Miles ang tono ng boses nito. “Huwag mo nga akong pagsungitan, Rath. Dahil bukod sa mga magulang mo, ako lang ang nag-iisang tao sa mundong ito na hindi ka napagkakamalang si Rex.”

She didn’t know what was going on inside his mind at that moment as he stared back at her. But she knew what was going on in her mind. Ayaw niyang makikita, maririnig, o mararamdaman na nagagalit ito sa kanya. Dahil nasanay na siyang sumasang-ayon si Rath sa kanya kahit pa ang mga ginagawa nito ay taliwas sa mga sinasabi nito. Just knowing that he agreed with her at some point was enough for her. Kaya ang pakitaan siya ni Rath ng malamig na pakikitungo ay big deal sa kanya.

Kung bakit ganoon ang mga reaksiyon ngayon ni Miles, ewan niya. Basta ang alam niya, hindi maganda ang kanyang pakiramdam na makitang gaya na lang ng ibang tao ang turing ni Rath sa kanya. Dahil hindi ako basta ibang tao lang!

“Nagkakamali rin sa amin ni Rex ang mga magulang namin.”

Basta na lang niya tinalikuran si Rath at bumalik sa elevator. Nang hindi agad bumukas ang elevator ay dumeretso na siya sa hagdan.

“Miles!”

Kulang na lang ay liparin niya ang bawat baitang ng hagdan. Nakasunod na kasi sa kanya si Rath.

“Kung ang ibang tao pinagbibigyan ka sa mga kasungitan mo, ako hindi. Wala akong panahong aluin ang isang lalaking thirty-five years old na.”

“Thirty-one pa lang ako.”

“Heh!”

Hindi siya huminto sa lakad-takbong ginawa hanggang sa mapagod na rin siya.

“Sa wakas.”

Gulat na napalingon si Miles sa nagsalita. Nakaupo na si Rath sa isa sa mga baitang ng hagdan. Namumula na ang mga pisngi nito at bahagya na ring hinahabol ang paghinga dahil sa pagod. Kanina pa siya nito sinusundan?

“Ano’ng… ginagawa mo… dito?” Ngayong nakatikim ng pahinga ang kanyang katawan ay saka lang niya naramdaman ang sobrang pagod. “Hah!”

“Nagpapahinga.”

“Hah!” Kahit ibuga pa ni Miles ang hangin na parang na-stuck na sa baga niya ay hindi pa rin iyon sapat. Humawak na siya sa hamba ng hagdan para kumuha ng suporta. “Huwag ka ngang… pilosopo.”

“Magpahinga ka muna. Saka mo na ako sermunan.”

“Hindi kita…” Ang katawan na rin ni Miles ang sumuko para sa kanya. Siguro, kung nakakapagsalita lang ang kanyang katawan, minura na siya niyon. She sat on the last step of the stair. Bumaba naman sa tabi niya si Rath. “My God,” sambit na lang niya. “Ilang floors ba ang binaba ko?”

“Natin,” pagtatama nito, saka itinuro ang isang pinto na may nakasulat kung anong palapag na ang kinaroroonan nila. “Twenty-third floor. Ikaw na ang bahalang mag-calculate kung nakailang palapag tayo.”

“Bakit hindi ikaw?”

“My brain refuses to work when I’m tired.” Bahagyang napaurong si Rath nang hampasin niya sa balikat. “I’m sorry.”

Nilingon niya ito. “What?”

“I’m sorry.”

“Hah…” Tama ba ang naririnig niya? Tama ba ang nangyayari ngayon? Na ang hindi maubusan ng katwiran na si Rath Lagdameo, humihingi ng paumanhin sa kanya nang hindi ipinagtatanggol ang sarili. “You don’t have to apologize.”

“I already did.”

“You need not again.”

“I’m sorry.”

Impit lang siyang natawa. “Same here.”

“Same here what?”

“I’m sorry, too.”

“Hah…” panggagaya ni Rath sa tono niya kanina. “You can say that—” Pinaningkitan niya ito ng mga mata. “Never mind.”

Then that silence again. Pero sa pagkakataong iyon, wala na ang tensiyong namamagitan sa kanila. Nararamdaman iyon ni Miles dahil kalmado at panatag ang kanyang pakiramdam.

Kakaiba talaga ang dating sa kanya ni Rath. Halo-halo. Minsan magulo, minsan tahimik, at kalmado.

“Ayoko nang mapagkamalan pang si Rex,” mayamaya ay sabi nito. “Bata pa lang kami, gano’n na ang nangyayari. Dahil siya ang mas madaldal at malapit sa kahit na sinong tao, every time na lalabas ako, lagi na lang Rex ang naririnig kong itinatawag sa akin. Nang dahil do’n, hindi na ako makagawa pa ng sarili kong identity. Because it’s always Rex, Rex, and Rex.”

“Kaya ka ba sa Amerika na nanirahan?”

“Oo. I was in high school when I saw my first girlfriend kissing Rex. Nagpaliwanag naman si Rex na napagkamalan lang siyang ako ng girlfriend ko at hindi na nga siya nagkaroon ng pagkakataong makapagsalita pa. Naintindihan ko siya. But I had enough. So I packed my clothes and lived with my grandparents in the States.”

“At doon ka na nanirahan hanggang ngayon.”

“Nagkaroon ako ng sariling buhay doon bilang si Rath Lagdameo na walang ano mang anino ni Rex.” He sighed again. “Hindi ko sinisisi si Rex sa dinanas kong buhay dito sa Pilipinas. Hindi naman niya kasalanan na kambal kaming ipinanganak at siya ang nabiyayaan ng masayahing personality na gustong-gusto naman ng mga tao sa paligid namin. I couldn’t even blame my parents for that. It wasn’t their fault that the people around us just ignored the fact that Rex and I were completely different from each other.”

Ngayon ay mas naunawaan na ni Miles kung bakit napakaiksi lang ng pasensiya ni Rath sa mga taong napagkakamalan itong si Rex.

“Kung gano’ng naiinis ka na mapagkamalang si Rex, bakit umuuwi ka pa rin dito sa Pilipinas? Alam mo naman sigurong sikat na sikat dito ang kakambal mo dahil sa best friend niyang si Ken at ngayon nga ay ang pagkakasama niya sa Billionaire Boys Club.”

“I don’t know,” nag-aalinlangan din nitong sagot. “Siguro dahil iyon sa sinasabi mong special connection ng mga magkakambal. I always get to a point in my life where I had to see him. Kahit pa nga sandali lang iyon. At mukhang gano’n din ang nararamdaman ni Rex dahil bigla na lang din iyong sumusulpot-sulpot sa bahay ko sa Amerika.”

“Bakit? Hindi ba kayo nag-uusap sa telepono? At uso naman ngayon ang web chat sa Internet, ah.”

“Iba ang mga babae sa mga lalaki. Women express their feelings in every vocal way possible. Men in an odd way.”

“So, nagsasayang kayo ng oras at pera sa ilang minutong pagkikita ninyo na sa tingin ko, lagi lang nauuwi sa asaran.”

“We have the means and the money so why not use it?

“Oh yeah. Typical billionaire boy attitude.”

“There was just one thing that I can’t get over with.”

“What’s that?”

“When I’m with you, I always want to be Rex.”

“Ha?”

Binalingan ni Miles si Rath at matamang tinitigan. He wasn’t looking at her kaya hindi niya mabasa kung ano ang ipinahihiwatig ng mga mata nito. Hindi rin niya ma-interpret ang ekspresyon ng guwapo nitong mukha. Ang tanging alam lang niya, hindi na normal ang tibok ng kanyang puso. At lahat ng mga nangyari sa kanila sa Tarlac ay bumabalik na sa alaala niya. The teasing, the easy conversations, those certain looks from him, that certain feelings of her after he saved her from choking.

Nakatitig pa rin si Miles kay Rath nang bumaling din ito sa kanya. Lalong nagkagulo-gulo ang isip at puso niya. Kaya siguro hindi na siya nakapag-react pa nang dumampi ang mga labi nito sa mga labi niya. Saglit lang iyon pero para sa kanya ay tila kay tagal na niyon. Dahil damang-dama niya ang init at lambot ng mga labi ni Rath. Nasamyo niya ang lalaking-lalaking amoy nito na parang ngayon lang din niya naamoy kahit pa nga ilang beses na silang nagkasama. She could even see her own reflection in his eyes as she looked back into them.

Pakiramdam ni Miles ay hinihingal na siya sa sobrang lakas ng tibok ng kanyang puso. These were the complicated things that she was trying to avoid. Dahil wala siyang laban. Hindi makapag-isip nang maayos ang utak niya habang ang kanyang puso ay nagwawala na. At habang patuloy na pinagmamasdan si Rath, lalo lang tumitindi ang kakaibang kaba na iyon sa kanyang dibdib. Kaya nang muling lumapit ang mukha nito sa kanya ay umiwas na siya.

“Ahm, a-aalis na ako.” Mabilis na siyang tumayo. “Masyado nang gabi—”

“Ihahatid na kita.”

“Hindi na. Magta-taxi na lang ako.”

Miles rushed out of the door when he stood up. Saka siya naghanap agad ng elevator. Marami namang dumadaang taxi sa lugar na iyon kahit malalim na ang gabi. Nang bumukas ang elevator ay bahagya pa siyang nagulat nang mabungaran si Rex.

“O, Miles,” gulat ding bati nito. “Ano’ng ginagawa mo dito sa Sephiro? Gabing-gabi na, ah.”

“Sinamahan ko siya dito,” sagot ni Rath na nakasunod na rin pala sa kanya.

She didn’t look back at him and just fixed her eyes on Rex.

“I see.” Iba ang ibig sabihin ng ngiting iyon ni Rex pero wala naman sa kanila ni Rath ang nagtama ng kung ano mang iniisip nito. “Well, kung tapos na ang date ninyong dalawa, ang mabuti pa, sabay-sabay na tayong lumabas. Sephiro will be automatically locked any minute now.”

Tinanggap na ni Miles ang alok ni Rex. Ang gusto sana niya ay si Rex ang pumagitan sa kanila ni Rath. Pero ang nangyari, siya pa ang napagitnaan ng magkakambal. Kaya tuloy, kahit hindi umiimik sa kanyang tabi si Rath ay halos hindi na rin siya mapakali.

“Siyanga pala, Miles,” untag ni Rex. “Kung hindi ka pa nai-invite ni Rath, ako na ang mag-i-invite sa `yo para sa dinner sa bahay bukas ng gabi. Okay lang ba?”

“O-okay lang.”

“Great. O, Rath, bakit ang sama ng mukha mo?”

“Natural face ko na `to.”

Tumawa lang ang kakambal nito. Siya man ay hindi mapigilang mapangiti sa kabila ng moro-morong nagaganap sa kanyang puso at isipan.

“Ang lupit talaga ng mga simpleng hirit mo, bro.”

“Matinong sagot iyon.”

“Oo na.”

The elevator opened and they stepped out of the building lobby.

Naiwan si Rath. “Nasa basement parking ang kotse ko,” sabi nito, saka isinarang muli ang elevator.

Napapalatak na lang si Rex. “Pagpasensiyahan mo na ang isang iyon, Miles. Favorite pastime na kasi n’on ang humirit ng mga one-liner.”

“Pansin ko nga rin.”

Nag-umpisa na silang maglakad palabas ng building na iyon nang muling magsalita si Rex.

“Ayoko sanang makialam sa kung ano mang namamagitan sa inyong dalawa. Pero, Miles, puwede bang pakiingatan si Rath? Malakas lang iyong mang-asar at magsungit pero ang totoo, napakadali niyang masaktan.”

“We, ah… w-we’re not together.”

Halatang nagulat si Rex sa narinig pero hindi na nagsalita pa. Hindi na rin ito nagkomento pa nang pumara siya ng paparating na taxi. Pagpasok ay nakita niyang napalingon lang si Rex sa isa pang sasakyan na kalalabas lang ng exit way ng basement parking. At kitang-kita niyang matamang nakamasid lang sa kanya si Rath mula sa nakabukas na bintana ng nakahinto nitong kotse.

Umiwas lang ng tingin si Miles. She needed to get away from him for a while. Saka na lang niya iisipin ang lahat ng mga nangyari kapag maayos na ang takbo ng kanyang isip.

“I’m sorry, Rath…”