“R EX! REX!”
Iyon ang maririnig na ingay mula sa grupo nina Miles. Ilang minuto na kasing nawawala na naman si Rex matapos nitong magpunta sa CR para sagutin ang tawag ng kalikasan. Ang kaso, hindi pa rin ito bumabalik. Nabanggit ni Rath na may-kahinaan ang sense of direction ng kapatid nito kaya ipinasya na nilang halughugin ang kakahuyan sa di-kalayuan kung saan siguro dumeretso ang binata.
Kaya heto sila ngayon at sinusuyod ang may-kasukalang bahagi ng lupain nina Mang Kadyo, katulong ng mga sundalong kasamang dumating ni Rex.
“Faye, huwag kang masyadong lumayo at baka ikaw naman ang mawala,” paalala ni Miles sa kasama.
Si Faye nga ang babaeng kasama ni Rex na dumating doon. Natatandaan niyang ito rin ang babaeng nakausap niya ilang araw pa lang ang nakakalipas sa Dome na nagtanong kung saan matatagpuan ang crush nitong si Kenshin Arboleda. Ang ipinagtataka lang niya, kung si Ken nga ang gusto ni Faye, bakit si Rex ang kasama nito nang dumating doon? Nawalan na siya ng pagkakataong matanong ang babae dahil nagsarili na ito ng landas na tinahak para makita si Rex.
“That’s Rex’s girl.”
“No, she’s not,” kontra ni Miles sa sinabi ni Rath sa kanyang tabi. “Wala siyang sinasabi sa akin tungkol sa kanila ni Rex.”
“Hindi niya obligasyong ipaalam sa `yo ang relasyon nila.”
“Wala pa silang relasyon.”
“Not officially, maybe. Pero doon na rin ang punta n’on.”
Huminto na siya sa paglalakad at hinarap ito. “And your point is?”
“Cancel our deal. Mag-aaksaya lang tayo ng oras kay Rex.”
“Ako lang ang magsasabi kung ikakansela ko o hindi ang napagkasunduan natin, Rath. Dahil ako ang nanalo sa pustahan natin. And I say as long as Rex is still single, I still have my chance with him. Got that?”
“No.”
“Oh, shut up.”
Nagpatuloy na si Miles sa paghahanap. Sumunod naman ito.
“I’m telling you, Miles,” sabi pa rin ni Rath. “Masasayang lang ang oras mo sa paghahabol kay Rex.”
“As long as he’s still single, may pag-asa pa ako.”
“Single but not available anymore.”
“I’m not listening to you.”
“Faye’s in love with him.”
Natawa lang siya. “Rex doesn’t love her.”
“How can you be so sure?”
Binali ni Miles ang sanga ng puno na nakaharang sa daraanan niya. Nang hindi man lang iyon naputol ay nanggigigil niya iyong pinag-initan hanggang sa ang buong sanga na mismo ang matanggal sa katawan ng puno.
“Rath, puwede bang kahit minsan sa buhay mo, gumawa ka naman ng kabutihan sa kapwa mo?”
“Kanino?”
“Sa akin. Puwede bang tumahimik ka na lang tutal naman iyon ang expertise mo? Hayaan mo namang mangarap ako at matuwa sa pangarap kong iyon.”
Sa wakas ay nagkaroon na rin ng katahimikan sa pagitan nila. Malakas pa rin kasi ang tiwala ni Miles na wala namang nararamdaman si Rex kay Faye. Although it was obvious enough that Faye had fallen in love with him. Kung iyon lang ang ipagmamalaki ng babae, well, kaya rin niya iyon. Hindi niya maituturing na kaibigan si Faye kaya may karapatan siyang magmaldita pagdating sa lalaking parehong espesyal para sa kanila.
Tutal, pagdating naman sa usaping pampuso, lahat ay pantay-pantay. Lahat ay may pagkakataon.
Napalingon si Miles kay Rath nang makarinig ng ingay. Nakita niyang tinatalon nito ang bunga ng puno ng suha.
“Rath, what the hell are you doing?”
“Hindi pa ako nakakatikim ng suha na ako mism o ang pumitas.” Nang hindi magtagumpay ay tumayo ito sa ilalim ng pinupuntiryang bunga at parang nag-isip ng panibagong strategy kung paano iyon makukuha.
“Rath, naiisip mo ba na ang kakambal mo, eh, nawawala pa rin hanggang ngayon at baka nakagat na iyon ng ahas o tigre?”
“Ang bilis naman nating makarating sa Africa.”
“Huwag ka ngang pilosopo. At puwede bang kalimutan mo muna ang tawag ng sikmura mo? We still have to find your brother.”
“There’s no need. Maayos na siya.”
Nagpamaywang si Miles. “At paano mo nalaman `yan, eh, nandito ka lang at mas iniintindi pa ang mga anaconda mo sa tiyan?”
“Remember that special connection about twins you’re telling me about? Well, now I can feel he’s all right. Nakita na siguro siya ni Faye.”
“What?!” Hindi puwedeng magsolo ang dalawang iyon! Kung hindi, baka nga magkatotoo ang pangitaing isinasalaksak ni Rath sa isipan niya.
“Teka lang.” Nahawakan na siya ni Rath sa braso bago pa siya tuluyang makalabas ng kagubatang iyon. “Tulungan mo muna akong makuha ang bungang iyon.”
“You’re a billionaire boy, Rath. Bakit ka magpapakahirap na mamitas pa ng bunga kung kaya mo namang bumili ng kahit ilang kaing niyon?”
“I never picked a fruit from a tree in my entire life. Let’s just say that I want to experience it before I die.”
Natigilan tuloy siya nang wala sa oras. “Y-you’re dying?”
“Well, everybody dies, don’t they?”
Sa inis ay hinampas lang ito ni Miles ng madahong bahagi ng pinanggigilang sanga kanina. Pagkatapos ay binawi na niya ang braso.
“Maghanap ka na nga ng mahabang sanga, saka mo sungkitin iyang pinakamamahal mong bunga.”
“Wala na tayong oras para maghanap ng panungkit. Baka maiwan na tayo ng chopper.”
“Then forget about that damn fruit.”
“I have a better idea.” He squatted in front of her. “Sit on my shoulders.”
“Baliw ka ba?!”
Napabuntong-hininga na lang ito. “Gusto mong tulungan kita kay Rex, hindi ba? Kung gano’n, tulungan mo muna ako ngayon.” Tinapik pa nito ang balikat. “Hurry up.”
Narinig na ni Miles ang kumpirmasyon ng pagtulong ni Rath sa kanya. Kaya pinagbigyan na lang niya ito. Malapad at matatag naman ang mga balikat ng lalaki kaya kahit paano ay nabawasan ang kaba niya nang sumampa siya rito. He grabbed both her legs as he started getting up. Napahawak siya sa buhok nito.
“Stop pulling my hair, Miles.”
“Eh, sa nalulula ako.” She wasn’t really afraid of heights.
Hindi lang talaga niya inaasahan na iba ang magiging pakiramdam niya sa paglapat ng maiinit nitong mga kamay sa kanyang mga binti. Napapansin ni Miles na ganoon lagi ang kanyang nararamdaman sa mga pagkakataong hindi niya inaasahan kapag nagdidikit sila ni Rath. Naiilang siya na hindi maintindihan. Ewan niya kung bakit nangyayari iyon sa kanya. Basta, bigla na lang niyang mararamdaman iyon sa iba’t ibang pagkakataon. Kaya sigurado siyang hindi lang iyon nangyayari tuwing nagdidikit sila ni Rath.
“Abutin mo na,” utos nito.
Doon lang tila natauhan si Miles. Inabot niya ng dalawang kamay ang bunga na malapit sa ulunan niya at hinila iyon.
“Aw!” The fruit landed on her head, then it dropped on the ground. “Siguro naman ngayon, kontento ka na?”
“Hang on. Ibababa na kita.”
Pero bumubuwelo pa lang si Rath na maka-squat uli nang maayos nang sumulpot naman mula sa kung saan ang magkahawak-kamay pang sina Rex at Faye. Pare-pareho silang natigilang apat.
“Okay…” sambit ni Rex na nangingiti na lang. “Kapag tapos na kayo sa kung ano mang pinagkakaabalahan ninyo, sumunod na lang kayo agad sa chopper. Lantis called, Rath.”
“Business?”
“No. Ken. It seems tatlong araw na ring nawawala ang isang iyon at ngayon lang nalaman ni Lantis. Tinawagan daw ni Ken ang sekretarya niya at ipinaalam kung nasaan siya. He was asking if we could pick up his cousin on our way back. Nasabi ko kasi sa kanya na papunta ako sa Tarlac para sunduin ka.”
Tumango lang si Rath. Pagkatapos ay nauna nang umalis ang kakambal nito kasabay si Faye na nagbubulungan pa.
“Oh no,” sambit ni Miles nang sa wakas ay magawa na niyang makatapak uli sa lupa. “Iniisip nilang may namamagitan sa atin.”
“This looks fine.” Hawak na ngayon ni Rath ang nakuha nilang bunga ng suha. “Let’s go.”
“Rath!”
“Yes?”
“Iniisip nilang may namamagitan sa atin!”
“Yes. So?”
“Ah! Ano ka ba? Alam mong hindi puwede `yon! Ano na lang ang iisipin ni Rex? Paano pa niya ako magugustuhan kung—”
“Simple. If he likes you, he wouldn’t care a damn thing about what he just saw. If not, he’ll walk out of here holding hands with another woman. Oh wait. He just did that.”
Hinihingal na si Miles sa sobrang emosyong nararamdaman nang mga sandaling iyon. Pero sa kabila niyon, wala naman siyang galit na makapa sa dibdib para sa lalaking ito. Naiinis lang siya sa kawalan ni Rath ng interes sa pakikipagsapalaran niya sa pag-ibig. Kaya ipinasya niyang sumunod na lang sa chopper nang hindi na nagsasalita pa.
Magkahiwalay silang nagpaalam sa pamilyang kumupkop sa kanila. Nangako siya sa sarili na babalik doon balang-araw para tumanaw ng utang-na-loob. Nakita rin niyang inutusan ni Rex ang dalawang sundalo na siyang magbabalik ng kotse nito sa Maynila habang sila ay papunta naman sa kinaroroonan ng kaibigan nito.
Inside the chopper, tahimik lang si Miles sa isang tabi habang tinatanaw sa labas ng bintana ang luntiang paligid sa ibaba. Ni hindi na niya sinubukang ibaling ang mga mata sa mga nangyayari sa loob ng chopper dahil alam niyang makikita lang na masinsinang nag-uusap sina Rex at Faye. Ang tanging hindi lang niya maiwasang tingnan ay ang nasa katapat na upuan na si Rath dahil napupuno na ng amoy ng suhang nilalantakan nito ang loob ng chopper. Kunot-noo na lang siyang napangiti. Mukhang bulok na pagkain lang ang tatanggihan nitong kainin.
Napatingin sa kanya si Rath at inalok siya ng isang piraso ng kinakain nito. She took it and put it straight into her mouth. Halos maihi siya sa kinauupuan dahil sa pinaghalong pait at asim na lasa niyon. Sinipa niya ang binti nito.
“Bakit hindi mo sinabing ganito pala ang lasa nito?”
“Hindi ka naman nagtanong.”
Muling sinipa ni Miles ang lalaki pero sa pagkakataong iyon, iniiwas na nito ang binti. Iniluwa na lang niya ang kinain dahil hindi talaga niya matiis ang lasa.
“Wala ka talagang patawad. Pati bubot, pinatulan mo.”
“Sayang kung itatapon lang. Isa pa, ikaw ang kumuha nito.”
“Ikaw ang nagturo sa akin na iyan ang kunin ko.”
“I was pointing at the one on top of it.”
“Bakit hindi mo nilinaw?”
“Nilinaw ko. Hindi ka lang nakikinig.”
“Kailan ka ba mawawalan ng isasagot?”
He offered her another piece. “Gusto mo pa?”
Hindi na nakasagot si Miles dahil narinig na niyang nagtawanan sina Rex at Faye. They were now sitting close together.
“Ang cute ninyong tingnan na dalawa,” sabi ni Faye. “Daig n’yo pa ang magkasintahan na naglalambingan.”
“Oo nga,” segunda ni Rex, saka umakbay kay Faye. “Daig n’yo pa kami.”
Aray! ngawa ng puso niya. Aray, naku!
Walang sabi-sabi, binato ni Rath ng malaking tipak ng hawak nitong suha ang kakambal. “Shut up, Rex.”
“Sir, nandito na ho tayo,” sabi ng piloto.
When she looked down from the window, agad niyang nakilala ang lugar na iyon.
“Kina Avon ito, ah.”
“You know this place?” tanong ni Rex. “Ang sabi ni Lantis nang tumawag siya sa akin, kasama daw ni Ken si Avon. Kilala mo siya?”
“Si Avon? Oo, we’re childhood friends.”
“Really? Ang liit talaga ng mundo, ano? So, bakit nga pala kayo magkasama nitong si Rath?”
“None of your business,” sagot ni Rath.
“Lagi naman, eh. Miles, kung ako sa `yo, mag-iingat ka diyan sa kakambal ko. Mas masama `yan kaysa sa akin.”
“Alam ko,” nakangiti niyang sagot. Sa maikling sandali ng pag-uusap nilang iyon ni Rex, naramdaman niya ang muling pagbangon ng pag-asa sa kanyang dibdib na makuha na rin sa wakas ang atensiyon nito.
Kung ano ang mga paraan niya, pag-iisipan pa niyang maigi.
Her eyes flew back to Rath’s serious handsome face and her smile faded. Heto na naman ang paraan ng pagtingin nito sa kanya. Iyon bang tipo na hindi niya matagalan at lalong hindi magawang salubungin ang mga mata nito. Dahil may kung ano sa titig ni Rath na nakakapagpabilis ng tibok ng kanyang puso. Pero ni minsan ay hindi niya na-associate ang mabilis na pagtibok na iyon bilang takot.
Excited and a bit giddy, those were the exact words that Miles would come up with to describe her feelings.
Things were really getting complicated.